"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5

5.3K 263 48
By SsweetySakura

"Mahal kong Miragh, anak magmula ngayon ay magpaka tatag ka. Sana makaya mo ang lahat na darating sa ating/sa iyong buhay, aking anak."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nong babae na may pulang buhok o ang Ina ni Miragh na si Reyna Zamaragh.

Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at sakit habang lumuluhang naka tingin sa isang taong gulang na batang babae na naka upo sa kanyang mga hita.

"Hindi ko man alam kung kailan mangyayari pero alam kong mangyayari talaga at wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ay ang unahin ang buhay mo aking anak."

Nakita kong nagsimula naring umiyak ang batang babae na tila naiintindihan nito ang sinabi ng kanyang Ina.

Pilit nitong inaabot ang mukha ng kanyang lumuhang Ina gamit ang maliliit niyang mga kamay at daliri.

Mas lalo lamang na iyak ang babaeng may pulang buhok dahil sa kilos ng kanyang anak.

Kinuha nito ang mga maliliit na mga kamay ng bata at hinalikan.

Bigla naman ako napabaling sa aking likuran ng malakas na bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang taong naka talukbong habang may dalang isang bolang umuusok na itim ang isa at ang isa naman ay isang medyo mahabang punyal.

"Hindi ko akalain mahal na Reyna Zamaragh na maaga kang mamaalam sa iyong anak pero mabuti narin iyon dahil alam mo talaga na hindi ka na magtatagal pa sa mundong ito."

Kita ko ang nakakilabot na ngisi nong isang taong nakatalukbong sa kanyang mga labi at base sa kanyang boses ay isa itong babae.

"Paano mo pala nalaman na mangyayari ito?"

Tanong nong kaasama ng babae at isa pala itong lalaki dahil narin sa malalim at brosko ang boses nito.

"Kahit kailan ay hindi kayo mag tatagumpay sa inyong mga masamang balak mga taksil."

Galit na asik ng Reyna at tumigil na ito sa pag iyak habang bahagya niyang niyakap ang batang umiiyak na ng malakas dahil tila alam na nito ang amba ng panganib na darating sa kanilang mag ina.

"Hahahaha, kahit pala sa huli mong araw ay napaka tapang mo parin Xhandra. Nakakabilib subalit nakaka inis."

Tumatawang sabi nong lalaki na sinundan naman ng isang nakakarinding halakhak nong babaeng kasama niya.

"Hindi ko rin akalain na hanggang ngayon ay nangangarap ka parin ng gising. Ipinapangako ko na kahit sa aking ka huli-huling hininga ay hinding-hindi kayo mag tatagumpay. Gagawin ko ang lahat upang maharangan ko lamang ang mga masamang balak niyo."

Dahil sa matapang na saad ng babaeng may pulang buhok ay mabilis na umataki ng sabay ang dalawang taong naka talukbong.

Subalit kahit nag iisa lamang ang Reyna ay magaling parin niyang iniilagan ang bawat ataki ng dalawa habang dala-dala nito sa kanyang bisig ang batang umiiyak.

"Kahit gaano ka pa ka galing Zamaragh ay hindi kana makakalabas pa ng buhay sa iyong silid."

Pagkatapos sabihin ng babae ang mga katagang iyon ay bigla nalang napaluhod ang Ina ni Miragh at habol nito ang kanyang hininga.

"H-hindi ko akalain na ganyan pala kayo ka takot sa akin at ka duwag na harapin ako dahil nagawa niyo pang dalhin ang bagay na iyan."

Kita ko na nahihirapan ng huminga at gumalaw ang Reyna at ngayon ko lang din namalayan na mas lalong lumalakas ang usok na lumalabas nong itim na bolang dala-dala nong lalaki kanina.

Inangat naman ng babae ang dala niyang punyal pagkatapos ay dinilaan matalim na gilid nito habang naka malademonyong nakangisi sa Reyna na mabagsik paring nakatingin sa kanila ng diritso.

"Hahaha kahit mag yabang ka pa ay mapa sa kamay ko parin ang kamatayan mong kay tagal kong pinangarap."

Mabilis agad itong naka lapit sa pwesto ng mag ina at walang pag dadalawang isip na sinaksak niya ang Reyna malapit sa puso.

Buti nalang at nasa may hita na ng Reyna ang batang Miragh at hindi ito nadamay sa pag saksak sa kanya.

Mas lalo pa lumakas ang iyak ng batang si Miragh ng hugutin nong babae ang punyal at muli na naman niyang sinaksak ng dalawa pang besis ang dibdib ng Reyna.

