Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 80

77.3K 3.8K 4.9K
By DemLux_Pain

Pinilit kong ikalma ang sarili habang nakangiting tumingin kay Javier. Nakita ko kasi ang bahagya niyang paglingon sa'kin nang banggitin ni Lieutenant ang pangalan ko.





Syempre kailangan kunwaring inosente naman ako ngayon na para bang wala siyang ginawang masama sa'kin noon. Nanatili na lang akong nakangiti hanggang sa makita ang masamang tingin na pinukol sa'kin ng animal. Err? Problema niya?





Pasimple na lang akong tumaray sa masamang ugaling pinakita niya. Dinaig niya pa nga sa sungit si Janice ehh!





"Aiya! Ngayon pa lang na nakatayo siya sa harap ni Lieutenant ay hindi na maganda sa pakiramdam, paano pa kaya kapag naging partner ko pa siya sa team, diba?"





"I will, Lieutenant." Malamig na sagot ng animal na parang bored na siya sa buhay niya. Sinungaling 'to! Anong "I will" ang pinagsasabi niya?





Tinignan ko na lang ang reaksyon ni Lieutenant. Imbes na mainis ay tumawa lang siya sa naging reaksyon ni Javier atsaka lumingon sa'kin. Marahil ay alam niya na agad ang magiging pakikitungo nito kaya balewala na lang sa kaniya.





"I bet you already know him, Lady Caventry." Nakangiting baling nito sa'kin na kinatango ko nalang.





"Yes, Lieutenant."





Kahit na hilingin ko na sana nga ay hindi kami magkakilalang dalawa ay wala pa ring mangyayari. Like duh? Sino ba naman ang makakalimot sa kababalaghang ginawa sa'kin ni Javier sa opening ng Chiara'Di?!




Halos hindi nga ako makatulog nang gabing 'yon kakaisip na baka naiba na ang genre ng nobela at naging bampira na siya. Aiya. Mga abnormal talaga sila at mukhang balak pa akong idamay sa pagiging baliw nila!





"Mabuti naman kung ganon." Sabi nito na mukhang nakahinga nang maluwag sa sinagot ko. Hmm...




Tumahimik na lang ako saglit nang makita na nag-uusap silang dalawa na may kinalaman sa military. Hindi naman nila ako sinasali sa usapan kaya mas minabuti ko na lang na pagmasdan ang kabuohan ni Javier.




Kumpara sa damit ko ngayon, siya ay nakasuot ng camouflage military uniform na sumisimbolo na may military rank ang animal.



Hindi na rin naman ako nagtaka dahil kahit kabilang pa siya sa mafia ay nagawa niya pa ring makapasok sa military. Base sa pagkakatanda ko sa nobela ay nahulog daw 'tong si Javier sa puno noong ten years old pa lang siya.





Dinala siya sa hospital dahil nawalan siya ng malay. Tapos pagkagising niya ay bigla niya agad sinabi sa buong pamilya na gusto niyang pumasok sa military camp dahil nanaginip daw siya tungkol dito.





Oh diba? Parang baliw na dahilan lang?! Pero syempre wala nang mas babaliw pa sa author dahil siya ang nakaisip ng dahilan na 'yon! Tsk!





"Abnormal na author plus abnormal na characters equals abnormal na story! Aiya. Tutal may galit naman ang author ng nobela kay Heavenhell ay susumpain ko na lang siya sa utak ko para makabawi naman ako!"




Napailing na lang ako sa sarili atsaka tinuon ang atensyon kay Javier. Sa itsura niya ngayong nakasuot ng military uniform at maayos na style ng buhok ay mukha siyang officer na malinis at tapat sa trabaho niya.





Kung hindi ko nga lang siya kilala ay iisipin kong mabait talaga siya. Yun nga lang sadyang mapanlinlang ang mga mukha ng tao ngayon. Like duh? Sinong mag-aakala na ang mukhang tapat na officer na 'to ay isang mafia leader diba?!




Ito din kasing mga Gideon ang lalakas ng tama kaya kung ano-ano ang naiisip. Isipin mo isang mafia tapos may ranggo sa military? Hindi ba parang ang wirdo pakinggan?





Well, kung sabagay ay para lang 'yang kamag-anak nina Vile at Clive na kabilang sa lahat ng sektor. Tulad na lamang ng Lucretius Family na involve sa Mafia at Business Sector. Ang Leywin Family na nasa Government Sector at ang Roosevelt Family na nasa Military Sector.




Kahit kasi na tinakwil na ng pamilyang Roosevelt ang mommy ni Vile dahil sa pagpapakasal sa isang Lucretius ay hindi naman naging hadlang 'yon sa magandang relasyon ng mga 'to sa kabilang pamilya. Ganoon ka-talentado ang magkakapatid na Lucretius para magustuhan pa rin ng mga Roosevelt.





"Hayss! Sadyang may kaniya-kaniyang trip lang talaga ang pamilya ng mga male leads kaya hindi na dapat ako magulat pa."





Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang makitang tapos na mag-usap ang dalawa. Mabuti nga naisip pa nilang tapusin dahil nagmumukha akong ilusyon dito na hindi nila nakikita. Tsk!





"Lady Heavenhell, may problema ba?" Pormal na tanong sa'kin ni Lieutenant na kinailing ko lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin na na-bored ako dito sa kakahintay sa kanilang matapos.





"Wala naman, Lieutenant. May naisip lang ako na hindi naman importante." Pormal ko ring sagot. Aba'y kung pormal siya magtanong, syempre pormal din akong sasagot. Hehe!





"Okay! Ngayon pumunta na tayo sa iba niyo pang makakasama sa buong linggong pananatili niyo rito." Excited na sabi ni Lieutenant na kinangiti ko na lang.






Mas mukha pa kasi siyang excited kaysa sa'min. Sigurado ako na naiisip niya na agad kung anong training ang pwedeng madagdag sa mga ipapagawa sa mga estudyante nila.





Aiya. Hindi naman obvious na masaya siya sa mangyayaring pagpapahirap sa kanila no? Well, ano pa ba ang aasahan mo sa kamag-anak ng male lead diba?





"Yes, sir." Sabay na lang na sagot namin ni Javier na nasa tabi ko.





