Forget Me, Not Avery

By jaijairey

557 23 0

Where in, Avery summons a young genie out of his world to her world at para makabalik siya sa kaniyang mundo... More

FORGET ME, NOT AVERY
CHARACTERS
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN

TWELVE

22 0 0
By jaijairey

[ un-edited ]


________

FORGET ME NOT AVERY

jaijairey

[ AVERY POV ]

Potangina.

Yan lang ang perfect summary na masasabi ko ngayon. Gusto ko nalang sumakabilang buhay.

Bakit ba kasi sa dami ng tao sa mundo ang ex ko pa ang makaka-blind date ko! Mag ex na nga kami tapos nagdadate pa kami ulit. Aba potangina nalang talaga.

Ano to comeback of the century? inaabangan ng lahat ganern?

Jusko dahil sa presensya niya kinukwesyon ko na ang pamumuhay ko dito sa mundo. Tapos hindi pa tumulong 'tong si Jene! kanina pa ako binibigyan ng mapang-asar na tingin.

Dukotin ko yang mata mo eh!

"weh? kaya mo ba?" asar ni Jene sakin.

Inirapan ko siya sabay sipa sa paa niya. Napasigaw naman siya sa sakit. Ang kapal talaga ng mukha.

Magkatabi na kami ni Brax at ang masasabi ko lang sobrang awkward naming dalawa. Madami ng napag-usapan sila Bea at Van habang kami dalawa tahimik lang. Para kaming namatayan sa sobrang tahimik namin.

Sinulyapan ko siya noong naramdaman ko siyang gumalaw.

"Try mo kayang magsalita Avery." Jene suggested.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya umiwas nalang siya ng tingin sa akin.

"Ummm." napalingon agad ako sa katabi ko ng magsalita siya.

"kamusta?"

Narinig kung natawa si Jene.

"Ang badoy naman ng tanong mo pre." pagbabash niya kay Brax

Sa halip na pansinin ko si Jene pinagsawalang bahala ko na ito. Ngumiti ako kay Brax kahit na mukha akong constipated ngayon sa harapan niya.

"Okay lang naman. Ikaw?"

Ngumiti siya sa'kin. Yung ngiting nagpahulog sakin. Yung ngiting nagpapahiwatig na magiging okay din ang lahat. Yung ngiting lagi niyang binibigay sa akin noong kami pa.

"I'm also good."

Natahimik ulit kaning dalawa pagkatapos niyang magsalita.

Narinig kung natawa si Jene kaya napatingin ako sa kanya. Nakapangalumbaba na ito at makikita na nag eenjoy siya sa mga nangyayari. Enjoy na enjoy rin siya sa pang-aasar e'.

"Yung na? Wala bang pa I miss you dyan or 'di kaya comeback date?"

"Tanginamo."

Hindi ko na mapigilang magmura sa sinabi niya kaya naman mas lalo siyang natawa at umakto pa siyang nabigla sa sinabi ko. Tinuro niya si Brax pero inirapan ko lang siya.

Patay ka sa akin mamaya Jene. Sa labas ka matutulog mamaya kaya humanda ka.

"What?"

Napalingon agad ako sa katabi ko ng magsalita ito.

"Huh?"

May nasabi ba ako?

"I'm sorry Avery. Did I offend you? You kind of...."

Nagdadalawang isip pa siyang sabihin sakin ang gusto niyang sabihin. Umiwas siya ng tingin at ilang na kinamot ang batok niya.

"You know--- cursed at me haha."

Ano?

Minura ko siya? Kailan?

Linapit ni Jene sakin mukha niya sabay bulong "Kala niya siya yung minura mo kanina Master."

Ano?!

"H-Hala sorry! Hindi i-ikaw yung minumura ko." Nagkakanda-utal kung sabi. Hindi na rin mapalagay ang kamay sa taranta.

Pahamak talaga si Jene! Napagkamalan pa tuloy ni Brax na minura ko siya.

Naibaba ko ang kamay ko ng makita kung nakatitig sa akin si Brax. Napayuko ako ng wala sa oras dahil sa hiya. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Nakatingin lang ito sa akin. Parang kinikilatis ang buong parte ng mukha ko. Naipikit ko ang mata ko dahil sa inis at hiya na nadarama.

Gusto kung ilibing sarili ko sa lupa dahil ang tanga ko talaga!

"psh"

Habang nakayuko ako narinig ko ang pagpipigil niya ng tawa. Is he laughing at me?

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nakita kung may pagkamangha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Ganun ka parin pala."

"I'm glad that walang nagbago sayo. You're still the Avery that I knew. The timid Avery." Tumawa siya matapos niyang sabihin yon.

My face heats up. Parang sasabog na ito sa sobrang pula. Naghalo-halo ang emosyon na naramdaman ko. Lumakas ang pagkabog ng puso ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa sinabi niya. He wasn't even trying but he still takes my breath away.

Hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihin 'yon. Walang preno! Nambibigla naman siya agad! Pakiramdam ko nagkagulo na naman ang mga alaga ko sa tiyan.

He never failed to make me feel those feelings.

Normal pa ba 'to? Why am I feeling this way... It confuses me kasi hindi ko na dapat to maramdaman pa. We are not together anymore and I shouldn't be like this.

"Avery?"

Natauhan ako ng marinig kung tinawag niya pangalan ko. May bahid ng pag-aalala ang mukha niya.

Brax, bakit ka ganito?

Nahihirapan ako sa pakikitungo mo.

"You okay?" he asked.

Ngumiti lang ako sa kanya sabay tango. "Okay lang ako. Iniisip ko lang kung pinatay ko ba ang lutuan namin sa bahay." Nahihiya kung saad.

