Roses And Melody (Under Revis...

By PotatointheCloud

15K 460 190

Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from... More

Work of Fiction
Warning
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 11

346 13 5
By PotatointheCloud

"Oh, bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa 'yang mukha mo?"

Hindi ko napansin ang pagsulpot ni Alea sa harapan ko.

Nakatulala ako sa bintana habang nagiisip-isip

"Nothing."

"Sus kabisado ko na 'yang mukhang iyan pag may problema ka. So ano nga?"

"Wala nga."

"Kayhirap mo naman intindihin oo. Diyan kana nga."

"How about you?"

Lumingon ito sa akin pagkuwan. "Napaano naman ako?"

"Sinusungitan mo pa rin daw si Theo, hindi ba nagkaayos na kayo?"

Naalala kong itanong, nabanggit kasi ni Theo ito nung nakaraang dalawang linggo.

"Pano mo nalaman? Nagsumbong ba sa 'yo 'yon?"

"I guess."

"Ang lintek na iyon! Nagsumbong pa nga!!" Sigaw niya, nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin.

"Totoo nga? Gosh, Alea you're being immature."

"Kahit naman kasi napatawad ko na siya ay hindi na iyon mawawala pa sa isip ko. At isa pa-"

Hinintay kong ituloy niya ang sasabihin pero nanahimik siya.

"Kahit na dapat iwasan mo na lang siya kapag coincidence na magkita pa kayo ulit. Lalaki lang niyan ang gulo sa pagitan niyo. Atyaka wala naman yata siyang ginagawa sa 'yo, right?" Ang liit ng problema ng dalawang ito pero pinapalaki nila.

Ipiniling ni Alea ang kanyang ulo. "W-wala."

"See? Wala naman pala siyang ginagawa. And if ever na siya ang nauuna tell me."

"Bakit ba parang kampi ka sa kaniya?" May pagtatampo sa boses niya at may lungkot na dumaan sa kaniyang mukha.

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa dahil pareho kayong mali, what I'm pointing out is know him more."

"Theo is not that bad." Dagdag ko pa.

Napatunayan niya naman kasi iyon tuwing nagkikita kami ay mabuting tao siya kaya lang talagang babaero. Iyon ang sakit ng tukmol na iyon.

"Try to lower your pride, malapit naman na rin siyang bumalik ng Germany."

"Babalik na siya?" Animo'y bigla itong naging maamo.

"Yes, dapat nga isang linggo lang siya rito pero malay ko anong nagpabago sa isip niya."

"Bahala na tetext ko na lang siya."

"Okay." Teka, may number siya ng lalaki?

Nangalumbaba ako ulit pagkaalis niya, bakit nga ba nakasimangot ako?

Balik tanong ko naman sa aking sarili.

Lagi namang ganito ako kaso bakit ngayon feeling ko naiinis ako na ewan.

Parang gago naman itong nararamdaman ko.

Lumabas ako para makalanghap ng hangin, break time naman ngayon.

Gawa-gawa ko lang 'yung break time. Wala lang talaga ang professor.

Sa likod ng building ako dinala ng aking mga paa.

Halos iilan lang ang istudyanteng dumadaan dito na mabuting bagay naman.

Umupo ako sa bench at matamlay na nagmuni-muni.

I miss him. Pero bakit ko naman siya namimiss?

Nagsimula akong makaramdam ng ganito mula ng binasa ko 'yung sulat na 'yon. O hindi kaya dati pa talaga?

Dalawang linggo na pero hindi ko pa rin makalimutan.

Lalo pang iniisip ko na babalik na niyan si Kaiden, anong gagawin ko? Should I just act fool?

Siguro ay hindi niya naman malalaman na nabasa ko, hindi ba?

Ipinikit ko ang aking mga mata. Inaantok nanaman ako dahil siguro dito sa sariwang hangin.

Nag ring ang cellphone ko na nasa bulsa kaya kinuha ko ito.

Kultong pogi is calling.

Parang nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ang tawag dahil si Kaiden ito.

