"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

431K 18.1K 3.1K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1

6.1K 280 34
By SsweetySakura

"Mahal ko, nakakapag tataka kung bakit dinapuan ng sakit ang ating anak. Hindi ba pag mga pangkaraniwang sakit lamang ay hindi makukuha ng isang tao na may dugo at mahika ng isang manggagamot?"

Nagtatakang tanong nong babaeng may pulang buhok sa kanyang katabing asawa habang kalong kalong nito sa kanyang bisig ang natutulog na sanggol.

"Oo nga mahal ko, at pang limang besis na itong lagnat niya mag mula nong isilang mo siya."

Sagot naman nong lalaki habang inilapat nito ang kanyang dalawang daliri sa noo ng sanggol.

Pagkatapos ay biglang umilaw ng kulay berde ang mga daliri nito at may lumalabas na usok na pumapasok papunta sa noo ng sanggol.

Gumalaw naman ang sanggol habang dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata at binigyan ng isang napakatamis na ngiti ang lalaki na ikinatigil nito sa kanyang ginagawa.

Hindi niya maintindihan ang mainit na haplos na kanyang nararamdaman sa kanyang puso habang nakikipagtitigan siya sa kanyang anak.

"Mahal na mahal ka namin aming anak, kahit anong mangyari ay nandito lang kami para sayo."

Naluluhang sabi nang babae bago hinalikan ang noo ng sanggol na ikinahagikhik nito.

"Mahal na mahal ka namin nang iyong Ina, aming munting Prinsesa."

Buong pusong hinalikan naman ng lalaki ang noo ng sanggol at ang noo nang babae bago niya niyakap ang kanyang mag Ina na may naka ukit na ngiting kontento sa kanyang mga labi.

.

.

.

-------

Nagising ako habang hawak hawak ang aking pisngi na basang basa ng luha.

Ramdam ko ang sakit at pangungulila ni Miragh na siyang aking katawan na ngayon.

Kahit hindi ako ang umiiyak ay tuloy-tuloy parin ang agos ng aking luha na hinayaan ko nalang dahil ito ang kagustuhan ng katawan ni Miragh.

Niyakap ko nalang ng mahigpit ang aking sarili upang maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ni Miragh na naramdaman ko din ngayon.

Medyo na we-werduhan ako pero parang tungkulin ko na alalayan at alagaan ang katawan ni Miragh at huwag itong hayaan na masaktan.

"Prinsesa Xhandria, gising na po ba kayo?"

Rinig ko ang boses ni Radya sa labas ng pintuan bg aking silid habang marahan itong kumakatok sa pinto.

Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha at inayos ang aking sarili ng makita kong unti-unting bumukas ang pintuan ng aking silid at dumungaw ang ulo ni Radya mula dito.

"Akala ko po ay tulog pa kayo dahil gigisingi- - ayos lang po ba kayo Prinsesa Xhandria?"

Kita ko ang pag-alalang naka ukit sa kanyang mukha habang pinagmasdan ako nito na sinagot ko lang ng isang tango.

Gusto pa sana akong lapitan nito pero sinamaan ko agad siya ng tingin na ikinaatras niya pabalik sa pintuan palabas.

"Maliligo na ako."

Walang emosyong sabi ko sa kanya at umalis sa aking kama upang kumuha ng tuwalya.

Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko muna mapag-isa sa ngayon at ayaw ko na may gumagambala sa aking pag-iisip.

Pagka pasok ko sa banyo ay inaala-ala ko ang mga napanaginipan ko kanina.

Hindi ko alam kung bakit malaki ang pinag-kaiba nang ugali ng ama ni Miragh noon at ngayon dahil kung tutuosin ay kitang kita ko ang pagmamahal nito ng lubos sa kanyang anak nong sanggol pa lamang ito.

Dahil lang nga ba sa wala talaga itong kapangyarihan o may mabigat pa itong ibang dahilan.

Hindi ko mapilang mapabuntong hininga habang sinimulan aking pag ligo.

Inis kong kinuskus ang aking buhok dahil may na dagdag na namang katanungan sa aking isipan.

Pagkatapos ko maligo ay pumunta ako sa aparador at kumuha ng Uniporme.

May apat na Unipormeng ibinigay sa amin para maging reserba ang iba na ipinagpasalamat ko dahil hindi pa naman uso dito ay Washing machine at dryer.

Pagkatapos ko mag bihis ay lumabas agad ako sa aking silid at dumiritso sa sala ng aking dorm at kita ko sina Navah at Radya na nag lilinis sa paligid.

"Radya pumarito ka nga at patuyuin mo ang buhok ko."

