"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3

6.4K 259 42
By SsweetySakura

"Malayo pa ba?"

Bagot kong sabi habang isinandal ang aking likod sa kinauupuan ko dito sa loob ng karwahe.

Kanina pa ako inip na inip at bagot na bagot dahil halos mag tatlong oras na kaming bumabyahe at masakit na din ang pwet ko sa kakaupo.

"M-malapit na po tayo, mahal na Prinsesa Xhandria."

Kinakabahang sagot ni Navah sa akin habang si Radya naman ay tulog na tulog at tulo laway pa.

Nandidiri ko namang iniwas ang tingin ko sa palakang tulo laway at sinamaan ng tingin si Navah.

"Kanina mo pa inuulit ang malapit na yan pero magpa hanggang ngayon ay hindi parin tayo nakarating sa kung saang lupalop ang Génail Academia na yan. Ginagago mo ba ako?"

Naiinis kong saad dito na mas lalo niyang ikinatakot.

"Kanina pa din naman kayo pa ulit-ulit ng tanong."

Pabulong bulong na sabi nito na hindi naka ligtas sa aking pandinig.

"May sinasabi ka ba, Navah?"

Taas kilay na tanong ko sa kanya na mabilis naman niyang ikinailing.

Kita ko namang pilit nitong ginigising si Radya na ungol lang ang itinugon at tulo laway paring tulog mantika na naka sandal sa kinauupuan nila dito sa loob ng karwahe.

Isinama ko nalang sila sa Akademya dahil isang boarding school din naman ito at dahil isang Prinsesa si Miragh ay pwede ako mag dala ng katulong.

Isa pa baka gigilitan lang sila nang leeg kung mananatili sila sa palasyo lalo na at wala na ako doon na pa siga-siga.

Napabuntong hininga nalang ako at hinawi ang kurtinang naka harang sa bintana nitong karwahe ng makarinig ako ng ingay mula sa labas.

Tinignan ko ang paligid nang aming dinadaan na kung kanina ay puro nag tataasang puno ngayon naman ay maraming mga taong nag lalakad at mga nag tataasan at naglalakihang kabahayan sa bawat kanto.

"Anong tawag sa lugar nato?" Tanong ko kay Navah at hindi ko na pinansin pa kung ano ang ginagawa nito kay Radya.

"Nandito po tayo sa bayan ng Lyshu. Ito ang sentro at pinakamalaking bayan sa kaharian Ng Llum, mahal na Prinsesa Xhandria."

Nakita ko ring hinawi nito ang kurtinang naka harang sa bintanang nasa kanilang pwesto upang maki chismis sa paligid.

(See the picture below 👇. Photo not mine Cttro:)

Kaya pala sobrang ganda ng mga nag taasang estraktura dito.

Kahit ang desinyo ay nakakamangha din na para bang puro mga mayayamang mga tao lang nakatira.

"Kaya, saan na ba talaga ang Akademya?"

Bagot na muling tanong ko dito at umayos na sa pagka uupo at isinarado na ulit ang kurtina.

Hindi ko alam kung pang ilang besis naba ako nagtatanong sa kanya at alam ko na din ang isasagot nito kahit makalipas ang isang oras ay hindi parin kami nakarating sa aming paruruonan.

"Malapit na po tayo, Mahal na Prinsesa Xhandria."

See? Malapit na daw pero hindi ko alam na ang lapit pala para sa kanya ay aabutin ng isang araw.

Umikot nalang ang mata ko at hindi na sumagot pa dahil baka hindi ako makapag timpi ay ibalibag ko ito palabas nang karwaheng sinasakyan namin.

"Nandito na po tayo, mahal na Prinsesa." Biglang sabi nito makalipas ang halos labing limang minuto.

Hindi na sana ako maniniwala nang tuloy tuloy pa rin ang takbo nang karwahe pero makalipas ang ilang segundo ay huminto na ito.

Narinig ko naman na may kumatok sa labas ng pintuan nito.

"Nasa Akademya na tayo. Bumaba na kayo at huwag na kayong pa importante."

Umiikot lamang ang mga mata ko sa walang ganang sabi nong kotsero mula sa labas ng karwaheng aming sinakyan.

Hindi narin ito nag abala pang buksan ang pintuan at narinig ko nalang ang yapak nitong papalayo sa karwahe.

