Her Savior

By Pijei_bi

1M 40K 9.4K

ProfessorxStudent Story!!! More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 - END
Author's Appreciations
SC - The Epic & Unexpected Proposal
Not an update

Chapter 13

16K 588 160
By Pijei_bi

Nandito ako ngayon sa library dahil tapos na ang first subject ko. Si Rei, nasa pangatlong subject na nya. Mamaya pang 1:30 ang next class ko at 11:09 pa lang. Matutulog na lang muna ako.

Kumuha ako ng isang libro at pumunta sa hindi madalas puntahan ng mga estudyante. Binuksan ko ito at ipinatayo saka ko inihiga ang ulo ko sa table at iniunan ko yung kamay ko. Sa ganitong oras ay talagang inaantok ako. Ayaw ko naman pumunta sa canteen dahil wala akong kasama. Ayaw kong pumila.

Galing na ako actually sa garden kanina, kaso ang ingay nung mga nandon malapit sa lagi kong pwesto kaya umalis nalang ulit ako at pumunta dito sa library.

Masarap na ang tulog ko ng maramdaman kong nagva-vibrate yung phone ko. Nang tignan ko ang caller, bigla akong napa-ayos ng upo. Si Miss Harper, tumatawag. Hala! Miss na ata ako.

Ehem.

"Hello, Miss." Sagot ko dito. Mahina lang ang pagsasalita ko dahil nasa library nga ako. Bawal mag-ingay.

Hindi ko mapigilang madismaya ng narinig ko ang nagsalita. "Ate pretty!" Masiglang tawag sa akin ni Brielle. Huhu. Sorry na baby, kala ko kasi miss na ako ng mommy mo.

"Yes, baby?"

"Dito ka na po mag lunch sa office po ni mommy, pleasssseeee" pinahaba pa niya yung please niya. Jsko po, paano ko matatanggihan kung ganyan ka-cute yan.

Tinignan ko muna ang oras at magt-12:10 na.

"Okay, baby. Wait me there."

Narinig ko pa siyang sumigaw at nag yes pagkarinig sa sagot ko. "Okay, ate pretty! See you here! Bilisan mo po ha?" Kung makautos naman to, oh.

"Okay po." Sagot ko na lang dito at pinatay na ang tawag.

Tumayo na ako at isinakbit ang bag ko. Kinuha ko rin yung book na kinuha ko kanina at sinauli sa shelf.

Chill lang ako sa paglalakad dahil kahit walang pake sa akin si Miss - joke! - ayaw ko ng magalit pa siya lalo. Baka mag transform na yon ng dragon tapos bugahan ako ng apoy.

Pagdating ko sa office ni Miss ay kumatok ako. Agad din naman akong pinagbuksan ni Miss.

"Good afternoon po." Bati ko dito.

"Afternoon" wow! Papahanda na ba ako at binati niya ako ng pabalik? Okay! At dahil diyan, bati na kami.

Haha.

"Ate, pretty!" Sinalubong agad ako ng yakap ng bata at halik sa pisngi. Ang batang to.. baka maubos na niyan pisngi ko kakahalik nito, wala ng matitira sa mommy niya soon.

Meron, sa labi!

Hala, self! Ang bastos mo mag-isip!

"Let's eat."

Sabay na kaming pumunta ni Brielle sa may table ng magsalita si Miss. Kinuha ko muna yung upuan sa tapat ng computer sa gilid at nilagay sa harap nila Miss. Nasa kanya si Brielle ngayon. Si Miss na raw ang magpapakain sa kaniya.

Inilabas ko yung baon ko at inilapag na sa harap ko.

"Wow! Is that nuggets po?" Tanong ni Brielle pagkabukas ko ng baonan ko.

Tumango naman ako sa kanya. "You want?" I asked her. Mabilis naman itong tumango din.

Itinulak ko palapit kina Miss yung nuggets at agad naman tumusok si Miss sa tinidor at ibinigay kay Brielle.

"Kuha din po kayo, Miss." Saad ko at inilapit pa yung iba kong pagkain. May rolled egg, chicken, and tocino. Puro fried lahat kasi mas gusto ko yon. May sauce din naman.

