FEIGHT (Famous Eight)

By Ms_Teria

636K 39.8K 36.1K

Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be... More

TEASER
Chapter 1: "First Encounter"
Chapter 2: "Famous Eight"
Chapter 3: "Official Members"
Chapter 4: "Game Plan"
Chapter 5: Some Fun
Chapter 6: "Feight and the Bully"
Chapter 7: "Claiming Territory"
Chapter 8: "Feight and the Paper"
Chapter 9: "Feight and the Code"
Chapter 10: "Mission Impossible"
Chapter 11: "Feight and the Stealer"
Chapter 12: "Feight and Stealer #2"
Chapter 13: "Party Planners"
Chapter 14: "Feight and the Party"
Chapter 15: "Troubled"
Chapter 16: "Feight minus One"
Chapter 17: "Guilty"
Chapter 18: "Lie Detectors"
Chapter 19: "Long Day"
Chapter 20: "Morning Headaches"
Chapter 21: "The Commoner"
Chapter 22: "Rich Kids"
Chapter 23: "The Bunny Lover"
Chapter 24: "Missing Member"
Chapter 25: "Spy"
Chapter 26: "Cornered"
Chapter 27: "Rescue Mission"
Chapter 28: "Feight vs. Stealers"
Chapter 29: "Halloween Festival"
Chapter 30: "The Playboy"
Chapter 31: "Happy Birthday"
Chapter 32: "Freshmen No More"
Chapter 33: "Who Are They?"
Chapter 34: "First Assignment"
Chapter 35: "Feight vs. Newspaper Club"
Chapter 36: "Club Fair"
Chapter 37: "Winsdom's Target"
Chapter 38: "Opening Ceremony"
Chapter 39: "InterHigh"
Chapter 40: "InterHigh Day 2"
Chapter 41: "Elites Game Part 1"
Chapter 42: "Elites Game Part 2"
Chapter 43: "They Won"
SPECIAL CHAPTER: "DELETED SCENES"
Chapter 44: "Little Problem"
Chapter 45: "Babysitters (Part 1)"
Chapter 46: "Babysitters (Part 2)"
Chapter 47: "Babysitters (Last Part)"
Chapter 48: "Exchange"
Chapter 50: "Stealer's Ally"
Chapter 51: "Exposed"
Chapter 52: "Top 1 vs. Stealer #1 (Part 1)"
Chapter 53: "Top 1 vs. Stealer #1 (Part 2)"
Chapter 54: "Top 1 vs. Feight"
Chapter 55: "Real Monster"
Chapter 56: "Plotted War"
Chapter 57: "Five Plus One"

Chapter 49: "Knight's Departure"

7.2K 621 915
By Ms_Teria

a/n: Sulitin na natin ang weekend. Enjoy reading~

*********

Dylan Summers. He is Famous Eight's Top 2 who got 193 points in entrance exam effortlessly. Mula pa lang pagkabata, kinakitaan na s'ya ng mga magulang n'ya ng kakaibang talino. Dahil sa pagiging advance ng utak n'ya, madali s'yang mawalan ng gana sa mga bagay na madali na lang sa kan'ya.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi s'ya nagkaroon ng mga kaibigan. Kapag nagsawa na kasi s'ya, hindi s'ya magdadalawang-isip abandunahin na lang bigla ang mga nakapaligid sa kan'ya. He doesn't need them, he thinks. There's nothing in this world that can entertain him long.

Umaga ng Byernes... Sinusuot ni Dylan ang necktie n'ya para makababa na sa hapagkainan at makakain na ng almusal kasabay ang mommy n'yang si Dianne. Wala ngayon ang tatay n'ya dahil nasa isang mahabang business trip ito at baka sa Lunes pa makabalik.

Every morning, her mom's waking up early so that she can cook for his breakfast. Madami silang maid pero mas pinipili ng mama n'ya ang personal na pagluluto sa kakainin n'ya sa umaga.

Pagkarating n'ya sa garden kung saan sila madalas kumain ng agahan ay sinalubong agad s'ya ni Dianne ng napakalawak na ngiti. Hindi s'ya ngumiti pabalik pero nilapitan n'ya 'to at hinalikan sa noo.

"Good morning," sabi n'ya. Naupo s'ya sa tapat nito at hinaplos si Mimi na tahimik na nakaupo sa gilid ng lamesa.

"Good morning, baby Dylan ko. How's your sleep?" Napaka-light talaga ng aura ni Dianne Summers. Kahit nakaupo 'to sa wheelchair ay wala kang makikitang lungkot o depresyon mula rito. Masaya 'to araw-araw.

