When Tears And Rain Collabora...

بواسطة Diwtty

1.1K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 المزيد

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Ittʼs

31

11 2 0
بواسطة Diwtty

“BLOOMING ANG GAGI”

Yan ang kaagad na sabi ni Cire pag kapasok sa kwarto ko. Nag aayos ako ngayon ng sarili sa harap ng salamin dahil excited ako para sa date namin ni Dew.

Hindi talaga date yun, sinasabi ko lang na date kase gusto ko.

Ngiti lang ang naitungon ko kay Cire dahil wala akong masabi. Subrang saya ko ngayon at gusto ko lang na nakangiti ako palagi para makita ni Dew kung gaano ako kasaya.

“Sana naman pag uwi mo ay hindi ka umiyak” Biglang sabi niya na naging dahilan ng pag simangot ko.Ang basag trip niya talaga kahit kailan!

“Sana mag break na kayo ng boyfriend mo” Inis kong sabi saka muling ipinag patuloy ang pag aayos ng sarili.

“Hindi ka naman ba nahihilo? Baka biglang sumakit ulo mo, ah” Ngayon naman ay nag aalala na siya sa kalusugan ko. Ang bilis mo naman ma mode swing, Cire.

Inilapag ko ang lipstick sa lamesa at tinignan siya sa salamin. “Naiinom ko naman yung gamot ko kaya hindi na ako bigla biglang bumabagsak” Simula nung binigyan ako ng doctor ng gamot para sa sakit ko ay hindi na ako basta bastang nakakaramdam ng pananakit ng ulo. Pero minsan naman ay oo kapag hindi na kaya ng katawan at ng ulo ko ang mga nangyayare.

“Alis na ako! Ingat ka” Paalam ko sa kanya.

Tinanguan niya lang ako bilang sagot kaya dumeretso na ako palabas ng kanyang bahay. Kailan ko mag abang ng taxi para hindi ako malate sa pupuntahan namin ni Dew.

Akmang itutulak ko na ang gate palabas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko iyon sinagot ng makitang si Dew ang tumatawag.

“Hi!” Masayang bati ko.

“Nasa labas ako” Ang ganda talaga ng boses niya kahit nag sasalita!

“Papunta na po” Mabilis kong tinapos ang tawag. Excited ako dahil sa wakas ay makakasama ko na siya ulit. Yung walang Lalaine na umaaligid at walang kahit na sino ang eepal.

Pag labas ay natanaw ko kaagad ang kanyang kotse kaya naman nakangiting lumakad ako papalapit doon.

“Hi!” Bati ko.

Tiningala niya ako na hindi ko inaasahang gagawin niya. Ngumiti siya at sumipol bago pinagbuksan ako ng pinto.

“Bat may pa sipol pang nalalaman?” Natatawang tanong ko.

“Mas lalo kang gumanda” He said and then i saw how his chin become red. Kinikilig siya at kahit ako ay hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman. Kahit pala subra akong nasaktan ay may natira paring kilig na tanging sa kanya ko lang nararanasan.


Mahigit kalahating oras din ang byinahe namin nang tuluyan kaming makarating sa lugar kung saan matagal na naming gustong puntahan.

Naramdaman ko ang pag tutubig ng mata ko kaya kinusot ko ang mata ko saka ngumiti. Ang ganda at matagal ko nang mapangarap ang makapunta dito.

“You like it?” Tanong ni Dew. Nakahawak na ang kamay niya sa bewang ko kaya napantingin ako doon. Ang init ng kamay niya at ang lambot nun. Matagal ko naman na nahahawakan ang kamay niya pero bakit mas lumambot yata ngayon?

“Gustong Gusto” Sagot ko pero ang sagot na iyon ay hindi para sa unang nakita ko. Gamit ang bakanteng kamay ko ay ipinagtiklop ko ang kamay niyang nasa bewang ko sa kamay ko.

“Lets go, Dew” Masayang hinila ko siya papasok ng Jvck Land.

Madami ang bulaklak na nakita ng mata ko. Ang mga sunflower ay mas matanggad pa sa amin. Hindi lang mga bulaklak ang eneenjoy ng kata ko, kundi pati ang mga isda na nasa fishpond.

“Oh, Look! Ang gandang pag masdan, Dew” Parang batang tinuro ko ang isdang sabay sabay na lumanggoy. Nakaloblob ang paa ko sa tubig ngayon at eenjoy ang pag halik ng mga isda sa paa ko.

“Maganda nga” Wika ni Dew na sa akin nakatingin ng lingonin ko siya para tignan.

