Roses And Melody (Under Revis...

By PotatointheCloud

15K 460 190

Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from... More

Work of Fiction
Warning
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 10

361 14 7
By PotatointheCloud


Alas singko ay nagpaalam na ako sa dalawa dahil mamaya pa raw sila uuwi.

Sabay na raw sila. Baka naman date?

Gusto ko pa sanang mag stay din ang problema ay may pasok pa ako sa trabaho at nadagdagan pa ang obligasyon ko.

Sa kompanya na ako nag diretso para tuloy-tuloy na, hindi na lang din ako magpapalit tutal ako naman ang boss ngayon.

"Morning, Ma'am Aryka." Bati ng gwardya sa labas, routine na ng matandang guard ang bumati sa akin tuwing ako ay papasok.

Gumanti ako sa kaniya ng bati at tuluyan ng pumasok.

Tama 'yan susulitin ko na, ako naman ang boss ngayon.

Pagkarating sa opisina ay si Theo ang naririto habang presenteng naka-upo sa sofa.

Bakit pakiramdam ko may kulang, si Kaiden? Nasanay kasi ako na nakangiting imahe niya ang naaabutan ko.

Although nakakainis iyong ngiti niya pero cute pa di- no.

Ipiniling ko ang aking ulo, mabuti nga't wala siya.

"Gandang hapon, pretty." Pagkatamis-tamis ng ngiti ng lalaki, creepy. Magkaibigan nga sila ni Kaiden.

Mas maganda pa kaya ako sa hapon.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ano pa ba? Edi sasamahan ka dahil nagbilin si Kaiden sa akin na tulungan ka raw if may kailangan ka."

Nagbilin pala siya, wala kasi siyang nabanggit sa akin.

"Andito ka na lang din pala bakit hindi na lang ikaw ang inutusan ng lalaking 'yon?"

"Nakakapagtaka nga rin, magkaibigan kami mula bata pa 'tapos halos ayaw ako no'n patungtungin dito sa kompanya niya, akala mo naman hindi kami business partners."

"Baka naman kasi talagang na ex-friend ka na sa kanya at hind ka lang aware, ang pangit mo naman kasi."

"Ang galing mo talagang saktan ang feelings ko 'no? Pati iyong bestfriend mong Alea na 'yon."

"Nagkakausap kayo?"

"Sometimes, madalas ay nagkakakita kami sa isang lugar 'tapos ano-anong masasakit ang sinasabi niya."

Sometimes tapos madalas?

"Coincidence?"

"Sa tingin ko." Smell fishy.

"Akala ko ba ayos na kayo?"

"Ewan ko sa kaniya ang init ng dugo sa akin akala mo naman inaano."

"Enemies to Lovers?"

"Fuck! There's no way on earth."

"Bakit ang defensive mo naman nagtatanong lang."

"Imposible kasi iyon."

"Osya, sabi mo."

Bago ako tumalikod ay may binilin ako kay Theo.

"Wag kang aalis hangga't hindi ako lumalabas sa building na ito, isusumbong kita kay Kaiden."

"Oo na." Pumapayag pero may binubulong-bulong ang hinayupak.

Itinuloy ko na lang ang mga iniwan kong gawain para matapos na rin ako.

Kakasimula ko lang ay may kumatok sa pinto kaya tumingala ako.

"What?" Si Theo, mukhang magnanakaw habang nakasilip sa salamin, bakit kasi hindi pumasok.

"Anong gusto mong kainin?"

"Libre mo?"

"Yup."

"Anong nakain mo?"

"Excuse me hindi pa ako kumakain. So ano nga?"

"Hm, Jollibee."

"What's Jobillee?"

Natawa ako dahil sa pagkakasabi niya.

"Jo-lli-bee, hindi Jobillee. Isang fast food 'yon."

"Anong gusto mong bilhin ko do'n?"

"One piece chicken with rice, fries, spaghetti, and cokefloat. Oh! Plus sundae."

Susulitin ko na dahil libre naman.

"Ayon lang?"

"Yes."

"Okay, babalik ako later."