"Good," simple n'ya lang na sagot habang inaabutan ng konting pagkain si Mimi. As usual, kung anong liwanag ni Dianne, 'yon ding dilim ni Dylan. Madalas ay pinapanood sila ng mga maid kapag magkasama. The whole atmosphere brings comfort and calmness when they're together. Dianne's brightness balances Dylan's gloominess.

"Your dad called me this early morning. Excited na excited s'yang i-share sa 'kin na may nakita s'yang magandang gitara sa Mexico na siguradong magugustuhan mo."

"He should've called me instead."

"He doesn't wanna wake you up. Alam n'yang pagod ka sa school, baby."

It's a healthy family. Parehong masiyahin at happy-go-lucky ang mga magulang ni Dylan. Mahal na mahal s'ya ng mga 'to lalo na't nag-iisang anak s'ya.

But why does he still feels empty? He still feels alone.

Isang maid ang lumapit sa kanila at nag-abot ng sobre kay Dianne. Ang sobre na 'yon ay may wax seal kung saan makikita ang simbolo ng Royalonda.

Ang walang buhay na mga mata ni Dylan ay pinanood ang pagbubukas no'n ni Dianne.

Ilang minutong nagbasa si Dianne saka nagtanong. "You were selected to participate in exchange student program?"

Huminto ang kamay ni Dylan na humihimas sa ulo ni Mimi. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya kahit ngayon n'ya lang nalaman ang balita na 'yon.

"Three months in New Zealand? Huh? Hindi mo nababanggit sa 'min, anak na nag-apply ka bilang exchange student."

"Automatic candidates kaming Top 8," maikli n'yang paliwanag.

"Ahh. That's why it's mentioned here that you have the option to decline the offer."

Hindi na masyadong pinakinggan ni Dylan ang mommy n'ya na nagpatuloy sa pagsasalita. Malalim na s'yang nag-iisip ngayon.

Bakit s'ya ang napili? Bakit hindi si Leeroi o ang iba n'yang kaklase? Bakit hindi si Ayuri Alvarez?

He never thought he'll be selected. Why did Mr. Estebar choose him?

"Tatanggapin mo ba 'tong offer, baby?" Bumalik sa kasalukuyan si Dylan nang hawakan ni Dianne ng kamay n'ya. "Mawawala ka ng three months? At sabi rito, pwede pa 'yon maextend."

Kitang-kita ni Dylan ang lungkot na saglit na naglaro sa mata ng mommy n'ya. Kung tatanggapin n'ya kasi ang offer, ito ang unang beses na malalayo s'ya nang gano'n katagal sa mga magulang n'ya.

Mahinahong bumuntong-hininga si Dylan. "It's a great offer. The school will cover all the expenses and it will help my academic credentials if I want to study medicine abroad."

"Kung sa bagay..." Naka-pout na nangalumbaba si Dianne. She knows her boy is capable of a lot of things. Nakakapanghinayang nga naman kung pipigilan n'ya 'tong mag-grow dahil lang mahihiwalay 'to sa kan'ya saglit.

"I'll still think about it, Mom." Tumayo na si Dylan at hinalikan sa ulo si Mimi. Binitbit n'ya sa isang balikat n'ya ang backpack saka muling lumapit kay Dianne para halikan ulit 'to sa noo. "'Wag kang magpapagod."

Napangiti na lang si Dianne. "Para ka talagang daddy mo kung mag-alala sa 'kin. Masyado kayong paranoid. Basta baby, kung tatanggapin mo man 'yong offer, magsabi ka agad, okay? So that mommy could shop new clothes and things for you."

"That's not needed." Sinenyasan na ni Dylan ang mga maid na nakatayo sa gilid, hinihintay silang matapos. Agad na lumapit ang mga 'to para iassist si Dianne. "Papasok na ako. See you later."

Isang masayang ngiti pa ulit ang rumehistro kay Dianne bago 'to tuluyang nagpaalam sa anak.

*********

"So, Mr. President chose Dylan?" sabi ni Chloe habang nakatingin sa listahang nakapaskil sa sarili nilang bulletin board sa loob ng classroom. Nakatingin din doon ang iba pang myembro ng Feight, pwera kay Dylan, Ayuri at Lucas na pare-parehong nakaupo ngayon sa mga pwesto nito. Binabasa nila ang bawat pangalan ng sampung estudyanteng magiging exchange students sa New Zealand.

"Medyo pamilyar 'yong ibang pangalan..." si Zendra. Sigurado s'yang nakita na n'ya noon ang ibang mga pangalang nakalista. Isa na sa mga pamilyar na pangalang nandoon ay ang kay Elizabeth Cordel. Wala si Misha, Harper at Errol.

