POSSESSIVE 5: Calyx Vargaz

By CeCeLib

61.6M 1.1M 311K

Calyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his b... More

SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
SPECIAL CHAPTER - Forgotten Memories

CHAPTER 26

1.8M 38.8K 20.6K
By CeCeLib

CHAPTER 26

NAKAHINGA ng maluwang si Calyx nang marinig si Etheyl na nag 'I do, father'. Nang tinatanong palang ito nang pari para siyang nanginginig na iwan. Napaka-suwerte niya at gustong magpakasal sa kanya ng isang babae na katulad ni Etheyl.

And when Etheyl said 'I do', lahat yata ng cells niya sa katawan ay nabuhay.

Of course, Seth was their ring bearer. Panay naman ang iyak ng mommy niya, kasabay nitong lumuluha ang ate ni Etheyl. Ang daddy naman niya ay panay ang iwas sa mommy niya dahil panay ang hampas nito sa balikat ng ama niya habang umiiyak.

"I pronounce you, man and wife," malakas na sabi ng pari at naghiyawan ang mga tao sa loob ng simbahan.

Halos lahat ng bisita ay sa kanya. His friends, business colleagues, employees and relatives. Ang kay Etheyl lang ay ang ate nito na siyang naghatid dito sa altar at ang kaibigan nitong si Beth na halos umabot sa tainga ang ngiti ng malamang anak niya talaga si Seth.

Niyakap niya si Etheyl at hinalikan sa mga labi. Their visitor's roared again. Calyx could hear his mother crying loudly.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, ang mga loko-loko niyang kaibigan, nag una-unahang lumapit sa kanila ni Etheyl at nagpa-picture.

"Lumayo ka nga sakin, Knight," naiinis na sabi ni Valerian sa katabi. "Doon ka sa kabilang dulo."

Knight just grinned and swung his arm over Valerian's shoulder. "Come on, Val. We're best of friends, remember?"

Nandidiring lumayo ni Valerian kay Knight at kay Tyron ito tumabi.

"Lumuhod ka nga, Train. Hindi ako makita sa picture, e," reklamo ni Iuhence. "You're blocking my handsomeness."

Pinukol ng masamang tingin ni Train si Iuhence. "At kailan ka nakakita ng wedding photo na may nakaluhod?"

"Mayroon kayam," ani Iuhence. "Hindi ko lang maalala kung saan."

Ngiting aso lang ang tinugon ni Train kay Iuhence.

"Kunan mo na kami ng larawan," sabi ni Tyron sa inupahan nilang camera man.

"Okay," anang lalaki ng may hawak na Camera. "Say cheese!"

"Sex!" Sabay-sabay na sigaw ng kaibigan niya.

Bumuga ng hangin si Calyx. "Mahiya nga kayo. Nasa simbahan tayo."

Malakas na tumawa si Dark. "Makinig kayo kay Vargaz. Bagong basbas yan kaya banal pa. Mamayang gabi, lalabas na ang sungay niyan." Nanunudyo itong ngumiti kay Etheyl. "Kaya ihanda mo na ang sarili mo, Mrs. Vargaz, mukhang maniningil mamaya si Mister."

Sana magalit naman si Etheyl sa mga kaibigan niya, pero panay lang ang ngiti at tawa ng kaniyang asawa. Sinisira ng mga ito ang kasal nila, e.

Halos sampung minuto silang nanatili sa simbahan para magpa-picture. Pagkatapos no'n ay pumunta sila sa reception na sa private beach na pag-aari ng mga magulang niya gaganapin.

Nang makarating sila roon, naroon na lahat ng bisita nila. Pinaupo sila sa mahabang table na malapit sa anim na layers nilang cake.

Six layers kasi six years na ang lumipas mula ng may mangyari sa kanila ni Etheyl na pareho nilang hindi naaalala.

Masayang nagsimula ang reception.