Ngayon ko lang namalayan na lumuluha na pala ako habang nakatingin sa kanilang kalagayan na walang kalaban laban dahil kitang kita ko na pag gagalaw si Reyna Zamaragh ay mas lalo lamang umuusok ng malakas ang bolang itim na mas lalong nakapanghina sa kanya.

Gusto ko gumalaw at lumapit sa kanila, gusto ko sila tulungan pero wala akong magawa kahit ang mga pag sigaw ko ay wala ring silbi dahil walang ano mang boses o tunog na lumalabas mula sa aking bigbig.

Punong-puno narin ng galit ang puso ko hindi lang dahil sa na-aawa ako sa mag ina kundi dahil sa wala din akong nagawa na siyang nakakabwesit talaga.

"Nandito na ang hari umalis na tayo bago pa niya tayo maabutan. Alam kong hindi na kakayanin ni Xhandra ang ginawa mo dahil unti-unti nang nawawala ang Enerhiya niya sa katawan."

Napatingin naman ako sa lalaking naglakad palapit sa pwesto ng babae kung saan nasa harapan parin ito ng Reyna at hawak-hawak nito ang punyal sa kanyang kamay.

"Ang pangit naman, wala man lang akong nakitang dugong lumabas mula sa kanyang katawan."

Inis na sambit nito at binigyan pa ng isang malakas na sampal ang Reyna sa mukha pero kahit hirap na hirap na sa paghinga ang Reyna ay matapang parin itong naka tingin sa kanilang dalawa.

"Pero baka merun sa munting Prinsesa. Hehehe."

Para itong baliw na humahagikhik habang pinalandas nito ang matulis na dulong bahagi ng punyal sa pisngi ng batang umiiyak parin hanggang ngayon.

"H-hyop ka, huwag mong idamay ang anak ko."

Pilit inaagaw ng Reyna ang punyal sa kamay ng babae pero hindi siya nag tagumpay ng malakas naman siyang sinipa sa mukha nong lalaki na siyang naging dahilan upang mabitawan niya ang bata at mapalayo siya sa pwesto nito.

Lumaki naman ang pagkangisi ng babae at malanding tinignan ang kasama niyang lalaki.

"Salamat mahal ko."

Tinanguan lamang siya ng lalaki at sinabing bilisan na ang ginagawa nito.

Wala naman siyang pag alinlangang sinaksak ang dibdib nang bata at ganun nalang ang kanyang pag halakhak na parang manyak ng masaganang umagos ang dugo mula sa dibdib at bibig ng bata.

Manghang-mangha siyang nakatingin sa bumubulwak na dugo sa bibig ng bata habang dahan-dahang niyang hinuhugot ang punyal mula sa dibdib nito.

Ngunit tila naging isa na siyang halimaw ng mabilis na naman niyang sinaksak ulit ang punyal sa dibdib ng bata.

Mas lalo lamang lumakas ang kanyang halakhak nang makitang mas marami pang dugo ang lumabas sa dibdib at bibig ng bata.

Napahagulhol na ako ng iyak nang damang-dama ko ang sakit ni Miragh sa kanyang sinapit.

Hindi lang para sa kanya kundi dahil narin sa sinapit ng kanyang Ina.

Awang-awa ako pero parang hanggang iyak lang yata ang magagawa ko sa oras na ito dahil parang hindi ako pwede mangialam sa nakaraan kaya para lang akong estatuwang nanonood sa kagimbal-gimbal na pangyayari.

Halos mabingi ako sa malakas na sigaw at iyak ng Reyna habang naka tingin ito sa kanyang nag iisang anak.

"H-hayop ka, kahit ang bata ay walang awa mo itong papatayin. Napakasama mong hayop ka."

Pilit gumagapang papalit sa kanyang anak ang Reyna habang hirap na hirap na itong mag salita dahil sa kinakapos narin siya ng hangin.

Tumawa lang ng malakas ang babae at manghang maha ito sa kanyang ginawa lalo na sa kalagyan ng bata.

"Hahaha napaka walang swerte naman ng iyong anak Zamaragh, Wala pala itong kapangyarihan at mahika? Hahaha mas mabuti narin na pinadali ko ang kalagayan niya kaysa mag hirap pa siya sa mundong ito diba? Ayaw mo nun magkasama parin kayo hanggang sa impyerno? Hahaha."

Hindi ko mapigilang mapatiim bagang at mapakuyom ng mahigpit ang aking mga kamao dahil sa kanyang sinabi.

Gusto ko siya gilitan ng leeg at balatan ng buhay.

Gusto ko iparanas sa kanya ang ginawa niya kay Miragh at sa Ina nito.

"Mahal umalis na tayo nasa loob na sila ng palasyo, bilisan na natin."

