Villiones Series 1: His Forbi...

By Alexxtott

336K 4.6K 202

Ang pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa dam... More

HFP
Alexxtott
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Wakas
Notes

Kabanata 23

7.7K 129 4
By Alexxtott

Kabanata 23

Swear

“Ma, saan po tayo pupunta?”

Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Clemson. Honestly, dulot ng pangamba at takot, nagawa kong mag-desisyon na lumuwas upang makita si Calem at malaman ang kanyang ginagawa sa Manila. Hindi manlang siya nagparamdam sa akin, kahit manlang text o tawag ay hindi niya nagawa. Bakit? Ano bang ginagawa niya doon? Bakit hindi manlang siyang tumawag sa akin?

Ganoon ba talaga ka-importante ang negosyo na kahit manlang magparamdam ay hindi niya nagawa? Ngayon, hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Kung ano-ano na ang naiisip at nararamdaman ko. Naiisip kong baka nangaliwa na siya. Baka may ibang babae. Baka nakatagpo ng iba. O baka, naisip niyang hindi naman pala ako worth it na pakasalan.

Hindi mawala-wala ang kutob ko at takot. Gusto kong malaman kung ano ba ang ginagawa niya sa office niya.

“Pupuntahan natin si Daddy.” malamig kong sagot.

Kumunot ang noo ng anak ko. Iniisip niya siguro ang rason kung bakit kami pupunta sa Daddy niya.

“Bakit, Mom? May nangyari ba kay Daddy?” dagdag ni Cleya.

Umiling ako at ngumiti sa anak na babae.

“Walang nangyari sa Daddy niyo, pupuntahan lang natin siya upang kumustahin.” sagot ko.

Tumango sila at hindi na nagtanong. Nagpakuha kami kay Therome, gamit ang helicopter na pagmamay-ari nila. Maging ang pinsan ko ay nagtataka kung bakit kami umalis. Ang tanging sinabi ko lang ay gusto kong lumuwas. Mabuti nalang at hindi na sila nangulit ni Marguz. Wala akong maisasagot na tama dahil maging ako ay blangko pa rin ang nasa isip. Paano kung iba ang madatnan ko sa office niya?

Paano kung makita kong may iba siyang babae? Ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin ko? Ano ang magiging reaksyon ko? Hindi ko alam! Nadala lang ako ng kaba, pangamba at takot.

Malamig ang hangin ng lumapag sa plaza ng bahay nila Therome. Agad na lumapit sa amin ang pinsan ko ay kinuha si Cleya at Clemson. Niyakap agad sila ni Marguz. Inabot naman sa akin ni Therome ang kamay upang matulungan ako sa pagbaba. Bumuntonghininga ako at bumaba na sa helicopter. Ngumiti sa akin si Marguz.

“Hello, bes. Kumusta?” she asked.

Niyakap niya ako kaya medyo nawala ang nararamdaman kong kaba. Nang humiwalay siya, ngumiti ako.

“I’m fine, Marg.” mahina kong sagot.

She nodded.

“Sige, pumasok muna tayo sa bahay.” she said.

Sumama ako sa kanya, hawak ni Therome ang kambal. Nang pumasok kami sa bahay nila, napahinga ako ng malalim. Magpapahinga muna ako ng saglit bago pumunta sa office ni Calem. Ang huling update ni Klara sa akin ay nanatili siya sa kanyang office kaya doon ako pupunta.

“Ano ba talaga ang rason kung bakit kayo pumunta dito?” my friend asked me.

I nipped my lower lips. I should tell her the truth. Wala naman sigurong masama kung magsasabi ako sa kanya.

“It’s Calem. Hindi siya umuwi kagabi, sinabi niya sa akin na uuwi siya bago gumabi. No text, no call. I’m worried.” mahina kong sabi.

Tumango-tango siya bago ngumiti sa akin. Ang kambal ay kasama ni Therome. Kaming dalawa lang ang nasa sala.

“Baka sobrang busy lang talaga sa kanyang work? We don’t know? Tsaka alam ko kung saan-saan napupunta ‘yang isip mo, calm down and think properly. I trust Calem.” payo ni Marguz.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang nagiging reaksyon ko. Takot akong masaktan ulit. Takot akong may gawin siyang masama na ikagalit ko ulit. Hindi pa nga kami kasal, magkakaroon na naman ng kasalanan. Iyon ang iniisip ko talaga. I will be honest. Ayokong tanggalin sa isip ang laman talaga no’n.

“Paano kung may iba siyang ginagawa bukod sa negosyo?” takot kong sabi.

Bumuntonghininga si Marguz. She caressed my back slowly.

“You have to trust him, bes. Walang gagawin si Calem na ikakasira niyo. He wants this chance, and he will do everything to keep it up with you.” she said.

I sighed. I nipped my lower lips. Masyado lang siguro akong overthinking. Kung ano-ano ang iniisip ko. It will harm our family. Tama si Marguz, kung maghihinala lang ako, madudumihan talaga ang pagsasama namin. Nagsisimula palang kami. He gains my trust. Alam kong hindi siya gagawa ng ikahihiwalay ulit namin.

“Just be okay. Calm down and everything will be alright.” she said again.

I nodded. Niyakap niya ako kaya naramdaman ko ang pagkawala ng bigat sa damdamin. Stress na ako. Kagabi ko pa talaga ‘to iniisip. Hindi makawala sa isip at puso ko ang mga tumatakbong maaaring mangyari o madatnan ko sa oras na puntahan ko siya sa office niya. Masyado akong emotional na kahit ang mga small details, nagbibigay ng ibang kahulugan sa akin.

