"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3

5.3K 267 37
By SsweetySakura

[=A=]:

Bigla naman natigil sa pag tawa si Prinsesa Zemiragh nang marinig niya ang tawanan sa mesa ng mga Ūníc estudyante maliban lamang kay binibining Ahrimita na madilim ang anyo.

Pati ang ibang mga mag aaral na kumakain ay napatingin din sa mesa ng mga Prinsipe at mga Prinsesa.

"B-bakit sila tumatawa?"

Kinakabahang tanong ni Prinsesa Zemiragh dahil parang ganito din ang nangyari kahapon doon sa silid ng klase nila sa kasaysayan.

"Dahil nakita nila ang multong nakita mo?"

Hindi siguradong sagot ni Jelliene na siyang ikanamutla ng pagmumukha ni Prinsesa Zemiragh habang si Jelliene naman at si Farina ay nagtataka kung bakit nag iba ang hitsura ng Prinsesa.

Mabilis naman kinuha ni Prinsesa Zemiragh ang kanyang gamit at walang pagdadalawang isip na lumabas sa Cantena habang tumatakbo at iniwan ang dalawang babaeng kasama niya na naka ngangang nakatingin sa kanyang pag alis.

"Wahhhhhh, ayaw ko ng multo."

Dahil sa pag sisigaw nito habang mabilis na tumakbo palabas ng Cantena ay mas lalo pa lumakas ang tawanan ng mga Ūníc estudyante na kahit si Prinsipe Lawrence ay bahagyang kinagat ang kanyang pang ibabang labi upang pigilan ang pag bungisngis dahil ngayon lang siya nakakita ng isang tao na naniniwala at natatakot sa multo.

Lalo na sa ekspresyong nakita niya sa mukha ni Prinsesa Zemiragh.

Kung kanina ay tapang at walang pakialam ang nasa mukha nito ay bigla nalang napalitan ng takot na siyang ikinatatawa niya.

Tila nakalimutan narin niya ang ginawa sa kanya ng Prinsesa.

"Eheemmm.. eheemm.."

Napabaling naman ang tingin ni Binibining Ahrimita ng marinig niya ang mahinang tikhim ni Prinsipe Lawrence at kita niya ang pinipigilang pag labas ng emosyon sa mukha ng lalaki.

Mas lalong nandilim ang mukha niya dahil ayaw niyang may ibang makakuha ng atensyon nito maliban lang sa kanya.

Gusto niya na kung mag labas man ito ng kahit anong emosyon ay dapat dahil lang din sa kanya.

Inilagay niya sa kanyang listahan upang pag matyagan ang Prinsesang kakalabas lang sa Cantena at kung makita pa niyang ito ulit ang maging dahilan sa emosyong makikita niya sa kanyang pinakamamahal na Prinsipe ay hindi siya mag dadalawang isip na alisin agad ito sa kanyang landas.

Wala siyang pakialam kung Prinsesa man ito o hindi dahil ayaw niyang may ka agaw siya sa atensyon ng Prinsipe.

Makasarili siyang babae lahat ay gagawin niya basta makuha lamang kung ano ang nagustuhan niya.

Wala rin siyang pakialam kung mabuti o masama ang pamamaraan niya basta magtagumpay lamang siya sa kanyang gagawin.

.

.

.

.

.

[=Propesor Hassen=] A:

Hindi nakatulog ang Propesor ng maayos dahil sa kanyang mga nalaman kahapon.

Pagkatapos niya makausap ang dating Maestro sa mahika at ang pinaka magaling din pag dating sa ganyang larangan ay ganun nalang ang karaming katanungang nabuo sa kanyang isipan.

"Alam mong hindi pa nasisira ang eskrol na ito kahit kailan pero hindi ibig sabihin na hindi na talaga ito masisira pa."

Napatigil naman ang Propesor sa kanyang pag inum ng tsaa ng marinig niya ang sinabi ng dating Maestrong naka upo sa kanyang harapan habang hawak-hawak ang sirang scroll.

Sobrang tanda narin nito na lagpas nubenta (90) na ang edad.

Pero kahit ganoon ay mas malakas parin ito sa kanya kung usapang mahika lamang ang batayan.

"Ano po ba ang inyong ibig sabihin Maestro?"

Kahit hindi na ito ang maestro sa Akademya ay buong puso parin niya itong ginagalang dahil ito na rin ang nagsilbing ama niya at ito narin ang nagpalaki at nagturo sa kanya sa mga nais niyang malaman sa mundong kanilang ginagawalan.