"Of course," si Ayuri ang nagsalita na nakaupo sa upuan nito at may pinipirmahan. "Four of them are stealers."

Stealers?!

Hindi napigilan ni Sindrick na suriin ulit lahat ng mga pangalan.

Josh Calya
Ivan Illustrado
Vanessa Dixon
Blake Salvidar

Iyan ang mga pamilyar na pangalan. Oo nga naman. Paano nila makakalimutan ang mga pangalan na 'yan eh sila mismo ang nagresearch ng identity ng mga 'to. Matapos ang naging insidente noon sa abandonadong building, nakakuha sila ng ideya kung sino-sino ang mga kalaban nila. Natandaan nila ang mga mukha nito kaya hindi na mahirap hanapin ang pangalan.

Noong unang beses pa lang na makita ni Ayuri ang listahan, nakilala na agad n'ya ang lima, kasama si Elizabeth Cordel. Alam na agad n'yang apat na stealers ang makakasama ng isang Feight member sa loob ng tatlong buwan.

"A Feight member must still wear his badge in all school-related activities.," dugtong ni Ayuri.

"This is absurd," reklamo ni Sin. Humalukipkip s'ya at kunot-noong tinignan lang ang listahan. "We can't let Dyl go alone. Sure, he's strong but 4 vs. 1? And he has three months to protect his badge on his own?! They'll all be staying in the same place, same dorm, same building!" Kumumpas sa ere si Sindrick bago tumalikod sa listahan at bumalik sa upuan nito. It irritates him just thinking about it.

"Why doesn't Mr. Estebar allow at least two Feight members to participate in the program?" kunot-noo ring opinyon ni Hannah. Sinulyapan n'ya si Dylan. "You are not obliged to accept the offer, Summers."

Tinapos ni Ayuri ang pinipirmahan bago nagsalita. "Two Feight members will be too much, he said. Since we'll have a lot of events to host. May sampung foreign students at sampung public students din tayong kailangang i-welcome at i-assist sa loob ng ilang buwan. Then, senior's prom will happen in two months. In addition, Student Leaders' Assembly will be held soon.

"Being an exchange student will not require a lot of work. They'll live there for three months like normal students. Wala silang paperwork, walang events, walang competitions. So two Feight members aren't necessary."

Nagkatinginan sila at sabay-sabay na bumuntong-hininga. Si Lucas na tulog kanina ay nakapangalumbaba nang nanonood ngayon sa nangyayari.

"It's still up to Dylan if he'll join the program," usal ni Zendra.

Parang batang kumapit sa sleeve ng uniform ni Dylan si Chloe Zamora. Nag-aalala n'yang tinignan ang Top 2 nila. "Are you going, Cool Bunny? You don't need to. I can volunteer." Namimilog ang mga mata n'ya na parang sa isang manika. Ayaw n'yang mapahamak ang Cool Bunny nila kahit alam n'ya kung gaano kaastig 'to.

"Clo, kung kay Dylan nga nag-aalala na kami, sa 'yo pa kaya?" sabi ni Sindrick.

"Teka, hindi ba pwedeng wala na lang sumali sa 'tin sa program?" pangalawang tanong ni Hannah.

Tulad kanina, si Ayuri ulit ang sumagot total s'ya ang mas madalas na kausap ni Danilo Estebar. "Responsibilidad natin ang mga magiging exchange student. Nasa oath natin na tatanggalin sa pagiging Feight member ang mga myembrong hindi gagawa ng responsibilidad nila."

Tumaas ang dalawang kilay ni Zen. "Pero hindi 'to choice ni Dylan. At pwede s'yang tumanggi. Sinong tatanggalin kung gano'n?"

"'Yong nagrecommend," simpleng sagot ng Top 1 ng Feight.

Dito na naglipat ng tingin si Dylan kay Ayuri. Kalmado ang boses ni Yuri maging ang ekspresyon nito pero bakit ang bigat sa pakiramdam na titigan ngayon ang nasabing babae? May kakaiba rito.

"Hm? May nangyari bang recommendation? Who recommended Dylan?" pagsingit na ni Leeroi sa usapan na busy kanina sa pagbuklat sa applications ng mga napili.

Huminto sa pagsusulat ang kamay ni Ayuri. Sumagot s'ya gamit ang boses na walang emosyon. "Ako."

Sinalubong ni Ayuri ang tingin ni Dylan. "I recommended him."

