Fake Marriage, True Love (Lun...

By Jenlunalianiyah

18.3K 579 26

She was forced to accept Liam Andrei Buenaventura's mother's offer to be her wife because she needed money to... More

•••
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note!
Next Series

Chapter 27

434 15 0
By Jenlunalianiyah

Binigyan kami ni Liam ng oras para makapag-usap ni Ella at hindi ko mapigilan ang sarili kong lumayo sa kanya. Sa tuwing lumalayo ako sa lalaking yun, may humihila naman pabalik sa'kin papunta sa kanya.

"You know what, Esther? Liam was so broke when you left. We're broke at that time. I'm sorry. Bakit ba kasi hindi kita pinakinggan." Rinig ko ang pag-iyak niya ng magsimula siyang magsalita.

"Ella."

"You don't deserve to treat like that. Sinadya kong tapunan kita ng tubig noon dahil sa galit ko sa'yo. Dahil sa galit na isa palang pagkakamali. Galit na pinagmulan bg walang kwentang bagay. Patawarin mo'ko." Sabi niya na umiiyak bago hunarap sa'kin at yakapin ako. "I'm sorry."

"Tigilan mo nga yang pag s-sorry mo, tadyakan kita e." Tinawanan niya lang ng mahina ang sinabi ko bago lumayo.

"Bakit ba kasi ang lupit ng tadhana e." Umiiyak pero natatawa niyang sabi.

"Tss. Kung sino pa yung walang ginawang masama, sila pa yung pinagkaitan ng gusto nila." Biglang lumabas yun sa bibig ko.

"I'm sorry-"

"No. Na-realize ko lang. Nagsinungaling lang din naman ako pero sapat na bang kasalanan yun para kunin yung nga taong naging parte ng buhay ko? Yung mga taong minahal ko? Yung mga taong naging sandalan at karamay ko? Kasi... Kasi hanggang ngayon sariwa pa rin sa'kin ang lahat e." Tinakasan ako ng luha habang sinasabi ko ang mga yun.

"I-im sorry."

"Tigilan mo yang paghingi mo ng tawad, Ella. Matagal naman na kitang napatawad. So, tama na. Ayoko ng umiyak."

Nasa ganun kaming pag-uusap hanggang sa naisipan niya munang umuwi kasi may biglang tumawag sa kanya at naiwan akong mag-isa sa kwarto ng balkonahe ko.

Nandito na naman yung pakiramdam na sa tuwing nasa balkonahe ako, bumabalik yung mga salita ni Liam sa'kin. Mga salitang parang kahapon lang sinabi sa harapan ko. Na pinapamukha sa'king karapat-dapat nga talaga sa'kin ang lahat ng mga yun.

Pinahidan ko ang panibagong luha na pumatak bago ko naisipang lumabas at puntahan sila para na din makapag-usap kami ni Liam.

Pero papaliko pa lang sana ako ng matigil ako ng may boses sa kusina na parang may kinakausap sa telepono.

"I miss you." Tatlong salita lang yun pero ba't parang nag-iba yung epekto sa'kin.

Ang tatlong salita namang yun ay masarap pakinggan, ngunit bakit para hindi naman? Dahil ba hindi para sa'kin ang mga salitang yun?

"Yeah. I'll come back to you, okay? Don't be sad. I won't leave you, baby."

Parang kinumot ang dibdib ko ng matindi kasabay ng sunod-sunod na mga luhang nagsipatakan sa mata ko. Akala ko ba tapos na? Wala ba talagang katapusan 'to? Lagi na lang bang pagkatapos ng kasiyahan may susunod na kalungkutan? P*tangina naman e. Quota na'ko nung huli e, ba't dinagdagan pa?

"I'll come to you later, okay? I love you. Take care-" Umalis na kaagad ako sa kung nasaan ako at bumalik sa kwarto.

Kaagad kong ini-lock ang pinto at nagtungo sa kama tsaka ko hinayaang lumuha ang sarili ko.

Kung saan malapit ko ng aminin na may nararamdaman pa rin ako sa kanya dun naman kailangang bawiin. Kasi kahit saang anggulo tingnan, hindi kami para sa isa't-isa.

Napabalik na naman lahat sa'kin. Napatakip ako sa bibig ko ng lumala ang iyak ko.