Tsss.. Hindi man lang maginoo. Sa bagay mababa lang pala ang tingin nila sa mga babaeng walang mahika at kapangyarihan sa mundong ito.

Lalo na pag wala kang titulong hinahawakan.

Like, if you doesn't hold any higher title nor status and high power nor magic then you're just a good for nothing, that's why this world is so suck.

Dahil sa inip at inis ay tinadyakan ko nalang nang malakas ang pintuan ng karwahe at pabalibag itong bumukas.

Nalukot ang mukha ko dahil hindi agad ito tuluyang na sira.

Bumaba ako at sinabihan nalang si Navah at ang bagong gising na Radya na sila na ang bahala sa mga gamit namin.

Hindi na sila nag reklamo pa at bumaba nalang upang makuha ang mga bagahi na nasa likod nang karwahe.

"Ikaw, anong ginawa mo sa karwahe nang Akademya?"

Gulat na ekspresyon nong kotsero habang naka tingin sa naka lambiting pintuan nang karwahe.

"Hindi ka naman siguro bulag."

Walang ganang saad ko dito at nilagpasan nalang upang mag tungo sa malaking trangkahan ng Akademya.

Kung bastos siya mas bastos ako lalo na pagnaka hubad.

Huminto ako sa pag lalakad upang tinignan ang kabuoan nito at ang masasabi ko lang ay,

wow......

Tumingala ako at para akong malulula dahil sa sobrang habog nang mga pader.

Sa bawat toktok nito ay may mga kawal na nag babantay at sa malaking trangkahan naman nito ay may dalawa pang kawal sa magkabilang gilid na may hawak na sibat.

(See the picture above. Photo not mine Cttro.)

Akademya paba itong papasukan ko o palasyo? Talo pa yata ang palasyo ng Genezers sa daming bantay dito.

Kita ko naman ang dalawang kawal na nakanga-ngang naka tingin sa akin.

Hinawi ko naman ang buhok ko at ngumisi ng mayabang habang naglalakad na parang nag Runaway sa Victoria secret papalapit sa kanila kung saan ang malaking trangkahan ng Akademya.

('I'm too beautiful right? No need to act so obviously braders.)

"Ehemm." Tikhim ko nang makitang nakatulala parin sila sa akin.

Kita ko naman na bigla namula ang kanilang mga tenga at sabay na nag iwas tingin.

Ngayon lang ba kayo nakakita ng model ng VS na nasa labas nag fashion show?

Inilagay ko sa aking tenga ang ibang nakatakas kong buhok at kita ko ang mas lalong pamumula ng kanilang mga mukha na tinarayan ko lang at inikutan ng aking mga mata.

Pshhhh!! Hindi man lang magpapakipot ang mga hindot.

Nakita kong naglakad palapit ang isang kawal sa gilid nang malaking trangkahan at may binuksan ito na parang isang maliit na bintana at may kinausap ito mula sa loob.

Sumenyas naman ito sa akin upang papalapitin ako bago bumalik ito sa pwesto niya kanina.

Naglakad ako papalit sa maliit na bintana nayon at kita ko ang mukha ng isang medyo katandaan na lalaki nula sa loob.

"Pangalan at saang Kaharian galing."

Walang ganang sabi nito nang makalapit ako sa kanyang pwesto at hindi na nag abalang mag angat ng tingin sa akin.

Binawala ko nalang ang kanyang pagka arogante niya dahil baka ganyan nalang talaga ang ugali ng mga matatanda na.

"Zemiragh Xhandria Ellese Archquileuz, galing sa Kaharian Ng Genezers."

Pagkatapos ko banggitin ang buong pangalan ko at saang Kaharian ako galing ay bigla itong nag angat ng tingin sa akin at tinaasan ako nang kilay.

Sinuri muna nito ang buo kong mukha bago lantarang umismid.

Napataas naman isa kong kilay sa kanyang ginawa na para bang minamaliit ako nito na siyang hindi ko ikinagkamali.

"Hindi ko akalain na ang paimportanteng mag aaral pala ay isang babae at isa pang Prinsesang walang kapangyarihan at mahika na mula sa pinakamahinang Kaharian."

Painsultong sabi nito sa akin na may ngising naka ukit sa kanyang mga labi.

Tinaasan ko lang siya nang kilay at walang emosyong sinalubong ang kanyang mga mata.

Akala niya siguro hindi ako propesyonal mag taray.

