After the Chase

By JEYL_Purple

4.9K 197 61

Suarez-Cordova Cousins Second Installment: Apollo Neecko S. Cordova *** "After all these years running around... More

After the Chase
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen

Fourteen

148 11 8
By JEYL_Purple





#ATC14 Chapter 14

"YOUR SISTER'S finally coming home!"

Apollo's mom announced once he entered the kitchen. Kakauwi lang niya galing trabaho at iyon ang ibinungad ng ina. Nalaglag sa sahig ang bitbit niyang blueprint tube habang gulat na nakamaang rito.

Fuck. Artemis is finally coming back home!

"Real shit?" gulat na bulalas niya at agad ding tinakpan ang bibig nang matanto ang pagmumura. "Sorry, Momma. Pero totoo ba?"

His mom raised her eyebrow at him. "Didn't she call you? Hindi nagsabi sa 'yo si Artemis?"

Apollo pouted and shook his head like a kid. Ngumisi naman ang ina saka siya pinagtawanan. Mas lalo tuloy siyang bumusangot.

Humanda talaga ang kakambal niya. Hindi man lang siya sinabihan na uuwi na pala ito ngayong taon.

After six years in abroad, and in those six years, dalawang taon silang hindi nakadalaw na buong pamilya sa kapatid dahil hindi na ito pumayag pa. Artemis considered their time and effort of going abroad to just pour it to their works, na tama namang desisyon dahil halos magda-dalawang taon na rin yatang nagrereklamo si Apollo sa kanyang sangkatutak na mga trabaho.

Considering that he was the son of one of the owners of ASDG, parang hindi niya ramdam ang special treatment na ini-imagine niya noong mga unang araw pa lang niya sa trabaho. Pinapaasa lang naman niya kasi ang sarili niya sa iniisip.

Armee Leighann Suarez-Cordova, treating him like a prince? Lumuha man siya ng dugo, hinding-hindi 'yon mangyayari.

Umungol siya habang nagmamaktol na umakyat patungo sa kanyang kuwarto. He took a cold shower and stayed inside the bathroom for almost an hour. Inisip niya lahat ng nangyari sa kanyang buhay sa nakaraang dalawang taon.

He was already twenty-four and he still should be enjoying life. And when Apollo meant enjoying, it included partying and girls. Pero simula noong ipinasok l siya ng ina sa kumpanya nila, parang nagkaroon ng sudden shift ang buong pagkatao niya.

Akala niya noong nasa huling taon na siya sa college ay magiging mas maluwag na ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay. But Apollo wasn't expecting life to test his freedom and patience as soon as he graduated college.

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang matapos ang graduation ni Apollo ay agad siyang kinuha ng kanyang ina para magtrabaho sa ASDG under her command for his apprenticeship. He was somehow lucky dahil ang ina mismo ang magiging senior niya. But the negative side was that Architect Cordova was strictly professional at work. Wala itong kinakaawaan sa trabaho kahit pa siya na mismong anak nito.

And that was the reason why Apollo's slowly crumbling down like a lost kid. He missed partying so much. He missed meeting with his friends. He missed kissing and fucking someone. He missed those constant things in his good old fucking days.

Oh, to have that kind of life again.

Nang magsawa sa loob ng banyo ay lumabas na siya para magbihis. Tanging boxer shorts lang ang suot niya nang mahiga sa kanyang kama. He was done drying his hair using a small towel when he noticed a light coming from his phone. Umuklo siya para silipin kung ano iyon. His lips rose for a smirk. He picked up his phone and opened the notification.

Maybe there was still one constant thing that has left in his life after all.

S_now: U home na? Can I call? I have chika.

S_now: Or busy ka pa rin?

Nakangiti si Apollo habang nagtitipa ng ire-reply.

ApolloNCrdv: What's your chika?

Agad na nag-ring ang kanyang phone pagka-send pa lang niya ng kanyang reply. Dumapa ng higa si Apollo bago sinagot ang tawag.

"Ang guwapo ever!" wika ni Snow nang makita ang kanyang mukha.

Natawa si Apollo. "Hey."

