"Zemiragh: The Unwanted Princ...

SsweetySakura tarafından

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... Daha Fazla

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 9

6.1K 292 36
SsweetySakura tarafından

Habang nag lalakad ako paalis sa kulungang kinalalagyan ng katawang ito ay rinig ko ang bulungan ng dalawang nilalang alalay na baka magustuhan akong saktan ng mga ibang lingkod ng Reyna sa labas at pagkaisahan na naman na ikinaikot lang ng aking mga mata.

Duhhhh!!! Kung gusto nila ng bugbugan edi goraa bellsss habang mainit pa ang ulo ko at gustong gusto na manapak.

.

.

Nag lalakad lamang ako ng tuloy-tuloy hanggang sa may sumalubong na mukhang inihaw na halimaw malapit sa tarangkahan palabas ng letchonggg itik na lugar na ito.

Kung siniswerte ka nga naman oh....

"Hindi ka maaring lumabas sa piitang ito, PRINSESA ZEMIRAGH. Dahil dun na daw ang tahanan mo sa ilalim sabi ng Reyna. Hahahahaha!!" Napatakip ako sa aking ilong ng umaabot sa akin ang mabahong hininga nung inihaw na halimaw na tumatawa na wala namang kakatawa.

Ramdam ko rin ang pang-uuyam nito kay Miragh dahil sa kanyang pag diin sa pangalan ng Prinsesa.

"Diba pwede na daw siya lumabas sabi ng Reyna?" Buti pa yung isang inihaw na halimaw may utak habang bumubulong dun sa isang tumatawa walang utak pero parang pareho yata silang napag iwanan ng utak dahil malakas din naman ang tinig niya kahit bumubulong.

"Oo, alam ko pero hindi rin naman magagalit ang Reyna kung paglaruan muna natin ang Prinsesang ito bagkus ay baka nga pupurihin pa niya tayo." Napataas ang isa kong kilay dahil sa kanyang sinabi at kita ko na bilib na bilib pa talaga siya sa kanyang sarili.

"Sa bagay at isa pa matagal narin akong natatakam sa kanya."

Tama nga ako at pareho silang napag iwanan ng kani-kanilang mga utak.

"P-prinsesa Xhandria, b-bumalik nalang tayo sa ibaba."

"T-tara na po."

Ramdam ko ang takot sa biglang paghawak ni Navah at Radya sa magkabila kong kamay at pilit ako inaakay pabalik sa pinanggalingan namin.

Mag sasalita na sana ako na hindi pwede pero naunahan na ako ng mga mukhang inihaw na halimaw.

"Hahaha. Kahit pa na bumalik kayo doon sa ilalim ay susundan parin namin kayo dahil wala rin naman kayong magawa sa lakas namin."

"Tama..hahahahaha."

Ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ng dalawang nilalang habang nakawak parin sa aking kamay ngunit inalis ko ito sa pagkakahawak sa akin dahil hindi ako makapag laban ng husto kong mukha silang tukong naka dikit sa akin.

Nginisihan ko muna sila bago nag bitaw ng salita.

"So let's get started?"

Matatanong pa sana sila dahil alam kong hindi nila yun maintindihan ay agad ko silang binigyan ng tig-i-isang pa ikot na sipa na kaagaran nilang ikinalihik.

"Pweeee!!! Weak!! Ampptt!!"

Dinuraan ko sila sabay hila nong dalawang nilalang na babae dahil natuod na yata sila sa kanyang kinatatayuan dahil hindi sila gumalaw nong aalis na sana ako.

Makalipas ang limang minutong paglalakad ay hindi parin nag iingay ang dalawa kaya huminto ako sa paglalakad at sa kakahila sa kanila pagkatapos ay binalingan ko sila ng tingin at napakunot noo ako sa kanilang mga mukha.

Montanga lang???

Malaki ang mga mata habang nakanganga??

Ipinitik ko ang dalawa kong daliri sa kanilang harapan at kita ko ang pagkurap-kurap nila na nagmukha na silang mga abnormal.

