Hatemate Part Two (Lovestruck...

By ynativity

420K 20.3K 42.9K

After two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orie... More

Hatemate
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue

Chapter 27

14.1K 648 2.7K
By ynativity

071222 #HatemateWP Chapter 27

Kahit katawan ko, hindi kumampi sa 'kin.

Nagising akong may lagnat pa, so naturally hindi ako pinayagan ni Je na pumasok. Na-stuck ulit ako sa apartment, mabigat at mainit ang katawan pero keri naman nang mag-aral kahit papaano. Or baka nag-refuse na lang din ang utak kong mag-remain idle dahil natatakot talaga akong mag-repeat. Pangit kasi talaga ng timing! Kung kailan ako may bagong laptop saka ako made-delay? Nakakahiya kina Mommy.

Katatapos ko lang magbihis after maligo para sana bumili ng pagkain sa baba nang may kumatok sa pinto. Inayos ko ang pagkakabalot ng tuwalya sa ulo ko bago silipin mula sa bintana kung sino ang kumakatok.

Napabuntonghininga na lang ako nang makitang si Deion 'yon. Seeing na dala ulit niya 'yung lunch bag na dala niya kahapon, hula ko ay may dala ulit siyang pagkain. Masama ang tumanggi sa grasya—'yung pagkain, hindi 'yung nagdala—kaya pinagbuksan ko siya.

Nakailang kurap ako sa kaniya. Mukha pa naman siyang decent, sure, pero may something na . . . magulo sa kaniya. 'Yung buhok niya, yes, pero parang overall . . . hindi siya organized? Nakaangat pa ang kanang part ng kuwelyo ng suot niya. Tinuro ko na lang 'yon imbes na ako mismo ang mag-ayos dahil . . . wala lang, ayaw ko lang na ako ang mag-ayos.

Inayos niya ang tinuro kong gusot. Nang ibalik niya ang tingin sa 'kin ay nakangiti na siya. Nanliit ang mga mata ko sa eyebags niya. Tinatablan din pala ng college 'to.

Hinila ko lalo pabukas ang pinto. "Bakit pumunta ka pa? Pagaling na naman ako," sabi ko. Pinanood ko siyang itabi sa isang gilid ang loafers niya bago pumasok.

"Sabi ni Jerica baka raw kalimutan mong uminom ng gamot."

"Puwede namang mag-text, mag-chat . . ." Nilingon niya ako kaya naitikom ko ang bibig ko for a moment. Binawi ko ang sarili dahil, pucha, lingon lang naman affected na?!

"Break na tayo, a?" pagre-remind ko sa kaniya dahil baka nalimutan niya. Kung hindi niya kailangan ng moving on period dahil gaya nga ng sabi niya no'ng una kaming nagkita ulit, wala naman daw siyang pagmu-move on-an, pwes ako meron! At mahaba-haba ang healing period ko 'no. Minimum of two years.

"Oo nga," sagot niya kaya naitikom ko ulit ang bibig. Nilapag niya ang lunch bag sa table at binuksan ang dalawang food containers na dala niya.

Ako na ang kumuha ng kutsara't tindor sa kusina. I wonder kung siya 'yung tipo ng magse-send ng pera after makipag-break. Bayad-danyos, kumbaga.

"Mataas pa lagnat mo?" tanong niya bago umupo roon sa pinupuwestuhan ni Je kapag dinner. Umupo ako sa tapat niya. Gaya kahapon, sandwich lang ulit ang hawak niya.

Umiling ako. "Di na masyado. Ikaw ba naghatid sa 'kin last time?"

Malaki ang kagat niya sa sandwich bago tumango. Tinitigan ko siya at naghintay ng supporting details pero binagalan niya ang pagnguya. Bumalik ako sa kinakain nang mapansin kong hinihigit na niya 'yung kuwelyo niya pataas para takluban ang leeg niya bago iiwas ang tingin. Umeepekto rin naman pala sa kaniya ang hiya kapag tinititigan.

"Kami ni Yael."

Kumunot ang noo ko bago ibalik ang tingin sa kaniya. "Ano?"

"Kaming dalawa. Tinawagan niya lang ako kasi di niya alam kung paano ka iuuwi."

"Bakit wala sa log ng phone ko?"

Nagkibit-balikat siya. "Baka inalis niya. Di namin pinakialaman ang gamit mo. Inuwi ka lang namin."

Napatigil ako sa pagkain. My gosh. Gaano ako kalango sa alak to the point na di ko maalala si Kuya Yael? Na-try ko naman nang malasing no'ng debut ko sa bahay, at akala ko todo na 'yon dahil kasama ko si Daddy pero di naman ako parang nagka-amnesia after. Since then, kada may magtatanong sa 'kin kung gusto ko ng alcohol, lagi ko na lang sinasabi na di ako umiinom dahil tanda kong ang pangit ng pakiramdam the next day. Dinalâ talaga ako ni Daddy para matakot na akong uminom. Di ko alam na break-up lang, na di pa nga totoong break-up, ang makapagpapa-ignore sa 'kin ng memory na 'yon.

"May ginawa ba akong . . . nakakahiya?"

