One Hundred Fifty

By Rigggell

457 114 48

Fifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot... More

POETRY
01 - Sky is You
02 - Unknown Shepherd
03 - 8 Letters
04 - The Purple that got Away
05 - March to Revolution
06 - Fireflies
07 - I'm a Girl
08 - Stoned Place with a Cross
09 - Unbeliever Says
10 - Above All
11 - Paddle Away Ginger Fur
12 - Too Much
13 - Starry Starry Night
14 - Essence
15 - It's hard when you're lazy
16 - It's hard for a first step
17 - It's hard when you have dreams
18 - Thoughts, no title
19 - Sleepy Moon
20 - Baloon
21 - Holes in our Clothes
22 - Paghihintay
23 - Jealousy, Jealousy
24 - Piles of Darkness
25 - My Sleepless Night
26 - Under the Box
27 - The First Bloom of Season
28 - Your enemy
28 - The Late Visitor
29 - Under the Stars
30 - How does love bloom?
31 - Like a Candle
32 - Worthy is Your Name
33 - Weep of a Sheep
34 - Depth of an Ocean
35 - Like a Hypocrite
36 - People Around Me
37 - The Girl with A Beer
38 - The Edge of the Rainbow
39 - Words in Flesh
40 - It's Been Awhile
41 - Nostalgic Raindrops
42 - Why I Escape Writing
43 - What if?
44 - Mirror
45 - You're not kind, you're a fool
46 - My Art
47 - During the Moment I Killed Myself
48 - It Was Love, Until I Saw You Naked
49 - Seventeen
50 - Pangakong Pula
51 - Dito sa gantilyo
52 - Once Upon a Time
53 - I Want To Go Back
54 - Grieve
55 - Life is not simple anymore
56 - Keep my Flower Alive
57 - My Father as an Army
58 - Vanishing Me
59 - Ballistic
60 - Where are you?
61 - She Fell First
62 - Disgrace
63 - Hole Hole Hole
64 - ???
65 - Her Spotlight
66 - Forgotten
67 - backwards
68 - I remember the Rosary
69 - More
69 - on the bus
70 - Look at me... please
71 - Maroon is Underrated
72 - Terza Rima "I"
73 - My Leaf of Ages
74 - Roses became blue
75 - Vilanelle "Row Row"
76 - Turning pages of Anne Frank
77 - Winter when thou will come?
78 - Sunsesoro
ONE SHOT
01 - Paulo's Penitence
02 - Stars Grant Wishes
03 - Boulder
04 - Eiffel Tower
06 - Depression with a Cat
07 - Coronation
08 - Father's Day
09 - Writer's Block
10 - Between The Smoke
11 - See Through Hands
12 - Eel with Soysauce
13 - Judgement Bites
14 - Feelings
15 - What The Sword Can't Break
16 - That's all that Matter (Feelings .2)
17 - Against The Wind
18 - Free to Go
19 - The Singing Bird
20 - Inside the Car, Inside the Computer
21 - Stefano
22 - Your Beauty
23 - Turn Off the Lights
24 - A Serenade at a Sea
25 - Isang Sapad ng Dahon
26 - Three Hours
27 - A Novice Wish
28 - Tidal
29 - As a Stranger
30 - Stages of Suppression
31 - The Art of Letting Go
32 - What's the Difference?
33 - Who Needs Help?
33 - Magic Box
34 - The Tree of Estrella
35 - My Blood
36 - Beauty and the Beat
37 - Efflorescence
38 - My Girlfriend, Monica
39 - Just One Day
40 - Pack of Cigarettes
41 - The Clueless Writer
42 - Windows
ESSAY ENTRIES
01 - Writer's Voice
02 - Fiction: The Land of Daydreaming
03 - Rock Bottom of Faith
04 - Tips For Lazy People?
05 - Success is the Enemy
06 - The Puzzle Love Theory

05 - Soldier's Diary

4 1 0
By Rigggell


Tumapat ang init sa aking balat na tumatama rin sa pisngi at paningin ko. Pinikit ko ang mata ko sa ilaw na sumisinag. Maingat ang pag galaw ng aking mga bewang sa butaka na may git-git sa kada atras at abante nito.

Atras, abante, atras, atras.

