"Zemiragh: The Unwanted Princ...

SsweetySakura

375K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... Еще

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2

5.2K 279 25
SsweetySakura

"May siyam na kaharian ang ating mundo, ito ay ang Llum, Hawirith, Wrofupis, Ekrucusian, Iduizacas, Barbaroa, Genezers, Bèstia at ang paghuli ay ang kahiran ng Kasamaanian. Ang Llum ang pinaka malaki sa lahat dahil hawak nito ang ibang kaharian maliban sa Kasamaanian. Ang Llum ay ang kaharian ng liwanag at apoy kung saan ang namumuno ay ang Emperador na siyang pinaka mataas sa lahat ng mga hari."

Nangalumbaba ako habang nakikinig sa Propesor namin sa kasaysayan.

Kahit alam ko na ang ibang detalyi dahil sa sinabi nila Navah sa akin noon ay gusto ko parin malaman ang ibang bahagi.

"Si Emperador Neziar Lanxe Devilvevoeun ang siyang namumuno sa panahon natin ngayon at susunod naman sa kanyang trono ang nag iisa niyang anak nalalaki na si Prinsipe Nexzeuss Lawrence Devilvevoeun na nag sisimula ng mag sasanay para maging karapat-dapat ito sa titolo at korona."

Ay weww!!!

Kaya pala magaspang ang pag uugali nong itlog ay dahil siya pala ang susunod na Emperor sa kahariang ito.

Pshhh!!! Hind bagay.

Hindi ko naman mapigilang mapingisi dahil sa mga nalalaman ko, lalo na at nilaga ko ang itlog nong itlog na Prinsipe.

Buti nalang pala at hindi ako sinumpong ng katamaran ngayon dahil hindi ko malalaman ang medyo importanteng bahagi sa paksang ito.

Bigla naman tumunog ang kampana pahiwatig na tapos na ang una naming klase at susunod na ang ikalawa.

"Bukas ay ang mga kaharian naman na nasa ilalim Ng Llum ang ating paksa. Mag aral kayo dahil mag bibigay agad ako ng pasulit pagkatapos."

Nakakapagtaka kung bakit tila mas mataas ang tingin nila sa priestess kung mas hari ang ama nong itlog sa lahat nang hari.

Kita kong nagsilabasan na ang iba kong mga kaklase pagkatapos lumabas nong aming Propesor.

Tumayo narin ako at niligpit na aking mga gamit para sa susunod na klase.

"Prinsesa Zemiragh, malapit pala kayo ni Prinsipe Ermell? Lalapitan ka sana namin kanina upang maka sabay sa almusal pero nakita ka namin na kasama mo si Prinsipe Ermell kaya hindi nalang kami tumuloy."

Napatingin naman ako sa babaeng dumadaldal nalang bigla sa aking tabi at kita ko ang parang kinikilig na bulati na si Jelliene.

May saltik.

Nasa likod naman nito ang babaeng napulot namin kahapon na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ang kanyang pangalan.

"Hindi."

Bagot kong sagot habang naglalakad upang lumabas na sa aming silid.

Lakas nila makichismis pero puro naman mali.

Kasabay lang sa pagkain ay malapit na agad sa kanila?

Parang mga abnormal.

Nakita ko namang sumunod sa akin ang dalawa na hinayaan ko lang dahil sa isa lang din naman namin ang aming pupuntahan.

"Anong hindi Prinsesa Zemiragh?"

Napakagat naman ako sa aking ibabang labi dahil sa kabobohan ni Jelliene.

Nagtatanong tapos hindi alam kong para saan ang sagot ko.

Sarap yakapin ng mahigpit sa leeg.

"Hindi kami malapit sa isa't-isa at kung magtatanong ka pa ulit ay gagawin na talaga kitang pating at ipapakain sa saranggola."

Inis ko silang iniwan sa kanilang kinatatayuan at binilisan ang aking pag lalakad habang para silang temang na nakanganga na tila hindi naiintindihan ang aking sinabi.

Bahala sila sa buhay nila at problema na nila yan.

Ayaw ko pa naman sa lahat ay yong hindi agad nakaka intindi sa pinagsasabi ko.

Narinig ko naman itong sumigaw at tumakbo upang makahabol sa akin na binabaliwa ko lamang.

Nakakainis ang kabagalan ng utak niya.

.

.

.

.