"Napatay mo naman. Sus, sobrang old school naman ng mga rason mo Avery." Rinig kung komento ni Jene.

Nakalimutan kung kasama ko pala siya. Dapat hindi ko isipin si Brax ngayon kasi malayang naririnig ni Jene ang mga pinagsasabi ko sa utak.

Isinantabi ko ang mga iniisip ko. I need to focus. I will just enjoy this day. Wala naman sigurong mawawala kung ieenjoy ko muna ang araw na to diba? I will think of this as our last interaction with each other.

Nag-kamustahan kami at nag-usap na para bang walang nangyari sa amin noon. We talk like how we used to do before. Pero ang kaibahan lang may limitasyon ang pag-uusap namin ngayon.

Matapos namin tumambay sa cafe napagpasyahan nila Bea na pumunta kami sa mall para manood ng sine. Pagkarating namin sa mall iniwan kami nila Bea. Kami nalang dalawa ni Brax ang magkasama.

Isinggit ko nalang din si Jene na nasa likuran lang namin. Tahimik lang itong nagmamasid sa paligid. Tila parang may hinahanap.

"So what do you want to watch?" Tanong ni Brax sakin habang nakatingin sa mga listahan ng palabas ngayon.

"Kahit ano."

"Okay naman sakin ang kahit ano. Ikaw na mag decide."

He hummed at naghanap na siya ng papanoorin namin. May sumilay na ngiti sa labi niya noong huminto ang kanyang tingin sa isang poster.

"Heto nalang, diba gusto mo ang romcom?"

Tinuro niya ang poster at tinignan ko naman ito. Pinigilan kung ngumiti sa harapan niya.

Naalala niya pa pala.

Tumango naman ako sa kanya kaya kumuha na siya ng ticket. Hindi niya na ako pinasama sa kanya. Pinaghintay niya nalang ako malapit sa entrance ng sinehan.

"Wow. hindi ko alam na mahilig ka pala sa romcom, Master."

Sinulyapan ko si Jene at inirapan.

"Ang taray naman. Parang kailan lang ang pabebe mo pa noong nandito pa 'yung ex mo."

Pag-aasar niya sakin. Kung pwede lang talaga siya sakalin siguro kanina ko pa ginawa. Magpasalamat nalang siya na maraming tao dito ngayon.

"Shut up! Tsaka paano mo malalaman eh hindi naman tayo ganun ka close, duh." Singhal ko. Inirapan ko pa siya ulit.

Nako kung may nakatingin sa akin ngayon baka napagkamalan na akong baliw dahi panay irap ako dito kahit na wala naman silang nakikita.

"Edi kilalanin natin ang isa't-isa."

Nakaharap na siya sa akin. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Nagtitigan kami ng ilang segundo hanggang sa umiwas siya agad ng tingin at napatikhim.

Seryoso ba siya? Gusto niya talaga akong kilalanin?

Hindi ko binigyan ng meaning ang sinabi niya. Pinagsawalang bahala ko nalang ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot lalo na't malinaw niyang sinabi sa akin noon na isa sa protocol nila ang hindi sila pwedeng maging ganun ka lapit sa Master nila.

Baliw. Kinakain niya mismo ang mga protocols na sinabi niya sa akin noon.

Napako ang tingin ko sa gawi ni Brax. Nakapila pa ito sa ticket. May bitbit na itong popcorn at inumin.

Walang nagbago sa kanya. Kung ano siya noon ganun parin siya ngayon.

Nakakatuwa lang na naalala niya pa ang mga gusto ko. Hindi ko naman aakalain na maalala niya pa ang mga iyon lalo na't wala ng kami.

"Tumutulo na laway mo Master."

"Pake mo." Sabi ko.

"Aminin mo nga sakin Master,"

"Di ka pa nakaka move-on noh?"

Naging blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.

Inabangan niya ang magiging sagot ko. Bahagyang tumagilid ang ulo niya. He look at me like he is reading my soul. Binabasa nito ang nararamdaman ko. Tumaas ang gilid ng labi ng may mapagtanto siya.

He chuckled as he said. "Bakit ko pa ba tinatanong kung halata naman."

"Nako, nako Master... delikado ka na."

I frowned.

"Delikado ka kasi baka siya pa ang mag udyok sayo na mag wish ngayon din." Umiiling niyang pahayag. Halata sa boses niya ang pagkasabik noong binanggit niya ang wish.

Tsk, as if magpapadala ako.

"Whatever. Nasa tamang pag-iisip pa ako. Kahit kailan hindi pumasok sa isipan ko na hilingin siya. Kuntento na ako sa buhay namin ngayon."

Imbes na paniwalaan ako natawa lang ito.

"Okay, sabi mo eh."

Kahit na hindi niya sabihin alam ko na inaasar niya ako.

Totoo naman kasi! Kahit na hindi pa ako nakaka move-on sa kanya hindi pumasok sa isipan ko na hilingin siyang maging akin ulit.

Aminado akong hindi pa ako naka move-on sa kanya. Ang hirap kaya mag move-on! Ang hirap kalimutan ng mga alaala-ala naming dalawa. Lalo na yung mga araw na pinaramdam niya sakin na hindi ako nag-iisang haharap sa mga problema ko. Naging tahanan ko din siya noon at alam ko sa sarili ko na kahit kailan man hindi na ako ang magiging tahanan niya.

Hinding hindi na.

Continue Reading

You'll Also Like

716K 16K 44
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
1.2M 49.5K 54
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
527K 18.9K 94
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
351K 15.2K 39
เชœโ€โžดแกฃ๐ญฉ hidden, various hazbin hotel characters x female reader เชœโ€โžดแกฃ๐ญฉ ๐‘ฐ๐’ ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ we follow an angel named y/n, who had her bes...