Ang aking mga binting kumukulubot na ay malayang naka depende sa paa ng pasimano kung saan ako nakaharap at nakaupo. Dinadama ang simoy ng hangin sa umaga, at ang pag gising ng mga tilaok sa tao sabay ng pag sikat ng araw at ang sinag na dala nito.

Pag katapos inumin ang tsaa ay napahugot ako ng hininga.

"Ahh," sambit ko pa pakatapos ubusin ang lahat. Sayang lang ay hindi na ako pwede mag kape at diabetic na.

Umalis na ako mula sa pinagkakaupuan saka nagbabalak na gumawa ng maikling ehersisyo sa likod ng may biglang tumamang bato sa pintuan. Mahina na ang mata ko ngunit malinaw ang pandinig ko. Bato iyon.

Tiningnan ko ang pinanggalingan nito saka nakita ang tatlong mga paslit na nasa labas ng bakod ko.

"Bleh! Monster!"

"Ang pangit mo, gurang!"

"Kadiri ohh, may mga peklat, ewww."

Napabuntong hininga ako at bahagyang kumirot ang dibdib ng saglit na pag masdan ko ang mga braso at binti na hindi lang binalot ng kulubot kundi ng isang nakakakilabot na peklat na animong sinunog...

At bakit ba walang sawa ang mga batang ito sa pangungutya sa'kin na parang kada umaga nalang ay naririnig ko ang boses nila. Nasa'n ba ang mga magulang nila at hindi man lang inaalala ang mga batang ito na kung saan saan napapadpad. Napailing ako at saka pumasok sa loob, bago ko pa masarado ang pinto ay may pahabol pa na tumama ditong bato.

Mga pangit pa ang ugali!

Huminga ako ng malalim ng marinig nanaman ang mga boses ng mga batang paslit at bahagyang kumirot ito sa aking dibdib. Bakit sila ganito? Bakit puno ang mundo ng mga pabayang magulang at hindi man lang tinuturuan ng mga magandang asal ang mga sariling anak?

Napabuntong hininga ulit ako. Lalo na ng makita sa maliit na lamesa, katabi lang ng sofa na lagi kong kasama ay may nakatayong lamp shade, sa tabi ulit nito ay may nakasandal na dalawang picture frame.

Black and white pa ang kuha ng mga litrato. Ang isa ay may dalawang tao, isang babaeng nakangiti habang kandong ang isang maliit na bata na may parehong ngiti sakan'ya. Sa isa naman ay may tatlo at kasama na ako dito. Kitang kita ang kabataan, mababakas ang kislap sa aking mata habang yakap yakap ang paslit sa isang kamay at ang isang braso naman ay nakadantay sa balikat ng magandang babae.

Kitang kita sa mata namin ang kulay ng isang magandang pamilya. Wala ang mga kulubot sa kamay, o ang tuyong balat na kapag kinurot ay ilang minuto pa ang hihintayin bago bumalik sa dati nitong lugar. Bakas ng kabataan...

Carmen... Kamusta ka na?

"Lo?"

Napalinga ako sa boses na tumawag at saka ginawaran ito ng ngiti. Ang labandera ko na halos limang taon na, kalalabas palang nito sa banyo at bahagyang basa ang kamay maging ang laylayan ng damit.

"Oh, Conching. Tapos na ba ang labada?"

"Opo Lo. Kuha nalang po ko ng sahod ko." Nakangisi naman nitong tugon saka kumutkot sa jacket ko na nakasabit sa likod ng pinto ng banyo. Alam na n'yang naroroon ito dahil madalas kapag aalis ako ay nakakalimutan kong isuot ito.

Iba na talaga kapag matanda na.

Pinagmasdan ko si Conching na siguro ay nasa trenta anyos na rin. 300 pesos ang sahod ko dito kada labada na sigurado naman akong sandamakmak. Bahagya kong siningkit ang mata ng may makitang yellow na papel na nakalumot sa mga kamao nito. Napabuntong hininga ako.

"Kumuha ka pa ng dagdag isang daan, Conching. Alam kong patapos na sa iskwela ang anak mo, tama?"

"H-ha, ah opo Lo. Hehe. Wala naman na po kong balak paaralin iyon sa kolehiyo. Hindi na po talaga kaya eh."