“Say Chizz!” Sigaw ko mula sa kinatatayuan ko. Nasa harap ko si Dew ngunit malayo siya sa akin ng kunti. Sa tabi niya ay ang statwa ng penguin. Hawak ko naman ngayon ang camera na nakatotok sa kanya upang kunan ng litrato. “Ano ba! Sabing ngumiti ka!” Inis kong sabi sabay lakad palapit sakanya. Wala pa akong matinong litrato niya na nakukuha ko dahil hindi naman siya tumitingin sa camera.

“Bakit ba ang hirap para sayo na ngumiti?” Tanong ko ng makalapit sa kanya. Sinabit ko ang camera sa leeg ko pakatapos ay sinuklay ang buhok ko na ginagalaw ng malakas na hangin.

Kanina ko pa napapansin na puro tingin lang ang ginagawa niya sa akin. Yung tingin ba na parang ayaw na niyang alisin dahil takot na baka biglang mawala---napahinto ako ng kay mapagtanto. Takot ba siyang iwan ko siya ulit?

Palihim ay kinagat ko ang labi ko. Hindi pa siguro siya nagiging okay dahil sa ginawang kong pag iiwan sa kanya.

“Dew, May iniisip ka ba?” Muling tanong ko. Mas lalong lumapit ako sa kanya upang mahawakan ang braso niya. “May nagawa ba ako?” Yung mag tanong na parang wala ay nakakagago pero mas nakakagago ang mag panggap na walang ginawa para lang maging okay.

“Iniisip ko lang na baka bumalik ka para saktan lang ako ulit” Bigla ay napalunok ako. Alam ko ang totoong dahilan ng pag balik ko at pilit na pag siksik ang sarili sa kanya, Ngunit ayukong malaman niya iyon dahil ayukong masaktan siya. Totoong bumalik ako pero hindi para saktan siya ulit,Kundi para matupad ko ang huling hilingin ko.

To be with him is enough reason for me to fight. Sa ngayon ay hindi ko pa masabi sa kanya ang kalagayan ko.

“Hindi na, Dew, Hindi na kita iiwan ulit” Another lie bomb into my mounth. Ang gago ko para lokohin siya para lang maramdaman niyang totoo ang pinaparamdam ko sa kanya ngayon.




Matapos ang pag lilibot sa Land ay kumain kami sa paborito niyang Restaurant. Iyon ay ang Restaurant ng kaibigan niyang si  Moira. Mag kaibigan na ito mula palang nung collage at hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay may communication parin silang dalawa.



“Salamat naman dito niyo napag isipang kumain!” Aniya ng maganda at matangkad na babae na si Moira.

Bukod sa maganda at matangkad ay kaagaw agaw din ang ilong nitong kasing ilong si Liza Soberano. Kagaya ni LS ay manipis din ang labi nito. Napaisip tuloy ako bigla kung bakit hindi sila nag click ni Dew noon.

“Malakas yata sa akin ang asawa mo” Bigla ay napasimangot si Moira dahil sa sinabi ni Dew.

“Sinasabi ko na nga ba! Sige, Kung ganon ay mauuna na ako” Akmang aalis na ito ng biglang may lumapit sakanya nalalaki at mabilis na niyakap ang bewang ni Moira. Sa nakikitako ngayon ay sigurado akong ito ang asawa niya ngunit bakit parang mag kaaway?

“Let me go, Peter!” Inis na sabi nito sa asawa. Pinipilit niyang alisin ang kamay nitong nakayap sa kanya ngunit malakas yata ang asawa kaya hindi man lang matanggal.

“Nag away ba kayo?” Tanong ni Dew sa dalawang nasa harap nila na nag sasagotan.

“Ito ang tinatawag na PDA, Bro” Natatawang sabi ni Peter pakatapos ay binuhat ang asawa na parang isang sakong bigas na nakapatong sa balikat. “Got to go, Dew” Paalam nito sa katabi ko. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng kusina. Bakit ganon yun? Parang hindi lang away ang nakikita ko, Kundi pati labuan!

Kumain kaming dalawa ni Dew nung makaalis ang mag asawa. Mabilis lang din dahil kailangan na niyang bumalik sa hospital para mag trabaho. Nalungkot tuloy ako bigla dahil hindi ko na naman siya makakasama.

Hinatid niya ako nang hapon na yun. Malungkot kong sinalunong si Cire na nanunuod ng Kdrama sa malaki niyang tv. Parehong nakataas ang paa habang sa ibabaw ng tiyan niya ay ang popcorn na binili lang namin nung nakaraang linggo.

