Her Obsessed Husband (VERY SL...

By sinSkies

343K 2.4K 1.2K

Life is really full of struggles. Nakakapagod. But never in Diane's mind crossed to give up. Kahit ilang uli... More

Her Obsessed Husband
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5

CHAPTER 1

25.4K 427 321
By sinSkies

Diane's POV:

Noong grade 3 talaga nagsimula ang lahat.

"Stop crying now!" Strikto nitong saway sa akin. Mas lalo naman akong naiyak dahil sa naramdamang galit mula sakanya at sakanyang pagsigaw.

"Sorry, stop now." Biglang hinahon ng boses nito. Doon ako unti-onting natigil sa paghagulgol. Suminghot singhot ako at pilit pinunasan ang kaonting sipon na tumulo gamit ang likod ng aking palad.

"M-may sugat ka sa mukha, sila Tonton kasi!" Inis kong sabi na muling nagpaiyak sa akin. Nagkaroon siya ng gasgas sakanyang pisngi nang makipag rambulan siya sa grupo nila Tonton, ang mga bully sa school. Ako ang madalas nilang asarin, hindi ko alam bakit ganoon sila. Nagkataon namang may lumigtas sa akin, bago lamang siya sa aking paningin. Hindi siya rito nag-aaral, mukhang kakalipat niya lang dito siguro dahil naka uniporme siya.

"This is nothing, I'm fine." Paninigurado nito at busangot ang mukhang nag-iwas ng tingin. Medyo gumaan ang loob ko roon, dahil kumpara kina Tonton ay mas malala naman ang natamo nila. Umiyak pa nga ang mga 'yon e. Duwag naman pala.

Natahimik kami. Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng puno. Dito niya ako dinala matapos naming tumakbo papaalis sa ground dahil may paparating na guard kanina.

"Anong pangalan mo? Bago ka rito?" Tanong ko sakanya habang sinusuyod ang kaniyang buong mukha. Mukha syang pamilyar, ngunit sigurado akong ngayon ko lamang siya nakita.

"You don't need to know." Sagot nito na nagpabusangot sa akin. Ang damot.

"Ako si Diane!" Masigla kong pakilala. Tinaasan niya lamang ako ng isang kilay.

"Gusto mo ba ako maging kaibigan?" Alok ko pa sakanya, baguhan siya rito kaya siguradong wala pa syang kaibigan.

"No." Mabilis niyang sagot na nagpagulat sa akin, lalo na noong tumalikod na siya.

"Hala! Saan ka pupunta? Oy!"  Sigaw ko at hinabol siya.

"Home." 

"Ganon ba? Sabagay uwian na. May sundo ka? Ako meron." Isang buntong hininga lamang ang sagot niya. Hanggang sa maka abot kami ng gate ay hindi niya ako inimik kahit ang daldal ko.

"Hoy, Diane! Saan ka ba galing? Kanina pa ako naghahanap sa’yong bakla ka!" Mabilis kong nilingon ang taong sumigaw, ang kaibigan ko simula nang mag-aral ako, si Leo. Tumakbo ito papunta sa akin.

"Sabi mo iihi ka lang? Pinuno mo ba ng ihi ang bowl?!"

"Hindi! Kasi sila Tonton nang asar na naman! Pinaiyak ako, kinuha yung lollipop ko!" Sumbong ko rito.

"Hindi na talaga tumigil si Tonton kakaasar sa’yo, crush ka kasi non." Sabi nito at binigyan ako ng mapanuksong ngiti pagkatapos. Bumusangot akong muli sa pagkadisgusto.

"Hindi ganon magka crush! Dapat mabait siya sa akin." Depensa ko, imposible kasi ang sinasabi niya.

"Anong alam mo sa crush? Bakit, may crush ka na?" Kuryuso nitong tanong. Sa aming dalawa kasi ay siya itong mahilig magkaroon ng crush. Kada section ata ay may crush siya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya, hanggang sa maalala ko iyong lalaki kanina.

"M-meron." Nahihiya kong sagot.

"Hala namumula! Ang halata mo pala kiligin, grabe mahuhuli ka agad!" Puna nito, mabilis kong hinawakan ang aking mga pisnge. Tila nag iinit ang mga iyon. Ngayon ko pa lamang ito naramdaman! Normal lang kaya ito?

"Sino? Pogi ba?"

"O-oo, mas pogi pa sa mga crush mo." Pagyayabang ko.

"Weh? Hindi nga? Sino ba 'yan? Kilala ko? Anong section?" Sunod-sunod niyang tanong na sinagot ko rin ng sunod-sunod na pag-iling.

"Niligtas niya ako kanina kina Tonton, nag rambulan sila." Pagkwento ko pa.

"Ayieee! Savior!" Tukso nito na sinabayan pa ng pagsundot sa aking tagiliran na nagpangiti sa akin.

"Pero hindi ko siya kilala, bago lang ata siya rito. Kasama ko nga siya kanina nong tinawag mo 'ko." Sabay lingon ko sa harap. Nawala na ito. Pati ang kaibigan kong si Leo ay naghanap din sa dagat ng mga estudyanteng nagsisilabasan at may kani-kaniyang sundo.