"Ang sarap po, ate pretty."

"Really?"

At dahil heavy eater nga ang sexy nating Madam - este, si Miss Harper, kumuha din siya ng baon ko. Bahagya din niyang itinulak palapit sa akin yung baon nila, adobo and bulalo. Wow! Masaya naman akong kumuha dahil sino ba naman ang tatanggi? Malay niyo, siya ang nagluto, edi parang pinagluto na rin niya ako, diba? Mindset ba, mindset? haha

"Opo. Ikaw po nag-cook?" Tanong pa ni Brielle sa akin.

Alanganin naman akong ngumiti at umiling. I don't cook. Huhu.

"Si ate Leigh ang nag-cook niyan, baby."

"Tsk"

Napatingin ako kay Miss ng marinig ko ito.

"Why po?" Tanong ko dito. Hindi niya ako sinagot, pero tinarayan ako. Problema?

Napansin ko naman na parang itinabi niya yung rolled egg na kinuha niya kanina. Actually, pasubo na niya ito, but after she heard me answering Brielle ay ibinaba niya ito at itinabi sa gilid ng plato niya.

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Gaya ng dati, nagtuloy-tuloy lang kami sa pagkain habang yung bata ay nagku-kwento.

Teka nga! Pansin ko lang. Hindi ko masyadong nakakausap si Miss Harper. Tapos pag nakausap ko naman siya, either pagagalitan niya lang ako o kaya naman mag-aaway kami. Hala! Baka may relationship talaga kami ni Miss. Hindi nga lang romantic, enemy ba?

Geezz! Ayoko non. Erase erase.

"Ate pretty, look." Tawag pansin sa akin ni Brielle. Nandito na kaming dalawa sa couch, habang yung mommy niya ay nasa table at may ginagawa nanamang hindi ko alam.

Pinapakita niya yung ni-drawing niya at hindi ko alam kung mahihiya ba ako o masisiyahan.

"This is mommy, this is me, and this is you." Turo niya isa-isa sa mga tao na iginuhit niya. Tatlong babae ang mga ito, tapos hawak hawak kamay, then nasa gitna namin siya ni Miss daw.

"Why am I there, baby?" Tanong ko dito.

Lumapit naman siya at binulungan ako.

"I told you po, I want you to be my other mommy." Damn man! May back up na ko pag nag-inquire ako kay Miss bilang asawa. HAHAHA.

"Thank you." Ang naisagot ko lang dito at hinalikan ang pisngi niya. Tumingin ako kay Miss na nakatingin nanaman sa amin. I smiled at her pero irap lang ang sinukli niya. Tsk.

"You like mommy po ba? Kasi po I like you for her." Saad pa nitong bata kaya hindi ko mapigilang pamulaan. Ang daming alam naman ng batang ito. Pero gusto ko naman. Kaya okay lang. haha

"You're blushing, ate pretty. So it's a yes?" Masayang tanong nito kaya kaagad ko siyang sinenyasan na quiet lang at baka marinig siya ng mommy niya. Juice ko! Mahirap na.

Nagulat naman ako nang bigla siyang kumandong sa akin paharap at hinawakan nanaman ng mga maliliit at cute niyang kamay ang magkabilaan kong pisngi at pinisil-pisil. Mabilis ko din naman ipinalupot ang kamay ko sa may likod nito, pang suporta at baka mahulog. Mahirap na, baka palayasin ako ni Miss at hindi na palapitan sa anak namin - este anak niya.. "Ate pretty, can you promise me one thing?" Seryosong saad nito. Bigla naman akong kinabahan.

"What is it?" I asked.

"Don't leave us po, like daddy."

Parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa pakiusap nito. Tinignan ko lang siya ng seryoso at niyakap ito pagkatapos. Gustohin ko mang magtanong ay hindi ko na ginawa dahil kahit bata ay alam kong nasasaktan ito, at isa pa, hindi din naman ako sigurado kung alam niya kung nasaan o anong nangyari sa daddy niya.

"I promise, baby." bulong ko dito.

