To be Amoureux

Por Archeiu

2.1K 674 69

Jareb is known for being a player and toying a girls heart with his handsome looks and famous profile from be... Más

Introduction
Prologue
1• Jareb
2• Jareb
3• Jareb
4• Jareb
5• Jareb
6• Tori
7• Tori
8• Jareb
9• Jareb
10• Jareb
12• Tori
13• Tori
14• Tim
15• Tori
16• Jareb
17• Jareb
18• Jareb
19• Jareb
20• Francis
21• Francis
22• Francis
23• Jareb
24• Jessa
25• Jareb
26• Jareb
27• Jareb
28• Jareb
29• Jareb
30• Jiro
31• Jiro
32• Jiro

11• Jareb

69 22 0
Por Archeiu

Friends?

# 11




I feel like I'm in court. Ano na naman ba ang trip ng mga tukmol na to. Gumawa sila ng bilog na formation saka umupo. Samantalang ako nasa gitna. Malalim ang mga tinginan nila sakin na kala mo naman kinikilatis. This feel stupid.

Palibhasa wala kasi kaming adviser ngayun. May event sa kabilang school at kailangan ng ibang teacher's umatend.

" Hangang kelan ba ako uupo dito?" Inip na tanong ko.

" Until you've proven your innocence. Section 12. Any person under investigation for the commission of an offense shall have the right to be informed of his right to remain silent..." Sabi ni Liam saka nag cross arm na sumandal sa bangkuan .

This is so stupid. Ano bang trip nila? Naiirita na talaga ako sa pinag gagawa nila sakin.

" Tsk" Sabi ko saka sila inirapan.

" So, bakit ka nga ba lagi ng nagpupunta ng library?" Tanong ni Francis.

" Paki niyo ba?" Sagot ko.

" May nililigawan ka noh?" Lumapit si Zaimon sakin at tinutukan pa ako ng flashlight sa cellphone ng gago.

Gusto kong kumontra. Gusto kong ipagtangol ang sarili ko. Pero nanatiling tikom ang bibig ko. Wala ni isang kataga.

" Silence means yes" nakakaasar na sabi ni Francis.

Nanigas ang panga ko . Pero hindi ako nagkomento. Hinayaan lang ang mga nag-aakusa nilang tingin sa'kin. Bumontonghininga ako.

" Anjan na si ma'am!" Sigaw ng isang kaklase ko. Kaya naman naalis ang tingin sa'kin ang mga tingin nila.

Umalis na ako sa kinauupuan ko kung saan nila ako pinaupo kanina. Habang binubuhat yun pabalik sa pwesto ko mahinhin akong sinuntok ni Zaimon sa braso.

" Ikaw ha! Inlove na ang isang Kurt Jareb Wesley natin"

Ginantihan ko din siya ng mahinhin na suntok sa braso.
" Tumingil ka nga. Hindi ako inlove"

Tumalim ang titig ko sa kanya na tinaasan niya lang ng sulok ng labi.

" Yieeeeee" sabay sabay nilang tili.

Pinabayaan ko na sila sa pinaggagawa nila at naupo na ng maayos. Tumingin ako kay Jiro na naka ayos na rin ng upo. Tahimik siya. He looks sad. I can see it from his eyes. May problema ba siya? Muka na siyang depressed. Pero saan?

Pumasok na ang subject teacher namin pero rinig ko parin ang pangaasar nila sakin. Pwera nalang kay Jiro na seryosong nakikinig. He seems off today. Kanina okay lang naman siya. Pero nung pinagtripan na nila ako. Na kala mo nasa Corte kung makatanong. Biglang umiba yung ekpresyon niya.

" May summative test kayo bukas kaya magreview kayo" paala ng teacher namin bago umalis.

Madali lang naman ang lessons namin this week kaya I just have to review just a second. Makaka passing score parin naman ako kahit chamba.

Nagsimula na'ng ding mag lecture yung ibang teacher. Puro paalala lang na magreview ang mga sinabi nila. Paulit ulit?

Nagring na yung bell. Time for lunch. Inayos ko na yung gamit ko para maka-alis na ng classroom. Lumingon sakin sa kinauupuan si Zaimon. Ngumisi nakala mo may kalokohan na gagawin.

