LIVING WITH MY EX

By Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Seven

239 36 0
By Thaeryzxia


Napaawang ang mga labi ko ng makita ang maliliit na sugat sa katawan ni Karic. Parang tumalon ito sa glass window dahil nakita kong may benda rin yung paa nya.

"Zertyl, you're here?" Gulat na sabi ni Ashna at niyakap ako.

"Sakto patapos na rin sila. Oh gosh kanina pa dapat ako aalis eh, kaya lang hindi naman nila gagamutin si Karic kapag wala ako, you know naman." Sabi nito habang inaayos ang laman ng bag ko.

"Gosh... super late na talaga ako. I have to go na bye!" Sabi nito at dali daling lumabas ng pinto.

"Ash." Tawag ko rito.

"Yes?" Tinuro ko ang kamay nito.

"What happened to your hand?" Tanong ko.
"Ah... hahahaha i accidentally punch my mirror out of anger." Sabi nito at pilit na ngumiti at saka nagpaalam na umalis.

Accidentally? Sa lahat ng susuntukin nito salamin pa talaga?

Napatingin ako sa mga nurse na nagmamadaling ligpitin ang mga gamit nito. Nginitian ko ang mga ito at saka umupo sa tabi ng kama ni Karic.

Why am i here again? Worried? Curious?

Agh! What happened ba?

Habang naghihintay, nagluto muna ako ng pagkain. Pagkababa ko wala na yung dalawa. Nasa gitna na ako ng pagluluto ng makarinig ako ng mahinang kalampag.

"What the hell." Wala sa sariling sambit ko ng makita si Karic na pilit na bumaba ng hagdan.

"B-babe?" Nabalik ako sa katinuan at nagmamadaling inalalayan ito pababa.

"Bakit ka pa bumaba? Magpapakamatay ka ba? Muntik ka ng mahulog sa hagdan. Alam mo namang may benda pa yang paa mo!" Sermon ko dito at matalim itong tinignan.

"W-what?" Naiilang kong tanong dahil nakatitig lang ito sa akin. "You're here." Sabi nito at unti unting ngumiti. Nagulat ako ng akbayan ako nito at hinalikan sa pisngi. Hindi agad ako nakareact at parang tanga na nakatayo sa gilid nito.

Muntik na kong mapasigaw ng hapitin ako nito sa bewang palapit sa kanya.

"Karic!" Tumawa ito at nagpatuloy na sa pagbaba. Napakagat ako ng labi at napaiwas ng tingin, feel ko namumula na yung pisngi ko ngayon.

Hirap na hirap akong alalayan ito pababa dahil ang tangkad nito at napakalapit pa nito sa akin. "Dito ka muna, matatapos na yung niluluto ko."

"Sure babe." Inirapan ko ito at saka umalis. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating sa kusina, napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"HERE." Nakakunot noong tinanggap nito ang candy na bigay ni Aera. "Dessert." Sabi ko dahil kakatapos lang nito kumain.

"Seriously?" Natatawang sabi nito pero kinain pa rin yung candy.

"Can you tell me now what really happened last night?" Tanong ko na ikinatikhim nito at umiwas ng tingin

"I just got some troubles while drinking in a bar." Napataas ako ng kilay dahil hindi kapani-paniwala ang dahilan nito.

"Troubles? Tapos ganito yung itsura mo? Ang weak mo naman pala. Sinalo mo ba lahat ng suntok nila. Ano yun nagbatuhan kayo ng basag na wine bottle. Ano naman nangyare sa paa mo?"

"And please don't lie. Karic please tell me the truth. Are you still working as an agent?" Natahimik ito.

"N-no." Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Aalis na ako."

"No no no..... babe." Masamang tinignan ko ito. "Stop calling me babe, wala namang tayo. And please stop calling me everynight." Sabi ko at naglakad papuntang pinto.

Napakunot noo ako ng hindi ko mabuksan yung pintuan.

"Karic." Nilingon ko ito at nakitang may hawak itong remote.

"Can't you stay a little longer."
"Hindi ako pwedeng gabihin."

"If i'm gonna tell you the truth. Would you stay?" Hindi ako sumagot at tinitigan lamang ito.

"We don't have a choice. I already told you about this before."

Weird na kung weird pero isa sa mga dahilan kung bakit ko jinowa ang taong to dahil nalaman kung nagpa-part time ito as an agent sa agency ng Tito nito.

