MIDNIGHT LOVE #3: Midnight Sky

By AKDA_NI_MAKATA

151 24 3

After learning that his fiancée was cheating with his best friend, Alphonse Montecarlos runaway in his own we... More

DISCLAIMER & COLLABORATION
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
Chapter 5

CHAPTER 3

9 3 0
By AKDA_NI_MAKATA

CHAPTER 3

"Hai, kuya!" kumunot ang aking noo ng marinig iyon.

Lumingon ako at hindi na nagulat ng makita siyang patakbong lumapit sa akin. Pinunasan ko ang aking mukha dahil sa pawis. Tumabi siya sa akin ng upo at kinandong ang kaniyang bag.

"Ba't may bitbit kang bag?" tanong ko.

"Magpapalipas din ako ng gabi dito." Malapad siyang ngumiti sa akin.

"Anong sabi ko, hindi ba't hindi pwedeng palagi kang sumasama sa akin, paano nalang kung masamang tao ako?"

"Hindi ka naman masama ah," agap niya.

"Paano nga kung masama ako."

"Edi bawi nexlayp!" humagalpak siya ng tawa.

"Ikaw bata ka, mabuti nalang malalim ang pasensya ko kasi kung hindi, matagal na kitang kinutongan."

"Mabuti nalang pala dalaga na ako, malalim din ang presensya mo at kung maubos man ito'y matanda na ako para ipagtanggol ko ang sarili ko."

Mas lalo lang siyang tumawa na ikinailing ko nalang. Napangiti ako. Agad kong inalis ito ng mapagtanto kung anong nagawa ko. Wtf.

Narinig kong suminghap siya. "Uhy, ngumiti siya."

"I'm not." Agap ko at iniiwas ang paningin sa mata niyang mapanuri.

"Ngumiti ka, nakita ko!" Dinuro niya ako.

Lumapit pa siya sa akin na halos ilang dangkal nalang ang layo namin na ikinagulat ko.

"Lumayo ka nga!" tinapik ko palayo ang kaniyang daliri.

Tumayo ako at hinanda na ang aking baon na pagkain. Wala pa pala akong kain at sigurado kung tapos na kumain ang kasama ko, pero gutom na naman iyon. Nilagay ko ang ramen sa harapan niya, agad namilog ang kaniyang mga mata.

Nilagay ko rin ang akin sa harapan ko bago ako umupo ulit.
Akmang kakain na ako ng pitikin niya ang daliri kong nakahawak sa kutsara. Napatigil ako at masama siyang tiningnan.

"Pray..." bulong niya.

"Pray—" hindi ko na natuloy ang aking sinasabi ng mag-umpisa siya.

"The name of the father, the son, the holy, spirit. Amen.—Lord, Thank you po sa biyayang binigay niyo po sa amin. Nawa'y kami inyong gabayan at mas busugin sa mga biyayang iyong dala. Salamat rin po dahil pinayagan pa rin akong samahan si Alphonse sa gabing ito kahit na napakasungit niya. Lord, maraming maraming salamat."
 

Gustong-gusto ko na siyang tirisin pero hindi ko lang magawa dahil nagdadasal kami. Pagkatapos niyang magdasal ay maginhawa siyang ngumiti at sinabi ang, "Kakain na!"

Parang walang sinabi kani-kanina lang ah.

Nagsimula na kaming kumain. Habang hinihipan niya ang sabaw ay nagpupunas naman siya ng kaniyang pawis. Malamig ang simoy ng hangin pero nakakapawis ang init ng aming kinakain. I looked around, kinuha ko ang aking panyo at binigay sa kaniya.

"Huh,"

"Punasan mo ang pawis mo."

Lumunok ako at pinagpatuloy ang ginagawang pagkain. Minadali ko itong ubosin pagkatapos ay tumayo na. Kinuha ko ang dalawang mineral water at binigay sa kaniya ang isa pagkatapos buksan. Agad naman siyang uminom doon. Ganun din ako.

