Her Obsessed Husband (VERY SL...

sinSkies द्वारा

343K 2.4K 1.2K

Life is really full of struggles. Nakakapagod. But never in Diane's mind crossed to give up. Kahit ilang uli... अधिक

Her Obsessed Husband
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5

CHAPTER 3

11.5K 333 204
sinSkies द्वारा

Diane's POV:

Naging mabilis ang mga oras. Nang mag grade 4 ako ay sinubukan ko pa ring sumali sa honors sa tulong ni Leo. Mas inuuna niya lagi ako, dahil hindi niya naman daw hinahangad magkaroon ng award. Ngunit ang award ko, ay award niya na rin.

Nang magkaroon ulit ako ng award ay binalita ko iyon kay daddy.

"Good for you, but still, not enough." Walang tuwa akong nakapa sakanyang pagkakasabi, kalamigan at diin lamang. Iyon lang din ang naging komento niya. Hindi ko na iyon masyadong dinibdib. Ginawa ko iyong inspirasyon para magawa ang gusto niya. To be on top.

"Sasali ka ng quiz bee? Bekeki, kaya mo ba? Hindi ba’t hirap na hirap ka ngang mag memorize." Puno ng pagtutol iyon mula kay Leo.

"Pero kailangan ko ng maraming award. Dapat maging active ako sa school." Pagpupumilit ko pa rin.

"Kasi iyan ang gusto ni tito Arthur?" Hindi ako nakasagot dahil alam naman niya iyon.

Bumuntong hininga si Leo. "Sa star section laging kumukuha ng ilalaban sa quiz bee sa ibang school. Huwag mo ng ipilit, mahihirapan ka lang. Ayaw mo bang hindi ka nai-stress?!" Nanlumo ako dahil tama siya.

"Hindi ba’t... madalas si Enzo ang nakukuha?" Tanong ko. Tumaas ang kilay ni Leo sa akin. Mukhang may ibang naisip sa aking tanong.

"Oh? Huwag mo sabihing kakalabanin mo siya para ma-impress sa’yo at maisip nyang smart girl ka!" Naikagat ko ang labi at napa-iwas ng tingin dahil napunto niya.

"G-ganoon ang ginagawa ni Mika, pati iyong ibang babae sa ibang section."

"Makikigaya ka? Pag dating naman ng laban ay talo lang din naman sila, napapahiya lang din!" Napagtanto ko iyon. Tama siya, nagagalit lang din ang mga guro dahil tila ginagawang laro at pagsasayang ng oras lamang ng ibang estudyante ang paghahanap ng representative para sa quiz bee. Nalaman nilang iisa lang ang dahilan kung kaya’t maraming estudyante ang sumasali, at iyon ay dahil gusto nilang magpapansin sa kung sino man sa tatlo.

Hindi na ako nagpumilit pa sa pagsali sa quiz bee na magaganap sana sa susunod na linggo. Balita ko ay si Enzo na rin naman daw ulit ang kukunin. Iyong dalawa niya kasing kaibigan na matalino rin ay tamad sa mga ganyan kaya pagdating ng araw ng quiz bee ay hindi sumisipot, kaya naman si Enzo na lang ang laging kinukuha dahil ang tingin ng mga guro ay si Enzo ang pinaka matino sa tatlo.

"Hala, padaan!" Kinikilig na anunsyo ni Leo. Mabilis kong nilingon ang tinutukoy niya. Narito kami sa ilalim ng puno at nakatambay sa paborito naming bench. Kakatapos lang namin mag lunch at maya-maya pa naman ulit ang umpisa ng klase.

Sunod-sunod na bati mula sa iba’t-ibang babae ang narinig ko habang naglalakad ang tatlong magkakaibigan. Marahil ay galing sila sa guidance office dahil sa direksyon kung nasaan ang building ng principal at guidance councilor ang kanilang pinagmulan. Hindi sila napa-away o kung ano man kaya sila naroon, dahil doon daw ang tatlo palaging tumatambay, maganda raw kasi roon, kwento ng aking kaklase na ilang beses ng nakapasok sa nasabing lugar.

"Padaan dito." Halata ang excitement sa boses ni Leo. Umarte pa itong may inipit na buhok sakanyang tainga.

"Sino ba dyan ang crush mo sa tatlo? Baka pareho tayo, ah." May tunog pagbabanta sa aking boses.

"Edi syempre, 'yang tatlo!" Sagot niya na mabilis kong ikinalingon. Nanlisik ang aking mga mata. Bakit kailangang kasali pa iyong isa?

"Akin nga si Enzo." Pagpupumilit ko.

"Sakanya ka raw." Mabilis akong namula nang marinig ang boses ni Franco sa malapit. Nilingon ko ang tatlo, sa gulat ko ay malapit na pala sila sa amin kaya naman narinig nila ang sinabi ko! Nagtawanan si Cedrick at Franco habang inaasar ang seryosong si Enzo. Namumulang nag-iwas ako ng tingin. Kinuha ko ang librong nasa mesa at binuklat iyon upang magkunwaring nagbabasa.

"Wow, kunwari nagbabasa. Ang sipag na talaga. Tama na sa pagpapanggap." Bulong ni Leo, nang-aasar. Hindi ko iyon pinansin.

"Jowain mo kaya 'yon si Trinidad." Sabay kaming napalingon ni Leo sa tatlo nang marinig ang sinabi ni Franco. Nalampasan na nila kami ngunit medyo malapit pa rin. Kumabog ang dibdib ko, ako iyong tinutukoy ni Franco!

"Not interested." Tanging sagot ni Enzo na nagpalaglag ng aking balikat.

"Aba! Talandi ka! Bawal ka namang mag boypren, ah!" Singhal ni Leo nang makitang nalungkot ako. Bigla akong napabalik sa katinuan.

Oo pala. Grade 5 pa lang kami, 10 years old pa lang pala ako. Matagal pa bago ako mag 18.

"Pero alam mo..." biglang inilapit ni Leo ang sarili sa akin. Mukhang may ichichismis ito. Mabilis ko namang inilapit ang aking tainga. Interesado sakanyang sasabihin.

"Hindi pa sigurado kung totoo. Pero may girlfriend na raw iyong tatlo." Panimula niya na mas kumuha ng aking interes.

"Totoo?!"

"Oo, pero hindi sigurado kung sinong girlfriend."

"Bakit? Dito ba nag-aaral?"

"Hindi sigurado kasi... ang sabi rin ay marami ata! Ewan ko rin, baka assuming lang iyong iba."

Nanlumbay ako sa nalaman.