Tumango tango nalang ako at masuyon ngumiti. Pakaalis nito ay agad kong tinignan ng malapitan ang pitaka ko. Nawawala nga ang limang daan. Pa'no ko naman 'to mapagkakasya... Kung pwede lang mag trabaho ulit. Ngunit hindi, maari at hindi ko na talaga kayanin ang mundo ng giyera.

Dahil sa mundong iyon, nawalan ako ng pamilya.

Sa hindi ko na malamang pagkakataon ay napabuntong hininga nanaman ako at saka sinuot ang brown na jacket. May mga ganitong araw na gusto kong maglakad lakad at kamustahin ang mga naglilinis sa tapat ng bahay nila. O ang mga katulad kong matanda na nagkakape rin kada umaga. Kaya lang madalas ay hindi ko sila maabutan, kahit kasi matanda na ay kailangan parin nilang mamingwit ng isda at bumenta.. Kung kaya't malimit lang ang mga nakakausap ko dito ng matagal. Kadalasan ay wala pa.

Napadaan ako sa tindahan kung saan may apat na babaeng nag kukumpulan, napansin ko na pareho ang damit nila ni Conching. Ay hindi, si Conching nga pala. Babati na sana ako, maski malinaw na ito ang kumuha ng pera ko ay naiintindihan ko naman kung bakit nito kailangang gawin iyon. Ako nalang ang mag sasakripisyo at matanda naman na rin ako, namuhay na ko ng matagal, marami na akong experience sa buhay, marami ng karanasan. Eh ang mga bata na nais pakainin at buhayin ni Conching? Kaunti pa lang.

Babati na nga sana ako ngunit napag desisyonan ko nalang dumaan na parang walang narinig kahit mayroon.

"Si Lolo Pis? Ay na'ko, ang yaman. Dahil sa gurang na 'iyon eh may pang sugal ako sainyo mamaya."

"Ba, tama lang na kunin ko yung 500. Ang babaho kaya ng mga damit n'ya, talagang amoy matanda na."

Umugon ang tawanan habang dinadaanan ko sila. Sa ika-tatlong pagkakataon ay sumikip ang dibdib ko.

"Lolo Pis, good morning ho!"

"Ganda ng araw natin, Lolo Pis."

"Lolo Pis! Lakad lakad tayo ah!"

Ngumiti ako sa mga bati nito. Marami naman akong nakakasundo sa village na ito. Ngunit hindi ba ay laging mas tatatak ang mga mapapait o negatibo na sinasabi sa'yo ng iba? Kung kaya nga't mas pinagtutuonan natin ng pansin kung sino ang kaaway natin kay'sa kung sino ang totoo saatin. Kadalasan, mas importante kung ano ang nakakasakit sa'tin dahil ang pag-iwas sa mga bagay na ayaw natin o hindi nakakaganda saatin ay isang paraan para mapanatili ang kasiyahan.

Namuhay na akong matagal. Wala ng panahon para sumama ang loob sa mga katulad nitong batang paslit na bahagyang pinandidirian ang mga sugat ko o ng mga taong umaapak ng dignidad ko dahil lamang sa matanda na ako. Pero... iba kasi kapag ang lupang kinasasadlakan nila ay minsan mong pinaglaban. At kapag minsan mo narin silang pinrotektahan para sa kaayusan ng kanilang buhay.

Na s'yang sumira ng akin.

Tandang tanda ko pa,

Taong 1972

"Pinoncio. Ang tagal naman ng byahe pa Cebu. May dala ka pa bang plastic d'yan? Kulang na ang sukahan ni Anna."

Napalingon ako. Tandang tanda ko pa ang maalon nitong maikling buhok habang kandong kandong si Anna na nanghihina ngunit pilit na nilalabanan ang antok para makita ang nasa bintana ng bus. Laging hiluhin ang anak ko kapag ganitong sasakyan ang gamit, mahaba haba rin ang byahe mula Pinalaok hanggang Cebu.

"Pasukahin mo nalang sa bintana, Irog."

"Gusto mo bang ikaw ang itapon ko d'yan?"

Kumawala ang malakas na tawa sa aking bibig. "Malapit naman na, Carmen. 'Wag kang mag-alala at trycicle na lang ang ating sasakay sa pag uwi."