Napatigil siya sa pag-crumple ng tissue na nakabalot sa sandwich na kauubos lang niya. Tinuro niya ang pagkain ko. "Ubusin mo muna."

Dahil may panlasa na naman ako, at gifted ang mokong dahil ang sarap din ng lutong adobo, nasimot ko agad 'yung dala niya. Bago pa niya ako mapigilan ay dinala ko na 'yon sa lababo at hinugasan. Narinig ko siyang nagbuntonghininga sa likuran ko dahil sumunod siya sa 'kin.

"So may ginawa nga akong nakakahiya?" tanong ko habang tinutuyo 'yung pinaglagyan ng kanin.

Umiling siya. "Nagsuka ka lang." Napatigil ako sa pagpupunas. Oh my gosh. Sa sasakyan ba?! Sa kaniya? Kay Kuya Yael? Nakakahiya!

"Sa daan," dagdag niya na parang napansin agad ang panic sa mata ko. "Nagsabi ka na nasusuka ka on the way. Bumaba tayo saglit."

Nakahinga ako nang maluwag. At least wala akong namantiyahang anything. "Okay, sorry. And thank you." Tumango siya. "'Yon lang ba talaga?"

"Di ka makaakyat sa hagdan kaya inakyat ka namin." Jusko. Di na talaga mauulit.

Tumikhim siya. "'Yon lang." Nilagay niya sa bag ang dalawang glassware pagkatapos kong tuyuin. "Inom ka na ng gamot."

Kinuha ko ang gamot sa taas ng ref at kumuha ng tubig dahil 'yon din naman talaga ang gagawin ko kahit di niya iutos. Need ko na talagang pumasok bukas, 'no, kaya kahit anong gamot ang kailangan kong inumin ay iinumin ko na. Nakakahiya kayang magpa-excuse sa prof kahit valid ang excuse kapag di ka naman stellar student.

"Ingat," sabi ko kay Deion habang sinusuot niya ang shoes niya.

Tumango siya. "Pagaling ka na . . . pa kita."

"Ano?" tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig 'yung sinabi niya dahil sinabay niya sa pagpagpag ng loafers niya sa sahig. Inilingan lang niya ako at agad na umalis. Weird.

* * *

Humupa na enough ang lagnat ko no'ng gabi para makapasok ako kinabukasan. Lalakas ka naman talaga bigla kapag nalaman mo kung ano'ng mga kailangang habulin sa school. Walang time para mag-adjust ang isip at katawan ko dahil super occupied agad. After ng morning classes ko pa nga na-process na nginitian ako ni Deion kanina pagdating nila ni Mark. Kaloka.

Pagkatapos naming mag-lunch at mag-CR ni Je, bumalik ako ng canteen para bumili ng tubig. Kanina ko pa iniisip kung ano ang mangyayari today, bukod sa magsasabi akong absent ako dahil may sakit at manghihingi ng extensions kung puwede.

Nangyari pa rin naman 'yung break-up-kuno namin ni Deion at di yon nagbabago. Di ko naman kailangang intindihin 'yon ngayon, pero alam kong at one point, kailangan ko 'yung i-address. Magiging friends ba kami? Okay na ba ako sa kaniya?

Luminga ako paligid, tinitingnan kung saang stall pinakamaikli ang pila para makabili na agad ako ng tubig.

Tumigil ang mga mata ko sa mahirap i-ignore dahil sa height niya. Deretso lang ang tingin niya sa stall na pinipilahan niya habang nakapamulsa. Nawala lang ang tingin niya roon nang may sumulpot sa gilid niya.

Pagkatapos, nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Ate Maggie na umalis sa pila at may iniwan lang na cash yata sa palad niya.

Umiwas ako ng tingin. Nag-slip out na lang ako sa pila at lumabas ng canteen. Sa kiosk na lang ako sa tabi-tabi ng buildings bibili ng tubig.

May kirot pa rin talaga. Ang malas ko namang walang gamot sa inggit.

* * *

Dahil may free cut sa Arts kanina, pumunta ako ng lab. Nagsimula na akong mag-sort ng missed requirements at lectures at ginawa 'yung pinakamadali. Niyakag ko si Je na sumama pero mas gusto niyang umidlip. Puwede namang umidlip sa lab, yata. Pero frowned upon kapag iidlip ka tapos may kailangang gumamit, kaya iniwan ko na lang si Je sa room.

Bumalik ako sa room para sa remaining classes. Na super tough kasi di ko pa nare-review completely 'yung notes nina Deion at Je kaya sobrang hirap intindihin ng lessons. Hassle talaga mag-skip! Lalo na kung di ka naman gifted sa matalinong brain cells.

"Pupuntahan ko 'yung dalawa," sabi ni Je habang inaayos ang gamit niya pagka-dismiss sa 'min.

"Sinong dalawa?"

"Sina Jo. Pupuntahan yata kami ni Mama e. Mas okay kung kasama ako ni Jo. Kung gusto mo, sumama ka na rin."

Umiling ako. "Maghahabol ako ng profs."