"Kahit si Enzo? M-may... girlfriend na siya?" Napatitig si Leo sa itsura ko bago unti-onting tumango. Napunta sa kawalan ang aking tingin. Bigla akong nanlumbay.

"Sino? Marami rin?" Kuryuso ko pa ring tanong.

"Hindi ko sure, baka." Mas nilamon ako ng lungkot. Bakit masakit sa may bandang puso? Parang kinukurot ang puso ko. Kaninong kamay ba kasi 'yan?!

Naging usap-usapan nga ang pagkakaroon ng maraming girlfriend ng tatlo sa sumunod na mga araw. Lahat ata ay iyon ang pinagchichismisan, kani-kaniyang hula ang mga ito sa kung sino ang mga girlfriends nito. Kahit saan ako magpunta ay lagi iyon ang aking naririnig. Iba-ibang babae rin ang binibida ang kanilang mga sarili na sila raw ang girlfriend ng kung sino man sa tatlo. Kaya marami rin ang naguguluhan, maging ako.

"Hoy, Mika! Nakita namin kayo ni Enzo nag-uusap noong isang araw sa library. Ikaw ba ang girlfriend niya?" Tanong ng isa naming lalaking kaklase. Natigil si Mika sa pakikipag kuwentuhan sa mga kaibigan niya at mayabang na nilingon ang nagtanong. Naging kaklase namin si Mika ngayong taon, mas lumala ang inis niya sa akin lalo na kapag sumasagot ako sa tanong ng guro at natataasan ko ang scores niya. Mas lumala rin ang bangayan nila ni Leo dahil palagi ako nitong pinagtatanggol.

"Yes, boyfriend ko na siya pero you all know naman na mahiyain si Enzo so we keep it secret muna." Buong ngiti nitong sagot, may halong yabang doon at pang-iinggit. Nagsitunog dismaya naman ang ilan kong kaklase at sinimulan na syang pag-usapan.

Nag-aalalang bumaling din ako kay Leo. May taranta akong naramdaman sa aking dibdib.

"Totoo kaya iyong sinabi niya?" Tanong ko. Umaasang kokontrahin iyon ng aking kaibigan.

"Huwag kang maniwala dyan, feelingera naman 'yan dati pa." Sagot niya at umirap kay Mika.

"Pero nakita sila sa library... nag-uusap." Nawawalan ng pag-asa kong saad. Iniharap niya ang katawan sa akin, binibigay ang buong atensyon.

"Bekeki. Hindi por que nag-uusap, e magjowa na. E bakit itong ginagawa natin, usap din 'to, ah? Magjowa ba tayo? Hindi." Paliwanag niya at umarteng nasuka sa panghuli. Gumaan ang loob ko kahit papaano dahil may punto siya. Baka nga ay isa lamang si Mika sa mga nag-iisip na jowa niya si Enzo.

Kaya naman kinabukasan ay nagulat na lamang kami nang magkaroon ng sabunutan sa room. May isang grade 6 student na sumugod at hinila agad ang buhok ni Mika.

"I heard pinapakalat mong girlfriend ka ni Enzo? I'm his girlfriend!" Nanggagalaiting sigaw noong babae habang patuloy sa pagsabunot, si Mika ay lumalaban din. Nanatili kami sa panonood habang nakapaligid sakanila, may mga umaawat naman ngunit nahihirapan ang mga ito dahil sa pagiging agresibo ng dalawa.

"OMG! Kahapon din daw ay may nagsabunutang grade 6 students dahil kay Cedrick." Rinig kong kwento ng kaklase kong babae sa katabi niya.

"Nagsisimula na sila sa sabunutan dahil sa tatlo. Kaya ikaw, bekeki! Huwag na huwag kitang makitang nakikipagsabunutan dahil lang kay Enzo!" Gigil na banta sa akin ni Leo, halos duruin pa ako.

"Makipagsabunutan ka kapag kasama ako para 'di ka luge." Dagdag niya. Hindi ako nakasagot sa takot. Hindi ko ata kayang makipag-away lalo na nang makita kong umiiyak na si Mika. Napaghiwalay na sila at parehong gulo-gulo ang buhok.

"Lumayo ka kay Enzo!" Banta noong grade 6 dito.

"Pati kayo!" Sigaw rin nito sa amin, medyo napa-atras pa ako nang magtama ang aming tingin. Umalis din ang babae pagkatapos, takot sigurong maabutan ng guro. Nagtawag na rin kasi ang isa kong kaklase.

Nagsilapitan naman kay Mika ang mga kaibigan niya para daluhan siya.

"Ako ang girlfriend ni Enzo, hindi ang babaeng 'yon!" Inis nyang paliwanag habang patuloy sa pag-iyak.

"Walang girlfriend si Enzo!" Biglang may sumigaw. Lumingon kami kay Alfred. Ang siga naming kaklase pero mabait naman ito sa akin.

"I'm his girlfriend!" Galit na sigaw pabalik ni Mika. Nang-aasar na tumawa naman ang lalaki.

"Hindi ikaw ang girlfriend niya, pati rin ang babaeng 'yon. Nagsabunutan pa kayo sa hindi niyo naman jowa!" Mas lalong pumalahaw ng iyak si Mika dahil sa sinabi nito. Pilit pa rin nitong pinagpipilitan na siya ang girlfriend ni Enzo. Sumama ang tingin ko sakanya ngunit kinalma ko ang sarili. Ang iba kong kaklase ay nagsilapitan naman kay Alfred at nagtanong.

"Si Cedrick, tatlo ang girlfriend sa grade 6, tapos apat sa grade 5. Tingin ko may nilalandi rin sa grade 4." Kuwento nito sa mga kaklase namin. Pati kami ni Leo ay napalapit na rin, interesadong marinig ang mga sasabihin pa nito. Kanya-kanyang gulat at pagkamanghang reaksyon ang binigay ng aming mga kaklase, maging ako.

"Ang dami!"

"Totoo ba iyan, Alfred?" Dudang tanong ng tropa niya.

"Oo, hindi ko lang sigurado kung ilan talaga kasi baka nadagdagan o nabawasan. Basta ang sigurado ay marami ang girlfriend niya tapos iyong iba ay MU lang."

"Ano iyong MU?" Baling ko kay Leo.

"Mutual Utuan. Keme, mutual understanding." Sagot nito.

"Ano kapag ganoon?"

"Iyong same kayo ng feelings, gusto ka niya tas gusto mo rin siya. May pagkakaintindihan kayo ganon. May something." Paliwanag niya habang may hand gestures pa.

"Eh si Franco?" Kuryusong tanong pa ng isa kong kaklase. Bumalik ang aking atensyon kay Alfred na handa ng sumagot.

"Ako ang girlfriend ni Franco." Nilingon namin si Sami.