Naglakad na kasi ako papalapit sa kanila nang marinig na aalis na kami. Kahit kasi papaano ay excited na rin naman akong makilala ang mga sundalo na siyang makakasama namin sa pagti-training ng mga estudyante.





Atsaka hindi lang sila basta sundalo no, dahil may mga ranggo ang mga 'yon. Kaya kung mamaliitin sila ng mga noble military trainee dito dahil sa mataas nilang katayuan nila sa buhay ay ewan ko na lang.





Ganoong sa military training ay walang "status" na kinikilala at lahat pantay-pantay. Yun nga lang, hindi ko alam kung ganoon din ba patakaran dito sa Pangaea o uso dito ang special treatment. Aiya. Hindi 'yan pupwede sa'kin!





Habang naglalakad pa rin ay hindi ko maiwasan na mabwiset sa katabi ko. Nasa harap kasi namin si Lieutenant na mukhang nagmo-monologue habang nagpapakilala ng iba't-ibang facilities na meron dito sa department.





Paano ko nasabi na nagmo-monologue lang si Lieutenant? Yun ay dahil sigurado akong hindi nakikinig itong katabi ko sa sinasabi niya. Paano ba naman buong paglalakad namin ay sa'kin lang siya nakatingin?!





Mabuti sana kung friendly na tingin, kaya lang hindi ehh! Isa siyang masamang tingin na para bang isa akong kriminal na may gagawing kababalaghan kapag nalingat siya sandali.





"Ano naman kayang problema ng lalaking 'to at kanina ko pa siya napapansin na nakatingin sa'kin nang masama? May nagawa ba akong mali sa kaniya na hindi ko lang maalala?! Damn! Sa tingin ko naman ay wala, dahil una sa lahat siya ang may atraso sa'kin!"





"May problema ka ba sa'kin, Mr. Gideon?" Nakangiti kong tanong sa kaniya pero sa halip na sagutin ay sinamaan niya muna ako ng tingin bago tumingin nang diretso.





Napataas na lang ako ng kilay sa nangyayari. Heh! Mas maigi na ganiyan na lang siya hanggang matapos ang buong linggo para iwas sakit ng ulo sa'kin.





"Oh, yeah! Nandoon ang mga canteen ng mga estudyante at pati ng mga instructors. Sa parte naman na 'yon ay nandoon ang military intelligence facilities at maging mga clinics para sa mga estudyanteng nasusugatan pagkatapos ng training." Nakangiting sabi ni Lieutenant na parang naging tour guide sa itsura niya ngayon.





Tahimik lang akong nakikinig habang tinatandaan ang mga facilities kuno na meron ang military department. Sa dami niya ngang nabanggit ay nagmistulang military camp ang dating nito sa'kin.





Isa rin sa nabanggit ni Lieutenant na sa lahat ng department sa AIA ay itong sa military ang may pinakamalaking sakop na espasyo. Kung tutuusin nga ay pwede na siyang maging military camp sa laki ng lugar.





At nakakainis mang aminin pero mas malaki ito kung ikukumpara sa kampo na napasukan ko noon. Aiya. Sadyang pinagpala ang mga noble military trainees na 'to pero hindi man lang magawang magseryoso sa training! Tsk.





Ako tuloy ang nahihiya kapag naiisip ko na ang AIA ay ang pinaka-elite na military school na meron sa buong Atlante. Syempre bukod dito ay may iba pang military school na para sa ibang nobles, para sa mga commoners at middle class.





Napapailing na nga lang ako kapag naiisip ang posibilidad na baka mas marami pang magagaling na trainees sa ibang school kaysa dito sa AIA. Aiya. Mabuti na mabago na agad ang sistema ng military department, bago pa dumating ang araw na mapapahiya sila sa mga middle class at commoner class kuno.





Pero in fairness, maganda nga namang mapahiya ang mga gorilyang nobles na 'to nang magtanda kahit papano. Masiyadong mapagmataas na akala mo naman sobrang gagaling nila.





"Ge-geez! Wala naman sigurong masama kung maghahasik ako ng lagim dito sa military department no? Kahit fifty percent o kahit thirty percent lang, Carnelia! Mailabas ko lang kahit saglit ang kasamaan ko... Hehe! Okay!"





Napangiti na lang ako nang palihim sa napagdesisyunan bago tumingin sa building na pinasukan namin. Habang naglalakad ay hindi maiwasang magbulungan ng ibang mga sundalo nang makita kaming nakasunod kay Lieutenant.





"W-wait! Si Lady Heavenhell ba 'yan?"




"Si-siya nga 'yan, officer! Nakita ko na siya sa TV noong Annual charity event!"




"Oh my gosh! Bakit siya nakasuot ng uniform ng mga trainee? Hindi kaya dito na siya papasok?!"




"Kyahhh!!! Sana nga para araw-araw ko na siyang makikita!"




"Wa-wait! Si-sino yung katabi ni Lady Heavenhell? Pamilyar siya sa'kin pero baka kamukha lang..."




"Ka-kaya nga ehh... Imposible naman na mapadayo dito si young master!"




"Ba-baliw! Si Young master Gideon nga 'yan!"




"O-oh my! Really?! Na-napakagwapo niya!"





"Hoy, huwag kayong masiyadong maingay. Kung makatili kayo parang hindi kayo mga sundalo ahh."




"Ehh ano naman? Kayo ngang mga lalaki kung makatitig kay Lady Heavenhell akala niyo naman mapapansin kayo. Hahahaha!"




"At least kami nakatitig lang, kayo tinalo niyo pa ang aso sa kakatahol!"




"B-bro, chill ka lang! Hahahaha!"




"Okay lang no kaysa maman sa inyo mukha talagang aso!"




"Bwahahahaha! Savage!"




"Sabi ko sa'yo brad tumahimik ka na lang ehh. Babae yan kaya hindi ka mananalo sa palakasan ng bibig! Hehe!"





Napangiti na lang ako sa pag-aasaran ng mga sundalo. Hindi ko alam na boys versus girls pala ang labanan dito. Hehe!





"Pagpasensyahan niyo na ang mga 'yan, wala pa kasing ginagawa kaya nagsisimula na namang mag-ingay. Hahaha!" Tumatawang sabi ni Lieutenant na nginitian ko na lang.