"Umalis na ata, ikaw kasi tinawag mo 'ko." Sisi ko sakanya.

"Edi hanapin natin bukas!"

Ganoon nga ang ginawa namin. Sa araw na iyon ay inspirado akong pumasok. Oras ng recess ay iniisa-isa namin ni Leo ang mga rooms ng grade 3 para hanapin iyong savior ko. 

"Sigurado ka bang grade 3 rin talaga 'yon?!" Naiinip ng tanong ng aking kasama. 

"Hindi ko sigurado, mas malaki siya sa atin." Sagot ko habang sinisilip ang pang apat na naming room.

"Baka grade 6 na? Talandi ka!"

Hindi ko rin alam, mas matangkad kasi siya sa akin. Kumpara din kina Tonton ay mas malaki siya kaya naman madali niya silang natalo kahapon.

"Baka nasa canteen pa." Sabi ko na lang.

"Tara don, gutom na rin ako." At iyon nga ang ginawa namin. Pumunta na lang kaming canteen para bumili ng pagkain kahit may baon naman talaga ako. Gusto ko lang talaga syang hanapin.

Maingay na canteen ang inabutan namin, ang daming estudyante na bumibili. 

Gulat akong napa atras nang matalsikan ng malamig na juice mula sa isang bote na inaalog alog ng isang babae para matalsikan iyong kalaro nyang lalaki.

"Hoy! Mag ingat naman kayo, inumin kasi pinaglalaruan!" Inis na saway ni Leo sa mga ito. Hindi kami ng mga ito pinansin kaya nilagpasan na lang namin ang mesa nila bago dumiretso sa pila. Ngunit syempre ay inirapan muna sila ni Leo.

Habang nasa pila ay sinusuyod ko ang bawat mesa. Abala lahat sa kanilang mga pagkain, puro grupo ang mga ito. Ang iba ay kumakain, nagkikwentuhan, nagtatawanan, at ang iba naman ay naglalaro. Ngunit isang lamesa ang nakakuha ng aking atensyon. Sa lamesang iyon ay tatlo lamang ang naka-upo kahit anim na upuan ang naroroon. Walang mag babalak na maki-upo roon maliban na lang kung kasali ka sa kanilang grupo.

Kumakain ang tatlong lalaki ngunit ang isa ay panay ang buka ng bibig. Samantalang ang mga babae na nakapaligid sa table nila ay halatang sila ang pinag-uusapan, halata rin na kinikilig ang mga ito.

"Hala, bago yon ah. Si Cedrick at Franco may kasamang pogi!" Puna ni Leo, pati rin pala ito ay naroon na ang atensyon. Ang bilis niya talaga makakita ng pogi.

"Siya iyong crush ko." Mahina kong sabi sa tila inis na boses. Mukhang crush niya na rin kasi.

"'Yon?! Ang pogi nga! Kaibigan niya agad sila Cedrick? Ano kayang pangalan?" Kuryusong tanong ni Leo maging ako. Akala ko ay wala pa syang kaibigan kasi baguhan siya, matagal na niya sigurong kilala sina Cedrick at Franco, pero bakit ngayon lang siya rito nag-aral?

Hindi ako sumagot sa aking kaibigan dahil hindi ko rin alam. Ngayong nakita na namin siya ay baka malaman ko na.

Kung hindi pa ako hinihila ni Leo ay hindi kami makaka-usad sa pila. Hanggang sa makabili ay hindi ko tinantanan ng tingin ang kanilang mesa lalo na siya. Ang tahimik niya lamang sa tabi ni Franco samantalang ang isang iyon ay panay na ang tawa.

"Lapitan ba natin?" Alok ng aking katabi matapos naming bumili. Nagdalawang isip ako ngunit umiling din. Hindi pala-kaibigan si Cedrick, tanging sila lamang ni Franco lagi ang magkasama. Nakakatakot itong lapitan dahil lolo niya ang may-ari ng school namin.

"Huwag na, sigurado naman na tayong grade 3 rin siya at paniguradong kaklase niya sila Cedrick." Ibig sabihin ay nasa section siya ng mga matatalino. Maliit akong napangiti sa ideyang iyon. Mas lalo ko syang nagugustuhan.

Simula nang araw na iyon ay palagi na siyang hinahanap ng aking mga mata, kahit puno ng estudyante ay mabilis siya nitong natatagpuan, ganoon naging katalas ang aking paningin dahil sakanya, nahawa na ata ako kay Leo. Ngunit masaya pala magka-crush, parang lagi akong excited pumasok at masaya ako kapag nakikita siya. Tuwing madaraanan namin ang kanilang room ay palagi ko siyang nakikita na seryoso. Paunti-onti ko ring nalaman ang mga impormasyong tungkol sakanya sa tulong na rin ng chismosang si Leo.

"Enzo Thompson, 9 years old. Anak nina Mr. Hanz Thompson na isang sikat at sucessful na businessman at ni Mrs. Janice Thompson. Family friend niya si Cedrick at Franco dahil na rin sa business. Sa States daw ito nag aral bago mapunta rito." Paglalahad ni Leo sa mga nakalap niya. Mas lalo akong napahanga kay Enzo. Anak pala siya ng kilalang businessman! Siguro ay kilala ni daddy ang parents niya.