Two days lang naman ang na-miss ko pero ni-remind ako ni Ken kanina na kausapin 'yung profs namin after dismissal. Mas okay raw na sabihan sila, lalo na si Architect Madel, for good impression kahit na aware naman sila na absent ako. Sa History naman, wala akong ka-group do'n sa isang report so need ko talaga asikasuhin 'yon before pa matapos 'yung groups na gawin ang reports nila at magmukha akong freeloader kapag naidagdag. Makakabawi din naman pala si Ken sa 'kin kahit papaano after gawing public announcement ang score ko sa Design dati.

Naghiwalay kami ni Je pagbaba namin sa first floor. Lumiko ako papunta sa faculty room at siya naman ay sa opposite corner para tumawid sa kaibilang building.

Sinilip ko ang laman ng faculty room mula sa labas ng glass door. Most tables, walang nakatao. Mukhang kailangan ko pang maghintay.

Umatras ako at bumalik sa bench na nakapuwesto sa tabi ng room. Titig na titig ako sa reflection ko sa katapat na isa pang glass door at muntik nang mailaglag ang sarili sa upuan nang ma-realize na may katabi pala ako. Akala ko nasa isip ko lang 'yung naamoy ko!

Nilingon ako ni Deion na di ko man lang namalayang dumating. "Hi."

"Ba't ka nandito?" tanong ko. Di ko naman ina-assume na dahil sa 'kin. Hindi lang naman ako ang puwedeng magkaro'n ng business sa faculty room, 'no.

"Di ka mabibinat?"

Napangibit ako. Nice answer, ha? "Ba't ka nand—?" Ugh. Gusto kong higitin ang dila ko, pagalitan, tapos plantsahin para umunat ulit. Di ko alam kung bakit nagkabalu-baluktot agad 'yon nang igilid ni Deion ang sarili paharap sa 'kin. Tumikhim ako. "Ba't ka nandito?"

"Ikaw?"

"May hinihintay ak—" UGH. Di ko alam kung gawa-gawa lang ba niya 'yung may kinuha siya sa buhok kong kung ano at f-in-lick sa hallways. Gawa-gawa lang 'yon or not, di 'yon kayang i-discern ng katawan kong automatic talagang nagre-react! "May hinihintay ako."

"Hm."

Bago pa ako mag-spend ng isa pang agonizing second sa tabi niya, dumating na si Sir History na nalimutan ko ang surname. Pinapasok naman niya ako sa faculty room at sinamahan papunta sa table niya. After niya akong i-assign sa gorup, tanungin kung kumpleto ang copies ng readings ko, at sabihan na nakauwi na si Architect Madel, lumabas na ulit ako. Unfortunately for me, nando'n pa rin si Deion sa labas.

"Umuwi na si Architect Madel," sabi ko dahil baka parehas kami ng pakay. Saves him the time na maghintay, at saves me from having him around.

Tumango siya. "Okay," aniya sabay tayo. "Saan ka?" kaswal niyang tanong pagkatapos pasadahan ng mga daliri niya ang buhok niyang pushed back today.

Gusto kong—ugh. Dudukutin ko na 'tong mata kong sunod nang sunod sa mga bagay na di ko dapat tingnan. Nakakainis naman talaga e!

"Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Sama ako."

"Ano ka, bata?" tanong ko bago nagdere-deretso sa paglalakad. Alam ko namang nakasunod siya. "Break na tayo, di ba?"

"Bawal nang sumama?" tanong niya, unsurprisingly nakahabol agad sa 'kin. Sana napapatay ang sense of hearing dahil tinadtad ng goosebumps ang braso ko nang tumawa siya. Hinigpitan ko ang kapit sa straps ng bag ko. "Di ka mabait na ex?"

Napatigil ako sa paglalakad para lang bagsakan siya ng panga. Di ko alam kung ano ang sumapi sa kaniya at ngiting-ngiti siya, pero in-ignore ko na lang 'yon. Baka may nakain na naman siyang something kaya siya nagkakaganiyan.

Sinamahan niya ako hanggang sa study hub na malapit. Dahil hindi tumuloy ang nagbabadyang ulan kanina, sobrang init kaya tinamad akong umuwi sa apartment. Bukod sa mainit na nga roon, matutukso pa akong humilata sa kama. Nga lang, ang catch kung sa hub ako mag-aaral ay may buntot akong kasama.

Nilingon ko si Deion bago itulak ang pinto pabukas. "Mag-aaral ako," sabi ko. Which means, ayaw kong guluhin niya ako, by any means possible.

Tumango lang siya. "Okay. Ako rin."

Napailing na lang ako bago pumasok. Wala rin naman akong time makipag-deal sa kulit niyang sumusupong today. At realistically, mahirap talaga siyang iwasan. Kahit siya pa mismo ang umiwas, aware na aware pa rin akong nandiyan lang siya sa paligid. So kailangan kong masanay. At kailangan ko ring matuto na hindi maging affected kahit gaano pa siya kalapit.

Occupied na halos lahat ng tables na for two at for four. So, do'n kami sa long shared table pumuwesto sa second floor. Sa tapat ko siya umupo, kahit puwede namang six chairs away siya. Di ko na lang pinansin dahil baka sa kaniya pa maubos ang energy ko.