Pagpasok namin sa elevator ay nasa likuran pa rin kami ni Javier nakapwesto. Nasa unahan namin si Lieutenant na mukhang may kinakausap sa cellphone niya.




Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-awkward dahil sa katabi kong kanina pa tahimik. Kaya para sigurado ay pinapakiramdaman ko lang ang bawat galaw niya. Baka kasi magulat na lang ako na may kutsilyo na naman ang nakatutok sa'kin. Tsk!





Makalipas ang ilang minuto ay agad na tumaas ang balahibo ko nang gumalaw si Javier papalapit sa'kin. Naramdaman ko ang kamay niya na marahang naglakbay sa likod ko papunta sa bewang ko. Sh-shocks!





Masiyadong wild 'tong animal na 'to at balak pa yata akong patayin sa kaba! Hindi kaya ginagawa niya 'to sa'yo, Carnelia, dahil nalaman niyang ikaw ang nag-suggest ng torture sa mga trainees?! Ibig sabihin kasi non ay hindi makakatakas si Janice sa training!





"Hayss! I think thirty percent is okay, Carnelia..."





Pinilit ko ang mata ko nang ilang sandali bago marahang minulat ang mga mata. Nang mapakalma ang sarili ay mabilis kong pinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa bewang ko. Natigilan din siya sa pagpisil sa gilid ko dahil sa biglaan kong paghawak sa kaniya.





"Tsk! So annoying..."





"What are you doing, young master?" Mahina kong tanong habang pinaglalaruan ang daliri niya na nasa bewang ko pa rin.





Hindi siya gumalaw sa halip ay nanatili lang na nakatingin sa'kin. Marahil ay tinitignan niya pa kung anong trip ko sa buhay at bigla akong nagkalakas ng loob para tignan siya nang diretso sa mata.





"Nothing." Malamig nitong sagot na kinangiti ko na lang.





"If it's nothing, then please avoid invading my personal spaces." Sabi ko atsaka malakas na pinisil ang kamay niya na nagpangiwi sa kaniya.





Wala akong pakialam sa magiging resulta nitong ginagawa ko ngayon, dahil nagdesisyon na ako na maghahasik ako ng kasamaan sa military department sa loob ng isang linggo.





Atsaka malapit na rin namang dumating si Lilian kaya hindi na masama na maging si Carnelia kahit ilang porsyento lang. Heh! Actually, gusto ko lang talagang pahirapan ang mga trainees, kaya para hindi na sila magulat pa ay mas maiging makita nila na may pagkademonyo rin naman ako ng konti.





Nginitian ko na lang ang inis na mukha ni Javier pero hindi rin nagtagal ay nginisihan niya na ako pabalik.





"Personal spaces," you say? But I've already touched one, tho. " Sabi pa niya at bahagyang hinawak ang isa niyang kamay sa leeg ko.





"Huh? Something like that happened? Well, if yes, I'll take that as a memory that is not worth mentioning, young master." Nakangiti kong sabi bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin.





"Oh? How bold of you, my lady. You're very good." Nakangisi niya pang sabi habang tumatango-tango na.





"Thanks for the compliment." Sabi ko na lang habang marahang hinahaplos ang kamay niya na nakalagay pa rin sa bewang ko.





Nang matapos ang tawag ni Lieutenant ay malakas kong tinampal ang kamay niya na naging dahilan nang pagpula nito. Gulat akong humarap kay Javier bago siya nginitian na parang humihingi ng "sorry" kahit na hindi naman.





Alam ko rin na alam niyang hindi ako seryoso sa paghingi ng sorry sa kaniya dahil sa pagpipigil ngisi ko ngayon. Hehe! Sinamaan niya lang ako ng tingin na kinatawa ko nang mahina.





Aiya! Mukhang nabadtrip ko ang animal, kaya maghahanda na ako sa pwede niyang gawin sa'kin sa buong linggo. Atsaka kampante na rin ako na hindi ko na masiyadong kailangang itago ang ugali ko dahil sa naging desisyon ko.





Balak ko rin kasing maging nakakatakot at nakakakilabot na instructor ng mga gorilyang nobles. Bwahahaha! Ehem! Ehem! Kailangan konting labas lang ng sungay ang gagawin ko para hindi masiyadong nakakagulat sa kanila.





Atsaka paganito-ganito lang ako pero pinapakiramdaman ko ang mga nagiging reaksyon ni Javier. Syempre hindi naman ako papayag na puro sugod lang tapos walang isip-isip, edi namatay ako nang maaga kung ganon!





Napalingon sa'min si Lieutenant na bahagyang nalito sa itsura naming dalawa. Narinig niya siguro ang mahina naming pag-uusap ni Javier kaya nagulat siya nang makita na para kaming bata na nag-away ngayon.




"Something happened?" Nagtataka nitong tanong na agad kong inilingan.





"No, Lieutenant. I'm just having a casual talk with my one-week partner." Nakangiti kong sabi na kinalaki ng mata niya.




Malamang nagulat siya dahil sa sinabi kong partner ko kuno. Kahit hindi ko kasi sabihin ay alam ni Lieutenant na hindi ko tanggap na may partner ako dito sa military department.




Like duh? Kahit mukhang joker ang ugali nitong uncle ni Vile ay batikan pa rin 'yan sa mga mind games at pagbabasa ng ekspresyon ng tao. Parang si Vile, kunwari naniniwala sa'yo pero sa totoo lang ay hindi naman. Aiya.




"Wow! That's good! It looks like both of you are comfortable with each other." Tumatango-tango pang sabi niya na parang natutuwa sa nakikita.




Sasagot na sana ako nang bigla akong akbayan ng animal na si Javier atsaka nagsalita.





"That's right, Lieutenant. We're both comfortable with each other's touch." Nakangising sagot niya na habang dinidiinan ang hawak sa balikat ko.





Pasimple kong nilagay ang kamay ko sa bewang niya atsaka siya kinurot na kina-aray niya nang mahina. Hehe! Hindi ako magpapatalo sa animal na 'to pagdating sa sakitan. Aba'y hindi ako tanga para hindi gumanti sa kaniya!





"Well, ngayong linggo lang naman ako magpapaka-bad girl kaya sulitin na natin ang experience habang wala pa ang female lead. Hehe!"