Nagkaroon ulit ng katahimikan. Then, this is already a matter between the Top 1 and Top 2. Dylan Summers is Ayuri's best guard. Kapag nasa paligid si Dylan, no one would ever dare to touch her. Maga-attempt pa lang ang mga 'to na lapitan s'ya ay matatakot na agad kapag nakita si Dyl.

Sa sampung stealers, anim ang matitira sa campus. Oras na mawala sa side nila si Dylan, magkakaroon na ng lakas ng loob ang mga 'to na kumilos ulit. Isama pa ang taong laging nagbibigay sa kan'ya ng sulat tuwing umaga. Minsan na nitong binanggit sa isang sulat na hindi ito makalapit dahil laging may nakabantay sa kan'ya.

Pitong stealers lang ang kilala nila. Ang tatlo ay nananatiling anonymous. Apat sa kilala nila ay magiging exchange student. Kung gano'n, tatlo lang sa maiiwang stealers ang kaya nilang bantayan at iwasan.

In short, Ayuri is putting everyone's badge in danger, not just Dylan's. But she needs to choose him. She needs to recommend him. He needs to be an exchange student no matter what.

Because Dylan Summers is now getting difficult to control.

"You can refuse. Kung tatanggi ka man, magvo-volunteer ako," Ayuri uttered.

"W-wait! Waaah! Why am I sensing tension?!" Niyakap ni Chloe ang ulo ni Dylan habang nakaupo 'to. Ramdam n'ya sa bunny ears n'ya ang tensyon sa tinginan ng dalawa. What is going on, really?

Lumapit si Leeroi sa tabi ni Ayuri at tinapik 'to sa balikat. "We can ask Mr. Estebar again-"

"I'll accept the offer." Tumayo na si Dylan mula sa inuupuan n'ya. Para silang may telepathy ni Ayuri kaya alam n'ya kung anong tumatakbo sa utak nito ngayon.

Hinawakan n'ya sa tuktok ng ulo si Chloe para iassure dito na ayos lang kung aalis s'ya. Three months lang naman ang kailangan n'yang ubusin sa New Zealand.

Three months lang...

Humalukipkip si Zendra. Napailing naman si Han. Sa mga ganitong pagkakataon nila nararamdaman na hindi lahat ng bagay ay kaya nilang gawin. Normal na mga estudyante pa rin sila na nagkakaroon ng problemang mahirap solusyonan.

*********

"EXCHANGE STUDENT PROGRAM PARTICIPANTS"

Sa wakas ay nakapaskil na ang announcement sa malaking bulletin board ng Royalonda. Nagkakagulo ang mga estudyante sa hirap nito para tignan kung sino-sino ang mga pinalad na mapasama sa listahan.

"Oh my god, it's Dylan!"

"Hala! Si Dylan 'yong participant ng Feight!"

"Waaah! Wala 'yong pangalan ko!"

Napatakip sa bibig n'ya si Elizabeth Cordel gamit ang isang kamay. Nanlalaki ang mga mata n'ya, hindi makapaniwalang nababasa n'ya ngayon ang pangalan n'ya sa listahan. S-she passed the interview. And Dylan Summers..-

"Hmmm!" Dalawang kamay na ang ginamit n'ya pangtakip ng bibig habang impit na sumisigaw. Umalis s'ya sa kumpol ng mga tao at kagat-kagat ang hintuturo na nagpaikot-ikot sa pwesto n'ya. Pakiramdam n'ya ay uusok na s'ya ano mang oras. Hindi s'ya mapakali!

"Liz? Nakita ko 'yong pangalan mo," bungad ni Harper no'ng nilapitan s'ya nito. Natawa pa nga 'to sa itsura n'ya. "Ayos ka lang ba? Congrats."

"Harpeeer!" Nagtatalon si Elizabeth. May kasama pa 'yong mahihinang padyak. "I got a spot!"

Muling tumawa si Harper Yuwen. "Yes. I saw it, Liz. Good job." Saka ito ngumiti nang matamis.

Halos maiyak si Elizabeth sa sobrang tuwa. Niyakap n'ya nang mahigpit si Harper habang pinipigilan pa ring tumili. Napahinto lang s'ya no'ng may narealize.

Wala sa listahan si Harper, Misha at Errol.

"Bakit wala kayo sa listahan, Harper?" tanong agad n'ya no'ng humiwalay s'ya sa yakap. "Imposibleng hindi kayo pumasa tapos ako, nakapasa. Mas magagaling kayo kaysa sa 'kin."

Umakbay si Errol kay Harper na lumitaw sa likuran nito. Kasama nito si Misha na nakacross-arms at mukhang kakagaling lang sa harap ng bulletin board.

