Blood Menace

Von fbbryant

14.3K 933 217

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... Mehr

Foreword
Part I
1- Kam
2- First Day
3- Rival
4- Achievers
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
11- Travel Buddy
12- Sentry Training
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
23- End of the Beginning
Part II
24- Obis
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
37- In the Lion's Den
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

16- His Plaything

311 17 2
Von fbbryant

Tumayo si Malik mula sa pag-squat at napaangat ng tingin si Kam habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw nito.

Tumalon ito sa sahig ng rooftop nang walang kahirap-hirap at gan'on din ang ginawa ni Tryx na masama pa rin ang tingin kay Kam.

"May plano kayong sagutin ang tanong ni Malik?" taas-kilay na sabi ni Tryx.

"Mission," balewalang sagot ni Cole.

Tumango si Kam nang tingnan s'ya ng kanyang roommate na mukhang hindi naniniwala.

"Ipinadala kami ni Director Brisbois para sunduin si Nova. She will go back to the Academy."

Tumango uli si Kam sa sinabi ni Cole. Nakakatakot kasi si Tryx dahil lumalabas talaga ang pagiging Senior nito.

"But you're both Freshmen. The Academy doesn't send Freshmen to do errands or missions," duda pa rin si Tryx.

"Well, Director Brisbois trusts us so, just accept it," Cole tsked. "Akala ko ba sa Apary ang mission n'yo? Ano naman ang ginagawa n'yo rito?"

"We were following these idiots. Ilang araw na kaming nakamasid sa kanila. They belonged to a bigger syndicate," suminangot si Tryx. "At hindi na namin malalaman kasi patay na silang lahat."

"This one's alive. I just snapped his neck. He'll wake up soon," turo ni Kam sa isang nakahandusay sa lapag.

"Oh, ayan ha. You can interrogate him. Why didn't you just read their thoughts?" tanong ni Cole kay Malik.

"Dude, I read thoughts. Not listen to them. Paano ko mababasa eh lageng naka-hood ang mga loko," nakangiwing sagot naman ni Malik.

Kam realized that Malik's ability was very useful when it comes to interrogation.

Alam na kaya nito kung sino s'ya?

Hindi na lang niya iisipin para 'wag nitong mabasa.

"We will prepare him for transport," ani Tryx sabay hila nang walang kahirap-hirap sa lalaking hindi pinatay ni Kam. She liften him and put him on Malik's shoulder. "Discard these bodies."

'Yun lang at tumalon na ang dalawa paalis ng rooftop.

"Tsk. Nautusan pa tuloy tayo," angil ni Cole saka nagsimula nang hilahin ang mga bangkay ng Turned sa iisang pile. Gumulong pa palayo ang ulo n'ong unang napatay ni Cole.

Napailing si Kam nang makita ang frustration ni Cole. Bakit inis na inis naman yata ito?

"This was supposed to be a perfect day for the two of us. Hindi ko isinama sa plano ng date natin ang mga kidnappers na 'to," anitong ipinatong ang ulo ng Turned sa pile.

"Tsk. Just take care of them, okay?" anang dalaga.

Cole kneeled beside the pile and lifted his right palm facing the bodies. He started chanting and saw smoke coming from the pile.

Umatras na lang si Kam at hinayaan si Cole sa witchy stuff nito.

Lumapit siya sa parapet at pinanood ang activities sa baba ng piazza. Ang daming mga tao, kadalasan mga tourists na kumukuha ng mga pictures sa malaking estatwa, sa matatayog at lumang buildings na napanatili in pristine condition. May mga nagtatawanang mga bagong magkakakilala.

Everything looked so calm and genuine despite the noise. Bakit mas at home siya rito sa Vergaemonth kesa sa Chilakest? Ni hindi niya na-miss ang pinanggalingan n'ya. More than one year na since umalis s'ya pero wala pa rin siyang pagnanais na umuwi.

But she knew she couldn't stay here forever. May responsibilidad siya sa pamilya n'ya. S'ya ang tagapagmana ng Caedis empire. Kahit hindi siya masaya room kasama ang mga magulang n'ya, kailangan n'yang bumalik.

Kahit na dito niya unang naramdaman ang tunay na ibig-sabihin ng salitang masaya.

"A penny for your thoughts?"

Napalingon siya kay Cole na matamang nakatitig sa kanya. Nakatayo ito sa likuran n'ya habang kampanteng nakapamulsa. She looked behind him and saw that the bodies of the Turned vampires were gone.

"Did you burn them?"

Tumango ito saka humakbang na palapit sa kanya habang nakapamulsa pa rin.

Walang scorch marks sa sahig. Witches and their spells!

"Are you okay?" tanong ng binata nang tuluyang makalapit sa kanya.