"Kakauwi mo? You look tired. Kumain ka na?"

"Yes. Ikaw? Kagigising mo?"

Umiling ang dalaga. "Kanina pa. Nag-eempake na kami, e. Uuwi na kami diyan!"

Snow looked so excited. She was grinning like she was radiating the sun shining from the window behind her. Napakaputi ng dalaga at namumula rin ang mga pisngi. She looked like an Asian model currently filming a fluffy music video.

"Ang ganda mo," hindi mapigilang komento ni Apollo habang nakatitig dito.

He saw how Snow's eyes widened a fraction. Kumurap ito nang ilang ulit saka sumimangot. "Ayan ka na naman sa mga banat mo, Apollo, ha? Tapos hindi mo rin lang naman ako sasaluhin," anito nang makabawi. Kitang-kita pa rin niya ang pamumula ng mukha nito.

Apollo laughed while studying her face. She changed a lot for the past two years of not seeing her in person. Hanggang video calls and chats lang ang pag-uusap nila ni Snow. They had their schedule on when to call and when not to. Lalo na't malaki ang gap ng oras nilang dalawa. Sometimes, Snow would call him but he was already asleep. Minsan naman ay siya ang tatawag dito pero ito naman ang tulog o hindi kaya ay nasa trabaho pa rin. Kapag busy naman silang pareho ay halos tumatagal din ng ilang araw ang pagiging tahimik ng notifications nila.

They grew fond with each other. Apollo became closer to Snow even if they were miles apart. Parang hindi naging hadlang ang distansya para maging malapit siya sa dalaga. The constant flirting between him and Snow became natural to their relationship. The awkwardness he had felt when they started talking vanished and was changed into comfort. Apollo was already used to Snow's sweet words and teasing. Ginagantihan na rin niya ito minsan at tuwang-tuwa kapag nakikita ang epekto ng mga sinasabi niya sa itsura ng dalaga. Napakadali kasing mamula ng mga pisngi nito dahil sa kaputian.

"Sasaluhin kaya kita. Baka gusto mong ihele pa kita," nakangising sagot niya.

Umirap ang dalaga at saka pilit na sumeryoso. "Anyway, ihahatid kami ni Dane sa airport mamayang gabi. Tapos baka bukas ng hapon na kami makarating diyan. Sunduin mo kami!"

"Of course. Can't wait to see Sunshine."

Snow made a face. "E di wow!"

Muli siyang natawa. Umayos siya ng higa at hindi sinasadyang napindot ang flip camera button. Nagtaka si Apollo nang marinig si Snow na tumili.

"What the hell? Why are you shouting?" tanong niya rito.

"You fucking pervert! Anong pakialam ko sa umbok sa boxers mo? Mahahawakan ko ba 'yan?" galit na galit na sabi nito.

"Wha—" His eyes almost went out from their sockets when he saw the reason why Snow was screaming mad. "Fucking hell!" Agad niyang ibinalik sa front camera ang focus ng tawag.

"Bastos!" sigaw na naman nito. Nakatakip pa talaga ang palad sa bibig.

"Hindi ko sinasadya, okay?"

"Ang alin? Na may bukol 'yang boxers mo habang kausap ako?"

His eyes widened even more. Was she... accusing him about doing something disrespectful?

"Snow," he called her name in a calm way. "Hindi kita binabastos—"

"Oo na! Kasi hindi ako kabastos-bastos! Oo na, Apollo!" she yelled and he could have swear to God, he just wanted to dive inside his phone to silence her. "Pero bakit nga may umbok?"

Apollo face palmed. "Bakit kasi tinignan mo?"

"E, kasi agaw-pansin! Hello? Can't you see it? Kahit sino namang may maikling attention span mapapatingin diyan."

"I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya—"

"Na nakaumbok siya?"

"Fuck, Snow! Stop with that word, will you?"

Napabangon tuloy siya mula sa pagkakahiga at sumandal sa head board sa kanyang likuran. He glared at Snow who was looking at him like he did something wrong.

"Anong gusto mong itawag ko? Tent?"

His lips parted. "Putang ina..."