"Nasaan ang silid ko?"

Inunahan ko agad si Radya ng makita kong ibinuka nito ang kanyang bibig para magtanong.

"Katabi po ng mga silid naming mga lingkod." Napangisi nalang ako dahil hindi na ka taka-taka kung bakit nandun ang kwarto ko.

"May banyo or pwede maliguan?" Kita ko ang sabay na pag tango ni Navah at Radya na ikinasaya ko.

"Ehh di tara." Agad ko silang pinalakad pauna dahil hindi ko alam kung saan banda ang magiging silid ko.

Wala akong pakialam kung malaki or hindi basta may banyo na pwede ako maligo.

Sa aming paglalakad ay kita ko ang ibang mga tauhan sa palasyo na nagbubulungan at may kalakip na pang-uuyam at masamang tingin na hindi ko na pinagbigyang pansin dahil baka lahat sila makatulog agad.

Pagdating namin sa sinabing silid ay agad akong pumasok at tama nga ako sobrang liit lamang nito.

Nang ilibot ko ang aking piningin may nakita akong aparador na lagayan siguro ng damit.

Isang maliit na higaan at isang maliit na mesa na may isang puting halamang bulaklak na naka lagay sa isang baso at isang larawan na may apat na tao ang nasa loob.

May isang bentana din na malapit nito at isang maliit na lagayan nang aklat.

"Umalis na kayo at pumunta na kayo sa inyo-inyong silid para makapag pahinga."

Nang makaalis na sila ay agad kong sinirado ang pintuan ng silid at agad pumunta sa isa pang pintuan na nakita ko dito sa silid at agad binuksan at tama nga ako isa itong maliit na banyo.

Mabilis kong hinubad lahat ng aking suot at pumasok ng tuluyan sa banyo.

Maliligo muna ako dahil ang lagkit lagkit na nang katawan ko na hindi ko naman ikinapagtaka mula noong malaman kong mag dadalawang linggo na pala akong walang malay Este ang katawang ito.

Pagkapasok ko sa loob nang banyo ay iginala ko agad ang aking paningin.

Napakaliit lang talaga nito na kulay puti ang pader.

May isang makalumang inidoro, pero malinis naman. Yung style lang ang luma.

May isang gripo na may hindi kalakihang balde ng tubig sa ilalim at isang bilog na bagay na parang gawa sa kahoy na ginawang pang tabo.

May mga bote din na nakalagay sa may gilid sa parang estante. Na nasisiguro kong gamit pangligo iyon.

Kung ipagkumpara ko ang laki nang walk-in-closet ko sa mundo ko at ang banyo na ito ay di hamak na mas malaki iyon ng pang tatlong besis kaysa dito.

Kahit ang silid nito na nasa labas lang ng banyo na ito ay di hamak na mas malaki pa nga din ang banyo ko sa mundo ko.

Napa iling nalang ako at sinimulan ko na ang pag liligo.

.

.

.

.

.

.

Mag aapat na araw na nang maka labas ako sa kulungang kinamulatan ko at laging ganito parin ang pagkain na ibibigay sa akin at mas lalong mas masahol pa ngayon.

"Bakit dinala niyo pa ito rito kung ganito ka sang-sang ang amoy? Binibwesit niyo ba ako?" Nakahawak ako sa ilong ko ngayon habang tinignan ang nakakasukang pag kain na gustong ipakain sa akin ng tagapag luto raw sa palasyong ito.

"P-pasensya na Prinsesa Xhandria dahil nung sinubukan naming itapon ito ay pinakain po nila ay binalian po nila kami ng daliri ni Navah at kung hindi daw namin ito dadalhin rito ay ibabalik ka raw sa piitan at ikulong ng dalawang buwan at papakainin ng d-dumi ng h-hayop." Palihim kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil sa sinabi ni Radya at nagsimula ng umiiyak at kita ko na tinitiis nito ang sakit sa kanyang daliri habang si Navah naman ay kanina pa tahimik na nagpupunas ng kanyang mga luha.