"We didn't pass an application, Liz," nakangiting sagot ni Errol. "By the way, congrats. Alam kong mapipili ka."

"T-thank you- but! Bakit hindi kayo nagpasa?!" Makikita mo ang halo-halong emosyon ni Lizzy pero mas nangingibabaw ang pagkalito.

"Hindi lang kami interesado. That's all, Liz. Nothing complicated," Harper said.

Tapos ay ang nalilitong mga mata ni Elizabeth ay nabaling kay Misha. Halos mapairap naman ang huli.

Sumagot si Misha ng, "New Zealand is not our battleground, Cordel." Saka 'to walang paalam na umalis.

Hindi nakatulong ang sagot ni Misha para malinawan ang nalilitong prinsesa ng mga Cordel. Battleground? Anong ibig sabihin no'n? May nangyayari bang gyera sa loob ng Royalonda High? Madami pa talagang hindi alam si Elizabeth sa napasukan n'yang school.

Sa kabilang banda...

Dumoble ang ingay sa paligid. Kahit malayo mula sa mga estudyante si Dylan at Lucas ay rinig na rinig nila ang ingay ng mga 'to. Hindi 'yon pinansin ni Lucas na busy sa daily report. Hindi tulad ni Dylan na pasimpleng nagmumura nang mahina habang nakasandal sa bench.

"You know, I can hear your cusses louder than their noise," casual na sabi ni Lucas habang nagta-type sa dalang laptop.

"Who wouldn't cuss? Tss."

"People who don't want to pay penalties?" Saka naglahad ng kamay si Luke na parang may hinihingi. Ang isang kamay nito ay nagpatuloy sa mabilis na pagta-type. He's a gamer. He can type 90 words per minute.

Pinadaan ni Dylan ang isa n'yang kamay sa buhok n'ya para hawiin 'to pataas. Ang one cuss, one dollar na laro nilang dalawa ni Lucas ay pasakit na talaga sa bullsh- bulsa n'ya.

Mabigat ang kamay na nilapag n'ya ang pera sa nakalahad nitong kamay.

"You said three curses. You're just paying for two."

Wow.

"I am serious when I asked you to be my business partner in the future," Dylan said with bored tone.

"Pag-iisipan ko."

"As if it sounds unfair."

Tumingala si Dylan. The weather makes him sleepy. Idagdag pang humikab si Lucas. Ano bang weather sa New Zealand ngayon? He's not sure. It's almost the end of September. Then, spring?

"Aalis na kayo sa isang linggo. Mahihirapan kami kapag nakaalis ka na," pagsisimula ni Lucas sa bagong topic, hindi pa rin binabalingan ng tingin ang kausap.

Ang Royalonda High ay naglalaman ng dalawang klase lang ng mga estudyante. Matatalino at mayayaman. Halos lahat ng royal students ay laki sa layaw. Spoiled Brats. Mga pasaway, ayaw nang nagpapakontrol.

Perfect ang pagkakalagay kay Dylan sa Safety Committee. He's a fearsome knight. S'ya ang kasalukuyang nagpapanatili ng peace sa buong campus kasama si Lucas. Takot sa kan'ya ang mga estudyante kaya hindi makagawa ng kalokohan ang mga 'to. Kahit mga estudyante sa ibang eskwelahan ay nasisindak sa presensya n'ya.

Madaming estudyante, karamihan ay lalaki, ang naghihintay na mawala s'ya sa Royalonda.

"Deliquents will run free around the campus without your presence, for sure."

Hindi masyadong nagpakita ng interes si Dylan Summers. "You can handle them."

Bahagya lang na umiling si Lucas. "I am not as intimidating as you." Tapos humikab 'to. "I'll get more work to do and less sleep without you."

"This is my revenge for those fcking penalties." Kusa nang naglabas ng pera si Dylan at nagbayad bago pa s'ya singilin. Sinadya n'yang magmura kasi kahit papa'no ay satisfied s'yang makaganti.

"Hindi mo ba itatanong sa kan'ya kung bakit ka n'ya nirecommend?"

Dito na tuluyang nawalan ng interes si Dylan na makipag-usap sa katabi. Wala s'yang sinagot sa tanong nito. Sinuot na lang n'ya ang headphones n'ya saka nagpatugtog at pumikit.

Ilang beses mang itanong 'yan ni Lucas, hindi s'ya nakakakuha ng sagot. Iniiwasan ni Dylan na pag-usapan 'yon. Maybe he's hitting a sensitive topic. O baka hindi lang talaga interesado si Dylan.