Napailing na lang ako sa kabaliwang naiisip hanggang sa makita ang nagtatakang itsura ni Lieutenant.





"Re-really?" Tanong nito sa'min na pawang nagdududa.





"Don't mind him, sir. He's just missing a screw-I mean, yeah, right, we're comfortable." Napapangiwi kong sabi nang maramdaman ang kamay ni Javier na hinila ang buhok ko.





"F-fuck! Bardagulan talaga ang gusto ng male lead na 'to ahh, pwes makikita niyang hindi ako lalaban sa kaniya. Nyahahaha! Chos! Ano siya special para hindi gantihan? No way!"





Napatingin ako kay Lieutenant na tumatawa at pumapalakpak na ngayon. Okay? Masiyado na siyang nasisiyahan sa mga pakitang gawa nitong si Javier.





Hindi ko rin siya masisi ehh! Paano ba naman kasi mukha kaming mag-bestfriend ng animal na 'to na parang aso't pusang nagsasakitan ngayon. Shit!





"That's good! That's good! But don't get too close to each other since it might cause a misunderstanding." Paalala niyang sabi sa'min pero mababakas mo ang tuwa sa kaniyang tono.





"Good thing you said that, Lieutenant. Mr. Gideon is a gentleman. He won't touch me rudely. Am I right, young master?" Nakangiti ko nang tanong sa animal.





Kasalukuyan niyang inaalis ang kamay sa balikat ko, kaya naman tinanggal ko na rin ang kamay kong nakakurot sa bewang niya kanina. Hehe! Siguradong mamumula ang balat niya dahil don!





"Yeah." Pagsang-ayon na lang niya na halatang bored ngayon. Tsk! Bored pa siya sa lagay na 'yan pagkatapos niyang hilain ang buhok ko na para bang tropa niya lang ako.





"Hmm! The relationship is good! I'm sure that the meeting will go well."





Tumahimik na lang kami nang makita ang pagbukas ng elevator. Sinundan lang namin siya sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang white metal door.





"So... Dito na yung sinasabi ni Lieutenant na meeting place kuno namin ngayon?"





Agad ding nasagot ang tanong ko nang awtomatikong nagbukas ang pinto. Unang tumambad sa'min ay ang kulay puting mga pader at mahabang lamesa na may lagpas sampung katao ang nakaupo sa mga upuan.





*Gulp* Isa-isa kong pinagmasdan ang mga mukha ng mga taong nakaupo doon at hindi ko maiwasan na matuwa sa nakita. Sa itsura nila ay mukha naman silang mga respetadong mga sundalo at may mga experience na sa mga giyera. Mukhang mapapadali ang trabaho ko dito ahh...





"Good morning, Lieutenant. Good morning, Young miss and young master." Sabay-sabay nilang bati na kinapalakpak ko sa aking utak. Thus far, so good!





"Magandang umaga din sa inyong lahat." Nakangiting bati sa kanila ni Lieutenant bago kami niyaya na pumasok sa loob ni Javier.





Pagpasok ko ay agad na napansin ng mata ko ang pamilyar na mukha na kumakaway sa'kin kanina pa. Nang mamukhaan ay agad akong napatawa nang mahina bago kumaway sa kanila pabalik.






My gosh! Hindi ko inaakala na nandito din pala sina Tom and Jerry sa loob ng meeting room! Pero teka nga? Ibig bang sabihin non ay mga sundalo din 'tong mga baliw na 'to? Seryoso ba?





Tinignan ko na lang ang mga uniporme na suot nila at doon ko nakumpirma na talaga ngang sundalo sila. Damn! Napakasama ko ba kapag sinabi kong hindi ko maisip na pwede palang maging sundalo ang mga baliw tulad nila? Geez!





Napaseryoso na lang ako nang marinig ang pagsasalita ni Lieutenant. Ipapakilala niya pa raw kasi kami sa lahat kaya nasa harap pa kami ngayon.





Diretsong tingin lang ang pinukol ko sa kanila nang makitang sinusukat nila kung anong kakayahan ko at napasama ang diyosang ako sa ganitong klase ng team.






Kung tutuusin kahit ako ay magtataka din tulad nila dahil hindi talaga bagay ang maganda at makinis na katawan ni Heavenhell sa military. Baka mapagkamalan pa nila akong muse ng team nila no!





"Hayys! Ito kasing si Heavenhell masiyadong inalagaan ang katawan, hirap na hirap tuloy akong ibagay sa dugyot kong pagkatao!"





Binalewala ko na lang ang tingin nila. Sa bilang ko ay nasa dose silang nakaupo sa upuan ngayon. Sampu sa kanila ang lalaki samantalang dalawa lang ang babae.





"Siguro naman ay may ideya na kayong mga napili ko na may paparating na event tayo next week, kaya naman ipapakilala ko sa inyo ang mga makakasama niyo sa pagti-training sa mga trainees. Una si Colonel Javier Gideon na nag-aral din sa AIA noon. Tutal siya ang may pinakamataas na ranggo sa inyo ay siya ang aatasan ko na tatayong lider ng team sa buong linggo. Any objections?" Seryosong tanong na ni Lieutenant na kinalunok nila.





Pasimple kong tinignan si Javier at hindi ko maiwasang humanga. Akalain mong Colonel ang hinayupak na 'to! Sinong mag-aakala na ang mamamatay-tao.na tulad niya ay mataas ang ranggo sa military? Aiya. Namali yata sila ng pag-promote kaya ganon.





Actually, kung papakinggan mo ay mukhang mas mataas ang ranggo ni Javier kaysa kay Lieutenant, pero hindi ganon 'yon. Ang totoo niyan ay kilala ang uncle ni Vile sa military bilang isa sa may mga matataas na posisyon sa sektor.





Well, siya lang naman si Lieutenant General Yu Roosevelt na nagpaka-lowkey at gustong lieutenant lang ang itawag sa kaniya. Kaya kahit ayaw ng mga sundalo dahil kawalan yun ng respeto ay wala pa rin silang nagawa dahil "it's an order", ika nga ni lieutenant.





Tumingin na lang ako sa mga sundalong nasa harap nang wala akong narinig na objections. Mukhang alam na nila kung gaano kagaling itong si Javier kaya takot lang nilang magsalita.