"Okay, ihagis na ang garter," sabi ng kapatid ni Etheyl na si Edna na emcee nila. "Calyx, tumalikod ka at ihagis mo ang garter."

Sinunod naman niya ang sinabi nito at inihagis ang garter. Nang tingnan niya kung sino ang nakasalo, tumawa siya ng makitang hawak ni Dark ang garter. Hindi maipinta ang mukha nito.

"Sabi ko nang ayokong sumali, e!" Anito na parang batang nakasimangot.

Tinawanan lang niya at nang kanilang mga bisita si Dark.

And then it was Etheyl's turn to throw the Flower. Bago pa iyon maihagis ng kaniyang magandang asawa, inagaw ni Dark ang bulaklak na hawak ni Etheyl at itinakbo iyon.

"Ayoko pang mag-asawa!" Sigaw nito habang tumatakbo patungo sa dagat at itinapon doon ang bulaklak.

Nagtawanan na naman sila sa ginawa ni Dark. Talagang ayaw pa nitong mag-asawa. Halata naman sa kahihiyang pinaggagagawa nito.

"Sorry, girls," hingi ng tawad ni Etheyl sa mga kababaihan na sasalo sana sa bouquet. "Desperado talaga si Dark na maging single sa mga susunod pang taon."

Nagtawanan ang ibang kababaihan at ang iba naman ay napasimangot.

Masaya ang reception dahil puno iyong ng tawanan at kasiyahan pero naiinis na siya. Sino ba ang nagpa-uso na dapat reception muna bago honeymoon? Argh! He hated it. Halos tatlong buwan na siyang tigang. Ayaw ni Etheyl magtalik sila hangga't hindi pa raw sila kinakasal para daw masabik sila sa isa't-isa. Tama nga ito. Dahil nang makita niya ang asawa na naka-damit pang kasal, sa loob mismo ng simbahan, talagang nabuhay ang pagkalalaki niya.

"Okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Etheyl nang makitang nakabusangot siya. "Bakit hindi maipinta ang mukha mo?"

Calyx pouted and put his chin on his wife's shoulder. "Ganda, honeymoon na tayo. Tumakas nalang tayo. Please?"

Itinirik nito ang mga mata pero may kakaibang kislap ang mga 'yon. "Calyx, ilang oras lang ang reception. Maghintay ka nalang."

Mas lalong napasimangot siya. "Ganda naman, e!"

Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi. "Hintay ka nalang, ha? Masosolo mo rin naman ako sa loob ng isang buwan kaya mag hintay ka."

That was true. Ang ama muna niya ang mamamahala sa CureMed Pharmaceutics. Maiiwan si Seth sa mga magulang niya na more than willing na alagaan ang anak niya.

Tumingin siya sa ginawang flat form na nagsisilbing stage kung saan may microphone doon. Naroon si Edna, ang kapatid ni Etheyl at nagsasalita.

"And now..." Tumingin si Edna sa hawak na papel slash kodigo. "Nag volunteer ang mga ito na mag bigay ng mensahe sa kanilang kaibigan. May I call on, Mr. Lander Storm."

Nasapo niya ang nuo. "Shit!"

Natatawang binalingan siya ni Etheyl. "Bakit?"

"Baka ano ang sabihin ni Lander." He got freaking scared. "Baka iwan mo ako." Niyakap niya si Etheyl. "Mahal na mahal kita, okay? Kahit anong marinig mo, dati 'yon at hindi na ako ganoon ngayon."

Pinaikot ni Etheyl ang mga mata. "Calyx, mahal kita. Ibig sabihin, tanggap kita kahit na anong ginawa mo noon. Alam kong nagbago ka na kaya huwag kang matakot diyan."

Mas himigpit pa lalo ang yakap niya kay Etheyl. "Thank you. I love you, beautiful."

"I love you, too," tugon nito na puno ng pagmamahal ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

God really blessed him with a wonderful wife. Ang swerte niya sobra.