I really wanted to have a husband na detectives or agents.

"Bakit di mo na lang sinabi agad?" Tanong ko at umupo. Napakunot noo ito pero unti unti ring ngumisi at agad na lumapit sa akin.

"Don't you dare come near me. Pinaimbestigahan mo ba ako ng mawala ako?" Tanong ko. I know na magdadalawang buwan lang yung relasyon namin pero kung totoo nga ang sinasabi ni Ashna.......

"No. I would never do that. It's like i am fucking invading your privacy if i will do that and Im not that kind of man, babe." Nakahinga ako ng maluwag na ikinakunot ng noo nito.

"Why did you sigh?"
"Did i? Wala naman ah." Pagsisinungaling ko rito. Ngumiti ito at hinawakan ang bewang ko.

"Resign and be my nurse." Pinandilatan ko ito at pilit na inaalis ang kamay nito.

"Mr. Williams don't be so clingy and no i can't be your nurse but i am planning to resign." Straight kong sabi kahit na parang lalabas na yung puso ko sa sobrang lapit nya sa akin.

Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag 6 kaya kailangan ko ng umuwi.

"Karic, i need to go home now." Nawala ang ngiti nito at napasandal sa sofa.

"Why are you always like this." Bulong nito. Hindi ko ito pinansin at kinuha ang remote nito para buksan ang pintuan.

"I'll drive you—" napatigil ito ng matalim ko itong tignan.

"Really? Ihahatid mo ako sa ganyang kalagayan? Are you joking Mr. Williams?" Sinamaan ako nito ng tingin pero pinagtaasan ko lang ito ng kilay.

"Can't you stay? I have no one here—"
"Call Ashna or Veyra or hire a nurse. Yung totong nurse at hindi ako yun."

"And please Karic don't call me kapag nasa mission ka, you're making me nervous."

"Nervous or worried?" Nakangising sabi nito. Inirapan ko ito at umalis na.

Napatigil ako at nilingon ito.

"Karic."
"Yes babe?" Hindi ko pinansin ang nakangisi nitong mukha.

"Don't accept missions not until you're okay." Sumaludo ito. I really don't know why people always say that he's so grumpy and moody. Maybe annoying okay pa.

Pagkarating ko sa bahay nagulat ako ng makita na naman yung matanda.

"Mama...!" Agad na tumakbo sa akin si Aera at nagpabuhat.

"He's here again mama. Pinapaayos naman po nya ngayon yung laptop nya, baka lahat po ng gamit nya pinapaliguan nya kaya ang dami nyang pinapaayos kay lolo.

"Hi. Where had you been?" Napataas ako ng kilay dahil sa tanong nito. Ano namang paki mo kung saan ako galing?

Nagsisimula na akong mainis sa kanya huh. Hindi ko ito pinansin at nilapitan si papa.

"Anong problema ng laptop nya pa?" Tanong ko.

"Oh andyan kana pala anak? Kamusta yung boyfriend mo anak?" Nanlaki ang mga mata ko at di agad nakasagot.

"May boyfriend kana?" Gulat na tanong ng matanda. "That's okay, it's normal na magkaboyfriend ka but you should know that person first baka masamang tao yun. Hindi mo na alam ang totoong hangarin sayo ng tao baka pineperahan ka lang nun. Dapat maghanap ka nang mayaman." Napangiwi ako sa sinabi nito.

"Okay lang na wag mayaman pre. Ang importante husto sa edad ng anak ko at mabuti ang kalooban." Napakagat ako ng labi at pinipigilang mapangisi.

"In other words it's not you po." Nanlaki ang mata ko ata agad na tinakpan ang bibig ng anak ko.

"Sorry gutom lang yung anak ko kaya kung anu ano na ang pinagsasabi."

"It's okay, by the way may dinala akong durian. I have a big hacienda in davao at kakaharvest lang nila ng mga prutas doon. Name a fruit at magdadala ako bukas." Naubo si papa ng malakas kaya napatingin kami rito.

"Anak mag bihis kana muna at gawin nyu na ang mga homework ni Aera." Tumango ako at nagpaalam doon sa matanda.

"Mama we don't eat durian." Bulong ni Aera sa akin habang papasok kami ng kwarto.

"Hayaan mo na anak. Ibibigay lang ulit yan ni papa sa kapitbahay."

Lumabas lang ulit kami ng umalis na ulit yung matanda.