Pinag tripan pa ako ng loko dahil para daw akong iniwan ng tatay. Wala tuloy akong nagawa kundi ang irapan siya at mag kulong na lang sa kwarto. Buong gabi ay inabala ko ang sarili sa pag cecellphone. Hinihintay ko ang tawag o text niya dahil miss ko na siya kaagad.

Ngunit lumipas na ang ilang oras pati ang gabi ay wala man lang akong natanggap na tawag o text man lang galing sa kanya. Nasubra yata yung pag ka busy kaya nakalimutan na akong itext. Pero bigla ay naalala kong may pamilya pala siyang inuuwian. May anak siyang inuuwian habang ako ay nag mistulang kabit.

Nang gabing iyon ay nanubig ang mata ko dahil sa naramdaman. Subra parin ang pag sisisi ko na hinayaan kong masari yung meron kami noon. Habang nag dudusa ako ay may taong nag papakasaya sa taong hindi naman talaga para sa kanya.

“Saan ka pupunta?” Mula ulo hanggang paa ay tinignan ako ni Cire. May dala siyang bowl ng watermelon na nahati at wala ng buto.

“Miss ko na si Dew” Malungkot na sabi ko. Dalawang araw na kaming hindi nag kikita at hindi ko na matiis pa na mangulila sa kanya. Gusto ko na siyang mahawakan, mayakap at maramdaman.

Naningkit ang dalawang mata ni Cire, Parang ayaw sa plano kong pag punta kay Dew.


“Kumustahin mo din si Aidan, Boyfriend mo parin yun, Justine” Biglang sabi niya na kinatahimik ko. Hindi ko na sinasagot ang mga tawag ni Aidan mag mula ng maging okay kami ni Dew.

“Yung taong yun ang ganda ng intensyon sayo, Pero ito ka at pilit na bumabalik sa taong iniwan mo noon.”

Iniwan ako ni Cire mag isa nang sabihin niya iyon. Yung mga salitang binitawan niya ay dumeretso sa dibdib ko. Alam kong may punto ang mga sinabi niya, Ngunit hindi ko pwedeng basta na lang sundin dahil buhay ko ito.

Nang makarating ako sa hospital ay kaagad kong tinanong sa nurse si Dew. Nasa opisina niya daw ito kaya mabilis ang pag lakad na niya.

Kumatok ako ng ilang beses ngunit walang sumagot kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang tulog na tulog na si Dew. Ang kanyang ulo ay nasa lamesa at ang kamay nito ay nag silbing unan.

Lumapit ako sa kanya, Hinaplos ang pisngi niya. Kahit tulog ay gwapo talaga. Ang gandang pag masdan.


“Hmmm” aniya ng maramdaman ang pag haplos na ginawa ko sakanyang gwapong mukha.

Napangiti ako. “Gising na, Dew” Ayuko sana siyang gisingin kaso gusto ko siyang makausap. Alangan naman kaseng dumaldal ako habang tulog siya.


Dahan dahan ay iminulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya ng makita ako kaya napangiti din ako. Ang gwapo! “Hi” Bati ko sa kanya.

Umayos siya ng pag kakaupo pero bago iyon ay kinusot kusot niya muna ang kanyang mata saka siniguradong walang muta na kumakapit sa kanyang mata.



“Why are you here?” Tanong niya ng matapos sa ginagawa.

“Gusto kita makita, e” Sagot ko sabay iwas ng tingin sakanya.

Narinig ko ang pag tawa niya kaya napatingin ako sa kanya at masamang binigyan siya ng tingin. Ang loko gusto yatang pag tripan ako.

“God! You are so pretty when you blush” Ani sabay lapit sa akin na kinabigla ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Yung yakap na talagang mararamdaman mo dahil hindi ka manhid.



“Be with me, Jus, Lets spend my one week off in Batangas”  Bulong niya sa tenga ko.



Napaangat ako ng tingin sa kanya, Sa akin siya nakatingin kaya napahigpit ang kapit ko sa kanya.Subrang lapit ng mukha naming dalawa at kunti na lang ay mahahalikan ko na siya!




“Iʼll go with you, Dew” Nakangiting sabi ko.




Ngumiti siya sakin pabalik pakatapos ay mabilis na sinakop ang labi ko ng labi niya.






واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.7K 300 6
She devoted her life, she devoted her mind, she devoted her soul to the Supreme Lord. Every inch of her, each breath of her echoed His name. Without...
56.5K 2.5K 39
Republished. This story is written by Gazchela Aerienne. Xeen is a hybrid lambana mermaid. This is a sequel fantasy-romance novel.
32K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
131K 1.7K 8
Rated SPG. Mature Content