"Akin na yan at samahan niyo ako papuntang kusina."

Agad kong kinuha sa kamay ni Radya ang pagkaing dala niya o kung matatawag pa ba itong pagkain dahil sino ba ang matinong hayop ang ihalo sa kanin at gulay ang laman loob ng isda at manok.

Hindi panis ang kanin o gulay pero ang laman loob ng isda at manok ay nangangamoy bulok na at malapit nang magka uod.

Habang naglalakad kami sa daanang patungong kusina ay hindi ko mapigilang mamangha sa istraktura at desinyo ng palasyo.

Maraming bulaklak na naka palibot at may nakita pa akong malaking fountain sa ginta ng Entrada bago makarating sa harapan Ng palasyo.

Napakalinis din nito at walang makikitang kahit isang nalaglag na dahon sa paligid at kahit ang aming nilalakaran ay parang kumikintab na marmol dahil sa sobrang Linis. (See the picture above. Photo not mine. Cttro:)

Habang patuloy kami sa paglalakad ay may namataan akong mga kawal at katulong na nakatingin sa amin o sa akin na tila gulat na gulat na makita akong nag lalakad sa pasilyo ng palasyo.

Yung iba naman naming nadaanan ay mahinang tumatawa dahil siguro sa aking dala-dalang nangangamoy patay na pagkain.

Hindi ko nalang sila pinansin o kahit nagpakita ng kahit anong emosyon.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad dahil sa gutom na talaga ako at dahil narin sa pagka-irita.

Huminto kami sa isang hindi kalakihang pintuan sa aking harapan.

Buti nalang at hindi ako naligaw sa tulong narin sa ilang ala-ala ni Miragh kundi baka kanina pa ako napahiya dahil taas noo pa akong naunang naglalakad patungo dito na akala mo eh alam na alam ang buong paligid.

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang pigilan ni Radya ang aking kamay sa akmang pagpihit ko sa siradora.

Napataas naman ang isang kilay ko at bumaling sa kanya.

"Prinsesa Xhandria, huwag nalang po kayo pumasok at baka sasaktan ka lang po nila dahil pinag babawalan po talaga kayo ni Reyna Lucifia na pumunta dito." Nagmamakaawang sabi nito sa akin.

Kanina pa ako naririndi dito sa kanya dahil simula nang maka labas kami sa silid ko at maglakad papunta dito ay ito nalang lagi ang lumalabas mula sa kanyang bibig. Ni kesyo baka sasaktan daw ako blah blah blah.

"Aalis kaba sa harapan ko o aalis ka sa harapan ko?"

Walang emosyong sabi ko sa kanya at dahil hindi parin niya binitawan ang kamay ko ay pabalang ko itong iniwaksi na siyang hindi niya inaasahan at napa upo nalang siya sa sahig sa aking gilid.

"Sa susunod huwag na huwag mo ako subukang harangan o pigilan sa gusto kong gagawin kung ayaw mong masaktan."

Pabalang na sabi ko sa kanya at tinitigan siyang walang pakialam sa nangyari sa kanya kahit kita kong nagka pasa ang kamay nito.

Ayaw ko sana gawin iyon sa kanya pero punong-puno na ako sa mga kagagohang pinaggagawa ng mga tao sa palasyong ito kay Miragh at ayaw kung may humahadlang o pumipigil sa gusto kong gawin sa mga tarantadong iyon.

Tinulungan nalang siya ni Navah upang makatayo dahil nag sisimula na naman siyang ngumawa.

Hindi ko nalang sila pinag tuonan ng pansin pa at tinadyakan ko nalang ang pintuang nasa aking harapan dahil sa inis narin kay Radya.

Dahil sa lakas ng pagkabukas nito ay kitang kita ko ang gulat sa mga mata ng mga nilalang na nasa loob.

