Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.2K 3.1K 495

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:

Chapter 75:

409 20 2
By donnionsxx04

PUBG/ RYAN POV:)

"Saan ka pupunta?"

Gulat na napatigil naman ako sa paghakbang at napalingon na lamang ako sa aking likuran. Nakita ko naman ang nanay ni Bossbrad na nasa paanan ng pinto ng kwarto nito. Nakatingin ng seryoso sa akin at walang bakas sa mukha nito na galing sa pagtulog.

Seryosong lumapit ito sa kinaroroonan ko.

"Di ka rin ba makatulog?" Tanong na lamang nito.

Dahan-dahan naman akong tumango dito.

Nandito kami sa kusinan, nakaupo sa harap ng mesa. Nilapag ni Aling Martha ang kape tinimpla niya sa aking harapan.

"Salamat po," nahihiyang pasalamat ko.

Ngumiti lamang ito sa akin at naupo na ito sa kabilang upuan kung saan kaharap ako.

"May naalala kana ba?" Panimulang topic nito sabay inom ng mainit na tubig.

"W-wala pa po," pagsisinungaling ko.

"Hmm," patango-tango na sabi nito.

Nagkaroon ulit sa amin ng katahimikan. Naiilang na humigop ako ng kape at di ko maiwasang mapatingin kay Aling Martha. Napaubo na lamang ako nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Sorry po," hinging patawad ko at umubo ulit ako.

Pagkainom nito ng kape, nilapag nito ang baso sa mesa at seryosong bumaling sa akin.

"May kamukha ka," makahulugang turan nito.

Takang napatingin naman ako dito."Kilala n'yo po ako? Sino ako? Ano pangalan ko? Taga saan po ako?" Sunod-sunod na tanong ko dito. Desperado na kong malaman kung sino ako at gusto ko malaman kung bakit parang hinahanap ko ang Tomas na kapatid ko daw.

"Hindi kita kilala. Ang ibig kong sabihin na may kamukha ka," pagtatama nito na kinatahimik ko. Umaasa ako na malaman ko na kung sino ba talaga ako."Kamukha mo 'yong sanggol na matagal ko nang hindi nakita." Makahulugang pahayag nito.

"Sanggol?" Takang naituran ko na lamang. Tama ba pagkakarinig ko?

"Wala," umiwas na sabi ni Aling Martha. Tumayo ito sa kinauupuan."Gusto mo ba ng tinapay? Kukuha lang ako baka nagugutom ka." Nakangiting tanong nito sa akin.

"P-po? S-sige po," nahihiyang payag ko halos nauutal ako.

Binuksan nga nito ang isang kabinet kung saan doon ini-stock-an nila ng ibang pagkain.

"Kung may kailangan ka o gusto mo ng tulong, wag kang mahihiyang lumapit sa akin ah?" Napatingin naman ako sa tinuran ni Aling Martha. Pagkakuha ng sliced bread, saka niya sinarado ang kabinet. Nakangiting humarap ito  sa akin."Ituring mo akong isang kaibigan o isang nanay." Dugtong nito.

Naglakad na nga ito papunta sa lamesa at sinundan ko lamang ito ng tingin. Nilapag niya ang sliced bread sa hapag-kainan at naupo ulit sa dating pwesto niya.

Binuksan na nga nito ang sliced bread at ako naman ay kinuha ang peanut butter at binuksan na kanina pa nakalapag sa lamesa kasama ang kape at asukal na nasa garapon.

"Ako na po maglalagay," prisinta ko.

Kinuha ko sa kanya ang tinapay. Kumuha ako ng isang sliced bread at nilagyan na nga ng palaman. Pagkatapos ay pinatungan ko iyon ng isa pang sliced bread at binigay kay Aling Martha.

"Salamat."

"Salamat rin po," makahulugang turan ko.

Takang napatingin naman ito sa akin sa sinabi ko.

Nakangiting natural na iniangat ko ang ulo ko at tiningnan ito.

"Salamat po. Pag kailangan ko ng tulong, di po ako mahihiyang lumapit sainyo," madamdaming wika ko.

Ngumiti lamang si Aling Martha sa amin.

LEMUEL ESCALANTE POV:)

Aalis na sana si Beth kasama ang inampon niyang hilaw sa tent para mag-share sila sa payong na hawak niya nang mabilis na tinawag ko ito.

"Beth!"

