"Thank you, bes." - Short Sto...

By MsDimple13

1.5K 55 8

ONE SHOT STORY - MAY 9, 2015 - 1:28am More

Fin

1.5K 55 8
By MsDimple13

A/N: Out of nowhere ang mga pangyayari dito. Out of boredom ganon. Pinilit ko lang 'to tapusin kasi may iba pang short story na waiting sa profile ko. Hahaha. Enjoy. :)


PS: Be ready for a bunch of bad words and typos. At kung may makita kayong name na "Macy" sa kalagitnaan, iconsider niyong si Trish yun. Nadadalawang isip kasi ako kung "Macy" or "Trish" ang gagamitin pero in the end I chose "Trish".


PPS: Hi baby. Saranghae ;)


PPPS: Sorry kung hindi nyo gets yung kwento. Pinaikli ko na talaga to since ayoko ng madaming nakatambak sa wattpad acc ko.


PPPPS: Baka may chance na iedit ko pa to. :)



  —-


"Asan ba yun? Anak ng..."



"Kuya, naliligaw ka?"



Iisnobin ko na sana pero hindi ko nagawa. Shit, ang ganda niya.



"Ha? Ah... oo eh." Nakakahiyang aminin pero nasabi ko na.


"Incoming freshmen ka din ba? Ako din kasi eh. Tara." Ningitian niya ko kahit di ko pa nasasagot ang mga tanong niya.



"ANAK NG!"



"Bilisan mo Ken Salvador! Ayoko ng babagal bagal. Anak ka ng tokwa!"



Hinila hila niya agad ako palabas ng classroom kahit alam niyang kakagising ko lang sa panaginip ko. Kakatapos pa lang ng klase pero parang hindi siya napagod sa dami ng mga sinolve kanina (na tinulugan ko lang dahil alam ko na naman pano gawin iyon).



Natutulala ako sa mga ngiting nakikita ko. Natural na ganda. Halos dalawang taon ko na siyang kaklase at bestriend pero natutulala pa din ako. Hanep na babae 'to.


Ako si Ken Salvador, nabestfriend zoned ng isang Trish Yvarra. Tulad ng iba, inlove ako sa bestfriend ko.



___


"Bes, sure ka okay na yun? As in?"


"Pang ilang milyong tanong mo na yan Yvarra ha? Oo nga kasi."



Masayang masaya yung mukha niya habang naglalakad kami sa mall. Kakatapos lang namin mamili ng regalo para sa boyfriend niya. Oo, typical na. Bestfriend ko tas ako mahal siya pero siya may boyfriend pero hindi- hindi tarantado ang boyfriend niya. Kung idescribe siya ng mga babae ay dream guy nila at kahit bakla nga pakinggan, pwede na nga siyang makunsidirang dream guy.


Mayaman. Matalino. Galing sa kilalang angkan. Nagaaral sa sikat na unibersidad. Mahitsura. Totoo lahat ng yan pero ganun din naman ako, mas pinili ko nga lang mabuhay sa simpleng pamamaraan samantalang ang boyfriend niya ay hindi.



"Sure ka talaga ha?"


Napatingin ako sa likod ng isang lalaki. Parang si Harold, yung boyfriend ni Trish. Dahil dakilang bestfriend naman ako papel ko dito, hinila ko siya papasok sa isang fast food chain at inutusan siyang umorder ng pagkain.


"Nagugutom ka na naman?"


"Dali na. Alam mo namang may dragon sa loob ng tyan ko eh."


"Nagpacute" ako sa kanya gamit ang tinatawag nilang "pout" at "shinning shimmering eyes". Paano ko nalaman ang terminologies na yan? Kasalanan ng bestfriend ko kung bakit.


"Ang pangit mo. Sige na. Humanap ka na ng table."


Hindi niya na napansin na lumabas ako ng ffc na iyon at hinabol ng tingin yung lalaking parang si Harold at yun nga, siya yung lalaking mahal ng babaeng minamahal ko- na ngayo'y may kadate na babae bukod sa kanya. 


