*Continuation of flashback*
"About your wish, my princess." pambasag ni dad sa katahimikan habang kumakain kami ng dinner.
"What wish?" Tanong ni mom. Nginitian ko nalang siya.
"Nikki asked me to buy her a car and I think I have to grant her wish." he said while smiling.
"OMG! The best ka talaga dad!" I stood up and hugged him.
"Alliah Nichole Wilson Saavedra!" Oh my- nakakatakot talaga so mommy pag tinatawag niya ko sa buo kong pangalan. Feeling ko may monster dito sa bahay pag ganyan siya.
"I didn't know about that! We need to talk later and-"
"Hi mom." singit in kuya.
Yes! My savior. Salamat nalang sa maganda mong timing kuya. Kahit kelan yang singit mo nayan nagsasagip sakin sa kapahamakan lalo na sa galit ni mommy. Kaya love kita e.
"Oh Carl, 'bat ngayon ka lang? Sit down and eat dinner with us." sabi ni dad.
"Um... Mom, dad, may kasama po ako." pagaalinlangang sabi ni kuya. He looks like he's nervous.
"Ha? Who?" Sabay na sabi nila Mom and Dad.
"Si Dana po." then Dana came out from his back. Si Dana nga! As in Dana Shane Gomez! Ang anak ng kaaway at kalaban ni dad sa politics. Oh no! Di to maganda. Alam kong galit talaga si dad sa pamilya nila at patay talaga si kuya mamaya.
Bakit siya nandito? Di ba siya natatakot na baka kung ano ang magawa ni dad sa kanya?
"And dad, we need to talk." dagdag ni kuya.
"I think dapat mamaya niyo na pag-usapan kung ano man ang kailangan niyong pag-usapan... Come and eat with us first." singit ni mommy. Alam kong galit na si dad dahil makikita mo naman iyon sa mukha niya. Sana naman walang away na maganap.
"Hija, kain ka muna." saka siya tumingin kay Dana at ngumiti.
"Manang, mag labas ka naman ng extra plate jan."
- - - - - - - - -
"CARL! WHAT DID YOU DO!?" Galit na galit na sigaw ni dad.
"You know who she is!" I heard him screaming when I passed his room. I was supposed to go to my room pero narinig kong sumisigaw si daddy kaya huminto ako at pinakinggan sila.
"But I love her, dad." my brother pleaded.
"Sa lahat ng babaeng mabubuntis mo, siya pa!? Is a itong kahihiyan sa pamilya, Carl!"
"Kahihiyan? Dad, all this time I followed all your stupid rules. Ginawa ko ang LAHAT ng gusto mo! I'm like a robot na lagi mong kinocontrol, but this time dad, ako naman ang pakinggan mo! Please, dad!"
"NO! I cannot accept that f*cking creature in this family!! Ayokong malahian ng pamilya nila ang pamilya natin!"
My dad was yelling on the top of his lungs. I decided to come inside the room. When I opened the door, I saw my kuya is crying.
"Dad... Please." ngayon ko lang nakitang umiiyak so kuya ng ganito. Ganon ba talaga kaimportante so Dana sa buhay niya? Sa nakikita ko ngayon e sobrang mahal talaga ng kuya ko si Dana.
"Kuya.." unti-unting pumatak ang luha ko sa aking mukha.
Ayokong nakikita si kuya ng ganito. Nasasaktan din ako dahil mahal ko ang kapatid ko.
"Dad.." tumingin ako sa kanya at nakikita ko talaga ang galit sa kanyang mukha.
Si daddy, ngayon ko lang din siya nakita ng ganito. Nasanay kasi ako na ang lagi kong nakikita at ang masayang mukha niya. Maipapaliwanang ko ang mukha niya ngayon sa isang salita lang. NAKAKATAKOT. Oo, nakakatakot siya ngayon. Ni hindi ko naisip na kayang maging ganito ng daddy ko.
"Dad, remember na ama na din ako ngayon.. And I want to be a good father just like you. Alam mo naman siguro how I feel, how this feels. Ayokong talikuran ang responsibilidad ko sa anak ko at sa babaeng pinakamamahal ko." pagmamakaawa ni kuya.
