"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6

5.4K 261 41
By SsweetySakura

[=A=]:

Halos tulala ang lahat nang mga tao sa loob ng Génail Akademya dahil sa nangyari.

Nagising na lamang sila bigla dahil sa isang napakalakas na Enerhiyang kanilang naramdaman kaninang madaling araw.

Ang nakapagtataka lamang ay hindi nila matukoy kung kanino ito nag mula sapagkat parang kusang nag sara ang kanilang mga kapangyarihan at mahika na ikinaba nila dahil kahit kailan ay hindi pa naging ganun ang reaksyon ng kanilang mga mahika na parang kusang natatakot ito sa hindi nila malaman ang dahilan.

Ang mga Prinsipe at ang mga Prinsesa naman ay kinakapos sila ng kanilang mga hininga dahil pilit nilang nilalaban ang napakalakas na Enerhiyang kanilang naramdaman pero kahit anong gawin nila ay kusa nalang bumabagsak ang kanilang mga katawan at nawawalan ng lakas.

Buong akala nila ay sila lamang ang nakaramdam sa Enerhiyang iyon pero taliwas sa kanilang ka alaman ay halos ang buong Kaharian ng Llum ang nakadama sa Enerhiya lalong lalo na ang mga may dugong bughaw.

Takot at pangamba ang naramdaman ng mga hari at Reyna dahil baka galing ito sa Kaharian ng Kasamaanian na lubos nilang pinag darasal na sana ay nagkakamali lamang sila sapagkat alam nila sa kani-kanilang sarali na kahit anong gawin nila ay hindi sila mananalo kung sakaling makipag digmaan man ang mga ito laban sa kanila.

Ang priestess naman ay masama ang tingin sa kanyang mga tagapag lingkod nang makita niyang nag-alala itong naka tingin sa kanya lalo nang hindi niya nakita ang lalaking gusto niya.

Inasahan pa man niyang susulpot sa kanyang harapan ang lalaki habang nakapaskil ang pag-alala sa mukha nitong nakatingin sa kanya subalit ay bigo siya.

Isa pa galit din siya sa kung sino man ang may nag mamay-ari sa enerhiyang iyon dahil ayaw niyang may mas malakas pa sa kanya mapa taga kasamaanian man ito o taga Llum.

Kahit nanghihina siya dahil nilabanan niya ang enerhiyang iyon ay pilit niya itong itinatago sa kanyang mga tagapag lingkod at taas noo parin siyang nagmamatapang upang ipakita sa mga ito na walang makakapantay sa kanyang mahika at kapangyarihan.

Gusto niya kasing siya ang sasambahin ng lahat ng mga tao sa buong mundo at gusto niyang luluhuran siya ng lahat lalo na ang lalaking gusto niya.

.

.

Sa Kaharian naman ng Kasamaanian ay nabulabog ang lahat dahil naramdaman din nila ang napakalakas na Enerhiya na ikinabahala din nila sapagkat baka nag mula ito sa Kaharian ng Llum.

Mas lalo pa namroblema ang nag sisilbing hari at namumuno sa kaharian ng Kasamaanian sapagkat kung sakaling galing talaga ito sa kaharian ng Llum ay wala na silang magagawa pa at mas lalong hindi nila matutuloy ang kanilang mga plano laban sa Kaharian na ito kung lubusan na sila nitong puksain.

Galit,poot at pangamba ang nararamdaman ng lahat ng mga namumuno sa bawat Kaharian dahil sa malakas na enerhiya pero isang lalaki lamang ang tila aliw na aliw sa pangyayari sa paligid.

"You're so amazing, my baby."

.

.

.

.

.

.

.

[=Miragh=]:

Tulala ako habang inaayusan ni Radya at Navah.

Kahit sa pag ligo ay hinayaan ko nalang silang samahan ako dahil sa gulong-gulo parin ang isipan ko na tila wala akong lakas na kumilos at gumawa ng kahit ano sa aking paligid.

Hindi ko lubos maiintindihan ang mga nakita ko at mga nalaman ko sa aking napanaginipan at lalo nang tila nandun ako sa nakaraan pero nandito ako sa kasalukoyan.

Nakaka baliw, nakakatuliro idagdag pa yung boses ng babaeng tumatawag sa akin na 'Ria' sino ba siya at bakit parang takot na takot si Niavh sa kung ano ang gagawin nito.

