Her Savior

De Pijei_bi

1M 40K 9.4K

ProfessorxStudent Story!!! Mais

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 - END
Author's Appreciations
SC - The Epic & Unexpected Proposal
Not an update

Chapter 17

14.9K 595 191
De Pijei_bi

Kasalukuyan gumuhuhit ngayon si Brielle sa tabi ko habang ako naman ay inuumpisahan ng sagutan ang mga dapat kong sagutan dahil nga halos buong week akong absent last week.

"Ate pretty?" Tawag pansin sa akin ng bata.

"Hmm?"

"Where were you last week?" Tanong nito sa akin. Napatigil naman ako dahil dito.

Should I tell her?

"I.. ahm..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi dahil hindi ko din alam kung maiintindihan niya. Pero sa talino ng batang ito, bakit pa ba ako magda-doubt, right?

Napabuntong hininga nalang ako at binuhat siya pakandong sa akin.

"Baby.."

"Yes?"

"Last week. My dada left us." Mahina kong sabi dito.

"Who's dada?" She asked.

"My man, my boy, my partner, my grandfather. One of my favorite person in the whole world." Nakangiti kong sagot pero alam kong nakikita niya yung lungkot sa mga mata ko.

"Where did he go po?" She innocently asked again. Damn. Naiiyak nanaman ako.

"Heaven." Simpleng sagot ko at muli, hindi ko nanaman napigilan ang umiyak kaya niyakap ako ni Brielle.

"I miss him, baby. I miss my dada." Sumbong ko sa bata na akala mo ay matanda lang na kasama at kausap ko.

"Don't worry ate pretty. I will tell daddy to look after your dada po. Because daddy is in heaven too." Napatingin ako bigla dito at nakita ko din ang ngiti ngunit alam mong pilit lang.

"I'm sorry to hear that, baby. I did not know." Sabi ko at niyakap itong muli. Kaya pala sabi niya wala na siyang daddy at iniwan na siya nito.

"Don't cry na po, ate pretty. Mommy doesn't want you cry po." Napangiti ako sa narinig ko sa kanya kaya lumawak na ang ngiti nito. This time, abot hanggang mata.

"Really? How can you say that?" Tanong ko.

"Kasi po kanina, I saw her staring at you while you were sleeping po. Tapos sad siya." Lalong lumawak ang ngiti ko. Damn. Ini-imagine ko palang, kinikilig na ako.

"Really?" Ulit kong tanong sa kanya na ikinatango nya.

"Yes po, ate pretty. So, don't cry na po ha? Wag ka na rin pong sad, para hindi na rin sad si mommy." Paki-usap nito sa akin. Tumango ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

"Let's continue na yung ginagawa natin, baby." Saad ko at ibinaba na muli mula sa kandungan ko. Itinuloy nya lang yung ginagawa niya at ganon din ako.

Ilang oras na kami dito sa loob ni Brielle at maga-alas kwatro y medya palang ng hapon. May kalahating oras pa bago bumalik si Miss Harper.

Tapos ko na rin gawin ang mga ginagawa ko at mukhang naiinip na rin si Brielle na nasa tabi ko dahil kanina pa siya paikot ikot. Nakatulog na rin nga siya at nagising kani-kanina. 

Ayaw ko namang iwan ito at umuwi na, nakakahiya naman kay Misis este kay Miss.

"Baby, what do want to do?" Tanong ko sa kanya. Para naman malibang kami pareho. Nag-isip pa muna siya bago ako tinignan.

"Ate pretty, do you know how to dance?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Aww. No, baby e. But I can sing and play instruments." Sagot ko dito.

"I'll teach you, then!" Masiglang saad niya at hinila ako patayo. "Wait there, ate."

Kinuha niya yung ipad niya at nagpipindot doon. Maya maya lang ay inilapag na niya ito paharap sa amin. What the? Tiktok? Ako? Magtitiktok? Juice colored! Help me.

"Watch this, ate. Let's practice and then let's do it." Sabi niya at pumunta sa tabi ko.