"Jowa rin ako ni Franco!" Sigaw naman ni Thea. Nagsamaan ng tingin ang dalawa.

"Oh! Baka kayo naman ang magsabunutan!" Awat agad ni Leo. Nasa gitna kasi kami ng mga ito, baka pati kami ay madamay kung gagawa ng gulo ang dalawa. Nag-irapan na lang ang mga ito.

"Si Franco? Mas marami iyon!"

"Eh bakit sabi mo si Enzo wala?" Takang tanong muli ng tropa niya.

"Syempre tinanong ko." Confident na sagot ni Alfred.

"Tinanong mo rin si Cedrick at Franco?"

"Si Franco lang, medyo tropa ko na iyon e."

Marami pa sanang tanong ang iba kong kaklase na gusto ko rin sanang marinig kay Alfred ngunit dumating na ang guro.

"Maraming napupunta ngayon sa guidance office because of fighting. The worse is... mga babae pa talaga ang nag-aaway-away!" Ibang lecture agad ang inumpisahan ni ma'am Cuevas, ang aming adviser. Inilibot niya sa amin ang tingin. Tinuro niya pa kaming mga babae.

"Girls. Ayokong may mabalitaan na may napunta sa guidance office dahil nakipagsabunutan or what because of those three boys. Mga bata pa kayo, naglalaro pa. Don't take everything serious." Paalala niya sa amin. Nakita ko ang takot sa mukha ni Mika. Natakot sigurong malaman na kakatapos niya lang sa sabunutan. Matalim ang mga matang umirap ito sa akin nang maabutan akong nakatingin sakanya. Buti na lang ay nasa malayo ang upuan nito dahil baka nasakmal na ako.

Nang mag recess ay sa canteen kami dumiretso ni Leo. Iyon pa rin ang usap-usapan ng lahat, ang pagkagulo ng mga babae dahil sa tatlo.

Maingay na canteen ang sumalubong sa amin pagkapasok. Habang papunta sa pila ay napalingon ako sa malapit na mesa nang marinig ang pag-iyak ng isang babae. Pinapaligiran ito ng siguro’y mga kaibigan niya.

"Bakit ba kayo nag break ni Cedrick?" Tanong ng katabi nito habang tinutulungan siya sa pagpunas ng kanyang luha, ang iba naman ay sinusuklayan ang kanyang buhok. Napukaw ang atensyon ko sa usapan nila.

"I'm so maarte raw kasi, nagrereklamo raw ako. Sabi ko kasi, ayokong may iba syang girlfriend." Paliwanag nong babae habang umiiyak. Malinaw kong nakita ang mukha nito, masasabi kong maganda siya, maputi rin at mukhang mas matangkad sa akin, siguro ay grade 6 na siya. Ganito ata ang mga tipo ni Cedrick, magaganda.

Paniguradong ganito rin ang tipo ni Enzo bukod sa matalinong babae.

Maganda rin naman ako. Saad ko sa aking isip. Ako nga ang muse sa room kaya halos sugurin ako noon ni Mika dahil inagawan ko na naman daw siya. Natalo ko kasi siya sa botohan dahil lahat ng lalaki ay sa akin bumoto.

Nakangiwi kong pinagmasadan ang bawat madadaanang umiiyak na babae. Pare-pareho ang mga problema ng mga ito. Puro mga hiniwalayan.

Naging ganoon ang sistema sa iskwelahan. Hanggat maaari ay iniwasan ko ang madamay kaya naman nanatili ako sa panonood lamang muna kay Enzo. Dati ay nalalapitan ko siya kapag may lakas ng loob akong bumati, ngayon naman ay hindi pwede dahil sa pagiging agresibo ng mga nagkakagusto sakanya.

"How's your school, anak?" Tanong ni mommy sa gitna ng aming dinner.

"Okay lang po, my." Sagot ko. Nabahiran ng  pag-alala ang mukha ni mommy bago ito nagsimulang magkwento.

"I heard nagkakagulo raw ang mga estudyante sa school niyo because of boys?"

"Boys?" Biglang sumingit si daddy, mukhang nakuha ng usapan ang atensyon niya. Bumaling naman si mommy rito upang mas magkwento pa.

"Iyong anak nila Narcy and Jacob? Pinatawag daw sa guidance dahil napa-away."
,
"Hmm... maybe that's the reason kaya hindi siya nakasipot sa meeting with Mr. Alejandro. Well, luckily because I got the deal." Natutuwang kwento naman ni daddy bago ako seryosong binalingan.

"Huwag kang gagaya roon sa anak ni Jacob. Walang pupunta sa’yo sa guidance office sa oras na sumali ka sa gulo, huwag mo kaming ipahiya ng mommy mo especially because of a petty reason." Mariin nyang banta. Mabilis ko iyong tinanguan.

"Opo, daddy."

"Don't have a boyfriend muna, hmm? You're still mommy's baby." Malambing na pagkausap sa akin ni mommy. Ngumiti naman ako at muling tumango. My dad scoffed.

"Ang pag-aaral ang tutukan mo. Ayokong mabalitaang lumalandi ka na."

"Arthur naman, your mouth." Tila nauubusan ng pasensyang saway ni mommy.

"Kailangan niya iyang marinig, masyado mo kasing bini-baby ang batang iyan. Tingnan mo iyong anak ni Felipe, highschool pa lang ay buntis na!" Nagulat si mommy sa kwento ng aking ama, kahit ako ay ganoon din ang naging reaksyon.

"H-hindi naman aabot sa ganoon si Diane, basta tama ang pag gagabay natin sakanya." Bumaling sa akin si mommy at binigyan ako ng magaang ngiti, ngiti ng pagtitiwala.

"Opo, mommy. Focus lang po ako sa pag-aaral." Paniniguro ko sakanila. Hindi ko sila kayang biguin, lalo na ang aking ama.

Baon ko ang mga bilin nila lalo na ang mga banta ni daddy nang pumasok ako noong Lunes. Mukhang naging normal na rin na mayroong nag-aaway-away na estudyante at napupunta sa guidance office.

Habang naglalakad papunta sa aming room ay napansin ko ang nagtatangkarang tatlong lalaki sa aking harap. Mababango rin ang amoy ng mga ito, unang angat ng tingin pa lamang ay alam ko na kung sino ang mga ito. Si Cedrick ay ang nasa gitna, nasa kanan nito si Enzo, at sa kaliwa naman ay si Franco na naka-akbay pa kay Cedrick. Kani-kaniyang bati na naman ang mga babaeng nakakasalubong nila, namin. Ngunit hindi iyon pinansin ng tatlo dahil abala ito sa kung anong pinag-uusapan.

