Discord (GL) [COMPLETED]

By InsaneSoldier

131K 9.3K 2.1K

[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Last Chapter
Sequel

Chapter 23

2.6K 270 101
By InsaneSoldier

Stuck ako sa room ni Eris dahil ayaw niya akong paalisin.

"Nag-dinner ka na ba?" tanong niya.

Tumango ako kahit hindi pa talaga ako kumakain. Hindi naman kasi ako gutom, at madalas hindi ako kumakain sa gabi, o kahit ng tanghalian. Tamad lang talaga ako o nakakalimutan ko kumain most of the time. "Ikaw?"

"I don't eat at night sometimes," she replied. Nilingon niya yung pinaglagyan ng cake. "Pero ubusin natin yung cake."

"Madami 'yon, baliw. Mauumay ka."

Mango bravo yung cake, masarap kasi iyon at proven ko na ang lasa so naisip ko baka magustuhan niya rin. Mahilig naman siya sa apple, baka bet niya rin other fruits. Alangan magreklamo pa siya, siya na ngang binilhan.

"I like the cake, umay is not in my dictionary."

"Bahala ka nga." Tumahimik ako ng ilang segundo. "So, kailan mo ako bibitawan?"

Ginawa na niya akong unan kakayakap niya, tangina nito. Sinubukan ko naman kumawala pero ayaw niya ako paalisin. Halos nakapaibabaw pa rin siya sa akin at parang sawa na nakalingkis sa katawan ko ─ nakayakap ang kanang braso niya sa baywang ko habang ang kaliwa ay nakahawak sa isang kamay ko, para bang pinipigilan talaga akong umalis. Yung mga binti naman niya ay prenteng nakapalibot din sa saril kong mga binti.

Tumawa siya ng mahina kaya ramdam ko yung mainit na hininga niya sa leeg ko, nakakakiliti na ewan kaya sinubukan kong umiwas pero sabay ding nag-adjust yung katawan niya. Para talagang gago 'to.

Pwede ko naman siyang itulak pero wala naman kasi siyang ginagawang hindi maganda. And hindi ko alam pero komportable din ako sa ngayon. Ngayon ko lang naman siya pagbibigyan, tutal sumama ang loob niya dahil sa akin. Iisipin ko na lang na birthday gift ko rin itong presensya ko.

"Alam mo, Bianca..."

"Ano?"

"Kanina pa mabilis yung heartbeat mo."

"Tangina," Parang lalo yatang kumabog ang dibdib ko sa narinig, pati mukha ko ang init-init. Tinulak ko siya pero ang bigat niya. I tried yanking my hand away from her grip but she wouldn't budge even a bit. "Bitaw na nga!"

Itinungkod niya ang siko para makita ako ng harapan. Yung mahabang buhok niya ay parang kurtinang humahaplos sa balat ko habang nakatutok lang ang mata niya sa akin. Yung kamay niyang nakahawakang sa wrist ko ay tumaas at pinagsalikop ang mga daliri namin. Ang awkward, bwiset.

"Gusto kitang halikan."

"Gago ka ba?"

"Seryoso ako," Tulad ng sinabi niya ay wala ring bakas ng biro o pang-aasar ang boses pati expression niya. Lumunok ako, para akong kinakabahan na hindi. "Hindi ko lang magawa since alam kong hindi ka papayag ─ and I think you'll require me to brush my teeth and rinse my mouth thrice before doing so."

"Gusto mo talaga ako, Eris Abelardo?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo para maniwala ka?"

Ine-expect ko na ngunguso siya para magpabebe pero nanatiling tipid ang emosyon niya sa mukha. Ayan na naman siya, hindi talaga ako sanay kapag ganito siya kaseryoso, parang bawal ako magmura o sumagot ng pabalang or else masisira ko yung flow ng usapan.

"You're talking about consent pero may picture mo ako rito sa kwarto mo na hindi ko naman binigyan ng permission na kunin mo." Ang pinatutungkulan ko ay yung litratong nakadikit sa board niya sa may study table. It was a recent photo noong defense namin since naka-formal attire ako ro'n.

"Um, okay, wait ─" Bumangon siya pagkatapos akong bitawan. Bumangon ako at mabilis na pinakalma ang sarili, para akong mahihilo sa bilis ng tibok ng puso ko kanina pa. Sinundan ko ng tingin si Eris nang puntahan nito ang study table niya, kunin  yung sinasabi kong picture ─ tatlong pictures din iyon ─ at iabot sa akin. "Ayan."

Napatitig ako sa mga litrato. Lahat iyon puro stolen shots pero walang pangit na anggulo, nagmukha akong photogenic kahit feeling ko hindi naman ako ganoon. Medyo blurred pero parang naging appealing lang ang dating niya. Sa tatlong litrato ay puro mga nakasimanngot ang pagmumuka ko, parang akala mo laging sira ang araw.