"O, ano? Bakit may tent ka sa boxers mo? Ganoon ba ang gusto mong sabihin ko, ha?"

"Why are we even talking about this thing?" nanghihinang tanong niya.

Snow moved. Nawala ang mukha nito sa screen at tanging magulong background na lang ang kanyang nakikita. He could hear her talking loudly. Mukhang may kausap ito at nasisiguro siyang si Sunshine iyon. After a few seconds, nagpakita muli ang cute na mukha ng dalaga.

"I gotta go. Galit na galit si Sunshine akala mo naman wala akong ambag sa pagliligpit," sabi nito.

"Bakit? Meron ba?" he teased and Snow glared at him. He chuckled.

"Alam mo bang excited na akong umuwi? Puwede na kitang sabunutan kapag nagkita na tayo."

He grinned and tilted his head to annoy her more. "Diyan ka talaga atat? Ang saktan ako? Sabi mo mahal mo ako?" Apollo kept on teasing Snow. He really liked seeing her cute, mad face. Para itong galit na kuting.

"Mali ka lang ng dinig," sabay irap nito. "Ibababa ko na! Ang dami mong sinasabi. Hindi mo na lang aminin na gustong-gusto mo rin naman akong kausap."

Saglit siyang natawa. "I believe it's the other way around, Snowy."

Snow made a face. "Ang kapal ng mukha mo. Ang sarap balatan."

"Hayaan mo. Next time na mag-uusap tayo, nakaharap ka na sa akin. Puwede mo na akong halikan."

Malakas siyang natawa nang murahin siya ng dalaga.

"Balatan kasi, hayop ka! Hindi halikan!" She shouted. Apollo heard Sunshine's voice from the background. "Bahala ka nga! Pangit mo!"

"I miss you, too, Snowy!" habol niya bago patayin ng dalaga ang tawag.

A smile was plastered on Apollo's face while fixing his bed and getting ready to sleep. Pinili niyang matulog nang maaga dahil siya pa yata ang uutusan ng kapatid na susundo rito sa airport bukas. Wala siyang magagawa kahit na nagtatampo siya rito dahil sa hindi nito pagsabi na uuwi na ito. Susundin pa rin naman niya ang gusto nito. Tutal, nami-miss na rin naman niya ang kapatid at gusto na ring makita agad.


"PARANG GAGO," bumubulong si Nova sa sarili habang nasa likuran ng sasakyan, pero rinig na rinig naman ni Apollo ang mga sinasabi nito. "Excited daw, pero kailangan pang hambalusin ng unan para lang bumangon."

Apollo glared at her. She rolled her eyes and crossed her arms. Umiling lang si Justice na nakaupo sa passenger seat at hindi nagkomento.

"Kaasar! Na-traffic tuloy!" maktol ni Nova.

"Pasensya ka na, mahal na reyna, at ako'y nakatulog nang mahimbing. Bumawi lamang ako ng tulog dahil ako'y napagod sa aking trabaho kahapon," Apollo said with full of sarcasm. Mas lalo namang nabuwisit si Nova dahil sa pagiging sarkastiko niya.

"Pukpukin mo nga 'yan sa ulo, Justice!"

"Sige! Kung gusto niyong madisgrasya tayo rito."

"Can you two behave?" suway ni Justice habang salitan ang tingin sa kanilang dalawa ni Nova. "We're in the middle of the road. Gusto niyo bang madisgrasya?"

Saglit silang natahimik. Pero hindi nagpaawat si Nova at nagsimula na namang paringgan siya. Good thing she finally decided to call Artemis that was why her attention was diverted to his twin sister. Kung hindi lang talaga nila kasama si Justice sa loob ng sasakyan ay kanina pa siya nakipagsagutan sa dalaga. Para silang aso at pusa kung mag-away. Hindi na nagbago 'yon simula noong mga bata sila.

At last, after being stucked in a long traffic, nakarating na rin sila sa NAIA kung saan nagpapasundo sila Artemis at ang magkapatid na Snow at Sunshine. He called for a valet to park his car before they entered the airport.