"Thank you po." Ngumiti ito at pinugpog nanaman ako ng halik kaya ngumiti na rin ako. Ang sweet talaga ng batang ito kahit kailan.

Napatingin ako sa wall clock at malapit na ulit ang pasok ko.

"Ha, baby, una na si ate ha? May pasok na kasi ako e." I said to her. Magwa-1:30 na ng hapon.

"Okay po." Sagot nito at niyakap ako at hinalikan muli. Ang hilig mang-halik. Sana yung mommy din.

"Yung promise mo po ha, ate pretty?" Paalala pa niya bago ako tuluyang makalabas ng pinto. Tumango naman ako dito at nag thumbs up pa.

Nagpaalam na din ako kay Miss Harper and as usual, hindi nanaman ito sumagot kaya umalis na ako at pumunta na ng room.

"Saan ka galing?" Tanong ni Rei pagkaupo ko sa upuan ko.

"Jan lang, sa tabi-tabi." Sagot ko dito na ikinairap niya. Isa pa to e. Minsan ang daldal, minsan ang taray!

"Sus, kay Miss Turner ka galing no?" Malokong tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Pinagsasabi mo?" Maang-maangan kong tanong.

"You don't have to hide it. Crush mo si Miss no? Mukhang crush ka rin naman niya, kaya kwits lang kayo." May pa-tango tango pa ito habang nagsasalita.

"H-how - I mean... What do you mean?"

King ina. Halata ba? I mean.. hindi ko na nga siya madalas pinapansin e.

"Halata ka kasi. Pansin ko na iniiwasan mo siya minsan, pero kahit ganon, panay pa rin ang pagtingin mo sa kanya."

"W-what?"

So halata nga?

"Ano ba yan! Nakakainis ka naman kausap!" Iritang saad niya kaya inikutan ko ng mata.

"Teka nga! Bat ba napakamaldita mo ngayon ha?" Tanong ko dito.

"Ang slow mo kasi. Tsk!"

"Oh, e ano naman kasi ngayon kung crush ko siya?" Tanong ko dito. Pero agad akong natigilan ng marealized ko yung sinabi ko. Nang tignan ko si Rei, isang malokong ngiti ang nasa mukha niya.

"See? Edi gusto mo nga si Miss." It's not a question. It's a statement.

Inikutan ko siya ng mata.

"Don't worry, mukhang same naman kayo ng nararamdaman ni Miss e." Napatingin ako sa kanya dahil don.

"How'd you know?"

"Yiiihhh, umaasa!" Tukso nito. Tang ina.

"Bahala ka nga jan!" Inis kong saad sabay tayo. Lilipat sana ko ng upuan, pero mabilis niya akong pinigilan at hinila pabalik muli sa upuan ko. See? Porket nahahawakan na niya ako, malakas na ang loob niyang manghila.

"Chill! Ito naman, pikon masyado." Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Well, lagi ko din kasi siyang napapansing nakatingin sayo. Everytime na sumasagot tayo ng activity at kapag busy ka sa pagso-solve, lagi ka niyang tinitignan. At umiiwas naman kapag tapos kana."

"Dami mo alam!" Sagot ko nalang. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tinawanan niya lang naman ako kaya inikutan ko muli ng mata na nagpalakas pa ng tawa niya. Baliw.

Maya-maya lang din ay dumating na rin yung next teacher namin at hindi ko din namalayang tapos na siya magdiscuss dahil nagfly fly ang utak ko.

Alam ko naman na maganda ako, pero hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Rei kanina. Why would she look at me ba e lagi nga akong tinatarayan non.

"Miss Mackenzie"

Tapos kapag naman kinakausap ko siya, ang cold din. Tamad na nga ako magsalita at may pagka maldita pa, tapos ganon din yung magugustuhan ko? Ano yon, paano pag nag-away kami, sino susuyo sa amin? Si Brielle?

"Miss Mackenzie!"

Teka nga, bat ba napaka-advance kong mag-isip? Hindi pa nga ako sure kung gusto din ako ng tao e.

"MISS MACKENZIE!!!" Oh fuck! I was startled ng marinig kong isigaw ni Miss Harper ang pangalan ko - wait! What? Bat andito na siya? Don't tell me... Kanina pa siya jan?