Huminto sa pagta-type si Lucas at tumingala rin. Sa susunod na linggo, siguradong madaming magbabago sa Royalonda.

*********

Wednesday came. Hindi 'yon masyadong naramdaman ng Feight dahil sa sobrang busy ng mga araw nila. Ito ang araw na itinakda para sa pag-alis ng mga exchange student. May mga natutuwa, may nalulungkot, may naiinggit.

Kung alam lang nilang si Dylan Summers ang makakasama nila sa New Zealand, eh 'di sana dinoble o tinriple pa nila ang effort nila sa interview. Nakakainggit ang mga makakasama nito. May chance silang mapalapit kay Dylan sa loob ng three months.

Isa na sa mga kinaiinggitang estudyante si Elizabeth Cordel. Malaking achievement na sa kan'ya ang mapabilang sa listahan pero hindi n'ya inasahan na kasama rin doon ang taong hinahangaan n'ya. Hindi n'ya tuloy maiwasang hindi mapangiti habang iniisip na tatlong buwan n'ya 'tong makikita araw-araw. Ayan na nga't hindi s'ya mapakali sa tinatayuan n'ya habang hawak ang dalawang maleta. Ang personal maid n'yang naghatid sa kan'ya ngayon ay gustong matawa dahil sa hindi maipaliwanag na malawak n'yang ngiti.

"Mukhang masaya kayo, Lady Elizabeth," pagsasaboses ng maid sa iniisip nito.

"Oo naman, Nemi! First time kong lalabas ng bansa nang 'di kasama sila Daddy! Nakakaexcite! Pakiramdam ko nagiging independent na ako. Tsaka isa pa-"

Napahinto si Elizabeth at biglang nag-blush. Isipin n'ya pa lang na makakasama n'ya ang lalaking nakakuha na ng atensyon n'ya simula pa lang no'ng unang araw n'ya sa Royalonda ay- aaah! Hindi n'ya mapigilang lalong mamula! Napapatakip na lang tuloy s'ya ng mukha gamit ang dalawang kamay.

Muli na lang napangiti si Nemi. Nakakalungkot na makita 'tong umalis mag-isa pero kasabay no'n ay natutuwa rin s'yang makitang excited 'to. "Ngayon ko lang kayo nakitang ganito kasaya. Mukhang tama nga ang desisyon n'yong mag-aral sa labas ng mansyon."

"'Di ba?! 'Yon din sinabi ko kay Daddy!" Lalo pang lumawak ang ngiti ni Elizabeth kaso ay mabilis na nawala 'yon no'ng matanaw n'ya sa 'di kalayuan ang taong kanina n'ya pa hinihintay. Mabilis s'yang napatalungko at napatago sa likod ng isa sa mga maletang dala n'ya.

"Nandito na si Dylan..!" bulong ni Lizzy sa sarili. Hihimatayin na yata s'ya makita pa lang 'to kahit hindi sa malapitan.

Nakatayo si Dylan sa lugar na walang masyadong ibang tao. Nasa tabi n'ya ang mga kaibigan n'yang hindi papayag na hindi s'ya mahahatid sa pag-alis.

Today, they'll fly to New Zealand on Royalonda High's private plane.

Casual lang ang suot ni Dylan. Black jeans, plain half turtleneck shirt na kulay itim tapos ay pinatungan ng blue and gray hooded jacket. May suot din s'yang itim na baseball cap. Ayaw n'yang i-exposed ang mukha n'ya hangga't maaari.

Syempre hindi mawawala ang headphones na nakasabit sa leeg n'ya. Gano'n din ang cat carrier backpack n'yang laman si Mimi. Iyon ang pinakamahalagang gamit sa lahat ng dala n'ya ngayon.

Saglit n'yang sinulyapan ang apat na estudyanteng nakapwesto sa isang parte ng lounge. Nag-uusap ang mga 'to at no'ng napansing nakatingin s'ya ay agad s'yang nginitian. Ang iba nga eh mukhang ngisi imbis na ngiti. Hindi n'ya tuloy napigilang hindi mapabuntong-hininga.

Bahagya s'yang napayuko no'ng akbayan s'ya ni Sindrick. "Bro, kung gusto mo nang umuwi, magsabi ka agad sa 'min. Susunduin ka namin."

Hindi n'ya 'to pinansin no'ng una at naglabas na lang ng cellphone.

Nagpatuloy si Sindrick. "Kung tignan ka ng stealers, parang dalawang taon na silang nagpaplano kung pa'no ka itutumba, brad."

"Alam kong masaya ka ngayon," reply lang ni Dylan habang may tinitignan sa cellphone. May sinesend s'yang pictures sa group chat nila.