Then she realized, si Cole ang dahilan kung bakit ang saya-saya n'ya. Ito ang dahilan kung bakit naging mas worth it ang pag-alis n'ya ng Chilakest.

"Oo naman. Wala sa plano ang naganap na labanan pero lessons din 'yun for future Sentries like us," sagot niya.

Hinawakan ni Cole ang mga kamay n'ya kaya biglang nakiliti ang buong katawan ng dalaga.

"Grabe! Hawak sa kamay pa lang 'yan," naisip ni Kam.

"Caedis, may nakakaalam na kung sino ka. In no time, kakalat ang impormasyon na pilit mong itinatago," nag-aalala nitong sabi. "In Chilakest, people wanted to use you to get close to your wealthy parents. But looks like in Vergaemonth, bad people don't have time for senseless gallivanting. They want money right away."

Alam ni Kam. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Cole pero gusto n'ya pa ring marinig para rumehistro iyun sa isip n'ya.

"What will happen next, Bloodworth?"

"More kidnapping attempts will surely happen. You have to be ready."

Tumangu-tango si Kam. She didn't expect this turn of events. Pero hindi siya magpapayanig. Being a Caedis meant being a target for one reason. Money!

"I'll be fine," matapang niyang sagot at napangiti si Cole.

"Just don't forget that you're not alone."

Grateful na ngumiti si Kam. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ni Cole saka siya tumingkayad para patakan ng mabilis na halik ang masasarap nitong mga labi.

Cole grinned.

"Ang saya mo ah," natatawa niyang komento.

"Siempre. Halikan ba naman ako ng magandang babae," sagot nito saka siya hinila na sa isang pinto para makaalis na sila ng rooftop.

—-
Kam and Cole enjoyed the rest of their days in Macon. They only met with Nova at the train station on the day of their departure for Morland.

"Ano'ng pinagkaabalahan ninyo for four days?" ngiting-asong tanong ni Nova nang naglalakad sila sa pasilyo para hanapin ang kanilang private cabin.

"Huh? Wala naman. Namasyal lang sa mga tourists spots," kunwari ay balewalang sagot ni Kam. For some reason, ayaw niyang ipaalam kay Nova na medyo nagkakamabutihan sila ni Cole.

"This is us," biglang tawag ni Cole na nauna na sa kanila. Binuksan nito ang pinto ng cabin at nakita nilang exaggerated itong napatalon paatras.

"What's wrong?" nagmamadaling humakbang si Kam palapit sa lalaki at sumilip na rin sa cabin. "Tryx? Malik?"

Nakangisi si Tryx at sumaludo si Malik.

"Would you look at that? We have the same cabin," OA na nanlaki ang mga mata ng lalaki.

"Pumasok na nga kayo. Ang OA ha," natatawang sabi ni Tryx.

Natawa na rin si Cole at pinapasok si Nova. Saka naman nito hinawakan si Kam sa likod ng beywang para marahan siyang igiya sa loob.

Kam felt tingles all over her body. Kahit gan'on lang ang gesture ni Cole ay malakas na ang epekto nito sa kanya.

Mas malaki itong cabin na ito kaya okay lang kahit magkakatabi sila. Sa may bintana si Nova, nasa gitna si Kam at sa kanan niya si Cole. Sa kabila naman ay si Tryx ang malapit sa bintana.

"Nova, I'm glad na pinayagan ka ng parents mo na bumalik sa academy," panimula ni Malik na may malawak na ngiti. "By the way, I'm Malik Brigham. You can call me Lick- Aray!"

Malakas itong pinagsasapak ni Tryx kaya natawa sila. Walang-hiya talaga itong si Malik.

"Yan ang mentor mo," bulong ni Kam kay Cole at agad naman siya nitong sinamaan ng tingin kaya napahagikhik siya.

"Hi, Malik. Nice to meet you," inilagay ni Nova ang buhok sa likod ng tenga nito at napakagat-labi pa. Agad naman itong siniko ni Kam.

Ang landi!

"Kaibigan mo 'yan," ganting bulong ni Cole kaya s'ya naman ngayon ang umirap.

"Nasaan na 'yung Turned ninyo?" naisipan ni Kam na itanong kina Tryx.

"He's dead," balewalang sagot ng babae.

"Pinatay n'yo?"

"Of course not! He killed himself. Sayang lang kasi wala kaming nakuhang impormasyon sa kanya. May lalaki kasi ritong ang tagal gumamit ng banyo!"

Malik smiled sheepishly. "Grabe naman. Fifteen minutes lang ako sa banyo. Bakit kasi hindi mo binantayang mabuti."

At nagtalo na ang dalawa.

"Those vampires knew who you are. More people might know too," mahinang komento ni Cole.

'Yun din ang ikinabahala ni Kam. Paniguradong alam din ng mga kasama ng mga ito sa sindikato. Paniguradong hindi iyun ang unang kidnapping attempt na mangyayari.