"Hoy! Mag order ka na lang, bakit lalabas ka pa? 'Di ba kabilin-bilinan kong huwag kang lalabas ng building na ito hangga't 'di pa ako umuuwi?"

"Sandali lang ako, please?"

"15 minutes, pag hindi ka bumalik agad talagang isusumbong kita!"

"Oo na, bye."

Ano pa kasing aalis siya? Gusto pang pahirapan ang sarili niya.

Minsan ang gulo talaga ng utak niya, may pinagmanahan.

Bumalik na lang ako sa ginagawa.

May hinahanap akong papeles pero wala dito
saan naman napunta iyon? Alam kong inayos ko ang mga ito bago ako umalis.

Napagpasiyahan kong tumungo sa lamesa ni Kaiden para doon hanapin baka nandoon kasi.

Sinabihan niya kasi ako na minsan dahil sa sobrang dami ng papel napaghahalo na ng naglilinis dito. Unresponsible?

May permiso naman ako mula sa boss na mangialam sa table niya if may kailangan ako.

Anyway, ako ang boss ngayon habang wala siya.

Sa gitna ng pagkakalkal ay may nalaglag na envelope. Pinulot ko ito at tinignan, maliit lang ang size niya at kulay kape ang kulay nito.

Ayokong mangialam pero natettempt akong tignan kung anong laman ng papel.

Baka love letter kaya? Huwag naman, please lang baka dumugo ang puso k- no!

Hindi naman siya naka-sealed kaya madali ko lang nabuksan.

Isang letter nga.

Binasa ko ang nilalaman ng papel.

"Sorry na agad, Kaiden." Anas ko sa hangin.

"Hindi naman ako ganitong tao pero sobrang nakakacurious. Parusahan mo na lang ako pagkabalik."

Kausap ko sa upuan niya na wala namang tao.

"Aryka, maaaring sa mga oras na makita mo ito ay hawak mo na ang sulat na ko at nasa Manila ako. Hindi ko magawang sabihin sa 'yo ang aking nararamdaman ng harapan kaya naman ipapadaan ko na lamang sa sulat. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano sisimulan. Pero kailan nga ba nagsimula ang aking nararamdaman?"

A-ako?

"Maaaring noong una tayong magkatagpo ay nabighani na ako sa 'yo. Pinilit kong kalimutan ka ng gabing iyon ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nabigo ako. May kung anong kakaibang pakiramdam ang sa unang beses ay naramdaman ko. Itatanong mo siguro kung bakit? Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Napatanong din ako sa aking sarili kung bakit ako nagkagusto sa isang babaeng, mataray, amazona, at parang galit sa mundo."

Halos nahihirapan na akong huminga dahil sa nababasa ko ngayon.

P-para sa akin ba ito?

"Pero sa kabila ng pagiging mataray at amazona mo ay mas lalo lang akong nahuhulog sa 'yo. Marahil ay dahil sa ganda na tinatanggi mo, o kaya naman kapag ngumingiti ka ng biglaan ay tila anghel ka para sa 'kin, ang tinig mo na parang tugtog sa aking pandinig, o 'di kaya dahil sa mga ginagawa mo na mismo? Hindi pa naman tayo gano'n katagal na nagkakilala pero anong magagawa ko? Pag-ibig na ang kalaban ko, natural naman pigilan ko? Kung ikaw lang din naman ay sino ba ako para tumanggi?"

"Alam mo ba na sa unang pagkakataon sa buhay ko ay gumawa ako ng mga bagay na ni minsan ay hindi ko pa nagagawa? Tulad na lang ng alukin ka bilang sekretarya, kahit na mula ng hinawakan ko ang kompanya ay ni minsan hindi ako nagkaroon ng sekretarya. Ang pag sponsor sa iskwelahan na pinapasukan mo para lang magka access ako sa 'yo sa loob ng paaralan. Ang pagkuha nang mga gwardya para bantayan ka dahil takot ako na baka mapano ka."