"Sinasabi ko na nga ba at may gusto sayo ang matanda na yun kaya pabalik balik yan dito eh." Sabi ni papa habang naghahanda kami para sa hapunan.

"He's the same age at you lolo. Maka-matanda ka naman po." Natawa ako sa sinabi ni Aera.

"Magkaiba naman kami, ako mukhang 30's lang, eh sya kulubot na!" Napahagikgik si Aera at naghugas ng kamay.

Hindi ko alam kung bakit pero naalagan pa rin ni papa ang katawan at mukha nito kahit matanda na ito.

"You're already 47 lolo!" Sigaw ni Aera, kinurot ito ni papa sa pisngi at nagpatuloy ang mga ito sa pagbibiruan.

Kinabukasan hanggang tanghali lang yung klase ni Aera kaya naman plano kong pumunta mg restaurant para magpaalam na magreresign ako.

"Anak, kasama mo naman si mama walang bad guys doon." Pamimilit ko dito dahil ayaw nitong sumama sa akin at gusto ng umuwi.

"Baby forever na ba yang desisyon mo? Ayaw mo ng pumunta sa ibang place?" Hindi ito sumagot. Nakaupo lang ito at nakayuko habang nagsusulat ng kung anu ano sa lupa. Hinila ko ito pero nagpapabigat ito at bumabalik ulit sa pagsusulat.

"Thaeryxia Kane Gomez." Seryoso kong tawag sa pangalan nito. Agad na tumayo ito at nakasimangot na tumingin sa malayo.

"Pupunta lang tayo sa workplace ni mama tapos uuwi na agad tayo."

"But you can't fight the bad guys." Mahinang sabi nito. Napabuntong hininga ako at kinarga ito.

"Walang bad guys baby, don't worry." Wala itong sagot pero dinala ko pa rin ito papunta doon.

"Sana iniwan mo na lang ako kay lolo, Mama." Sabi nito habang kapit na kapit sa akin. Halos di na ako makahinga sa higpit ng yakap nito sa leeg ko. Ayaw rin nitong magpababa, kaya pagod na ako ng makarating kami sa restaurant.

"Uyy Zertyl! Yan na ba anak mo!?" Gulat na bulalas ni Sany ng makita ako. Napatingin rin sa amin yung iba at halos lahat sila nanlaki ang mata at yung iba napasinghap.

"Kamukhang kamukha ni Sir Karic at Mam Veyra." Napatigil ako ng marinig ang sinabi ni Diyona. Damn! Bakit di ko naisip yun, pero wala naman akong choice kundi dalhin si Aera kasi hindi sya pwede doon sa shop ni papa ngayon.

Hindi ko sila pinansin at dumiretso kay Miss Alina. Hindi ako nahirapan na kausapin ito dahil nasabi ni Ashna ang tungkol sa pagreresign ko.

Ang gagang yun, inunahan pa talaga ako. Sabi ko plano pa lang eh.

"Girl, anak ba yan ni Sir Karic? Naku ikaw na yung laman ng chismisan dito kahit kakarating mo lang." Napairap ako dahil hindi na bago sa akin iyon.

"Bakit nila pinag uusapan si Mama!?" Malakas na sabi ni Aera.

"Do they know that gossip is bad? Hmp! Bakit di na lang sila magtrabaho para magkasweldo sila." Napanganga si Sany at napatingin sa akin.

"Aalis na kami Sany." Paalam ko dito at iniwang nakatulala ito.

"Zertyl?" Napalingon ako at nakita si Alius na kakalabas lang ng opisina nya.

What the fuck! Hindi ako nakagalaw at parang tanga na nakipagtitigan kay Alius.

"Mama sya yung stranger na nagbigay sa akin nung teddy bear!" Masayang tinuro nito si Alius na di makapaniwalang nakatingin sa amin ni Aera.

"Holy Fuck! Does Karic know this?"


Pagod na humilata ako sa kama pagkarating namin sa bahay.

"Mama let's eat there everyday. Ang sabi ni tito Alius libre na po lahat ng kakainin natin. He's so kind mama!"

Napahinga ako ng malalim dahil wala akong tiwala kay Alius, baka madulas ito at masabi kay Karic ang tungkol kay Aera.

Napabangon ako ng tumunog yung phone ko

Karic Calling....

"Hey." Bati ko rito ng sagutin ko ang tawag.