Binuksan ko ang laptop. At kahit ilang beses kong sinabihan ang sarili kong mag-focus sa goal, lumipad pa rin ang mga mata ko kay Deion nang tumayo siya. Akala ko lilipat siya ng puwesto pero napansin kong iniwan niya ang gamit niya sa seat sa tapat ko.

Maya-maya lang ay bumalik siyang may dalang bottled water. Iniwan niya sa left side ng laptop ko ang isa bago buksan ang kaniya at uminom. Nag-plug ako ng earphones para hindi siya kausapin at hindi niya ako kausapin.

Pero after ten minutes ay napansin kong hindi talaga niya inaalis ang tingin sa graphing notebook niya, kaya na-humble ako bigla. Ginapangan ako ng hiya nang ma-realize na mag-aaral nga talaga ang mokong. Nagmaganda lang ako kanina at nag-assume na gusto niya akong samahan! 'Lang 'ya.

After thirty more minutes, dinalaw ako ng gutom. Nang tumayo ako ay saka ko lang nakitang inalis ni Deion ang tingin sa ginagawa. "Uwian na?"

Umiling lang ako at hindi na nagsalita. Bumaba ako para bumili ng tuna sandwich, at ginawa ko nang dalawa para do'n sa buntot ko. Consider as bayad na lang sa pagdadala niya ng lunch for two days.

Pagbalik ko sa second floor, busy pa rin si Deion sa ginagawa niya. Nilapag ko lang ang sandwich sa tabi ng tubigan niya at tumango nang magsabi siya ng thank you bago iyon damputin agad at kagatan. Bumalik ako sa chair ko, ngumunguya habang hinihintay na mabuhay ulit ang natulog na screen ng laptop ko nang bumara sa lalamunan ko ang kinakain ko.

Naitulak ko palayo ang upuan sa table nang mabulunan. Naunahan ako ni Deion sa tubig na binili niya para sa 'kin kanina. Dinampot niya iyon at inalisan ng cap bago iabot sa 'kin. Naubos ko agad iyon pero kinakilangan ko pang hampas-hampasin ang dibdib ko after. Napatingin tuloy sa 'min 'yung iba.

"Okay ka lang? Tubig ka pa?" tanong niya, may laman pa ang bibig. Umiling ako habang pinipigilan ang ubo ko dahil rinig na rinig sa sobrang hina ng background music na nagpe-play. Inalis na rin ni Deion ang takip ng tubig niya at inabot sa 'kin. In the end ay napainom din ako dahil pati lalamunan ko, ayaw makisama sa 'kin ngayon.

Huminga ako nang malalim nang humupa ang pag-ubo ko. Nang i-angat ko ang tingin sa kaniya ay dahan-dahan siyang bumalik sa pagkakaupo. Nakatayo na kasi siya at naka-lean across sa table. Pinunasan niya ng tissue ang gilid ng bibig niya at pinagpagan ang suot.

For some unknown reason, nagkabuhay bigla 'yung pile ng furstration ko sa kaniya. Fine, sige, sabihin nang nag-aaral talaga siya pero ang dami naman kasing puwedeng upuan! Nananadya ba siyang tabihan ako?

Ayoko pang maging friends. Di ko pa kaya.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko. "'Yung totoo."

Umawang ang bibig niya at as usual, natahimik for a while. Napahilot na lang ako sa sentido nang hagipin niya 'yung bottled water na inabot niya sa 'kin kanina. Inubos ko na ang laman n'un kaya wala siyang maiinom. Mukhang na-realize niya rin 'yung katangahang ginawa niya dahil nilapag niya ang walang lamang bote sa table.

"Sasamahan kita. Ihahatid kita pauwi." Dinampot niya ang cap at binalik sa bote. "Kung gusto mo."

Napasandal na lang ako sa inuupuan ko. Kahit na sabihing walang malisya ang gagawin niya, di ko naman nakokontrol ang feelings ko. Kahit pa sabihin niyang good samaritan lang siya, di namimili ang feelings ko ng bibigyan ng malisya. "Bakit pa? E break na nga tayo?"

Tinapatan niya ang tingin ko. Akala ko sa table na lang siya titingin the whole time na magkausap kami. "Kasi gusto ko."

"Bakit mo gust—"

A, shit naman.

Paulit-ulit na lang? Ito ulit?

Nakakasawa.

Huminga ako nang malalim. Sinarado ko ang laptop at binitbit ang wallet bago tumayo at bumaba. Uuwi na lang ako.

Dahil bawal ang maingay sa hub, walang nagawa si Deion kundi pabulong akong tawagin. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at halos takbuhin na palabas.

Buwisit naman kasi e. Parang nanonood ako ng movie na hindi happy ending pero papanoorin ko pa rin kahit alam kong walang magbabago sa mga pangyayari. Tapos, magrereklamo ako na parang tanga. E di sana di ko na lang pinanood nang paulit-ulit kung alam kong di mangyayari ang expectation kong magbabago 'yon.

Kaso, hinahanap-hanap ko lagi. Di ko alam kung favorite ko lang disappoint-in ang sarili ko or what.

"Ba't di mo ituloy 'yung tanong mo kanina?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong ni Deion. May laya na siyang lakasan ang boses niya dahil nakalabas na kami. 'Lang 'yang tanong 'yan.