NAPANGITI si Etheyl ng makitang nakatayo na si Lander sa stage at hawak na ang microphone. Itinaas nito ang champagne glass na hawak at itinuro iyon kay Calyx.

"My man. My good friend," panimula ni Lander. "Congratulations, lover boy. You finally found the one for you. Parehas na tayong masaya sa piling ng mga mahal nating babae." Itinuro nito ang mga kaibigan na single na panay ang ingos kay Lander. "Hayaan mo ang mga babaero nating kaibigan. Inggit lang ang mga yan. Mapapana din kayo ni kupido, hintay lang. Nasisiguro kong madugo ang magiging love story niyo."

Calyx's friends groaned except for the married once and those who had girlfriends.

Lander continued talking. "And for you, my friend—" Ibinalik nito ang atensiyon kay Calyx. "Be happy, okay? Alam kung kuripot ka, pero sasabihin ko sayo, walang halaga ang mga pera natin kung wala ang mga babaeng minamahal natin. Kasi iyang pera, hindi yan nadadala sa libingan. Pero ang pagmamahal, hanggang sa kabilang buhay, mararamdaman mo 'yon. So, pamper your woman. Love her. Care for her. It's okay if you are whipped by her. That's love. We men, who are also in love with our wives, understand." Itinaas nito ang champagne glass na hawak. "Cheers to the newlyweds."

"Cheers!" Sabay-sabay na sabi ng mga bisita nila at nagpalakpakan.

Si Calyx naman ay nangingiti na umiling-iling. That was sweet of Lander. Sa tatlong buwan na inihahanda nila ni Calyx ang kasal, nakilala niya ang lahat ng kaibigan nito. They are all sweet and caring. Kaya palaging nagseselos si Calyx. Tinatawanan nalang niya ang pagiging seloso nito.

Bumaba si Lander sa stage at ang pumalit dito ay sa Iuhence. "My good friend, Calyx Vargaz, finally, you've settled down." Ngumiti ito. "Naalala ko pa noon ang sinabi mo habang hinahabol ko ang maganda at pinakamamahal kong asawa na ayaw mong ma in love, pero heto nga at kasal ka na." Tumawa ito. "Kinain mo ang sarili mong salita. I'm happy for you, man. We are all happy for you. Tulad ng sabi ni Lander, love your wife because she will give you so much happiness that your money can't give you. That's all, lover boy. Have a happy marriage life."

Sumunod na nagsalita si Shun. "Hey, man." Tinuro nito ang cake. "Ako ang sponsored niyan. Sapat na ba yan pambayad sa mga kinotong ko sa'yo?"

"Baliw!" Sigaw ni Calyx. "Hindi no!"

Tumawa lang si Shun at tinuro si Thorn. "Ako naman ngayon ang kinutongan ng lalaking 'yon. He made that cake, and damn boy, muntik ko nang takbuhan ang cake sa sobrang mahal ng presyo. Kaya ingat kayo. Mukhang may disipolo na ako."

Thorn stood up and bowed his head. Nagtawanan ang mga bisita at nagpatuloy si Shun sa pagsasalita.

"Vargaz, congratulation," ani Shun na itinaas ang bote ng champagne na kanina pa nito iniinom. "Sana maging maligaya kayo sa piling ng isa't-isa. I'm sure you will be a very happy married couple, just like these gross marriage couple there." Tinuro nito si Tyron at Raine na magkahawak kamay, si Iuhence at Mhel na nakahilig ang ulo sa balikat ng isa't-isa, si Train na hawak ang malaking tiyan ng asawang si Krisz na malapit nang manganak, at si Lander at Vienna na halata ang kasiyahan sa mukha. "So, yeah, have a happy life, bud."

Halos lahat ng kaibigan ni Calyx ay nagbigay ng mensahe except kay Dark na uubusin yata lahat ng alak na dala ni Train.

Their messages were brief yet so sweet and caring. Matalik ngang magkakaibigan ang mga ito. And the last one to give a message was Tyron Zapanta.