"Hindi ah! Bakit naman ako matutuwang mababawasan 'yong mang-aasar sa 'kin nang tatlong buwan?" Malawak ang ngiti ni Sindrick na akala mo, nakabili 'to ng bagong limited-edition Spongebob merchandise.

"Hmm.." tanging respond ni Dylan sa kan'ya. Hindi alam ni Sindrick na nasend na ni Dyl lahat ng nakakahiyang pictures n'ya sa group chat nila. 'Yon ang pictures na pinagtatawanan nila Hannah at Zendra ngayon sa background.

"Dyl~" malambing na tawag ni Chloe. Ang cute nito sa suot na white flowy short dress at ankle boots. "I have a gift for you! Give me your hand."

Tinitigan lang 'to ni Dylan. Hindi n'ya alam pero duda s'ya sa ireregalo nito. No'ng nag-puppy eyes si Chloe, inangat na lang n'ya ang kaliwang kamay n'ya para tapos na ang usapan.

Ngiting-ngiting sinuotan s'ya ni Chloe ng isang bracelet na may pink na beads. Ang ibang beads ay hugis bilog, ang iba ay hugis bunny.

"Tadah! Lucky charm 'yan! And that will also protect you from evil! Nag-ritual kami kagabi ng lahat ng bunny ko. Pinaikutan namin 'yan nang exactly 12AM habang may mga candles kaming sinindihan pabilog. Wala nang makakatalong evil sayo n'yan!"

Madilim ang mukha ni Dylan habang nakatitig sa nasabing bracelet. Bukod sa kulay pink ito, hindi n'ya rin nagustuhan ang kinwento nitong ritwal. Halo-halo ang emosyon n'ya pero siguradong wala sa mga emosyon na 'yon ang 'masaya'. Pasimple tuloy na lumayo si Sindrick at nagmamadaling nagkwento kay Leeroi habang nagpipigil ng tawa.

"I'm an evil myself," paglilinaw ni Dylan in case na hindi alam ni Chloe.

Malakas s'yang tinapik-tapik ni Clo sa likod habang tuwang-tuwa pa rin. "Don't worry! Don't worry! You're its master now! It will protect you!"

Walang kinakatakutan si Dylan. Ang bracelet pa lang siguro na 'to ang unang bagay na kakatakutan n'ya. Ngayon, sigurado na s'yang leader ng kulto si Chloe.

Nalipat ang tingin n'ya sa direksyon nila Danilo at Ayuri. Kanina ay masinsinang nag-uusap ang mga 'to. Si Danilo lang ang hinihintay ng mga estudyante para makaalis na. Sasama rin kasi 'to para makabisita saglit sa partner school ng Royalonda.

Mukhang tapos nang mag-usap ang dalawa. No'ng nakita n'yang sinenyasan na s'ya ni Ms. Valdez, do'n n'ya nakumpirmang oras na para umalis.

Saglit ulit na pinatong ni Dylan ang isang kamay n'ya sa ulo ni Chloe para sa pasasalamat. Sunod s'yang naglakad palapit sa mommy n'yang nag-abala pang ihatid s'ya. Nagkataong wala ulit ang daddy n'ya pero tinulungan s'ya nitong mag-empake.

Si Zendra ang nagtutulak ng wheelchair ni Dianne. Kanina ay walang tigil 'to sa kakaiyak habang nasa byahe sila papuntang airport. Mabuti ngayon ay medyo mahinahon na 'to habang kakwentuhan ang mga kaklase n'ya.

Nag-lean s'ya rito. "Mom, aalis na kami." Matapos n'yang sabihin 'yon ay akmang maluluha na naman si Dianne.

"Sino nang ipagluluto ko ng breakfast every morning? Sino nang hahatiran ko ng juice sa study room? Sino nang tutugtog ng gitara sa 'kin kapag malungkot ako?" Naglabas ng panyo si Dianne at pinunasan nang mahinhin ang gilid ng mga mata n'ya. Hindi pa yata n'ya talaga kayang mahiwalay sa kan'ya ang anak n'ya.

"Tatlong buwan lang ako mawawala, Mom."

"That's too looong. Dinala kita sa tyan ko ng 9 months. Lumaki ka sa tabi ko ng 16 years. Tapos ngayon, sasabihin mong tatlong buwan lang?"

"Tatlong linggo na natin 'tong pinag-uusapan."

"Pati si Mimi, dadalhin mo. Lalo lang kitang mamimiss."

"Mimi becomes depressed when I'm not around for more than a day."