"But baby, I don't know how to dance."

"Ate, it is very simple. Look!" Turo niya sa iPad niya. Pinanuod ko muna ito at oo nga, madali lang.

Shut up and dance with me ata title ng kantang to. I'm not sure.

"Ate pretty, when I extend my hand to you, hold it and then we will turn around, okay?" Pagturo nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Ang cute niya kasi. Nakakagigil. "And then po, you do it like this, and then like this." Pagtuloy niya at ginawa yung steps dun sa chorus na ba yon?

"Alam niyo na po, ate pretty?" She asked.

Tumango ako dito kaya lumapit siya sa iPad niya at ni-set na. Pambihirang bata, ako nga hindi ko alam paano gamitin ang application na yon e. Nuod lang alam ko.

"Okay okay, ready na, ate pretty ha?" She said at in-start na ang video. May timer pa. Mabilis siyang bumalik sa tabi ko bago pa mag start ang music.

"Ay waittt" napatingin ako sa kanya ng bigla itong umalis sa pwesto at may kinuha sa bag niya. What the? Sun glasses na strawberry ang design. Tapos sunod niyang pinuntahan ay ang drawer sa table ng mommy niya at kumuha din ng sun glasses at inabot sa akit.

"Let's wear this, ate." Sabi niya na may malawak na ngiti sa labi. Napailing nalang ako bago ko kunin ang salamin at sinuot.

Akalain mo nga naman, yung mga pinsan ko na pinipilit ako kahit mapangiti man lang, hindi nila magawa, pero itong batang to, kahit patawanin ay kayang kaya niya.

Ano yan, self? Favoritism?

Ini-start na ulit ni Brielle ang music at lumapit sa akin at nag start na.

I knew we bound to be together
Bound to be together

She took my arm
I don't know how it happened
We took the floor and she said

Sa part na yan namin ginawa yung tinuro sa akin ni Brielle. Ang cute nya nga, lalo nung umikot kami.

Oh don't you dare look back
Just keep you eyes on me
I said you're holding back
She said shut up and dance with me
This woman is my destiny
She said oh oh
Shut up and dance with me.

Tinuro namin ang isa't isa at nagtatalon na parang nakikipag sayawan. Ang saya naman.

Tinapos namin yung kanta at ang cute ng kinalabasan. Ano ba yan, mga mare! Tiktokerist na me!

"We're so cute here, ate pretty!" Masayang sabi sa akin ng bata kaya ngumiti ako sa kanya.

"Of course, baby. Can you pass it to me?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito.

"I'll upload it first po ate pretty because we can not save it if it is only on draft." Confuse man ay tumango nalang ako sa kanya. Aba! Malay ko ba jan.

Binalik ko na rin ang sunglasses ng mommy niya, baka mapagalitan pa ako pag nakita niyang hawak hawak ko ito at hindi man lang nagpaalam sa kanya.

Hinintay ko lang na gawin ni Brielle yung sinasabi niya at maya maya lang din ay naipasa na niya sa akin. Ang cutee. Kahit ata ilang beses kong panuorin ito, hindi ako magsasawa.

"Mommy!!!" Masiglang bati nito kay Miss Harper na kapapasok lang sa office. Ngumiti dito si Miss at hinalikan ang anak. Sweet. Sana ako din.

Nakangiti lang akong pinapanood sila kung paano ikwento ni Brielle ang pag-aalaga daw niya sa akin kanina. Yung pagpapakain at pamimilit na huwag nang pumasok. Ang cute magsumbong.

Nawala ang ngiti ko ng makita kong nakatingin na sa akin si Miss.

"How are you? Are you okay now?" Seryosong tanong nito. Ngumiti muna ako bago tumango

"Okay na po, Miss. Thank you po."

Tumayo ako at sabay na napatingin sa akin ang dalawa. Eh?

"Where are you going?"

"San ka po pupunta?"

Sabay din na tanong nila. Luh. Mag-ina nga.

"Sa CR lang, baby." Ngiti kong sagot sa bata pero kay Miss ako nakatingin. I mentally smirk when she raised her eyebrows.