Ibinigay ko kay Radya ang tuyong tuwalya upang ito ang gagamitin sa pag papatuyo nang aking buhok.

Dahil sa mahaba pa ang oras ay aasta nuna ako na parang Prinsesa sa harap nitong dalawang babaeng nilalang.

Umupo naman ako sa isang pang isahang sofa at pumikit ng maramdaman ko ang marahang pag dampi ng tuwalya sa aking ulo.

Parang ang sarap tuloy matulog ulit dahil sobrang gaan ng mga kamay ni Radya na kinakalit ang aking buhok.

"Ayos lang po ba talag-..."

"Wag kana magsalita para mas madali mong matapos ang ginagawa mo Radya."

Putol ko agad sa gusto nitong itanong sa akin.

Apaka Marites talaga nitong babaetang ito.

Sarap lagyan ng d*ldo ang bibig.

Tumahimik naman ito at ipinag patuloy ang kanyang ginagawa.

Ganyan nga, tumahik ka para safe ka.

"Navah, kuhanin mo sa aking silid ang aking gamit pang aral tapos isunod mo ang aking silid sa pag lilinis pagkatapos mo dito."

Narinig ko naman itong sumagot ng opo habang hindi na ako nagmulat ng aking mga mata dahil ninamnam ko pa ang ginagawa ni Radya sa aking buhok.

Sinabihan ko kasi sila na huwag pumasok sa aking silid pag walang pahintulot mula sa akin lalo na pag wala ako dahil sa hindi ako sanay na may nangingialam sa mga gamit ko.

Pagkatapos patuyuin ni Radya ang aking buhok ay siya narin ang nag sabi na aayusin niya ito na hinayaan ko nalang din.

Tinirintas niya lang ito at nilagyan ng mga hindi ko alam kung anong klaseng abobot.

Bakit kaya hindi kaya nalang siya naging tennis player kung magaling naman pala siya mag ayos ng buhok.

Wala talaga itong babaeng ito.

Apaka tamad para sa kanyang pyutsur.

Hindi ko na tignan pa ang ginawa niya sa aking buhok at lumabas nalang dala ang aking gamit pang aral.

Habang naglalakad pababa sa aking dorm ay tinignan ko ang labas kung marami bang mga estudyante para tatalon nalang sana ako dahil tinatamad na akong bumaba ng hagdanan.

Pero dahil sa marami ang estudyante ay tiniis ko nalang ang maging mabait at tamad na inihakbang ang mga paa pababa sa mahabang hagdanan.

Habang naglalakad ay marami akong nakita at naka sabay na ibang mag aaral na mga babae na puro masasama ang tingin sa akin pero wala namang ngumahas na lumapit.

Inaano ko ba ang mga hindot na ito at parang gusto na ako katayin sa kanilang mga titig.

Pero dahil sa isa akong maganda ay nginisihan ko nalang sila sabay kindat na ginantihan lang ako ng pa irap.

Napahagikhik naman ako dahil ang papangit talaga nila.

Nang maka baba na ako ng tuluyan ay pakanta-kanta akong naglalakad papuntang cantena.

"When the nights has come. Ughh ughh..
Sinasakal ay ikaw, ughhh madulas. Ang matigas na lumabas, banyo king."

Nakita ko namang napatingin sa akin ang iba habang may naka ngiwi at pagtataka sa kanilang mga mukha dahil sa hindi siguro nila maiintindihan ang kung ano aking kinanta.

Bahala sila sa buhay nila, problema na nila yan.

Galing ko talaga kumanta kahit kailan bakit kaya hindi nalang ako naging boxer noon.

Nang malapit na ako sa pintuan ng Cantena ay may nag lakas loob namang bumangga sa akin.

Owwwwwcchheyyy!!

Ang bango naman ireyy!!

"Pasensya na Prinsesa Zemiragh, hindi ko sinsadya." Paumanhing sabi nong bumangga sa akin sabay kamot sa may batok nito.

May pigsa ba siya?

Rinig ko naman ang mahinang tilian at singhapan ng mga babaeng malapit sa aming pwesto.

"Hala nandito si Prinsipe Ermell." - lamok 1

"Ang gwapo niya talaga sa malapitan." - lamok 2

Eh di lamayo ka para pangit siya.

May sulusyon naman sa problema niya pero nag iinarte pa.

"Bakit niya kinakausap si Prinsesa Zemiragh eh wala naman yang kwenta." - lamok 3

Kwenta kasi mukha ko ako tapos ikaw wala.

"Alam mo naman kung gaano kabait si Prinsipe Ermell." - lamok 4

Pakialam ko.

"Napaka swerte nang maging kasintahan niya."- lamok 5

Mas ma swerte siya dahil nalapitan niya ang kagandahan ko.