"Hindi ko rin akalain na ang mga taong nag tatrabaho sa isang magarang Paaralan ay panot na walang modo at hindi alam kung ano ang tamang pag uugali." Nakangising ganti ko sa kanya na siya namang ikinawala ng mga ngiti niya sa kanyang mukha sabay hawak sa kanyang bunbunan na wala ng buhok.

"Ha! Wala ka na ngang silbi bostos ka pa. Isa pa tandaan mong isa kalang hamak na BABAE na walang mahika at kapangyarihan." Binababa niya ang kanyang kamay mula sa kanyang panot na ulo habang galit itong naka tingin sa akin.

Napaikot nalang ang mata ko dahil sa panghahamak nito sa kasarian ng mga babae lalo sa kawalang mahika ni Miragh.

Mga bobo talaga ang mga lalaki sa mundong ito.

Lahat yata ng ulo nila mula sa taas at sa baba walang utak..

Pwehhh!!!

"Hindi ako nag sayang ng oras at lakas upang pumunta dito para makipag gagohan lang sa isang panot na tulad mo."

Malamig na sabi ko at tumalikod para bumalik nalang sa palasyo o mag layas nalang at maghanap ng paraan para mabuhay ng mag isa at gumawa ng sariling pangalan sa lipunang ito.

"At saan ka naman pupunt-.."

"To the moon tapos mag ishkirt ishkirt, dahil wala naman palang kwenta ang Akademyang ito."

Nakakabagot ang mundong ito walang gilitan ng leeg.

Bago pa ako maka rating sa pwesto nina Navah na nag hihintay sa akin ay bigla naman ako nitong tinawag.

"Bumalik ka dito at kunin mo itong Papel ng Pahintulot."

Ilang segundo naman akong napa isip kung tutuloy paba ako o hindi na.

Pero alam kong nasa paraalan lang na ito ang ibang mga kasagutan sa mga katanongan ko sa mundong ito.

Bumuntong hininga nalang ako bago bumalik doon sa matandang panot na galit na galit habang naka labas ang kamay na may hawak na kaperasong Papel.

Takot siguro itong matanggalan ng trabaho kung malaman ng nakakataas na pumunta ako sa Akademyang ito pero hindi naka pasok dahil sa kagagohan niya.

Pag naitala na kasi ang pangalan ng isang mag aaral sa paaralang ito ay dapat itong tumugon dahil isa iyon sa panuntunan ng mga nakaka taas.

Kung hindi naman ito sumipot at tumugon ay mapaparusahan ang punong guro at ang magulang ng mag aaral na. At iyon ang hindi ko alam kung bakit.

Nang abot kamay ko na ang papel ay padabog ko naman itong hinablot sa kanya na siyang ikinadaing niya at mabilis na binalik ang kamay sa loob.

Minumura naman ako nito na ginantihan ko lang ng isang irap.

Lalaki daw pero sobrang lambot naman. Pweee!!

Pumunta na ako sa pwesto nina Navah na nag hihintay sa akin dala ang mga gamit na naka silid sa parang isang sako ng harina.

Naka tayo lang sila malapit sa malaking trangkahan ng Akademya.

Prinsesa nga ang katawang ito pero yung sisidlan ng mga mga gamit ko ay parang magnanakaw ng ukay-ukayan sa dati kong mundo.

Nang makarating na ako sa kanilang pwesto ay bigla naman bumukas ang mga malaking trangkahan sa Akademya.

Nauna akong nag lakad papasok habang kasunod sina Navah at Radya sa aking likuran.

Kung namangha ako sa labas ay mas lalo akong namangha sa looban nito.

Napakaganda at dinaig pa ang napakamarangyang paaralan sa dati kong mundo.

Malawak na field na sobrang berde ang kulay dahil sa mga damo may malaking puno sa gitna na parang puno ng Sakura.

May upuan namang na naka palibot dito na mas lalong nakapag bigay ganda.

(See the picture below 👇). Photo not mine. Cttro:)


Ilang besis akong napa kurap kurap dahil sa mangha.

Buti nalang at tumuloy ako dahil kung hindi ay hindi ko malalaman na ganito pala kaganda ang loob ng Akademya.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at wala akong nakitang mga mag aaral na palakad lakad. Baka maharil ay oras pa nang klase.

"Saan tayo, mahal na Prinsesa?"

Naputol ang pag mamasid ko nang bigla nag tanong si Radya na ipinag papasalamat ko dahil muntik ko nang makalimutan ang susunod kong gagawin.