" Library ka na naman noh?"

Inirapan ko lang siya. Alam kong hindi ako titigilan ng tukmol na to sa pangaasar. Pero may isa akong sigurado nilang gagawin.

Gaya ng ginagawa ko kahapon nagbread at tubig lang ako habang papunta ng gym . Oo sa gym ako pumunta pero kunyaring dadaan lang ako doon pero sa library talaga pakay . I knew it , they followed me. Kala siguro nila hindi ko napapansin. Kung ano ano na namang ka abnoyan ang binabalak nila. I've been friends with them since four kaya alam ko na ang mga gagawin at binabalak nila. Kaya ganun nalang din siguro sila sakin. Mabilis silang mag suspect. Gaya nalang ng lagi ko ng pagpunta ng library.

Malapit na ako sa gym ng lumingon ako para makita sila. Pero ang mga loko agad na nagtago sa likod ng puno. Kala mo naman hindi makikita. Kitang kita ko kung pano sila magtulakan para lang hindi mahuli. Mga abnoy talaga.

Hindi pa sila umaalis kaya no choice ako kundi magkunyaring papasok ng gym. Na'ng makapasok na ako kita ko ang mabilis nilang pagsunod. Tumatakbo pa na parang spy. Mga abnoy. Dali dali akong dumaan sa backstage ng gym . May exit naman dun kaya dun na ako dadaan. Sigurado naman akong hindi na ako susundan ng mga lokong yun. Sigurado din kasi akong gutom na sila.
Pustahan.....

Nagpunta na ako ng library. Medyo madaming girls ang lumalapit sakin at nagbibigay ng mga love letters malapit sa gym. I'm pretty sure na chismis na naman ang lagi kong pagpunta dito kaya lagi na nila akong inaabangan. I don't know but I don't feel to assure my image in front of them now. Ever since I've incounter her, prez. I feel like I don't even know that I was actually famous. Mas nagpapakatotoo ako sa sarili ko. Hindi ko kailangan magpagwapo. At kung ano anong pinaggagawa para lang hindi masira ang image ko sa girls.

" Yung totoo nagbabasa ka ba talaga?" Bungad sakin ng librarian.

Nakakaloko ang tingin nito at mukang sinusuri ako. " Of course. Pero nga hindi ko naintindihan"

Kinuha ko na yung record book saka nagsign. Sa baba ng name ni prez. She's here. She's already here. Mas nauna lang siya sakin ng five minutes.

" Hoy . Type mo yun si class prez noh?" Nakangisi at nakatamimid sa lamesa na sabi sakin ng librarian.

Bakit ba sobrang chismosa niya? Sobrang layo niya sa pagiging librarian. Diba dapat strikta at tahimik sila. Pero ito pakialamera ng buhay.

Weird ko siyang tinignan,
" gusto lang maging friends, type na agad?"

" Sus indenial. Pero ship ko kayo yieee...."

Umalis na ako pagkatapos may sign sa record book. Panay na kasi ang tilian ng librarian na yon. Anong ship? Yun lang kung lalayag. Mukang marereject panga ako sa pag-ayaya sakanya maging friends eh.

Nagkunyari na akong kumuha ng libro. Hindi ko alam ang title. Pero medyo makapal siya. Nakita ko siya sa pwesto niya. Sa walang tao. Siya lang magisa. Napapalibutan siya ng maraming libro. Stall of book. She read those?

What a study maniac.

Idol na kita prez.

Naupo ako sa harap niya at kumunot ang noo niya akong tinignan.

" Mas nakakafocus rin ako dito eh..... Would you mind?"

What a lie . What a lie . what a lie. Of course hindi ko naman talaga binabasa. Inirapan niya lang ako. Parang bihira lang siya magsalita. At kung magsalita man iisa lang o Lima tapos iiwan ka pang walang kamalaymalay. Ikakasakit ba niya pag magsasalita siya ng madami?

Ibinuklat ko ang libro sa page 394. Parang kung anong naramdaman ko. Parang natamaan ko sa diko mawaring paraan .

She chases after her dreams
as if she's running for her life.
Don't get in the way
if you won't help her reach them.
How many women like her do you know, live as if life is nothing if they don't become something.