Hindi ko din alam kung paano gagamutin ang mga pinsala sa katawan nina Navah at Radya.

Alam kong sobrang sakit nito dahil napapangiwi sila kahit sa kaunting galaw lang pero hindi nila ito pinag bigyang pansin basta masamahan lang nila ako.

Napahilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko.

Para na talaga akong mababaliw idagdag mo pa yung hanging naglaro sa aking silid.

"Matagal ka naman talagang baliw."

Napaiktad ako sa gulat ng may marinig akong boses sa aking isipan.

"Sino ka?"

Inilibot ko agad ang aking paningin sa buong silid upang hanapin ang nag sasalita pero napaatras naman ang ulo ko palayo sa mukha ni Radya ng bigla niya itong ilapit sa aking mukha.

Nakakagulat naman ang babaeng ito.

Gusto niya ba makipag laplapan sa akin?

"A-ako po si Radya, mahal na Prinsesa. Nakalimot po ba kayo ulit?"

Napakunot ang noo ko sa kabaliwan nitong babaeng Radya at binabaliwa ko lang ang naiiyak niyang mukha na nakatingin sa akin.

Patuloy ko naman inilibot ang aking paningin at hinahanap ang boses ng babaeng yon.

"Hahaha. Kausapin mo lang ako gamit ang iyong isipan dahil mukha ka talagang baliw. Hahaha."

Nandilim naman ang paningin ko ng pamilyar na sa akin ang boses ng babae sa aking isipan.

"Bwesit ka, bakit may pa iba-ibang boses ka pang nalalaman. At magpakita ka nga sa akin ng maputol ko ang pakpak mong madamot ka."

Akala ko ibang boses na naman ang naririnig ko dahil sobrang liit ng boses niya na parang isang biik na sinakal ang leeg gamit ang paa.

"Ayaw ko nga, Isa pa hindi mo pa kayang kontrolin ang mahika mo kaya hindi mo ako mapapalabas at ayaw ko rin lumabas."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.

Ako may mahika? Kailan pa?

Dahil sa pagkakaalam ko parang wala naman.

"Ayos lang po ba kayo Prinsesa Xhandria?"

Napa angat naman ang tingin ko ng magsalita si Navah sa aking tabi.

Tumango lamang ako at sinabing ayos lang at sinabihan sila na ituloy nalang ang kanilang ginagawa.

Kita ko naman na nakahinga ng maluwang si Radya na hindi ko nalang pinagbigyang pansin dahil abala ako sa kakaisip sa sinabi ni Niavh.

"Merun, kasi after all isang anak ng mga healers si Zemiragh lalo na ikaw kaya huwag kang tanga."

Binabaliwa ko nalang ang sinabing pang insulto nito sa akin dahil sa nabigla ako sa pag salita nito ng isang lengwahi sa dati kong mundo.

"Alam mo rin ang Godsage?"

Manghang tanong ko sa kanya dahil ang gandang pakinggan ng accent niya para siyang British na may muta sa gilagid.

Ngayon ko lang din namalayan na Godsage or English din pala ang gamit nong babaeng tumatawag sa aking 'Ria'."

"Ay Tanga. Syempre dahil ito ang sinaunang Lengwahi sa mundo ng MoeMoeā. Ito din ang Lengwahi ng mga powerful guardian spirits. Gods and Goddesses. Kung sa dati mong mundo ay English ang tawag, dito naman ay Godsage o Gods language syempre isa din akong powerful Goddess kaya alam ko talaga."

Pero bakit si Giro ay hindi naman English ang ginamit. Diba Guardian spirit din naman siya?

Pero nakakapag taka naman kung akit alam din nitong Niavh na ito at nong Priestess ang lengwahing Godsage kung para lang naman pala ito sa mga makapangyarihang tagapangalaga ng Espirito at sa mga Dyos at Dyosa.

"Ammpp. Tanga ka ba o nambubwesit lang? Diba sabi ko sayo isa akong Dyosa? Tapos si Giro naman ay isang alagad lamang sa mga powerful guardian spirits at yung feeling powerful na priestess na iyon ay feeling lang siya."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa paliwanag niyang walang kwenta patungkol sa priestess na iyon.

Baka pareho silang feeling pero nakakinis na talaga siya.

"Bakit ba kanina ka pa tanga ng tanga sa akin? Namumuro kana ahh."