Mabilis naman tumayo ang babae at tumatawang tumuntong sa gilid ng bintana.

Dahil sa dumestansya na sila ay kita niyang mabilis na nakagalaw ang babaeng may pulang buhok upang pumanta sa may pwesto ng batang nag aagaw buhay at pilit sinasalba ito gamit ang natirang mahika at kapangyarihan sa sariling katawan.

Napailing na lamang siya habang may ngiting tagumpay sa kanyang mga labi dahil alam niyang huli na ang lahat para sa mag Ina.

Mabilis naman silang tumalon sa bintana ng malakas na bumukas ang pintuan ng silid at pumasok doon ang lalaking may berding buhok habang hawak sa kanyang kamay ang batang lalaki na nasa limang taong gulang pa lamang.

Mabilis agad dinaluhan ng lalaki ang kanyang mag Ina habang umiiyak at dinig na dinig ang malakas nitong mga pagdaing sa buong silid.

Pumasok naman sa silid ang ilang mga kawal at katulong sa palasyo at naman lahat sila ay nagitla sa kanilang nakita at nasaksihan.

Dama ko ang lungkot,hinagpis at sakit sa lahat ng tao na nasa silid. Na kahit ako ay para nang mauubusan na ng hininga dahil sa pag iyak.

Mas lalo pang lumakas ang iyak ng lahat nang nag sisigaw na ang hari at pilit inaabot ang katawan ng Reyna na lumalayo sa kanyang pagkaka hawak habang unti-unti narin itong natutunaw.

Pero bigla ako napatigil sa pag iyak dahil sa gulat ng biglang huminto ang lahat sa aking paligid tila naging literal na estatuwa ang lahat.

"Hana, sa muli mong pag balik sa mundong ito ay nakikiusap ako aking anak."

Nagulat ako ng makita ko ang babaeng may pulang buhok sa aking harapan na lumuluha.

"P-pakiusap i-ikaw na-nalang a-ang tangi k-kung pag asa at-at maasahan. S-sa muli m-mong pag balik ay g-gabayan mo a-ang iyong k-kapatid h-huwag m-mo siya h-hayaang s-saktan ng iba. P-pakiusap."

Hindi ko alam pero bigla ko nalang nagalaw ang aking buong katawan at kusa kong niyakap ang babaeng lumuluha sa aking harapan na tinatawag ako na anak.

Bakit ganun kahit naguguluhan ako sa pinag sasabi niya ay may parte ng puso ko ang kumikilala sa kanya.

Na parang matagal ko na talaga siyang na kilala at naka sama.

Puno ng pangungulila ang aking naramdaman habang lumuhang yakap yakap siya.

Hindi ang katawan ni Miragh ang kumilala sa kanya kundi ako mismo na siyang ikinapag taka ko.

"A-alam kong marami kang katanungan pero balang araw ay malalaman mo rin ang lahat aking anak."

Bigla naman siya kumalas sa pagkakayakap sa akin at pinahiran nito ang aking pisngi na puno ng luha gamit ang kanyang mga daliri.

"Kahit hindi mo man ako maabutan sa mundong ito pero ipinapangako ko na gagabayan kita, gagabayan ko kayong dalawa ng iyong kapatid. Mahal na mahal ko kayo aking mga anak."

Hinalikan nito ang aking noo bago naglaho kasabay ang muling pag galaw sa paligid.

Rinig na rinig ko ang muling iyakan sa silid pero nakakapag taka dahil pwede ko nang maigalaw ang aking buong katawan.

Hindi ako nag dalawang isip na agad lapitan ang pwesto ng batang Miragh na naliligo parin sa sarili nitong dugo pero wala na doon ang sugat sa kanyang dibdib.

Kita ko ang pagtangis ng Hari at nang batang lalaki habang buong ingat na binuhat at inilagay ang maliit na katawan ni Miragh sa kanyang mga hita.

"Miragh aking anak, patawarin mo ako kung bakit nahuli ako. Wala na ang iyong Ina. Iniwan na niya tayo. Patawarin niyo ako."

Napakuyom ng mahigpit ang mga kamao ko nang muling bumalik sa aking puso ang sakit habang nakatingin sa ama ni Miragh na dumadaing at paulit ulit na binabanggit ang pag hingi ng kapatawaran.

Bigla naman uminit ang buo kong katawan at umuusok ng kulay abo na may kaunting pula.

"My Ria."

Gusto ko mag higanti, gusto ko iparanas sa mga taong nanakit kay Miragh ang ginawa nila sa aking kapatid.

"More, My Ria."

"Sahana, Gumising ka."