Pumihit ako para lingunin siya. "Ano b—" Huminga ako nang malalim. Nakaka-higblood ka, Deion Angelo, lintik. "Bakit pa? Para saan?"

Humakbang siya palapit. Di ko alam kung anong sinipat niya saglit sa langit bago ibaba ang tingin sa 'kin. "Ba't di mo nga itanon—"

"E para sa'n nga!" Bumaba ang tingin ko sa paanan ko nang maramdamang mabasa ang hem ng jeans ko. Pota. Magdadabog na nga lang ako sa may puddle of water pa! "Alam ko naman 'yung sagot."

Binalik ko ang tingin kay Deion. Parang biglang may umiipit sa dibdib ko. "Na wala lang! Trip mo lang! Mabait kang ex—"

"Saan naman nanggaling 'yan?" Rinig ko ang gigil sa boses niya. Siya pa ang may karapatan, ha! "Nababasa mo ba ang isip k—"

"'Yan kasi! Ayan ka na naman e!" Pinunasan ko kaagad ng palad ang mga luha kong lumabas out of nowhere. Ang iyakin ko naman! Siniguro kong hindi na 'yon masusundan. "E okay na nga e! Di mo 'ko gusto, e di hindi rin kita dapat gusto! Ba't ginugulo mo pa?! Tapos 'pag nawala na saka ka hahabol-habol!"

"O?" Kusang humakbang ang paa ko paatras nang hawakan niya ang braso ko. Pilit ko 'yung binawi pero nahila niya ako sa may gilid ng hub at . . .

. . . naisilong. Umaambon na. Tumuloy 'yung namumuong ulan kaninang hapon. "Tingin mo gusto ko rin 'to?"

Bumalik ang tingin ko kay Deion. Binitiwan niya ang braso ko pero parang hindi ko ramdam ang epekto dahil ang lapit-lapit naman niya. "'Pag nandito na kasi ako bigla kang aayaw."

Gagong 'to. "Anong nandito?! E si Ate Maggie naman 'yung gusto mo!"

Muntik ko nang mabitiwan ang wallet ko sa gulat nang yumuko siya para magpantay ang mukha namin. "Fuck, ano?" mababa pero mariin niyang sabi.

Humakbang ako paatras para hindi siya masyadong malapit. Sinisksik ko ang sarili sa pinakadulo ng nasisilungan ng canopy. Hinila ko agad ang kamay ko nang abutin niya at higitin. "Mababasa ka ng ulan diyan!"

"E ano, ha? Itatanggi mo pa ba?"

"Anong itatanggi! Di ko naman talaga gusto si Mags!" Naihilamos niya ang isang palad sa mukha. Nang i-grab niya ako palapit ay siniguro niyang hindi ako makakawala. Pinagpalit niya kami ng puwesto at sa kabilang gilid naman ako nagsumiksik. Umurong ang dila ko nang marinig siyang pabulong-bulong nng mura habang sa kabilang gilid nakatingin.

"Di raw gusto. Sinungaling ka."

'Yon ang nagpabalik sa kaniya ng tingin sa 'kin. "Hindi naman talag—"

"E bakit sabi ni Mark!" Binaba ko ang tingin sa paanan ko.

Tumalikod ako sa kaniya dahil naiinis ako. Naiinis ako sa lahat! Naiinis ako na ngayon lang bumuhos ang ulan. Naiinis ako na nadumihan ang sapatos at pantalon ko. Naiinis ako na nagmamaktol ako ditong parang batang napangakuang kakain sa labas pero hindi tinupad. "Narinig ko pinag-uusapan niyo na two years kang nagtii—"

"Two years ka naman talagang wala."

Nag-angatan yata lahat ng balahibo ko sa braso at batok. Haharapin ko sana siya ulit pero napabalik ako sa pagkakatalikod sa kaniya nang mapansing ang lapit na ulit niya masyado. Bumalik ang pagpisil sa dibdib ko kaya ilang beses ko 'yung tinapik. Shit, shit, shit, shit. Ano ba 'yan! "S-Sabi ni Mark kausapin mo si Ate Maggie tapos amini—"

"Aamin naman talaga ako." Napabaling ako sa kaniya. Nakailang kurap siya sa 'kin, umiwas, bago ibalik ulit ang tingin. "K-Kinausap ko nga si Ate Maggie gawa n'ung . . . gawa n'ung ano . . . n'ung room."

Huminga ako nang malalim bago bumaling sa tapat. Nang iangat ko ang tingin kay Deion ay nando'n pa rin siya. Ilang beses ko 'yung ginawa pero hindi siya umaalis. Hindi siya lumalabo. Hindi siya nasa isip ko lang.

Jusko.

Mamamatay na ba ako bukas?

Pasimple kong kinurot ang hita ko. Tapos, braso. Pisngi. Ilong. Nilingon ko ulit si Deion na nanonood lang. Kinurot ko nang mas mariin ang braso ko at napadaing. Ang sakit!

"Baka magpasâ," saway ni Deion. Walang-wala ang pagkurot ko sa sarili ko nang dumampi ang daliri niya sa spot na kakukurot ko lang. Instant gising.

