NOBLE SERIES#3: RULING THAT V...

By Ladyashiana10

15.7K 1.2K 375

''Don't play games with a girl who can play better or you'll end up crying." -Teleigha Svetha More

NOBLE SERIES 3
TALEIGHA SVETHA
SVETHA SUPREMACY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45.
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
COUNTERMOVE

CHAPTER 27

180 19 2
By Ladyashiana10

Lumabas ako ng bandang seven pm ng gabi, maagang nag check out si Khaleesi dahil may bagong release ang ELK brand at kailangan n'ya 'yong makuha. Samantalang si Izan at Annistyn naman ay may pinuntahang kaso na dapat ay kasama ako kaso hindi ako sumama at sinabing kailangan ako sa head office, pero ang totoo ay gusto ko lamang magkasama ang dalawa, anong malay ko kung makaramdam bigla si Annistyn.

Nang makababa ako ay agad kong nakita si Atreus- ang manliligaw ko.

Nakahilig ito sa pinto ng shotgun seat n'ya, nakapamulsa at halatang may inaantay, napatingin ako sa mga Juniors na papasok na napapasulyap sa kanya, nasa loob pa ako medyo kaya hindi n'ya ako kita.

Nakatingin ako sa kanila ng may lumapit sa kanya na dalawang babae, napangisi ako, mukhang interesting ang makikita ko, hindi man lang tumayo ng maayos si Atreus Ludvik Safronov ng lapitan s'ya ng mga babae.

Hindi ko gaanong narinig ang pinag uusapan nila dahil medyo malayo ako pero kita ko ang pagbagsak ng balikat ng mga babae, habang nakangiti si Atreus Ludvik Safronov.

Tumalikod na ang mga ito nang dumaan sila sa'kin ay narinig ko ang pinagusapan nila.

"Inaantay n'ya raw asawa n'ya," Sagot ng isa sa sinabi ng kasama.

Kumunot ang noo ko saka napag desisyunan na lapitan si Atreus Ludvik Safronov, nang makita ako na palapit sa kanya ay agad s'yang tumayo ng tuwid saka malawak na ngumiti sa'kin, minsan nasisilaw ako sa ngiti n'ya, parang Ako 'yong napapagod sa pagiging masiyahin n'ya.

"What did you tell to those two youngsters? They went back looking so heartbroken." I asked as I approached him.

He shake his head and opened the door for me. "They asked for my number, and I replied I am waiting for my wife." He replied to my question.

Pumasok ako sa loob. "Saan tayo kakain?" Tanong ko sa kanya.

"Secret," Sagot nito bago sinimulan paandarin ang Tesla n'ya.

Hindi kami kumain sa restaurant, dumiretso si Atreus Ludvik Safronov sa bahay n'ya, ang engrandeng bahay n'ya na s'ya lang ang nakatira, nagluto na pala ito bago ako sunduin, naka set na rin sa rooftop n'ya ang mesa, puno ng red tulips ang paligid.

Inasar ko pa s'ya habang nakain kami, sinasabayan at binabara n'ya rin minsan ang sinasabi ko, nang subukan kong ihagis ang tinidor sa kanya ay agad n'ya 'yong naiwasan kahit pa nakayuko s'ya.

Kumindat s'ya. "Pwede na ba skills ko para maging asawa mo?" Tanong n'ya.

"Kulang pa, practice ka pa." Sagot ko.

Kinagabihan din nun ay hinatid n'ya ako pabalik sa apartment ko, nagdala rin s'ya ng pagkain para kay Aegan, kaya naman pala gusto s'ya nito, may binibigay.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa RJFNC BUILDING, dahil may important meeting kami, maaga pa lang ay nasa loob na ako ng meeting room kasama ang grupo ko, dumating ang mga first seniors, sila ang nag explain sa amin ng task namin.

A Christmas giving event, The founder of the RJFNC Building is holding that event for the orphanages, we're the one who will handle it, a collaboration of every group inside the field.

"Next week na agad?" Sambit ni Izan habang palabas kami ng meeting room.

"We need to prepare everything before next week, where should we start?" Si Khaleesi na may hawak na folder.

"We're assigned for the gifts and performance, we should buy gifts first." Si Annistyn.