What's this? Clue ba to? Tungkol ba to kay prez? Pinabibigay ba ng tadhana?
Leche.

Padabog kong isinara kaya naman pinagtignan na ako ng masama ni prez. Umupo ako ng matuwid at nagkunyaring umubo bago magsalita.

" Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Ka-i-bigan.

" Puno na ang friend list ko" tipid niyang sagot ng hindi man lang ako tinitignan.

Puno? My friend siya?

" May kaibigan ka?"

Mas lalong kumunot ang noo niya sa tinanong ko. Inirapan lang niya ako saka bumalik sa binabasa.

" You're so fierce" bulong kong sabi pero mukang narinig niya.

" So?"

" So? Songit? So. Sobra"

Tinignan niya ulit ako ng masama. " You've got a bit mouth. Swine"

Swine? Wtf . Kahapon dumbass ngayun swine. This girls is good at insulting people. Sinasabi niya lahat ng gusto niyang sabihin kahit nakakasakit. For sure she has a very short temper.
Pustahan.....

May gusto pa sana akong sabihin ng tumayo siya at kinuha ang mga libro sa table niya at ibinalik sa shelf. Nabasa na kaya niya lahat yun?

Kung magtatanong ako dededmahin din lang ako ni prez. Sobrang tipid niya talaga magsalita . Kung sa iba boring , pero sakin mas na e-excite ako eh. Hindi ko rin alam sa sarili ko . Sinasapian talaga ako. Nak ng tokwa!

Ng ibabalik na niya ang isang librong hawak niya lalapitan ko sana siya pero nag bell na. Ah. Kaya pala binabalik na yung mga libro para pag nagring deretso alis na siya.

Lintik na bell yan. Lagi akong pinipigilan sa mga balak ko. Kontra talaga ang buset na bell na yan. Bakit ba kasi any ikli ng oras namin sa lunch. Sana kahit 2 hours lang. Para mas marami pa ang oras naming magkasama. That precious time for us to get to know each other.

Aalis na rin ako ng library kasi time na namin. Bago ako maka alis binigyan pa ako ng librarian ng nakalokokong tingin. At bumulong pa ng walang tunog pero nawari ko ang sinasabi ng bibig . " Ship ship ship"

I ignored her saka bumalik na sa classroom. Agad akong sinalubong ng mga tukmol.

" San ka galing boy?" Si Liam.

" Nag gym ka?" Si Francis.

" San ka ba talaga nagpupunta?" Si Zaimon.

" Upo na raw. Anjan na si ma'am " si Jiro.

Jiro seems a little down . Ano bang nangyayari sa kanya?
Something wrong. Sa kuya ba niya? Pinapahirapan na naman ba siya?

" Jiro boy . Bat ang tahimik mo ah" inakbayan siya ni Zaimon.

Agad niya ding inalis ito at nagpekeng ngiti. " Stress lang sa pagrereview para bukas. "

Bumalik siya sa kinauupuan niya at nagsimula ng mag aral. Nagtinginan kaming apat at nagkibit balikat. Naupo na rin ako. Inaayos ko yung mga nasa lamesa ko ng bigla akong kausapin ni Jiro.

" Jareb...." He whispered.
" May nagugustuhan ka ba ngayon?"

Meron nga ba? Pero sino? Si prez? Teka! Bakit si prez nasa isip ko!

" Wala" bigla kong sagot. I won't like her.

May sasabihin sana siya pero mukang umuurong ang dila niya. Kita ko ang pag tangka niya sana'ng pagsalita pero natitigilan siya. Binigyan nalang niya ako ng ngiti. A smile that looks like force. Okay lang ba talaga siya?

" Good afternoon class" bungad ng math teacher namin at nagsimula ng magturo.

Pinareview lang kami para sa summative test namin bukas kaya naman madali lang ang naging klase namin. Parang sinumarise lang mga lessons namin this week. Kasi yun ang topic sa summative test namin.

Ganun na din ang pagturo ng mga sumunod na teacher. Yung isa'ng nagturo mukang tinatamad pa. Napilitan sa pagturo.

............................