Bwesit talaga ang madamot na bruha na ito sarap isako.

"Kasi kung hindi ba naman ikaw talagang tanga eh sana hindi maging ganito ang pangyayari. Buti nalang ay nakaya ko pang propektahan ang dalawa mong alalay kahit nahihirapan ako dahil sa tulog ang aking host o vessel dahil kung hindi ay baka matagal na silang patay."

Ganun nalang ang pagtambol ng puso ko dahil sa kaba sa aking mga nalaman.

Muli kong tinignan ang hitsura nina Navah at Radya na nasa aking tabi habang inaayos ang aking suot at ang aking buhok.

Pero bakit marami paring pinsala sa kanilang katawan kong naprotektahan sila.

"Kasi po Tanga, sobrang lakas ng Enerhiyang pinakawalan mo isa pa pati buo mong silid ang prinotektahan ko para hindi madamay ang iba. Hindi maging sobrang mabisa ang mahika ko kung tulog at hindi ko makakausap ang pag aalalayan ko nito. Hmmppp."

Ramdam ko ang inis sa kanyang boses na ikinahinga ko naman ng maluwag dahil sa kanyang mga ginagawa para sa mga nakapalibot sa akin.

"Salamat Niavh, pero paano ko sila mapapagaling?"

Hindi naman ako ganun ka sama na hindi marunong mag tanaw ng utang na loob sa mga nakagawa ng kabutihan sa akin.

"Pwede mo lang silang tignan at isipin na mawawala ang pinsala sa kanilang katawan pero dahil mahina pa ang iyong pang indibedwal na kapangyarihan lalo na at hindi mo pa kayang kontrolin ang iyong mahika ay hawakan mo nalang ang kanilang mga kamay at pakiramdam mo ang Enerhiya na nagmula sa iyong puso at hayaan mo itong dumaloy sa iyong katawan hanggang sa iyong mga kamay."

Sinunod ko ang payo niya at kinuha ang kamay ni Navah at Radya na ikinabigla nila pero hinayaan lamang nilang hawakan ko ito.

Pumikit ako para mas maramdaman ko ang Enerhiyang kanyang sinabi.

Pagkalipas ng ilang sigundo ay naramdaman ko ang isang magaan at mainit na pakiramdam sa aking puso at parang may isang mainit na tubig naman ang dumaloy mula dito hanggang sa buo kong katawan patungo sa aking mga kamay.

Iminulat ko ang aking mga mata upang makita ang pangyayari at ganun nalang ang gulat at mangha ko ng sa halip na isang kulay berde ang inaasahan kong lalabas ay parang usok ay kulay gonto ito na may halong asul at pilak.

Sobrang gandang pagmasdan nito dahil nag mimistulang isang kumikinang na maliit na sinulid na yari sa tubig ang lumabas sa aking mga kamay papunta sa kamay nila Navah at Radya pero bakit parang katulad lang ito nong minsang hinawakan ko rin ang kamay ni Radya noon.

Imporible naman siguro dahil hindi ko pa alam kung papaano gamitin ang mahika ni Miragh.

Inalis ko nalang sa aking isipan ang kaganapan noon at ipinagpatuloy nalang ang paggamot kay Radya at Navah.

Kita ko ang gulat at mangha sa kanilang mga mata habang nakatingin sa aming mga kamay na magka hawak.

Kitang kita ko rin ang unti-unting pagkakawala ng mga itim sa kanilang mga katawan na ikinamangha ko pero ang mas higit na ikinamangha ko ay kuminis at pumuti ang kanilang mga balat at tila may dugong maharlika na ang nanalaytay sa kanilang mga dugo.

"Woaahh, hanep.. Hindi ko akalain na maging ganito ang kapangyarihan at mahika mo lalo na ang kulay na lalabas. Pati narin ang hitsura nito at higit sa lahat ay sigundo mo lamang itong nagawa kahit bago mo palang ito naipalabas. Manang-mana talaga sayo ang kapangyarihan mo. Isang napakagandang ABNORMAL."

Napapout naman ako dahil sa pagkamangha niya na may halong pang insulto.

Nakaka bwesit talaga.

"P-papaano niyo po nagawa iyon mahal na Prinsesa?"

"Oo nga po Mahal na Prinsesa, sobrang nakakamangha po ang mahika niyo pero sobrang kakaiba din po ito. Lalo na sa hitsura, kulay at sa pakiramdam." Pagtataka, gulat, mangha, katanungan at kalituhan.