"And! Matalino!" Dagdag ni Leo at pumalakpak. Tuwang tuwa akong napangiti. Proud na proud sa crush ko.

"Kaso ay halatang snob. Pero baka hindi pa nakakapag adjust dito dahil sa States nga lumaki." Agad akong sumang-ayon doon. Tulad ng kaibigan nitong si Cedrick ay nakakatakot din syang lapitan. Halata kasi sa itsura nito na mailap ito sa tao. Si Franco lang ata ang friendly sa tatlong iyon, ngunit napaka pasaway naman.

"Kilala mo si Mika?" Tanong bigla ni Leo. Agad akong tumango, si Mika iyong malditang babae na nasa katabi naming room. Laging mainit ang dugo non sa akin, inaagaw ko raw kasi ang mga crush niya kahit na wala naman akong ginagawa. 

Parang kontrabidang tumawa si Leo pagkatapos. "Napahiya! Paano ay umamin daw kay Enzo ron sa canteen! Hindi man lang daw pinansin ni Enzo." At muli syang tumawa. Sa kinuwento niya ay natuwa ako ngunit nagkaroon din ng kaba sa aking puso. Paano kaya kapag umamin din ako? Paniguradong mapapahiya rin ako katulad ni Mika! Ngunit sa maraming tao kasi si Mika umamin kaya nakakahiya talaga iyon. Kung kami lang ni Enzo, mas okay iyon dahil sakaniya lang ako mapapahiya ngunit huwag naman sana. At bakit ba ako aamin? K-kailangan pa ba yon?

Pero may pag-asa kaya ako?

Iyon ang lagi kong tanong sa aking sarili tuwing tinititigan siya. Simula noong niligtas niya ako ay hindi ko na ulit siya nagawang lapitan. Nilalamon ako ng hiya, at parang ang layo niya sa akin. Madalas ay nagtatagpo ang aming mga mata sa tuwing hinahanap ko siya, mabilis lang din naman siyang umiiwas ng tingin na parang hindi ako kilala.

Nakalimutan niya kaya ako? O baka wala lang talaga syang pakialam?

"Happy Valentine's!" Masiglang bati ni Leo sa akin pagkapasok ko pa lamang ng room. Puro kulay pula ang suot ng mga estudyante dahil araw ng mga puso ngayon. Maligaya akong ngumiti nang abutan ako nito ng ginawa nyang bulaklak gamit ang colored paper at Kisses na chocolates.

"Meron din ako!" Sambit ko at hinalughog ang bag para ibigay sakanya ang chocolates na baon ko pati na rin ang simpleng letter.

"Ang sweet! Labyu bff!" At niyakap ako nito.

Walang klase sa araw na ito, hinayaan lamang kami ng mga guro na i-celebrate ang araw na ito kaya namang malayang naglibot-libot ang mga estudyante at kasali kami roon. Mayroon din kasing mga booth na ginawa ang mga grade 6 students.

"Diane, flowers." Muli kaming napahinto sa paglalakad.

"Pang lima na 'to!" Bilang ni Leo. Nakangiti kong tinanggap ang bulaklak at nagpasalamat. Nahihiyang umalis naman iyong lalaking estudyante na nagbigay. Mapanukso akong nginitian ni Leo.

"Sabihin mo kung naaapakan ko ang buhok mo, ah?" Sabi nito. Napalingon tuloy ako sa aking buhok sa likod.

"HAHAHAHA loka ka talaga." Sabay hampas nito sa braso ko.

Sa rami ng nagkalat na estudyante kung saan saan ay hindi ko siya makita. Kahit noong nadaanan na namin ang room nila ay wala roon ang tatlo. Baka hindi pumasok?

Sa canteen ay puno na naman ng estudyante. Maraming sweets ang tinda ngayon dahil nga sa araw ng mga puso. Agad akong pumila para bumili ng donuts. Naupo rin agad kami sa bakanteng mesa pagkatapos bumili. Nakakagutom din ang maglakad lakad. Sinuyod ko ang buong paligid habang kumakagat sa aking donut.

Halos lahat ng babae ay may hawak na bulaklak, chocolates, o kaya naman ay letter. Siguro ay galing sa mga may crush sakanila. Bigla akong napa-isip. Napatitig ako sa mga bulaklak na aking natanggap kanina. Ibig-sabihin ay marami rin palang nagkaka-crush sa akin?

Kinuha ko ang aking bag at binuksan, sinilip ko roon ang isang letter na ginawa ko kagabi bukod sa letter na ginawa ko para kay Leo at sa mga magulang ko.

Para iyon sakaniya. Kaso ay hindi ko siya makita.

"Tingin mo hindi sila pumasok?" Tanong ko sa aking katabi.

"Pumasok sila. Narinig ko kanina nagtatago lang daw ata, alam kasi nilang maraming magbibigay sakanila at ayaw nila ng ganon kaya ayon." Paliwanag nito, napatango tango ako. Sabagay, palagi naman silang pinagkakaguluhan, halos lahat ata ng girls dito ay may crush sakanila, pati nga iyong mga grade 6 na!