Nung mga panahong walang kamalay-malay ang anak ko habang sinusubukan kong kitilin ang buhay ko sa harapan niya. Kung hindi ko lang siya nakitang ngumiti noon habang nakatingin sa'kin baka tuluyan ko ng sinipa ang upuan para iwanan ang lahat ng meron sa mapanlinlang mundong ito. Sinong matinong ina ang magpapakamatay sa harapan ng anak niyang wala pang malay sa mga bagay na nangyayari sa mundo?

Nagawa ko ang bagay na yun dahil siguro sa mga problemang hinaharap ko. Nakuha ko naman na ang lahat e. Natupad ko na yung naudlot na pangarap ni nanay pero parang may kulang pa din. Ang laki ng kulang.

Iniwan ako ng mga taong lubos kong hinahangaan hanggang sa umabot na sa puntong binalak kong mang-iwan. Iwanan ang batang humahanga sa'kin. Sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa buhay, ang pagkakamaling iyon ang pagsisisihan ko habang buhay. Kahit na dadalhin ng anak ko yun hanggang sa paglaki niya na walang malay kung anong ginawa ko noon, tumatak naman sa'kin ang ginawa ko.

Kung kailan ko hahayaang magsimulang muli, hayaan siyang makasama ang anak niya, hayaang gumalaw muli ang oras namin sa isa't-isa ay ang siyang pagbawi ko naman. Dahil simula ngayon, yung dating meron kami ay hindi na mababalik.

Inayos ko ang sarili ko bago ko naisipang lumabas muli at pagmasdan silang masaya. Lumabas akong walang mababakas na emosyon.

Nakakapagod din naman kasi. Hindi lahat ng pagkakataon ay pipilitin kong maging masaya sa harapan nila. Kailangan ding maging matatag. Nagpakatatag na naman na ako, pero hindj pa ring mapigilan ang manghina.

"Mama!" Tiningnan ko ang anak ko na malaki ang ngiti. Sinuklian ko siya ng tipid na ngiti bago siya tumakbo papalapit sa'kin at yinakap ako.

"Mama. We'll gonna shop right now and we'll having a date after shopping."

Ng sabihin niya yun ay wala  na akong naramdaman kahit na ano. Pinaghandaan ko na, na mangyayari 'to. Hahayaan ko siya kung ano ang gagawin niya para sa anak niya.

"Okay. Mom will stay here-"

"No." Sabay nilang sabi sa'kin pero hindi ko binigyang-pansin ang lalaking tumutol at pinatili ang tingin sa anak ko.

"Fine, baby." Pagsuko ko aa huli hababg kausap ang anak ko.

"Yey."

Tumayo na ako ng tumakbo siya papunta sa mga laruan niya bago ko harapin si Liam.

"Nasa kwarto ang gamit niya. Bihisan mo." Sabi ko bago ko siya lampasan pero natigil ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Is there any problem-"

"Simulan mo na ang magpaka-ama, Liam." Diretsahang sabi ko bago ko kunin ang kamay sa kanya at naupo sa pang-isahang sofa habang nakatingin sa TV.

"Esther, tell me-"

"Aalis na tayo ngayon. Tumatakbo ang oras, Liam." Walang ganang sabi ko.

"F*ck." Huling sabi niya bago niya lapitan ang anak namin.

Parang ayoko na. Pasuko na'ko sa pagmamahal na yan. Hinangad ko lang naman ang magmahal na hindi nasasaktan, o kung masaktan man e sana yung hindi ganito katindi kasakit. Di ko naman hinangad na magmahal tapos masasaktan ng sobra na higit pa sa inaasahan ko. Ewan ko ba, kung bakit ko pa kasi piniling bumalik gayung hindi naman magiging masaya ang pagbabalik.

Huminga ako ng malalim tsaka ako tumayo ng makalabas na sila sa kwarto.

"Mama."

"Magbibihis lang si mama, anak."

"Esther-"

"Mauna na kayo, susunod ako."

Hindi ko na hinintay ang iba pa niyang sasabihin ng mabilis akong pumasok sa kwarto at naghanap ng masusuot.

Ng makapili ay lumabas na ako ngunit ang buong akala ko ay nakaalis na sila pero naghihintay pa rin pala.

