Loving My Brother #2: Who's T...

ziryanggg tarafından

58.3K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... Daha Fazla

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 125:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 135:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 140:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 148:

1K 47 20
ziryanggg tarafından

Thrale's POV

Puno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.

Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.

Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha. Tinapik ako ni Kein sa aking balikat, ngumiti siya.

"Congratulations again, bro." Gumilid na siya ng p'westo.

Halos lahat ng kaibigan ni Thrizel ay nandirito, ganoon din naman ako. Muli ko siyang tiningnan, nakangiti siya sa akin habang may luha sa mata. Nang maihatid siya ni dad sa aking harapan, agad kong pinuwesto ang braso ko na agad niyang kinapitan.

"I'm so happy for you two." Tumango si dad sa amin bago pumunta sa p'westo ni mom na umiiyak din.

Nakaharap na kaming dalawa kay father. Ngumiti siya bago magsalita. "Bago tayo mag-umpisa, wala na bang tututol sa kasal?" Ang iba ay nagtawanan sa tanong nito. Walang sumigaw kaya muli siyang nagsalita. "Wala? Osig-"

"I was just a little late, itigil ang kasal." Napatingin kaming lahat doon sa nagsalita. Nangunot ang aking noo nang makita ko si Blue. Nakatayo lamang siya. Kumurba ang ngisi sa kaniyang labi. "Charaught, HAHAHAHAHAHAHA! Try lang kung anong feeling. Tuloy na, father. Sorry po."

Nagtawanan ang aking mga kaibigan doon lalo na si Elkhurt. Nakahinga naman ako nang maluwag. Tiningnan ko si Thrizel na nakatingin din pala sa akin. Parehas naming nginitian ang isa't isa. Doon na nag-umpisa ang panunumpa naming dalawa.

DUMIRETSO kami sa reception hall nang matapos ang kasal. Kakatapos lang magpasalamat ng aking asawa sa lahat ng kaniyang bisita, kasama rin naman ako roon. Ngayon, naglalakad kaming dalawa. Todo bati sa amin ang mga dumalo.

"Wahhhhhh! I miss you, huh! Congratulations ulit! May paiwas-iwas ka pa kay Thrale, kayo rin pala magkakatuluyan, sus!" Napangiti ako sa tinuran ni Aevie. Bahagya pa namang siniko ng asawa ko ang kaniyang kaibigan para tumigil ito sa pang-aasar.

"Salamat." Ako na ang nagpasalamat.

"Congratulations din, Thrizel. Masaya akong masaya ka na. Siguro kung nandirito si lolo, matutuwa iyon sa 'yo." Mahinhing wika ni Z dito na agad niyang tinanguhan at yinakap.

Lumapit sa amin ang isang lalaki habang kasunod niya ay si Amira na palaging nakangiti. Itong lalaki, sa amin agad ang tingin. "Chef Wrent or Mrs. Wrent?" Nakapamulsa siya. Siya si Chef Sanchez. "Congratulations daw sabi ni Tita Celine, masyadong busy ang manager. Maaga siyang tatanda kung ganoon. Good luck sa pagiging nanay. Haha." Natawa siya ng bahagya. Pinasalamatan siya ni Thrizel.

"Uy, uy, uy, hindi ba kayo kakain?" Sumulpot sa aming gilid si Amira. May malawak na ngiti. "Doon tayo sa chocolate fountain, masarap doon."

"Makita mo riyan si Redelyn na natutuwa sa chocolate fountain." Malalim ang kaniyang boses kaya sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Phryx. "Thrale, nice wedding." Iyan lang talaga sasabihin niya? Ngumiti siya sa asawa ko. "Good luck sa honeymoon, Thrizel."

Nanlaki ang aming mga mata. Tawa nang tawa si Amira sa aming gilid. Walang pigil ang bunganga ng lalaking 'to. Sinabi naman na ni Thrizel sa akin kung anong nangyari sa kanila ni Redelyn.

"Kawawang lalaki, walang asawa." Pabalang kong bulong na alam kong narinig niya. Sinamaan niya ako ng tingin, hindi ko pinansin. Tumitig ako kay Amira. "P'wedeng mamili kung sino ang gusto mong maging asawa. Isama mo na si Amira sa choices baka kayo talaga."

Nawala ang ngiti ni Amira sa labi. Napalitan ito ng pamumula at pagkatuptop. "Kuya Thraleeee!" Palo nito sa aking braso. "Kapag kayo nagkaanak, ikukwento ko sa anak niyo mga kacornyhan niyong desisyon sa buhay! HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Si Thrizel na umami-"

Tinakpan ni Thrizel ang kaniyang bibig. "Nasobrahan ka na sa pagiging madaldal, Ms. Walang Manliligaw."

"What?!" Diniretso niya ang tingin kay Phryx. "Ayos lang basta huwag lang kay Phryx na baliw dati." Si Phryx naman ang napikon sa sinabi nito.

Biglang dumating si Blue na may hawak na dalawang fried chicken. Nagtaka agad ako. Akala ko ba hindi na siya kumakain niyan? Saka dalawang kamay niya pa talaga ang may hawak? Balik na naman ba ito sa pagiging abnormal?

"Hi, tatay." Baling niya sa akin. Wow, tinawag akong ganoon. "Tutal wala naman kayong anak, p'wede bang ako na lang?"

"Ang kapal ng pagmumukha mo, Blue." Pagkontra ni Amira.

Nilunok muna ni Blue ang kaniyang kinakain bago sagutin si Amira. "Manahimik ka nga, biyuda."

"What?!" Angal na naman nito. "Wala pa akong naging asawaaaaaa!"

Hindi siya pinansin ni Blue, nilipat ang atensyon sa asawa ko. "Thrizel, payag ka?"