Pumasok ako ng classroom na puro nagbabasa ang lahat. Mga talipandas. Ngayon lang nagreview. Yung mga tukmol naman nagce-cellphone yung dalawang magkapitbahay. Yung dalawa rin nagbabasa. May mga sariling mundo. Mamayang 9 pa kasi ang start ng exam namin kaya may isang oras pa sila para magreview.

Inibinaba ko na yung bag ko saka umupo. Maglalabas sana ako ng notes ko ng bigla iharap sakin ni Francis yung papel na hawak niya.

Taka ko siyang tinignan, " tignan ko Kurt. Try mo rin ko may nagugustuhan kang babae. I-ganto mo yung pangalan niyo para mapredict kung ano ang magiging relasyon niyo. "

" Ano ba yan?"

" Flames. Triny ko yung amin ni Celestia.....letter A. Affection pre" Kinikilig niyang sabi. Kala mo naman sinusundot sa pwet.

Celestia yung girlfriend niya. Tinignan ko yung papel at nakacross yung ibang letter .

C ele stia Ann e
Fr ancis M a r tin

Nagiging totoo ba to. As if naman maprepredict niya kung ano ang relasyon mo sa isang tao. Kailangan pa ba ng ganito? If I want to make it happen I will do it. I don't believe in this lousy thing.

Ma-try nga.

Vic t o ria L o u i se Zope l

K urt J are b W esle y

Letter E.

Anong meaning ng E?

Tinapik ko si Francis, " anong meaning ng E sa flame? Enemies ba?"

He chuckled, " engaged"

" Akala ko enemy?"

" Pinalitan ko na boi. Para magkatuluyan kayo ng kung sinong sinulat mo Jan" ngumisi siya at tinignan yung papel.

Agad ko itong itinupi. " W-wala akong sinulat na kahit sino"

He jush scuffed and look in front.

Engaged? Magkatotoo ba ito. Pero teka. Why did I write her name? Siya lang naman kasi ang nasa isip ko nung tangkahin kung subukan ito. But why her? Sobra na to. But I don't believe in this flames thing. Lovers..... Magkakatotoo ba? With her?

Dumating na si sir kaya naman niligpit ko na ang pinagsulatan ko ng leches flames na yan. Hinati ni sir yung dala niyang mga papel at inilapag sa harap ng mga studyante na naka upo sa harap.

" Get one and pass " Sabi niya kaya nagsimula ng magpasahan papunta dito sa amin.

Nakuha ko na yung akin. Syempre I need to concentrate here. Mom told me that summative test are 40% ng grade's kaya dapat matataas ang nakukuha ko rito. Buti nalang teacher si mommy. Na a-advance kasi ako sa mga ganito. Minsan binibigay niya sakin yung mga advance lessons na pag-aaralan namin kaya mas nauuna kong mapapag-aralan yung iba naming lessons .

Kinuha ko na yung ballpen at nagsimula na'ng mag sagot. Habang sumasagot kami nagiikot yung teacher sa amin. Kitang kita ko ang nerbyos nung tatlong nasa bandang likod ang upuan. Nagkokpyahan kasi ang mga talipandas. Dati hindi kasi nagiikot yung nagpapa-exam samin kaya malaya silang nagkokopyahan. Pero ngayon mukang hindi uubra ang plinaplano nila.

Malapit na din akong matapos kasi nareview ko ito kagabi. Buti nalang talaga at masipag akong nag-aral at nag-review kagabi. Kahit antok na antok na ako. Pinagpuyatan. Pinagpaguran. Pinagtyagaan.

Mom likes it when we gets high scores. And I want to make her happy. Kahit maliit na gestures lang namin sa ganito masaya na siya.

Natapos kami ng maaga sa pag-e-exam kaya naman nagtatanungan ang mga kaklase ko sa isa't isa.

" Gagi . Tama kaya na-answer ko?"

" Ilan kaya score ko?"

" Hoy ! Anong sagot sa number 5. Kanina? "

" Sh*t !!! Hindi ako makapag review "

Kami namang lima naglapitan ng upuan sa isa't isa.

" San ka ulit pupunta boy Kurt?" Nakakangising tanong ni Zaimon.

Leche. Kala ko pa naman tungkol sa exam ang topic nila. Bakit sakin na naman. Mga tukmol talaga.

Tsaka napansin ko lagi na nila akong tinatawag sa first name ko, Kurt.

