Discord (GL) [COMPLETED]

By InsaneSoldier

131K 9.3K 2.1K

[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Last Chapter
Sequel

Chapter 20

2.5K 217 60
By InsaneSoldier

Saturday — late celebration ng birthday ni Eris Belona.

I decided not to go. Isa pa, wala rin naman akong ipinangakong pupunta ako. Nabati ko na rin naman siya, okay na 'yon. May regalo ako pero hindi ko na ibibigay, hindi naman din okay yung gift. Parang pang-gago lang.

Masyadong maraming ganap these days to the point na pakiramdam ko nawawala na sa order yung priorities ko. I really need to pause a little, think, and then reorganize.

Hindi pwede 'to.

Wrong choice si Eris, wrong choice si Ana — wrong choice ma-involve sa kanilang lahat.

Gusto kong mairaos ang college ng walang kahit anong aberya o kung ano mang drama. Hindi ako nagbalik-aral para sa ganito.

Mas okay na yung bumalik sa dati, walang kahit sinong tao sa buhay ko. They won't last anyway, I don't want them to stay.

Nakakatangina.

Hindi ko alam kung anong tama ko ngayong araw pero parang gusto kong umiyak — kahit na wala naman akong daat idrama. Parang ang emosyonal ko lang ngayon. Naiinis ako, gusto kong magwala.

Imbes na magmukmok dito sa bahay ay nagdesisyon akong maglinis na lang kahit malinis na yung buong bahay. I checked my laptop to see if there's anything else to do pero wala na. I've already submitted all there was to do that's work related. Kahit nga sahod ko ay na-receive ko na.

I checked my fridge — hindi ko kailangan mag-grocery. There were no new books to read either. Pota talaga.

Sinipat ko ang oras — 7:36pm. I think kanina pa nagsisimula yung party ni Eris dahil kung tama ang tanda ko ay 6pm ang start no'n. Bumalik akong kwarto at kinuha yung cellphone na tinago ko sa ilalim ng unan.

No'n ko nakita na tadtad ako ng text at missed calls galing kay Eris. Puro tanong kung nasaan na ako o kung pupunta ba ako. Hindi ko na inabala ang sarili kong mag-reply. She tried calling again — nagulat pa ako pero pinatay ko rin kaagad and decided to call someone else instead.

Ilang rings din ang inabot no'n bago may sumagot.

"Yo — Monicka here!"

Napangiwi ako dahil ang lakas ng boses niya. "Hoy."

"Napatawag ka?" Narinig ko ang pagtawa nito. "Abala ka, magr-round 2 pa sana kami ni Vincent —" I heard something sa background, baka yung boyfriend niya. "Joke lang, joke lang. So anong atin tonight, BB?"

"Tigilan mo nga 'yang BB mo, pangit pakinggan." Imbes kumontra at tumawa lang ulit ang kausap ko, parang gago pa rin talaga 'to. "Pwede pumunta diyan?"

"Oo naman, yes." Mabilis na sagot nito. "Pasundo kita kina Zeke, mas malapit naman siya sa'yo."

"Hindi ba busy 'yon?"

"Paano magiging busy iyon, eh, hindi nga nagtatrabaho. Napasarap yata sa honeymoon. Pasundo kita, ah."

"Sige. Message ko rin siya, thank you."

"Bebe ka namin, eh. You pa ba?"

"Ew."

Tumawa ulit si Monicka sa kabilang linya. "Love you!"

Pinatay na niya ang tawag. Napatitig na lang ako sa cellphone ko. Hindi ko maiwasan matawa dahil hindi na halos nagbago yung babaeng iyon. Mas matanda siya sa akin pati sina Zeke pero kung umasta minsan, para pa ring mga bata. Age lang talaga nagbabago, hindi personality.

Hindi naman ganoon kalaki ang age gap namin, mga magt-twenty eight lang naman sila. Pinakabata na si Amber sa amin, who's just twenty three.

Hindi rin nagtanggal ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Mabilis akong nag-ayos and when I felt I looked better than usual ay saka ako lumabas para sumalubong.

Una kong nakita si Amber pag-roll down niya ng salamin, sumilip naman si Zeke na nasa driver's seat.

"Been a while!"

"Bakit hindi kayo pumapangit, 'no?" Ang bungad ko sa kanila.

Mabilis na natawa si Amber habang ako naman ay basta na lang pumasok sa loob ng sasakyan. I made myself comfortable habang nagsisimula nang magmaneho si Zeke.

"Miss mo kami?" Zeke asked.

I shrugged my shoulder. It's been months since I last saw them. The last time we're together, tinulungan pa nila ako mag-process ng sa enrollment kahit kaya ko naman nang mag-isa. Masyado kasing mabait itong dalawang 'to, parang pinaglihi yata masyado kay Jesus.

"Wala lang ako magawa."

"We already told you, you can live with us but you kept refusing." sabi naman ni Amber na hindi na yata mas-straight ang Tagalog.

"Kamusta naman ba? Thesis days, right?"

"Oo, pero madali lang —" Natigilan ako ng pumasok sa isipan ko ang pagmumukha ni Eris. Parang gago talaga. Huminga ako ng malalim. "Kayo, kamusta? Sabi ni Monicka napasarap daw kayo sa honeymoon."

