Her Mischievous Smile [COMPLE...

By Hadlee_Zircon

13.6K 537 7

~•~•~ Risus Series 2 ~•~•~ Out of many people in life, Trecia Davies was the woman whom Ivan could never ever... More

RISUS SERIES
BLURB
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

SPECIAL CHAPTER

375 16 0
By Hadlee_Zircon


SPECIAL CHAPTER - A SNOBBY AND CRAZY WEDDING

IVAN'S POV

Masama ang tingin ko kela Ate at Martina habang nasa loob kami ng bahay nila. Apat na buwan na simula nang makalabas si Ate mula sa ospital pagkatapos niyang manganak sa dalawa kong nagg-gwapuhang mga pamangkin.

Linggo ngayon at parehong wala silang pasok kaya naman tama lang na ngayon ako pumunta sa kanila. Kaya lang parang pinagsisisihan ko na.

"Ate, wala na akong pakelam kung mas matanda kayo sa akin pero seryoso. Isa pang tawa, babatukan ko kayo—"

At nagtuloy na naman sila sa pagtawa. Si Ate ang unang nakabawi. "Kasi naman, Jes. Hindi ko lang ma-isip kung gaano kalala ang obsession mo kay Trecia." At tumawa na naman siya.

Nakakainis na ah! "Ate, totoo nga kasi."

Si Martina naman ang umimik. "Totoo nang sumuko ang brain mo? I can't believe that you went too far into considering that you did propose and that she actually said yes."

Huminga ako nang malalim saka sinamaan ng tingin silang mag-asawa. Palibhasa eh ang ganda na ng buhay mag-asawa nila tapos gaganituhin nila ako‽ Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng jacket ko saka tinawagan si Tres. Ang alam ko ay kasalukuyan siyang nasa salon at ayaw magpa-istorbo pero huling alas ko na 'to.

(I told you not to disturb me.) Agad na bungad ni Tres pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko.

Humagikgik naman sina Ate na ikinanguso ko. "Tatlo ko, inaaway ako nila Ate," pagpapalambing ko sa kaniya.

(Is there something new?) Muling humagikgik sina Ate.

"Pero kasi Tatlo ko, ayaw nilang maniwalang ikakasal na tayo." Pareho naman ngayon akong tinaasan ng kilay nila Martina.

I heard her let out a heavy sigh. (I told you that we should've come together. Hindi ka naman kasi talaga kapani-paniwala.)

"Wait! You're serious‽" biglang react ni Martina.

(Oh... You're currently with them?)

Tumango naman ako kahit hindi niya makikita. "Kanina pa, actually. Simula nang ihatid kita. By the way, I miss you, Tatlo ko."

(Tss. I miss you too. I'm almost done here so come pick me up fast, okay?)

Hindi ko namalayang wagas ang ngiti ko kung hindi pa ako napatingin kela Ate na halatang litong-lito sa nangyayari. "Ayy, Tatlo ko. Diba um-oo ka sa pag-po-propose ko?"

Tres softly chuckled. (Yes, I did say yes.)

I confidently faced my sister and her husband. "Oh! Diba? Sabi ko sa inyo ikakasal na kami ni Tatlo ko eh."

Naging seryoso naman ang itsura nila Ate saka sila nagkatinginan. "Trecia, sure ka na ba rito? You wanted him gone before."

"Hey! Ano 'yan—"

My Tres laughed again. (Martina, we've been dating for years now. We only told you that we broke up many times due to well... keeping our relationship low-key. And besides, it's fun acting.)

Ako naman ngayon ang humagikgik dahil sa mga itsura nila Ate at Martina. "So you're really going to get wed?" tanong ni Ate na agad kong tinanguan. "Kailan niyo balak?"

(This year as well. Just an intimate wedding. I'm sick and tired of cameras flashing, I don't wanna go back to those times again.)

Parang gusto kong puntahan si Tres nang mapansin ko ang tono ng pananalita niya. "Any plans about your wedding? The venue, color theme, wedding gown, entourage?" sunod-sunod na seryosong tanong ni Ate na hindi ako makapaniwala.

(Venue? Probably a private resort. I wanted a beach wedding and so did Ivan. Color theme? Bordeaux. Wedding dress? I have already checked some but I'll tell Martina the details. I still want him to design my dress. Entourage? It's just the family.)

"Speaking of family... Are... they gonna attend?" Nakuha ko naman kaagad ang ipinupunto ni Martina habang seryoso itong nakatingin sa telepono ko.

(No. No, they won't. But... Uncle Marvin and Aunt Marissa will be there... right?)

I saw Martina let out a small smile. "You said naman that it's just the family so, of course, they'll be there."

I could somehow feel Tres' smile. (Then it's great. Just us. And of course, Fel. Don't forget about that woman.)

Martina chuckled as well. Nagkatinginan na lang kami ni Ate saka siya ngumiti sa akin. Nagpaalam naman na si Tres kaya kaming tatlo na lang ulit. "So... naniniwala na kayo?"