Hanggang sa maghapon ay hindi nga talaga nagpakita ang tatlo.

Balak na naming umuwi ngayon ni Leo ngunit may humarang sa aming tatlong lalaki. Halatang mas matanda ang mga ito sa amin, marahil ay grade 6 na ang mga ito.

"Hi, cutie." Bati noong nasa gitna at matamis na ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik.

"Shit, parang angel." Bulong noong isang kasama niya.

"Chocolates?" Inilahad noong nasa gitna ang hugis pusong lalagyan na may chocolates sa loob. Kumislap ang aking mga mata.

"Wow! Sa akin na po 'to?" Inosente kong tanong. Tumawa sila ng mga kasama niya.

"Yes, yes. I hope you like it."

"Thank you po!" Sagot ko.

"Hoy, Lemuel! Grade 3 pa lang 'yan!" Biglaang sigaw ng mga dumaang grade 6 din siguro. Tinawanan lamang iyon ng tatlong lalaking nasa harap namin. Bago nagpaalam ang mga ito at sumabay na roon sa mga lalaking dumaan.

"Pogi ng mga grade 6!" Komento ni Leo nang magpatuloy kami sa paglalakad.

"Pati grade 6 nahakot mong bakla ka. Nahahawaan na kita ng ganda ko!" Tinawanan ko lamang siya.

"Iihi muna ako, Leo." Paalam ko rito, tumango lang ito at pumunta sa isang grupo para siguro makipagdaldalan. Lumiko na ako sa kabilang pasilyo para puntahan ang CR.

Bago makapasok ng CR ay naalala ko ang mga bitbit kong bulaklak at ibang regalo.  Hindi iyon magkakasya sa maliit kong bag kaya no choice ako kung hindi hawakan. Ngunit kailangan ko munang umihi, nakalimutan ko palang ipahawak muna ang mga ito kay Leo. Lagi pa namang basang-basa ang sink sa loob ng banyo dahil sa mga pasaway na estudyante.

Nakita ko ang nakasarang basurahan sa labas lamang ng CR. Doon ko na lamang naisipang ipatong ang aking mga bitbit, wala naman sigurong mag iinteres nito kaya ayos lang.

Pumasok din agad ako sa CR dahil ihing-ihi na talaga ako. Isang ingay mula sa labas ang narinig ko kaya naman dali-dali kong binilisan ang pag-ihi. Lumabas agad ako upang matingnan kung ano iyong ingay. Natigilan ako nang makita roon ang hindi inaasahang lalaki.

Bukod sa pagkagulat ay agaran akong tinamaan ng kaba at hiya. Anong ginagawa niya rito? Nagsimulang tumibok nang mabilis ang aking puso, sabi ni Leo ay normal lang daw ang ganito kapag nakikita ang crush kaya huwag daw akong mag-isip na may sakit sa puso. Pinilit kong itinago ang pagkagulat at kabang nararamdaman.

Si Enzo ay nasa harap ngayon ng basurahan. Nilingon ako nito gamit ang supladong tingin, mas lalo akong kinabahan kaya napa-atras ako.

"U-uhm..." nahihiya akong magsalita. Hindi ko alam paano siya kakausapin ngayon. Halos maghapon ko siyang hinanap, at ang makita siya bigla rito ay nakakagulat!

Iniwasan ko ang kanyang tingin, sa lamig niyon ay hindi ko kinakaya. Sa pag-iwas ko ng tingin ay sa basurahan ito sunod na dumako. Napatitig ako roon nang matagal bago ko maalalang may inilagay pala ako sa ibabaw non.

Taranta akong napalapit doon, kaya naman pati sakanya ay napalapit din ako.

"Hala! Nasaan na yon?" Pagkausap ko sa aking sarili. 

"Were those flowers and gifts yours?" Tanong niya kaya napalingon ako. Mabilis akong tumango at pinagpatuloy ang paghahanap upang maiwasan ang kanyang mga mata.  Hindi naman nahulog. Akmang bubuksan ko ang basurahan nang muli syang nagsalita.

"Someone stole them." Diretso nyang sabi.

"Ha?" Naagaw niya ang aking buong atensyon.

"A girl went out from this hallway, she has flowers and gifts on her arms when she left. That was so suspicious that's why I went here and checked." Paliwanag niya pa. Nalaglag ang mga balikat ko. Kailangan niya ba talaga palaging mag english? Oo nga pala, sa States siya lumaki. Buti na lamang ay naiintindihan ko naman kahit papaano.

"Ganon ba? Sayang naman. Kilala mo ba iyong babae?" Nanghihinayang kong tanong. Iling lamang ang sagot niya. Malungkot lamang akong napabuntong hininga. Nakakatuwa lang kasing mabigyan ng mga regalo lalo na ng bulaklak. Masayang malaman na may mga humahanga rin pala sa akin kahit ganito lamang ako.

"Do you want this?" Napunta ang aking atensyon sa ini-angat nyang isang bulaklak. Isang rosas iyon at totoong rosas! Puro mga plastic na bulaklak lang kasi ang natanggap ko kanina pero maganda naman ang disenyo.