Hindi ko na ito pinansin at pumasok sa CR dito sa office ni Miss. Magbabawas lang ng tubig sa katawan.

Kakaupo ko pa lang sa toilet bowl, may narinig na akong katok. Ano ba yan!

"Ate pretty? You're phone is ringing po." Sigaw ni Brielle mula sa labas.

"Who's the caller, baby?" Sigaw din na tanong ko.

"Wait -- mommy, how can you read it?" Dinig kong tanong nito sa mommy niya. Tapos na ako, pero kailangan ko pang mag-hugas.

"It's Leigh, baby." Mahinang sagot ni Miss.

"Oh, okay -- ate pretty, it's ate Leigh daw po." Sagot ng bata.

"Okay baby, wait lang."

"Oh - nag end na po." Dinig kong muling sabi nito.

Pagkatapos kong maghugas ay lumabas na ako at nakita ko pa si Brielle na nakatayo sa may harap ng pinto at nakatingin sa phone ko.

"Ate pretty, you're so pretty po here." Sabi niya sabay pakita sa picture ng wallpaper ko sa phone. Napangiti naman ako sa narinig.

Hindi talaga marunong magsinungaling ang mga bata.

"Thank you, baby." Sagot ko dito.

Binigay niya sa akin ang phone ko at bumalik na sa pagkakakandong sa mommy niya na ngayon ay nagtitipa na naman sa laptop niya. Hindi ba to nauubusan ng ginagawa?

I was a little bit startled ng tumunog ulit ang phone ko. Sabay din na napatingin sa akin ang dalawa.

Ngumiti lang ako sa kanila bago ko sinagot ang tawag.

"BAAABEEEE!"

"ASSHHHH"

"Damn it." Bulalas ko ng bigla nalang sumigaw ang dalawa pagkasagot ko ng tawag. Narinig ko naman na tumawa ang dalawa na ikanainis ko.

"Your word, Mackenzie. There's a child here." Diin ni Miss Harper sa akin.

"S-sorry po." I said at umupo sa couch.

"What do you want?" Tanong ko dito.

"Ash, where are you?" It was kuya Kris.

Magkakasama nanaman sila.

"School."

"Hindi ka pa ba pauwi?" This time. It was Leigh.

"Why?"

"We're here in Keigh's office. Come here, Ash - ouch! What did I do this time?" I heard kuya Sam now.

"Will you all shut up? You're so loud" It's Keigh. Panigurado binatukan nanaman niya ito.

"Go straight home, Babe. Don't come here if you don't want to be annoyed by these three idiots." Napangisi ako sa sinabi nito.

"Oyy anong idiot? Sa ganda kong to?"

"I'm not idiot!"

"Just this two, Keigh. Exclude me."

Sabay sabay na reklamo ng tatlo kaya napailing ako.

"Shut up and leave -- I'll hang up the phone now, babe. Take care. Love you."

"Okay. Love you too."

Kahit kailan talaga ay napakahilig manggulo ng tatlong yon. Actually, si Leigh at Kuya Sam lang pala. Nadadala lang si Kuya Kris dahil hindi naman daw siya "Kill Joy" kagaya namin ni Keigh.

Napatingin ako sa harap at napalunok ng makita ko ang dalawang pares ng mata at kilay na nakataas sa akin.

"W-what?" I asked them pero si Miss ay tinarayan lang ako while Brielle, bumaba ito sa mommy niya at lumapit sa akin.

Nag-crossed arm ito sa harap ko. Ang cute!!!

"Do you have boyfriend po ba or girlfriend?" Tanong nito sa akin na nagpalaki ng mata ko. Maging si Miss ay napatingin din sa anak.

Hindi ko napigilan at napatawa ako na ikinasama ng tingin niya. Hinila ko ito at pinakandong sa akin. Ang cute niyang mgalit mga mare, para siyang baby dinosour tapos si Miss naman ang big dinosour. 

I kissed her first sa cheek bago ito sinagot.