"We will soon graduate, why don't we enjoy our last 2 years here in elementary, right? Get some girlfriends now, Enzo." Si Franco habang nakasilip kay Enzo dahil nakapagitna nga si Cedrick. Umismid lamang ang kausap sakanya.

"Bakit ba ayaw mo? Tuli ka naman na. Sabay-sabay pa nga tayo nong summer." Si Cedrick, tila nanunukso na sinabayan ng pagtawa ni Franco.

"So?"

"Maybe in highschool, we can fuck girls na. Si Lolo kasi ay pinapabantayan pa rin ako!"

Umiling-iling si Enzo, mukhang tutol ito sa sinabi ng kaibigan. Ako naman ay medyo lumayo-layo sakanila dahil baka mahuli pa  nilang nakikinig ako. Mukhang iba pa naman ang kanilang pinag-uusapan, ang ibang salita nga ay hindi ko maintindihan ngunit mukhang hindi maganda iyon. Magkalapit lang ang mga room namin at medyo malayo pa iyon kaya naman nagpatuloy sa pag-uusap ang tatlo at nagpatuloy rin ako sa pakikinig.

"Ano bang type mo? Share it to us, come on!" Pag-uudyok pa ni Franco sakanya.

"Wala."

"Imposible! Hindi ka naman bading? Baka naman bff mo iyong si Cortez!" Naisingit pa sa usapan si Leo. Sabay naghalakhakan si Franco at Cedrick.

"I'm not. I don't need a girlfriend especially GIRLFRIENDS. They are just causing troubles instead of focusing on their acad. Look at your girls, they're like dogs that are crazy over the two of you. What a problem." Walang ganang paliwanang ng isa. Doon ay nakumpirma kong wala nga syang girlfriend dahil ayaw niya sa mga babaeng nag-aaway-away at gusto niya iyong nag-aaral lang nang mabuti!

T-tulad ko?

Wala sa sariling napangiti ako sa naisip. Loka na talaga siguro ako tulad ng sinasabi ni Leo.

"They won't be a problem, you don't need to keep them. If the girl starts giving you problem then break up with her. It's very easy to dump a girl especially for us." Paliwanag ni Cedrick. Patuloy pa rin ang mga ito sa pagkumbinse sakanya.

"Oh really? Hindi ba’t pinatawag last week ng guidance councilor ang lolo mo because you are the main reason of those catfights, I mean us?" Balik ni Enzo sakanya, ngumisi lang si Cedrick.

"And guess what? He just tapped my shoulder and expressed how proud he is of me for proving that we have handsome genes." Napangiwi ako roon, proud pa pala si lolo Erick, akala ko naman ay maga-grounded na si Cedrick.

"Whatever, Fernandez." Natapos na ang usapan nila. Pumasok sila ng kanilang room, ako naman ay dumiretso sa paglalakad dahil sa dulo pa ang room ko.

Nang maka-upo ang tatlo ay nagtama ang aming tingin. Tinaasan niya ako ng kilay, sa kaba at hiya ay napatakbo na ako papunta ng room.

Ang mga narinig ko ay kinwento ko agad kay Leo nang magrecess. Iyon ang topic namin habang kumakain.

"Sabi nga rin ng pinsan kong highschool ay lalaking mga playboy raw ang tatlong 'yan." Kwento niya sa akin.

"Bukod kasi sa mayaman at masyadong sikat, e ang popogi. Kaya pagkakaguluhan talaga sila ng marami." Patuloy niya.

"Si Enzo, mukhang hindi naman siya magiging kagaya ng sinasabi mo. Tingnan mo, wala siya ngayong girlfriend kumpara sa dalawa nyang kaibigan." Pagtatanggol ko sa crush ko. Tumikwas ang kilay ni Leo.

"Sa ngayon wala, eh paano pag nag grade 6 na tayo? O kaya sa highschool. Panigurado ron, meron na yan! At marami rin!"

"H-hindi naman siguro. Hindi naman por que magkakaibigan sila e, pare-pareho na rin sila ng gagawin at ugali." Patuloy ko pa rin, mukhang sarili ko lang ata ang kinukumbinse ko.

"Okay, tingnan natin. Basta ako, tingin ko magiging babaero yan kapag lumaki na tayo, tapos ako ang magiging unang babae niya." Nanlisik agad ang aking mga mata. Agad itong tumayo at tumakbo, hinabol ko naman siya upang hampasin. Tawang-tawa ang bading kaya natawa na lang din ako. Naghabulan kami sa ground habang naghahagikhikan.

Ang sumunod na araw ay nagpagulat sa akin. Ang pinaka-iniiwasan kong mangyari ay nangyari na.

Umagang-umaga ay busy akong nakikipagkwentuhan kay Leo nang may humablot sa buhok ko. Nahila ako nito patayo, agad kong naramdaman ang kirot sa aking anit sa lakas ng pagkakahila at hawak nito sa aking buhok.

"A-aray!" Daing ko agad sa sakit, kinaladkad ako ng kung sino papunta sa harap. Hindi ko makita kung sino ito dahil sa aking buhok na humarang sa aking mukha.

"Aray!" Muli kong daing, pinakawalan nito ang buhok ko para bigyan ako ng isang malakas na sampal. Humapdi agad ang aking pisngi. Takot kong tinitigan ang babae, hindi ko ito kilala.

Nagpupuyos ito sa galit nang muling hilahin ang buhok ko upang sabunutan, masyado itong malakas, pilit ko syang inilalayo sa akin ngunit napatungan na ako nito habang patuloy na sinasabunutan.

"Tigilan mo si Diane!" Naririnig ko ang saway ni Leo at pilit din nitong inaawat ang babae.

"Hoy!" Pati si Alfred ay narinig ko na rin at nagkagulo na sa buong room.

"Malandi ka! Malandi! Mang-aagaw!" Paulit-ulit iyong isinigaw sa akin ng babae. Nakalmot nito ang aking mukha kaya nakaramdam muli ako ng panibagong kirot. Nagsisimula ng mangilid ang aking luha sa sakit na natatamo at sa takot dahil sa pagiging bayolente nito. Hindi ko alam paano lumaban, at natatakot akong manakit dahil mali iyon. Ayokong makagawa ng mali dahil hinding-hindi iyon magugustuhan ng aking Ama.

"T-tama na." Paki-usap ko ngunit wala ata itong naririnig.

"Sige! Sabunutan mo pa 'yan!" Boses iyon ni Mika. Inuudyok niya pa talaga itong babae, ganyan ba siya kagalit sa akin?

"Sino ba iyang babae?"

"Kaklase iyan ni ate, grade 6 din."