Paniguradong nag ningning ang mga mata ko sa nakita at sa naramdamang tuwa. Agad nag-init ang aking mga pisngi at siguro'y namumula na naman ako!

"S-sa akin na yan?" Paniniguro ko sakanya at may bahid ng umaasang tono.

"Yes, you can have it. Someone just gave this to me. I'm not interested so, might as well give this to others." Hindi ko na naintindihan pa ang iba niyang sinabi basta kinuha ko na agad iyon at niyakap sa aking dibdib.

"Thank you! Ang saya ko!" Hindi ko na napigilang maisigaw na ikinahiya ko rin sa huli, mas lalo akong namula. Wala man syang reaksyon ngunit tila may nakita akong kaonting kinang sa kanyang mga mata.

"Nga pala! Mayroon din ako para sa’yo." Mabilis kong kinuha sa aking bag ang letter at inilahad sakanya kahit halos manginig pa ang kamay ko. Sayang naman kasi kung hindi ko ito ibibigay, papalagpasin ko pa ba ang pagkakataong ito ngayong nandito na siya sa harap ko?

"Happy Valentine's Day, Enzo! N-nandyan na sa letter ang mga gusto kong sabihin sa’yo, basahin mo, ah?" Hindi niya muna iyon tinanggap. Tinitigan niya muna iyon nang ilang segundo. Pinag-iisipan pa muna siguro kung tatanggapin.

"A-ah! P-pangit pa ang sulat ko pero mababasa mo iyan." Nahihiyang saad ko at tinaob ang card kung saan wala roong sulat. Gulat ko nang kunin niya bigla iyon.

"Okay." Maikli niyang sabi.

"I gotta go. Thanks for this." Paalam nito at tinaas pa ang aking ibinigay na sulat bago tumalikod at naglakad na paalis. Nakatungangang naiwan ako ron bago sumilay ang malawak na ngiti sa akin.

Ang saya ko ngayong araw!

Sunod ay ang naiinip na si Leo ang nabungaran ko.

"Pang isang buwang ihi ata yon ah!" Puna nito na tinawanan ko lang.

"Hala siya, parang may himalang nangyari?" Isang ngiti lang muli ang aking isinukli.

"Kanino yan galing? Hindi yan kanina ang bitbit mo ah, nasaan na pala ang mga iyon?" 

"Nawala na iyong mga bulaklak at regalo kanina, ewan kung sinong kumuha. Pero ito, galing ito kay Enzo." Nagmamalaki kong sabi at ipinakita ang rosas.

"Hindi ka naman nauntog habang nasa CR?"

"Totoo! Galing ito sakanya!" Depensa ko. Imposible bang mabigyan ako ni Enzo ng ganito? 

"Huwaw! Habang nawawala siguro si Rapunzel sa palasyo nila ay ikaw ang nandoon!" Asar nito na sabay lang naming tinawanan. Hindi ko alam kung talagang naniniwala ba siya sa sinabi ko.

Ganado akong umuwi nang araw ding iyon. Wala pa ang parents ko dahil maaga pa naman. Si mommy ay paniguradong nasa coffeeshop niya pa at si daddy ay busy sa kompanya. Bago pa lamang kasi iyong coffeeshop ni mommy kaya masyado syang busy sa pag-aasikaso noon at si daddy naman ay normal lang na laging busy.

"Nana Tess!" Sigaw ko habang tumatakbo papuntang kusina.

"Oh? Bakit ka naman nagmamadali?" Mabilis akong yumakap sakanya, hinagkan nito ang aking pisnge bago kinapa ang aking likod upang alamin kung pawis ito.

"May bulaklak po ako!" Sabay taas ko ng hawak na rosas.

"Aba! Kanino galing? May jowa ka na?" Tukso nito at tumawa. Nahihiyang umiling-iling ako.

"H-hindi po. C-crush ko lang po." Pag-amin ko. Tuwang-tuwa naman itong tumawa. 

"Oh siya, ilalagay ba natin sa vase?"

"Opo, Nana."

Habang inaayos ni Nana Tess ang rosas sa vase ay pinapanood ko siya. Kulubot na ang kaniyang mga kamay at halata roon ang mga ugat dahil siguro sa katandaan. Ang pares na kamay na iyon ay ang nag-alaga sa akin simula bata bukod sa aking ina.

"Nga pala, gagabihin daw ang mommy at daddy mo dahil may date." Imporma nito. Ngumiti lamang ako.

"Nabasa niyo na po ba iyong letter ko?" Excited kong tanong. Saktong natapos na siya sa pag-aayos kaya lumapit siya sa akin.

"Oo. Salamat, Diane. Mahal ka rin ni Nana." At hinalikan niya ako sa aking noo. Si Nana Tess daw ang nag-alaga sa akin simula baby pa kapag busy ang parents ko kaya halos mama ko na rin siya. Maliit akong ngumiti bago ko naalala ang naganap kaninang umaga.

"Tinapon po ni daddy iyong letter ko sakanya." Saad ko, pilit itinago ang pait at lungkot sa aking boses. Bumuntong hininga si Nana at hinawakan ang magkabila kong pisnge upang maiangat ang aking tingin sakanya, dahil doon ay naramdaman ko ang gaspang ng kanyang mga kamay na gugustuhin kong laging maramdaman. Ngumiti siya sa akin, ngunit sa mga mata niya ay may bahid roon ng lungkot. 

