DESTINED

By forbiDDen30

97.2K 4.1K 661

Nagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no... More

Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two: 1st Ending
Chapter 23 PART 1: 2nd Ending
Chapter 23 Part 2: 2nd Ending
Chapter Twenty-Four: Finale
EPILOGUE

Chapter One

16.4K 315 14
By forbiDDen30

[A/N: To all of those who requested me to write an AFU story, here it is. A long one just like you wanted.

To those who have no idea yet of the Golden Book, please do read first Finding my destiny through...my desk? and Destiny Paper to have a background of AFU. ]


*~*

Academic Fantasy University.


Sa Unibersidad na ito, maraming pamahiing nagkalat. Mga pamahiing hindi mo aakalaing totoo. Bakit? Because it's beyond what reality can offer.

*~*


Kararating ko lang sa University at papanhik na sana sa hagdan nang mapansin ko ang kumpulan ng mga kaklase ko. Nakapaikot silang lahat sa isang bench, tila may tao sa gitna na siyang kausap nila. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at unti-unting narinig ang boses ng isang lalaki. Teka, boses ni Sir Key 'to ah.


"Never did I actually tried to read the Golden Book. Hindi kasi ako naniniwala sa mga nakasulat doon. They were absurd - totally foolish especially for someone like me who's not fond of fantasy."


Pinilit kong sumingit sa bilog ng mga estudyante para makita si Sir Key, ang guidance councilor namin. Buti nalang puro mga kaklase ko ang itong nandito ngayon. They always give way to me lalo na't ako ang maituturing nilang baby because of my height.


"But my belief started to sway since that day I saw her message. Kinilabutan ako noong una but that didn't last long. Natuwa na kasi ako sa exchange of messages namin at sa kanya mismo." Huminga siya ng malalim at ngumiti na s'yang nagpasingkit lalo ng kanyang mga mata. "That's when I decided to read the Golden Book Story #143. Noong mga panahong iyon, hindi ako makapaniwala na the famous story plot in this University was actually happening to me. Parang panaginip lang. Nagpasuntok pa ako sa mga kaibigan ko just to wake me up from a wonderful dream, if it actually was. Ngunit pasa lang sa mukha ang nakuha ko! Totoo pala talagang nangyayari iyon sakin - na may kausap akong babae mula sa future. Ang babaeng puro lang hoy, oi ang tawag sa akin!"


Tatawa-tawang nagpanglingo si Sir habang inaalala ang nakaraan and I can really say he's in love, so much in love with who ever that girl is. I can see it in his eyes. "Tapos nalaman ko nalang that that girl is the same with the girl na noong una ay kinaiinisan ko but slowly made me fall in love again. I fell in love twice on the same girl. Akalain niyo 'yon?"


"Destiny nga talaga, Sir." I was not able to hold back myself from saying. Napaka-magical kasing pakinggan nito and only the word DESTINY could really sum up their love story.


"Yes, I know. Destiny nga."


Matapos ng sandaling story telling ni Sir Key ay hindi pa rin kami umaalis. Marami kasing tanong itong mga kaklase ko tungkol sa mga pamahiin sa school. Pilit namang sinasagot ni Sir ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Well, the good thing about Sir is that he doesn't pretend to know it all when it comes to the mysterious happenings in the University. May iba kasi sa mga faculty na masyadong madaldal tungkol sa ganito, ganyan na pamahiin tapos kapag sinubukan na ng isang estudyante eh hindi naman pala totoo. Nakakabanas lang! Kaya nga ayokong magtanong sa kanila. They give you false hope in meeting your destiny in this way but then, it doesn't happen.


Kaya hindi na ako nagtatanong pa kasi naniniwala akong my destiny will just unfold itself at the right time, at right place. Baka isa sa mga Golden Book Stories ang mangyari sa akin o kaya isang panibagong story ang maidadagdag namin ng destiny ko sa mahiwagang libro.



"Golden Book. Golden Book. Tss." Lahat ay natigilan nang may lumipad na isang mineral bottle sa pwesto namin. Buti nalang wala itong laman pero lahat ay napaatras sa takot. Madaling nakatayo si Sir Key para iharang ang sarili niya sa amin at sa kanya - isang babae na may magulong buhok, madumi at punit-punit na suot, at nanlilisik na mga mata. Mababasa nino man ang galit sa kanyang mga mata. "Mga tanga! Lahat ng nakasulat sa lecheng librong 'yon ay tungkol lang sa mga masasayang love story ng dalawang taong sinuwerte sa pag-ibig. Mag-isip nga kayo! Sa tingin niyo ba puro lang - ANO BA! Bitawan niyo ako!"