Parang bigla akong kinuryente, at dahil nasa basang area ko, lahat yata ng nerves ko naprito. Kung anoman 'yung pumipisil sa heart ko, nasobrahan na dahil umalpas na 'yon at nag-aattempt nang gumapang sa lalamunan ko. Lalo na nang iwan ni Deion ang palad niya sa braso ko.

My . . . my gad. Tutumba yata ako.

Tutumba ba ako?

Shet, hindi ka tutumba, Billie! OA mo!

"Okay na, malinaw na?" pabulong na tanong niya kaya naman nagsigapangan ang goosebumps sa braso ko—braso ko na hawak niya so ramdam niya rin siguro. May tumakas na tili sa isip ko nang gumalaw ang thumb niya at gumuhit nang ilang linyang pabalik-balik sa balat ko.

Lord, lord, lord. LOOORD. Di pa ako puwedeng mamatay! Ga-graduate pa ako!

Tinapik ko ang braso niya paalis. Nilibot ko ang tingin sa mukha niya para makasigurong hindi siya nagbibiro, pero parang bad idea dahil nanikip lang ang dibdib ko lalo. Pesteng lalaki 'to!

"So . . . gusto mo rin ako?" tanong ko. Dahil puta, sasabunutan ko na siya kapag sinabihan niya ako mali ang intindi ko.

Nag-stiffen lahat ng puwedeng mag-stiffen sa 'kin nang close-up kong makita kung paano siya nagpigil ng ngiti. Fail naman 'yung ginagawa niya kaya napaiwas siya ng tingin bago mahinang natawa.

Umawang ang bibig ko at agad na lumagitik ang palad ko sa braso niya nang ma-realize kung ano'ng tinatawanan niya. "Wala palang rin!" Di talaga nakikisama ang thoughts-to-speech system ko pagdating sa kaniya.

Hindi niya pinansin ang dinagdag ko. "Gusto. Gusto rin kita. Gusto kita. Matagal na."

Napigil ko ang hininga ko for god knows how long. Lalo lang yatang nanlamig ang buong katawan ko nang hindi siya magpakita ng signs na ngingiti siya or tatawa or what. Naririnig ko ang neneng-neneng version ko na nagtititili sa tainga ko, nararamdamang hinihigit-higit ang dulo ng buhok ko, at nilalambitinan ang sleeves ng blouse ko at pinipilipit 'yon dahil hindi na siya makahinga nang ayos.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong di ko 'to in-imagine. Dream ko 'to dati e. So lahat ng scenes possible, meron ako. Meron ako ng kagaya nitong umuulan, meron ng version na maaraw. Merong may pasok, merong wala. Merong maraming tao tapos merong kami lang. Merong sa school, merong sa labas, sa mall, sa bahay namin, sa bahay nila kahit di pa ako nakakapasok sa loob kaya ako na lang ang nag-imagine kung ano'ng hitsura n'un. Merong planado, merong biglaan siyang mapapaamin.

At sa lahat ng versions na 'yon, nagtatatalon ako at ngiting-ngiti na parang nanalo sa lotto. Tapos, kasi ayaw ni Deion ng magulo, sasawayin niya ako at sasabihang pumirmi tapos magmo-moment kami. Pero liligaligin ko siya at ipauulit 'yon kahit na naka-stay put na ako. Basta ang ending, may burst ako ng energy. Di ako mapapakali. Di ako matatahimik.

Pero kabaligtaran ang nangyari ngayon. Imbes na maglilikot ako ay parang di ako makagalaw. Di ko maibalik sa dati ang laglag kong panga imbes na nakangiti ako sa kaniya. At kahit gusto kong magsalita—ng di ko pa alam kung ano, ng anything!—parang puro sinok ang lumalabas sa bibig ko dahil pigang-piga ang heart ko.

"Billie?"

Parang may magic ang boses ni Deion kaya napabalik ako sa ulirat. Napaayos ako ng tayo at ginalaw-galaw ang mga balikat para ma-relieve ang tension do'n. Nang simulang suklayin ng mga daliri ko ang bangs ko ay hindi ko na 'yon matigilan. Kulang na lang ipunin ko lahat ng buhok ko sa harap para matakluban ang mukha ko.

"Too bad kasi—kasi dalawang b-beses na kitang nagiging ex—"

"Hindi ba puwedeng baguhin 'yon?"

Lalo lang nagmadali ang daliri ko kakakalikot sa buhok ko. Napatigil ako saglit nang ma-realize na baka mukha akong bruha, pero nang iangat ko ang tingin kay Deion ay nawalan ako ng pakialam bigla at pinagpatuloy ang ginagawa.

Shet talaga!!! Gusto kong!!! Ewan!!! Di ko alam anong gusto ko pero—! Huhu.

"Ano? G-Gagawin mong three times?"

"Hindi." Nahigit ko nang bahagya ang bangs ko nang nakita ko ang sapatos niyang humakbang nang isang beses palapit. Kahit pakiramdam ko e mauubusan na ako ng hininga kapag tinagpo ko ulit ang tingin niya ay ginawa ko pa rin. At tama nga ako dahil SHET. MAMAMATAY NA TALAGA AKO. "Hindi ba puwedeng manligaw?"