"Well, they all said what I wanted to say to both of you. So." Idinipa nito ang braso at nakangising tumingin kay Calyx. "Welcome to possessive married men club, my friend. Please enjoy your stay."

Calyx chuckled. "Idiot."

The reception continued. Then the newlywed dance came, kung saan iniipit sa mga damit ng bagong kasal ang pera habang nagsasayaw sila.

Pakiramdam ni Etheyl ang bigat-bigat ng gown na suot niya. Puno kasi iyon ng pera. Ganoon din naman si Calyx na pati yata buhok ay nilagyan ng mga kaibigan nito.

Pagkatapos nilang sumayaw, tinulongan siya ng kaniyang kapatid na tanggalin lahat ng pera na naka-ipit sa gown niya. Hindi niya alam kung magkano ang lahat ng 'yon pero napuno yata ang malaking box na pinaglagyan ng mga vodka na dala ni Train.

Natigilan si Etheyl ng makitang lumapit sa kanila si Dark. May hawak itong vodka at panay inom nito.

"Baka naman malasing ka na niyan at hindi ka makapag-maneho pauwi," sabi niya sa lalaki ng makalapit ito.

Dark just chuckled and drop five bundles of money on the box. "Hindi ko na inipit. Baka mahubad na iyang gown mo. Tube top pa naman. Siguradong magwawala si Vargaz."

She smiled. "Salamat, Dark."

Tinalikuran siya nito at iwinagayway ang kamay bago tuluyang makalayo sa kanya.

Napailing-iling siya at bumalik sa tabi ng kanyang asawa na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito.

"I think Dark has a problem," ani Valerian na mukhang napansin ang kakaibang mood ni Dark.

Tumango si Shun. "Gusto niyo imbestigahan ko?"

"At ano? Kami pagbabayarin mo?" Sikmat ni Lander. "Ibaon kaya kita sa gabundok na pera, gusto mo?"

Tawa lang ang itinugon ni Shun kay Lander.

"I think there's no need to investigate," sabi ni Calyx na nakapulupot ang braso sa beywang niya. "What happened on my stag party was enough to blow someone's mind."

Biglang natahimik ang magkakaibigan.

Si Raine ang bumasag sa katahimikan. "Ano ba ang nangyari sa stag party mo, Calyx?"

"Oo nga," ani naman ni Krisz na yakap ni Train mula sa likuran. "Ano ba ang nangyari kay Dark?"

"Magkuwento nga kayo," sabi ni Mhel ng walang nagsalita sa magkakaibigan. "Ano nga ang nangyari?"

Sabay-sabay na nagkibit-balikat ang magkakaibigan at tumingin kay Dark na kung inumin ang isang bote ng vodka ay parang tubig lang.

"It's personal," ani Lander. "Let him be."

"Malaki na si Dark, alam na niya ang ginagawa niya," aika ni Ymar.

Tumango si Calyx. "Oo. Malaki na siya at malalaki na rin kayo, kaya puwede ba magsilayas na kayo kasi magha-honeymoon pa kami."

Namumula ang pisngi na itinago niya ang mukha sa likod ni Calyx. "Calyx! Lagyan mo naman ng preno 'yang bibig mo!"

"Sorry, ganda," hingi ng tawad nito at niyakap siya ng mahigpit. "Alam mo namang honest ako, e."

Natawa nalang siya sa rason nito. Ang asawa talaga niya. Very loyal. Very caring. Very loving. Very honest. His mouth had no filter sometimes, but she loved him anyways. She loved Calyx and his imperfections. At alam niyang ganoon din ito sa kanya.


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

858K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
351K 10.9K 34
WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 A decade-long revenge plan has never been this exciting. Iyon ang nasa isip ni Alexander. As s...
56.8M 1.1M 38
Beckett Furrer. Groom. Bachelor's Party. Drunk. Desire. Lust. And mistakes. Three years later, what happened that day still haunted his sleep and wa...
53.8K 4.3K 15
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...