"But..." Muling umiyak nang tahimik si Dianne kaya to the rescue na ang ibang myembro ng Feight. Sinubukan nilang aluin 'to.

"Tita, kami muna 'yong papalit kay Dyl. Pupunta kami sa inyo every morning for breakfast," sabi ni Sindrick.

"Tsaka palagi kitang kakantahan, Tita, if you want. I'm a really good singer, you know," kindat ni Hannah.

"Ipapasyal ka rin po namin pag wala kaming pasok," ngiti ni Leeroi.

Niyakap ni Chloe nang mahigpit si Dianne. "And we will play every day after school!"

"Really?" nagpipigil ng luhang paninigurado ni Dianne Summers.

Dahil do'n, mas gumaan ang pakiramdam ni Dylan para magpaalam. Hindi na s'ya mag-aalala sa mommy n'ya kung ayos lang ba 'to habang wala s'ya. Maaalagaan 'to ng mga taong pinagkakatiwalaan n'ya kahit papa'no.

Hinalikan n'ya sa noo at pinunasan ang pisngi nito sa huling pagkakataon.

Pagkatapos ng ilang beses pa ng pagpapaalam ay inayos na n'ya ang sarili n'ya at hinila ang maleta papunta sa mga taong naghihintay sa kan'ya. Ilang hakbang pa lang ay bumalik s'ya at lumapit kay Ayuri na katabi si Lucas.

"I just want to ask this." Blanko ang mga matang sabi n'ya.

Tumango ng isang beses si Ayuri. "What is it?"

"Why did you recommend me?"

Ilang linggo nang hinihitay ni Ayuri na itanong 'to sa kan'ya ni Dyl. Nakakabiglang ngayon lang 'to nagtanong. Maging si Lucas ay nabigla. 'Yan ang topic na palaging iniiwasan ni Dylan.

"I know you can protect the badge. Alam ko ring kailangan mo 'to para makapasok sa magandang medical school. Hindi sapat ang talino sa isang malaki at sikat na university abroad. Kailangan mo rin ng magandang records."

Huminto saglit si Dylan para tumitig. "How did you know I plan to enter medical school?"

"I have a good memory."

Gulat. Gulat ang rumehistro sa mga mata ni Dylan dahil sa sinabi nito. Matagal na panahon na ang nakakaraan no'ng binanggit n'ya 'to sa ibang tao. Isang beses lang 'yon at hindi si Ayuri ang kausap n'ya.

Malapit sa kanila noon si Yuri pero hindi n'ya inasahang nakikinig 'to. Mukha kasing sobrang busy nito at walang interes sa nangyayari sa paligid no'ng panahon na 'yon. Alam nilang lahat na sa personalidad ng babaeng kaharap n'ya, hindi ito nagbibigay ng atensyon sa mga bagay na hindi 'to interesado.

"I'm sure, it's not just that," pagpapatuloy n'ya. Alam n'yang may iba pang mas malalim na dahilan kung bakit s'ya ang pinili nito.

Tumingin sa kan'ya nang diretso si Ayuri. Ang maganda nitong mga mata ay wala pa ring buhay. "It is an experiment."

An experiment. This girl is using him in an experiment. What kind of experiment, you asked? Walang ibang may alam bukod kay Dylan na kitang-kita ni Lucas kung pa'no natigilan. Talagang may kakaibang koneksyon si Dylan at Ayuri na hindi kayang sabayan ng iba. Siguro nga ay pareho sila ng kapasidad ng utak kaya sila lang ang nagkakaintindihan kahit walang ibigay na paliwanag ang isa.

Ngayong alam na ni Dylan ang dahilan ni Ayuri, naiintindihan na n'yang kailangan nga n'yang umalis.

Wala sa loob na pinatong n'ya ang isa n'yang kamay sa ulo nito kaya napayuko 'to nang kaunti. Ayaw n'yang ipakita rito ang ekspresyon ng mukha n'ya ngayon.

"Aalis na ako, Ayuri Alvarez," paalam n'ya habang gano'n ang posisyon nila.

Hindi n'ya rin tuloy nakita ang pagngiti ni Ayuri na kulang sa sinseridad. "Come back safely, Dylan Summers."

Continue Reading

You'll Also Like

43.1K 1.4K 62
Evintiem Race Series #2 | Book 2 of Sylum Academy of Skill Exertion | -- She escaped from the land where she first opened her eyes... from the land w...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
57.4K 2.7K 31
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
29.2K 2.1K 20
It will never be the same anymore. Mag iiba ang mundo pati na rin ang mga tao. If this is the wrath of God, no one can do anything about it. But as l...