"Ang pagngiti at pagtawa na minsan sa buhay ko ay hindi ko aakalain na gagawin ko. Ang pagtibok ng puso ko sa tuwing malapit ka sa 'kin. At pati na rin ang pakiramdam na nagseselos ako sa tuwing may ibang lalaki ang nakikipag-usap at humahawak sa 'yo. (Naiinis ako pero wala naman akong karapatan.)"

"Hindi ko ipagkakaila kung ano man ang mga bagong nararamdaman ko, bagkus ay inaasahan ko pa kung ano pang mga bagong karanasan ang aking mararamdaman. Tinanong mo ako noon kung sino ang gusto ko? Ito binabasa ang sulat na gawa ko ngayon. Tinanong mo rin ako kung baliw ba ako? Siguro nga baliw na ako, baliw na sa iyo, kaya dapat panagutan mo ang nararamdaman kong ito. (Dahil kung hindi ay ipilit natin.)"

"Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita pipilitin na sagutin mo ako agad. Hindi rin pwede na 'no' ang sagot mo, dahil pipilitin kitang mapa 'yes'. Pero sana huwag mo akong ipagtulakan at 'wag mong idistansya ang sarili mo sa 'kin. Susubukan kong nakawin 'yang puso mo na never pang tumibok kahit kanino. "Listen. Look, and Listen. Learn." Titibok 'yan para sa akin, sisiguraduhin ko." -Kaiden Sandoval

Ibinaliktad ko ang papel at nakitang meron nakasulat na petsa.

Mayo dalawampu't dalawa ika labing sampu ng gabi.

Nakatulala lang ako sa sulat sa kawalan ng masasabi.

I'm so speechless. Sinulat ito ni Kaiden? Kaya niyang gumawa ng ganito?

At para sa akin ito? Gusto ako ni Kaiden? Ako ang gusto niya?

S-sandali lang naman.

Madami ng nag confessed sa akin pero walang epekto 'yon, pero ngayong si Kaiden ay bakit ganito? Para bang gusto kong tumalon sa building sa sobrang saya ng nararamdaman ko!

Hindi ba ako namamalikmata?

Gusto niya ako. Pero bakit? Anong bakit na sa letter na nga.

Ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko maexplain kung ano ang nararamdaman ko. Tuwa, pagkabigla, pangamba, at lungkot. Basta sari-sari.

Bakit parang ang saya-saya ko? Bakit parang ang luwag na nang nararamdaman ko knowing na ako ang gusto niya?

Ako ba talaga? Walang halong biro?

Napaigtad ako ng marinig ang pagbukas ng pinto.

Agad na ibinalik ko ang envelope sa drawer.

"I'm here na, kain na tayo." Wrong timing naman ang ulupong na ito. Nag momoment ako eh.

Tinignan ko ang relong pambisig kung anong oras na.

"Nalate ka ng tatlong minuto."

"Aba, paano ba naman kasi ang traffic, atyaka 15 minutes, seryoso ka ba?"

"Hindi ba sinabi ko sa 'yong mag pa grab ka na lang na tukmol ka, 'tapos ngayon magrereklamo ka. Napakapabibo mo kasi."

"Kumain na lang tayo pwede? Gutom na ako."

Nagkibit na lang ako ng balikat at sumunod na sa kaniya.

Habang kumakain ay may gusto akong itanong kay Theo.

Arghh! Ayoko hindi ko gawain ang ganitong bagay.

"Pretty, okay ka lang?"

"Huh?"

"Anong huh? Ayos ka lang ba?"

"May itatanong lang ako."

"Ano 'yon?" Napangiwi ako ng isang subo niya lang 'yung manok.

"Ano 'yon?" Balik ko ring tanong.

"Okay ka lang ba? May nangyari ba sa iyo nung umalis ako?"

"Uhm, ano lang tungkol kay Kaiden."

"Napaano si Kaiden?"

"N-nagka girlfriend na ba siya?"

Nangalumbaba ito na animo'y nag-iisip.

"Maraming nag aapproach at nagf-flirt sa kaniyang mga babae pero never pa siyang may nagustuhan at hindi pa rin siya nagkaka girlfriend. Sinasama ko nga 'yan minsan sa bar para makabinggwit naman siya pero ayaw."