___


"Kyah! Bes tingnan mo dali!"


Niyugyog niya ko mula sa pagkakaupo ko sa canteen. Ang tahi-tahimik ng mundo ko pero literal na ginugulo niya kapag dumadating siya.


"Bakit ba bes?" Tanong ko sa kanya.


"Nafeature yung article ko sa newspaper oh! Tingnan mo dali dali!"



Kahit halos masampal na niya sa mukha ko yung sinasabi niya ay masaya ako sa nakita ko. Part siya ng org para sa nasabing newspaper pero ilang beses na hindi natatanggap ang ginagawa niya- eto ang pinakaunang napublish finally ang sinulat niya.


Niyakap niya ko ng mahigpit, at ngayo'y umiiyak siya. Tears of joy. Matagal na niyang gusto mangyari ang bagay na ito at alam ko na pinaghirapan niya ang bawat salitang nandoon.


"Bes, thank you..."


"Para saan?"


"Para sa pagiging cheerleader at editor ko at the same time."


Nagbalik saking alaala ng bigla niya akong binulabog para lang icheck ang laman ng gawa niya. Walang pasintabi, ni text o call pero dahil mahal na mahal ko siya ay tinulungan ko siya (tho kinabukasan bumagsak kami pareho sa isang importanteng quiz).


"Thank you, bes..."


Hay. Yayain ko ba magmall 'to? Pero pano kung makita namin—este ko si Harold na naman? Tapos hindi ko masolusyonan? Anak ng. Wag na nga.


___



Ilang buwan ko na din tinatago kay Trish ang nakita ko sa mall (pero hindi pa rin ako mapakali kaya't ilang linggo ko na din ito iniisip). Ngayo'y magkaaway na naman sila. Walang katapusang away bati pero ako 'tong bestfriend kaya taga-comfort lang ako.


"Bes bakit hindi ka naiiyak? Wala ka bang puso ha? Bes tingnan mo oh..."


Andito ako sa apartment ni Trish, sinasamahan siyang kumain ng paborito niyang ice cream habang humahagulgol siya sa movie na "Koizora". Konti na lang at makakabisado ko na ang kwento nito dahil ilang milyong beses ko na napanood 'to na kasama siya.


Pinapanood na namin ang isa pa sa mga paborito niya ng sumandal siya sa balikat ko. Normal na sakin na makatulog siya sa kalagitnaan ng movie marathon. Siya lang ang kilala kong nakakatulog kaagad pagkatapos lumamon ng ice cream.


Tulad ng nakagawian ay binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at inilgay siya sa kama niya, binalutan ng kumot at mabilis ding nilisan ang lugar na iyon. Niligpit ko lahat ng kalat- tissue, gupit gupit na pictures ni Harold (na alam kong ipapaprint niya ulit kapag nagkabati sila) at ilang balot ng junk foods.


Pagkatapos kong magligpit ay pumunta ulit ako sa kwarto niya at inilagay ang isang box ng cupcakes sa study table niya. Hindi ko naiwasang tingnan siya habang natutulog. Maya maya pa't hindi ko napigilan lapitan siya, inayos ang ilang buhok na nakaharang sa maganda niyang mukha at sabay sabi sa isip ng linyang "sana ako na lang...".


___


Pagkalabas ko ng apartment niya ay nandoon si Harold, may dala-dalang mga rosas at teddy bear. Hindi niya hilig ang rosas pero simula nung naging sila ay kinokonsidera na niya itong paborito niya at ayaw din niya ng sobrang laking teddy bear (tulad ng dala dala niya), ang gusto niya ay yung sakto lang para mayakap sa mga braso siya at hindi ito ang yumakap sa kanya.


"Si Trish?"



"Natutulog."



"Ganun ba..."



Binigay ko ang duplicate ng susi ni Trish sa kaya at umalis na ako. Ganito naman palagi eh. Ako yung nagpaparaya, ako yung nasasaktan. Mahal siya ni Trish, anong magagawa ko?