"Bakit si Diane sinasabunutan? Mabait naman 'yan."

"Ewan ko, baka dahil kay Franco? Ang alam ko ay girlfriend ni Franco iyang babae."

Kahit sa gitna ng kaguluhan ay naririnig ko pa ang pinag-uusapan ng mga kaklase kong nakapaligid sa amin.

Girlfriend ito ni Franco?! Bakit niya ako sinasabunutan?!

Hindi ako makapaniwala. Paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon?

"Sabing awat na!" Malakas na sigaw ni Leo ang nagpabalik sa akin sa reyalidad, kasabay noon ang pagkawala ng babae sa pagkakapatong sa akin. Hinablot ni Leo ang mahaba nitong buhok na ikinatili nito nang malakas. Tumama ang babae sa pisara nang pwersahan syang itulak doon ng aking kaibigan. Nagsiharang sa akin si Alfred at ang mga tropa niya dahil tuluyan ng nakalayo ang babae.

"Lagot, ginalit si Cortez." Bulong ng isang tropa ni Alfred.

Mangiyak-ngiyak akong agad na tumayo. Sa takot na maabutan ng kahit sinong guro at baka muling saktan ay tumakbo ako palabas ng room. Mayroong mga nakiki-usyoso sa labas galing sa mga katabing room ngunit hindi ko na iyon pinansin. Bago pa magsipatakan ang mga luha ko ay binilisan ko na ang takbo papunta sa pinakamalapit na CR, kaso ay may taong humarang sa akin kaya naman nabunggo pa ako, muntikan na akong mapa-upo ngunit nahawakan niya ang dalawa kong braso. Hindi ako nag-angat ng tingin upang tingnan kung sino iyon. Hindi nila pwedeng makita kahit pamumuo ng luha sa aking mga mata. Hindi dapat ako umiyak. Kahinaan iyon.

Binawi ko ang aking mga braso mula sakanyang pagkakahawak at dumiretso na papasok ng CR. Mabilis ko iyong isinara at ni-lock.

Pumunta ako sa pinakasulok at nanghihinang napa-upo. Niyakap ko ang aking mga tuhod at unti-onting pinakawalan ang mga hikbi. Tuluyan ng nagsitulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang malaglag. Muli kong naramdaman ang kirot sa aking pisngi. Mukhang kumirot ang sugat galing sa kalmot noong babae dahil sa aking mga luha, kaya naman ang bawat luhang bumubuhos ay agad ko ring pinupunasan ng aking mga kamay.

"Bekeki. Si Leo 'to. Buksan mo 'tong pinto. Umiiyak ka ba?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ng aking kaibigan mula sa labas kasabay ng kanyang pagkatok. Mabilis akong tumahimik. Itinakip ko pa sa aking bibig ang aking dalawang kamay upang walang hikbi ang kumawala roon.

"Hayaan mo, naiganti na kita. Sinabunutan ko rin ang bruhilda. Buti nga hindi ko nakalimutang kalmutin, dalawang kalmot ’yon para bawing-bawi. Deserve niya naman." Pagkausap niya pa rin sa akin sa labas. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa ng aking kaibigan. Paano kapag binalikan siya ng babaeng iyon? Paano kung siya ang ma-guidance?

Kinalma ko ang sarili upang hindi na malaman pa ni Leo na umiyak ako. Kinapa ko ang bulsa ng aking palda, buti na lang ay naroon ang aking panyo. Mabilis akong nagpunas ng mukha. Sinubukan ko ring ayusin ang aking buhok. Nang maging okay na ay saka ko binuksan ang pinto. Ang nag-aalalang mukha ng aking kaibigan ang bumungad sa akin.

Sinalubong niya ako ng yakap. Pinigilan ko ang sariling muling maiyak. Nakaiyak na ako kanina, tama na iyon.

"Hindi ka na non babalikan. Bukol na ang sunod na aabutin niya sakin." Biro niya ngunit alam kong kaya niya iyong seryosohin, tumawa na lamang ako para isipin nyang okay lang ako. Tinulungan ako nitong muling ayusin ang aking sarili. Sinuklay-suklay namin ang aking brown na buhok, malambot iyon at may kahabaan. Si Leo pa ang nagtali ng aking buhok dahil gustong-gusto niya ang buhok ko.

Nang bumalik kami ng room ay naroon na ang unang guro. Hindi kami nito pinansin at nagpatuloy lamang sa pagtuturo. Ang mga kaklase ko naman ay sa akin nakatingin. Ang mga mata nila Alfred ay tila nangangamusta, sinagot ko lamang sila ng isang ngiti.

"Eyes on me!" Sigaw ng guro kaya napunta sakanya ang aming atensyon.

Nang oras na mag ring ang bell hudyat ng recess ay nagsi-ingayan agad ang aking mga kaklase, nagsilabasan ang mga ito upang pumunta na sa canteen, samantalang ang ilan naman ay lumapit sa akin.

"Girlfriend ni Franco iyon, Diane. Ang kumakalat kasi e may gusto raw si Franco rito sa section natin pero hindi naman sigurado kung totoo o kung sino. Ikaw yung pinakamaganda rito kaya akala siguro nila ay ikaw kaya ikaw iyong pinuntirya ni Cali." Paliwanang ni Alfred. Kumunot ang aking noo. Nagkamali lang iyong babae?

"Gaga pala siya e! Hindi niya muna inalam! Basta na lang susugod. Makita ko lang talaga ulit ang babaeng iyon, lagot ang feslak non sa akin." Si Leo na tila sasabog sa inis. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Hayaan mo na. Nagkamali lang pala." Awat ko.

"Nagkamali talaga siya! Maling-mali ang ginawa niya. Inosenteng tao ang sinaktan niya. Hindi ko iyon palalagpasin. Tara sa guidance!" Kinuha nito ang kamay ko at umambang aalis pero agad kong pinigilan.

"L-leo, huwag na. Ayokong ipatawag sina mommy. Hayaan mo na, okay naman na ako."

"Bekeki, hindi iyon pwedeng ginawa niya." Pagpapaintindi niya sa akin. Alam ko naman iyon pero ayoko ng palakihin ito, isa pa, magagalit si daddy.

"Huwag na, Leo, please?" Paki-usap ko. Kunot na kunot ang noo nito nang titigan ako bago umirap at dismayadong bumuntong hininga.

"Sige. Pero kapag ito naulit, baka pati sa police isumbong ko siya."

Buti na lang ay napigilan ko rin si Leo. Busy ang parents ko sa trabaho nila kaya ayokong maka-abala at siguradong ikagagalit ito ng aking ama kaya ang nangyari sa araw na ito ay ililihim ko na lang.

"Hindi nga?!"