------

"Diba kapatid mo si Prinsipe Zaire Xavion Edric Archquileuz?"

Napatingin naman ako kay Jelliene ng bigla itong mag salita sa aking tabi.

Nag lalakad na kami ngayon papuntang Cantena para sa aming tanghalian.

Kakatapos lang ng aming klase sa el'kiti-kiti na kinaiinisan ko dahil puro lang naman ito kaartehan at isa pa nakita ko na manan ang mukha nong Prinsipe na magaspang ang ugali.

Tapos bukas daw ay sisimulan ang sayaw at syempre hindi na wala ang punatae na by partner.

Sana hindi ang bogok na itlog na iyon ang makapareha ko.

"Hindi."

Walang ganang sabi ko habang tinignan ang itinuro nito na isang lalaking nakapamulsa at pa astig na naglalakad habang may mga babaeng tumitili sa bawat madadaanan nito.

"Ehh?? Pero pareho ang pangalan ng inyong pamilya."

Napairap naman ako dahil napaka tanga talaga nitong babaeng ito kahit kailan.

"Kala ko abnormal ka lang, engot din pala."

Napahagikhik naman yung babaeng laging naka sabit sa amin na inirapan ko lang.

Isa pa siya.

Kinukulit din ako kanina kung paano daw kakainin ng saranggola ang pating.

Bakit problema ko ba iyon at sa akin siya magtatanong?

"Prinsesa Zemiragh Naman eh."

Nakangusong pagmamaktol nito na ikinangiwi ko at iniwan ito dahil nakakadiri talaga tignan ang kanyang pagmumukha.

Humabol naman agad ito sa akin habang tumatawa yung babaeng naka sabit sa amin.

Mga baliw.

Nangmakapasok na ako sa Cantena ay dumiritso agad ako sa mga pagkain at kumuha.

Hindi ko pinansin pa ang nakakadiri at baliw na dalawang babaeng naka sunod sa akin.

"Prinsesa Zemiragh nandito kana pala, kanina pa kita hinihintay, pwede bang sumabay ka sa amin? Ipapakilal-.."

"Ayaw ko."

Walang pag dalawang isip kong pag tanggi at pag putol sa gustong sabihin ni Prinsipe Ermell na nasa aking tabi.

Isa ba siyang kabute ko isang kuto dahil bigla bigla nalang siyang sumusulpot sa aking tabi.

Hinarap ko naman muna ito para hindi ako maging mukhang bastos sa kanyang paningin.

Hindi dahil sa ayaw kong sumabay sa kanya pero alam ko kung sino ang mga kasama nito dahil sa pag pasok ko palang kanina ay sila agad ang naging paksa sa usapan ng mga malalantod na mga nilalang dito.

Magkasama lang naman ang Ūníc estudyante sa isang napakalaking mesa sa gitna kaya agaw pansin talaga sila sa lahat na siyang pinaka ayaw kong maki halo.

"Pero gusto kit-.."

"Pasensya na Prinsipe Ermell pero may mga kasama kasi ako ngayon at baka mamatay pa sila pag hindi nila ako makasama kahit sa pagkain. Ganun nila ako kamahal at ka importante sa kanilang buhay. Isa pa baka titigil sila sa paghinga pag hindi nila nalalanghap ang napaka bango kong hininga."

Nakita ko naman ang pagngiwi at pamumula ng mukha nong dalawang babaeng nakalapit na sa akin habang dala ang kanilang mga pagkain.

Magpasalamat kayo dahil hindi ko ipinagkait ang kagandahan ko kaya huwag kayong mag inarte dyan.

"Hahaha ganun ba, sigi Prinsesa Zemiragh pasensya na din."

Humahalakhak namang naglakad pa alis sa aking harapan si Prinsipe Ermell na inikinangiwi ko.

Baliw yata yun dahil hindi naman ako nag biro.

"Prinsesa Zemiragh, ano ba ang iyong pinagsasabi kay Prinsipe Ermell?"

Itinagilid ko naman ang aking ulo at bagot na tinignan si Jelliene na pulang pula parin ang mukha pero yung babaeng sabit ay nagsisimula ng yumugyog ang kanyang mga balikat dahil sa pinipigilan nito ang kanyang pag tawa.

Baliw talaga.

Bakit parang napapalibutan yata ako ng mga may saltik sa utak na mga nilalang.

"Wala."