___


Mabilis na lumipas ang panahon. Magkasama na naman kami ni Trish sa isang mall. Gusto niya magcelebrate dahil nakapasa siya sa Accounting subject namin- ilang beses ba naman siya pumalya kaya tama lang na magcelebrate siya ngayon.


Kumain kami ng pizza at pinilit pa niyang siya ang magbayad pero dahil lalaki ako- inunahan ko siya. Matapos naming kumain ay naglalakad lakad kami sa department store, iniwan niya ko kaya nagtingin ako ng mga damit para sa lalaki.


"Bes!"


"Oh?"


"May naiwan ako sa room. Samahan mo ko."


Nadali na naman ako ng ngiti niya kaya wala akong nagawa.


"Tara."


"Thank you, bes..."


___


Mabilis naman niyang nakuha ang notebook na naiwan niya sa classroom at ngayo'y ihahatid ko na siya sa apartment niya pero hindi pa man kami nakakalayo mula sa unibersidad ay napatigil ako bigla sa paglalakad. Si Harold kahalikan ang babaeng nakita ko sa mall.


Hinarangan ko ang daanan at hinila si Trish palayo. Ayokong makitang iiyak na naman siya dahil sa lalaking 'to. May binulong siya pero hindi ko naintindihan. Isa pa Harold, mapapatay na kita.


___


Simula nung araw na iyon, napapadalas ang pagabsent ni Trish. Hindi ko naman tiyak kung anong problema, basta napapadalas ang pagtawag niya sakin para manood ng movie at kumain ng ice cream, ang pagiyak niya hanggang sa makatulog. Hindi ko alam na ganto pala ang epekto kapag naloloko ng lalaki- pero alam na kaya niya?


"Bes..."

Paulit ulit na niyang tinatawag akong ganyan. Ilang oras na siyang umiiyak.



"May babae si Harold... yung mortal enemy ko pa... Bakit..."

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Nadudurog ang puso ko kapag umiiyak siya. Sabi ko kasi sayo, ako na lang.


Dahil din siguro sa pagod ay naisipan niyang matulog muna pero humihikbi pa din siya. Ipinatong ko ang ulo niya sa dibdib ko habang yakap yakap niya ko.


"Bes... labas ka muna."


Tiningnan ko siya at eto na naman, naguumpisa na naman rumagasa ang mga luha galing sa mata niya. Napailing na lang ako pero wala akong nagawa, hindi naman nagsasabi si Trish ng mga bagay na may reverse meaning. Straight to the point siya sa lahat ng bagay.


Inayos ko ang unan niya at binigay ang paborito niyang stuff toy. Dali dali niya itong niyakap at tsaka ibinalot ang sarili niya sa kumot. Medyo hininaan ko ang aircon at matapos ang ilang segundo na pagtitig ko sa kanya ay umalis na ako ng nadudurog ang puso ko lalo dahil sa mga sinabi niya.


"Thank you, bes..."


___


Dahil alam kong nakaugalian ni Trish na ilagay ang address ng isang tao sa contacts niya ay dali dali kong hinanap ang pangalan ni Harold dito. Hindi nga ako nagkakamali andoon yung address niya. Sorry Trish pero sisirain ko muna ang pangako ko sayo na hindi ko 'to papatulan. Ang sakit makita na ganyan ka.



___



Kahit sobrang lakas ng ulan, nagmamadali akong kinalabog ang gate ng bahay ng tarantadong 'to. Tangina, wala na akong pakielam. Sumosobra na 'tong putanginang hayop.


"HOY HAROLD LUMABAS KA DYAN! HAYOP KA. TANGINA MO."


Bumukas yung malaking pintuan na natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko. Nagmadali siyang buksan ang gate ng pagalit at bago pa siya makalabas ay sinalubungan ko na siya ng suntok. Hindi eto ang Ken na kilala nila, pero tangina- bahala na.


Tinulak niya ko ng malakas kaya natumba ako sa kalye. Pinigilan siya ng mga maid niya pero pinandilatan niya ito ng mata kaya wala silang nagawa. Buti na lang, putangina dahil gusto kong patayin ngayon 'tong gagong 'to.