"Really hey? Not hello or hi babe?" Napairap ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Aera na nagsusuklay ng buhok habang sumasayaw. Nakaharap pa ito sa salamin habang nakaon ang music nito sa Ipad.

"Won't you come here today?"
"At bakit naman ako pupunta dyan?" Bumalik ako sa kwarto dahil masyadong malakas ang music ni Aera at hindi ko maintindihan si Karic.

Hindi ko alam kung ilang oras kami nag usap ni Karic hanggang sa dumating si papa.

"I'll try to go there tomorrow." Mahinang sabi ko.

"I'll pick you up."
"Really? Can you?"
"Are you mocking me, babe? I can still even do a missio—" inis na pinatay ko yung tawag at matalim na tiningnan yung pangalan nya sa contacts ko.

Maya maya nakita kong nagtext ito.

Just kidding babe. By the way i didn't know that you still fond in listening to a childrens song.

Shit! Narinig nya yung music ni Aera. Nireplyan ko lang ito ng emoji at saka pinatay na phone ko.

"What the fuck is it, this time?" Wala sa sariling sambit ko ng makita ko ulit yung matanda na kausap ni papa.

Natawa ako ng mahina ng makita ang anak ko na nakapamewang habang nakakunot ang noo na nakatingin doon sa ginagawa ni papa.

"I thought your rich! Bakit lahat ng gamit mo sira? My auntie Ashna kapag nagasgasan lang ng konti yung mga gadgets nya bumibili agad sya ng bago. Can't you buy another one?" Bumukas yung bibig ng matanda at magsasalita sana pero walang lumabas na salita sa bibig nito.

Napailing ako ng makitang sekretong nag thumbs up si papa kay Aera.

"Hi!" Kumislap ang mga mata nito ng makita ako. May kinuha itong tupperware sa paperbag na dala nito at binigay sa akin.

"I have a seafood restaurant na kakabukas lang, naisipan kong dalhan kayo para ipatest taste kung masarap ba." Pinilit kong wag mapangiwi at pilit na nginitian ito at saka tinanggap yung tupperware.

"Ano pong name ng karenderya nyu?" Tanong ni Aera. Pinandilatan ko ito ng mata, napalabi ito at may binulong kay papa.

"Haha yan ang mga gusto ko sa magiging anak ko palabiro. By the way my restaurants name is Vingolya's Resto actully kapartner ko yung sikat na restaurants, yung Alius'Rius." Napataas ako ng kilay at tumango kunwari naniniwala ako.

"Talaga po!?" Gulat na tanong ni Aera.
"Yes naman! Kumpare ko yung may ari nun. Kaklase ko sya nung highschool hanggang college."

"Pfft..." napakagat ako ng labi para pigilang wag matawa. Kumunot yung noo ni Aera at napatingala na parang nag iisip.

"Mama did he repeat college and highschool for like......20 times?" Napahalakhak ako sa tanong ni Aera habang binibihisan ko ito ng pantulog.

"Mama naging kaklase mo lahat yung barkada ni auntie Ashna nung 4th year ka diba? So naging kaklase mo rin sya?" Curious na tanong ng anak ko.

"No baby, he's just lying." Sagot ko rito.
"So lie po lahat ng sinabi nya? He's bad then." Naningkit ang mga mata nito at napanguso. Natawa ako dahil mukha itong baboy na galit.

"Kailan po kaya sya magdadala ng pagkain na makakain natin? Si aling Rosa po kasi palagi ang nakakain ng mga dala nya eh. Didn't he know na allergic po tayo sa seafood? O baka po si aling Rosa po talaga yung nililigawan nya." Natawa ako ng malakas at pinanggigilan ang cute nitong pisngi.

"Baka nga baby, bagay naman sila diba?" Natatawa kong tanong.

"Sa susunod iga-guide ko na po sya sa bahay ni Aling Rosa para hindi na sya maligaw." Natatawang tumango ako.

Guys this is not an agent story, talagang yun lang ang gusto kong trabaho ni Karic. Wag sana kayong maghanap ng Action scene dahil hindi naman po ito nakafocus sa pagiging agents nila.

Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

49.9K 1.5K 38
Siya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila na...
71.7K 1.4K 53
COMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that this guy she's marrying is a part of a...
58.7K 1.2K 50
A woman who is owned by someone's greedy when it comes to his property. She doesn't know what his plans is until a day that day she had never expecte...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...