"Oo, sinuntok talaga."

Pareho kaming napatigil ni Leo sa paglalakad. Nasa canteen kami ngayon para kumain ng lunch. Lumapit siya roon sa mga nag-uusap. Ilan doon ay mga bading na tingin ko ay mga kaibigan niya.

"Ano 'yang chismis?" Pagsali ni Leo sa usapan. Lumingon iyong mga bading sa isang mesa, ang mesa ng tatlo. Tahimik na kumakain si Cedrick, Franco, at Enzo. Nakapokus lang sila sa kanilang pagkain. Medyo nakakapanibago dahil dati naman ay madalas pa silang magkwentuhan kapag kumakain. Ngayon ay tila ang tahimik nila. Napansin ko ring hindi ata magkatabi ngayon si Enzo at Franco. Nakatabi si Enzo kay Cedrick sa kabila.

Naibalik ko ang atensyon sa mesang kinaroroonan namin nang muli ng mag-usap-usap ang mga bading.

"Kasi kaninang umaga raw, sinuntok daw ni Enzo si Franco." Bulong nong isa. Pareho kami nagulat ni Leo at mas lumapit pa.

"Eh? Talaga? Kailan? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ng katabi ko.

"Nong umaga, bago mag start klase. Galing sa labas ata iyong si Enzo tapos pagbalik sa room nila biglang bogsh! Ayun, sinuntok sa pisngi si Franco." Maaksyon na kwento ng bading. Nagkatinginan kami ni Leo at pareho pang napatingin muli sa pwesto nila Enzo.

"Tanungin mo itong si Arnold, kaklase nila ito e." Tinuro ng bading ang isa pang bading sa grupo, ngumiwi iyon, hindi ata nagustuhan ang pagtawag sa pangalan niya. Kinumpirmi naman noong Arnold na totoo nga raw ang nangyari.

"Hindi namin alam kung bakit. Gaganti sana si Franco kaso pumagitna na si Cedrick. Basta parang galit na galit talaga si Enzo, scary nga e, pero in fairness aaaaaaaaa-ang pogi!" Parang mahihimatay sa kilig nang tapusin nito ang kwento. Napangiwi ako at palihim na sinamaan ito ng tingin.

Pumila na kami ni Leo matapos kumalap ng chismis. Naghanap din agad kami ng mesa. Habang kumakain ay hindi mawala ang tingin ko kina Enzo. Maging si Leo ay panay rin ang tingin doon. Hindi lang naman kami ang gumagawa non, ang iba nga ay halatang pinag-uusapan pa sila.

"Nakakapanibago, hindi talaga sila nagpapansinan." Si Leo. Tumingin ako sa walang ganang ngumunguyang si Franco. Base sa ekspresyon ng mukha nito, mukhang iniinda nito ang masakit na pisngi, mapula nga rin iyon. Masyado atang malakas sumuntok si Enzo?

Pero bakit niya ba sinuntok ang kaibigan? Napadako sakanya ang tingin ko. Normal lang naman syang kumakain, hindi nag-aangat ng tingin, parang walang pake sa paligid. Ngunit tila may itim na aura na nakabalot sakanya. Para bang ano mang oras ay magwawala siya. Si Cedrick naman ay pabalik-balik ang tingin sa dalawa.

Isa pa sa napansin ko ay ang medyo tahimik na canteen. Hindi malakas ang daldalan katulad ng nakasanayan. Madalas kasi ay tila mga langaw ito na nagsasabay-sabay sa ingay. Ngayon ay palihim lang ang pag-uusap-usap nila. Siguro ay dahil na rin sa aura ng tatlo. Mas lalong tumahimik ang mga estudyante dahil sa biglaang pagtayo ni Enzo, tumunog ang upuan nito. Halos lahat ata kami ay naka-abang sa sunod nitong kilos. Uminom ito ng tubig at basta na lamang tumalikod. Dati ay sabay-sabay silang lumalabas ng canteen, ngayon ay mag-isa syang umalis.

"Bro!" Tinawag pa ito ni Cedrick ngunit hindi man lang ito lumingon. Nagkatingin ang dalawang naiwan. Umiling-iling lamang si Franco at bumalik sa pagkain.

"Leo, CR muna ako. Iihi lang." Paalam ko bago tumayo at tumakbo palabas.

Hindi talaga ako naiihi. Ang plano ko ay sundan si Enzo. Dire-diretso lamang ang lakad nito bago lumiko. Muli ko syang sinundan sakanyang nilikuan. Dumiretso siya sa dulo ng panibagong pasilyo bago siya huminto sa isang room at pumasok sa puting pinto. Tinakbo ko ang papunta roon. Nang nasa harap na ng malawak at kakaibang puting pinto ay nabasa ko ang nakasulat sa itaas.

CLINIC

Nagtaka ako. May masakit ba sakanya? Ito ba ang dahilan kaya agad niyang iniwan ang dalawang kaibigan sa canteen?

May pag-aalala akong nanatili sa harap ng clinic. Sumilip ako sa salaming nasa may pintuan. Malawak ang loob ng clinic, hindi ko siya roon makita. Puro mga nakasarang kurtina sa bawat kama lamang ang nasilayan ko. Sinubukan ko pang mas sumilip kaya naman sobrang lapit ko na sa pinto, ang aking ilong ay dumikit na sa salaming bintana. Kung may makakakita lang sa akin ay baka pagkamalan akong weirdo. Napatingin tuloy ako sa pasilyo at nakahinga nang maluwag nang makitang wala namang taong papunta rito, hindi pa siguro tapos ang lahat sakanilang pagkain sa canteen. Nang ibalik ko ang tingin sa loob ng clinic ay ganoon na lamang ang pag-tras ko. Kumabog ang dibdib ko sa gulat dahil mukha ni Enzo ang sumalubong sa akin. Sinalakay ako ng hiya. Ilang hakbang ang ginawa kong pag-atras mula sa pinto ng clinic. Pinanood ko syang lumabas kahit napaka seryoso niya.

Tuwing tinititigan ko siya, hindi lang hiya ang nararamdaman ko. Parang hindi ako kumportable. Kakaiba ang epekto niya sa akin. Kakaiba ang dulot niya sa pagtibok ng aking puso. May kakaibang takot akong nakakapa. Para bang sobra-sobra ang ipinaparamdam niya kaya kailangan kong lumayo at lumanghap ng maraming hanging dahil kapag nasa malapit siya ay tila hinihigop niya ako. Hindi ako makahinga, wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na tibok ng aking bata pang puso.