"Mama." Inilahad ng anak ko ang maliit at mataba niyang kamay sa'kin bago ko hawakan habang nasa isang kamay naman niya ay ang kamay ng lalaking sinusuri ako gamit ang mga tingin niya.

"Where do you want to go?" Tanong niya na hindi ko pinansin kasi baka si Leanne ang sinabihan niya kaya nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok sa elevator.

Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ni Leanne ng mapansin kong hindi naging maayos ang pagkakatali niya sa anak niya.

Nakaramdam ako ng panlalambot sa naisip ko pero pinigilan kong ibalik ang nararamdaman ko sa kanya.

"Esther-"

"You're the father here, right? And you want to decide for your daughter. So, you decide." Diretsahang sabi ko bago ko napansin ang malakas na pagbuntong-hininga niya.

Umayos na ako ng tayo kahit na ramdam ko pa rin ang titig niya sa'kin.

"Esther-"

"Baby, tell mommy if you need something there, okay?" Sabi ko kaagad sa anak ko habang hawak ang cellphone na kakabigay lang ng kanyang ama kanina.

"Okay, po." Maliit na boses na sabi nito.

Ramdam ko ang pag-atras ni Liam hanggang sa napasandal siya. Hindi ko na lang yun pinansin hanggang sa bumukas ang elevator at hinayaan kong hawakan niyang mag-isa ang kamay ng anak namin tsaka ako sumunod sa kanila.

Huminto ako sa harapan ng kotse ko bago din sila huminto at nilingon ako.

"Sa kotse ko kayo sasakay." Ubos na ang pasensiyang sabi niya.

"Mama, let's go." Ng sabihin yun ng anak ko ay napabuntong-hininga ako bago ako nagsimulang maglakad habang sinusundan sila.

Dumating na kami sa kotse niya bago niya pinaunang pasakayin ang anak namin sa driver's seat. Bubuksan ko na din sana ang pinto sa likuran ng hilahin niya ang kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata na walang mababakas na emosyon habang nakikita ko naman sa kanya ang  nag-aalalang mga mata.

"Wala tayong problema, diba?"

"Liam-"

"F*ck, Esther! Stop torturing me like this!" Galit na sabi niya.

"Magpaka-ama ka na ngayon." Yun lang ang sinabi ko bago ko kinuha ang kamay ko sa kanya at nagmamadaling pumasok sa sasakyan niya.

Natigil siya ngunit ilang minuto ay sumunod na din siyang sumakay.

Marahan lang ang pagpapatakbo niya hindi tulad noon na halos ikamatay ko ang pagmamaneho niya. Gusto kong mapangiti ng maalala yun pero nabara naman agad ng mapagtanto kong iba na pala ang dati sa ngayon.

Hininto niya ang sasakyan sa harap ng malaking mall. Lumabas na siya at pagbubuksan na sana ako ng inunahan ko na siya bago siya bumuntong-hininga at binuksan ang pinto kung saan nakaupo si Leanne.

Nag park lang siya saglit bago ko harapin si Leanne para kausapin.

"Mama will stay in your back, okay? Nasa likod niyo lang ako habang pinapasaya ka ni papa, okay baby? Wag kang mag-alala kay mama kasi hindi naman ako aalis. Susunod lang si mama sa inyo and if you need something, just tell it to your papa, okay?" Marahan kong sabi sa kanya bago siya ngumiti at halikan ako sa pisnge.

"Okay, po." Yinakap ko siya bago ako umayos ng tayo na siyang pagdating ni Liam.

Kunot noo ang mukha niya at mukhang badtrip.

Hinayaan ko silan naunang maglakad habang magkahawak ang kanilang mga kamay.

Ganito pala ang pakiramdam. Pakiramdam na parang hindi ka parte ng pamilya. Sinadya ko naman to e. Siguro kasi kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na may nagpapasayang iba kay Leanne.

Binilhan niya ng mga laruan at gamit si Leanne. At kahit tinuturo lang ng bata na ang ganda nun pero walang balak kunin ay pinipilit niyang bilhin. Ngayon naman ay sinusukatan ang anak ko ng iba't-ibang sandals at sapatos at habang sinusukatan si Leanne ay lumayo ako ng konti at tumingin sa mga pinambili niya.