Napalingon naman si Beth sa akin halos di natuloy ng ampon na hilaw na sumukob sana sa payong dito.

Nakapayong na lumapit ako sa kinaroroonan ng dalawa. Masama ang panahon ngayon base sa lakas ng ulan ngayon. Hindi na rin muna itutuloy nila ang Reach-Out Program kaya pauwi na sila ngayon sa kani-kanilang pinagtutuluyan.

"Oh? Bakit, Lem?" Tanong naman ni Beth sa akin.

"Pauwi na ba kayo?" Imbes tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit?"

"Pwede bang mahirap itong hilaw mong ampon?" Sabi ko sabay tingin sa lalaki. Sa pagkakaalala ko, Ros ang pangalan nito.

"Sinong hilaw?" Pagalit na tanong nito.

Mabilis naman na hinawakan ni Beth ang braso nito sabay tawa."Wag mo seryosohin sinabi niya. Ganyan talaga bunganga niya." Sabi nito kay Ros.

Napakunot-noo naman ako nang makitang hawak ni Beth ang braso nito. Medyo uminit ang ulo ko. Bakit tiwalang-tiwala siya sa lalaking ito? Inampon lang niya ito at hindi niya alam kung ano pagkatao nito. Paano kung hinahawak-hawakan siya nito pag tulog siya? Paano kung minamanyak siya ng palihim? Sinisilipan?

Tsk! Mahuli ko lang na may ginagawa itong katarantaduhan sa best friend ko, makakatikim ito sa akin ng malakas na suntok. Sisirahin ko ang maganda niyang mukha.

"Bakit pala?" Tanong ni Beth na dahilan bumalik ang pagkatino ng pag-iisip ko.

"Pwede ko bang mahiram siya?" Tanong ko sabay tingin ng matalim kay Ros. Napakunot-noo rin ito nang makita niya ang mainit na tingin ko sa kanya.

"Bakit?"

"Para may katulong ako magdala ng ulam sainyo. Para hindi na kayo magluto." Nagbago kaagad ang ekspresyon sa mukha ko pagbaling ko kay Beth.

"S-sige," payag naman ni Beth.

Naka-pout na bumaling siya sa lalaki. Napakunot na naman ako ng noo nang makita kong hinawakan ni Ros ang dalawang kamay ni Beth. Anong meron sila? Hindi ganyan galawan ng parang magkaibigan lang. Ganyan ba ka-close sila?

"Mauna kana. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo ah? Sumabay ka nalang kay Mandy," parang boyfriend na asta nito kay Mandy.

Nakangiting matamis na tumango-tango si Beth dito.

"Mandy!" Tawag ni Ros.

Napalingon naman ang babaeng kasama nila hahang nakapayong. Binilinan nga niya dito na sabay sila umuwi si Beth. Pumayag naman ang babae at umalis na si Beth kasama ito.

Nag-wave naman ng kamay si Beth kay Ros. Nakangiting nag-wave din ito dito. Nang malayo na ito sa amin, seryosong ekspresyon sa mukha na humarap ito sa akin. Para siyang gangster na makikipag-away sa akin dahil sa matalim na tingin nito.

"May gusto ka bang malaman?" Parang kontra-bida ang presensya na tanong nito sa akin.

Nakatingin lamang ako ng matalim dito.

Kami nalang na dalawa ang nandito sa court at malakas na buhos na ulan ang tanging naririnig naming ingay. Para kaming magkalaban na nagkokomprontahan ngayon habang may namumuong tensyon sa pagitan ng tinginan namin.

"Kailan ka aalis?" Tanong ko dito.

"Hindi ako aalis," matapang namang sagot nito. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin na tila totoo ang sinasabi niya."Hindi ko iiwan si Elizabeth." Dugtong nito.

Binitiwan ko ang payong na hawak ko at marahas na kinuwelyuhan ito na dahilan pareho na kami nababasa ng ulan.

"Layuan mo si Elizabeth," madiin na banta ko dito.

"Ayaw ko," matapang na sagot pa rin nito.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka-kuwelyo sa kanya. Mas lalong uminit ang dugo ko nang makita kong may sumilay na nakakalokong ngiti sa labi nito.

"May gusto ka sa kanya 'no?" Naka-smirk na sabi nito sa akin.

Nanlaki mata naman ako sa sinabi nito.