"Where are they? Bakit pa tayo pumasok?" tanong ni Justice habang nakaalalay kay Nova.

"I don't know. Art's not answering her phone," Nova replied.

Inilibot nila ang tingin sa paligid. Nasa arrival waiting area na sila dahil sinabi ni Artemis na dumeretso sila roon. But there were only few people in the area and none of them was his twin.

"I'll look elsewhere. Baka nasa coffee shop sila," sabi niya sa dalawa.

Pumayag naman sila Justice na maghanap din sa ibang direksyon. He was trying to call his twin to ask about their whereabouts when he saw someone familiar. Agad siyang natigilan at mataman itong pinagmasdan. He squinted his eyes just to focus on her face. Hindi siya sigurado kung ito ba talaga ang iniisip niya. Nakatali kasi ang buhok nito at bahagyang nakayuko.

Apollo licked his lower lip. Humakbang siya palapit dito at unti-unting napangisi nang matantong tama nga ang hinala niya.

"Snowy," he called.

Nakita ni Apollo kung paano natigilan ang dalaga at parang robot na inangat ang ulo para tignan siya. His smirk widened when he finally saw her face.

Si Snow nga iyon.

He studied her face. Kumpara noong huling nakita niya sa personal ang dalaga ilang taon na ang nakalilipas, mas naging bilugan ang mukha nito. Her expressive eyes were wide out of surprise after seeing him. Her thin red lips were parted a bit. Maputi at makinis pa rin ang balat ng dalaga. Namumula rin ang mga pisngi at leeg nito dahil sa init. 

"A-Apollo?" hindi makapaniwalang tawag nito sa pangalan niya. She looked at him from head to toe.

Apollo smiled. "Welcome home."

He didn't know why he felt excited seeing Snow. Akala niya ay normal lang ang mararamdaman niya kapag nakita na muli si Snow. Pero parang may kakaibang tuwa siyang nararamdaman habang kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang dalaga. He thought it would be Artemis or Sunshine that would make him feel excited to see. But Snow did woke something in his senses.

Suddenly, Snow ran toward him and wrapped her arms around his nape. Tumalon ang dalaga kaya napayapos ang kanyang mga braso sa bewang nito para suportahan ang bigat nito. Snow was laughing while he was balancing her weight onto him to stop them from falling.

"Ang bigat mo!" komento niya habang buhat pa rin ito. "Tambay ka talaga sa kusina."

"Malamang! Chef kaya ako," sagot nito matapos ay bumaba na. She made a distance between them and stared at him for a whole minute. Snow grinned, making him frown. "Grabe. Mas guwapo ka pala sa screen, 'no?"

"Mas gusto mo ang mukha ko sa screen?" Tumaas ang kilay niya. Tumango si Snow at saka bumungisngis. "Then go back to New York. Huwag ka nang umuwi rito para sa screen na lang ulit tayo mag-usap."

Snow laughed loudly. Nakakahiya ang pagtawa nito dahil masyadong napalakas at may mga tao na nasa loob ng coffee shop sa likuran lang nila.

"Sungit natin, a? Tampo 'yan?" Bumusangot si Apollo. Mas lalo namang natawa ang dalaga. "Grabe. Nagtatampo ka talaga?"

"No," he hissed. "Why would I?"

"Ang sungit! 'Di lang nasabihan ng guwapo, e."

Apollo's forehead creased. Tinawanan siya lalo ni Snow at may sasabihin pa sana nang makita nila ang paglapit ni Justice at Nova. Nova shrieked when she saw Snow. Nagyakapan ang dalawa na parang matagal nang close sa isa't isa. Sunod naman na bumati si Justice kay Snow. Nagkamustahan ang mga ito saglit bago naisipan na hanapin na sila Artemis.

"Nasa restroom sila," sabi ni Snow. "Nagpalit si Artemis kasi natapunan ng coffee 'yong damit niya kanina."

"Nasaan ang mga gamit niyo?" tanong ni Apollo sa dalaga.

Snow then glanced at him with her wide eyes. Kinunotan niya ito ng noo. Huwag nitong sabihin sa kanya na nakalimutan nitong may mga gamit silang dapat bantayan?