Tinignan ko ang papel na ibinigay nong matanda at binasa ang nilalaman nito.

"PAPEL NG PAHINTULOT PARA KAY"

Nakasulat ang buo kong pangalan at Kaharian dito tapos may naka lagay sa ibaba na pupunta ako sa silid ng punong guro upang ibigay ito at upang makuha ko ang susi sa maging dorm ko at pati narin ang maging iskedyul sa pag aaralan ko sa Akademya ito.

Dumiritso ako sa isang gusali na para sa punong guro at buti nalang na isang mapa ang nasa likod nitong papel nato dahil baka kanina pa ako nagkanda ligaw-ligaw sa lawak ng Akademyang ito isa pa wala rin akong nakitang pwedeng mapag tanungan kung sakali.

Sinabihan ko nalang sina Navah na hintayin ako sa may malaking puno sa gitna upang mas madali ko silang makita.

Pagka dating ko sa harapan ng isang malaking pinto silid ay kumatok ako ng tatlong bises sa pintuan nito.

Aba kahit maldita ako ay marunong din naman ako gumalang minsan pag hindi sinumpong ng soy sauce.

May samagot naman mula sa loob at sinabing pwede akong pumasok.

Pinihit ko ang siradora ng pintuan at tinulak ito papaloob upang mabuksan bago ako nag lakad papasok sa silid.

Nakita ko naman ang isang babaeng maganda at sopistekada na hindi lagpas sa edad na kwarenta anyos (40) na abala sa pag babasa ng kung ano ano sa papel na nasa sa kanyang harapan at hindi pa ako nito napansin.

Tumikhim naman ako nang isang besis upang makuha ang kanyang atensyon.

Masaya naman ang kalooban ko ng nakuha lang ito ng isang tikhim at agad nag angat ito ng tingin sa akin.

"Ahh.. pasensya na binibini, lumapit ka dito at ibigay sa akin ang Papel ng pahintulot na ibinigay sayo."

Kalmadong saad nito habang mababakasan ang pagod at antok sa kanyang boses at mga mata.

Inabot ko naman sa kanya ang papel ng makalapit ako sa harapan nito pagkatapos ay tamad na tumayo habang nag hihintay sa kanyang sasabihin.

Tinignan ko naman ng maigi ang maging reaksyon nito nang mabasa na noya ang pangalan ko na naka sulat sa Papel.

Ganun nalang ang pagkamangha ko nang wala akong mabasa na kahit anong pangmamaliit at pang iinsulto sa mukha nito.

"Ikinagagalak kitang makilala Prinsesa Zemiragh Xhandria Ellese Archquileuz sa Kaharian ng Genezers. Ako nga pala si Binibining Philomela Ruscitti ang punong guro sa Akademyang ito. Kung nagtataka ka kung bakit binibini parin ang isang tulad ko kahit may katandaan na ay dahil sa wala akong asawa at anak."

Mahabang pagpakilala nito sa akin na may masuyong mga ngiti sa kanyang mga labi.

Ginantihan ko naman ito nang isang ngiti at magalang na yumuko nang kaunti sa kanyang harapan.

Nanlaki ang kanyang mga mata at natatarantang tumayo upang pigilan ako sa aking ginawa.

Ganito ang ulagi ko sa mga nakakatanda sa akin. Magalang ako sa kanila pag nakita at naramdaman ko ang kabaitan sa kanilang puso na siyang merun katulad sa punong gurong ito.

Nag usap pa kami nang kaunti bago niya ibinigay sa akin ang Iskedyul at susi.

Binalikan ko muna sila Navah bago dumiritso sa aking magiging silid.

Ngunit nakalimutan kong hindi pala uso ang Elevator o escalator sa mundong ito kaya pagod, inis at bagot akong humahakbang paakyat paitaas habang hawak-hawak ko ang laylayan ng aking damit para hindi ko maapakan.

Ayos lang sana sa akin ang kahabaan ng pag akyat basta ba hindi ganito yung damitan dahil nakaka bwesit talaga.

Makalipas ang mahabang minutong patamad na pag akyat ay nakarating na kami sa silid na para sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto ay tila lumayas ang pagod sa aking katawan dahil sa pagkamanghang nakita ko.

Kahit maka luma ang mga kagamitan ay hindi naman mapagkaila na sobrang ganda talaga ng mga ito.