Kaya naman ang ending ay sa'kin nabaling ang mga atensyon nila. Wala kaya akong ranggo at nakikisingit lang sa team dahil dito kay Lieutenant. Aiya.





"Itigil niyo ang pagtingin kay Lady Caventry na parang kakainin niyo siya. Wala naman sigurong problema kapag nalaman niyo na ako mismo ang nagpasok at nagpilit sa kaniya para mapasama sa team, diba?" Seryosong sabi ni Lieutenant na kinagulat nilang lahat.





Malamang nagulat sila dahil nakakabaliw isipin na ang isang Lieutenant General ay pinilit ang non-military soldier na mapasama sa team. Sigurado akong kaniya-kaniyang theory na ang mga naiisip ng mga ulaga.





"Itigil niyo rin ang mga iniisip niyo dahil hindi siya gumamit ng koneksyon para makapasok sa AIA. Siya lang naman ang pangalawa sa estudyanteng nakakuha ng platinum AIA card dahil sa pagperfect nito sa entrance exam." Nakangiting sabi ni Lieutenant na kinanganga ko na lang.





Sa itsura niya kasi ay parang proud na proud siya sa'kin na para bang ako ang anak niya? Atsaka sa pagkaka-alala ko ay tinatago ko sa lahat na ako ang bagong naka-perfect ako sa exam!





"S-shems! Mukhang bibig ni Lieutenant ang sisira sa tahimik kong buhay!"





Hindi nga ako nagkamali dahil pagtingin ko sa kanila ay para silang nakarinig ng isang himala na mahirap paniwalaan. Hindi rin naman ako nagtaka sa mga mala-overreact nilang ekspresyon, dahil totoong napahirap ng entrance exam ng AIA.





Kung ako nga ang kukuha ng exam na 'yon, ewan ko lang kung makapasa ako. Aiya! Bahala na silang mag-isip tutal masakit na ang ulo ko dahil dito sa katabi kong kung ano-ano ang ginagawa.





Pasimple niya kasing nilagay ang kamay niya sa likod ko tapos mahina niya 'yong sinusundot-sundot gamit ang hintuturo niya.





"Tsk! Nabaliw na naman 'tong si Javier at balak na naman sigurong makipag-away sa'kin! Pero ngayon hindi ko muna siya papatulan dahil nakatutok lang naman sa'kin ang mga mata ng sundalo sa harap namin!"





"Okay, stop staring at her already. You are all making her feel uncomfortable." Seryoso na ulit na sabi ni Lieutenant na kinaayos ng upo nila.





"Introduce yourselves first before we start the meeting." Utos niya nang makitang tumahimik na ang paligid.





Tulad nga nang inutos ni Lieutenant ay isa-isa silang nagpakilala base sa ranggo nila sa military. Ang sundalong pinakamababa ang ranggo dito ay nasa Second Master Sergeant, ibig sabihin lang non ay talagang marami nang experience ang mga 'to sa laban.





Nginitian ko na lang sila nang tumingin sila sa'kin. Malay ko nga kung bakit sa'kin sila tumitingin kaysa dito sa katabi kong bored na sa buhay niya. Nararamdaman sigurado nila ang demonic vibe nitong si Javier kaya ako ang napagdiskitahan. Aiya.





Napatingin na lang ako nang tumayo ang lalaking itim ang buhok at may kalakihan ang katawan. Sa itsura niya ay pwede na siyang maging model sa Earth dahil may ibubuga rin talaga ang mukha nito sa mga artista.





"Good morning, I'm Second Lieutenant Jeff." Pakilala nito na bahagya pang yumuko.





Pagkatapos ni Jeff magpakilala ay sumunod naman ang isang babaeng may barbaric vibe dahil sa kilos nito. Kulay black ang buhok niya na may highlights na kulay puti kaya naman mukha siyang rockstar na naligaw lang sa military.





"I'm Clara. My military rank is first lieutenant." Maangas nitong sabi na kinatango ko na lang. Sa'kin din kasi siya nakatingin kaya wala akong choice kung hindi ang ngumiti.





"Good morning, Lady Heavenhell. I'm Captain Tom." Pakilala naman ni Tom na kinalaki ng mata ko.





"Hello, my lady! I'm Jerry, also a Captain." Singit pa ni Jerry na lalo kong kinagulat.





Ge-geez! Hindi ko akalain na "Captain" ang ranggo ng dalawang parang pusa't daga na 'to. Mas mataas pa nga ang ranggo nila kaysa kay Clara at Jeff ehh. Ito na ba ang sinasabi nilang, "don't judge the book by its cover?"





"Kilala mo ang dalawang yan, Lady Caventry?" Tanong ni Lieutenant nang makita ang "friendly gesture" kuno sa'kin ng dalawang kumag.





"Yes, sir, I've met them so many times before." Sagot ko na lang na kinatuwa niya.





"Mabuti naman kung ganon." Tumatango-tangong sabi pa nito.





"Aiya. In fairness, mukha namang magiging masaya ang pananatili ko dito dahil sa dalawang lalaking 'to. Ngayon pa nga lang kung makatingin sila sa'kin ay parang marami silang gustong i-tsismis na hindi nila magawa!"





"Captain Wood." Pakilala ng isa pang captain na siyang kasama ng bruhang si Fey noong nakaraan kong pagpunta dito.





Tinanguan ko na lang siya nang makitang ngumiti siya sa'kin. Nagulat nga ako dahil hindi ko maalalang nginitian ako ng Captain na 'to.





Maya-maya ay nabaling ang atensyon ko nang makitang tumayo sa upuan ang lalaking may reddish brown na buhok. May suot itong salamin na nagmukhang nerd ngayon dahil dito.





Kung hindi nga lang maganda ang katawan niya ay isisipin kong kasama ko siya sa department. Pero hindi ko naman maiitanggi na sa kanilang sampung lalaki ay siya ang pinakagwapo sa kanila sumunod sina Tom at Jerry.





"Nice to meet you. I'm Major Hanz Roosevelt." Nakayukong sabi nito na mukhang nahihiya sa'kin. Pe-pero ano raw?! Isa siyang Roosevelt so pinsan din siya ni Vile?!