Yung iba ay nabitawan pa nila ang kanilang mga hawak panluto at napahawak sa kani kanilang dibdib.

"Bigyan niyo ako nang masarap na makakain. Hindi yong parang kanin na para sa aso o baboy."

Bagot kong sabi sa kanila habang nag hahanap ng maupuan dahil hindi pa sila nakahuma sa pagka gulat sa pagpasok ko at habang naghihintay upang malaman kung sino ang nagbigay sa akin nitong mabahong pagkaing nasa usa kong kamay.

"P-prinsesa Xhandria. Ano ang ginagawa niyo Dito?"

Sabi nong matabang babaeng nilalang na siyang unang naka bawi sa pagka gulat at siya rin pala yung pumunta doon sa kulungan ko nong magisang ako sa katawang ito.

"Hindi ka naman siguro bingi."

Walang ganang sabi ko sa kanya at itinagilid ko nang kaunti ang aking ulo habang kumportableng naka upo sa isa sa upuang nakita ko na nakahilara sa isang pahabang lamesa sa gilid.

Inilibot ko naman ang buo kong mata sa paligid.

Ang masasabi ko lang ay wow.....

Sobrang laki ng espasyo nito at maganda din ang pagka desinyo.

Malinis at maaliwalas pero puro bulok at pangit ang namamalagi dito.

"Hindi ko akalain na medyo makapal din po pala ang iyong pagmumukha, mahal na Prinsesa Xhandria. Diba sabi nang mahal na Reyna Lucifia ay bawal ka pumasok dito at dapat kainin mo na nalang ang kung ano mang ibinigay na pagkain sayo?"

Pa ismid na mahabang lintanyang sabi nito sa akin habang pinag ekis ang dalawang braso sa kayang dibdib.

"Ano ang trabaho mo dito sa palasyo?"

Walang ganang tanong ko sa kanya at binalingan ko ang aking mga magagandang koko na para bang ito na ang pinaka interesting bagay sa nundo at binaliwa ang kanyang mga pang insulto kay Miragh.

"Ako lang naman ang pangulong tagapag luto sa pala-..."

"Ahh! Tagapag LUTO KA LANG PALA At ano naman ako sa palasyong ito?"

Diing putol ko agad sa kanyang mayabang na pagkasaabi nito sa akin at isinandal ko ang bigat ng aking likod sa aking kinauupuan habang hinawakan ko ng mabuti ang pinggang sa isa kong kamay dahil alam ko nang siya pala ang nag bigay sa akin nito.

Nakita ko naman ang galit sa kanyang mukha at nawala ang kayabangan niya na nakapaskil nito kamakailan lang.

"Ha!! Aba't marunong kana Palang suma sagot-sagot ngayon sa akin? Hindi porket isa kang Prinsesa sa kahariang ito ay mag babago na ang aming pagtingin sayo. Ikaw parin ang Prinsesang walang kapangyarihan at mahika, mahina at walang sil-..."

"Hindi ko rin akalin na ganyan na pala magsalita ang isang hampaslupang katulad mo sa Isang Prinsesang katulad ko. Tandaan mo kahit wala akong kapangyarihan o mahika na siyang pinag mamalaki niyo pero kung pagbabasihan ang estado ng buhay natin ngayon ay hamak na mas mataas parin ako sayo at hanggang talampakan lang kita."

Napasinghap naman ang iba dahil sa muli kong pag putol sa sinabi nito at hindi siguro nila inasahan na ganito ang lalabas sa bibig nang Prinsesang kanilang inaapi.

Namula naman sa galit ang mukha nong matabang nilalang at nag lakad ito papalapit kung saan ako naka upo at alam ko na agad kung anong gustong gawin nito sa akin.

"Hayop ka kahit isa ka pang Prinsesa ay wala ka paring Silbi."

Galit na sabi nito nang makalapit ito sa akin at balak na sanang hablutin ang buhok ko nang mabilis kong mahuli ang kanyang kamay gamit lamang ang isa kong kamay at pinilipit ko ito sa kanyang likod.