Pero wala naman akong ibang choice kung hindi ang sagutin, baka kasi importante kaya sa huli pinindot ko rin ang tawag.

"What?"

Iretableng tanong ko mula sa kabilang linya kahit pa dinadagundong ng kaba ang dibdib ko

Iretable raw pero sinasabi kanina na miss na.

Halos dalawang linggo ng walang paramdam ang lalaking ito kaya mas naiinis ako sa kaniya.

Pagkatapos niyang guluhin ang isip ko ay ganito siya?

Akala ko ba gusto niya ako, bakit natitiis niya lang ako?

"Are you mad?"

Hindi, hindi ako galit, ano namang karapatan kong magalit? Sagot ko mula sa aking isipan.

"Bakit ka tumatawag?"

"To inform you that I will be back today."

"Babalik ka pa? Kahit wag na, wala ka ng kompanya ritong babalikan, naibenta ko ng bwisit ka!"

Bakit ba ako naiinis, argh, die Aryka!

Bakit ba kasi ngayon lang siya tumawag? Hindi niya ba alam na palagi kong hinihintay ang call niya?

Nakakainis kasi ang dami niyang iniwang trabaho sa akin, tama iyon 'yung rason ko kung bakit ako naiinis.

"Yeah, I miss you too."

Sagot niya na hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Hala, I miss you rin!! Wait- hindi ano.

"Bye na nga!"

Pinatayan ko na siya ng tawag, bahala nga siya diyan.

♪♪♪

Pagkatapos ng klase ay nag-abang ako ng tricycle. Nag-aaya pa nga si Ash na kumain muna sa labas pero sabi ko pass muna ako.

Kaya nag tricycle ako ngayon dahil wala iyong kotse ko, ipinaiba ko ng kulay. Sawa na ako sa gray kaya black naman.

Habang nag-aabang ay may tumawag sa akin mula sa kung saan.

"Aryka?" Pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likod.

Lumingon ako para mapagsino ito.

"It's been a while, Felix." Masayang bati ko.

Siya iyong dati kong katrabaho sa cafe, ilang months na rin ng huli ko siyang makita.

"Akala ko hindi mo na ako maalala, makakalimutin ka eh." Kumamot pa ito sa ulo.

Tama namang mabilis akong makalimot ng tao pero iyon 'yung nakita ko lamang ng isang beses.

"Watcha doing here?" I ask.

"Kasama ko girlfriend ko and may binili lang siya, pauwi na rin kami." Muli nanaman itong kumamot sa ulo niya.

Girlfriend?

"May kuto ka ba o balakubak?"

"Ha? Bakit bigla mo namang natanong 'yan?"

"Kasi kanina kapa kumakamot sa ulo mo, muntanga."

"Ah, ganito lang ako kapag nahihiya."

"Meron ka no'n?"

"Siyempre naman." Tumango-tango na lang ako.

So balik nga tayo, may girlfriend na pala siya, the last time I remember wala pa siya kasi binusted siya nang nag-iisang Roan.

"I see."

"Still cold, Aryka."

"Still minding other people's business, Felix."

"At masakit ka pa rin magsalita, madam."

Natawa na lang ako. Sumasagot na siya ngayon.

"Sa cafe ka pa rin ba nagtatrabaho?"

"Oo. Sa totoo lang ay na promote ako last month. Manager na ako ngayon."

Ngumiti ako. "Congrats!"

"Thank you."

"Felix." Boses ng babae ang papalapit sa amin, habang lumalapit ay mas napapamilyar ako kung sino siya.

It was Roan?

"Aryka, my girlfriend si Roan, naalala mo siya?"

"Yes."

Isa rin siya sa katrabaho namin noon, naaalala ko rin na pinagship ko sila sa isa't isa at ayon nga na busted siya ng babae.

"Hindi ba nabusted ka, Felix?"

"Wow ang sakit mo talaga, oo na busted ako pero tulad ng sinabi mo ay huwag ko siyang sukuan kaya ito kami na."

"Congratulations to both of you." Masayang tugon ko dahil masaya naman talaga ako na sila pala ang nagkatuluyan.