" Paki niyo ba. Tsaka why do you always call me Kurt now?"

Francis chuckled tsaka mahinang hinampas hampas ang likod ni Liam. " Si Kurt yung seryosong inlove ngayun. Hindi na yung Jareb na babaero, at heartbreak"

" And paasa !" Pahabol ni Liam.

Mga tukmol na to. Kala mo naman ni minsan hindi nila ginawa. I have reasons for doing that? Judge me all you want. But sometimes care to listen to my side.....

" Mga depungal! Ako na naman topic niyo. Kala ko pa naman maayos ang usapan" Sabi ko.

Nagtawanan sila. Pati na rin si Jiro na kahapon ay mukang depressed. Hindi na siguro siya masyadong depressed ngayun kasi sigurado naman ako na makakahigh score siya.

" Sino ba kasi yun nagugustuhan mo ? Pakilala mo rin samin. Kung ayaw mong aminin samin nalang siya. Diba Jiro? " Tumawa siya habang mahinang sinusuntok ang braso ni Jiro.

Kaya nga ayaw ko siyang bangitin sa inyo. Mga abnoy. Alam ko ang mga gagawin niyo. Baka nga masuntok niya pa kayo. Moreover hindi niya sila papansin pag nagkita kita sila. And what? Nagugustuhan? No! Never. Wtf. Leche.

" Anong nagugustuhan!? Tukmol ka ! Dun ka nga! Ang ingay mo! Alis"

" If you aren't willing to love her , do not put dents in her heart that will influence her to believe that she is hard to love. That is cruel "

Natahimik kami sa speech ni Liam. Someone observant and smart are really good at advising people. Pero bakit niya sinasabi to? Like I've said. Hindi ko siya gusto , ni crush hindi. Hindi nga ba?

Pero mali ba ang ginagawa ko? I just what to know her. Nothing more nothing less. Minsan na i-imagine ko ang relasyon namin. But that's just a fantasy, a fantasy that will never turn into reality.

" Pinapatamaan mo ba ako?" Tinignan ko siya ng seryoso.

Tumingin din siya sakin. " Sinabi ko bang ikaw? Ilag kasi sa susunod para hindi natatamaan "

Tsk. Kung ano anong sinasabi. Pwede mo naman sarilihin. No asked you opinion.

" Ako natamaan.... "

Sabay sabay naming tinignan si Francis na kunyari pang nasasak sa puso ang pinaggagawa.

" .... Tinamaan ako ng pagmamahal niya"

" Corny.." sabay sabay naming sabi.

Inirapan niya lang kami . Sobra na siya sa ka cornihan out of character na ata ang tukmol.

" Teka dati si Jiro ang nagpupunta ng library ngayun si Kurt? Sino kaya susunod satin" sabi ni Francis at tumingin samin.

Si Jiro pumunta ng library? Kelan pa? I never once saw him going to that place. Wala naman siyang interes sa libro at computer lagi ang inaatupag. Library? May binibisita siguro siya doon?

Tinignan ko siya," pumunta ka ng library?"

Mabilis siyang yumuko.
" O-oo"

" Anong ginagawa mo dun?"

" Tinanong ba yan? Malamang nagbabasa. Hindi gaya mo na may binibisita. Este nililigawan " pangaasar ni Liam sakin.

Bat ba ayaw tumahimik ng tukmol na to.

" Pumupunta ka parin ba ngayon? Hindi naman kita nakikita?" Dirediretso kong tanong.

Mahina siyang nagsalita, " pumunta parin......."

Hindi ko na narinig yung kadugtong ng sinabi niya dahil sa Lecheng bell . Sobrang lakas , lintik.

Mabilis na nag tayuan ang mga tukmol. Gutom na gutom na ang mga alipungal. Para silang patay gutom na tumakbo papunta sa cafeteria. Mabuti na rin ito para hindi nila ulit ako tanungin ko san ako pupunta.

Kumakain habang naglalakad. Sanay na rin ako sa ganito dati tuwing may training kami ng basketball. Kaya hindi naman medyo mahirap ang ginagawa ko ngayon.

Dumating ako sa library at nasa akin na naman ang mga nakalokokong tingin ng librarian. Napakamot ako ng batok bago magsulat. Hindi niya parin inaalis ang tingin sa'kin habang nakangiti.