Oh gosh!

"If you're just going to day dream in my class, the door is open." Sobrang sama ng tingin niya sa akin, mga mare!

"S-sorry po" sagot ko lang dito at umayos ng upo. Pansin ko rin na nakatingin sa akin ang mga kaklase ko kaya lalo akong nahiya. Tumingin din ako sa katabi ko na may ngisi sa labi. Tsk. Hindi man ako sinabihan.

"Eyes on me! I won't tolerate such attitude, Miss Mackenzie, next time I saw you again day dreaming during my class, you will go to detention. Understood?" Tumango lang ako dito bilang sagot.

Nag-umpisa na siyang mag discuss kaya nakinig na lang ako at hindi muna siya inisip.

Actually, kasalanan niya to e. Masyado siyang maganda para kalimutan ko yung itsura niya. Masyado din siyang maldita para hindi siya pansinin. Idagdag mo pa yung napaka cute niyang anak na gusto din akong maging mommy.

See? Sinong susuko jan, kung kakampi at boto sayo yung anak? Dagdag points yon.

"Yan! Nasa harap na kasi, pinagpapantasyahan mo pa." Napatingin ako kay Rei ng sabihin niya yon pagkalabas ni Miss sa room.

"Pinagsasasabi mo? Tsaka.. anong pinagpapantasyahan? Tanga ka ba?" Tanong ko dito.

Tumawa naman ito. "Bakit, hindi ba siya yung iniisip mo?"

Inikutan ko lang ito ng mata at iniwan siya. Narinig ko pang tumawa muli ito pero hinayaan ko na. Nababaliw e.

Saktong palabas na ako ng gate ng tumawag si Leigh sa akin na papunta na siya, kaya saglit na lang akong naghintay.

Bago dumaretso sa bahay ay nag drive thru pa kami sa Mcdo kaya pagdating namin ay umakyat na agad ako sa kwarto. Umalis na rin naman kaagad si Leigh dahil pagdating namin dito kanina, andito na rin yung sasakyan niya, pinahatid daw kanina dun sa secretary niya.

Pagpasok ko sa kwarto ay basta ko nalang inilapag ang bag ko at humilata sa kama.

Hayss. Panibagong araw nanaman ang patapos na at panibagong galit nanaman ang mayroon si Miss Harper sa akin. Damn it.

Halos araw araw nalang bang ganon? I mean, bakit sa twing nagkakaayos kami kapag may alitan kami, hindi man umaabot ng isang araw, may panibagong galit nanaman. Tang ina. Dinaig pa namin yung mag jowa. HAHAHA.

Patulog na sana ako ng bigla nalang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito and I smiled as I saw the caller.

"Mama Alice!" Tawag ko dito. He's my grandmother from mommy's side.

"London, apo. How are you?"

"I'm fine po, mama Alice. You? Where is Dada?" 

"We're fine here. Your Dada miss you so he asked me to call you. Here!"

"Hello, My London?" I smile upon hearing my dada's voice.

"Dada! I miss youuuuu!"

"I miss you too, Princess. Bakit hindi ka na bumibisita dito? Are you that busy on your school?" Aww, si dada nagtatampo.

"Nagtatampo ka, da? I'm sorry. I promise, this weekend, I'll visit you."

"Baka naman hindi mo na ako maabutan niyan ha?" Napatigil ako sa narinig ko. What is he talking about?

"Dada!" Suway ko dito. Kung ano ano sinasabi, kala niya naman nakakatawa.

Narinig ko naman itong tumawa. "I was just joking, My London. Anyways, I need to rest na. I love you, apo. Pray for me ha? I miss you. Goodbye!"

Bakit ganon? Parang may mali? Kinabahan ako bigla.

--

Continue Reading

You'll Also Like

Seven Days By Al-ki

Teen Fiction

185K 4.7K 27
Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Per...
716K 25.7K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
345K 9.8K 36
COMPLETED Night Klaye Collins FIRST time niyang masampal pero ano ang gagawin niya kung magiging FIRST love niya ito? Shyle Dorothy Hermosa Hindi p...
6.9K 421 18
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members