Tama rin sigurong kumalma ako. Kapag kasi mainit ang ulo, baka magkaroon lang ng away. Kapag kasi magpadalos-dalos ako, baka masira lang talaga ang pamilya namin. Kaya sige, kung ano man ang makita o madatnan ko sa office niya, hindi ako tatakbo o magwawala. I will listen to his explain. We will compromise. No matter what the result, I will listen to him.

May anak kami. Kailangan nila ng ama kaya binigay ko ang pagkakataong ito kay Calem. Binigay ko ang chance na ito dahil alam kong deserve rin naman ni Calem ng second chance. Pero kailangan ko ding intindihan ang lahat, ang proseso at mangyayari. May mga edad na kami. Calem knows his limitation and responsibility. He knows the right or wrong. Kung ano man ang piliin niyang desisyon, alam kong pinanghahawakan niya ‘yon.

Naligo ako at nag-ayos. Suot ang luxury dress ko, naglagay ako ng light make-up sa mukha. Hindi ko isasama ang kambal dahil ayokong mapagod sila. Nandito naman ang Uncle Therome at Auntie Marguz nila. Alam kong hindi sila mabo-bored dito. Huminga ako sa harap ng salamin. Para akong dadalo sa isang party.

Kumikinang ang mukha ko sa suot na damit. Bumukas ang pinto at pumasok si Marguz. Ngumiti siya sa akin.

“Wow, walang kupas. Mas lalo ka yatang gumaganda araw-araw e.” she complimented.

I grinned. Bolera din ‘tong kaibigan ko e! Well, I think it’s true. Baliw na baliw nga sa akin si Calem kaya hanggang ngayon binalikan ako. Hindi nakalimot sa karisma at sarap ko. I will admit it. Mas maganda ako sa mga naging babae niya.

“Well, I need to be beautiful.” sagot ko.

She shrugged her shoulder. Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako sa salamin.

"Hindi mo na kailangan pang maging maganda. You will always be beautiful." she said carefully.

Napahinga ako. Ang daming nangyari. Sa lumipas na mga pagsubok, hindi ako iniwan ni Marguz. She stay with me. Hindi sila nagkulang ng pag-aalala sa mga anak ko. Hindi sila nang-iwan. Hanggang ngayon, nandito pa rin sila upang gabayan at protektahan pa rin kami. Kaya lubos ang pagpapasalamat ko sa kanila, sa mga Tito's at pinsan ko. Kung hindi dahil sa kanila, I wouldn't be here. Baka gaya nga ng sabi ng iba, matulad ako sa mga babaeng iniwan at hinayaan lang.

Napansin ko ang paglaki ng tiyan ni Marguz. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita. Wait...parang may mali? Tinignan ko ang mukha niya, she was blooming. Walang suot na make-up pero kumikinang ang mukha sa ganda. There's something wrong about her.

"Are you pregnant?" prangka kong tanong.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ko. Nagulat siguro dahil sa tanong ko. Akala niya hindi ko napansin. Ngumuso ako at tinignan siya.

"W-what?" she said nervously.

I smirked.

"Alam kong alam mo na buntis ka. Don't deny it, bes." sagot ko.

She sighed. Nakita ko kung paano namula ang kanyang mga mata. At ilang sandali na tumulo ang luha. What's wrong? Hindi ba siya masaya na buntis siya? Anong nangyayari bakit ganito ang kanyang reaksyon?

"Y-yes, I was one month pregnant. Hindi alam ni Therome dahil hindi ko pa sinasabi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, Aurea. I feel so scared. Paano kung hindi niya tanggapin? Paano kung matakot siya sa responsibilidad? Paano kung umatras siya?" she said while crying.

Umiling ako at mabilis na tumayo upang yakapin siya. What? She's scared because Therome might disagree about the baby? Why? Sa pagkakaalam ko, gustong-gusto ng pinsan ko ng magkaroon na sila ng anak ni Marguz. May nangyayari bang hindi ko alam?

"This past few weeks, palaging late umuuwi si Therome. Kapag nasa kama na kami, he was absent in mind. When I touch him, aalis siya at papalag. He's been cold to me after you leave with Calem. Hindi ko alam ang nangyayari, Aurea. Gusto kong magtanong pero natatakot ako. Gusto kong malaman kung ano ang problema niya, kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. But I'm scared." she said while crying.

Oh my God! Really? Therome did this? Why? I thought he loves my best friend? I thought he would die losing Marguz!? What happened? Is he cheating on her?

"May alam ka bang ginagawa niya? Kung bakit siya late umuwi?" I asked with concern voice.

She wipes her tears.

"He's been busy because of the work. Pero ang sabi ni daddy, hindi naman daw mahigpit ang negosyo nila ngayon." sagot niya.

"May ibang babae ba?" diretsahan kong tanong.

Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Fuck! What is happening? I thought they were happy here!

"I can't jump into conclusion without knowing the truth. I trust my husband, Aurea. But when I find out about him cheating on me, I swear to God, I will never go back to him." aniya sa malamig na boses.

I sighed. May ganito na palang nangyayari dito. Kung hindi pa ako lumuwas, I wouldn't know this. Sana nga ay mali kami ni Marguz sa iniisip. Sana nga walang ginagawang masama ang pinsan kong 'yon. Kasi kung magloko siya, he will never find a woman like my friend. I swear it.




---

© Alexxtott

Continue Reading

You'll Also Like

Game Of Love By Venus

General Fiction

210K 6.3K 52
Ang pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwed...
1M 17.9K 40
I'm Hillary Rayne Olivar. Maganda. Sexy. Mayaman. Matalino pero nagpakatanga sa iisang lalaki na paulit-ulit lang akong niloloko. Naranasan mo na ban...
Wattpad App - Unlock exclusive features