Martina shook his head but his lips featured an amusing smile. "So, I'll handle the entourage's clothes, your outfit, and Trecia's wedding dress. Beach wedding and Bordeaux, right?"

Tumango naman ako. "Gusto namin ni Tres na by the end of the year, kasal na kami. Probably sa Batangas. Since she did like the beach there."

Nagpaalam saglit sa amin si Martina at kukunin niya raw ang sketchpad niya para masimulan na. Kaya naman pareho kaming naiwan ni Ate sa sala. "So... Sa kasal din talaga ang ending niyo 'no?"

Napangiti naman ako nang wagas. "Mula noon hanggang ngayon, Ate, 'yun ang pangarap ko. At ngayon... hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito."

She took a deep breath and smiled at me. "I'm happy for you, Jes."

"Hindi ka na talaga galit kay Tres o kung ano pa man?" pang-aasar ko sa kaniya.

Ate rolled her eyes at me. "Grabe naman sa galit. Iritado lang ako sa kaniya noon, but past is past, and we're fine now. If you love her and she loves you, then I have no say about it."

Napangiti ulit ako. "Thank you, Ate."

Tumayo si Ate saka naglakad papalapit sa akin para yakapin ako. And honestly, I'm happy that she accepts us wholly.

Pagbalik naman ni Martina ay nagsimula na kaming mag-usap usap tungkol sa magiging kasal namin ni Tres. At habang patagal nang patagal ang pag-uusap namin ay hindi ko maiwasang mas ma-excite. Parang gusto ko nang ikasal bukas.

"Oh, ba't parang kinakabahan ka?" tanong sa akin ni Ate habang inaayos ang polo kong puti.

Umiling naman ako saka binasa ang labi kong nagsisimula na namang matuyo. "Ate..."

Nag-angat siya ng kilay. "Oh?"

"H-Hindi naman ako tatakasan ni Tres, diba?" Tuluyan ko nang hindi maitago ang kabang nararamdaman ko habang naghihintay na magsimula ang entourage.

Oo, ito na ang araw na inaasam ko. Ito na ang araw na matagal ko nang pinapangarap. Ito na ang araw ng kasal namin ni Tatlo ko at parang napalitan ang excitement na nararamdaman ko noon at tanging kaba na lang ang meron.

"K-Kasi Ate... Hindi na niya sinagot 'yung tawag ko kahapon. Tapos hindi naman ako pinayagan ni Martina na makita si Tres." Ipinunas ko sa polo ko ang mga kamay kong nagsisimula na namang magpawis. "Hindi niya naman ako iiwan, diba?"

Imbes na seryosohin ako, malakas lang na tumawa so Ate kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin.

Bakit parang nakararami na nang pang-aasar 'tong si Ate sa akin? Bumabawi ba 'to?

"Seryoso, Jes. Napaka-overthinker mo pala." Muli siyang tumawa. "Pero 'wag kang mag-alala. Nakita ko naman si Tres kanina sa cottage niya kung saan siya inaayusan eh. Hindi siya tatakas."

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Ate. Hanggang sa biglang nagsalita ang wedding organizer na magsisimula na raw ang wedding march.

Nagsi-ayos na kami hanggang sa nahlakad na ako papunta sa altar, at katulad ng gusto ni Tres ay family and friends only ang nasa kasal.

At nang tumugtog na ang napiling wedding song namin ni Tres ay nakita ko na siyang naglakad, kasama ang mga magulang ni Martina.

Sa 'di ko malamang dahilan—alam ko pala. Nagsimulang bumalik sa isip ko ang mga memory namin na magkasama ni Tres.

'Yung mga unang panahong nagkita kami, nagkausap kami, nagkatawanan kami, asaran. Lahat 'yun naalala ko.

'Yung first kiss, first date, at first holding hands namin. Lalo na noong unang beses na sinagot niya ako. Para silang slideshow sa isip ko.

At hindi ko na napansing umiiyak na pala ako habang pinapanood siyang naglalakad papalapit sa akin. Ang pangarap ko noon na nawala ko pero bumalik ay naglalakad papunta sa akin.

Nasabi ko na lang sa sarili ko na okay lang. Tama lang pala. Na kahit na saktan kami noong dalawa, tama lang din kasi mas tumibay ang kung anong mayroon kami ngayon.

"Mahal na mahal kita," mga salitang lumabas sa bibig ko nang saktong tumapat na siya sa akin.

I saw her mischievous yet beautiful smile. "Isn't it too early for that?" Tres even chuckled. Pinunasan niya pa ang basa kong mga pisngi. "You're cute crying, though, so I'll accept it."

Napangiti naman ako. "Mahal na mahal talaga kita."

Trecia's face brightened even more. "And I love you just the same."

And with those precious words, we began the sacred ceremony of marriage. Finally, after years and years of hoping and praying, I'll marry the woman of my dreams. My Trecia Davies-Myers.

Continue Reading

You'll Also Like

320K 9.6K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...
467K 16.7K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
460K 9.9K 51
Two girls are exchanged at birth and are given to the wrong mothers and after 13 years the truth comes out Rosabella Rossi is different from her sist...
235K 14.3K 45
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...