"TANGINA MO. ANONG PROBLEMA MO HA?" 

Binigyan niya ko ng suntok saktong pagkatayo ko pa lang- hindi naman ulit ako bumagsak kaya nagantihan ko din siya kaagad.


"IKAW ANG PROBLEMA KONG GAGO KA. SABI MO HINDI MO NA PAPAIYAKIN SI TRISH. EH ANONG GINAWA MONG PUTANGINA KA? HA?" 


Bumagsak siya at dali dali ko siyang kwinelyuhan tsaka pinaulanan ng mga suntok. Dapat na siyang mamatay ngayon na. Tangina niya. Pinaiyak na naman niya yung babaeng hinihiling kong maging akin. Puta.


Tumayo ako bigla pagkatapos kong makuntento. Maglalakad na sana ako palayo ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko. Sinuntok ko kaagad siya pagkaharap ko.


"TANGINA KA HAROLD. MAHAL MO BA SI TRISH? ANG GAGO MO."


Ilang beses ko pa siyang sinuntok ng paulit ulit. Sana mamatay na tong gagong 'to pero hindi pwede, ikamamatay ni Trish yun. Tangina, Trish na naman.


"ANO BANG KINAGAGALIT MO? ANO BANG ALAM MONG GAGO KA?"

Sinabi niya yan sakin habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Natuwa ako bigla sa nakita ko. Bastos pakinggan pero pucha, kulang pa yan. Sinugod ko ulit siya at sinuntok pa ng ilang beses. Hindi ko mapigilang maiyak- pasalamat na lang talaga ako na ang lakas lakas ng ulan.


"ANONG ALAM KO? EH HAYOP KA PALA EH. ALAM KO LAHAT KASI SAKIN NIYA SINASABI! TANGINA KA! KUNG ILANG BESES MO SIYA PINAIYAK, KUNG ILANG BESES MO SIYANG GINALIT, KUNG ILANG BESES MO SIYANG SINAKTAN... ALAM KONG LAHAT YUN TARANTADO KA!"


Tiningnan niya ko ng masama. Sinuntok ko siya ng paulit ulit. Sana nga bawat suntok ko sa mukha niya ay nababawasan ang sakit na nararamdaman ni Macy ngayon.


"AT ALAM MO BA BAKIT? TANGINA. BEST FRIEND AKO EH. AT ALAM MO PA YUNG NAKAKATANGINA? BEST FRIEND LANG AKO. PUTA. SANA AKO NA LANG MINAHAL NG BABAENG SINASAKTAN MO NG TODO. MAMATAY KA NG HAYOP KA."


Hingal na hingal ako, pero nawala yung sikip na nararamdaman ko sa dibdib ko matagal na panahon na. Tulala lang si Harold pagkatapos. Binigyan ko siya ng huling suntok at tsaka siya iniwan dun.


Saktong nagtext si Trish at gusto niya akong pumunta doon ulit. Yari ako neto, bugbog pa ko ng hayop na 'to. Bahala na nga.


—-


"Ken naman kasi.. ano bang ginawa mo?"


Andito ako sa apartment ni Trish. Tinitingnan niya yung konting sugat na nakuha ko kanina. Hindi maalis ang tingin ko sa mata niya, namumugto ito. Ilang oras kaya siya umiyak ngayon pagkaalis ko? Gabi na umiiyak pa din siya?


"Dito ka na magstay. Tatawagan ko sila Tita ha? Patawarin ka. Wala ka bang bali Ken?"


Kinapa kapa niya yung likod ko, yung kamay at mga braso ko. Tangina, sana ako na lang Trish. Tumayo siya at pumunta sa kwarto niya, kinuha niya yung mga damit ko (na sinadya kong iwan dito dahil nagpumilit siya noon) at yung towel na madalas kong gamitin kapag andito ako. Tiningnan niya ko ng masama.


"Mainit na yung tubig sa banyo, maligo ka na at tsaka natin lilinisin yung mga sugat mo..."