Akalain mo nga naman. Sa ilang buwan na dumaan ay madami na ang pwedeng magbago.

"Thank you, hehe."

"I need to go, I still have work."

"Sige, ingat na lang." It was Roan, wait ba't parang ang blooming na ngayon ng babaeng ito?

"Hope to meet you again." Si Felix.

"I'm looking forward to that." Ani ko at nagpaalam na.

"Afternoon, pretty." Bati ni Theo pagkapasok ko sa opisina.

Sa loob ng dalawang linggo ay lagi siyang nauuna rito sa opisina at babati sa akin.

At pagkatapos naman no'n ay guguluhin niya ako dahil sobrang daldal niya, kwento siya ng kwento, pagkatapos no'n ay oorder na siya ng madaming pagkain. Okay naman sa akin kasi libre niya. Pinagpapasensyahan ko na lang siya dahil tinupad niya naman kasi ang sinabi kong aalis lang siya kapag uuwi na ako.

Nakakatuwa lang din na sinisigurado niyang makakauwi ako ng ligtas.

See, Theo is not that bad sa unang impression ka lang maiinis sa kaniya.

"Ano pang ginagawa mo rito? 'Di ba babalik na ang  bestfriend mo."

"Akala ko rin malaya na 'ko, ang kaso samahan pa rin daw kita hangga't 'di siya dumarating."

"I see."

"Hindi pa ba siya tumawag sa 'yo?"

"Malay ko."

Iniwan ko na lang na nagtataka ang lalaki.

Malay ko naman talaga kung babalik na ang kultong iyon, malay mo nagbibiro lang siya.

♪♪♪

Nakakapagod na araw nanaman, nakasandal ako sa sofa ng condo ngayon.

Naisipan kong maglagay ng facial mask 'tyaka pipino sa mukha ko.

Siyempre dapat kahit stress at hagard tayo ay maganda pa rin.

Napapansin ko kasing parang tumatanda na ang itsura ko, ang pangit naman sa isang 23 years old ang gano'n.

Nakikinig ako ng musika ng marinig ang doorbell ng pinto, edi magtataka kayo paano ko narinig?

Siyempre instrumental lang pinatutugtog ko.

Tumayo na ako agad dahil sunod-sunod 'yung doorbell.

Sino naman kaya ang mang-aabala ng ganitong oras?

Lumapit ako at binuksan ang pintuan.

Tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki. Natulas ako sa pagkakatayo at napasinghap.

A-ano...

Pinasadahan ko siya ng tingin sa kaniyang kabuuhan.

Starting with his well-suited scruffy curtain haircut. His sweet chocolate-brown eyes are fixed on me. His perfectly pointed nose, thick eyebrows, and kissable red lips are all breathtakingly beautiful.

Nakasuot ang lalaki ng long coat, turtleneck at black pants.

Napaawang ang aking mga labi sa gulat na may kulto ang nakatayo ngayon sa harapan ko. No, isang poging kulto.

"Kaiden? A-anong ginagawa mo rito?"

Damn, so handsome. Dalawang linggo ko lang siyang hindi nakita pero mas gumwapo yata, bakit naman ang unfair Lord.

"You did not answer my call and I think you are mad at me, so I came here to talk to you."

Ako galit sa kaniya? Kailan? Wala akong maalala.

"Anong oras ka dumating?"

"Just now, I go straight here to your place."

Bakit naman niya kailangang gawin iyon? Pwede naman niya akong kausapin bukas.

Madaling araw na rin kaya ibig sabihin hindi pa siya nagpapahinga.

Para tuloy na guilty ako bigla.

"Pasok ka."

Paanyaya ko ng hindi tumitingin sa kaniya, hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano ko siya nito kakaharapin, baka hindi kayanin ng puso ko.

Tumuloy naman ito at iginaya ko siyang maupo sa sofa.

"Nasaan ang gamit mo?" Napansin ko kasing wala siyang ibang dala maliban sa paper bags na hawak niya.

"I left them in the car."

"Kumain kana?"

"Not yet."

"Bakit, 'di ka gutom?"