"Manahimik ka! Bawal ka rito!" All we could do was stare at her as she was dragged by two security guards. Nagpupumigilas ito sa mahigpit nilang hawak pero hindi niya nagawang makawala.


"PATHETIC! You don't fully know yet the magic of this school!" sigaw pa nito habang nakatingin sa'min, saka ngumisi. "Not all of you will find your destiny sa University na ito. Ang iba sa inyo, mabibiktima lang ng maling akala. Tapos mababaliw!"


*~*


"Nakakapangilabot ang mga tingin niya. Para siya iyong nilalarawan na kampon ng kadiliman sa mga fantasy books." narinig kong sabi ni Jazz habang hinihimas-himas ang braso niya. "I hope I'm not going to see her again. Baka magka-nightmare pa ako!"


"Agree Jazz," sabat pa ni Liza matapos isubo ang isang munchkin. "Besides, ayokong marinig ang paninira niya sa Golden Book. Inggit lang siya dahil pwede nating makilala ang mga destiny natin through the book and the University itself."


"Hindi kaya naging estudyante siya rito?" I blurted out before I could stop it. Nalipat ang atensyon nila sa'kin. "I mean, pa'no niya nalaman ang tungkol sa Golden Book kung hindi? Only the students, faculty, and staff ang nakakaalam tungkol sa libro. All the people outside the University doesn't know a thing."


"Baka may nakapagsabi lang, Chenee."


Umiling ako. "Bawal 'yon, remember?"


Nagkatinginan sila, as if saying to each other na may point ako. And I do have a point kasi iyan ang number 1 rule dito: What you see and what you hear in AFU, stays in AFU.


"So you're trying to say na... NO. No, Chenee." Jazz shook her head. "Ayokong maniwala sa baliw na 'yon. There's nothing wrong in this school. Every one finds their destiny here."


"Kung ganon, bakit siya nabaliw?" I asked her, tilting my head to one side.


"She's just an isolated case. Nabaliw lang siya dahil sa hindi kinaya ng utak niya ang mga kakaibang nangyayari dito." She answered firmly.


"Isolated? Maraming nabaliw sa school na 'to, Jazz. Not just her. Alam mo 'yon. Ikaw pa nga nagkuwento sa'kin eh."


Sinamaan niya ako ng tingin bago ako tuluyang sigawan. "Pwede ba Chenee, let's drop this topic! Hindi nga natin kilala 'yong babae!" saka siya tumayo at tumungo sa original seat niya.


And now, she's angry. Bakit ba ang dali niyang magalit? Hay. Ito ang mahirap kapag ayaw niyang maniwala eh, she doesn't want to listen no matter how rational you're saying is.


Tiningnan ko si Liza. Pilit siyang ngumiti na para bang sinasabi na hayaan mo muna siya at hinimas lang ang aking likod.


Binigyang sulyap ko pa si Jazz na nakahalumbaba sa desk niya before I decided to go out of the room. Para na rin bigyan siya ng oras na mahimasmasan at ang sarili ko ng panahon para makapag-isip.


Sa totoo lang, napaisip ako sa sinabi nung babae. Of course, everything written in the book are happy endings. Tungkol nga sa destiny, diba? It will be silly if lalagyan ng mga love story na hindi naging maganda ang ending ang libro. Hindi na iyon matatawag na destiny.


Pero ang pinagtataka ko lang ang mga huli niyang mga sinabi,


'You don't fully know yet the magic of this school! Not all of you will find your destiny sa University na ito. Ang iba sa inyo, mabibiktima lang ng maling akala. Tapos mababaliw!'



Is there something more in this school that she ended up mad?

Continue Reading

You'll Also Like

20K 994 36
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
1.7M 55K 77
There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's fa...
14.5K 187 6
Ang MISTERYO - Hiwaga ng Buhay ay naglalaman ng iba't ibang kuwentong katatakutan at puno ng hiwaga... * Rainbow Girl * So call you maybe... * Iyak *...
21.2M 786K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...