Kahit may kadiliman ay huli ko ang reaction ni Amber na mabilis lumingon sa bintana kahit wala naman magandang view sa labas. Si Zeke naman ay natawa lang, baliw din 'tong babaeng 'to.

"We just like the indefinite vacay." sagor niya. "Tsaka once we go back to work, magiging busy na kami parehas. Amber has to manage an entire company dahil pa-retire na rin si Papa, while I'm co-handling the organization with my brother."

"Wala ka na talagang balak bumalik sa field, right?"

"Gustuhin ko man pero hindi na. Mas malaki na ang risk unlike before." Nakakaintinding tumango naman ako. Working at field is dangerous, buti nga ngayon ay mas nar-realize na niya yung ganoon. "I can still help though."

I remembered the first time we met — which was three years ago. Ako yung last mission niya. Nakilala ko rin sina Monicka along the way when I was brought to the organization. Supposedly ay dapat wala akong alam, but I sort of discovered it on my own and they just decided to confirm it na lang din.

Nakilala ko na yung brother ni Zeke pero isang beses ko pa lang siya nakita — at ayoko nang muling makita pa iyon kahit siya ang boss ko. Ang sungit masyado, baka mag-init lang din ulo ko tapos masagot ko siya.

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay sila pa mismo ang tumulong sa akin, giving me my job and almost everything I needed to be able to live however I wanted.

"How are you coping up right now?"

Napatingin ako kay Zeke na focus lang ang mata sa kalsada. Ang ingat niya nagmaneho, halata sa galaw nito.

Napaisip naman ako. It's been a while but everything feels like it all just happened yesterday. Kung coping lang ay tingin ko ayos naman ako. I still have nightmare sometimes but it doesn't affect my life overall.

But I don't think I'm really fine. And that's why I'm fucked up. Pero mahalaga ay sinusubukan ko maging ayos.

"Okay naman."

"Ayaw mo talaga magpa-counsel or therapy?"

"Hindi ko naman kailangan."

"Okay," Nakakaintinding tumango si Zeke. "Just don't push yourself too much. You're still young, you haven't fully enjoyed your youth, but at least try to do it now."

"Para ka namang nanay."

"Baby ka kasi namin."

Pinanlisikan ko ng mata si Amber dahil sa sinabi niya pero ang babae, nginitian lang ako ng matamis. "Mas matanda ako sa'yo."

"Baby faced mo kasi, hindi halata."

"Gago kayo konti."

They all laughed at me. Tuwang-tuwa sila lagi kapag nagmumura ako, parang mga tanga. Kaya ayoko masyado magmura kapag sila ang kasama, eh, napagtitripan lang ako palagi.

"Anyway, may friends ka naman ba? Crushes?"

Napaisip ako. "Wala."

I don't think it's worth to mention Eris. Hindi naman din iyon magtatagal. Wala akong plano na maging connected sa kanya o sa kahit na sino. Pero kapag naiisip kong ganoon nga ang mangyayari in the near future ay parang may something na kumikirot sa akin.

Pero normal lang 'to. Siguro na-a-attach lang ako sa kanya ng kaunti. Pero lumilipas din naman ang attachment, hindi naman nagtatagal yung ganoong klase ng kirot. Kailangan ko lang gawin yung best ko.

"Kahit crush?"

"Lalong wala." Pero putangina bakit si Eris ang naiisip ko. Pahamak talaga yung feelings niya.

"You paused for a milisecond there," Zeke noticed. "Meron kang crush, 'no? Sino 'yan?"

"Wala nga! Pota."

"Okay, confirmed, meron."

"Wala!"

Hindi katagalan ay nakarating din kami sa subdivision kung saan nakatira sina Monicka at ng boyfriend niya, live in kasi ang dalawa.

Pinatay ni Zeke yung makita. Nauna akong lumabas, sumunod naman si Amber. Nauna na ako maglakad dahil ang landi-landi nitong dalawa, parang hindi magkasama sa bahay kung magdikit.

"Bianca."

"Ano?" Nakasimangot na nilingon ko si Zeke. Nakaakbay siya ngayon kay Amber na as usual, tahimik lang pero nakangiti. Hindi na yata talaga siya magbabago, ang hinhin masyado, minsan ay parang bata sa sobrang pagka-inosente niya.

"It's alright, you know," she trailed off. "To like someone."

Hindi ko siya pinansin. Desisyon naman 'tong babaeng 'to.

I checked my phone at nakitang may messages na naman si Eris. Putangina.

From Eris Gago:
You should be here :(

_____

Continue Reading

You'll Also Like

254K 11.4K 28
¹ [First Book] [GxG] September Galaxy Meyer. A singer and artist. She is looking for her childhood sweetheart para tuparin ang isang pangako. "Pag na...
51.4K 988 28
"I wouldn't want anything else than to be yours forever." Simpleng buhay lamang ang kinalakihan ni Portia at natutunan niyang dumiskarte kahit gaano...
326K 9.3K 36
COMPLETED Night Klaye Collins FIRST time niyang masampal pero ano ang gagawin niya kung magiging FIRST love niya ito? Shyle Dorothy Hermosa Hindi p...
53.3K 2K 19
Anong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!