"Ano'ng ginagawa n'yo?" biglang tanong ni Nova na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanila ni Cole na sobrang lapit sa isa't isa.

Natigil sa pagtatalo sina Tryx at Malik saka napatingin sa kanila. And the latter grinned.

Mabilis na umusog si Kam palayo kay Cole kaya gulat na napatingin sa kanya ang binata. Nagtatanong pa ang mga mata nito.

She shook her head a little and he took a heavy sigh before sitting upright, far from her.

Hindi siya handang ipaalam sa iba ang namamagitan sa kanila ni Cole. Kung meron man. It happened too fast. Baka nadala lang sila sa naging lakad nila.

Sinulyapan n'ya ang binata at nakita n'yang nakapikit na ang mga mata nito habang tuwid na nakasandal sa upuan.

Kahit na nakapikit at walang ginagawa ay hinahatak pa rin siya nito. Malakas yata ang tama n'ya sa isang 'to.

Pero ano ba ang relasyon nila? Hindi naman kasi nila nilinaw sa isa't isa.

Isa pa, handa na ba s'ya? Paano kung malaman ng mga magulang n'ya? Ano ang magiging reaksyon ng mga ito lalo na at hindi Pureblood si Cole?

—-
Limang araw sila sa byahe at hindi na kailanman umupo si Cole si tabi ni Kam. Hindi naman siya nito iniiwasan. Mukhang naintindihan naman nito ang uncertainties n'ya. Kailangan n'yang pag-isipan itong mabuti.

S'ya ang uri ng tao... well, bampira, na hindi pinapairal ang nararamdaman kundi ang utak. Kailangang magkaliwanagan sila ni Cole pagkabalik nila sa academy.

And she had to make sure what her feelings were. She liked Cole, that's for sure, but was like enough to pursue a relationship?

Isang ding ang narinig n'ya mula sa kanyang phone kaya mabilis n'yang binuksan ang message.

From: Bloodworth
We should have a date when we get back to the academy. We have to make sure of our feelings. Deal?

Lihim na napangiti si Kam. Hindi lang pala siya ang busy sa pag-iisip sa bagay na 'to.

Sa wakas ay nakabalik na nga sila sa academy. Deretso sila sa kani-kanilang mga dorm rooms. Halos wala na silang imikan sa sobrang pagod. Besides Malik. Fully charged pa rin ito kanina nang maghiwa-hiwalay sila. Panay pa ang kanta nito.

"May something ba sa inyo ni Cole?" nakataas ang kilay na tanong ni Tryx. Bakit napaka-perceptive nito? "I mean, I don't really care. Bagay kayo. But you'll tell me once you two are official, right?"

Nag-init ang mukha ni Kam. May something ba sa kanila?

Sa totoo lang, ngayong nakabalik na sila sa academy, parang nakabalik din siya sa reyalidad. Balik focus sa pag-aaral. Dalawang linggo siyang naka-miss ng mga klase. Kailangan niyang humabol.Malapit nang matapos ang semester. Paniguradong tatawag ang kanyang mga magulang para alamin ang grades niya. Wala siyang oras na dapat sayangin.

So, if Cole and her had something, would it affect her grades?

She couldn't fail her parents' expectations.

"Oh, nanahimik ka na," komento ni Tryx.

"Walang something sa amin," she said.

Hanggang walang kasiguruhan sa kanilang dalawa, Kam wouldn't tell anyone that she and Cole had something.

Besides, everyone thought Cole was a playboy. Ano ang iisipin ng ibang mga estudyante sa kanya? Isa sa mga pampalipas-oras nito?

Mas mabuting sigurado siya sa intensyon nito bago siya tuluyang bumigay. She had to protect her reputation because that was her parents' priority, next to their wealth.

And she had to protect her heart.

—-
Sa library tumambay si Kam sa mga sumunod na araw. Kailangan n'ya talagang makahabol sa mga na-miss na lessons and tests. Dinagdagan n'ya rin ang oras para sa kanyang physical training.

"You have to perfect your angle, Caedis. A long sword is so much harder to wield than a dagger. One wrong move and you're dead."

Napalingon si Kam sa lalaking kakapasok lang ng training hall. Alas-onse na ng gabi kaya silang dalawa na lang ang nandoon.

"Akala ko may lakad kayo ng mga kapatid mo," aniya saka uminom ng tubig.

"It's eleven in the evening. Kanina pa kami nakabalik. We just had dinner together. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot," Cole pouted and that made Kam smile.

Isang pagpapa-cute lang nito at agad na bumibigay ang puso ng dalaga. She really liked him.

Humakbang si Cole palapit sa kanya at wala sa isip na napaatras si Kam sabay tingin sa paligid.

Tila naman natuod si Cole sa kinatatayuan nang mapansin ang ginawa n'ya. His face fell but he didn't take another step. He respected her space.

