TOO LATE (1ST.ONE Fanfic)

By zeannnnn

230 10 7

1ST.ONE Fanfic More

TOO LATE*
TL 1
TL3
TL4
TL5

TL2

16 1 1
By zeannnnn

"We were looking for you Zea. Saan ka ba nagpunta kanina? Na-miss mo tuloy lessons natin." Sabi sa'kin ni Anne.

"Me and Jonas just had a small talk."

"Bes, ano ba talaga?" Tanong niya.

"Balik na daw siya sa London for good. Are you happy now? Lalayo na yung nanggugulo sa isip at puso ko." Tinignan ko si Anne pero parang ang weird, dapat masaya siya. E parang napaisip lang siya. "Is there anything wrong?" Tanong ko, umiling siya.

"Your dad called me earlier hindi ka kase makontak, umuwi ka na daw at may pupuntahan ka ." Iniwas niya lang yung topic.

"Saan daw?" Binigyan niya lang ako ng ewan-ko-sa-dad-mo-look.

I get my things at umuwi na. I brought my car the other day so I can just go home whenever I want.

--

Sa bahay.

"Ano na naman dad?" Oh diba? Ang ganda ng pambungad ko sa daddy ko.

"What's that sound of your voice my princess?" Sabi ng dad ko.

"Sawang-sawa na ako sa mga pinapagawa mo sa aking get to know who. You know what happened right? And it’s only been a month."

"It's a no for now anak. I just want you to go shop if you don't mind?" Nagningning ang mga mata ko. "Here is my card use it." I just smiled to my dad. Nilapitan niya ako at niyakap "I know your problem. Go and loosen up. I already talk to your mom about this, so don't you worry, okay?"

Nagpunta agad ako sa mall. I went to LaRa , a boutique. I saw Tita Rachel and Tito Larry, Anne's parents. Kumaway ako sa kanila. "Hi po tita, tito!" Ngumiti rin sila.

"Sensya na iha, medyo late ka ngayon, may lakad pa kami ng tita mo but you can grab 5 items from our boutique for free. Matagal ka na kasing hindi nagpunta rito. Enjoy!" Sabi ni Tito Larry habang kinausap ni Tita Rachel yung cashier, bago kase, hindi pa ako kilala. "Opo! Salamat."

I grab 2 dresses, bag, a pair of heels and a pair of boots. Hindi mahirap pumili kase magaganda lahat ng products nila at trendy pa.

Paglabas ko sa boutique, may nakabangga akong lalake. I cursed. Nahulog lahat ng bitbit ko.

"Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo. Bwisit." Sabi ko habang pinupulot ang mga paper bags.

"It's you." Sabi niya. Tinignan ko siya. Siya yung kaibigan nina Anne and Russel.

"What about me?" I asked him.

"Nothing." At ayun. Naglakad papalayo. Hindi man lang nagsorry. Panira.

Nagpatuloy akong namili ng mga gusto ko. I bought a new phone, naisipan ko ring bumili ng lipsticks. Hindi naman talaga ako mahilig e, for a change lang.

I went to a bookstore, hobby ko na talaga ang magbasa.

Nagkainteres ako sa isang libro, yung pinag-iipunan ko. I'm about to grab it but then may nauna na kaysa sakin. It was the last piece I think because wala ng iba sa display. So sad.

"Are you going to buy this?" A guy talked. Tinignan ko yung nagsalita. "Ikaw na naman?" I uttered. Yes. Siya na naman.

"Give me that one. I know you're not going to read that." Pagpupumilit ko.

"Sinong may sabing hindi ko babasahin 'to?" Tanong niya. Haynaku! At binayaran niya talaga yung libro. Binili niya. It breaks my heart.

Umuwi na lang ako sa bahay. I went straight to my room. Pagod ako. Pagod na pagod.

Kinaumagahan ay pumasok ako sa school na parang walang nangyari.

“You okay?” Tanong agad ni Russel. Tumango ako.

“Sorry Zea. Sana hindi ko na lang pinakilala sa’yo si Jonas noon.” Seryoso si Russel.

“You don’t have to say sorry. It was my fault. I let him enter into my life.” Wika ko at ngumiti siya.

“Pero si Val, matino yun. Ireto kita sa kanya gusto mo?” Tawang-tawa si Russel.

“Pektusan kaya kita diyan?” Sigaw ko sa kanya at umupo na lang ako.

“Erp, kahit hindi mo siya ireto sa’kin. Ako mismo ang manliligaw sa kanya.” Sabi ng isang tinig.

“Andiyan ka na pala Val.” Si Russel.

“Narinig mo yun Zea? Kung eto lolokohin ka lang din, ako na mismo ang….ang…”

“Ano? Anong kaya mong gawin Russel?” Sigaw ni Anne na galing yata sa powder room na katabi lang ng classroom namin.

Ipinatong ko na lang ang ulo ko sa desk. Umagang-umaga ang ingay.

“Ako na mismo ang luluhod sa harap ni Zea. Baka kase ako na mismo ang malintikan sa parents mo. HAHAHAHAH!” Humagalpak ulit sa tawa si Russel.