Lumapit ako sa kanya, kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ng dahan dahan ang pisngi niya. Trish, sana ako na lang... Dahan dahan kong inalapat ang mga labi ko sa noo niya at marahan na ipinikit ang mga mata ko.


Ilang segundo na ang lumipas at hindi pa rin niya ako tinulak. Tinigil ko ang paghalik sa noo niya at tsaka ako ngumiti ng kaunti. Para siyang bata nung kinusot niya ang mga mata niya.


"Maligo ka na, babasain mo pa ko."


—-


Mabilis akong natapos at pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakatulog na sa sofa habang nanonood ng movie na paborito niya- The Notebook. Sinabit ko yung towel na ginamit ko sa upuan. Eto na naman ang prinsesa, magpapabuhat na naman.


Walang utos utos mula sa kanya, binuhat ko siya ng marahan- tinungo ang kwarto niya at dahan dahan na inilagay sa kama niya. Binalot ko siya ng kumot niya at pati yung paborito niyang unan ay sinigurado kong yakap yakap niya.


Napalibot ang tingin ko sa paligid pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Isang box. Pregnancy test kit. Akala ko hindi pa gamit pero bukas na yung box- wala ng laman.


Lumabas ako dali dali ng kwarto niya at bumalik sa banyo, hinanap ko kung nasan yung laman nun. Pagkabukas ko ng cabinet ay dun ko nakita ang hinahanap ko. Mas kinagulat ko ang nakita ko. Dalawang linya.


———


lsang linggo na kong iniiwasan ni Trish. Tinitext ko, hindi nagrereply. Hindi siya pumapasok. Ngayon, finals na. Pumasok siya pero hindi niya ko pinansin, kahit inalok ko siya ng paborito niyang mango juice. May nagawa ba ko?


____


Isang taon ang mabilis na lumipas. Hindi na kami ganoon magkasama si Trish. Hatid sundo ni Harold si Trish. Magulo ang relasyon nila. Nababalita nga sa apartment ni Trish na madalas silang mag-away. Hindi ko na siya macomfort tulad ng dati. Hindi na ako tinatawagan o tinitext man lang. Tapos na ba yung role ko sa pagiging bestfriend niya?


———


Natapos ang last sem sa pagiging 3rd year students namin. Graduating na kami. Mageenrol na ko ngayon. Hindi pa din ako kinakausap ni Trish. Wala na din siya sa apartment niya. Cannot be reached na ang phone number niya. Nasan ba siya?


"Nabalitaan mo ba? Lilipat na daw si Trish Yvarra." 

"Oo nga eh, kung kelan last year na."


S.A. ni Dean yung mga nagsalita. Tiningnan ko sila ng masama at hindi na nagaksaya ng oras na pumunta sa student affairs office dahil doon ata unang kukuha ng request for drop out. Posible ba yun? Teka, ang gulo. 


Pasimple akong tumingin sa mga papers na nasa table nila habang kunyaring kumuha ako ng kung ano mang blankong form ang makita ko at andoon nga yung request niya for drop out. Anong trip na naman ba 'to?


———


Nagsimula ang first sem 4th year ng walang balita kay Trish. Ni isa sa tropa namin ay hindi alam san siya napadpad- ang huling update lang sa kanya ay pinagdrop out siya dahil gusto ng parents niya. Bakit? Anong problema?


____


Nasa labas na ako ng PICC. Ilang minuto na lang ay mag sisimula na kaming maggmartsa. Natapos ko ang 4th year college na ni anino niya ay hindi ko man lang nakita. Walang araw na hindi siya pumasok sa isip ko.


Bigla akong nakaramdam ng braso na pumulupot sa bewang ko at hinalikan ang pisngi ko. Ningitian ko siya at tsaka inayos ang cap na suot niya.


"Babe tara na?"


Tumango ako bilang sagot. Inakbayan ko sya habang papasok at naghiwalay din kami maya-maya para makapunta sa tamang upuan namin. Nagumpisa ang ceremony at hindi ko mapigilang tumingin sa paligid, nagbabakasakaling makita siya kahit saglit.