"Esther." Mariing sambit niya sa pangalan ko.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa siya na mismo ang nagpaharap sa'kin.

"What do you want? I'll buy it-"

"What do I want? I want you to not take Leanne away from me. That's it. Binigyan lang kita ng oras ngayon, wag mong aasahang hahayaan kitang ilayo ang anak ko dahil alam kong hindi siya magiging mabuti sa mga kamay mo."

Hindi magiging mabuti ang anak ko sa'yo lalo pa at hindi ko kilala kung sino man ang kinakasama mo ngayon.

"Esther, tell me. Do you have a problem-"

"Sa'yo? Malaki, Liam. Malaki." Diin kong sabi bago ko siya lampasan at pinuntahan ang anak ko, mabuti na lang at natapos na.

Hindi na'ko umalis sa likuran nila habang mukhang nagsasaya naman ang anak ko kasama siya pero nahuhuli ko minsan ang paglaho ng mga ngiti niya sa tuwing nakakatalikod ang anak ko at dumadapo sa'kin ang tingin.

Sunod naming pinuntahan ay dinala niya kami sa isang mamahalin na restaurant.

"Yey. Mama? I'm so happy po." Masayang sabi ng anak ko tsaka lamang bumalik ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan siya.

Ngayon, paano ko magagawang tanggalin ang mga ngiti niyang yun? Ang mga ngiting ang hindi ko kayang talunin. Sa huli, kasiyahan ng anak ko ang mananalo.

"Papa, salamat po. I love you." Sabi niya bago siya bumaba ng upuan at lumapit sa kanyang ama at hinalikan ito.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at pilit na linibang ang sarili sa ibang bagay.

"I love you too, baby."

Lumakas ang tibok ko sa mga salitan yun. Parang kailan lang, ako yung nakakatanggap ng mga salitang yun galing sa boses niya pero ngayon. Naririnig ko na lang na sabihin niya sa iba na alam kong hindi ko na muling madidinig na sabihin niya sa'kin.

Dumating na ang mga in-order niya at hindi ko magawang kumain ng marami dahil nawawalan ako ng gana. Kahit sa pagkain ko, ramdam ko pa rin ang mga titig niyang sinusundan bawat galaw na ginagawa ko.

Hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa pauwi na kami.

Gabi na kami ng makauwi dahil hinayaan ko silang magsaya. Malaki ang mga ngiti nila sa isa't-isa habang hindi ko man lang magawang umukit ng kahit pilit na ngiti habang nananatili sa likuran nila.

Lumabas ako para kunin si Leanne na nakatulog na pala, mabuti na lang at inayos ni Liam kanina. Binuksan ko ang pinto ngunit may biglang dumating.

"A-ako na dito, Esther. Ako na ang mag-aakyat sa kanya." Hinihingal na sabi ni Ella habang nakatingin sa'kin bago tumango kay Liam.

"No-"

"Ako na." Pagpuputol niya bago ako tumabi ng magpumilit siya.

Ng nasa bisig na niya ang anak ko ay nagsimula na siyang maglakad at akmang susunod na sana ako ng may mga kamay ang humila sa'kin at pilit akong pinapasok sa loob ng kotse niya kung saan nakaupo si Leanne kanina.

"F*ck!" Sa isang araw na nakasama ko siya ngayon, ngayon lang niya pinalabas ang galit na kanina niya pa pinipigilan dahil kasama namin ang anak namin.



End of chapter twenty-seven.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 286 29
You belong with me! I'm yours! Akin ka! You're mine! Nasabi ko na'to lahat sa kanya,sa lalaking pinapangarap ko at sinumpa ko sa harap ng mga nuno s...
28.3K 725 106
just a random twice chatroom which contains twice royal ships but mostly michaeng lol p/s: kids are not allowed here 16+ only
386 104 9
letters to james from regulus. tragic love, some words and confession. [ july 2022 ] - @-STARDUSTINYOUREYES LETTERS TO JUPITER FROM MERCURY
39.5K 1.6K 71
When you stop chasing the wrong things..you give the wrong things a chance to catch you. Glaiza Chase her love of her life subalit, hindi sya magawan...