Tumango ako. "Hmm, okay. Let's go." Saad ko.

Bumaba kami sa hagdan, tumingin ako sa orasan ko baka kasi hindi pa bukas ang mga mall, nakita kong mag tatanghali na pala, bukas na ang mga 'yon panigurado, sumakay kami sa kanya kanyang sasakyan.

Sa pinakamalaking mall kami ng Montova pumunta, pumarada kami sa parking lot, tinangal ko ang helmet ko saka isinabit 'yon bago bumaba at tinangal ang susi ng motor.

Sabay sabay kaming lima na pumasok sa loob, pinagtitinginan pa kami ng mga tao ng pumasok kami, pero balewala na lamang 'yon sa mga kasama ko, siguro ay nasanay na kami na kapag kami ay magkakasama palagi kaming nakakahatak ng atensyon.

"How about we eat muna before anything else?" Si Khaleesi na nakatingin sa isang restaurant 'di kalayuan sa amin.

"Let's eat, I'll pay for it." Si Kaito.

Tumawa naman ng malakas si Izan at sa isang iglap ay nasa loob na s'ya ng restaurant nakatingin sa amin habang malaki ang ngiti, mabilis talaga kapag si Kaito.

Annistyn rolled her eyes. "So childish."

Magkasabay kaming tatlo na pumasok sa restaurant, pumunta kami sa may anim na upuan bakanteng mesa, umupo ako sa may pinakadulo nasa gilid ko naman si Khaleesi at Annistyn, nasa harapan namin ang dalawang lalaki.

Dumating ang waiter at saka tinanong kung anong kukuhanin namin, Hindi nagpaawat ang dalawa, si Khaleesi ay full course, five main course ang kinuha.

"I would like to have Caviar and creme Fraiche Tarlets for my appetizer, a Japanese Squash soup, a Persian chicken joojeh Kebabs for my main courses and a styled chicken dressed salad, a Panna Cotta for my dessert," Khaleesi muttered with a french accent looking like a foreigner.

Nagpapanic na isinulat ng lalaking waiter ang kanyang mga inorder saka tumingin sa kanya. "For you drinks ma'am?"

"I want Cabernet Sauvignon, did you get what I said?" Khaleesi looked at him.

Tumango ang lalaki, Tumingin kami kay Izan na abalang abala sa pag fflip ng mga pages sa menu card na hawak n'ya seryoso sa pagpili.

"Sa'kin ano, Bacon-wrapped prunes, wait ano basa dito?" Hinarap n'ya ang menu card kay Annistyn.

"Szechuan salt pepper pork stir fry," Basa
ni Annistyn.

"Masarap ba 'yon?" Tanong ni Izan sa lalaki.

Tumango naman ang lalaki. "Wala ba kayong chicken manok with rice." Nahihirapang saad ni Izan.

Tumawa ang mga kasama ko maski ang Waiter na kanina ay kinakabahan, sa huli tinuro turo na lamang ni Izan ang gusto n'yang orderin.

"A Jamaican Jerk Chicken, A classic salad, and a French peer desert, I want a classic wine for my beverages." Diretsong saad ni Annistyn.

Nalaglag ang balikat ni Izan sa dali at bilis ng pagkaorder ni Annistyn at Khaleesi habang s'ya ay inabot pa ng ilang minuto.

Umorder din ako ng akin, huling huling umorder si Kaito na kanina pa nakatingin sa labas, nang makuha ang mga orders namin ay umalis na ang lalaki.

Kumain kami ng matiwasay, may kaunting asaran mula kina Khaleesi at Annistyn, si Izan na laging natutusta sa grupo, tawa ito ng tawa dahil wala ni isa sa mga inorder n'ya ang pumasok sa taste n'ya, halos mawalan s'ya ng malay ng dumating ang bill, like Kaito said, he paid for everything, we thanked him, too.

"Let's go shopping na!" Khaleesi said cheerfully.

I massaged the bridge of my nose, damn, why didn't I think about not bringing Khaleesi here, I heard Kaito chuckled beside me as he saw my reaction. I sighed when I saw the three forming a group, having a meeting.

"You're not going to tell us?" Saad ko kay Izan.

"Nope, Hindi pwede mga bato dito, boss." Sagot n'ya.