Feeling ko nahimatay ako for one second, tapos nagbalik-buhay lang ulit—parang pakiramdam ko no'ng una niyang hawakan ang kamay ko, pero multiplied by a thousand siguro. Nablangko ang utak ko at parang nilagay sa freezer ang buong katawan ko sa lamig.

"Uuwi na ako," 'yon ang una kong nasabi. 'Yon lang ang kinaya kong sabihin. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tumalikod.

A, shit talaga, umuulan. Kaya ko namang takbuhin ang ulan para makaalis dito—kaya kong gawin lahat para makatakas dito—pero inalala ko ang katawan kong kagagaling lang sa lagnat.

"Nasa loob pa ang bag mo. Actually, pati gamit ko."

Ah.

Nice.

What if ilibing na lang ako right now?

Parang good idea na bigla ang magsakit ulit. Tapos sa bahay ako magpapaling para hindi ko siya makita for a while dahil ano na namang kahihiyan 'to! At naiwan ko talaga ang bag ko! Pati laptop, ha? Gano'n na ba ako kalutang?

"Ako na ang kukuha, baka maulanan ka pa. Wait mo 'ko dito."

Bago pa ako makasagot ay lumagpas na siya sa 'kin, tumatakbo papunta sa harap ng hub kung nasaan ang entrance. Nang mawala siya sa line of vision ko ay nagpakawala ako ng hiningang di ko namalayang pinipigilan ko mula pa kanina.

Ilang sandali akong sa sapatos ko lang nakatingin at sa naiipong tubig-ulan sa tapat ko. A, shit. Napompyang ko na lang ang sarili nang mag-replay ang mga sinabi ni Deion sa isip ko. Shet talaga, pucha.

Gusto rin kita.

Gusto kita.

Inumpog ko nang bahagya ang likuran ng ulo sa pader na sinasandalan ko. Siniklop ko ang buhok ko sa kaliwa at sinubukan 'yon ibalot sa buong mukha ko. Ngayon lang na-relax ang panga ko, pero hindi para magpahinga kundi mapalitan ng ngiting parang hihiwa naman sa mukha. Hindi ako makakalma! Ano ba 'yan! Di ko alam ano'ng uunahing maramdaman!

Napatuwid ako nang tayo nang bumalik na si Deion, sukbit ang bag niya, dala ang payong sa kaliwang kamay at hawak ang bag ko sa kabila. Inayos ko ang buhok kong nagkabuhol-buhol na. Kinuha ko agad sa kaniya ang bag ko at hinugot ang payong sa side pocket n'un.

Nararamdaman kong nagre-ready na naman ang lahat ng parte ng katawan ko para i-freeze ako on the spot. Kaya naman pagbukas na pagbukas ko ng payong, naglakad na ako pabalik ng campus para hindi 'yon mangyari.

Humigpit ang kapit ko sa handle ng payong nang maramdaman ang kamay ni Deion sa kanang braso ko, pilit akong itinatabi sa gilid. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga nang pumuwesto siya sa kaliwa ko nang makahabol at sinabayan ako sa paglalakad.

Hindi kami nag-usap sa daan. Nagkatinginan lang kami nang tumigil ako sa shed pero walang nagsalita sa 'min. Sinarado lang niya ang payong niya at tinabihan akong nakikisiksik sa mga nakasilong na naghihintay lang din ng masasakyan.

Sabi ko deretso lang ang tingin ko, pero di ko maiwasang di siya silip-silipin. Nasapo ko na lang ang noo dahil, bakit parang ang normal niya?!

Lalo lang akong na-stress dahil competition din ang makasakay pauwi. Aamba pa lang akong aalis sa shed, puno na agad ang tricycle or jeep. Tsinek ko ang oras dahil literal na nilalamig na ako dahil sa hangin.

Inangat ko ang tingin kay Deion pero mabilis ding nilipat sa kalsada dahil naabutan ko siyang nakatingin sa 'kin. A, shet talaga. Ano ba 'to.

"Billie."

"Ano?" sagot ko nang di siya nililingon.

"Hatid na kita?"

Pinaglapat ko nang maigi ang mga labi ko para hindi ako makapagsalita. Hindi ko siya sinagot at nilabas ang phone ko para i-check kung puwede akong mag-book ng masasakyan pauwi. Humigpit lang ang hawak ko roon nang makita kung magkano ang babayaran ko kung sakali. Hindi practical. Itinago ko ang phone sa bulsa.

Inangat ko ang tingin kay Deion. Siya ang agad na umiwas nang mahuli kong nakasilip siya sa phone ko. Umangat ang balikat at dibdib niya, parang nag-ipon ng hangin. Hinintay kong bumaba ulit 'yon pero mukhang pinipigilan din niya ang paghinga niya.

Hay, ang lalaking 'to.

"Walang malisya, ha?"

Sumulyap siya sa 'kin, bumagsak na ang dibdib at balikat. "Okay. Ihahatid kita as a crush, hindi as manliligaw."

Kusang gumalaw ang isang kamay ko para tampalin siya sa braso. "'Wag mo ngang gamitin 'yung word na 'yon."