"Isang Dyosa, Isang may dugong Dyosa o Dyos, Isang Dugong bughaw ng taga Kasamaanian o may lahing dugong bughaw na taga Kasamaanian ang siyang tanging makakasira lamang sa eskrol na ito."

Halos masamid siya sa kanyang mga narinig mula sa dati niyang Maestro habang inilagay nito sa mesa ang hindi na mapakinibangang scroll.

Hindi niya makalimutan ang mga sinasabi ng dating Maestro magmula nang maka alis siya sa tirahan nito.

Sabi pa nito ay aabutin ng kalahati o isang buwan bago maayos at gagana muli ang scroll.

Napabuntong hininga nalang ulit siya at tumayo ng marinig niya ang kampana hudyat na oras na ng klase kung saan siya ang magtuturo.

Wala siyang dalang mga gamit dahil nasa kanyang suot na singsing lamang ang kanyang mga gusto gamitin.

Isa itong mahikang aytem na gagamitan lang niya ng kapangyarihang isip upang lumabas ang kung anong gusto niya mula dito.

'Tunog o boses' naman ang kanyang mahika.

Pwede siya makagawa ng isang napakalakas na tunog mula sa kanyang boses na pweding ikamatay ng iba lalo na pag malapit lang ito sa kanya.

Sasabog ang ulo ng mga taong malapit sa kanya pag gagamitin niya nang malakas ang kanyang mahika pero kung malakas naman ang kapangyarihan at mahikang taglay ng isang taong makakarinig ng boses niya ay maari lamang itong mahimatay o dudugo ang tenga at ang mga mata nito.

Nang nasaharapan na siya ng pintuan sa silid ng kanyang pagtuturuan ay binuksan na niya ito at naglakad papasok hanggang sa gitna ng Entablado.

Inilibot niya ka agad ang kanyang paningin at kita niya na kulang parin ang Ūníc estudyante.

Wala pa dito ang dalawa.

Ang Prinsipe ng Iyroria o Kaharian ng mga Nyebe at ang isang Prinsesa ng Genezers o Kaharian ng mga dakilang manggagamot.

"Magandang hapon mga mag aaral. Sa ngayon ay hahatiin ko muna kayo sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay ang mga bagong mag aaral at ang pangalawa ay ang dating mga mag aaral dito. Kabilang sa mga bago ang mag iisang taon o isang taon pa lamang sa Akademyang ito."

Inilibot niya muli ang kanyang mga paningin at kita niya ang pag busungot at pag reklamo ng ibang mga aaral.

"Maestro diba ang dabi mo kahapon ay ngayon mo susukatin ang kapangyarihan ng mga dating mag aaral?"

Napabaling naman ang kanyang paningin sa isang lalaking mag aaral na nag tanong.

"Tama."

"Gusto ko makita ang antas ng kapangyarihan ng mga Prinsipe lalo na ang nasa Ūníc estudyante."

"Gusto ko din lalo na kay Prinsipe Lawrence."

Rinig na rinig niya ang samot saring mga bulungan ng mga ilang mga mag aaral pagkatapos magsalita nong isang mag aaral na lalaki.

"Ikinalungkot ko pero hindi muna sa ngayon sapagkat inaayos pa ang eskrol dahil hindi ito gaanong gumana dahil narin siguro sa kalumaan."

Hinanap niya ka agad ang naging dahilan ng pagka sira sa eskrol at nakita niya ang Prinsesang bagot na bagot ang pagkakamukha nito habang naka dikwatrong naka upo sa may itaas na bahagi ng mga upuan.

Hindi niya pweding sabihin na sira na talaga ang scroll dahil baka magtatanong ang mga dugong bughaw na sila lamang ang nakaka alam sa totoong mahikang taglay ng scroll at hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot o paano niya ipapaliwanang kung sakali.

Tinitigan niya ng taimtim ang Prinsesa sa itaas at sinuri kung saan sa apat na lahi siya nabibilang upang may lakas na mahika para masira ang nag iisang scroll.

Pero ganun nalang ang pagka gitla niya nang wala siyang makita kahit anong aura sa kataohan nito na nakadadag na naman sa kanyang mga katanongan sa kanyang isipan.

.

.

.

.

.

.

-

[=A=]:

Nagtaka naman si Prinsipe Lawrence dahil sa kanyang nalaman tungkol sa nangyari sa scroll kahit alam niyang may kalumaan na ito pero gagana at gagana parin ito dahil alam niya ang totoong mahikang naka tago dito.