"But Annistyn..." I trailed off

"Syempre exception 'yan." Sagot n'ya ulit saka tumingin kay Annistyn.

Ngayon ay papasok kami sa isang shop, una kaming pumunta sa mga dresses and shirts for kids, abala kami sa pamimili ng kanya kanyang nais na iregalo.

Naglakad lakad ako, si Khaleesi ay nasa dresses, Hindi na ako lalapit dahil sigurado naman akong sobrang mahal ng mga bibilhin n'ya, kung ano lang ang magustuhan n'ya kukuhanin n'ya.

Limang hangers pa lang ang nasa kamay ko, ito pa lamang ang mga nagustuhan ko, lumapit ako sa mens section, jackets, magiging malamig ang panahon maganda siguro kung mostly ito ang kukuhanin ko, tinawag ko ang isang saleslady.

"I will get everything from here..." Naglakad ako hangang sa dulo. "To here." Saad ko, saka binigay sa kanya ang limang nasa kamay ko.

Mabilis pa sa alas kwatro nila itong kinuha, Ibinigay ko ang credit card ko sa babae paalis na sana ako ng may madaanan akong mga long coats, Hmmm, I have a good idea.

"I will get this too," turo ko sa long coat na nasa harapan ko.

Lumapit ako sa counter saka nilagay ang pin ko, kasya sa dalawang kamay ko ang mga shopping bags, sumunod si Annistyn na mga bags and socks ang dala, marami rin dahil sunod sunod ang mga babaeng nag aasist sa kanya.

Gumilid ako ng makita ko si Kaito, ang kanya naman ay mga branded shirts na pang lalaki, tatlong hilera ng sampayan ng mga damit ang nakasunod sa kanya kasama ang mga nagaasist sa kanya, napahilot ako ng balikat, habang papunta s'ya sa counter ay nilabas n'ya ang leather wallet n'ya, inayos n'ya muna ang salamin bago kinuha ang card n'ya.

Napatingin pa s'ya sa'kin saka sa mga pinamili ko, kita ko ang kaunting pag ngiti n'ya, was that a silent insult? Para akong nawalan ng lakas ng makita ko si Khaleesi na may suot na ngayong sunglasses at tila model na naglalakad sa gitna ng shop.

Tumingin ako sa likod n'ya, "Are you okay, Ma'am?" Tanong sa'kin ng babae na nasa likod ko ng muntik na akong matumba.

"I am fine, Thank you." Sagot ko sa babae.

Labing dalawang hilera ng mga hangers ang nakasunod sa kanya, iba pa ang mga naka karton na shoes and sandals, na hawak ng mga nasa likuran, sumunod na hilera ng mga tao ay may mga dalang hindi ko alam kung ano ang laman.

"God, we're here to buy gifts not to boy the whole shop." Saad ko ng lumapit sa kanilang tatlo.

Sabay sabay silang tumingin sa'kin habang hawak ang kani kanilang card sa kamay.

"Kaunti pa 'yan." Saad nilang tatlo.

Humugot ako ng hininga at hinanap si Izan, Nakita ko s'ya sa labas, nagtawag na pala ito ng assistance, tinignan ko s'ya.

"What? Oh don't tell me you're going to buy the shop? You gotta be kidding me."

Tumawa si Izan. "Grabe ka naman boss, Hindi naman ako mayaman."

I looked at him. "What did you bought?"

Ngumiti s'ya. "Secret boss, baka ipagkalat mo." Tumawa s'ya.

Sumunod kami ni Izan sa loob, binigay ko na rin ang mga shopping bags ko, ipapalagay ko na lang sa sasakyan ni Annistyn ang mga hindi magkakasya.

Sumunod kami sa susunod na shop, toys, Hindi na ako nag abala na bumili, nakikita ko pa lang ang mga tinuturo ni Kaito, Annistyn at Khaleesi, sobrang dami na, siguro ang mga regalo na hindi namin maibibigay ay ihahati ko sa mga batang nasa lansangan.

Bumili kami ni Kaito ng wrappers, hapon na ng makalabas kami ng mall, dumiretso kami sa hideout namin, punong puno ang sasakyan ng bawat isa maski ang motor ni Izan puno ng sabit at box sa likod.