Sa huli ay napayuko na lamang ako nang hindi na makayan ang pakikipagtitigan sa malamig nyang mga mata. Para nila akong tinutunaw. Nakita ko ang paglapit niya sa akin dahil sa kanyang pares na sapatos na nakikita ko sa sahig, ang linis non, kumikintab pa sa linis tulad ng sa akin. Nag-angat ako ng tingin. Sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala. Madalas silang mapagkamalang highschool dahil kung titingnan ay parang mga binata na raw ito.

Gamit ang malikot kong mga mata ay pinasadahan ko ng tingin ang kanyang buong mukha. Mula sa itim nyang buhok na nakabagsak, sa haba noon ay lumaylay na ito sakanyang noo malapit lamang sa makakapal nyang kilay na parang kay perpekto dahil masyadong bumagay sakanya. Ang mga mata niya na sa unang tingin pa lamang ay maaakit ka na at tila kinukuha ang loob mo sa lambot ng titig nito, idagdag pa ang mapipilantik nyang pilik mata na madalas puriin ng mga guro dahil para daw itong isang santo. Naaalala ko ang kapeng iniinom lagi ni daddy dahil sa kulay ng kanyang mga mata, mahahalata mong may ibang lahi siya dahil sa matingkad na kulay ng kayumanggi, paniguradong kapag naarawan ay tila magkikislapan iyon at kahit sa dilim ay hindi mo iisiping itim ang mata niya. Ngunit kapag tinitigan mo nang mabuti ang dalawang pares na mga matang iyon, walang pagbabago ng kulay ang mangyayari, makakaramdam ka lamang ng takot at hiyang titigan ito dahil sa taas ng intensidad ng bawat tingin niya. Malamig, seryoso, at tila maraming itinatago. Ang tangos ng kanyang ilong na pag-iisipan mo kung totoo ba dahil napakaperpekto noon,  bumagay sa lambot ng kanyang mukha. Pero sa huli, ang labi niya pa rin ang maiisip mong pinakamalambot sakanyang buong mukha. Bukod sa ang kulay nito ay tila pula, ang hugis nito ay makapal sa ibaba at may kanipisan naman sa itaas.

Ang maputi nyang balat ay bumagay lamang sakanya. Kung pagsusumahin ay magaan lamang syang tingnan. Kung i-describe ng iba, ang mukha niya raw ay parang anghel, ang lambot at mukhang kay bait. Kaya maraming nagkakagusto sakanya dahil sa pagiging mukhang mabait niya. Mabait naman talaga siya, palagi nga lang isnabero at seryoso kaya sumusungit tingnan.

"I asked, why are you here?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang kanyang boses. Siguro ay kanina niya pa ako kinakausap ngunit hindi ko iyon naririnig dahil sa pagiging abala sa paglalarawan ng kanyang mukha.

Matagal ba ang naging titig ko?

Muling sumalubong sa akin ang kanyang kaseryosohan.

"A-ah, k-kasi..." nag-isip ako ng irarason.

Oo nga naman. Bakit ba ako sumunod? Bakit ako nandito?

Ngumuso ako bago itinuro ang aking kanang pisngi na mayroong kalmot. Hindi naman iyon masakit, maliban na lang kung hahawakan. Nang tingnan ko iyon kanina sa salamin ay medyo may kahabaan iyon. Agaw pansin iyon sa aking mukha dahil sa pamumula noon.

Napunta roon ang malamig na tingin ni Enzo. Isang marahas na buntong hininga bago tumalim ang tingin niya. Nilukob ako ng panibagong takot. Umatras ako, sa itsura niya kasi ay parang manununtok siya. Ganito kaya ang itsura niya nang suntukin si Franco?

S-susuntukin n-niya rin ba ako?

"S-sorry, a-alis na 'ko." Takot kong paalam at tinalikuran siya. Balak ko na sanang takbuhin ang hallway kaso ay nahawakan niya ang kanan kong kamay. Nanigas ako lalo na nang muli niya akong iharap sakanya. Napigilan ko ang aking paghinga at ipinangakong hinding-hindi mag-aangat ng tingin.

"Don't run." Nakuha ako ng kalmado nyang boses. Para ako nitong hinaplos. Napanguso akong muli, nahalata niya siguro ang takot ko kaya naman lumambot na rin ang tingin niya, ngunit nang muling tingnan ang aking mukha ay nagsalubong lang ulit ang kanyang mga kilay.

Nanatili ang mahigpit nyang kapit sa aking kanang kamay, iniisip niya sigurong muli akong tatakbo. Gamit ang kanan nyang kamay ay ipinasok niya iyon sa kanyang bulsa at may kinuha sa loob.

"Let's put this on your scratch." Sabi niya at ipinakita ang maliit na pahabang papel, band aid.

Magaan niya akong nahila dahil sa pagpapaubaya papunta sa mga upuang nasa labas lamang ng clinic. Pina-upo niya ako roon at naupo rin naman siya sa tabi ko. Bumitiw na siya sa pagkakahawak sa akin upang alisan ng balat ang band aid.

Tahimik ko lamang syang pinanood. Biglang nawala ang pangamba at takot sa akin. Pakiramdam ko ngayon ay ligtas ako.

Hindi ko na napigilan ang mangiti. Kasama ko ang crush ko. Unang beses pa lamang ito kaya labis akong natutuwa na pinaglaanan niya ako ng oras at atensyon.

Natigil ako sa kakangiti nang muli niya aking tingnan. Nakakahiya, alam pa naman nyang crush ko siya dahil sinabi ko iyon sa letter noong grade 3 pa kami. Pero mukhang wala naman syang pake dahil hindi niya naman ako pinansin pagkatapos noon.

Nabalatan niya na ang band aid, hinawakan niya ang mukha ko para ilapit sakanya. Nagulat ako pero kinalma ko rin agad ang sarili. Kaso ay nilalamon ako ng kilig kaya naman muling sumilip ang hindi maawat na ngiti sa aking labi. Naikagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang mas paglaki ng ngiti. Masyado naman akong pahalata, sabi ni Leo ay dapat mukhang dalagang pilipina lang.

Sa pangalawang pagkakataon ay natitigan ko nang malapitan ang kanyang mga matang tila nagkikislapan, marahil ay dahil sa ilaw, ngunit pakiramdam ko ay nakangiti ang mga mata niya sa akin. Hindi na mawala-wala ang lapad ng aking ngiti.

"Does it still hurt?" Tanong niya na muling nagpabalik sa akin sa katinuan. Naalala kong may sugat nga pala ako. Pinasadahan niya ng marahang haplos ang aking kalmot pababa. Medyo napaatras ako dahil kumirot iyon. Nagulat siya, halata siguro sa aking mukha na nasaktan.