"S'ya. Ikaw muna magbitbit kay Anna at matutulog ako saglit."

"Akin na." Agad ko namang kinuha si Anna na napaungol pa bilang pag protesta. Masyado talaga nitong mahal at paborito ang Ina.

"Anna... Papa ito. Nahihilo ka parin, anak?"

"Sakit ulo ko, Pa. Balik mo ko kay Mama."

Tinignan ako nito ng matang pumupungay na at mukang nais ng matulog. Agad ko namang pinisil ang mga pisngi nito. "Matutulog si Mama, anak."

"Papa. Ako rin gusto ko tulog."

"Sige. Tulog na ikaw." Malumanay at mahina kong sambit habang inaayos ang pagkakakandong dito. Pinunasan ko rin ang namumuong butil ng pawis sa noo nito na malamig. Agad na lumipas ang mga oras, nangangalay na ang binti ko ngunit nawawala kada pinagmamasdan ang mga muka ng mga pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Napakapayapa ng pagkakadantay ng asawa ko sa balikat ko, at ang anak ko naman ay mahimbing na tulog at bahagyang nakahawak sa kwelyo ng polo ko na nagugusot na kung kaya't marahan ko itong inalis. Agad namang kumilos ang mga muka nito at naalimpungatan.

Kinurap kurap nito ang mata at nakabusangot na hinarap ako.

"Papa. Ayaw ko matulog. Baka pag gising ko, 'di ka na namin kasama."

Ngumiti ako ng marahan dito. "Ayaw mo ba na umaalis si Papa?"

Tiningala ako nito, bahagyang nalukot ang muka at tumulis ang mga nguso na tumango. "Pag wala ka, umiiyak si Mama."

"Talaga?" Napatingin ako sa asawa kong wala namang angal, dahil nga ay tulog.

"Oo. Eh sabi noong kalaro ko Papa. Umiiyak daw mama n'ya dahil may babae daw po Papa n'ya. May babae ka rin po ba, Papa?"

Natawa nanaman ako. Mana ito sa ina na bakas ang pagiging diretso. "Hindi anak. Umaalis ako para may maligtas na mga katulad mong bata at ng mga katulad ng mama mo na ina." Bahagyang pinindot ko pa ang tungki ng ilong nito. "Kayo lang ang babae sa buhay ko. Mahal na mahal ka ni Papa, ah?"

"Talaga, Papa? Hindi mo kami ipapalit sa iba?"

"Wala kayong kapantay, ni humigit."

"Pantay saan naman, Papa?"

"Sa kasiyahang binibigay n'yo saakin. Wala ng hihigit doon."

"Eh, ano ginawa namin Papa at masaya ka?"

"Wala."

"Wala?"

"Wala kayong dapat gawin. Basta ay maligaya ako sainyo at mahal ko kayo."

"Mahal rin kita, Papa!"

Ani nito at saka sumiksik sa aking leeg at niyakap ako ng napakahigpit. Akala ko ay talagang may galit saakin si Anna. Yun pala ay kailangan lang nitong malinawan.

"Ba't naman di n'yo ako sinasama sa lambingan n'yo?" Ani naman ni Carmen na bahagyang may ngiti ang labi at pumupungay na mata.

Agad naman s'yang niyakap ng bata sa isa pang braso na animong kasya kami doon.

Gusto kong maramdaman ang mga brasong ito na malaki, sapat para kumasya kami ng ina n'ya. Sa paglipas ng panahon ay mangyayari ito. Ngunit gugustuhin ko naman na bumalik sa ganitong panahon kung saan maliit pa s'ya.

Madaya ang oras, mabilis tumakbo, mahirap habulin, at hinding hindi pwedeng balikan.

Sa pag hinto ng bus na aming sinasakyan ay sumunod ang pag sabog.

"Pa!"

"Ano yun?!"

Dinig ko pang sigaw ng mag ina ko ng agad ko silang pinayuko sa baba ng upuan ng mga pasahero. Hawak hawak ko pareho ang ulo nila at bahagyang umangat para tignan ang sitwasyon. Unti unting sumabog ang hindi kukulang sa limang gusali! Nag tatakbuhan ang mga tao at ang iilan ay may sukbit na dilaw na tela at nakasabit sa leeg o nakatakip sa muka. Ang iba naman ay may suot na pang sundalo ngunit pinagmamalupitan ang kapwa Pilipino! Nag sisigulo!

