PRETENDING TO BE A BADBOY'S G...

By lucifer_scorp

2.4K 67 0

Ps: I changed the title from THE PSYCHO MANIAC IS IN LOVE WITH ME to PRETENDING TO A BADBOY'S GIRLFRIEND Ina... More

NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 2.1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 5.1

CHAPTER 4.1

100 5 0
By lucifer_scorp

Chapter 4.1

YESHIVA'S P.O.V

“SINO ka?ha?!”sigaw noong lalaki at tumayo. Hinila naman ako palapit ni Xyron sa kan'ya. Napalunok naman ako dahil sa sobrang dikit namin.

“You? Who are you? How dare you touch my girl.”tumatagis bagang sabi ni Xyron. Napalunok naman ako. Bakit kakaiba ang epekto sa akin noong sabihin n'yang ‘my girl’? Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag nangyari sa totoong buhay mo 'yong mga nakikita ko sa mga teleserye. Pero wala naman 'to sa teleserye eh.

“Siya po 'yon.” napatingin naman ako sa tabi ko. Si Chika,may kasama itong dalawang bouncer. At pinilit na pina-palabas 'yong panget na lalaki. “Okay ka lang ba Yeshi?”nag-aalalang tanong nito. Tumango naman ako.

“Okay lang,ikaw? Mag ingat ka palagi ha? May iba pang lalaking ganoon kaya mag-ingat ka.”nakangiting sabi ko rito. Ngumiti naman ito pabalik at tumango.

“Let's go.” seryusong sabi ni Xyron at hinila na ako. Kumaway naman ako kay Chika at ganoon din s'ya hanggang sa nakalabas na nga kami sa bar. Binitawan naman ni Xyron ang kamay ko.

“Bakit kasi pumunta ka doon? Pina-order lang naman kita ah?” galit na sabi nito.

“Tinulungan ko si Chika dahil pinipilit s'ya ng manyak na lalaking 'yon na tumabi sa kan'ya. Alangan namang hahayaan ko nalang si Chika.”inis na sabi ko. Nag-iinit parin talaga ang dugo ko sa manyak na 'yon eh.

“Tsk. Stop acting like a hero,linta. You're a girl too,ilagay mo 'yan sa kukote mo.” sabi pa nito at dinuro ang noo ko.

“Eh nakaka-inis ang manyak na 'yon eh,kailangan kong tulungan si Chika.”

“Yes I know,but think linta,you're a girl too,oh tignan mo nangyari kanina? 'di ba ikaw na naman 'yong binastos no'ng lalaking 'yon.” irap na sabi n'ya. Ngumiwi naman ako. Kailangan parin naman ni Chika ng tulong. I don't care if i lost my life helping others kaysa titignan lang silang saktan o bastosin ng ganoong tao tapos kapag may nangyari sa kanila? Hanggang kamatayan babaonin ko parin ang guilt na nararamdaman ko?

Nasa bahay na nga ako ngayon at ginagawa ang konting assignments namin. Salamat na nga at konti lang itong assignment namin eh kasi ang Xyron na 'yon bigla nalang mag-aaya na pupunta doon tapos sasamahin pa ako gagawin lang n'yang maid tangina n'ya talaga,kasama ba 'to sa usapan namin? Akala ko ba magpapanggap lang na girlfriend n'ya?bakit parang alipin na n'ya ako?

Umiling nalang ako at tinuloy ang ginagawa. Buti nga at hindi ako pinagalitan nina lola,nakakapag-sinungaling pa naman ako sa kanila dahil lang sa kalokohan ni Xyron na 'yon.

KINABUKASAN

“Hoy nabalitaan mo ba na may kaaway na naman sina Avril at Macy?”bungad ni Xyza sa akin noong makarating ako sa classroom. Bumuntong hininga naman ako.

“Wala namang pinagbago 'yang dalawang 'yan eh.”sabi ko at umupo na sa tabi nito. Araw-araw naman ata talagang may kaaway ang dalawang 'yon. Hindi ko alam talaga bakit ang hilig din nilang maghanap ng gulo.