"I'm sorry." Agap niya. Nakitaan ko ang kanyang mata ng kakaibang emosyon. Para bang takot iyon at pag-aalala.

Sunod kong naramdaman ay ang pagdampi ng hangin sa aking mukha. Patuloy na hinipan ni Enzo ang sugat ko. Sa sobrang lapit niya ay mas lalo kong napatunayan kung gaano kaganda ang kanyang mga pilikmata. Nag-angat siya ng tingin kaya naman muling nagtama ang aming mga mata, mabilis lang iyon dahil muli nyang binalikan ng atensyon ang aking sugat.

Bigla syang lumayo nang tila may naalala. Mabilis nyang kinapa muli ang bulsa at may kinuha roon.

"I forgot, I should put this first." Sabi niya, parang sarili lamang ang kinakausap. Binuksan niya ang parihabang maliit na box at inilabas doon ang palagay ko ay cream.

Paikot nyang inalis ang takip upang buksan, sunod ay naglagay siya ng kaonting cream sakanyang kaliwang hintuturo.

"Sabi ng nurse, mahapdi raw sa una, but it's bearable so don't be scared." Malumanay nyang paliwanag kahit hindi naman ako natatakot.

"Ilalagay ko na." Paalam niya pa, ako na ang naglapit ng aking mukha. Magaan nyang ipinahid ang cream sa aking sugat. Ni halos hindi dumikit ang kanyang daliri sa aking mukha, tila ingat na ingat siya na tanging ang malambot na cream lamang ang naramdaman ko sa aking balat, sa aking sugat. Tama nga siya dahil sa una ay may kaonting hapdi akong naramdaman, ngumiwi lang ako. Nang mapansin niya iyon ay muli niyang hinipan ang aking sugat.

Sa ikinikilos niya ngayon, para bang alalang-alala siya sa akin.

Crush niya rin ba ako?

Ngunit naalala ko ang sinabi ni Leo.

"Paasa ang tatlong iyan. Tingnan mo ang daming girlfriend kasi magagaling lumandi ng babae. Kaya huwag kang maniniwala agad kapag pinakitaan ka ng motibo, ganoon lang talaga sila sa babae."

Nalungkot ako sa naisip. Baka nga ay ganito lamang talaga siya. Kasi nga mabait siya.

Nang siguro’y natuyo na ang cream, sunod nyang inilagay ay ang band aid. Patayo niya iyong idinikit.

"Kita pa ba ang sugat ko?" Tanong ko sa maliit na boses. Buti ay naisipan nyang gawin ito. Paano na lang kapag umuwi ako at nakita ito ni mommy? Siguradong maghihisterya iyon sa pag-aalala, at si daddy naman ay maaaring bumuga ng apoy sa galit. Naiisip ko pa lamang iyon ay sapat na upang matakot ako nang husto.

"Hindi na." Sagot naman niya. Maginhawa akong napangiti.

"Thank you." Masaya kong pasasalamat. Akala ko ay hindi niya ako sasagutin pero...

"You're welcome." Sabi niya lamang sa seryosong mukha. Akala ko rin ay aalis na siya pagkatapos non dahil nagamot niya naman na ang sugat ko, ngunit nanatili syang titig na titig sa akin. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin.

Kaonti na lang ay iisipin ko ng crush niya rin ako.

Ako lang ba ang tinitigan niya nang ganito? Kasi kung oo, baka nga crush niya rin ako. Paano ko ba malalaman iyon?

"Hey," pagtawag niya sa atensyon ko. Mabilis naman akong lumingon sakanya.

"Do you know what my mom always does whenever I get wounds?" Tanong niya, umiling lamang ako bilang sagot.

"She's blowing it, then..." pinutol niya ang sinasabi, dahil ang kasunod pala noon ay ang paghalik niya sa aking pisngi... sa mismong band aid, kung nasaan ang sugat ko. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat dahil hindi ko iyon inaasahan.

"She's kissing it." Patuloy niya habang titig na titig sa gulat kong mukha. Nag-init ang aking buong mukha, paniguradong pulang-pula na naman ito! Ang halata ko pa naman kapag namumula. Hinabol ko ang aking hininga, bakit siya ganyan? Ang damot niya sa hangin. Pati lakas ko ay kinukuha niya. Pati puso ko ay balak niya rin atang kunin, dahil sa lakas ng tibok non ay parang kakawala na ito sa dibdib ko! Normal pa ba ito? Sakit na ba ito? Ngunit kay Enzo ko lang naman ito laging nararamdaman, kapag nariyan lamang siya.

Hinawakan ng kanan nyang kamay ang kaliwa kong pisngi kung saan walang sugat. Naramdaman ko ang marahang paghaplos pabalik-balik ng kanyang hinlalaki.

"I kissed it, so it won't hurt na." Sabi pa nito na mas dumagdag lamang sa pagkamangha at pagkakagusto ko sakanya. Hindi iyon nakatulong sa pagwawala ng aking puso ngunit kahit ganoon ay nakaramdam ako ng kapayapaan sakanya sa unang pagkakataon. Napaisip pa ako kung si Enzo nga ba ang kaharap ko dahil ibang-iba ito sa palagi kong nakikita mula sa malayo at malapit.

Ibang bersyon niya ang katabi ko ngayon, ibang bersyon niya ang gumamot sa akin, ibang bersyon niya na pakiramdam ko ay gusto rin ako.

Hinihiling ko na sana ay palaging ganitong bersyon niya na lamang para hindi ako umaasa at nag-iisip na baka nagkakamali lang ako at nagiging feelingera.

"C-crush mo rin ba ako?" Hindi ko na napigilang itanong. Kaonti na lang, mukhang mahihimatay na ako sa samo’t saring kilig at kabang nararamdaman. Ni hindi ko magawang tingnan siya habang tinatanong iyon para maiwasan ang mas lalong kahihiyan. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay naming dalawa. Doon nagtagal ang aking nagugulat na tingin.

"You're my girlfriend now." Sinabi niya iyon sa mahinang boses. Parang ibinulong lamang at hinangin papunta sa aking tainga. Parang mahirap paniwalaan dahil baka gawa-gawa lamang iyon ng sarili kong isip.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

4.2M 107K 47
Penelope Praisley, marami siyang tigyawat, hindi palaayos sa sarili at hindi kagandahan. Kasal siya sa isang lalaking lagi siyang binubugbog at namba...
2.8M 54.1K 34
Orion La Croix is a ruthless man with an ugly past and filthy dark secret, but when it comes to his baby doll, he will do everything just for her, ev...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
46.7K 271 25
Doctor Jake Coleman is renowned not only for his skill but also for his icy demeanor, earning him the moniker of the "living ice." To those around hi...