Ilang saglit pa'y naubos niya na rin ang kaniyang ramen kaya dinagdagan ko na ang kahoy sa apoy. Muli akong umupo doon at nagpainit. Mas lumalalim pa ang gabi't tansya ko'y nasa alas-nuebe na ng gabi. Nasa ilang minuto pa lang naman ang tinagal ko sa pagtitig ng apoy pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang kasama ko.
Andali naman niyang matulog?! Kakatapos lang niya kumain ah!
Gusto ko siyang gisingin pero pinigilan ko nalang. Baka sobra siyang napagod sa trabaho kaya pagod na pagod na siya't nakatulog nalang.

Iyon naman ang sabi niya sa akin. Hindi naman niya sinasabi ang langalan niya pero sinabi naman niya kung anong ginagawa niya rito—iyon ay ang magtrabaho.

Mahilig daw siyang gumawa ng bracelet at ibenta. Hindi naman siya pinagbabawalan ng resort dahil marami rin naman nagbebenta rito at mukhang kilala naman siya ng may-ari dahil nakita kong umuuwi rin naman siya sa Crowne Hotel. Siguro doon din ang kwarto niya.

"Hmmm..." umungot siya.

Tinulungan ko siyang umupo ng maayos. Mabigat pa ang kaniyang mga mata kaya bahagya pa siyang pumipikit. Isinandal pa niya ang kaniyang ulo sa akin na hindi ko naman sinita pa.

"Naniniwala ka ba sa pag-ibig?" ani niya matapos ang ilang minutong pagtahimik.

 
"Hindi." simple kong tugon.

"Bakit naman? Masarap kaya ang magmahal. Ang boring-boring mo naman na tao kung pati pag-ibig hindi ka naniniwala."

"Wala naman 'yan sa boring, hindi ako naniniwala kasi hindi naman talaga. Ba't ikaw, bakit ka naniniwala."

"Kasi naniniwala ako na isang araw mabibigay din ni God sa akin yung tamang tao." she smiled. "Pero bago natin mahanap yung tamang tao para sa atin ay magbibigay muna si God ng mga signs."

"Signs?" hindi 'ko alam kung bakit paniwalang-paniwala ako sa babaeng ito. Paanong magbibigay si God ng signs?

"Oo, tulad nang-ahmm. Kunyari pakiramdam ko ang tamang tao para sa akin ay ang taong isasayaw ako sa maraming tao. Yung parang prinsesa."

"Isasayaw? Ang boring naman 'yon."

"Boring sa iyo, kasi wala kang taste. Gusto kong sinasayaw ako kasi hindi pa naman ako naisasayaw ng ibang tao maliban sa pamilya ko."

Napatawa ako ng magsungit na siya. Agad nawala ang aking ngiti't tawa ng mapagtanto ang ginawa.

Damn it. Bakit ba, nagiging malambot na naman ako.
Isasayaw lang siya pero sign na daw iyon. Paano nalang pala kung maling tao makakasayaw niya, edi mabugbog pa siya kung ikakasal na sila.

Napailing-iling nalang ako.

Iba talaga ang mindset ng mga kababaihan. Minsan sa sobrang pagkaiba'y hindi na sila maitindihan.
Nagpalipas nga kami ng gabi sa campsite. Hindi ako makatulog buong magdamag kaya ang ending, binabantayan ko ang kasama ko sa pagtulog niya. Hindi tuloy-tuloy ang pagtulog niya dahil minsa'y napapansin kong parang binabangungot siya kaya nagigising rin tapos matutulog ulit.

Nang mag alas-dos y medya ay hindi na nakayanan ng mata ko at nakaidlip ngunit paggising ko'y wala na akong kasama sa tent. Napabuntong-hininga nalang ako.
Ba't ang hilg-hilig magtago niya sa umaga. Aswang ba siya't mukhang takot na takot mabilad ng araw sa umaga. Pero hindi ko naman siya pwedeng husgahan agad sapagkat baka'y hindi talaga siya lumalabas ng umaga.

Inayos ko na ang sarili ko pati narin mga gamit ko bago tuluyang umuwi ng hotel. Nang makarating ako sa aking unit ay agad na akong naligo. Nakatapis pa ako ng twalya sa bewang pababa ng marinig ko ang door bell na tumutunog. Napatingin ako doon bago napagdesisyonan buksan.