"I don't have boyfriend baby nor girlfriend. Why did you asked?" Tanong ko dito.

"I don't want you have boyfriend or girlfriend po." Hala! Kung maka-ayaw naman ito dinaig pa sina mommy.

Napatingin ako sa mommy niya na nakatingin at nakikinig sa amin. Ayan, naka "chismosa mode" si Miss.

Mabilis siyang umiwas ng tingin ng mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya. Hiya yarn?

"Bakit ayaw mo?" Tanong ko dito. Lumapit siya sa bandang tenga ko at bumulong.

"I only want you for my mommy not for the others. So if magkaka-girlfriend ka po, dapat si Mommy para magiging mommy ko na rin po kayo."

Anak ng! Tang ina! Speechless ako mga mare. Pambihirang pag-iisip ang mayroon itong batang ito. Pala-desisyon din.

"But you're mommy doesn't like me." Bulong ko din dito

Umiling naman siya. "She likes you po." Oh diba? Paladesisyon talaga.

Ngumiti lang ako at inalis na siya sa kandungan ko.

"I have to go na, baby." I said at inayos na ang gamit. Tumango ito at pumunta sa mommy niya.

"Ahh Miss Harper, thank you po sa kanina at sa food. And sorry din po sa abala at sa nasaksihan niyo. Kalimutan niyo na lang po iyon and bukas po, I promise, I'll take my punishment."

Tumingin lang ito sa akin ng emotionless kaya hindi ko alam kung anong nasa isip niya.

"It's fine, don't worry I won't give you punishment, but here-" may kinuha siyang papel sa drawer niya at inabot sa akin. "Answer all these so that you can catch up to all the activities I gave to your classmates last week and earlier."

Kinuha ko ito at inilagay sa bag. "Thank you po."

Tumango ito at unti-unti na ring nag-aayos ng gamit.

"Ba-bye, baby. See you tomorrow." Paalam ko sa bata pero mabilis itong sumagot.

"I won't be here tomorrow ate pretty."

"Why? Where are you going?" Tanong ko dito.

"I'll go to my lolo and lola po sa Singapore because we don't have classes po until sa friday."

Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin na ginawa naman niya. Niyakap ko siya at ganon din siya sa akin.

"I'll miss you, baby." Malambing kong saad.

"I'll miss you more po, ate pretty." She answered at pinugpog nanaman ako ng halik kaya napahagikgik ako.

"Oh, sige na. Babye na." Paalam ko at naglakad na papuntang pinto pero bago pa ako makalabas ng tuluyan ay may pahabol pa na sinabi si Brielle na nagpatawa sa akin.

"No boyfriend or girlfriend po, ate pretty ha?"

"Okay, mommy!" Sagot ko at tuluyan ng umalis.

Pumunta na ako sa car ko at aalis na sana ng marinig kong tumunog ang phone ko. May nag text.

From: Miss HARTper 🤍
"Review the activities I've gave you now. We'll be having a quiz tomorrow. Take care."

Damn. Yung ngiti ko, abot hanggang langit. Ang lakas ng tama ko sa magandang nilalang na ito.

Nireplyan ko muna siya bago ako tuluyang umuwi. Buti nalang walang tao sa bahay pagdating ko dahil nasa trabaho ang lahat at si Nanay Tes naman ay nasa kusina, kung hindi, mapagkakamalan akong baliw dahil kahit ako lang mag-isa ay hindi maalis alis ang ngiti sa labi ko.

~~~~~

Continue lendo

Você também vai gostar

142K 3.9K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
434K 19.8K 44
Madison Vasquez is a drop-dead gorgeous and a perfect recipe for immense destruction of Vasquez family. Avrielle Rawén Valle d'Aosta Cervantes is wil...
6.8K 419 18
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
Nothing Changed De A.

Ficção Geral

32.6K 1K 40
Khyzin Handermon ay kinikilalang bilang isang Dearin Luciano. Nagbago ang kanyang pangalan simula nang umalis ito tungo sa isla upang may kilalanin...