Mabilis na lumipas ang bawat segundo. Natapos ang seremonya ng ganun kabilis para sakin. Niyakap ko ang girlfriend ko pagkatapos. Umiiyak siya at pinatahan ko siya. Bago pa lang kami ng girlfriend ko, apat na buwan pa lang. Ramdam ko naman na mahal niya ko, mahal na mahal, at mahal ko din naman siya- sadyang gusto ko lang tapusin at aminin ng pormal ang nararamdaman ko kay Trish bago ko siya tanggapin ng buo.


___


[Babe, sunduin kita ha?]


<Sige babe. Nandito ako sa mall.>


Two years na ang lumipas at kami pa din ni Nika, ang girlfriend ko simula nung college. Naging successful kami sa careers namin kaya ngayon ay on the way ako para sunduin siya.


___


Papunta na ako sa paborito niyang fast food chain ng may nakabangga saking babae. Nabitawan niya yung yakap yakap niyang bagay. Hindi sinasadyang nahulog yun ng nakabukas. Dali dali niya iyong kinuha at ako naman ay napatigil sa kinatatayuan ko. Nag-sorry ako sa kanya pero nagmamadali siyang tumakbo palayo.


Nanatili pa din akong napatigil sa lugar na kinatatayuan ko at nanginginig ang kamay ko ng dahang dahan kong pinulot ang isang litrato na nahulog siguro ng babae. Picture namin ni Trish 'to nung 3rd year kami. Hinabol ko ng tingin yung babae kanina. Maglalakad na sana ako para hanapin siya pero bigla akong nakaramdam ng mga palad na nakatakip sa mata ko.


Pagtanggal ko ay nakita ko ang nakangiting girlfriend ko, dali dali niya akong niyakap.


"I miss you Ken. Ang tagal mo."


Ningitian ko lang siya saglit at hinabol ulit ng tingin yung babae pero wala na siya.


___


"Babe may gusto akong ipakilala sayo..."


Tumingin ako saglit sa kanya at dumiretso ulit ng tingin sa daan.


"Sino, my love?" Tanong ko sa kanya.


"Basta. Punta ka sa hospital na yun dali." Tinuro niya ang isang building ng hospital na ilang minuto lang mula sa kinaroroonan ng sasakyan.


Mukhang hindi naman siya nagbibiro kaya pinuntahan namin ang hospital na yun.



___


Pagkapark ko pa lang ay may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Niyakap niya ang isa kong braso, ngumiti ako sa kanya at tsaka inayos ang ilang buhok na nakaharang sa mukha niya.


Patuloy lang kaming naglakad, ni hindi man lang siya nagtanong sa information desk. Pumunta kami sa third floor at may pinasukan na isang kwarto. Natulala ako sa nakita ko. Dahan dahan siyang tumingin sakin ng may ngiti sa kanyang mga labi na ilang taon kong hinanap hanap.


"Ken..."


Mahina man ang boses niya pero rinig na rinig ko iyon. Tinawag niya ko. Ilang taon ko din hindi narinig ang boses niya.


"Trish..."


Mas lumapad pa ang ngiti niya. Sobrang ganda niya ngayon... kung hindi lang sana maputla ang mukha at mga labi niya. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dahan dahan ko siyang kinulong sa mga braso ko. Mayroon mang mga likidong nahuhulog mula sa mga mata ko ay hindi ko maiwasang hindi ngumiti kahit isang segundo lamang iyon.


Naramdaman ko ang mga palad niya sa likod ko, tulad ng dati ay hinayaan nito na kumalma ako sa mga simpleng paghagod niya. Hindi tumitigil ang mga luha ko pero inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya.


Naramdaman ulit ng mga palad ko ang pisngi niya. Tatlong taon...


"Ken..."


"Trish... bakit ka bigla nawala? Bakit? Hinintay kita."


"I'm sorry..."



Niyakap ko ulit siya. Naramdaman ko ang bawat luha na lumalabas sa mga mata niya. Miss na miss kita Trish... damn.