"Prinsesa Xhandria!!."

"Ahhh!!"

Nahihintakutang sigaw ni Radya kasabay ng malakas na daing nang babaeng naka luhod at hawak hawak ko ang kamay niyang nasa kanyang likuran.

"Lakas din ng loob mong hawakan ako, hampaslupa."

Pang iinsultong sabi ko nito at mas lalo pang diinan ang pagkaka pilipit sa kanyang kamay.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong isumbong kita kay Reyna Lucifia. Sinisigurado kong sa kulungan ka nanaman pupulu-..."

Naputol ang gusto niya sanang sabihin ng mas lalo ko pang diniin ang pagka pilipit sa kanyang kamay.

"Ikaw ba ang nagbigay ng pagkain ko?" Pilit siyang gumalaw para maka alis at makatakas sa pagkakahawak ko pero sa tuwing gagalaw siya ay mas lalo lamang dumidiin ang pagkapilipit ko sa kanyang kamay.

"Oo, dahil nababagay lamang din sayo ang ganyang pagkai-......" Dahil sa maganda niyang sinabi ay tinuluyan ko na ang kanyang kamay.

Nakarinig naman ako ng tunog ng buto na parang nabali, ka sabay sa kanyang malakas na iyak at sigaw.

Wala naman ako pakialam kung mabali ang mga buto niya sa katawan dahil diba ipinag mamalaki nila ang mahika at kapangyarihan nila? Kaya bahala na sila na pagalingin ang kanilang sarili.

"Wala akong pakialam kahit magsumbong kapa sa Diyos mo."

Walang emosyong sabi ko at patulak ko siyang binitawan para mapahiga sa sahig at ibinuhos sa kanyang pagmumukha ang ipinagmamalaki niyang pagkain.

Hahampasin ko na sana ang kanyang leeg gamit ang pinggang hawak ko ng may isang nilalang na naman na naglakas loob upang saktan ako.

"Bitawan mo si Marita, walang hiy-.."
Patakbong sabi nito sa akin na may hawak na kutsilyo sa kanyang kamay.

Bago pa siya maka lapit sa akin ay sinalubong ko na siya ng isang paikot na sipa na tumama sa kanyang ulo at tumilapon siya sa isang gilid na walang malay.

Napa tili maman ang iba habang takot na takot na naka tingin sa akin at sa babaeng naka higa na ngayon dahil sa sipa ko.

"P-ppapatayin kita hayo-..."
Malakas kong hinampas ka agad ng pinggang hawak ko ang ulo ng babaeng binalian ko ng buto kanina nang makita ko siyang dahan-dahang tumayo at marinig ang kanyang pangit na boses.

Umaangat ang buo nitong katawan at paikot na tumilapon sa harapan nila Radya at Navah na ngayon ay namumutla na dahil sa takot.

Tulog naman itong bumagsak sa kanilang harapan na mas lalong ikinawala ng kulay sa kanilang mga mukha habang nakatingin sila dito.

Hindi ko na sila pinansin pa dahil sa aking pagka mangha.

Hindi ko akalain na ganito na pala kalakas ang katawang ito makalipas ang ilang araw na palihim na pag ehersisyo.

Bakit kaya hindi nalang siya nag aral ng self defense para maipagtanggol niya ang kanyang sarili.

Napailing iling nalang ako dahil ibang katangungan na naman ang pumasok sa isip ko.

Pinagpagan ko aking suot na damit na para bang may alikabok bago ko inilagay sa aking likod ang dalawa kong kamay at humakbang papunta sa mga babaeng takot na takot habang nakatingin sa akin.

"Bigyan niyo ako ng masarap na pagkain kung ayaw niyong kayo ang isusunod ko sa dalawang iyon."

Pangisi kong sabi sa kanila na naging dahilan ng kanilang pagkaka taranta upang ihanda ang pagkaing gusto ko.