"Nandoon!" Tumakbo bigla si Snow kaya wala silang nakagawa kung hindi sundin ito.

"Grabe ka, Snow. Ba't mo naman iniwan?" natatawang tanong ni Nova nang makarating sila sa may mga upuan. Naroon ang malalaking maleta nila Snow at ang ilan ay nakakalat lang sa sahig.

Apollo clicked his tongue to annoy Snow. "Very irresponsible. Paano kung may kumuha sa mga 'to? Mababawi mo pa kaya?"

"Bakit naman nila nanakawin 'yang mga 'yan? Puro damit at pasalubong lang naman ang laman."

"Saka bakit naka-tape?" nagtatakang tanong ni Nova habang nakatingin sa mga maleta.

"Ako ang nag-suggest na gawin 'yan. Iwas tanim-bala," Snow replied proudly. Bumaling pa ito sa kanya para makita ang reaksyon niya. Apollo only looked at her flatly. What did she want him to do? Give her a round of applause?

"Tanim-bala? Girl, hindi na uso 'yon," natatawang sambit ni Nova.

"We never know."

Nag-uusap lang ang dalawa habang tahimik naman si Justice at Apollo sa tabi ng mga ito. Apollo sighed when he saw her sister and Sunshine finally approaching. Tumagal pa nang ilang sandali ang mga mata niya kay Sunshine bago inilipat ang atensyon sa kakambal.

"Hey." Artemis smiled at him when they finally met.

"Yo!" bati niya kay Artemis. "Welcome home."

He hugged Artemis for a quite moment. Doon lang niya naramdaman ang pagkasabik na makita muli ang kakambal. The longing he felt for her suddenly resurfaced.

Mahigpit niyang niyakap ang kakambal. Apollo whispered his I miss you's and I love you's to Artemis like a kid. Hinayaan naman siya nito at nanatili ring nakayakap sa kanya. Nang bumitaw siya sa kakambal ay pinagmasdan niya ito. She grew up to become a better woman. Kitang-kita niya ang pagbabago sa pisikal na anyo ng dalaga. Mula sa pagtayo, paglalakad, at pagtawa. Even her way of talking changed a lot. Napangiti si Apollo. He became more proud of his twin now that he can see how well she become.

Natahimik si Apollo nang magkrus ang mga mata nila ni Sunshine. She raised her eyebrow at him and he looked away. Kumpara noon, nabawasan ang interes ni Apollo sa dalaga. Nandoon pa rin ang kagustuhan niyang makuha ang atensyon nito, pero hindi na gaya ng dati na gigil na gigil siyang mapasa-kanya nang buo si Sunshine.

Maybe because he already realized that she was indeed not for him. May Dane na ito. Matagal nang magkarelasyon ang dalawa. At hindi siya 'yong tipo ng lalaki na makikisingit sa relasyon ng iba.

Isa pa, he was already doing good with Snow. Maayos na ang pagkakaibigan nilang dalawa kahit na kadalasan ay nag-aaway sila. Ayaw lang niyang bumalik ulit sa dati na iniiwasan niya ito dahil lang may nararamdaman siya sa kapatid nito.

"It's nice seeing you again, Sunshine," kalmadong bati niya nang makalapit dito. The others were walking ahead of them. Sila lang ni Sunshine ang naglalakad sa pinakalikod.

"Nice seeing you, too," Sunshine replied coldly.

"So..." He put his plans inside his pockets. "How's Dane?"

"I don't know. Haven't contacted him yet since we arrived."

"Right." He nodded. "Buti pumayag siyang malayo ka sa kanya. Is he fine with long distance relationship? O susunod siya rito?"

Tumigil sa paglalakad si Sunshine at blangkong tumitig sa kanya. Apollo also stopped walking and waited for her. Nakita niya ang panandaliang pagbabago ng ekspresyon ng dalaga. Saglit lang iyon pero nakita niyang gumuhit ang sakit sa mga mata nito.

"W-we broke up. We're not together anymore," she said and walked passed him.

***
JEYL_Purple

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
176K 3.3K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
2M 25.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...