Akala ko sa Manila lang ang mga bomba ngunit umabot na rin sa Cebu? Ano nang nangyayari sa Pilipinas?

May mga putok ng baril ang umalingawngaw ngunit ang pinakamasakit sa tainga ay ang pinakamalapit na nasa babaan lang ng bus! Mga pang sundalo ang suot nito na kulay asul at itim, maririnig ang mga yapak nilang umaakyat sa maikling hakbang ng bus at saka nagpaputok! Nag sigawan ang mga nasa loob ng bus, pumalahaw ng iyak si Anna habang nakayakap sa sariling Ina na agad na tumingin sa'kin.

Marahan ko namang kinuha mula sa gilid namin ang mga bagahe na kasing kapal na ng kama, payat ang katawan ng mag ina ko, kasya ito sa bintana.

"Carmen, hintayin n'yo ko sa baba. Mag tago kayo sa ilalim ng bus doon sa malapit na makakaalis kayo agad kapag umandar ito bigla."

"Pa'no ka?"

"Susunod ako. Sigurado yan."

Tumango ito sa'kin at marahang tinakpan ang bibig ni Anna saka bumulong. Agad namang tinakpan ni Anna ang tainga at nilukot ang katawan sa mas maliit na porma kung saan napasiksik s'ya lalo sa Ina. Marahang lumapit ang dalawa sa bintana, hinulog si Anna na agad na ikinagulat ko kung kaya't napatakbo ako para tanawin s'ya.

Tamang tama lang ang bagahe na inihagis ko upang hindi masaktan si Anna, agad naman rumolyo ang bata papunta sa gilid ng gulong ng bus habang may nagkakagulong mga tao ay tahimik lang ito at natanaw ko pa ang bahagyang pagtakip nito ng sariling bunganga.

Napa usog ako sa bintana ng bahagyang tapikin ni Carmen ang balikat ko, kasabay ng malakas at dumadagundong na tunog ng baril ay tumalon ang asawa ko. Kipkip ko sa puso ko kung paano ito kagaling mag proseso ng sitwasyon at mas kalmado pa saakin na nagpapawis ang kamay at bahagyang may nanginginig sa kalamnan. Kung dating araw lang ay mas kalmado ako sapagka't wala dito ang pamilya ko. Ngunit ngayon?

Kailangan ko ng makaalis dito.

Nakayuko ako, bahagyang gumagapang at bitbit ang USP na laging nakasukbit sa bewang ko. Inalis ko ang ang safety cap nito at sinilip kung ilang terorista ang nasa loob.

Tatlo. Patay na ang driver.

Sa ngayon ay wala pa namang nakabulagta at naka yuko rin ang iba katulad ko. Ang iba naman ay nakataas ang magkabilang kamay. Napasilip ulit ako sa unahan kung saan naroroon ang wala ng malay na katawan ng driver, puno ng dugo ang mag kabilang balikat mula sa ulo nito. Mukang nanlaban ang driver. Saludo ako sa katapangan mo.

Ang tatlong sundalo ay nakatutok ang kanya kanyang baril, nililibot ang buong tao. Bakit ito ang ininspeksyunan nila? Bakit hindi nila tinutulongan ang mga taong nasugatan, nawalan ng malay at ng mga nadamay sa pagsabog?

Kung ganoon ay maaring naghahanap pa sila ng mga posibilidad na may dala ng bomba?

Agad akong napatayo ng tuwid at napaangat ang magkabilang kamay ng tutukan agad nila ako.

"Sundalo ako. Under G1B. Walang kasuspe-suspetya dito, kakarating pa lang ng bus na ito, mga sir."

"Nasaan ang I.D at badge mo?"

Agad ko naman tinignan ang bulsa ko at hindi mapigilan ang pagpikit ng mga mata ko. Nasa bag ito! Bakit hindi ko dinala? Bakit?!

"Naiwan ko." Bahagyang napapikit parin.

"Hulihin s'ya! Isa s'ya sa mga dilawan!"

"Hindi! Talagang naiwan ko sa bag ko, Sir!"