"Bigyan niyo din ang dalawang Yun. Bilisan niyo at kanina pa ako nagugutom." Pahabol kong sabi habang ininguso ang pwesto nila Navah at Radya.

Hindi na sila nag salita pa at mas lalong binilisan ang kanilang mga galaw.

Bumulik ako sa aking kinauupuan habang hinihintay ang aking pagkain.

Sininyasan ko naman sina Navah at Radya upang ma upo sa aking tabi.

Nong una ay ayaw pa nila pero ng sinamaan ko sila ng tingin ay mas mabilis pa sa kidlat silang naka upo agad sa aking tabi.

Mga ilang minuto ay nahihain na din sa aming harapan ang pagkaing hiningi ko.

Mas lalo ako napangiti ng nakita kong masarap nga at parang espesyal pa ang pagka luto.

May parang beefsteak at manok na hindi ko alam pano niluto pero sobrang bango naman nito at nakakatakam.

Mayron ding gulay na may mga karneng naka lagay.

May isang baso naman na naglalaman ng kulay ube na likido at nang amuyin ko ito ay amoy ubas ito na medyo maypagka halong amoy nang mansanas.

Nang tikman ko naman ay napa pikit ako dahil sa sobrang sarap nito. Parang pinag halong katas ng ubas at masanas talaga.

May panghimagas pang kasali na diko alam kung ano ang tawag pero maganda naman ang pagka gawa.

Nagsimula na kaming kumain at para akong isang taong hindi naka kain ng masarap dahil sa sunod sunod ang subo ko at hindi ko na inintindi pa ang nakapalibot sa akin.

Wala akong pakialam sa iba lalo na kung pagdating sa pagkain na ang usapan. Basta ba huwag lang nila ako istorbuhin kung ayaw nila mabalian ng buto sa katawan.

Mga ilang minuto ay tapos na din akong lumamon kasabay ang biglang pagkabukas ng pintuan sa kusinang ito at pumasok ang isang babaeng mukhang maldita.

"Kanina pa nag hihintay ang mga mahal na Prinsesa at Reyna sa kanilang mga pagkain na hanggang ngayon ay wal-.."

Naputol ang pagalit nitong sabi nang sa wakas ay nakita niya akong prenting naka upo habang pinupunasan ang aking mga labi.

Napa dighay naman ako ng malakas dahil sa pagkabusog.

"Prinsesa Xhandria. Bakit ka nandito at ano ang ginawa mo dito?"

Nagtatakang tanong nito sa akin at binalingan pa niya ang mga katabi kong katatapos lang din kumain.

Tumayo ako at nag lakad palabas at sumunod naman sa akin ang dalawa sa akin.

Huminto naman ako sa harap nang bagong nilalang at tinignan siya mula ulo na mukhang paa.

"Kumain".

Palinaw kong sagot sa napaka bobo niyang tanong.

"Salamat nga pala sa pagkaing inihanda niyo sa akin nasiyahan ako dahil sa sarap. Sa uulitin."

Patalikod kong sabi sa sa mga babaeng nagluluto habang kinakaway ko ang aking kaliwang kamay.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nong bagong dating na nilalang nang lagpasan ko ito at tuloy-tuloy nang lumabas.

Narinig ko pa ang kanyang sinabi na lagot daw ako sa Reyna.

Psshhhh.. pakialam ko ba at least busog na ako. Bahala na sila sa buhay nila dyan.

Masaya akong naglakad pabalik sa aking silid habang naka sunod parin nang tahimik ang dalawa sa akin.

.

------

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

29.6K 1.2K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
212K 6.9K 44
[ Unalome Series #1 ] The book of Prophecy itself saids the Goddess of Everything will rise as a mortal every path she choose is stained with tears...
49.1K 2.7K 50
Ada Clarisse Hawking was a granddaughter of a scientist name Gilbert Hawking and she will becoming a doctor of present time. Ang kanyang lolo na si...
8.7K 811 30
"Papatayin ko ang Prinsipe ng Dark Heaven" - Alexis