"I have to send you to America again to forget that b*tch." Pagmamatigas na sagot ni dad.
Pagkarinig ni kuya ang salitang iyon, nag-iba ang aura niya. Napuno ng galit ang mukha niya.
"Dad, did you just call her a B*TCH!? I can't imagine that you can act like that. Mabuti pa dad na umalis nalang ako sa pamilyang to. Tutal naman parang wala din ako dito kasi puro si Nikki nalang ang napapansin niyo.. Si Nikki nalang lagi ang magaling at ako.. Ako puro kahihiyan ang dala sa pamilya na to. Diba ganon naman talaga ang tingin niyo sakin, dad?" Nanggigigil na sabi ni kuya.
"Mabuti nga siguro umalis ka na sa bahay na to." Hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha na umagos mula sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa mga nakikita ko at naririning ko . Ayokong nagkakaganito ang pamilya ko.
"KUYA! DAD! Please! Stop this stupid fight! Sh*t I can't take this anymore." I got out and ran away from them para matakasan ko ang pinakakinatatakutan kong mangyari..
All this time I knew that kuya and Dana are having a relationship kasi nakita ko sila minsan sa isang restaurant na magkasama. And I can see in their eyes that they're in love kaya naman hindi na ako humadlang pa sa kanila. I don't want to spoil my brother's happiness.
- - - - - - - -
"Hi miss." sabi ng isang lalaking bigla nalang sumulpot dito sa tabi ko. Gwapo siya kaso mukhang manyak. Eww.
Nandito ako ngayon sa isang bar.. Bar na pagmamay-ari ng kapatid ng boyfriend ko.
Maingay, magulo, madaming tao. Bakas sa kanilang mga mukha na masaya sila. Nag-eenjoy sila samantalang ako nandito sa isang gilid at nagpapakalunod sa alak. Gusto ko kasing makalimutan kahit ngayong gabi lang ang nangyaring problema sa bahay. Alam niyo yung pakiramdam na nasasaktan ka dahil nag-aaway ang dalawa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay niyo? Ganun kasi yung nararamdaman ko ngayon eh. Ang sakit.. Sobrang sakit.
"Hi miss." inulit muli nung lalaki yung sinabi niya kanina. Bahala siya jan. Wala akong pakialam kahit kanino man dito sa bar.
"Alone?" Dugtong niya.
"May nakikita ka bang kasama ko ngayon?" Sarkastikong sabi ko. Nakakabwiset naman kasi 'tong lalaking to eh.
"Wala." sagot niya.
"Eh wala naman pala e. 'Bat nagtatanong kapa!?" Sagot ko sa kanya sabay irap.
"Ang sungit mo naman miss."
Inirapan ko siya ulit. Wala kong pakialam sa kanya. Di ko nga alam kung bakit ako nakikipag-usap sa taong to eh wala naman siyang kwenta.
"Wala kang pakialam. Eh sa gusto kong magsungit sa walang kwentang tao e, may magagawa ka ba!?" Sagot ko sa kanya. Isa nalang bibirahin ko na talaga tong hinayupak na to.
"Yabang mo ah! Baka basagin ko mukha mo tapos iyakan mo lang ako."
"Ano ako, bata?" Saka ako ngumisi.
"Wag mo nga akong itulad sa gawain mo." Dagdag ko.
Napatayo ako nang hablutin niya ang leeg ko. Kinuha ko ang baso ng alak at ipinalo ito sa ulo niya.
"F*ck!!" nangiwi siya at tinanggal ang ilang butil ng bubog sa ulo niya. Akmang sasakalin na niya ko ng may biglang pumigil sa kamay niya.
"Dude, girlfriend ko yata yang hawak mo." Girlfriend? Di naman siya si Ian para maging boyfriend ko ah.
"Anong girlfriend ang pinagsasabi mo? You're not my boyfriend, you stupid loser."
"Hindi ka naman pala boyfriend e! Kaya manong, umalis ka na, ako unang nakikita sa kanya kaya akin to!"
"Manong? Sa tingin mo ako pa ang manong dito sating dalawa? Nahiya naman yang mukha mo!"