Geez! Anong klaseng family chain meron ang male lead at lahat ng kamag-anak niya ay may mataas na ranggo sa buhay?!





"Okay, kalma ka lang self! Medyo maayos naman ang pakikitungo sa'yo ni Vile kaya hindi ka naman siguro niya papatayin. Niligtas ka nga niya non nabaliw siya at hinulog ka diba? Kaya tiwala lang, Carnelia!"





"Ngayong tapos na kayong magpakilala ay mabuti pang simulan na nating ang pagpupulong na 'to." Pormal na pagsisimulang sabi ni Lieutenant.





Kaya kami ni Javier ay nakiupo na rin sa mga bagong kasamahan namin sa team kuno. Ngayon ay katabi ko si Major Hanz sa kanan ko at sa kaliwa ko naman si First Lieutenant Clara na kumakaway sa'kin ngayon.





"Hello, welcome to the team!" Nakangiti pero may angas nitong bati sa'kin.





"Thank you!" Sabi ko na lang atsaka tinuon na ang atensyon sa harap.





Ngayong napapaligiran ako ng mga sundalong may matataas na posisyon sa military ay hindi ko tuloy maiwasang matuwa. Lahat kasi sila ay mukhang mababait ngayon pero talagang mababangis sa labanan.





Like duh? Ang pinakamaliit na unit sa military ay tinawatag na "squad" na may bilang na pito hanggang labing-apat na sundalo. Pero nakadepende pa rin ang eksaktong bilang sa kakayanan ng army niyo. At sa squad nga na 'yon ay mga Sergeants ang tumatayong lider nila.




Si 1Lt Clara ay commander ng isang platoon. Ang platoon ay may dalawa hanggang apat na squads, ibig sabihin mas malaki at marami ang bilang ng sundalong hinahawakan niya.





Ngunit hindi pa 'yan ang nakakagulat dahil mas nakakagulat na malaman na sina Tom at Jerry ay isang Captain! Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ng dalawang 'to, pero sadyang nakakabaliw isipin kung paano nila naabot ang posisyon na 'yon.





Kasi naman no? Kung ang mga Lieutenants ang humahawak sa mga platoon, ang mga Captain or Major naman ang humahawak sa isang "company or troop" kung tawagin sa military. At sa isang company ay binubuo 'yon ng dalawa o higit pang platoon.





Kaya isipin niyo kung gaano karaming sundalo ang hawak nilang mga buhay sa bawat desisyong binibitawan ng dalawang 'to?





Pasimple ko nalang na tinignan sina Tom at Jerry na ngumiti sa'kin ngayon. Napansin yata nilang tumingin ako sa kanila kaya ganon. Si Lieutenant ay nakaupo sa pinakadulo ng lamesa at sa kanan niya nakaupo si Javier.





Sinadya ko talagang hindi siya tabihan dahil siguradong puro pasa ako mamaya dahil sa kasamaan ng animal. Ikaw ba naman panggigilan na parang may sama siya ng loob sa'kin!





"Aiya! Bakit nga ba ulit ako nandito at na-involve kay Javier? Syempre kasalanan mo, Carnelia! Bruha ka!"





Pagkatapos kong mapagalitan ang sarili ay minabuti kong ituon na ang atensyon kay Lieutenant. Nagpapaliwanag kasi siya tungkol doon sa napag-usapan namin kahapon.





Kaya naman pala napapansin ko ang paglingon-lingon sa'kin ng mga sundalo dahil sa narinig nila. Syempre magtataka talaga sila kung saan nanggaling ang masamang ideya ko ganoong mukha naman akong anghel.




"Hehe! Looks can be deceiving, young lads."





"W-wow! Lady Heavenhell, hindi ko alam na may pagkabrutal pala ang isip mo. Hahahaha!" Natatawang sabi ni daga-este ni Captain Jerry na halatang namamangha sa narinig na paliwanag ni Lieutenant.





"Are you complimenting her?" Masungit na tanong ni Tom sa gilid na pinagtaka ni Jerry. Nakaupo kasi sila sa harap ko kaya nakikita ko ang mga kabaliwan nila.





"Yeah, why?" Nakapangalumbabang tanong nito sa katabi. Ang cute niya para talaga siyang si Jerry sa utak ko! Aiya. Magalit kaya siya kapag nalaman niyang isa siyang daga sa paningin ko? Nyahahaha!






"It sounds like an insult." Seryosong sabi naman ni Tom. Hindi nga ulit nakapagsalita si Lieutenant dahil lahat ng atensyon ay napunta sa dalawa.






"Kung wala nga lang kami sa seryosong usapin ay baka naasar ko na ang dalawang 'to. Ang lakas kasi ng chemistry nila kaya baka may isang naligaw ng landas. Hehe!"






"How could I? I'm a friend of Lady Heavenhell, right my lady?" Tanong niya sa'kin na kinangiti ko na lang.





"Yeah, right." Maikli kong sagot na kinangiti niya nang malawak.





"Yehey! You heard that? I'm her best friend!" Tuwang-tuwa nitong sabi na kinataas ng kilay ko. Parang friend lang yung sinabi niya kanina tapos ngayon best friend na? Advance siya ahh!





"The both of you shut up." Saway na sa kanila ni Captain Wood na kinatahimik naman ng dalawa.





"Lady Caventry, your suggestion is beneficial to the trainees. No wonder, Lt. Gen. Roosevelt is temporarily including you to be part of the team." Nakangiting sabi na ni 1Lt. Clara sa'kin na bumasag sa katahimikan ng lahat.





"Since we're not familiar with your "torture plan," can you elaborate on how we will start this training before the event?" Tanong naman sa'kin ni 2Lt. Jeff.





Mukha namang naging interesado ang lahat sa magiging sagot ko, pero bago 'yon kailangan ko munang malaman ang iilan sa importanteng bagay na meron sa military department.





THIRD PERSON'S POV





Naghintay ang lahat sa isasagot ni Heavenhell dahil interesado silang malaman kung ano bang natripan nito at naisipan ang torture na maging parte ng training.





Nunit nakaramdam sila ng pagbabago sa mood ng dalaga nang biglang itong ngumiti sa kanila. Nakangiti man siya pero alam nilang seryoso na siya ngayon.