Hindi man ipinaalam sa ibang may dugong bughaw ang totoong nangyari pero hindi naman ito makakalagpas sa kanya.

Mas lalo naman nangunot ang noo niya ng makita niya ang reaksyon ng kanilang Maestro at tinignan naman niya kung saan ito naka tingin.

Kita niyang diritso itong naka tingin sa mataas na pwesto ng upuan kung saan naka upo si Prinsesa Zemiragh na bagot na bagot ang pagmumukha nito.

Muli niyang binalingan ng tingin ang mukha ng Maestro at kita niya dito ang pagtataka, pagkagulat at katanungan sa mga mata nito habang mariin parin itong nakatingin sa Prinsesa.

May mga katanungan namang na buo sa kanyang isipan tungkol sa nangyari sa scroll at lalo na sa reaksyon sa kanilang Maestro na naka tingin sa isang Prinsesa.

Parang may isang misteryong mangyayari sa kanilang paligid na hindi nila nalalaman.

.

.

.

.

.

.

-
[=Miragh=]:

Napataas naman ang kilay ko nang makita kong nakatingin sa akin ng mariin ang Maestro at kita ko mula dito ang pagtataka at pagka gulat sa kanyang pagmumukha.

Duhhh.. alam ko namang sobrang ganda ko pero sana huwag na niyang ipahalata pa sa akin dahil nakaka asiwa lang talaga.

Ang tanda na rin niya para sa akin kahit pa sa totoo kong edad.

Inirapan ko nalang ang matandang nangangarap ng gising sa isang napakagandang tulad ko.

Matandang malantod ampppp...

"Eheemmm.. Dito sa kaliwang bahagi ang mga bago at sa kanan naman ang mga dati."

Rinig ko naman ang medyo nahihiyang tinig nito at buti naman at nagising na siya sa kanyang kahibangan para sa isang tulad ko.

Napa ismid nalang ako nang muli itong sumulyap sa akin.

Kakadiri naman itong matandang ito sarap bigwasan.

Inirapan ko ito ulit at nakita ko naman ang pag iling nito.

Tumayo nalang din ako ng makita kong nagsitayuan na ang iba at pumunta sa bahaging aming pwestohan sa mga bago.

"Dahil sa hindi pa natin alam kung ano na ang antas ng mga dati ay ganito muna ang gagawin natin. Mga bago ay gawin niyo muna ang pangunahing pagsasanay para hindi mabigla ang inyong lakas, kapangyarihan at mahika sa inyong katawan. Mga dati ay paigtingin niyo pa ang pagsasanay sa inyong mahika lalo na ang inyong kapangyarihang pang indibedwal dahil may ipapa gawa ako sa inyo pag masukat na natin ang antas ng inyong mahika."

Napa busungot ang mukha ko sa mga narinig mula sa matandang Maestro dahil sa wala naman akong kapangyarihan at mahika so ano pala ang gagawin ko dito mag TikTok?

Pwede naman sigurong hindi na ako sumali diba at hindi na makisabay sa mga kalukohan nila.

"Prinsipe Lawrence pwede po bang ikaw muna ang manguna at humawak sa inyong pangkat para magabayan ko ng maayos ang mga bago. Pasensya na po Prinsipe kung bakit naging ganito ang takbo ng ating klase."

Nakita ko namang tumango lamang yong Prinsipeng masama ang ugali sa matandang Maestro.

Kinikilig naman ang ibang mga babae sa kanilang pangkat dahil siguro isang Prinsipeng masama ang ugali ang mangunguna sa kanila.

Bakit ba kilig na kilig sila dyan eh masama naman ang pag uugali niyan at mukha pang itlog.

Napapout na lamang ako dahil sa kalantodan nang mga pangit na nilalang.

Pinaakyat naman kami sa Entablado ng matandang Maestro para daw sumayaw ng my body is ma mine and ma mine is my body biro lang pero kung hindi kayo natawa ay bahala kayo sa buhay niyo.

Problema ko ba iyan.

Pina upo niya kami na parang pang Indian na stelo sa sahig ng Entablado tapos pinag daop ang mga kamay at inilagay sa ibabaw ng aming tyan, ilalim sa may dibdib.

Sumunod nalang ako sa pinaggagawang kabaliwan ng matandang Maestro para kunwari mabait.

Sabi pa niya pumikit daw kono tapos pakiramdaman ang mainit na utot na lalabas sa sariling katawan este Enerhiya.