Yumuko ako habang nag sisigawan at nagiiyakan ang mga tao ng nag paulan ito ng bala. Napasabunot ako sa inis ng may matandang natamaan pa ng ligaw na bala sa binti nito at napahiyaw sa sakit.

Agad naman akong nag tago sa upuan saka mabilis sa isang segundong inasinta kung nasaan sila, nag tago ulit ng mag paulan sila ng makita ang umuslit na ulo ko ngunit agad na nag kasa ang dalawa. Inilabas ko naman ang kamay ko saka binaril ang posisyon na naalala ko kani kanina lang. May humiyaw sa sakit! May natamaan ako!

Doon ako tumayo at patakbong pinaulanan ang balikat ng dalawang sundalong umaasinta sa'kin ngunit sa awa ng Diyos ay ilang segundo ko silang naunahan. Bulagta ang dalawa na namimilipit ng sakit sa kapwa balikat ngunit buhay parin ang kamay para paulanan ako ng bala, sumasablay nga lang. Doon ako nag tago ulit sa ibaba ng pinaka nasa unahan na upuan at sunod na inasinta ang kamay ng tatlo, nadaplisan ako sa may braso ngunit kaya pa. Nang masigurong hindi na nila magagalaw pa ang kamay nila ay marahan akong lumapit at inisa isang sinipa ang pwesto ng mga baril sa kamay nito.

Hindi ko sila kayang tapusin. Dahil alam kong kapwa ko sila Pilipino.

Bago ako makalabas ng bus ay nag sitakbuhan palabas ang ilan, may mga humahagulhol, mga natutuwang hindi sila napahamak, may mga nagkakabuhol buhol kung kaya't halos mahuli ako. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko ngunit hindi ko pwedeng unahin ang sarili. Mga mamamayan muna bago ako mismo.

Nang masigurong wala ng gustong bumaba ay dumiretso agad ako sa pwestong pinag taguan ng mag-iina ko. Ngunit sa gulat ko ay wala na sila.

Luminga linga ako. "Anna! Carmen!!"

Sigaw ko at tumingin sa paligid, napa urong agad ako sa ilalim ng bus ng may pagsabog na namang dumating na lalong nakapag pa taranta sa mga tao. Animong mga langgam ang mga ito sa bilis ng mga galaw ngunit nag kakabungguan.

Sumilip pa ako at nakita ang katabing bus, sa ilalim nito ay may mga boses na tumatawag sa'kin! Agad na nabunutan ako ng tinik pagkakita ko sakanila.

"Cio!! Alis d'yan!"

"Ha?!"

"Umalis ka d'yan!!"

Kandong kandong nito na humahagulhol ng "Papa!!!"

Kaya't napalabas ako sa ilalim ngunit bago ako makalapit sakanila ay nag apoy ang ilalim ng bus na nahagip ang kalahating katawan ko, mga binti at paa ko.

"Ahh!" sigaw ko sa hapdi at init saka agad na hinubad ang polo ko, nilagay sa may nasusunog na parte at rumulyo sa daan. Sa gitna ng mga taong nagsisiktakbuhan.

Agad namang tumakbo si Carmen saa'kin bitbit ang malaking bag at sukbit si Anna. May isang botilya ng tubig ito at saka marahang nilagay sa may paso. Nang tinignan ko ang kondisyon ko ay agad akong napangiwi. Maayos naman. Kaya pang ilakad. Ngunit masyadong nakakagimbal. Tumutuklap ang balat ko mula sa laman, at may mga tumutulong dugo. Hindi naman na masakit katulad ng kanina, kaya pang itakbo.

"Tara, doon tayo sa ospital na pinakamalapit. Saan dito Carmen?"

Napabuntong hininga ito. "Kaya mo ba?"

"Wag mo kong isipin. Kaya ko to. Kayo? Ayos lang ba kayo?"

"Ayos lang. Kakaalis lang namin sa bus na iyon ng dumungaw ka, mabuti at napansin kong may kakaiba sa bus."

"Magaling. Salamat Carmen."

"May malapit ditong ospital. Ako na bahala, siguraduhin mong susunod ka sa'kin, maliwanag?"

Tumango tango ako at saka marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi ni Anna na ngayon ay narumihan na.