Hindi ko alam pero mas lalong tumitindi ang galit sa aking puso ng maisip kong kapatid ko nga si Miragh kahit hindi ko alam kung paano pero ang puso ko ay parang alam nito ang totoo.

"Give me more Hatred and Pain My Ria."

"Huwag ka makinig Sahana, pakiusap gumising kana Sahana."

Kanina ko pa naririnig ang dalawang boses sa aking isipan na binaliwala ko lang dahil sa mga halo-halong emosyong aking nararamdaman.

"I can help you My Ria, we can avenge your twin sister and your mother's death in just one snap of your finger."

"Gumising ka Sahana, Gumising ka."

Dama ko ang pagkataranta sa boese ng babaeng tinatawag akong Sahana pero wala akong pakialam dahil sa galit at pagkamuhi na aking nararamdaman.

Mas lalo naman umiinit ang aking katawan at mas lumakas ang usok na lumabas mula dito at ramdam ko rin ang pag iiba ng kulay sa aking mga mata pati na ang aking paligid.

Naging pula na ang lahat sa aking paningin na ikinabog ng aking puso dahil bahagya ako nakaramdam ng kaba lalo na at tila puro dugo na ang nakikita ko sa lahat.

"Don't be afraid, my Ria. Don't be afraid of your own power."

May kapangyarihan ako?

Pwede ko nang patayin ang laha-.....

"Huwag!! Sahana!!."

Isang napaka lakas na sigaw ang narinig ko bago nag dilim ang buo kong paligid.

.

.

.

.

.

.

"Prinsesa Xhandria, gising na po. Pakiusap Prinsesa."

Napabalikwas ako ng bangon habang habol-habol ko ang aking hininga ng maramdaman kong may malakas na yumugyog sa aking katawan.

Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako at damang dama ko na basang basa ang buo kong katawan dahil sa pawis.

"Prinsesa Xhandria, buti naman at nagising kana sa wakas. Sobrang nag alala po kami sa iyo."

Napa angat ang tingin ko at kita ko ang luhaang mukha Nina Navah at Radya na puno ng pag alala at takot.

"A-ano ang nangyari?"

Kinakabahan kong tanong habang inilibot ang aking paningin sa kabuoan ng aking silid.

Kita ko sa aking mga mata na parang dinaanan ito ng isang malakas na hangin dahil sobrang gulo na lahat ng gamit.

May magnanakaw bang nakapasok at ginawang playground ang aking silid?

"Nagising nalang po kami dahil sa may narinig kaming mga nabasag na gamit sa iyong silid at nang k-kumatok po kami ng ilang besis sa iyong pintuan ay hindi ka po sumasagot kaya napag pasyahan nalang namin na ito'y buksan upang malaman ang iyong kalagayan p-pero - pero ganun nalang po ang aming pagka gulat sapagkat umuusok ang iyong buong katawan habang may malakas na hangin sa iyong buong silid na tinatangay ang iyong mga kagamitan."

Muli kong napabaling ang aking paningin sa mahabang sinabi ni Radya at ngayon ko lang nakita ang mga katawan nila na halos puno ito ng sobrang itim na pasa.

Ramdam ko ang kaba at takot sa boses nito habang sina salaysay ang buong pangyayari.

So hindi magnanakaw ang naglaro kundi ang hangin?

Bakit hindi naman sila nagkapasa?

Nakipag laro rin ba sila ng hangin?

"A-ano ang nangyari sa katawan niyo?"

Tinignan naman nila ang kanilang mga sarili at kita ko ang pag tulo ng luha sa kanilang mga mata bago ngumiti sa akin na puno ng pagmamahal.

Luhhh!!! Inaano ko ba sila.

"Dahil sa pinilit naming maka lapit sayo upang ikaw ay gisingin at tignan kung ayos ka lang po ba pero huwag po kayo mag alala dahil ayos lang po kami aming mahal na Prinsesa Xhandria, basta makita ka lang po namin na nasa maayos na kalagayan."

Hinila ko sila papalapit sa akin at buong pusong niyakap dahil alam ko sa sarali ko na kung hindi dahil sa matapang nilang ginawa ay hindi na ako magigising pa kahit kailan.

Kung hindi rin dahil sa kanila ay baka pati ako paglaruan ng hangin na ng gulo sa aking silid.

.
--------------

Continue Reading

You'll Also Like

41.1K 1.6K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
212K 6.9K 44
[ Unalome Series #1 ] The book of Prophecy itself saids the Goddess of Everything will rise as a mortal every path she choose is stained with tears...
38.2K 1.7K 52
Ilang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hind...
40.1K 5.2K 118
Kenni and Snow died together by felling from a rooftop building while fighting with each other. At the same time they both were reincarnated in a dif...