Itinago ko yung printed pictures sa bulsa ng jeans ko at maayos na naupo. Tumikhim ako. "May nabanggit sa akin si Stella."

"Teka," She paused. "Nag-uusap kayo ni Stella? Kailan pa? Why?"

"Para kang siraulo." Tinaasan ko siya ng kilay. "Nabanggit niya lang na malabo na tayo dahil as far as she knows ay iba raw ang gusto mo mula noon pa."

Hindi siya kumibo kaagad pero eventually ay tumango si Eris. "Wait, kuha lang ako ng plates."

"Huh?"

Ngumiti siya ng matamis. "Kain tayong cake."

Hindi na ako nakasagot nang kahit na ano dahil mabilis din naman itong nakalabas bitbit yung box ng cake na binigay ko sa kanya kanina. Gago talaga si Eris, kung hindi nagbibiro, umiiwas naman sa usapan. Napaka.

Tumayo ako sa kama at sinilip yung mga trophies at medals na naka-display dito sa kwarto niya. Parang since elementary pa yata talaga yung iba rito. Eris really is a gifted person, although hindi ko rin naman talaga alam kung anong scope ng talino and talent niya.

I remember having this kind of things, too. Pero matagal na iyon, kahit na mula noon ay medyo sira na talagang buhay ko. Tulad ko, marami rin akong hindi alam kay Eris, mukha lang siyang pala-open na tao pero kung tutuusin, parehas kaming walang alam sa isa't isa.

Meron siyang pictures with her friends, and I think Papa niya yung nasa isang picture na sila lang dalawa, given na may edad na yung lalaki, and parehas silang naka-formal wear. Eris was smiling in the picture, so was her father, but it seemed lacking. So wala talaga yung Mama niya?

Napalingon ako nang bumukas yung pinto at iniluwa no'n si Eris na ngiting-ngiti sa akin, parang akala mo talaga hindi siya nagtatampo kanina lang. Kinuha ko sa kamay niya yung plates na may laman ng cake ─ na hindi ko alam paano niya nagawang makapasok nang hindi nahihirapan. Nilagay namin iyon sa mini-table at sabay na naupo sa sofa. Tumabi pa siya sa akin at sumiksik.

"Kanina ka pa dikit ng dikit, ah." pagpuna ko sa kanya. "Nakakairita ka na."

"Minsan lang naman," She took a small bite of the dessert while checking the still unwrapped gift that I gave her. "Sarap! Ano pala 'to?"

"Ba't hindi mo tingnan?" Napapairap na sagot ko.

Nagkibit siya ng balikat at sinimulang alisin yung pagkakabalot ng regalo, natigilan pa siya nang tuluyan iyon makita na akala mo naman ang ganda-ganda ng binigay ko.

"Wow!" Pinakita niya iyon sa akin. "You made this?"

Napakamot ako sa bandong batok ko at napatango. Parang bigla akong nahiya.

Portrait iyon pero paper quilling art style. Napilitan pa ako mag-create ng Facebook account para maghanap ng pictures niya na pwede kong gawing reference ─ pero siyempre hindi ko saabihin sa kanya na sa wakas ay may Facebook na ako. Ni hindi nga real name ko ang ginamit ko. Hindi naman din ganoon ka-private ang account niya, naka-public yung mga photos na ginagamit niya as profile so madali lang tumingin. Pagtapos no'n ay ginawa ko. Ilang araw din akong kinulang sa tulog dahil doon.

"How did you do this?"

"Nagtupi at nagrolyo ng papel?" Nagugulumihanang sagot ko. "Basta ginawa ko, period."

Todo ingat siyang inilagay iyon sa study table niya, itinabi niya pa yung mga nakapatong na notebooks at libro sa ibabaw no'n, parang takot magulo or anything yung regalo.

Napasinghap ako nang nagmamadali siyang tumakbo sa akin at basta na lang akong sinalubong ng yakap. Nag-part two pa yung pag-ibabaw niya, muntik na kaming mahulog parehas sa sahig, pota!

"Eris Belona!"

"I think I'm in love with you now!" Natatawang sabi nito habang gigil na gigil ako kung yapusin. Ipit na ipit ako sa kanya, maigi kung magaan siya, eh, hindi naman! "Why do I like your gift so much?"

"Kasi baliw ka!"

"First time kong maka-receive ng hand made na regalo, hindi ko lang ine-expect na masarap sa feeling."

"Okay?" Tinulak ko ulit siya. "So, bitaw na. Kanina ka pa yakap ng yakap. Naligo ka na ba?!"

Okay, mabango siya and hindi amoy pawis. Pero malay ko naman ba. Yung yakap kanina hinayaan ko lang kasi may atraso ako, pero yung ngayon, parang tini-trip na lang ako.

"Malinis ako, you can even kiss me right now, Bianca Heriel."

"Kadiri ka."