" Alam kong gwapo ako. No need to stare like that"

Bahagya siyang tumawa, " Mahangin ka rin pala. Pero hindi kita aagawin kay Tori no! Solid shipper niyo na ako"

Walang emosyon ko siyang tinignan at ibinalik ang ballpen at record book. Walang araw talaga na walang masasabi tong librarian na to tungkol samin ni Tori. Pwera nalang kung hindi ako pupunta sa library ng isang araw.

Tinalikuran ko na siya at pumunta na sa sulok na table. Kung saan siya laging umuupo. I saw her there. Naarawan ang muka niya. Nasa tabi kasi ng bintana ang table na inuupuan niya kaya natatamaan ang mukha niya ng araw. Why do she looks beautiful. Sumisilaw ang araw sa mukha niya na mas nagpapaganda. She's shines. My beautiful, beautiful Tori.

Damn it Jareb. Tukmol ka. What we're you thinking.

Eh ano naman ngayun kung maganda siya sa pwesto dun. Geez what's with me? Crush ko ba siya? What!? No way. What am I asking something when the answer will always be no.

Lumapit ako sa kanya at naupo
concentrate na concentrate siya sa binabasa niya. Lagi naman. Hindi nga ako pinapansin. Parang akong invisible kung ituri niya.

" Hi prez " panimula ko at ngumiti.

Gaya ng lagi niyang ginagawa hindi niya ako pinapansin . Lagi niya ako ini-ignore. Dati seenzoned sa real life ngayun naman ignore. Parang na block nga ako--in real life.

" Awtsu . Di ulit ako pinapansin" parinig ko. Pero wala pa rin dedma. Walang ka imik imik.

" Ikayayaman mo ba kung magsasalita ka?" Pangungulit ko ulit.

Bakit ko ba tinanong yun. Mayaman na nga pala siya.

" Kelangan ko pa bang magbayad para lang kausapin mo ako?"

" Wala na talagang free will sa demokratiko nating bansa"

" Pag kinausap mo ako titigilan na kita"

" Good " bulong niya.

Malawak akong ngumiti at ipinatong ang mukha ko sa dalawang braso ko sa lamesa habang tinititigan siya.
" Pero datapwat, ngunit, subalit, ayaw ko ng tumigil dahil nakakatuwa kasi pinapansin mo pa rin ako . Kahit sobrang sungit mo "

Tinignan niya ako ng masama.
" Cute mo pag nagagalit ka"

Mas lalo pang nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Katakot pala istura niya pag sobrang galit. Ma cute siya kanina.

Nagsmile lang ako saka tinitignan siya habang nagbabasa. I can watch you all day.

Sa araw na to. One word lang sinabi niya sakin. Okay na yun at least pinansin, pinagtignan ng masama, inirapan. Kesa naman sa nagmumukha na akong tanga hindi man lang ako nililingon. Feeling ko biggest achievement ko na to. JOKE!

Kanina pa nagring yung bell kaya nakabalik na kami sa sarili naming classroom. Kumakain pa ang mga tukmol, madami ata ang tinake out. Si Zaimon lolipop parin ang subo. Pati kahit kaninang nag-e-exam. Lolipop is life para sa abnoy na yun.

Nagsimula na din ang exam namin ng panghapon. Madali lang at mabilisan na natapos namin ito dahil nga review lang ang ginawa namin kahapon kaya maaga din kaming natapos.

Pero bago umuwi nag coffee kami sa dati naming tambayan
malapit sa school para naman makapagpahinga daw. Kahit kanina pa kain ng kain ang mga talipandas na to.


Celestia Anne Reyes


Francis girl friend 💗😎
She's actually at Sean's school. Same sa kanya graduating na din siya ng highschool. Sakto lang ang yaman nila pero mas maangangat sina Francis. She's sociable and noisy. Gaya siya ni Francis na mahilig din sa social media. Dun nga nila nakilala at nainlove ang isa't isa. Messenger. Mutual understanding into official.
Stay strong sa inyo. Sana kayo parin sa Huli .



____________________________________
To be continued>>>>>>>>>>

Seguir leyendo

También te gustarán

13.4K 252 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
761K 16.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...