Yan ang mga nakikita ko na naka paskil sa mga mukha nina Navah at Radya habang naka tingin sa akin.

"Hindi ko alam pero pwede bang walang makaka alam nito maliban lang sa atin na nasa silid na ito?"

Kahit ako ay nalilito din at nadagdagan na naman ang mga katanungan sa aking isipan na ikinagulo ko sa buhok ko.

"Ay Prinsesa Xhandria naman, bakit niyo po ginulo ang buhok niyo eh hindi pa nga kami tapos sa pag aayos."

Busungot na sabi ni Radya sa akin at mabilis na hinawakan ang mga kamay kong nasa aking buhok at inalis mula dito.

Rinig ko ang paghagikhik ni Navah kay Radya dahil alam kong si Radya lamang ang nag aayos sa buhok ko mula pa kanina.

"Huwag mo ako tawanan Navah at tulungan mo nalang ako dito dahil sa ilang minuto nalang at mahuhuli na ang ating mahal na Prinsesa Xhandria sa kanyang klase, eh hindi pa nga iyan nakaka kain ng kanyang almusal."

Parang nanay na sabi ni Radya kay Navah at ngiti-ngiti namang bumalik si Navah sa aking likod at tinulungan nalang si Radya sa pag ayos ng aking buhok.

Dahil sa kanilang mga pinsala sa kanilang mga katawan kanina ay halos hindi na sila makakilos ng maayos at kita ko sa kanilang mga mata ang sakit na kanilang iniinda pero ngayon ay tila naka lunok naman sila ng isang sakong ingrown dahil sa liksi.

"Salamat nga pala sa inyo."

Nakangiti akong humarap sa kanilang dalawa na bigla kong ikinangiwi dahil sa bigla nalang akong dinamba ng isang mahigpit na yakap ni Radya habang humihikbi.

"Naka alala ka naba mahal na Prinsesa? Naalala mo naba ang tamang pag uugali mo? Naalala mo naba ang lahat? Hindi ka naba baliw?"

Mabilis ko namang tinanggal ang mga kamay ni Radya na naka yapos sa akin at malamig kong siyang tinignan na ikinaurong ng mga luha niya at kita ko ang pamumutla sa kanyang mukha.

Habang si Navah naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa akin.

Parang temang.

"Isa pang baliw na lalabas sa bibig mo Radya ay hindi ako mag dadalawang isip na sisipain kita papuntang Mars."

Kita ko namang tumango-tango lamang ito na mas ikinadilim ng paningin ko.

Saan ba ito sasang-ayon sa muling pag sabi ng baliw sa akin o sa sisipain ko siya papuntang Mars?

"Kala ko din ay gumaling na siya."

Bulong ni Navah na hindi naka takas sa aking pandinig.

Binalingan ko naman ito at tinignan ng masama.

"May sinasabi ka ba Navah?"

Bwesit akala ko iba ang iniisip nito pero mag kasing utak lang pala sila nitong may saltik na Radya.

Umiiling lang ito at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng silid.

Sumunod narin agad si Radya sa kanya na medyo namumutla pa ang kanyang pagmumukha.

"Bwesit."

Inis kong tinignan ang pintuan sa aking silid kung saan lumabas ang mga langyang babae.

"Hahaha. Sabi na eh baliw ka talaga. Wahahaha."

Rinig ko ang malakas na halakhak ni Niavh sa aking isipan na mas lalong ikinasama ng timpla ko.

"Tumahimik kang bruha ka kung ayaw mong sunugin ko ang bulbul mo."

Inis kong pinulot ang gamit kong pang-aral na nasa sahig at padabog na nilisan ang aking Dorm.

.

--------------

Continue Reading

You'll Also Like

40.1K 5.2K 118
Kenni and Snow died together by felling from a rooftop building while fighting with each other. At the same time they both were reincarnated in a dif...
148K 5.6K 56
Zecchea Zachariah is an orphan enchantress. Hindi nya nakilala ang mga magulang nya simula pagkabata ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang dal...
Blood By Morrigan Dierdre

Mystery / Thriller

7.3K 360 51
What if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20
212K 6.9K 44
[ Unalome Series #1 ] The book of Prophecy itself saids the Goddess of Everything will rise as a mortal every path she choose is stained with tears...