Hindi ko mapilang mapata ang aking kilay dahil sa mga bulungan sa gilid na siyang naging dahilan para maging isang kititing nataranta itong tinatawag nilang Prinsipe Ermell.

Akala siguro nito ay siya ang pinag taasan ko ng kilay.

Ashuuumeeengggg nemen.

"Pasensya na talaga Prinsesa Zemiragh, hindi ko talaga sinsadya. Tumatakbo kasi ako para maka iwas sa mga babaeng gusto maka sabay ako sa umagahan. Hehehehe"

Kamot batok ulit na sabi nito habang umiiwas ng tingin sa akin at namumula ang kanyang tenga.

May garapata nga siguro ang batok nito dahil kanina pa siya kamot ng kamot.

"Ayos lang hindi naman ikaw ang pinagtinaasan ko ng kilay. Sigi una na ako dahil nagugutom na ako."

Nilampasan ko lang ito dahil parang isasali pa yata niya ako sa pobrlema niya sa mga babae.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad dahil gusto ko mapasok agad sa loob ng cantena dahil nag sisimula ng makipag gira ang alaga ko sa tyan.

"Sabay nalang tayo Prinsesa Zemiragh dahil parang wala parin naman dito ang aking mga kapatid na babae lalo na ang ibang mga Ūníc estudyante."

Humabol agad ito sa akin at sumasabay na ngayon sa aking tabi.

Kita ko naman ang panlalaki ng mga mata ng iba dahil sa kanilang nakita at narinig.

So??? Igit na kayo niyarn?

I mean inggit?

"Bahala ka."

Walang pakialam kong sabi at dumiritso agad sa pagkuha ng pagkain.

Kumuha lang ako ng isang pritong itlog at isda, tapos kanin at isang basong mainit na tsaa.

Hindi ko na pinag-abalahang tinignan pa ang taong sumasabay sa akin at nag hahanap agad ako nang mesa na pwede pwestohan.

May nakita naman akong malapit sa gitna kaya nag lakad nalang ako papunta don at ipinag sa walang bahala ang bulungan sa aking paligid.

Mag bigti kayo sa pagka Marites niyo.

Pagdating ko sa mesang aking napiling pwestohan ay agad akong upo sa upuan nito at umupo naman sa aking harapan ang lalaking nakikisabay sa akin.

Bilis niya maka sunod ahh.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at sinuri ko ang kanyang pagmumukha dahil baka isa lang siyang siopao.

Kulay kayumanggi ang kanyang buhok.

Mapupungay naman ang kulay berde niyang mga mata.

Medyo rin makapal ang kanyang kilay at pilik mata.

Matangos ang kanyang ilong at medyo mapula ang kanyang manipis na mga labi.

Sobrang gwapo din nito pero mas lamang nga lang si Lawrence kaso pangit lang ang pag uugali.

"Kamusta ang iyong unang araw sa Akademyang ito Prinsesa Zemiragh?"

Napatigil naman ako sa pagsuri sa pagmumukha nito nang mag salita ito habang kita ko sa kanyang mukha na parang naaasiwa itong naka tingin sa akin.

Problema niya sa buhay?

Nauutot ba siya?

"Ayos lang sobrang daming kabaitan ang aking nagawa."

Walang ganang sabi ko habang nag simula na ring kumain dahil baka mautot pa siya.

Narinig ko namang itong tumawa ng mahina na ikinaangat ko ng tingin.

May saltik.

"Ahhmm.. umabot pala sa amin ang ginawa mo kahapon. hehehe." Natatawang sabi nito habang tinitigan ako sa mga mata.

Sinalubong ko naman ang kanyang mga mata habang nagtataka kung ano ang umabot sa kanila.

Yun bang tumae ako kahapon at umabot sa kanila ang amoy?

Bigla naman itong umiwas ng tingin sa akin at pinag patuloy ang kanyang pagkain habang namumula ang kanyang mga tenga at leeg.

Ganyan nga at mahiya kang ungkatin ang pagjejebs ko kahapon dahil kumakain tayo.

Napailing nalang ako at hindi na nag salita pa dahil wala naman akong pakialam kung saan umabot ang pagjejebs na ginagawa ko.

.

.

.

.

.

[=Nexzeuss Lawrence=]:

"Anong nayon na naman ang nilusob ng taga Kasamaanian?"

Abala ako sa pag basa at pag lagda sa mga papel sa aking harapan.

Habang naiinis paring iniisip ang sinapit ko sa kalampaan nong babaeng maldita ka gabi.

Isali pa itong sunod sunod na mga malaking problema sa ilalim ng kaharian ng Llum kung saan ito ang pinamumunoan ng aking ama.