Nang makaparada kami sa harap ay isa isa naming pinasok ang mga dala, nilagay namin ang mga 'yon sa living room, malamig na ang paligid at parang uulan pa ata, nilagyan ni Kaito ng kahoy ang fireplace sa malapit, binuksan ni Khaleesi at Annistyn ang mga shopping bag saka nilagay sa bawat section, ang mga laruan, damit, jackets, at iba pa.

Umakyat si Izan para kumuha ng tape at gunting, may mga kahon ang mga damit na dresses, nagsimula kaming magwrapped ng mga regalo, kinuha ko ang listahan ng mga nasa orphanage, marami sila, 'to kasi ang ikalawa sa pinakamalaking orphanage sa buong Montova.

Si Khaleesi ay pinagandahan ang kanya, sa bawat dresses in box na binabalot n'ya may kasamang note n'ya na handwritten n'ya.

Si Izan naman ay abala rin sa pagbabalot kasama si Kaito sa may gilid, brief and other stuffs for mens, nilagay nila 'yon sa isang wrapped, si Izan ay may dumating na van, kinuha n'ya 'yon sa labas.

Pagpasok n'ya ay dala n'ya ang malalaking box, tinulungan namin s'ya maipasok ang mga 'yon, ang regalo pala n'ya ay personal hygiene stuffs. Ngumiti s'ya saka napakamot sa balikat, maliit akong napangiti sa dala n'ya, Izan is so caring, he loves kids.

"That's so thoughtful of you, keep it up." I praised him.

Ngumiti s'ya. "Thanks boss, bilib ka na ba sa'kin nito?"

Napailing iling ako sa inaakto n'ya, nang bandang six na ng gabi, Wala pa kami sa kalahati ng naayos, si Khaleesi ay pumasok sa kusina, gumawa s'ya ng hot chocolate with marshmallows coffee, binigyan n'ya kami isa isa, may kasama ring mga tinapay sa isang tray, masaya kaming kumain habang patuloy sa pagbabalot.

Nagpadeliver kami ng pagkain ng magabi na, dito na rin kami nag dinner sa hideout namin, halos hating gabi na ng matapos namin lahat, nilagyan din nila Annistyn at Khaleesi ng design ang hideout namin, si Kaito na nasa hagdan habang sinasabit ang mga socks.

Si Izan na nasa labas sumisipol sipol pa habang nilalagyan ng card ang pinto, samantalang ako ay abala itayo ang Christmas tree, may inilagay na agad na mga regalo si Khaleesi at Annistyn sa ibaba naka wrapped na ito.

Nang makabit na ang mga Christmas lights at kung ano ano pa ay sa wakas tapos na rin kami.

"Tignan natin sa labas!" Excited na sabi ni Izan.

Tumango kami at saka pumunta sa labas, magkakatabi kami sa harap ng bahay, pinindot ni Khaleesi ang remote na nasa kamay n'ya.

Sabay sabay na umilaw ang mga Christmas lights na pinapalibutan ang bahay, napangiti ako, kahit walang Christmas lights o disenyo ang bahay damang dama ko ang init kasama ang mga taong nasa gilid ko.

Sinet up ni Izan ang kanyang camera tsaka tripod, nilagay n'ya 'yon sa 'di kalayuan sa amin, nasa harap kami magkakatabi, nasa likuran namin ang hideout namin na kumikinang sa ilaw, nasa gitna ako habang nasa gilid ko sa kabila ay si Khaleesi, sa isang gilid ko si Kaito na ang katabi ay si Izan, si Khaleesi na ang katabi ay si Annistyn ganoon ang formation namin.

"One, two, three, pikit!" Sigaw ni Izan.

Malakas s'yang sinuntok ni Annistyn dahil pagkasabi n'ya ng pikit ay pumikit din talaga ito, napangiti ako habang tinitignan ang mga kasama ko, we've had a long journey, since when did the time flies too fast?

I didn't even notice, the days became month, months became years, and years will soon became a decades.

Ilang araw din kaming naghanda bago natapos ang lahat, planado at detalyado ang bawat hinanda namin, limang van ang kinailangan namin para magkasya ang mga regalo na dadalhin namin, sobra pa 'yon, kaya ang napagusapan namin ay pagkatapos nito, ang mga iniwan naming regalo sa bahay ay dadalhin namin, mag iikot ikot kami.