Kam chuckled nervously. "Medyo na-busy kasi ako," aniya.

"You need to take a break sometimes. 'Wag mong abusuhin ang katawan mo just because you're a vampire," nakangiti na uli ang binata.

Buti naman.

"I know."

"May gagawin ka bukas? It's weekend. Pwede mo ba akong bigyan ng kahit tatlong oras lang? I really wanna take you to a date."

Kam felt warm all over her body. Cole still treated her special even after their Macon City trip. Mas naging attentive pa ito sa kanya.

At mukhang naintindihan naman nito na ayaw n'ya munang may makaalam sa namamagitan sa kanila kahit wala siyang sinasabi.

Kailangan nilang linawin ang relasyon nila bago nila hahayaan ang iba na ma-involve.

But she wasn't brave enough to initiate the talk. So, hihintayin n'ya ang binata.

Ngumiti ang dalaga. Maybe they can have that talk tomorrow. "Where? When?"

Ngumisi na rin si Cole. Nagningning pa ang mga mata nito kaya si Kam na ang humakbang para bigyan ito ng mabilis na halik sa mga labi. Pero sinigurado niyang wala talagang ibang tao roon.

He grinned, satisfied. "I'll message you."

Nakangiti si Kam buong gabi. Cole gave her bland, boring life a new meaning. Parang biglang naging mas colorful ang paligid.

This was the happiest she had been.

Who knew a boy could do that.

—-
The restaurant was forty minutes away from the academy. May deck iyun kung saan may mga mesa at nakadungaw sa asul na dagat.

Marahang nililipad ng hangin ang kulay gintong buhok ni Kam. Magkaharap sila ni Cole habang nakaupo sa isang square na mesa, malapit sa handrail ng deck.

"What?" tanong niya nang mapansing nakatitig lang sa kanya ang binata habang may ngiti sa mga labi nito.

"You are so beautiful," madamdaming sabi nito kaya muntik pang mabulunan ang dalaga.

Napaka-random naman nito.

"Uy kinilig," pinagaan naman nito agad ang atmosphere nila.

"Siempre naman 'no. Ano'ng tingin mo sa akin? I have feelings. Duh!" aniya saka pabiro itong inirapan.

Saka niya ito tinitigan. Hindi naman sila nag-usap pero parehong beige ang suot nila. He was in an expensive button down shirt, white jeans and white sneakers.

Samantalang naka-sleeveless beige bodycon midi dress ang dalaga na may manipis na belt. Beige din ang kanyang stiletto pumps.

"Ikaw nga d'yan eh, sobrang gwapo," ganti niya rito. He really looked good.

Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga mortal na nasa kabilang tables and her chest was full of pride.

Yes, siya ang kasama ng napakagwapong lalaking ito.

Siya ang gusto nitong kasama.

"Well, thank you," he chuckled. Namula pa kaya bahagyang natawa si Kam.

Si Cole Bloodworth, nag-blush.

He was so adorable.

"So, you know what you want to eat?"

Tiningnan ni Kam ang menu. Ang daming masasarap na entrees. Sanay na siya sa mga ganitong mamahalin at high quality na mga pagkain kaya hindi na siya na-excite.

Si Cole lang ang exciting sa araw n'ya.

"What do you recommend?" she asked and lifted her gaze to him.

Pero natigilan siya nang mapagsino ang grupo na kakapasok lang ng deck ng restaurant.

Nanigas ang dalaga.

It was Tryx and her Senior classmates! Umabot yata sa sampu ang grupo ng mga ito.

No! Hindi siya pwedeng makita na kasama ni Cole. They would think she was one of his playthings.

Mabilis siyang tumayo kaya gulat na nag-angat ng tingin sa kanya ang binata. Nasa mukha nito ang sobrang pagkalito.

Nagtawanan ang grupo nina Tryx kaya napalingon doon si Cole.

Kam panicked.

Walang paalam na tumakbo siya gamit ang kanyang vampire speed.

Iniwan n'ya si Cole sa gitna ng kanilang date.

***
@immrsbryant

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

509K 1.7K 6
You cannot be happy if you cannot accept reality that pain and problems are part of us, part of who we are and part of what we become.
53.7K 1.9K 24
Si Crystal lalaine Reyes. Siya ay babaeng rule breaker. Cool siyang babae, magaling siyang kumanta ,song writer ,at kaya niyang tugtugin lahat ng ins...
358K 4.4K 175
Complete songs ni Taylor Swift including other songs niya na di niyo pa alam. Andito rin po yung bago niyang album yung 1989. Swiftie forever!!! Enjo...
85.6K 5.5K 51
Bleik had a wonderful family and friends. Everything was good. The boy she had a crush on had eyes on her too. But on the night of her eighteenth bi...