Tinalikuran ko agad sila upang mag hanap ng mesa na aking mapwestohan o namin.

Kita ko namang sumunod din naman agad sila sa akin na hindi ko na sila pinagtuunan pansin.

Nilantakan ko agad ang pagkain ko pagka upo namin habang binabaliwa ang pag mamaktol ni Jelliene at marahang tawa nong babae habang kumakain.

"Teka, ano nga pala ang iyong pangalan?"

Napatigil naman sa pag kain ang dalawa at tinignan ako na ginantihan ko lang ng pagtaas ng aking kilay.

"Ahh, baka ikaw ang tinanong ni Prinsesa Zemiragh dahil alam naman niya ang pangalan ko eh."

Nagtutulakan naman ang dalawa kong sino ang sasagot sa tanong ko.

Hampasin ko kaya sila ng tsinelas para tumino kahit kunti.

"Farina Tuvinid, Prinsesa Zemiragh.'

Tumango lang ako ng masagot nito ang tanong ko at tinapos na ang aking kinakain.

Tatayo na sana ako para umalis at mag hanap ng punong sasabitan pero parang hindi talaga yata ako makakalabas ng Cantenang ito pag walang aksyong maganap.

"Akala mo ba ay akin ng nakalimutan ang iyong ginawa sa aking kamay, Prinsesa Zemiragh?"

Walang emosyon ko namang tinignan ang babaeng galit na galit sa aking harapan habang pinakita nito ang kamay niyang maitim parin hanggang ngayon.

Ohhh, problema ko ba iyan?

"Ano nanaman bang kaguluhan ang iyong gagawin Binibining Walanda?"

Tumayo naman agad si Jelliene habang may inis na nakapaskil sa kanyang mukha.

Naku baka isang sampal na naman ang abutin mo sa babaeng iyan Jelliene.

"Wagka makialam Jelliene kung ayaw mong masaktan ulit."

Kita ko naman ang pag titimpi ni Jelliene habang masama parin ang pagkakatingin nito sa babaeng baboy sa aming harapan.

Kung ako sa kanya lulusawin ko agad ang baboy na ito para magtanda.

"At ikaw ay hindi ko kailanman palampasin ang iyong ginawa sa aking kamay. Nang dahil say-- Aray...."

Malakas ko namang tinampal ka agad ang kamay nitong nakaturo sa akin.

Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay yung tinuturo ako sa aking pagmumukha.

Wala akong utang kaya huwag niya ako tuturuin dahil nakakapanggigil lang.

Nakita ko naman na bigla ka agad umitim ang kanyang kamay na nakaturo sa akin.

Mukha na tuloy siyang may suot na gwantes sa kanyang mga kamay dahil puro na ito itim.

Ohhh!! Naol marunong sa fashion sense.

"Hayop ka talaga ano na naman-."

"Sa aming presensya pa talaga kayo mag lakas loob na mag aaway, mmm?"

Napabaling naman ang paningin ko doon sa babaeng bigla nalang nag salita at nakilala ko agad ito na isa sa mga naka upo don sa mesang para sa mga Ūníc estudyante habang may Gintong tsapang naka kabit sa damit nito na tila ipinagmamalaki.

"P-pasensya na Binibining Ahrimita, sapagkat gusto ko lang turuan ng leksyon ang mapangahas na mahinang Prinsesang ito dahil sa kanyang ginawa sa aking kamay."

Napataas naman bigla ang kilay ko dahil sa sinabi ni baboy habang parang isang tuta naman ito sa harapan nong Arinola.

Pinag ekis ko naman ang aking mga braso ilalim sa aking dibdib habang tamad silang tinignan at naka dikwatrong naka upo.

"Ayos lang kung tuturuan mo ng leksyon ang katulad niya pero sana huwag mo ito gagawin sa aming presensya o kung nandito ako dahil ayaw kong mawalan ng gana sa aking kinakain."

Palihim naman akong napangisi sa sobrang yabang na pagsasalita nong Arinola.

Ano siya presidente?

Ang arte eh mukha namang siyang sobrang dilaw na ihi.

Tinignan ako nito na may pang-uuyam sa kanyang mukha lalo na nong pagmasdan nito ang bakal kong tsapa ngunit ginantihan ko lang siya ng isang matamis na ngiti.

Natigilan naman ito at tumalim na ang pagkatingin nito sa akin na mas lalong ikinalaki ng aking ngiti sa aking mga labi.