Bigla niyang sinuntok yung lalaki kaya natanggal yung pagkakasal niya sa leeg ko.
"Let's go." Saka niya ko hinila papalayo dun sa lalaki. Tumakbo kami hanggang makarating kami dito sa parking lot ng bar.
"Who are you!? Bakit mo sinabing boyfriend kita? Are you stalking me?" Sigaw ko sa kanya.
Nagpupumiglas pa din ako sa pagkakahawak niya. Nakita ko siyang ngumisi dahil sa sinabi ko.. Kainis ang YABANG!
"Ang dami mo namang tanong miss. Pwede bang manahimik ka nalang!?"
"Answer my question nalang kaya! And please naman.. Please lang stop holding my hand!"
Aba't mas lalo pa niyang hinigpitan hung pagkakahawak sa kamay ko! Leche.
"Who are you!?" Pilit ko pa ding tinatanggal sa pagkakahawak niya nung kamay ko pero mahigpit talaga kaya eto, di ko pa din matanggal yun.
"I'm Paul." pagpapakilala niya.
"Why did you say na boyfriend kita?"
"Miss, mas slow ka pa sa pagong, alam mo ba yun? Hindi pa ba obvious? I'm just trying to save you from that guy.. you caught my attention nung binasag mo yung baso sa ulo nung lalaki at dun ko napansin na sakal niya yung leeg mo."
Pagkatapos niyang sabihin gun at tumingin naman ako sa kamay ko na hawak hawak niya.
"And I'm holding your hand kasi pagewang-gewang ka na. Di mo na nga kayang maglakad ng diretso e. Ilang shot ba ng alak ang nainom mo at ganyan ka kalasing?" sabi ni Paul.
Hindi ko napansin na napadami pala ang nainom kong vodka. Kaya pala hilong-hilo ako at parang umiikot yung paningin ko.
"May probema ka no?" dagdag niya. Aba't chismoso tong lalaking to ah!
"Wala ka nang pakialam kung may problema man ako o wala. Tsaka sinong nagsabi sayo na di ko na kayang maglakad mag-isa? Will you please let go of my hand!"
Inagaw ko ang kamay ko at agad naman na niya itong binitawan. Sa wakas binitawan na din niya! I saw my car and heads toward it. Actually it was my mom's car at ito ang napagdesisyunan kong dalin pagkaalis ko ng bahay kanina. It was a red Audi A7 and yes, it is freakin' sexy as hell.
Papasakay na sana ko sa kotse ng hablutin niya hung kamay ko.
"What!?" Masungit kong tanong sa kanya at inirapan siya.
"Are you sure na kaya mo?" Tanong niya.
"Yeah!" I said confidently. Totoo naman eh. KAYA KO PANG MAGDRIVE.
"Okay." Saka siya naghands up sakin at lumakad palayo.
PAUL'S POV
May bigla nalang akong narinig na kalabog pagtalikod ko sa babaeng masungit na yun.
Sabi ko na nga ba e, di na nga niya kaya. Lasing na lasing na kasi siya at pagewang gewang na din.
Pagkatapos kong marinig yun ay dali-dali akong pumunta sa kotse niya. Buti nalang at di gaanong grabe ang pagkakabangga ng kotse niya sa posteng nasa harap niya.
"Tara na nga.. Kargo de konsensya pa kita pag may nangyari sayong di maganda." agad ko naman siyang binuhat.
"Anong ginagawa mo!? Ibaba mo nga ako!" Pinaghahampas naman niya ang likod ko. Lanyang babae to. Ang lakas. Ansakit ng mga palo niya sa likuran ko.
"Shut up, miss. Manahimik ka! Ako na ang maghahatid sayo." Binaba ko siya at sumenyas na pumasok ng kotse. Buti naman at sumunod siya.
- - - - - - -
Nasa daan na kami ngayon. Oh sh*t, nakalimutan ko palang itanong kung saan yung bahay nitong babaeng to.
"Miss, taga san ka nga pala?" Ilang minuto akong naghintay na may sumagot pero wala.
"Miss?" Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang ang sarap sarap ng tulog.
Pano na 'to? Nako bahala na. Iuuwi ko nalang 'to.