Tumango-tango ako. Confirm, babaero talaga ang Theo na ito.

"Believe me pretty, kahit pogi at mayaman 'yon ay never pang nagkagirlfriend iyon. Ayan sure ako."

Humalakhak ito na akala mo may nakakatawa, sobrang proud niya yata.

"I can't believe that."

"Teka nga, bakit ba bigla mong natanong 'yan?"

"Wala lang bigla ko lang naisip."

"What a random question it is."

Bumalik na lang ako sa ginagawa ko dahil baka lumawak pa ang tanong ni Theo, knowing him.

Iginugol ko ang sarili ko sa mga gawain para hindi na ako mag-isip ng kung ano pa.

Lumipas na ang ilang oras at may kumatok nanaman sa pintuan.

Pumasok si Theo na halos hindi na maipinta ang mukha.

"What?"

"Anong what? Oras na po, uwian na."

Tumingin ako sa relo at mag e-eleven na ng gabi atyaka madilim na sa labas.

"I apologize."

"Hintayin na.lang kita sa labas, gagamit lang ako ng comfort room."

"Okay."

Iniayos ko lang ang gamit ko at lumabas na rin ako ng ilang sandali.

"Tara na tukmol." Nakasandal kasi siya sa may pinto ng elevator 'tyaka nakatutok ang mga mata sa cellphone.

"Usually ba ganitong oras ka lagi umuuwi?"

"Nope."

"Bakit late na ngayon?"

"12 na ako madalas nakakaalis sa lugar na ito."

"Napakapilosopo mo talaga."

"Kailan naman ako naging pilosopo? Sinagot ko lang naman ang tanong mo."

"Ngayon-ngayon lang."

"Hindi kaya."

"Sabi mo eh. Pero 'di ba masyado ng late ang twelve?"

"I have a bonus."

"Kaya naman pala."

"Bakit suko kana? Isang araw pa lang ngayon at may 13 days ka pa. And don't worry, I will treat you to a fancy dinner as a token of thank you once Kaiden is back."

"Kaya gustong-gusto kita!"

"Baka magselos na si Kaiden niyan kasi pinagpapalit mo na siya?"

"Wala naman paki 'yon, hmp!" Itinirik niya ang kaniyang mga mata at sumimangot.

Inisnab ko na lang siya. Galit na galit naman.

Nang makarating sa parking lot ay tumungo na ako sa banda ng kotse ko.

"Hatid na kita, pretty."

"'Di mo ba nakikita na may sarili akong sasakyan?"

"Pero kasi bilin ni Kaiden hatid din daw kita pauwi, safe and sound."

"No need, naubos na araw mo sa loob ng kompanya para samahan ako, kaya ko na kaya umuwi ka na rin."

"Alright, sinabi mo 'yan, Ingat ka. At 'wag mong kakalimutang mag text o tumawag sa akin kapag nakauwi ka na.

"Noted."

Kumaway na ako rito at tuluyan ng umalis.

♪♪♪

Pabagsak na humiga ako sa kama, another tiring day it is.

Halos hindi na ako makakilos sa sobrang pagod at sakit ng katawan, pero ano nga bang magagawa ko, ginusto ko ang ganito.

Ang weird naman ng hobby ko, papagudin ko ang aking sarili.

'Di bale nga kasi basta nag-eenjoy naman ako.

Dahil hindi ko pa nakukuha ang tulog ko ay bumalik nanaman sa aking pag-iisip iyong nilalaman ng envelope kanina.

Sinibukan kong iwaksi sa isip ko 'yon pero nabigo ako.

"Kaiden likes me."

Mga katagang patuloy na nag uulit-ulit sa aking isipan.

Paano na ako nito? Ano ng mangyayari sa 'kin, sa relationship namin?

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa?

Pero bakit natutuwa ako?

Damn.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 127 14
Alery is every woman's dream, nasa kaniya na ang lahat. And yes, while he has everything, wala sa isip niya ang salitang pamilya at pagseseryoso sa s...
3.4M 219K 93
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.3M 271K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
754 55 34
ang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...