Kumunot ang noo niya. "Alin? 'Yung crush?"

"Deion," banta ko. Di ko alam kung nang-aasar siya dahil sobrang passive ng mukha niya! Mukha tuloy siyang sarcastic

"Ah," tumatango-tango niyang sabi. "'Yung manliligaw?"

"Ano ba, ha?" saway ko. Inunahan ko siyang umalis ng shed dahil parang masu-suffocate na ako. Di ko rin alam kung alin sa dalawang words ang nagbibigay ng ganitong effect sa 'kin! Since when pa ako tinubuan ng hiya pagdating sa feelings ko sa kaniya? Dati, kulang na lang araw-araw ko siyang asarin kung crush niya ba ako o hindi.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Deion nang malapit na kami sa parking. Siya na ang sinundan ko sa paglalakad dahil di ko naman alam kung nasaan ang sasakyan niya.

Parang automatic ang pagsalubong ng kilay ko. Nakakainis talaga! Nahihiya ako! "Ng ano?"

"Na manligaw ako."

"Tsk. Ano ba?" Di ko rin alam kung bakit gano'n ang response ko. Nahuli ko siyang nag-pout bago ako unahan papunta sa sasakyan niya. Kinuha niya ang susi sa bulsa ng slacks niya at pagkatapos ay binuksan ang pinto sa passenger seat.

Nag-stay siya roon, hawak ang pinto. "Sa 'yo, ha? Manligaw sa 'yo. Baka mamaya iba na naman ang isipin mo."

Sinamaan ko siya ng tingin bago pumasok sa loob at umupo. Hihigitin ko na sana pasara ang pinto pero nando'n pa rin siya, pinipigilan 'yon, nakababa ang tingin sa 'kin. Mukha siyang batang naghihintay ng kung ano.

"Tsk, pag-iisipan ko," sabi ko na lang. "Uwi na ako. Pagod na ako. Pag-iisipan ko pa."

Sumilay ang ngiti sa labi niya. Parang may dumukot sa puso ko at binato 'yon nang buong puwersa sa isang pader. "Okay."

Tahimik lang kami sa biyahe. Super tahimik to the point na naba-bother ako dahil parang rinig na rinig sa loob ang heartbeats ko. Gusto kong iumpog ang noo ko sa dashboard, magdadabog-dabog, at sabunutan ang sarili, pero baka ma-weird out si Deion kaya pinigilan ko. Parang sasabog ako sa halo-halong feelings.

Nag-attempt akong umidlip pero nagligalig na naman ang heart rate ko. Tapos, inisip ko pa kung paano kung maglaway ako habang tulog. Masyado akong bothered para makatulog. Traffic pa kaya super torture.

Nagmamadali kong hinagip ang lock ng pinto nang i-park niya ang sasakyan sa tapat ng apartment building. Nabitin ang pagbukas ko sa pinto nang tawagin ako ni Deion.

"Ano?"

"Di ka pa tapos mag-isip?"

"Kapal nito!" Napaayos ako bigla ng upo at hinarap siya. Tinawanan lang niya ako. May ganang tumawa! Ang yabang! "Less than one hour akong mag-iisip?!"

Nginitian lang niya ako at nag-backflip na naman ang puso ko kasabay ng pag-urong ng dila ko. Hinagip niya ang payong niya sa likuran at naunang bumaba sa 'kin. Dali-dali akong sumunod. Bago ko pa mabuksan ang payong ko ay nasa gilid ko na siya at naisukob na ako sa payong niya.

"Good night," aniya pagkatapos akong ihatid sa silong ng apartment.

Alam kong ang dapat kong gawin ay tumakbo na paakyat at i-ignore siya, pero na-glue yata ang suwelas ng sapatos ko sa sahig. Huminga ako nang malalim. "Okay. Ingat."

Bago pa umabot sa mata niya ang ngiti niya ay tumalikod na ako. Kung kani-kanina lang ay di ako makagalaw, ngayon naman ay nagmamadali na talaga akong umakyat. Tumigil ako sa corner turn para habulin ang paghinga ko. Iilang steps lang naman ang inakyat ko pero kung tumambol ang dibdib ko, akala mo limang bundok ang inakyat.

Napaupo na lang ako sa sahig. Ilang beses kong tinapik ang mga pisngi ko dahil parang physically gumagapang do'n ang hiya. Nang bumalik na ang lakas ko sa tuhod para pumunta at pumasok sa unit, tinanong ako ni Je kung bumalik daw ba ang lagnat ko dahil pulang-pula ako.

Continue Reading

You'll Also Like

524K 23.3K 255
Overwhelmed by academic pressure, Vina Nathalie Joson decided to drop everything that could be a source of distraction, even her three-year relations...
302K 17.8K 81
Everyone expects Pria to marry one of her college best friends a few years after graduating. When she finds out about his plans of proposing a marria...
30.5K 1.9K 29
War Series #4: Ida Mishal Zavala
1.3M 45.2K 205
Liking a person wasn't supposed to feel so encapsulating, but Una Madia Grajales freezes up whenever he's near. The knots and butterflies in her stom...