Imbes na sumagot si Heavenhell ay inuna niya ang pagtatanong tungkol sa military department na bahagyang kinagulat ng iilan sa kanila.




"Sure. But before that, may I ask how long is the duration of training before they become real soldiers?" Nakangiting tanong nito.





Nagkatingin naman ang lahat at hinihintay na may sumagot na isa. Nang makita ni Jeff na nagpapakiramdaman lang ang mga kasama ay minabuti niya na siya na ang maunang magsalita.





"It depends on the school. Here in AIA, it will be accomplished after two years of training. The other military school duration is three years." Sagot nito na kinatango ni Heavenhell.





"Oh, that's long. So, is there any other test for them to take before they officially graduate?" Tanong niya ulit na pinagtaka ng lahat.





Hindi kasi nila malaman ang iniisip ng dalaga dahil sa itsura nitong nakapoker-face lang. Maayos ang upo nito sa kaniyang upuan habang prenteng nakasandal dito. In short, she looks like a boss!





"Yeah, aside from the written test, they will need to perform a marksmanship test, an obstacle test, and many more. Wait, why are you asking?" Mataray na tanong ng isang Sergeant na si Abby nang mapagtanto niyang nalalayo na sila sa usapan kanina.





"Well, I'm just curious to know. So all in all, their training is two years. But doesn't it seem like their final test is... ahmm-nevermind." Agad na putol ni Heavenhell sa dapat na sasabihin nang mapagtanto na madudulas na naman siya.





"Aiya, Carnelia! Dahan-dahan lang sa pagsasalita dahil iba ang training nila sa naiisip mo!" Naiiling na saway ni Heavenhell sa kaniyang sarili dahil sa muntik nitong masabi.





Ngunit hindi siya nakatakas sa mata ni Lt. Gen. Roosevelt dahil agad itong naging interesado sa nais niyang sabihin kanina. Magmula kasi nang magkausap silang dalawa ay nakitaan niya agad ng potensyal si Heavenhell sa Military.





Nadagdagan lang ang interes niya dito nang marinig niya mismo ang mga sinabi ni Heavenhell tungkol sa training ng mga estudyante. Sa umpisa ay hindi siya makapaniwala na mas marami pang kaalaman ang ex-fiancé ng pamangkin niya, kaysa sa mga kaibigan niyang sundalo.





"Is that what, Lady Caventry?" Tanong na niya kay Heavenhell na mukhang natigilan sandali.





Nagulat kasi siya nang bigla siyang tanungin ni Lieutenant Roosevelt. Gusto niya na ngang batukan ang sarili dahil nawala sa isip niya na nandito pa nga pala ang uncle ng male lead at tahimik lang na nakikinig.





"It's okay, you can say it." Pagkumbinsi pa ni Lieutenant sa kaniya na magsalita na. Napahinga na lang ng malalim si Heavenhell nang mapansin ang mga mata nilang lahat na nakatuon sa kaniya.





"Bahala na, Carnelia! Hindi naman siguro masama ang thirty percent, diba? Aiya. Wala na 'kong pakialam kung ano mang ang mangyari ngayon."





Seryosong tumingin si Heavenhell sa kanila at walang pagdadalawang-isip na sinagot ang tanong na nagpagulat sa lahat.





"It seems like their final test is very easy."





"Yeah-wait, what?! I-it's easy?" Gulat na gulat na tanong ni Jerry sa narinig.





(O_O)





Napatahimik ang lahat habang pinoproseso nila sa kanilang utak ang narinig mula kay Heavenhell. Hindi nila inaasahan na sasabihin niya na napakadali lang ng mga test na ginawa nila noon!





Nabasag lang ang katahimikan nang biglang humalakhak si Lt. Gen. Roosevelt sa harap nila na parang natutuwa pa sa narinig.





"Bwahahaha! This is so funny! Don't you know that the trainees keep asking for an easy final qualification test because it's so hard?"





Nanlaki ang mata ni Heavenhell sa narinig at bahagyang napatakip ng bibig. Napagtanto niya kasi na talaga ngang walang preno ang bibig niya!





"Sorry, I didn't know." Kunwaring sinsero nitong sabi kahit sa loob-loob niya ay nilalait niya ang pagiging low standard ng qualification sa military department.





"It's okay, Lady Caventry. We understand since you're not from our department and you didn't know anything about our training." Mataray na sabi ni Sergeant Abby na halatang naiinis kay Heavenhell.





"Problema ng hipon na 'to at kanina pa siya nagtataray sa'kin? Tanggalan ko kaya siya ng mata para wala na siyang papaikutin pa? Tsk!" Naiiritang isip-isip ni Heavenhell habang nagpapanggap pa rin na mabait.





Nakangiti lang kasi siya ngayon at binabalewala ang pangit na mukha ng bruha.





"Mind your words," malamig na sabi ni Javier na kinagulat ng lahat. Hindi kasi nila inaakalang magsasalita ito ngayon.





"Y-yes, Colonel." Kinakabahan na sabi ni Sergeant Abby nang makitang siya ang nagsalita. Takot niya lang mamatay nang maaga kapag nainis ang young master ng mga Gideon.





"But I am fully interested in how you can say that training is easy, Lady Caventry. Do you have any other thoughts on what the final test should be taken by them?" Tanong na ni Lt. Gen. Roosevelt nang makitang tahimik na ang paligid.





"Sorry, but is it okay to be honest, Lieutenant?" Kunwaring kinakabahan na tanong ni Heavenhell dito.





"Sure! Sure! You can say your opinion!" Nakangiting sagot nito na pasimple niyang kinangisi.





Nanatiling tahimik ang bawat-isa habang hinihintay na magsalita si Heavenhell. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kaniya at hindi maitatago ang pagiging interesado dito.





Samantalang si Heavenhell naman ay seryoso at diretso lang ang tingin habang pinapaikot sa kamay ang hawak nitong ballpen. Nag-eenjoy kasi siyang pagmasdan ang itsura ng mga sundalong parang lalamunin siya kapag may mali siyang nasabi.





"Okay, thank you, Lieutenant. To be honest, taking a written exam and the other tests she mentioned earlier is easy since it is already part of their training. The duration of two years is enough for them to easily pass the exam. If they can't even pass it, it means they are either not serious about what they are doing or military service is not for them." Dire-diretso nitong sabi at hindi pinansin ang mga reaksyon nila ngayon.





