Sa Pagitan ng mga Sukat at Tu...

By JML_Serenity

100 8 0

Random thoughts and unsaid feelings that turn into poetry More

Mga Gusto at Pero
Pahinga
Buti Nalang..
Mahalaga Ka
Ayos Ka Lang? Umayos Ka Lang... Aayusin Kita

Ikaw at Ako, sa Maling Panahon

21 1 0
By JML_Serenity

May 21, 2022 1:44 PM

Parang nakakaloko ang mundo,
bakit pa pinagtatagpo, kung iba naman pala ang gusto?

Isang araw ay humiling ako sa Bathala, 
mga katangian ng isang lalaki na suntok "daw" sa buwan upang maging makatotohanan.

Sa kabila ng sabi sabi, 
naniniwala ako na ibibigay siya sa akin.
Hindi man ngayon ay ayos lang, hindi naman ako nagmamadali.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana,
dahil ang tadhana nating dalawa ay tuluyan nang nagtugma.
Posible pala na magkatotoo ang noon ay parang istorya lang sa Wattpad.

Nasambit mo sa akin na ikaw din ay humiling,
babae na kusang darating para ikaw ay mahalin.
Ngunit bakit ngayong ako ay nasa harap mo na ay siya pa rin ang iyong nais?

Para tayong mga sagot sa matagal na nating hiling,
ngunit ngayong nasa harapan mo na ako, ay hindi mo pa rin mabitawan ang dati.
Nakalulungkot man isipin pero hindi kita masisisi.

"Walang saysay ang panalangin ko
Kung hindi ako ang hahanapin mo."
Kung aawitin ko ito sa harapan mo,
pakikinggan mo kaya ako?

Tunay na mahirap bitawan ang nakaraan,
lalo na kung minahal mo talaga ito nang lubusan.
Gusto mo bang ikwento ko rin sa'yo ang istorya ng aking nakaraan?
Istorya na walang pinagkaiba sa kwento nyong dalawa.

Sa ngayon ay wala naman akong magagawa,
poprotektahan na lamang ang sarili sa lupit ng tadhana.
Hindi man ngayon, hindi man bukas, 
pero alam ko ay balang araw darating din ang Tama..

Hindi man ang Tamang Panahon para sa Ating Dalawa,
pero ang Tamang Tao para sa Ating Dalawa.
Masaya pa rin ako dahil ikaw ay nakilala. 
Hanggang sa muli nating pagkikita..

PAALAM.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 77 45
[COMPLETED] Unsent and Untold.
10.3K 1.2K 38
Koleksyon ng mga tula. Kwentong nakabalot sa bawat talata. Basahin ang kwento ng kalapastangan ng araw, luha ng ulap, at lihim ng buwan sa "Araw, Ula...
4.4K 54 24
"Mga tulang matagal ko nang dapat sinabi sayo."
1.7K 631 103
Sapantaha, a hunch or assumption. The what ifs and the rumination of day dreamer. English and FIlipino Poems Status: Completed Date Started: June 11...