Pairap naman itong umalis sa aming mesa at sumunod naman ang baboy na masama ang pagkakatingin nito sa akin.

"Hahahahahaha. Tang*ina".

Biglang umalingaw-ngaw ang kanina ko pang pinipigilang tawa dahil sa eksinang naganap.

Para silang pinag biyak na inidoro dahil magka ugali.

Nakita ko pa ang pagka gulat ng iba at nabitiwan pa nila ang mga kurbetos na kanilang hawak.

.

.

.

.

.

[=Nexzeuss Lawrence=]:

Mapayapa kaming kumakain dito sa Cantena ng biglang may kagulohang naganap medyo malapit sa aming mesang pwesto.

"Akala mo ba ay akin ng nakalimutan ang iyong ginawa sa aking kamay, Prinsesa Zemiragh?"

Napatingin agad ako sa pasigaw na nagsasalita na babae at kita ko si Binibining Walanda na nasa harapan ng mesa nong Prinsesang magaspang ang pag uugali.

Pinakita pa niya sa pamumukha nong malditang babae kanyang kamay na itim na itim.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa parang hindi ito pangkaraniwang pasa lamang sapagkat parang may namumuong patay na dugo sa kamay nito.

Kinabahan naman ako dahil baka meron ding ganon ang ano ko dahil sa ginawa nong Prinsesang maldita.

Titignan ko talaga ito mamaya sa salamin at lintek lang talaga ang walang ganti sa Prinsesang maldita na iyon pag may ganyan sa ano ko.

Nakita ko naman na walang pakialam na pinagmasdan lamang ito ni Prinsesa Zemiragh.

Ito ba ang mga pinaggagawa niya kahapon sa unang araw niya dito sa Akademya at pati ako ay hindi pinalagpas?

Pinaabot agad sa akin ang lahat ng mga kaganapan dito sa loob ng Akademya kahapon dahil sa karapatan ko talagang malaman ang lahat ng nangyari dito bilang isang estudyante na nangunguna sa lahat.

Pangunahing tungkulin ko rin ang panatilihin ang kaayusan at kapayaan sa lahat bilang isang Prinsipe sa kahariang ito pero hindi ko akalain na pati ako ay mabibiktima rin sa kamalditahan nang Prinsesa na yan.

Nagtuloy-tuloy lamang sila sa palitan ng salita o sabihin nalang nating yong kasama lamang ni Prinsesa Zemiragh ang nagsasalita dahil tahimik lamang ang isa.

Maldita talaga.

Nakita ko namang inangat ni Binibining Walanda ang kanyang kamay at wala itong pakandiling tinuro ang pag mumukha ni Prinsesa Zemiragh na isa sa pinaka bastos na gawin ng isang pang indibedwal.

Agad namang malakas na tinampal ni Prinsesa Zemiragh ang kamay nito na nakita ko agad ang pag itim nito katulad nong isang kamay ni Binibining Walanda.

Napakunot ulit ang noo ko dahil sa paraan ng pagkakatampal at sa naging pinsala nito ay masasabi nating sobran lakas talaga ang kanyang ginawa.

Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang tignan ang isang indibedwal kung may mahika at kapangyarihan ba ito o wala.

Mas lalo lang napakunot ang noo ko nang wala akong makita sa kanya kahit ang simpleng aura ng isang tao ay wala talaga.

Kung titignan siya ay para siyang isang pinakamahinang nilalang sa lahat na mas ikinapagtaka ko lalo na at parang pamilyar talaga ang kulay nang buhok niya doon sa babaeng nakita ko ko sa bayan ng kaharian ng Genezers.

Pero imposibleng siya at ang babaeng iyon ay iisa pero baka nga na siya din iyon dahil salop din iyon ng kaharian nila.

Nakita ko naman ang pag tayo ni Binibining Ahrimita at lumapit ito sa mesa nina Prinsesa Zemiragh.

Ito ang pinaka ayaw ni binibining Ahrimita yung may gulo habang kumakain siya hindi dahil sa ayaw niya ng gulo pero ayaw lang niya na babaling sa iba ang atensyon na dapat ay nasa kanya lamang.

Kasama namin siya sa Ūníc estudyante dahil siya ang pinakamalakas na mangkukulam sa kanilang lahi at malakas nga naman talaga ang mahika niya na ikinatakot ng iba dahil hindi ito nag dadalawang isip na pahirapan at saktan ang gusto nitong saktan.