"Yes?"

"Sorry for disturbance, nandito ako para ibahagi ang pinadalang invitations para sa iyo."

"Thank you."

Agad kong binasa ang invitations. So, it's all about the engagement party of Zephyrine Lewis. It's a formal party. Napaisip-isip, what if I can go with her? Can I invite her?  Hindi naman siguro masamang inbitahin ko siya hindi ba?

Pero what if, iignore niya lang ako kasi hindi siya pwede?!

 Agh, it's so frustrating! Overthinking is sucks!

Sa sobrang inis ko'y tinapon ko sa kama ang invitation. At nagbihis na.
Ilang oras na pero yung isip ko nasa kaniya pa rin at doon sa invitation. Kaya nung umabot na ang gabi at sa pagkakataong ito'y nakasalubong ko siya sa elevator ng hotel halos hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Good evening." She smiled.

"E-evening." Napaiwas ako ng tingin ng halos mabasag ang malalim kong boses.

Fuck, hindi ikaw 'to Alphonse!

"Huwag mong sasabihin na iinom ka na naman ngayon." Pinanliitan niya ako ng mata.

"Hindi naman,"

"Sus, 'yang paganyan-ganyang tugon mo. Siguradong may balak ka na naman!"

I frowned.

"Tinatanong tanong mo ako tapos hindi ka maniniwala. Bahala ka nga diyan."

Bumukas ang elevator at tuloy-tuloy naman akong naglakad palabas ng lobby. Bumungad sa akin ang panggabing hangin ng Isla Del Olvido. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng bata.

"Gutom ako, kain tayo!" hindi niya na ako hinintay na makatugon.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa restaurant. Hingal na hingal na ako ng makapasok kami sa isa sa mga restaurant.

Sinamaan ko siya ng tingin at hinila ang kamay ko sa kaniya.

"Sungit!" aniya at tumawa.

Hindi ko siya pinansin at umupo na sa mga lamesang bakante. Sumunod naman siya at masayang umupo sa harapan kong upuan.

"Matagal ko na itong gustong tanungin sa iyo e, what's your name?" I said.

We are now eating. As usual, madaldal siya at kung ano-ano kinukwento pero ngayong nagtanong na ako't natahimik na.

"Yummy," magtatanong na sana ako kung iyon ba talaga ang pangalan niya pero mabuti nalang at dinugtungan niya rin agad.

"Amsarappp ng food!"

"Pero alam mo, ansarap sana pero..." she looked around at inilapit ng bahagya ang kaniyang katawan sa amin. "...ang mahal." She said loudly.
Napatingin tuloy ang mga kumakain sa katabi naming lamesa.

My eyes literally became wide as our eyes met with each other.

"Hey, your mouth." I whispered back.

Damn this woman! She literally had a strength to say that here!

Ngumuso siya pero maya-maya pa'y tumawa na naman.

"Totoo naman e, pinuri ko naman sila."

I sighed. "It's normal to pay a high price because, woman, you are eating in a damn high end restaurant. You can't expect to pay 10 pesos serve."

"Mas mabuti palang kumain tayo sa mga kalye-kalye lang."

"Kalye? You also eating in a karinderya?" Tumaas ang isang kilay ko sa nalaman.

Diana don't eat in a karinderya, nakakadiri daw at maraming langaw. May isang beses na dinalhan ko siya ng lumpia galing sa isang karinderya pero ng makita niya ito ay agad siyang nandiri at lahat ng dala ko'y tinapon niya sa basurahan.

"Oo naman, ano sa tingin mo sa akin—matapobre't maarte? I can also eat fast food and streetfoods."

Akala ko talaga lahat ng babae parehas kay Diana—maarte. Pero itong babaeng ito, kaya lahat kainin kahit mayaman pa siya.

"I don't eat...streetfoods."

"Naku, ang hirap pala nang buhay mo. Ang yaman-yaman mo pero hindi ka kumakain nun. Sa bagay, may ibang mga mayayaman talagang sumasakit ang sikmura sa mga pagkain nabibili sa kalye."

"Yeah like me, I want to taste foods like that but my Mom don't let me."