“Hayst kahit kailan talaga 'yong mga bestie natin,hindi nawawalan ng kaaway.”iling-iling na sabi nito.

“Kamusta sila? Hindi naman kaya namatay?” biro ko pa. Umiling naman ito at sumandal sa silya n'ya habang naka cross ang mga braso.

“Buti nga at hindi naman pero nag-aalala parin talaga ako sa dalawang iyon eh.”halata sa boses nito ang pag-aalala. Kahit ako nag-aalala parin talaga ako sa kanilang dalawa. Hanggang kailan ba sila gan'yan? Kailan ba matatapos ang pakikipag-basag ulo nila? Hindi ba sila napapagod d'yan? Buti nga minsan lang sila nakakakita ng away sa campus nila pero sa labas nga ng campus ayon palong-palo naman. Nagpapa-salamat nga ako dahil isang beses pa lang silang na guidance pero natatakot din ako dahil sa labas ng campus ay marami silang kaaway ano nalang kayang gagawin namin kung sakali mang may masamang mangyari sa kanila? Argh!

Umiling nalang ako at bumuntong hininga. Dumating na nga ang guro namin. Dumaan ang ilang minuto ay natapos na rin ang klase sa isang subject hanggang sa natapos ang dalawang subject pero wala paring pumapasok sa utak ko dahil nasa kina Avril at Macy ang utak ko. Hindi talaga mawawala sa isipan ko ang posibleng mangyari sa kanila kapag pinagpatuloy nila 'yan eh.

Nag-vibrate naman ang cellphone ko kaya napatingin ako kung sino 'yon. Si Xyron kaya sinagot ko naman ito. Nasa loob lang ako ng classroom at si Xyza ewan ko saan na naman lumipad iyon,siguro sa Lucas n'ya na naman.

“Ano?”walang ganang sagot ko.

[Come to the canteen.]

Iyon lang ang sabi nito at pinatay na ang linya. Isa pa ang lalaking 'to,gusto ko nga munang manatili rito ngayon dahil na-i-is-stress na ako sa dalawang basagulerang 'yon tapos magpaparamdam na naman s'ya dagdag sa inis ko.

Lumabas naman ako ng classroom at labag sa loob na pumunta sa canteen. Ayaw ko ring tanggihan ang lalaking 'yon dahil may alas 'yon. Swerte lang s'ya wala pa akong magiging alas ngayon sa kan'ya,pero susunod tandaan n'ya talaga na magre-revenge ako sa kan'ya.

Noong makarating ako sa canteen ay sinalubong naman ako ni Josh at sinamahan kung saan si Xyron. Nakarating na nga kami sa table nila at kasama n'ya as usual si Mavy,Elmer at syempre itong si Josh.

“Hi Yeshi,ba't mukhang wala ka ata sa mood ngayon?”nagtatakang tanong ni Mavy. Umiling naman ako at umupo sa tabi ni Xyron dahil ito lang naman ang bakanteng upuan.

“Masakit lang ang ulo ko.”pagsisinungaling kong sagot kay Mavy. Tumango lang naman ito.

“Bili ma tayo ng foods baka hindi ka lang nag breakfast,Yeshi.”sabi pa ni Mavy at tumayo. Tumango naman ako sa kan'ya.

“Hindi nga, nakalimutan kong kumain.”pagsisinungaling ko ulit. Tumango naman ito.

“Just buy us food.”seryusong sabi ni Xyron.

“Sasama na ako sa kan'ya.” sabi ko kay Xyron at tumayo.

“Come here.”tawag ni Mavy sa akin pero mabilis akong hinila ni Xyron pa-upo ulit.

“Don't take her with you. She's my girl—i mean baka hindi na maniwala ang mga tao na girlfriend ko s'ya.”pagdadahilan nito. Sumang-ayon naman si Mavy kaya sinamahan nalamang s'ya nina Elmer at Josh.

Bakit kailangan kahit dito sa paaralan mag-panggap kami? Siguro may spy ang Heroiza na 'yon dito? Ewan ko sa kanila dami ko nang problema.