"Pero sinabi ko na lang pong mahal ko siya bago ako umalis, kahit hindi niya na po mabasa iyong letter." Masayang dagdag ko sa kwento. Mas lumawak ang kanyang ngiti bago ako hinagkan muli para sa panibagong yakap. Walang mga salitang lumabas sakanya pero ramdam ko ang lungkot niya para sa akin, ngunit wala namang dapat ikalungkot, dahil bukod sa akin, alam kong pati ang mga tao sa bahay ay sanay na rin sa pakikitungo ni daddy sa akin.

Sabado ng hapon nang mapadpad ako sa office room ni daddy. Sa nanginginig na kamay ay kumatok muna ako nang tatlong beses bago dahan-dahang pinihit ang seradula para mabuksan ang pinto. Sumilip ako at agad kong natanaw ang striktong mga mata nito. Muli niyang ibinalik sa mga papel na kanyang binabasa ang atensyon. Tuluyan na akong pumasok at tahimik na isinara ang pinto. Walang ingay akong naglakad papalapit sakanyang mesa. Mahigpit ang aking hawak sa dala-dalang notebook.

"Daddy, busy ka po?"

"What do you think?" Malamig nyang sagot nang hindi ako tinitingnan. Napalunok ako.

"M-may assignment po kasi ako..." panimula ko pa lamang ngunit marahas niya ng ibinagsak ang hawak na papel at pagod akong tiningnan.

"And? You need my help? Hindi ba tinuturo iyan sa iskwelahan? Bakit kailangan mo pang magpatulong ngayon dito?" Puno ng iritasyon at sarkastiko niyang tanong. Gumala ang mga mata ko, hindi alam ang isasagot dahil may punto siya.

"Hindi ka ba nakikinig sa teachers mo? Pinag-aaral kita Diane sa private school, you should be grateful, kaya huwag mo ulit akong papakitaan ng mababang grades! Wala ka ng pagbabago, tumatagal ka sa elementarya nang ganyan."

"Daddy, nahihirapan po ako sa math-" pag-amin ko na agaran niya lang muling pinutol.

"Then do something about that! Hindi ako ang sasalba sa pagiging inutil mo!" Sabay hampas niya ng mesa. Napa atras ako sa rahas ng kanyang mga salita. Gulat ko syang tiningnan samantalang galit naman ang kaniyang mga mata.

"Get out. You're wasting my time." Utos niya at muli ng bumalik sa ginagawa. Ilang segundo pa muna akong tumayo roon. Lumambot ang aking tingin sa aking ama.

Galit na naman ba si daddy? Bakit? Mali na naman ba ako?

Malungkot akong lumabas ng kanyang opisina. Napanguso ako sa pamumuo ng aking luha ngunit agad ko iyong pinunasan gamit ang aking kamay.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit sa akin ni daddy. Kahit ang simpleng paglapit ko sakanya ay tila nakakainit na ng ulo. Gusto ko mang maging close kami katulad ng ibang bata sakanilang ama, mukhang malabo iyong mangyari sa amin. Nang nagsisimulang magkamuwang na ako sa mundong ito ay paunti-onti kong napapansin ang kakaibang trato sa akin ng sarili kong ama. Mabilis ko iyong nahalata dahil ibang-iba siya kay mommy na laging mahinahon at mabait sa akin. Ang sabi naman ni mommy ay masyado lang stress si daddy sakanyang trabaho kaya ganon. Iyon ang itinatak ko sa aking isipan, ang rason na iyon ang lagi kong iniisip para maintindihan siya.

Napabuntong hininga ako sa lungkot. Ngunit hindi pa rin naman huli ang lahat, hindi ba? Lalambot din sa akin si daddy. May mga punto rin naman siya, at paniguradong gusto niya lang din ang makabubuti para sa akin.

Baka pagod lang ulit siya.

Nagkulong na lamang ako sa aking kwarto at sariling sinagutan ang aking assignment kahit hindi ako roon sigurado.

Nang gumabi ay may kumatok sa aking kwarto. Bumukas din agad iyon. Bumungad sa akin ang maamong mukha ng aking ina. Matamis itong nakangiti at lumapit. Tumabi ito sa akin sa kama at inakbayan ako bago binigyan ng halik ang aking ulo, napayakap ako sakanya.

"Maghapon ka na namang nakakulong sa kwarto mo." Panimula niya.

"Ayoko pong lumabas, baka makita ako ni..." hindi ko na iyon itinuloy, alam naman ni mommy na mainit ang dugo sa akin ni daddy. Magaang hinaplos niya ang aking buhok.

"Busy naman ang daddy mo sa loob ng opisina niya." Hindi ako umimik. Minsan ay mas mabuting hindi ako nakikita ni daddy para na rin sa ikagagaan ng loob niya.

"Let's go, dinner na." Sumama ako kay mommy. Nang makababa ay naroon na sa hapag si daddy. Tahimik na nagsimula kaming kumain. Nang tumagal ay nag umpisa ng mag usap ang aking mga magulang tungkol sakanilang mga trabaho habang ako ay nanatiling tahimik na kumakain.