May isang malaking paikot na sofa sa gitna na kasya ang apat ka tao at dalawang pang isahang sofa sa mag kabilang gilid at isang hindi kaliitang babasaging mesa sa gitna na tila pinalibutan ito nang mga sofa.

May nakita naman akong dalawang pintuan.

Isa sa sentro mula dito sa pintuan papasok sa sala at isa naman sa kanang bahagi.

Alam kong para sa akin ang nasa gitna dahil sa may pagka elegante ang desenyo ng pintuan nito.

Pinuntahan ko ito at agad na binuksan.

Mas lalo lang ako na lula sa sobrang Elegante nito.

Isang malaking puting kama na may parang bobong sa taas at may mga telang naka ugnay sa apat na haligi nito.

May dalawang lampara naman sa magkabilang gilid nito at isang maliit na mesa sa kaliwang bahagi.

Isa pang maliit na mesa sa pagitan ng dalawang malaking binatana sa kanan na may isang upuan.

May isang sofa bed naman sa paanan nang kama. At isang malaking aparador na lagayan ng mga damit sa kaliwang bahagi.

(See the picture below 👇. Photo not mine. Cttro:)


May isa pa akong nakitang pintuan sa kaliwang bahagi din na nasisiguro kong banyo ito.

Mamaya ko nalang ito tignan at baka malula na naman ako sa ganda nito.

Hindi man ito kalaki at sobrang ganda at parang hightech na kwarto tulad sa dati kong mundo ay hindi naman ako nabigo dahil sa eleganting Vintage style nito.

Pumunta ako sa kama at umupo sa gilid nito upang tansyahin ang lambot at gustong gusto ko talaga dahil hindi siya ganon ka lambot at hindi rin ganon ka tigas.

Nakita kong naghihintay sa labas ang dalawang nilalang na nakanga-nga habang manghang mangha sa sa loob nitong kwarto kaya sinabihan ko nalang sila Navah na ayusin muna ang gamit ko bago sila pumunta sa kanilang silid.

Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana upang matignan ang labas nito.

Kitang kita ko mula rito ang malawak na lupa bago ang mataas na pader.

So sa likurang bahagi na pala nang Akademya ang mga dorm.

Pero mas gusto ko ang pwesto nito dahil kita ko ang mga nag tataasang puno sa likod nang maatas na pader.

Nasa ika apat na palapag ang silid ko kaya kitang kita talaga ang labas at paligid.

Mas gusto gugustohin ko pang makita araw-araw ang mga puno kaysa sa mga pagmumukha ng mga nilalang sa Akademyang ito.

Nang matapos nang maayos nina Navah ang mga gamit ko ay nagpa alam na silang lumabas upang mag tungo sa kanilang silid para maayos din nila ang kanilang mga gamit.

Tumango lang ako at hindi na nag salita pa dahil sa abala parin ako sa kakamasid sa ibaba.

Nang mag sawa ako kakatingin sa labas ay umalis ako sa bintaba at inilibot ko ulit ang aking paningin sa aking maging silid mula ngayon.

Sobrang ganda talaga nito na niyang kayang pantayan ang magarbong silid ko sa dati kong mundo.

Lumapit ako sa aparador upang kumuha ng tuwalya para mag linis ng katawan bago mag tungo sa Cantena sa Akademyang ito.

Kanina pa ako nagugutom at parang malapit narin siguro matapos ang pang huling klase sa araw na ito.

Dumiritso ako sa banyo pagka kuha ko nang tuwalya at tama nga ako na kahit maka luma ang desinyo ay sobrang ganda parin nito.

May isang katamtamang laking paliguang batya na may isang bintana sa katabi nito.

Sa gilid naman ay isang hugasan ng kamay na may malaking salamin.

(See the picture below 👇. photo not mine. Cttro:)


Nang matapos ako mamangha sa ganda ay sinimulan ko nang maglinis ng aking katawan para hindi lang ganda ang merun ako kundi malinis at mabango pa.

.
-----------

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 1.5K 70
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
19.8K 890 60
Sa panahon ng Dynastiya ng Xiang noong ikatlong siglo sa Tsina, ay sino ang magaakala na ang isang ordinaryong babae lamang na si Fei ay papasok sa p...
270K 7.8K 43
Namuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar...
5K 377 8
REINCARNATION SERIES #2 We share the same face. The same pain. The same tears. That'sbecause she's the half of me. Language: Tagalog/English