"I'm hungry, but it's so late already and I'm losing appetite eating this late at night alone."

"Ano nanamang dahilan iyan? Gusto mong kumain?"

"I will order food."

"Wag na, anong oras na. Magluluto na lang ako 'tyaka hindi pa rin ako kumakain sa totoo lang."

"Alright, thank you."

Agad na tumungo na ako sa kusina para magluto. Mas mabuti na itong malayo siya sa 'kin dahil nahihirapan akong mag-isip kapag kaharap siya.

Nagsimula na akong magluto ng may mapagtanto ako bigla.

'Di ba naiinis ako sa kaniya? Ba't bigla yatang nawala.

Sabi na at kulto ang lalaking iyon.

Pritong bangus ang iniluto ko, ito lang kasi ang nakita ko sa ref na ready to cook na.

Sandali lang ang pagluluto ko ay naghain na rin ako sa lamesa.

Pati pala iyong pakbet na inorder ko kanina ay inihain ko na rin, sayang naman at baka mapanis.

"Kaiden kain n-"

Nakita kong nakapikit ang mga mata nito habang nakahiga sa sofa, nakatulog na yata siya.

Siguro ay napagod talaga siya sa biyahe.

Lumapit ako para gisingin siya, okay lang naman na matulog siya ulit pero sana kumain muna siya kasi wala pang laman ang sikmura niya.

Malaya ko itong natititigan dahil sa tulog ang lalaki.

Ang haba ng pilikmata niya pati ang mukha niya ay napakakinis, 'tapos bakit 'yung lips niya ay mas maganda pa kaysa sa labi ko. Ang unfair naman talaga oo.

Ang swerte siguro ng babaeng mapapangasawa niya.

Akmang pipisilin ko ang pisngi niya ng magmulat ito ng mga mata.

Sa pagkabigla ay mahinang nasampal ko ito, shit!

"Aw, that's hurt." Biglang siyang napaupo habang namumungay pa ang kaniyang mga mata.

"Ah, m-may lamok kasi sorry, kain na pala tayo kasi luto na ang pagkain."

Patakbo kong tinungo ang kusina, ano bang ginagawa ko, 'tyaka bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Normal lang ba 'to?

Baka naman nagulat ako kasi ang pangit niya.

"What did you cook?" Napaigtad nanaman ako ng nasa likod ko na pala siya.

"Uhm, p-pritong bangus at may pakbet, 'yung binili ko kanina, kumakain kaba niyan? 'Yan lang kasi ang mabilis maluto."

"I'm fine with anything you cook."

Sinandukan ko ng kanin ang pinggan niya at inabot ito sa kaniya.

Dumukwit ito ng bangus at pakbet sa plato niya.

"Tinuloy mo na ang pagkain ng gulay?"

"Like what I told you before I will eat when you cook it."

"Pero hindi ko naman niluto iyan, inorder ko lang."

"Still, you serve it."

Tumango na lang ako at tahimik na kumain.

"Kung inaantok ka pwede ka namang magpahinga muna riyan sa sofa at umuwi ka na lang mamaya, gabi na rin."

"Is that okay with you?"

"Ang ano?"

"Hayaang may kasama kang lalaki sa bahay mo?"

"Wala ka naman sigurong kalokohang gagawin hindi ba?"

Umiling ang ulo nito pero nakangisi ang gago.

"Edi ayos lang sa akin, basta kapag hindi ka komportable, sa sahig ka matulog o kaya umuwi ka na lang."

"You are an Anvil Miss, Ma'am."

"Anong Anvil?" Takang tanong ko.

"Angel Devil, half-half." Natigilan muna ako dahil hindi nag sink in sa utak ko agad.

Minsan talaga ang weird ng lalaking ito.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 277 46
First Generation #2 Are you ready let go of the love that keeps you going and be selfish to choose your happiness even for once or let it slide for a...
1.7K 98 22
A side story of Louie Razzle Astaril and Wight Silent Fuegeras. *** How many years has been passed but Wight and Louie were still together. They're r...
652K 54.7K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...