Agad kaming sumabay sa takbo ng mga tao. Wala namang kung sinong umaatake sa kung saan o mga sundalo na babaril ngunit aligaga ang lahat. Hindi alam kung saang lupalop sasabog ang sunod na bomba.

Sumisigaw ang mga tao, ngunit sa kabila ng ingay, habang tumatakbo at sumusunod sa mga yapak ng asawa ko ay may narinig ako.

"Mama!!"

"Mama!"

"Tama na 'ho! Pakiusap, hindi kami komunista. Ang laman ng..."

Hindi ko na narinig pa ang ilang detalye ngunit napalingon ako at nakita ang sugatan na mag ina. Nag puyos ang dibdib ko, ang mga sugat nila ay hindi dahil sa pag sabog ng bomba ngunit dahil sa pambubugbog. Nakaluhod ang dalawang bata at nakayuko naman ang ina na halos mag lupasay na ito. Ngunit hindi natitinag ang mga sundalo at bahagya pang sinipa ang muka nito!

Napatigil ako sa paglalakad na agad na ikinalingon ng mag-ina ko.

"Mauna ka na Carmen! Susunod ako." Sagot ko at natanaw ko naman na ang ospital na pupuntahan n'ya saka sumugod at may mga natulak pa ako na agad ko rin naman tinulongang makatayo.

Bago pa ko makarating sa pwesto ng mag-iina na kasalukuyang tinatadyakan ay may lalaking yumakap sa tatlo at s'yang kumuha ng tadyak ng mga ito.

"Wala kaming kasalanan! Wala kaming kasalanan..." Humahagulhol na sigaw ng ama habang mahigpit na niyayakap ang mga anak n'ya at ang asawa sa gitna.

Kuyom ang tsapa sa mga palad ko bilang patunay na isa akong sundalo ay mabilis akong naglakad palapit sa tatlo na kapareho ko ng uniporme at hinarang ang mga pag tatadyak at sipa na binibigay nila ngayon sa ama. Agad akong napangiwe sa mga sugat na natamaan.

"Hindi sila ang hinahanap n'yo. Nakita ko silang tumatakbo paroon!" At tinuro ang nakita ko kaninang grupo ng mga taong may dilaw na takip sa muka o kaya naman ay nakasabit sa leeg.

"Pa'no ka namin paniniwalaan?"

Pinakita ko ang tsapa na agad naman nilang sinuri. Tumango tango sila saka sumaludo sa'kin na agad kong tinugunan, agad naman silang tumakbo sa direksyon na tinukoy ko.

Nilinga ko ang apat na mag-anak na ngayon ay nagyayakapan at pinapaulanan ako ng pasasalamat.

"Kailangan natin silang madala sa ospital. Naroroon rin ang asawa ko." Ani ko sa Ama.

Agad kong binitbit ang dalawang bata na walang kamuwang muwang kung bakit sila binugbog sarado. Panigurado ay naglalako lang sila ng kakanin na laman ng bilao nila, nagtatawanan kani kanina lang, at sa biglang pagsapit ng segundo ay ito ang natamo nila. Halos lupaypay ang isang lalaking mukang mas bata, ang isa namang panganay ay umiiyak at humagulhol na hinahawakan ang kamay ng nanghihinang kapatid. Nag init ang sulok ng mata ko.

Ang ama naman nila ay ang asawa ang binuhat na mukang hindi na rin kayang maglakad. Binilisan namin pareho ang pagtatakbo, at sa may pintuan ng ospital ay natanaw ko ang asawa kong karga karga parin ang anak namin na puno ng pag-alingawngaw ng...

"Papa...! Papa...!"

"Anak!!" Sigaw ko.

Ngunit bago pa sila makalingon, bako pa sila makakakaway, at bago pa nila ako makita ay biglang nilamon ang pintuan ng ospital ng isang pagsabog na agad na ikinabagsak ng unahan ng gusali. Nanigas ang buong katawan ko, hindi ko maramdaman ang kirot ng mga sugat ko, hindi ko mabalik ang sarili sa reyalidad.

Nasa pintuan sina Carmen... May sumabog sa pintuan ng ospital...

"...aaaaahhh!!!" Sigaw ko habang tumatakbo. Hindi pa ko nakakalapit ng may pumigil sa'kin, napatingin ako sa taong ito.