"To answer your question kanina," Bumangon siya at hinila niya rin ako paupo. Kinuha niya yung plate ko at kumuha ro'n bago itapat sa bibig ko. Wala naman akong nagawang isinubo na lang iyon dahil ang eager ng mukha niya, parang hindi tatanggap ng no. "I do like someone, and I still like that person."

"Okay?" Para akong nainis na ewan. Hinablot ko yung fork ko mula sa kanya at ako na mismo ang nagpakain sa sarili ko.

Gagong 'to. May pagusto-gusto pa sa akin tapos may iba pa palang gusto pa na years na ang tagal. Ang sarap-sarap nitong mango bravo pero ba't biglang tumabang? Parang putangina lang.

"Bakit nakasimangot ka?"

Mas lalo yata akong nabadtrip dahil tatawa-tawa pa siya nang magtanong. Hindi naman ako umaasa o nag-e-expecr ng kahit ano pero para kasing nakakainis pa rin? Parang ginagago na lang talaga ako. Kung may gusto siyang iba edi doon siya, hindi yung kinukulit pa niya ako.

Nakunsensya pa ako, bubuwisitin lang naman din pala niya ako.

Mabilis kong naubos yung cake kahit para akong mabubulunan malunok lang lahat. Wala sa loob na ipinunas ko ang collar ng damit ko sa bibig — na sobrang rare sa akin dahil may panyonnaman akong dala. Bahala na nga.

"Okay na, uwi na ako." Tumayo ako at naglakad papuntang pinto.

Bago ko pa mapihit ang doorknob ay mabilis siyang nakasunod at humarang sa harapan ko. Prente siyang sumandal at itinuon yung nakakainis na mata niya sa akin.

"You're so honest with yourself," sabi niya. Pero alam kong sarcasm iyon. Aalma na sana ako nang bigla niya akong hilahin palapit hanggang sa nagkapalit kami ng puwesto. "Ayaw pa amining nagseselos."

"Hindi ako —"

"Wala, baliko ka na sa akin." Bumelat siya.

Parang lalo akong nainis, kung may isasagad pa ang inis ko, feeling ko ito na 'yon.

"Kaunting kalabit ka na lang, eh." Napatikwas ako nang pisilin niya yung baywang ko. Sinubukan kong umalis pero panay ang harang niya. Napipikong sinuntok ko siya sa balikat. "Aray!"

"Tangina mo."

Huminga siya ng malalim at sinandal ang noo niya sa balikat ko. "Hindi mo pa rin ba ako sasagutin? Ako na 'to, girl."

"Luh, gold ka ba?" Hindi ko maiwasang mamangha sa kapal ng mukha ng kaharap ko. "Huwag kang assume ng assume, ah. Ligaw-ligaw ka diyan, eh, dalawa ang gusto mo. Baka may iba pa? Isagad mo na kalokohan mo."

Inabot ko yung doorknob para pihitin pabukas pero panay siya sa pagpigil. Tiningnan ko sita ng masama pero nakangiti lang siya sa akin, halatang aliw na aliw sa reaction ko. Sinubukan ko gawing neutral ang expression pero ramdam ko talaga yung automatic na pagsasalubong ng kilay ko dahil naiinis talaga ako sa kanya.

"Naiinis ka kasi dalawa ang gusto ko? If you don't like me, why do you feel that way?"

"Kasi feeling ko ginagago mo ako, ano pa ba?" Balik kong sagot sa kanya. "Kahit sino maiinis sa'yo kung ganyan."

Nawala ang ngiti niya nang tingnan ako. "Okay, I'm sorry. I'm just trying to tease you."

"Puwes hindi ka magaling mang-tease. Tangina nito."

"I know I'm smart pero hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko pagdating sa'yo."

"Simple lang. Treat me normally." Sinubukan kong ikalma ang emosyon ko. Parang kahit ako nahahawa sa mood niya. "If you like someone else, pursue them. If you don't really like me at all, tell me properly —"

"I like you."

"Sabi ko sa'yo —"

"The person Stella mentioned, it was you."

"Huh?"

Hinagod niya ang maikli kong buhok pababa hanggang sa leeg, batok, at balikat ko. Para akong pinanindigan ng balahibo lalo na sa paraan ng pagtingin niya. Medyo natatakot ako kahit wala namang nakakatakot sa titig niya.

"I really liked your long hair way back then, Bianca — when you were still the Student Council President."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

173K 2.1K 52
Cold hearted CEO and Cold hearted secretary. Si sabrianna ay isang secretary sa sikat na company sa murang idad nya nakatrabaho na sya ng di nya kai...
178K 5.5K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...
326K 9.3K 36
COMPLETED Night Klaye Collins FIRST time niyang masampal pero ano ang gagawin niya kung magiging FIRST love niya ito? Shyle Dorothy Hermosa Hindi p...
51.4K 988 28
"I wouldn't want anything else than to be yours forever." Simpleng buhay lamang ang kinalakihan ni Portia at natutunan niyang dumiskarte kahit gaano...