"Hindi." Seryoso niyang sagot. "Maghanap ka na ng asawa mo, Blue. Matanda ka na. Si Thrale nga, oh. Kapatid pala ang papakasalan. Malay mo katabi mo pala ang sa 'yo."

Dahan-dahang tumingin sina Amira st Blue sa kanilang mga gilid. Nang magkatinginan sila, agad silang ngumiwi at umaaktong nandidiri.

"Doon na lang ako kay Phryx na baliw, maayos naman na ngayon e." Sinuri ni Amira ang kabuoan nito. "Kaysa naman dito na walang cure sa pagiging abnormal, mas malala." Napairap pa siya ng mga mata. Rinig ko ang bungisngis ni Thrizel.

"Alam mo, Amira?" Nagseryoso ang pananalita ng isa. "Bumalik ka na lang ng States, banned ka na sa Pilipinas. Shooo! Shooo!"

"Nye nye, matandang abnormal."

Gumanti ang isa. "Ngi, samahan pa kitang dalawin ang asawa mo s-"

"WALA NGA AKONG ASAWA!" Nagulat kami nang pinagsasakal na siya ni Amira dala ng pagkapikon.

Iling-iling kami ni Thrizel na iniwan ang dalawa. Palayo na kami sa kanila pero rinig pa rin ang pagtatalo. Bahala silang dalawa riyan.

Pumasok na kami sa loob ng hotel kung nasaan ang kusina, nakita namin sa pintuan sina Link, Tita Line at ang aming mga magulang.

"Oh, kumain na ba kayo? Pumasok kayo sa loob, may hinanda ako roon." Salubong sa amin ni mom. "Ikaw, Thrizel. Mukhang pagod ka, magpahinga ka muna kahit sandali."

"Hindi naman ho napapagod ang aking pinsan," sabat ni Link. "By the way, Merry Christimas!"

"Baliw ka na, Link." Komento ni Thrizel sa sinabi nito. "Dad, tita, pasok muna kami sa loob. Kakain po."

Nang tumango sila, pumasok na kaming dalawa. Agad kaming hinainan ng aming nanay.

"Kumain na kayo, lalabas lang ako."

Tumango kaming dalawa. Matapos maghugas ni Thrizel ng kamay, umupo na siya sa upuan. Naghugas na rin naman ako. Tiningnan ko siya habang kumakain.

"Where do you want to honeymoon?" tanong ko.

Napatigil siya sa pagkain saka ako hinarap. "Ikaw? Saan mo ba gusto?"

"Dito sa hotel?"

"Nasa sa 'yo, mahal. Ayos lang naman sa akin kung saan." Ngumiti siya sa akin ng matamis. "Kumain ka na. Naiinitan na ako, gusto ko nang malig-"

Hindi natuloy ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang mapahawak sa kaniyang bibig sabay tungo sa aking p'westo dahil nasa lababo ako. Nagduwal siya roon. Binuksan niya ang gripo para magmumog.

"I told you, you're pregnant." Kusa akong napangiti sa naisip. "Sinigurado ko kayang mapapasok lahat sa matres mo ang mga sperms ko."

Nahihirapan siyang nagsalita. "Bakit sa lahat ng gusto kong kainin ay 'yong fried chicken ni Blue? Wahhhhhh!" Umakto siyang umiiyak.

Natawa ako. "So timping-timpi kang kainin 'yong dalawang manok ni Blue, huh?"

Ngumuso siya sa akin. "Oum, malay ko bang iyon paglilihian ko."

"I can cook for you."

"Cook for me, please?"

Nagluto na ako ng gusto niyang kainin. Nang matapos at nilapag ko sa kaniyang harapan, nagliwanag ang mukha nito saka nag-umpisang kumain. Sinabayan ko na siya roon. Tahimik lang akong kumakain kaya nakuha niyang magtanong.

"Tahimik ka, may problema ka?"

Tumigil ako sa pagkutsara. Umiling ako sa kaniya saka ngumiti. "Excited lang ako..." Tumingin ako sa kaniyang tiyan. "Parang gusto ko na siyang lumabas."

"Dapat kamukha ko 'to."

Hindi ko siya kinontra. "Kahit lahat pa ng anak natin."

"Bakit? Ilan bang anak ang gusto mo?"

"Tatlo po."

"We're same, mahallll."

NASA banyo ako ngayon. Kakatapos lang ng asawa kong maligo kaya ako naman ang sumunod. Binilisan kong maligo, ewan ko ba. Patagal nang patagal parang ayoko siyang mawala sa paningin ko. Kung nagsabay na lang kami sa pagligo, edi sana hindi ako ganito ngayon.

Lumabas na ako ng banyo, hindi ko siya nakita sa kama kaya sinipat ko ang balkonahe. Kita kong nandoroon siya, halatang nagpapahangin. Agad ko itong yinakap sa likod nang marating ang kaniyang gawi.

"Inaantok ka na ba, mahal?" Pinatong ko ang baba ko sa kaniyang balikat. Amoy na amoy ko ang mabango niyang buhok.

"Kanina pa." Huminga siya nang malalim. "Matulog na tayo?"

"Tara na." Hinarap ko siya sa akin. Hinalikan ko siya sa nood. "Mahal na mahal kita."

"I love you." Dinikit niya ang kaniyang sarili sa katawan ko. Yumakap siya. "Let's sleep, I'm sleepy."

Sinuklay ko muna ang kaniyang buhok bago siya buhatin para ihiga sa kama. Doon na kami natulog.

Itutuloy...

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

488K 26.7K 18
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
7.6K 318 83
he is a man who has nothing to fear even if it is death as long as he can get what he wants or he can just kill his opponent.wala siyang sinasanto ka...
12.8K 181 27
book two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND
78.7K 2.8K 43
Patricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective chan...