___


Hours passed by at kinuwento niya ang lahat sakin. Sinabi niya na dapat tatakutin lang niya ako na umalis siya ng bansa dahil may tatlong linggo siyang bakasyon sa ibang bansa kasama ang parents niya (na kung saan ay dun na nagtatrabaho). Bigla siyang sinugod sa hospital and dun pa lang nalaman na may leukemia siya. Tinary din nila magpacheck up sa ibang hospital- yung bakasyon niya naging halos puro check up at same results. Tinapos niya yung bakasyon at tsaka pumasok nung finals para matapos lang lahat ng grades niya.


Buntis din siya nung mga oras na yun at aksidenteng nahulog ang batang nasa sinapupunan niya ng mahulog siya sa hagdan. Nalaman niya ito bago siya sinugod sa hospital.



Hindi na daw niya kinaya pa sabihin sakin ang kasi nawalan na siya ng pag-asa. She chose to runaway. Isang taon ang pinalipas niya para sa pagpapagamot dito sa Pilipinas pero walang nagawa. Miracles happen day by day kaya tumagal pa daw siya sa kabila ng hirap at sakit sa pagkawala ng isang buhay na dinadala niya. Now, she decided to tell me the truth- kase nagaalala daw siya sa friendship namin.



"Ken..."


Tumingin ako sa kanya at tsaka siya ningitian, nakatulog siya sa dibdib ko. Ang sarap sa pakiramda. Ngayon lang 'to nangyari.


"Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya sakin habang nakangiti pa rin ako sa kanya.


"Uy Ken umuwi ka na..." Marahan niya kong tinulak at dahan dahan siyang umupo habang inaalalayan ko.


"Ken ano ba..."


"Namiss lang kita Trish..."


"Umuwi ka na. Punta ka na lang ulit bukas..."




Nagtext na rin ang girlfriend ko kaya mabilis na akong nagayos at umalis. Hinalikan ko siya sa noo at kampante akong nakangiti siya.


"Nga pala..." Nilingon ko siya habang hawak ko pa din ang door knob.


"Thank you, bes."


___


Bago ako makatulog paguwi ko ay magkausap pa kami ni Trish. Not the way we used to be na kung saan puro tawanan at kakornihan, this time all I can hear is her voice calling out my name every minute.


"Trish... mahal kita."


Hindi ako nakapagsalita. Para akong nabingi sa narinig ko. Totoo ba yun?


"Trish, ano yun?"


"Wala bes. Sabi ko thank you..."



Ish. Bat ko ba pinaulit sa kanya? Tanga naman oh.



"Ken, inaantok na ko..."



"Tulog na tayo Trish... "



"Ken, mahal kita..."



"Good night, Trish..."



"Thank you, bes..."


___


7am. Naglalakad ako papunta sa kwarto ni Trish, dala dala ang isang basket na may lamang mga prutas. Pagkaliko ko pa lang sa hallway ay nakita ko ang doctor na lumabas sa kwarto ni Trish.


Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko nung hawak ko na ang door knob. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at dali dali ko itong binuksan. Gumuho ata ang mundo ko.


___



"Ken tara na..."


Dahan dahan akong naglakad pagkalabas ko ng kotse. Isang taon na ang lumipas, hindi na sobrang sakit pero hindi maikakaila na meron pa ring bahid ng sakit at pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Ang tanga tanga ko kasi.


Ilang minuto ang lumipas at pareho lang kaming nakatingin sa puntod niya, sa puntod ng babaeng minahal ko higit pa sa bestfriend.


"Iwan muna kita babe." Ningitian ko siya ng sincere at umalis nga siya tulad ng sabi niya.




"Trish..."



Napaluhod ako sa harap ng puntod niya. Ang sakit pa din pala. Ang tanga tanga ko. Shit.



"Mahal kita, bes..."



-fin-

Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
5.2K 171 59
Bestfriend series #1 Professorxstudent Started: April 8, 2024 End: May 16, 2024
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...