Inaalog-alog ko naman ang mga tuhod ko dahil sa pagkaka bagot sa pinapagawa sa amin.

Ilang minuto nadin ang lumipas at nagugutom na ako, gusto ko na ulit kumain.

"Huwag mo igalaw kahit anong parte ng iyong katawan Prinsesa Zemiragh."

Napanguso naman ako dahil sa sinabi ng Maestro at itinigil ang ginagawa ko sa aking tuhod.

KJ nemen pero asunurin din naman ako minsan kapag...

.

.

.

.

Wala lang. Pag trip ko lang.

.

Pumikit nalang ulit ako ng mariin dahil may nabuo akong magandang ideya.

Iyon ay ang matutulog nalang hehehe.

Nagawa ko na din naman ito noon sa dati kong mundo bilang isa sa paraan ng pag sasanay para maging malakas ang pakiramdam sa paligid. Ang matulog habang naka upo ng pang Indian.

"Sahana, sa wakas ay natagpuan muna ako."

Bigla naman ako napadilat ng marinig ko ang boses na iyon.

Diba ang gusto ko ay matulog lang bakit napadpad ako dito sa lugar na ito.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at sobrang nakakamangha talaga ang ganda nito.

Maraming iba't ibang bulaklak at paruparu sa paligid at sobrang napaka aliwalas din ng kapaligiran.

"Sahana, salamat at nandito kana."

Napalingon lingon naman ako sa paligid ng marinig ko ulit ang boses nito pero wala akong makita ni kahit sino.

"Sino ka at nasaan ka?"

Nag simula na naman akong kinilabutan dahil baka multo na naman ito.

Bakit ba ganito nalang lagi ang eksina ng buhay ko.

Yung totoo, puro mga multo lang ba talaga ang tagahanga ng kagandahang taglay ko?

"Lumapit ka dito sa isang malaking puno at hawakan mo."

Hinahanap ko naman ang puno na sinasabi nito at nakita ko ito sa aking likuran na medyo malayo sa aking kinatatayuan.

Napatingin naman ako sa puno na sobrang laki at kulay ginto ang mga dahon at bunga nito.

Totoo kayang ginto iyan?

Mabebenta ko kaya ang mga dahon niyan pag kukuha ako?

"Totoong ginto ito pero hindi mo madadala ang kahit ano mula dito sa iyong mundo, Sahana."

Napapout naman ako sa kadamutan nito.

Kahit isang libong dahon lang naman ang gusto ko pinag dadamot pa nito.

Akala mo naman ay makakain niya ang mga dahon na iyan.

Pero nakakapag taka at alam nito ang iniisip ko dahil hindi ko naman talaga iyon binigkas ng aking mga labi.

"Kahit isang dahon lang?"

Naglalakad naman ako sa direksyon ng puno para kumuha ng isang dahon.

May mga nalaglag din naman na sobrang gandang pag masdan dahil kumikislap ito sa liwananag na nag mula sa sikat ng araw kaya pwede na siguro ako kumuha don.

"Bawal."

Napungoso ako ulit ng marinig ko ulit ang sinabi nito.

Napakadamot talaga.

"Nasaan kabang madamot ka?"

Bagot kong tanong habang tinitingala ang kataasan ng puno sa aking harapan.

"Hawakan mo ang punong na sa iyong harapan, Sahana."

Sinunod ko naman agad ang sinabi nito dahil baka bibigyan niya ako ng kalahating milyong dahon pag maging masunurin ako sa kanya.

Nang lumapat ang aking palad sa balat ng puno ay bigla naman itong lumiwanag na ikinagulat ko pero agaran ko ring napapikit ang aking mga mata dahil sa sobrang nakaka silaw ang liwanag nito.

"Salamat, Sahana."

Naimulat ko agad ang aking mga mata nang may naramdaman na akong kasama sa palagid.

Laglag panga naman ako ng masilayan ko ang isang napakagandang babae na may pakpak sa likod.

.

----------

Continue Reading

You'll Also Like

148K 5.6K 56
Zecchea Zachariah is an orphan enchantress. Hindi nya nakilala ang mga magulang nya simula pagkabata ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang dal...
31.7K 1.3K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
80.6K 2.2K 58
Pinaniwala, niloko, sinaktan, ibinugaw, inilapusta, at pinatay. Ganyan ang ginawa nila sakin noong ako ay nabubuhay pa. Magbabalik, maghihiganti sa'...
14.3K 1.5K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...