May pagkakataong itatakas ako ng mga pinsan ko para lang pumasyal sa bayan ng Isla Amore, kahit na gustohin ko man enjoyin ang pagtakas hindi ko pa rin magawa dahil ilang minuto lang kaming nawala.

Nasundan na agad kami ng mga bodyguard ko. Mababait ang mga Montecarlos pati na rin ang Angeles, pero ibang usapan na kung si Mommy. Mommy is so damn scary but I love her and thanking her for bring me life and enjoy it with my cousins but like others, she left me. . . Left and happy with her new family.

"Your Mom?" lumambot ang ekspresyon niya.

"Yeah,"

"Ahm, p-patuloy na natin kinakain natin baka lumamig!" Biglang iwas niya sa usapan.

Ganun naman lagi. Ano pa bang bago? Gustong-gusto ng mga taong mag share ng nararamdaman nila sa iba pero kung oras mo naman para magbahagi hindi na sila makikinig. Magbibingi-bingihan pagkatapos pagmumukhain ka pang masama kapag may mga tismis na kakalat tungkol sa iyo.

I think that's life. Normal na sa mga pilipinong pagpyestahan ang nararamdaman mo. Kung hindi puro positibo, negatibo naman. They using social medias to spread news na hindi naman totoo, tapos masaya pa sila kung nasasaktan nila yung taong iyon.

In my life, as a business man and one of the richest family here in the Philippines. Lahat ng galaw namin kinukuhanan nila sa camera. Minsan nagugulat nalang kami na nasa television na pala kami at binabalita. Minsan, kahit pambababae ng mga pinsan ko mayroon sila.

Nalilito na ako kung ano ba talaga ang purpose ng ibang mga reporter, kung nagbabahagi ba sila ng mga totoong pangyayari na walang kasinungalingan o gusto lang talaga nilang kumuha ng impormasyon para sumikat.

Tinatawanan lang iyon ng mga pinsan ko kapag nagkakaroon sila ng rumored thingy daw sa isang babae o lalaki pero nababalitaan nalang namin, tanggal na pala yung reporter na nagpakalat ng impormasyon na iyon.

Hindi ko alam talaga kung anong tinatawanan ng mga pinsan ko, yung bang impormasyon na tungkol sa kanila o yung reporter na nagpakalat na alam nilang matatanggal kinabukasan.

"Bakit hindi mo gustong sabihin pangalan mo sa akin?" I said.

"Hindi naman sa hindi. Gusto ko lang kapag kilala mo na talaga ako at siguradong hindi mo na ako iiwan, bago ko sasabihin sayo. Lahat kasing mga nakikilala ako, iniiwan ako."

Napayuko siya.

Siguro ito yung pagkakapareha namin dalawa. Parehas kaming iniwan.

"Hmm, by the way. . . Can you be my date?" tanong ko ng makalabas kami ng restaurant. Naglalakihan ang kaniyang mga matang napatingin sa akin.

"H-huh?"

"Here," binigay ko sa kaniya ang invitation na natanggap ko. Agad niya itong binasa.

"Sorry, gustohin ko man pero bawal."
Kinuha niya ang kamay ko at sapilitan na pinahawak sa akin ang invitation.

"Please, just this one. Saglit lang naman tayo sa party. Kung hindi mo nagustuhan pwede tayong lumabas at tumakas. Andoon naman ako e, proprotektahan kita."

"Natatakot ako." Bulong niya at umiwas ang tingin sa akin.

"Don't worry, kung natatakot ka man siguradong mawawala rin 'yan kapag nandoon na tayo."

Hindi siya nagsalita bagkus ay tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Sinundan ko siya.

"S-sige..." mahina man pero narinig ko pa rin.

Agad umusbong ang aking damdamin at inilang hakbang ang pagitan ko sa kaniya ngunit hindi pa naman ako tuluyang nakakalapit sa kaniya ng bigla nalang siyang nahimatay. Agad ko siyang sinalo.
 

 
 

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 61.1K 178
In which Ran keeps receiving text messages from a guy named Nix, who is obviously head over heels and courting a girl named Bea. *** will she choose...
132K 2.7K 22
Duke & Izza
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...