Oo, may gusto ako sa bestfriend ko. Matagal na mula nang elementary kami, may gusto na ako sa kanya. Hanggang ngayon na malaki na kami, hindi ko pa rin maamin sa kanya ang nararamdaman ko. Ang balak ko ay umamin na sa kanya ng nararamdaman ko bago pa ko maunahan ng iba.

"Sorry. Naunahan na kita," makahulugang turan nito.

Kumunot-noo naman ako."Anong ibig mong sabihin?"

"Kami na ni Elizabeth." Nakangiting nakakaloko na amin nito.

Nanlaki mata naman ako sa nalaman mula dito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Napag-desisyunan nga nila Sir Johnser na i-cancel ngayon ang Reach-Out Program at bukas nalang ituloy dahil sa masamang panahon ngayon. Wala naman binalita sa T.V na may bagyo ngayon kaya siguro nagkataon lang na maulan ngayon.

Nandito ako ngayon, nagwawalis habang yung tatlo ay may kanya-kanyang kinabi-busyhan. Si Sir Johnser ay nagta-type sa laptop niya habang nakaupo sa sahig at si Sir Dylan naman ay nagbabasa ng mga papeles na nasa folder. Nakaupo rin sa sahig malapit kay Sir Johnser. Kahit nandito pala sila sa Bicol, may trabaho pa rin pala sila dapat trabahuhin.

"Walang signal!" Turan na lamang ni Miss Mandy.

Itinaas niya ang cellphone sabay pindot-pindot sa screen sa cellphone niya. Nang wala pa ring makuhang signal, tumayo siya sa pagkakaupo sa sahig at pumunta ng bintana para doon maghanap ng signal.

"Argh! Ba't walang signal!" Inis nang sabi nito."Wala bang wifi dito?" Nakakunot-noong tanong nito sa akin.

"Pasensya na po, Miss Mandy. Mahina po signal dito pag maulan saka wala po wifi dito," hinging paumanhin ko.

"Hayst! Paano ko mako-contract si Mommy nito? Tsk!" Aburido nito. Di pa rin nawalan ng pag-asa, itinaas nito ang cellphone para makahanap ng signal.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagwawalis. Pagkalagay ko ng dumi sa dustpan, lumabas aki at tumungong kusina para itapon sa basuran ang dumi.

Pagkatapos, pagtalikod ko nagulat na lamang ako nang makita si Ros na nasa paanan ng pinto, basang-basa sa ulan. Malumbay ang mata na nakatingin ito sa akin ng seryoso.

"Anyare? Ba't basang-basa ka?" Alalang tanong ko sa kanya.

Lalapitan ko na sana ito nang humakbang na ito papalapit sa akin. Nagulat na lamang ako nang niyakap niya ako kaagad. Kaya pareho na kami nabasa.

Mas nagulat ako nang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Ros, okay ka lang?" Alalang-tanong ko.

"Natatakot ako," makahulugang turan nito."Natatakot ako na baka mawala ka sa'kin. Baka isang araw, wala kana sa tabi ko. Ayaw kong makita kang hawak ng iba." Madamdaming wika nito."Handa akong ipagdamot ka sa iba, wag ka lang makuha sa'kin."

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito. Niyakap ko rin siya pabalik at hinahagod-hagod ang likod nito.

JOHNSER SY POV:)

Napatigil na lamang ako sa paghakbang nang makitang magkayakap si Elizabeth at Ros. Nakaramdam ako ng hinala at selos na ngayon ko lamang naramdaman. Bakit ako maghihinala at magseselos e magkapatid sila.

Pero sa nakkita ko ngayon, para silang hindi magkapatid. Ayaw ko magmalisya pero kakaiba talaga. May kakaiba sa kanila.

Ayaw ko maghinala pero itong nararamdaman ko  nagsasabi na may tinatago sila.

Magkapatid ba sila?

To be continued...

Sorry sa napaka-panget na update!😭
Medyo lutang ako ngayon.
Don't forget to like, comment and share.💖

Continue Reading

You'll Also Like

167K 633 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
874K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
93.5K 1.8K 72
Paano kung ang lahat ng sayo ay biglang mawala at ang tanging magagawa mo lamang ay hide myself and hide all my work for my safety. At kailangan kon...
25.4K 632 29
Mahirap talagang tanggapin na ang kaisa-isang lalaki sa buhay mo ay mawawala sa 'yo. Lalo na't matagal mo na siyang nakasama. Hindi mo nalang namalay...