"Oy, hindi niyo ba pipigilan si Binibining Ahrimita? Baka may gagawin na naman siyang masama."

Narinig ko ang mahinang bulong ni Prinsesa Ellezna na kapatid ni Prinsipe Ermell na isa sa kasama namin sa Ūníc estudyante.

"Akala mo naman ay mapipigilan mo si Binibining Ahrimita sa kanyang gusto gawin. Kay Prinsipe Lawrence lang naman iyan nakikinig."

Binabaliwa ko ang sinabi ni Prinsipe Allaister habang taimtim na sumimsim sa aking isang basong katas ng prutas.

Wala akong balak na awatin sila dahil away babae lamang iyan isa pa alam kong gusto lang magpapansin sa akin si Binibining Ahrimita at lalong wala akong balak awatin sila para makaganti naman ako ng kaunti sa ginawa ni Prinsesa Zemiragh sa akin.

Pero kung aabot na sa malaking pinsalaan ang kanilang gagawin na maaring makasalalay ang kanilang mga buhay ay hindi ako mag dadalawang isip na ikulong agad sila sa aking mahika.

Pagkatapos mag salita ni Binibining Ahrimita ay bumalik na agad ito sa aming pwesto na may mahinhin na ngiting iginawad sa akin na hindi ko pinagbigyang pansin.

"Hahahaha. Tang*na."

Halos masamid ako sa aking iniinum ng biglang humalakhak at nag mura ng pagka lakas lakas si Prinsesa Zemiragh habang may pahampas hampas pa itong nalalaman sa kanyang mesa.

Nakita ko naman ang pagka gulat ng iba na kahit ako ay magugulat talaga dahil sobrang tahimik ng buong Cantena dahil sa pagsasalita ni Binibining Ahrimita tapos babasagin lamang ng isang napakalakas na halakhak.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Binibining Ahrimita at umiilaw na ang kamay nito pati narin ang kamay ni Prinsipe Ermell.

Hindi ko alam kong bakit ganun ang reaksyon ni Prinsipe Ermell dahil naintindihan ko naman ang kay Binibining Ahrimita pero sa kanya ay hindi.

Galit din ba ito dahil sa pagtawa ni Prinsesa Zemiragh?

Pero kita ko ang mata nito na naka tingin ng taimtim kay Binibining Ahrimita na parang nag hihintay lang ito sa maaring gagawin ng isa.

"B-bakit po kayo tumatawa Prinsesa Zemiragh?"

Napabaling naman ang aking atensyon ng marinig ko ang tanong sa is sa kasama ni Prinsesa Zemiragh.

Kita ko naman ang kabang naka ukit sa mukha nitonhabang nakatingin sa tumatawa paring Prinsesa.

"Ka-kasi may nakita akong multo na nadapa. Napaka tanga talaga. Hahaha."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito pero napatingin naman ako kay Prinsipe Ermell dahil sa biglang pagtawa nito ng mahina.

Nakita ko ang pagngiwi sa mga kasama ko dito sa aming mesa habang pabalik balik ang tingin nila kay Prinsesa Zemiragh at kay Prinsipe Ermell.

"Baliw."

Sabay naming sabi ng mga kasama ko na ikinaiwas ko agad ng tingin dahil sa nag simula na saman silang tumawa at pati ako ay hindi narin mapagilang mapangiti.

.

----------

Продолжить чтение

Вам также понравится

50K 1.8K 41
Akala ko noon ang magic ay kathang isip lang. Akala ko noon ako lang ang may kakaibang mata at buhok sa lahat. Pero hanggang akala lang. Not until...
80.3K 2.2K 58
Pinaniwala, niloko, sinaktan, ibinugaw, inilapusta, at pinatay. Ganyan ang ginawa nila sakin noong ako ay nabubuhay pa. Magbabalik, maghihiganti sa'...
Half Blooded Purple

Фэнтези

10.6K 393 52
They are a demon with a golden heart. Want to know their journey? Add this story to your library! Follow me on twitter @purplelaaaabs Started: 06/0...
The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye) Miss Writer

Исторические романы

8.9K 297 61
Ang akala ng iba ay madali ang mamuhay bilang isang prinsesa, sapagkat nasa iyo na ang lahat ng nais mo, ngunit para kay Lian ay mas nanaisin na lama...