"Everything will be fine," Si Kaito ng makitang nakatitig ako sa stage.

Bumalik kami sa RJFNC BUILDING para kunin ang iba pa, habang papunta kami roon ay nakita ko si Atreus Ludvik Safronov pati ang kanyang kumikinang na Tesla na nakaparada, tumingin ito sa gawi ko saka kumaway.

"You' coming with me?" Si Kaito na nakatingin sa'kin.

Umiling ako. "Mauna ka na, I have something to go." Napatingin s'ya kay Atreus Ludvik Safronov.

Tahimik itong tumango saka pumasok sa loob, lumapit ako kay Atreus Ludvik Safronov, napatingin ako sa kanya mula ulo hangang paa, hindi ito nakasuot ng suit n'ya ngayon, naka pantalon lamang ito at isang malinis na white shirt.

"You look plain." I licked my lower lip.

"You don't like it?"

I shake my head. "Not at all," I paused.

"May ginagawa ba kayo? Bakit parang busy kayo?"

"We're going to an orphanage we have an event given by the founder, a Christmas party, that's why we're very busy."

"Can I come?"

I stopped. "Do you want to?"

"If you will let me come with you," He smiled.

I shake my head. "Alright, wag kang mangugulo."

"Yes, Ma'am."

Pumasok kami sa loob, inasikaso ang ibang mga kasama namin, bumaba kami makalipas ang ilang minuto, tinignan ko ang relo ko, I still have more time to prepare, Tumingin ako sa batang kasama ko, tahimik lang talaga itong nakasunod sa'kin.

"Let's go." Utos ko sa kanya, Inangat ko ang palad ko sa kanya saka tinuro ang sasakyan n'ya gamit ang ulo ko.

Napatingin sa'kin si Atreus. "Ma'am, Mahal ko pa buhay ko eh..."

"Okay, you can drive." Sambit ko sa kanya.

Lumapit ako sa Tesla n'ya, nung nakaraan ay black ang dala n'ya ngayon naman ay kulay puti, Sumakay ako sa shotgun seat, nauna na si Kaito dahil sinabi kong susunod na lang ako, na Ang totoo ay ayaw ko lamang na makitang magsasamaan na naman sila ng tingin ni Atreus Ludvik Safronov.

"Let's stop over the cafe near here," I said as soon as he started driving.

Khaleesi wants something, she texted it to me, and Izan wants a coffee too, Well, Izan likes coffee above anything else, might just order for everyone.

Nang huminto kami sa parking lot ay bumaba ako, pumasok ako sa loob ng cafe, lumapit ako sa counter para mag order, mabuti na lamang ay tanda ko ang mga paborito nila.

Nang makuha ay binayaran ko na ito saka lumabas, lumapit ako sa sasakyan ni Atreus Ludvik Safronov, tahimik lamang ang bata na nagaantay sa'kin, nang sumakay ako sa likod ay nilapag ko sa gilid ang supot.

"Saan tayo ma'am?" Bigla nitong tanong sa'kin.

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

"Start ko na po 'yong metro ah," Saad n'ya habang nakasulyap sa'kin at iniistart ang sasakyan.

Tumingin s'ya sa'kin. "Okay lang po bang ilagay ko 'to dito ma'am?" Saad n'ya habang nilalagay sa gilid ang payong.

Mga ilang minuto bago ko nagets ang mga sinasabi n'ya, napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa ko, pwede rin palang maging taxi driver si Atreus Ludvik Safronov, Lumabas ako ng sasakyan saka umikot sa driver seat, binuksan ko 'yon saka s'ya pinaurong.

Nilagay ko ang seat belt, kinuha ko ang nakahiwalay na paper bag, nakatingin sa'kin ang batang nasa passengers seat, iniabot ko sa kanya ang paper bag.

"Eat, I will drive." Saad ko sa kanya saka itinutok ang atensyon sa sasakyan.

Napatingin ako kay Atreus ng nakatake na ako ng U turn ay hindi pa rin s'ya gumagalaw ng makita ang pagtataka sa mga mata ko ay nagsalita s'ya.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko."

"Tigilan mo ako." Sagot ko.