"How's your coffeeshop?" Tanong ni daddy kay mommy.

Masayang ngumiti ang aking ina at nagsimulang magkwento. "It is doing well! Isang buwan pa lang pero marami na agad ang customers. Tama talaga ang location na napili ko."

"Good for you, buti hindi masasayang ang pera ko." Sagot naman ni daddy na nagpatahimik sa aking ina. Nalipat sa akin ang usapan.

"I heard next week ay card giving na ulit. Kung mababa lang din naman ulit ang mga grades mo, huwag mo na lang papuntahin sa school ang mommy mo. Nakakaabala lang-"

"Arthur." Pagputol ni mommy sa nagbabantang boses.

Sarkastikong ngumiti ang aking Ama bago binalingan ang aking Ina.

"Bakit, Marie? Hindi ka ba nagsasawa kaka attend sa meeting at kausapin ng guro niya dahil sa baba ng grades ng anak mo?"

"Pasado pa rin naman si Diane-"

"Oh buti nga pumasa pa! Pasado ngunit mababa, Marie. MABABA, magkaiba iyon."

"Hayaan mo ako, Arthur. Dahil hindi naman kita inoobligang um-attend tuwing card giving."

"Dapat lang! Dahil hindi ko naman responsibilidad ang batang 'yan." Inis na sabi ni daddy at padarag na itinapon ang panyong pinangpunas niya sa kanyang bibig bago kami iniwan sa hapag.

Namuo ang luha sa aking mga mata at naaawang tiningnan ang aking ina. Kung hindi dahil sa akin, ay hindi naman sila magtatalo. Ako palagi ang dahilan.

"Mommy, bakit po ba laging ganoon si daddy?" Sa muling pagkakataon ay hindi ko na naman napigilang itanong ito sa aking ina.  Mabilis ako nitong dinaluhan para aluhin.

"Shhh, sorry, anak. Pagod lang ang daddy mo."

"B-bakit po ikaw? Nagtatrabaho ka rin po, napapagod, pero hindi ka naman po nagagalit sa akin?" Sunod-sunod kong tanong. Puno ng kuryusidad. Napuno ng katanungan ang aking munting isipan simula nang maramdaman ko ang pagkamuhi sa akin ng aking ama.

Matagal na hindi nakasagot si mommy.

"K-kasi... pagpasensyahan mo na lang ang daddy mo. Your dad needs to work for us, he gets always busy and stress kaya dito niya sa bahay naibubunton ang galit niya. Sorry, okay? Si mommy na ang nagsosorry." Pagpapaintindi niya pa lalo sa akin na tinanggap ko naman.

"Susubukan ko pong galingan sa school, tataasan ko po ang grades ko para hindi na po siya nagagalit." Pursigido kong saad.

"Don't pressure yourself, anak. Okay na kay mommy na pasado ka, hindi naman ganon kababa ang mga grades mo. Masyado lang talagang mataas ang expectations ng daddy mo. Ang importante para kay mommy ay natututo ka. Hindi nababase sa marka ang pagkatuto, Diane. Remember that. Just do your best, it's enough for me." Tumango lamang ako kahit na hindi ako roon sumasang-ayon. Hindi ganoon kay daddy, gusto niya matataas lahat ng grades ko, gusto niya marami akong awards na makuha pero ni isang subject ay walang mataas sa akin at kahit isang award ay wala pa akong natatanggap. Kaya hindi niya ako maipagmalaki sa iba, dahil tulad ng sinasabi niya ay wala akong kwenta at kahiya-hiya lamang ako. Marahil dahil doon kaya hindi niya ako mahal.

Sa araw ng card giving ay dinalaw ako ng kaba. Kasalukuyan kaming naka-upo ni Leo sa bench sa ilalim ng puno sa ground habang hinihintay na matapos ang meeting ng mga magulang sa aming silid. Iginala ko ang aking paningin, tila isang normal na mga bata lamang ang nasa paligid ko. Napaisip ako kung may kaba rin ba silang nararamdaman katulad ko. Hindi ba sila nag-aalala na sa pag-uwi nila ay may mga masasakit na salita galing sakanilang ama ang bubungad sakanila?

"Proud ba sa’yo si tito kahit hindi ka kasali sa honors?" Wala sa sariling tanong ko kay Leo. Mabilis itong humarap sa akin, may dumaan kasing lalaki kaya tiningnan niya iyon kanina.

"Ay may honors pala? Hindi ko yan iniisip, basta pumapasok ako. Bakit? Gusto mo magka-award?" Napatitig ako sakanya at maliit na tumango.

"Huwag na! Mag enjoy ka lang, bata pa tayo para ma-stress!" Payo niya na para bang napaka tama non. Oo nga pala, walong taon pa lamang kami. Bata pa ako. Pero bakit ganito? Bakit ang hirap maging bata? Ang hirap na agad.

Tuwang-tuwa ang mukha ni mommy habang nagmamaneho siya. Tahimik ko lamang syang pinagmamasdan habang naka-upo sa tabi niya at kinakalikot ang aking mga kuko. Napapaisip ako kung muli na naman bang kinausap si mommy ng adviser ko.