———

“Omg beb!” napalingon naman ako kay Xyza. Nasa cr kami ngayon,inaayos ko ang sarili ko at s'ya naman ay nagse-cellphone lang. Tanghalian na at wala naman kaming first subject sa afternoon dahil may sakit ang subject teacher namin.

“Bakit?” baling ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.

“Nag-text si Ali sa akin. And you know what?”tanong nito.

“I don't know.”sarkastikong sabi ko. Natawa naman ako noong umirap ito.

“Tse! Ito na nga,that Heroiza bitch is transferring here!”sabi nito na ikinagulat naman ako sa sinabi nya.

“Ha?Talaga?”nanlalaking mata na tanong ko.

“Yeah. And guess what?nalaman din ni Ali galing sa mga nakuha n'yang chismis na kaya raw sya magt-transfer dito dahil may nang-aahas raw sa boyfriend n'ya.” tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Boyfriend?

“Boyfriend? May boyfriend sya rito? Sino?”

“That assuming brat,si kuya yung tinutukoy nya!” sigaw nito. Akala ko ba wala na sila ni Xyron?

“Ow? So ako ang ahas?,”

“I think so.” irap n'ya. Napa-isip naman ako.

So Heroiza is transferring here? So hindi lang sa bar kami magbabangga-an? pati narin dito sa school? Oh kung ako man ang gagawan n'ya nang gulo pwes bibigyan ko rin s'ya.  Pero...kung ganoon edi wala na ring silbi ang pag-papanggap namin ni Xyron dahil nag-selos na 'yon eh,ibig sabihin effective ang mga ginagawa namin kahit ilang araw pa naman 'yon?

Sige bahala na nga,kung anong mangyayari 'yon na yun,basta gagantihan ko parin ang babaeng 'yon kung aawayin n'ya nga ako rito. This is not for myself. This is for my sister. Gagawin ko ang lahat maipag-higanti ko lang ang kapatid ko. Wala akong pake kung hindi ako ang inagawan n'ya. Pina-iyak n'ya ang kapatid ko eh gago s'ya. Akala n'ya uurungan ko s'ya? Hanggat hindi pa sinasabi ni Xyron na tigilan na namin itong ginagawa naming pag-papanggap ay lalabanan ko parin ang babaeng 'yan.

Argh. Nakaka-buiset. Naalala ko tuloy yung unang war namin sa bar. She's kinda boring dahil puro lang salita. I mean,masasakit yung mga salitang binabato nya sa akin,pero mas gusto ko yung rambulan eh kasi s'ya hanggang salita at lait lang na s'ya lang natatamaan. Minsan talaga nahahawaan ako sa dalawang kaibigan ko eh na sina Avril at Macy. 'Yong dalawang 'yon ang tipo ng babae na hindi mahilig sa salitaang away. Hindi talaga sila natutuwa sa gan'yan,kahit ako nga eh. Sila talaga kung pwede lang talaga mag-basagan talaga kayo ng ulo kung aawayin mo ang mga 'yon. Kahit ako ngayon parang gusto ko talagang basagin ang mukha ng Heroiza na 'yon.

Sinasabi ni Xyron sa akin na mabait daw si Heroiza? Haha sobrang nakakatawa,bulag ba s'ya? Hindi n'ya ba nakikita na kasing pangit n'ya ang kalooban ng babaeng 'yon? Bagay talaga silang dalawa eh parihong mata pobre,mataas ang tingin sa sarili at parihong ma arte. Kaya siguro sinasabi nung baklang 'yon na mabait si Heroiza dahil parehas naman sila ng ugali? Hahayst pag-ibig nga naman,ano ba kasing meron sa pag-ibig na 'yan at nabo-bobo sila?

Continue Reading

You'll Also Like

79.4K 267 11
As the title says
1.1M 62.3K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
425K 9K 79
I love this anime~ so yeah! (THIS IS COMPLETED AND IM DONE WITH THE BOOK! Btw) (I didn't think this would blow up so thank you!) Our best! { #1 - ha...