Ang ama ng pamilya na kanina ay pinrotektahan ko.

"Huwag! Baka may susunod pang pag sabog!"

"Hindi! Hindi!!"

Nag patuloy ako sa pag lapit at s'ya naman sa pag pigil saakin. Ngunit bago ko pa maabot ang mag ina ko ay pinigilan kami ng isang malakas na pwersa at tunog. Agad kaming tumilapon sa kung saan, may naramdaman akong hapdi sa mga braso, tumilapon kami malapit sa bahay na tinutupok ng malaking apoy at ang pareho kong kamay ay nakatuon dito.

Napaiyak ako ng malakas sa sakit ngunit ayokong alisin ang katawan ko. Patay na ang mag iina ko. Wala na sila. Ano pang silbi ng pamumuhay ko??

Ngunit may mainit na kamay ang hinihila ang mga binti ko paalis dito, napalinga ako sa baba.
Ang ama! Puno ng dugo ang muka nito at mukang nabagok ang ulo sa kung anong matigas na bagay...

"Mamuhay ka..."

Sambit nito saka nawalan ng malay. Agad kong inangat ang itaas na parte ng katawan ko at kahit masakit at parang may kumakain sa balat at laman ko ay pinilit ko itong igalaw para tignan ang pulso n'ya. Mayroon pa! Pahina ito ng pahina ngunit may pag-asa pa. Nangangatog ang tuhod, masakit ang mga pasa, ang daplis ng bala, ang sunog na mga braso at ang kumikirot na dibdib saka ang umaapaw na mga luha ngunit ginalaw ko ang buong katawan ko upang hilahin ang katawan ng kapwa ko Pilipino at sinubukang iligtas ang buong pamilya dahil hindi ko nailigtas ang sariling mag-ina ko.

Dahil ako'y isang sundalo na may pinangakuan sa bansang kinasasadlakan ko.

2022

Mahirap. Lalo na kung nakaukit sa katawan mo kung anong kahirapan ang pinagdaanan mo at ang mga tao sa paligid mo ay mas nakikita kung ano lamang ang itsura nito, hindi sa kung paano ito nangyari.

Pangit na ugali? Bakit?

Pangit na peklat? Paano?

Basta pangit, hindi sila interesadong malaman. Totoo ngang mas madaling mag husga kay'sa ang umintindi.

Namatay nga ang mag-ina ko. Nangako ako sa anak kong sila lang sa buhay ko kung kaya't hindi ko narin nagawa pang mag karoon ng iba pang pamilya. Bagkus ay lalo akong naging determinadong maging sundalo at pangatawanan ito. Sa mga bakbakan at gyera na napuntahan ko, napapaisip ako kung pa'no ko naabot ang ganitong edad na buo parin at may magandang kalagayan. Maaring dahil ito sa mag ina kong binabantayan ako. O sa Diyos na tumupad sa hiling ng asawa ko sa kada gabing wala ako, ang maging ligtas ako.

Nakakalungkot lang na walang may interesadong malaman kung paano ko nakuha ang mga sugat na ito. Dahil ito, ang simbolo ko, ang bagong patsa ko, na pinrotektahan ko ang taong nasa paligid ko, at ang inang bayan na para sa mga Pilipino.


A/N:

The one I've enjoyed the most in the process of writing is this! Shaaaaaks naiyak ako seryoso
〒_〒

Anyway, happy indepence day! Unedited pa 'to guys! Baka madagdagan ko pa at love ko na si Lolo Pinoncio! 〒_〒

Disclaimer:

The content of the following story is purely fictional and doesn't have any existing correlation with the Philippine's history.

P.s

Wala talaga akong alam sa mga sundalo thing or sa mga digmaan so sorry for errors!!

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
267K 7.8K 133
"๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’†'๐’” ๐’“๐’†๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’ ๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‡ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’†๐’š๐’†๐’” ๐’š๐’๐’–'๐’๐’ ๐’‚๐’๐’˜๐’‚๐’š๐’” ๐’ƒ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’–๐’Ž๐’ƒ ๐’ƒ๐’๐’๐’๐’…๐’†."
28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
205K 4.8K 54
โ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. โž kate martin x fem! oc