"Oh? Bakit naman ganyan ang mukha mo?" Pansin niya nang tumigil muna kami dahil nag red light. Ano kaya ang itsura ko ngayon? Halata kayang natatakot ako?

"Matataas kaya ang grades mo ngayon!" Masayang imporma sa akin ni mommy. Nagliwanag ang aking mukha roon. Napuno ng pag-asa ang aking puso.

"Talaga po?"

"Yes, baby! Mommy's so proud of you." Buong ngiti pang sabi ng aking ina. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang hikbi, malawak akong ngumiti sa tuwa.

Nang gumabi ay lakas loob kong tinahak ang opisina ng aking ama sa bahay upang ipakita sakanya ang aking grades. Kaka-uwi niya lang ngayon at nagkaroon pa raw siya ng dinner meeting kaya hindi namin siya nakasalo ni mommy kanina.

"Make sure that's important than my work." Bungad nito nang makapasok ako. Gabi na at nasa bahay na siya ngunit busy pa rin siya sa trabaho. Hindi nawala niyon ang ngiti sa aking labi. Tama nga si mommy, kumpara noong nakaraang bigayan ng card ay mas tumaas nga ang mga grades ko ngayon. Walang salitang inabot ko iyon kay daddy, tanging pagngiti lamang ang ginawa ko. Hindi na ako makapaghintay marinig ang papuri at tuwa sa boses niya. Siguro ay hindi na siya magagalit sa akin ngayong tumaas na ang aking mga grades. Mabilis niya iyong pinasadahan ng tingin at tamad na nilapag sa mesa ang kanyang kamay na hawak ang aking card.

"Tsk." Mapang-insulto syang ngumiti.

"You're already happy with these?" Sa tanong nyang iyon ay nawala bigla ang aking ngiti.

"Masyado ka na naman sigurong pinaniwala ng mommy mo na okay lang ang ganito. You know what, Diane? Sa akin ka makinig. Hindi mataas ang 84 na grades. May award ka ba? Wala. Ibig-sabihin lang nyan ay hindi mo ginagalingan sa pag-aaral. Be a teacher's pet! Sumipsip ka sa guro mo kung kinakailangan!" Sikmat niya.

"Daddy..."

"Lumalaki kang mangmang, iyon ba ang gusto mo?!"

"Hindi po." Mabilis kong sagot sabay iling at ibinaba ang tingin upang itago ang pamumuo ng mga luha. Mabilis kong pinaglaruan ang aking mga daliri.

"Iyong mga anak ng kaibigan ko, they are doing good in their academics! They are brilliants and talented. What about you? Anong maipagmamalaki mo sa amin, Diane? This 84 general average?" Muli na naman niya akong ikinompara sa mga anak ng kaibigan niya sa negosyo. Kahit ako ay namangha sa mga batang iyon, at nainggit dahil sa pagmamalaki ni daddy sakanila. Nanliliit ako dahil hindi na nga ako matalino, wala pa akong talent.

"Ililipat kita sa public school kung sa susunod ay ganitong marka na naman ang ibibigay mo." Sabing muli ng aking ama na nagpagulat sa akin nang sobra.

"Ayoko po." Pagtutol ko, naiiyak na.

"Wala akong pakialam! Desisyon ko ang masusunod. Kaya kung ako ikaw, magtitino na ako!"

Umiiyak akong bumalik ng kwarto dahil sa sinabi ni daddy. Ang una kong naisip ay si Leo. Hindi ko kayang mapunta sa ibang school at mahiwalay sakanya. Siya lamang ang kaibigan ko. Paano kapag ayawan na naman ako ng mga bago kong schoolmates? Paano kung awayin nila ako? Paano na lang ako kapag wala si Leo?

"Huwag ka ng umiyak. Hindi ka malilipat ng daddy mo." Iyon ang sabi niya sa akin habang naririto na naman kami sa bench at nagrerecess. Hindi ko makain ang baon ko dahil sa kakaiyak ko.

"Gagawin niya iyon, ganoon si daddy."

"Kailangan lang namang tumaas ang marka mo para hindi ka niya ilipat."

"Pero hindi ako matalino. Alam mo namang nahihirapan ako, mahina ako sa klase." Ang mga ito lamang talaga ang nasa isip ko. Alam kong tototohanin iyon ni daddy kaya paniguradong sa susunod na pasukan ay nasa pampublikong paaralan na ako.

"Ako rin naman. Pero huwag mo na iyang iyakan. Gagawa tayo ng paraan."

"Paano?" Hindi makampanteng tanong ko.

"Akong bahala." Saad niya na parang iyon na ang solusyon sa problema ko.

Continue Reading

You'll Also Like

157K 2.1K 57
Warning: Mature Content | R18 EL PROFESOR BOOK 1: Take Me Down, Professor Jothea Alvandra doesn't like the new sub-professor who is in charge...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1.9M 47.1K 47
Jeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in MAFIA'S ORGANIZATION, he is indeed skilled when it comes to hacking, stalking and tracking' Jus...
57.8K 1K 31
In the gritty underworld of organized crime, where loyalty is prized and trust is rare, a forbidden romance blossoms between Amelia, a struggling art...