Hindi ko talaga alam kung ano ang pinagkaka abahalahan niya at bakit hindi man lang niya namataan ang ginawang pag lusob ng mga taga Kasamaanian.

"Ang huling nayon sa Kaharian ng Hawirith, mahal na Prinsipe Lawrence."

Napa angat ang tingin ko sa sagot ni Jaquas na ang aking pansariling guwardya.

Hindi ko mapilang mapahilot sa tungki ng aking ilong dahil sa sumasakit na ang ulo ko.

Dalawang oras lang ang naging tulog ko dahil sa pag papatrolya ka gabi sa iba't ibang kaharain sa ilalim ng Llum.

Kahit mahapdi ang ano ko dahil sa pagkapaso ng mainit na tsaa ay tiniis ko lang ito dahil kailangan kong libutin ang maaring salakayin ng kasamaanian.

Kaya pala walang nakabalita ka agad sa nangyari sapagkat hindi na pinag bigyang pansin ng kaharian ng Hawirith o Kaharian ng hangin ang nayon na iyon.

"Kumusta ang mga mamamayan na nahihiran doon?"

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa wala na akong magawa pa kahit gustuhin ko man sapagkat hindi pa ako ang may hawak sa lahat.

"Ah.. Wala pong natagpuan kahit isang tao sa nayon na iyon pagkatapos ito salakayin. Wala ding bakas na kahit kaunting dugo. Magulo lang ang naging palatandaan na nilusob ito."

Hindi ko naman mapagilang mapakunot noo dahil sa aking narinig.

Paano naman nangyari iyon.

Saan napunta ang mga naninirahan doon?

Saan napunta ang mga napaslang?

Mas lalo yata sumakit ang ulo ko sa mga balitang natanggap.

"Imbestigahan mo itong mabuti Jaquas at ibalita mo ka agad sa akin ang mga nakalap mo."

Yumuko naman muna ito sa akin bago nag paalam na umalis.

Tumayo naman ako sa aking upuan at kinuha ko ang aking gamit pang aral dahil sa isang oras na akong huli sa klase pero ayos lang dahil kasaysayan lang din naman ito at alam ko naman ang buong pangyayari mula noon hanggang ngayon bilang susunod na uupo sa pagka Emperador.

"Kuya Haogu ikaw na muna ang bahala dito at akoy papasok na sa aking klase."

Habilin ko sa aking pansariling mayordomo na naghihintay lang sa gilid ng aking silid aklatan o opisina.

"Hindi po ba kayo kakain muna Prinsipe Lawrence?"

Nag alalang tanong nito sa akin habang tinutulungan akong ayusin ang aking suot na Uniporme.

"Sa Cantena na lamang ako kakain kuya dahil sa huli na talaga ako sa aking klase at ilang besis ba ako nag sabi sayo na tawagin mo nalang akong Nexx pag tayo lang dalawa kuya Haogu."

Tumawa lang ito sa aking sinabi at hindi na nag salita pa na ikinailing ko nalang ng aking ulo dahil kahit kailan ay napaka tigas talaga ng ulo nito.

Sampong taon ang agwat ng aming edad at kasa-kasama ko na siya mula sa aking pagkabata kaya nakakatandang kapatid narin ang turing ko sa kanya.

Mabait si kuya Haogu na halos siya na ang gumanap bilang kuya, ama at ina sa aming buhay ng aking bunsong kapatid sapagkat walang pakialam ang aming mga magulang sa amin.

Tumuloy nalang ako sa aking pag alis upang pumunta sa Cantena para makapag umagahan at para makapasok na din ako sa aking klase.

Nasa pribadong gusali ng Akademya ang aking tinutuluyan kaya medyo malayo din ito sa Cantena.

Para narin itong bahay sapagkat kompleto na ang lahat sa loob nito at naka bukod din ito sa ibang mga gusali kaya walang ibang pumupunta dito maliban nalang sa aking bunsong kapatid.

Mag mula narin nong nag hiwalay kami ng dati kong kasintahan.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko nanaman ang unang babaeng minahal ko na mahal ko parin magpahanggang ngayon.

.

------

Continue Reading

You'll Also Like

114K 3.2K 46
Ariana lived in the mortal world. But the time came when she needed to know who she really was. What if she found out she was a princess? Not an ord...
222K 7K 44
[ Unalome Series #1 ] The book of Prophecy itself saids the Goddess of Everything will rise as a mortal every path she choose is stained with tears...
201K 7.9K 51
Being a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.
24.1K 631 20
Teaser: A girl with rare golden wings and a boy with black evil wings... Angels and Devils fall inlove but it's forbidden. Copyright © 2019 By: Imagi...