Nakarating kami sa lugar, naka set up na ang lahat, kumpleto na rin ang mga nandito, ang mga pagkain ay nakahanda na, ang mga tables at kung ano ano pa ay naka set up na rin.

"Khal, here." Abot ko kay Khaleesi ng paper bag.

Humarap s'ya sa'kin saka ako niyakap. "Ah, the best ka talaga, Tal."

My forehead creased. "You didn't eat breakfast?" I asked.

She shake her head. "I don't have any appetite to eat this morning."

"When was your last period?" I asked.

"Last month?" She replied, not sure.

I looked at her. "Do you want to go shopping with me this weekend? We can go to an Island or country."

I was thinking of giving my upcoming weekend day off to Atreus and Aegan, but Khaleesi's my first priority here, something isn't right, I've known Khaleesi, if she doesn't have any appetite, it is either something is bothering her or something didn't go the way she wants to.

She smirked. "You'll do that?"

"Do what?"

"Make time for me?"

"Since when did I didn't make time for you whenever you need me?"

She rolled her eyes. "That's right, Huh, that Atreus, mas nauna akong nakikala." She glared at Atreus who's just few steps behind me, leaving us two for some space.

I shake my head at her words. "That's enough, dumating na ba mga mag cocostume mamaya?"

"Our mascots?" Khaleesi said while shaking her drink.

Tumulong kami ni Khaleesi sa pag set up ng mga kailangan, inayos muli namin ang mga regalo at siniguradong walang kulang, natanaw ko ang palapit na si Izan at Annistyn.

"Boss, may problema tayo." Panimula ni Izan.

Napatingin ako sa kanya. "What is it?" Kalmado kong tanong.

"Yong mga mascot na dapat pupunta ngayon, Hindi makakaabot may emergency daw sa kanila." Problemadong sambit ni Izan.

"How many mascots did you hired?"

"Tatlo,"

Khaleesi sounded annoyed. "And none of them was able to attend? The fuck."

"Where's Kaito? Nasa atin ba ang mga costumes na gagamitin nila?" Tanong ko.

Tumango si Izan. "Nasa Van,"

"Will you be able to wear one of them? Senior Yamighishi?" Tawag ko kay Kaito ng lumapit s'ya sa amin.

Mukhang alam na n'ya ang problema namin, pinag titinginan na rin kami ng mga kasamahan namin, ngumiti lamang si Khaleesi sa kanila.

"Bagay kay Bato 'yong snowman kasi-" naputol ang sasabihin ni Izan ng sumulyap sa kanya si Kaito.

"Kaito will get the Snowman, You Izan will wear the Christmas tree."

"What about the Santa Clause?" Annistyn asked.

"I will handle that, you don't need to worry about it." Sambit ko.

Tumango tango ang lahat na parang nabawasan ng tinik sa lalamunan, pumunta sila sa Van para kuhanin ang mga costumes binigay ni Khaleesi sa'kin ang Box, ngumiti pa s'ya na parang alam ang susunod kong gagawin.

Humarap ako at saka lumapit kay Atreus Ludvik Safronov na abala rin sa pagtulong sa mga staffs na kasama namin.

"Viscount Atreus Ludvik Safronov,"

"Wala po akong kasalanan, inosente po ako, biktima lang din ako dito." Sagot n'ya sa'kin.

I shake my head, his way of talking is new to me, so hyper and energetic.

"Wear this one, could you?" I handed him the box.

Binuksan n'ya ang kahon, Tila nawalan ng kulay ang mukha n'ya at sinara 'yon saka binalik sa'kin.

"There's no way in hell I'm going to wear that disgusting costume," Matigas at puno ng paynalidad ang boses n'ya.

I smiled I know he won't agree that easily that's why I have a plan. "How about this, you'll wear this costume and-"

"I already said-"

"And I'll do one thing anything that you want in return."

"I said why would i refuse, costume lang pala eh, akin na. Hindi ako tatangi, alam mo namang malakas ka sa'kin." Mabilis pa sa alas kwarto n'yang sagot saka kinuha ang kahon sa kamay ko at kumaripas ng takbo.

________
LADYASHIANA

Continue Reading

You'll Also Like

253K 889 26
its all in the title babes 😋
251K 38.7K 99
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
1.2M 57.7K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
234K 11.7K 91
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...