“Hindi mangyayari yan erp, ako ang bahala.” Tugon ni Val.

“Hoy, lumayas ka na dito. Malapit na magsimula ang klase. Alis na.” Kung mantaboy naman itong si Anne kay Russel. Tss!


Ang bilis ng oras nakauwi na naman ako.

“You enjoyed going out yesterday?” Tanong ni Dad.

“Opo. Eto na nga pala yung card ninyo. Baka makalimutan kong hindi sa akin.” Sabi ko kay dad at inabot sa kanya ang card.

“Here’s yours. Kadarating lang din kanina. Hindi ko pa sana ibibigay pero your mom told me to give it to you immediately.”

“Thanks dad.” At niyakap ko siya.

“You wanna stay muna kina Anne or want to go somewhere?” Tanong niya.

“I’ll go to my condo na lang dad. I will invite Anne and Russel.”

“Okay lang naman sa’yo na maging third-wheel?” Natatawa siya pero pinipigilan niya.

“Dad!”

“Anyway, di ko mapigilan mama mo. You need to be with us this Friday night. We will have dinner with your tito Joseph and his family.”

“Okay! See you on Friday dad!” At dali-dali akong umalis dahil baka kung ano na naman ang sabihin sa akin.











**phone rings**

"Yes?" I said.

"Sama ka mamayang 9pm." Russel is on the line.

"Why should I?"

"Weekend naman bukas. Your mom said yes to me."

"Where? Time? What to wear?"

"VJ's. 9pm. Casual lang."

"Pwede bang semiformal? Alam niyo naman kung nasaan ako ngayon. Okay naman na siguro itong suot ko. Sino kasama?" Natanong ko.

"No pls. Mga tropa ko kase baka maintimidate lang sa’yo."

"Okay. Pick me up at 8:30. I only have 30 minutes to prepare."

"Sure. I don't want you to bring your car either. Aawayin lang ako ni Anne. So just wait later. I'm gonna pick her up first. Bye."

Then he dropped the call.

Buti na lang din at ilang minuto lang ang condo ko dito. I rushed searching for an outfit.

While waiting for Russel to pick me up, I posted a photo of mine without caption. Hindi ako  famous para maraming maglike ng picture ko pero ba't ang dami naman ngayon? Agad-agad? Wow a! Nagbago talaga, may mga comments pa, saying...

"Hindi na ako magtataka kung bakit gusto siya ni Ace!"

"Ang swerte ni Ace, pero mas swerte ka girl."

"You're too pretty."

"I really adore you. You're such a Goddess."

and a lot more.

I'm about to click that Ace who was being tagged by the comments nang biglang  dumating si Russel. 

"Kanina pa ako dito, hindi lang ako bumusina. Ikaw na ba talaga yan Zea?" Sabi niya.

"Whatever!"

"Tara na. Almost 9 na oh!" Sabi niya then sumunod na ako.

Nasa front seat si Anne, ako nman sa likod. Habang nasa kotse kami ni Russel, nagtanong ako, "Saan niyo nga ulit nakilala si Val?" Sumagot naman si Anne, "Naghighschool siya sa St. Therese dati kaso nung grumaduate, pinapunta siya sa London." Tumango na lang ako at naalala ko yung sa mall kanina. "Ang mean niya a. Grabe pati ba naman sa bookstore noon, nakipag-agawan sa librong gusto kong bilhin. Last stock pa naman yun tsaka pinag-ipunan ko rin yun then wala lang akong napala." Napasimangot ako.

"Okay lang yan Zea. Libro lang e nagdadrama ka pa." Tumawa ng pabiro si Russel. "Pero sayang hindi mo siya nakitang kumanta noon. Favorite song mo pa naman. Hindi mo ba narinig yung intro niya noong first day of class?" Sabi ni Anne. Nag-isip pa ako bago sumagot, "You mean siya yung kumakanta noon? Grabe siya. Ang galing niya pero hindi ko narinig yung intro e Bakit?" Nakita ko lang silang nagbulungan.

"Andito na tayo." Sabi ni Russel pagkatapos niyang ipark ang kotse. Nagpunta agad kami sa loob ng VJ's. Mag-eenjoy ako ne'to. Ang daming inumin e. Kadalasan dito ang punta namin ni Anne kapag bored kami.

Nagsilapitan kami sa mga friends of friends namin sa school. Umupo ako sa table kung saan umupo sina Russel and Anne, sanay na rin naman akong maging thirdwheel sa kanila. Halos lahat ng kaharap namin ay hindi ko kilala.

_____

a/n
tagal na po ito sa isang acct ko. please bear with me, beginner lang talaga ako. inedit ko lang mga pangalan para gawing fanfic.

nagpaparamdam lang. HAHAHAHA! >.< v

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 1.3K 54
There are three words that are the sweetest, and that is 'I love you,' but what about the three words 'let me in?'
655 112 9
lessons that the holly spirit teaches me in the walk of life.
307K 9.2K 100
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...