"O-oww! She has a point, Tommy, but she's so honest that it hurts my pride." Bulong ni Jerry sa katabi na sinamaan lang ng tingin ni Tom.





"I see, you're really honest, Lady Caventry. You didn't even think for a second before blurting it out. Hahahaha!" Natatawang sabi ni Lieutenant na kinailing na lang ni Heavenhell.





"You said I could be honest, sir. I'm just following an order from a superior." Sagot na lang nito bago pasimpleng nginisihan si Sgt. Abby na umuusok na ang ilong sa inis.





"Very good! Very good! You really deserve to be part of the team!" Nakangiti pa ring sabi nito habang tumatango-tango pa.





Napatigil lang sa pagtawa si Lieutenant nang makita ang pagtaas ng kamay si Sgt. Abby na balak yatang magsalita.





"But doesn't it seem like she insulted our capability since the qualification that we all took is so easy for her, Lieutenant?" Nakakunot-noong tanong nito na sinang-ayunan naman ng iilan sa kanila.





"She's right, Lieutenant."





"Yeah, I'm curious as to what test she thinks trainees have to go through to qualify as soldiers."





"Come on, stop that. Don't ask her a question that she doesn't know." Kunwaring saway pa sa kanila ni Sgt. Abby na tinawanan lang nang mahina ni Heavenhell.





"Oh? Aren't you yourselves the evidence that the qualification is too low? Because the way you talk shows that you lack discipline." Seryosong sabi nito na lalong kinainis nila Abby.





"Okay, calm down, Lady Caventry." Pagpapakalma ni Lieutenant dito nang mapansin niya ang pagbabago sa mood ni Heavenhell.





"I'm perfectly calm right now, Lieutenant. I think you should be more concerned about the attitudes of your soldiers, sir. It's not good to see a sergeant who stands as the leader of a squad acting like that." Komento pa nito na kinatahimik ng ilan.





Tahimik lang nilang tinitignan ang kalmadong itsura ni Heavenhell na lalong nagpagulat sa kanila. Sinong mag-aakala na may tinatago siyang bangis sa likod ng kaniyang mala-anghel na mukha?





HEAVENHELL'S POV




Pinilit ko na lang na huwag matawa sa mukha nitong si Abby na sobrang pangit na ngayon. Paano ba naman para siyang baliw na nakikipag-away sa mabait na tulad ko?





"Aiya! Kailan ba nanalo ang masama sa mabuti? Hehe! Kalokohan mo talaga, Carnelia! Tumahimik ka na dahil masiyado ka nang maraming nasasabi."





"She's right. You're a sergeant and you're bullying someone? Is that a good attitude?" Malamig na tanong ni Lieutenant sa bruha na kinalunok na lang niya.





"Please accept my apologies, Lieutenant." Nakayukong sabi nito na para bang nagsisisi talaga siya sa nagawa niya.





"You shouldn't apologize to me."




Nang marinig ang sinabi ni Lieutenant ay agad siyang tumingin sa'kin na nginisihan ko lang. Bakit ba? Gusto ko siyang asarin ngayon kaya wala siyang magagawa kung hindi ang maasar sa'kin.





"R-right. I apologize, Lady Caventry." Sabi niya na lang na mukhang napipilitan pa. Aiya. Hindi siya bagay na maging lider ng isang squad sa military!





"Since you've learned from your mistakes, I accept your apology." Nakangiti kong sabi na akala mo talaga ang bait ko. Heh!





"P-pfft! So cool!"



"As expected of Lady Heavenhell!"




Nginitian ko na lang sina Tom at Jerry na kanina pa ako kinakampihan. Hindi na rin masama na nandito 'tong dalawang 'to! At least, may libre akong clown-este support.





"Okay, let's forget about that. Let me hear your opinion about the qualification you're talking about, Lady Caventry. You said that their final test is easy. Do you have something difficult in mind?" Tanong na naman ni Lieutenant sa'kin.





"Geez! Hindi naman masiyadong halata na laging interesado si Lieutenant sa mga opinyon ko diba? Ganoon na ba ako matalino sa paningin niya?!"





"Yeah, I also want to hear your ideas, Lady Heavenhell." Sabi pa ni 2Lt. Jeff na mukha ngang atat nang malaman ang lahat.





"He's right. We all took the exam, so we're curious about your ideal final test." Dagdag pa ni Clara sa tabi ko.




Napalingon ako kay Major Hanz nang marinig ang mahina nitong boses.




"Speak up, Lady Heavenhell." Seryoso nitong sabi habang inaayos ang mala-nerd niyang salamin.




"Ahmm... ahem! This is just my opinion, so don't take this seriously, okay?" Sabi ko na lang na kinatango ng iilan sa kanila.




"Okay, sure!"




Nagseryoso na lang ako dahil alam kong magmumukha akong masama dito. Pero wala naman akong pakialam dahil sila ang nagtanong sa opinyon ko no!





"A final test, for me, should be more realistic. For example, if I am their head instructor, I want to make sure that those trainees learn something from me and can apply it in real situations. How? By putting them in a test that would risk everything." Panimula ko na kinakunot nila ng noo.





"A test that would put everything at risk?" Nagtatakang tanong ni Jerry na parang nalito sa sinabi ko.





"Aha! So what test do you think I'm talking about?" Nakangiti kong tanong habang prenteng nakaupo sa upuan. Napatahimik naman sila na parang nag-iisip kung ano ba 'tong pinagsasasabi ko dito.





"A test of a life and death situation." Malamig na sagot ni Javier na kinapalakpak ko.




"You're right, Colonel! You got it right!" Nakangiti kong sabi habang pinipilit na huwag matawa. Bakit naman kasi kada may sasabihin ako ay nag-iiba ang mga reaksyon ng mukha nila?!




"Life and death situation?"




"That's right! And how are you going to test them in a life or death situation? Of course, the answer is to give them a "real-life mission!" Sabi ko na lang.




Hindi naman nakatakas sa'kin ang gulat sa mata nila na parang ito na ang pinaka nakakagulat nilang narinig sa buong buhay nila. Aiya. Ang O.A naman ng mga 'to! Parang ito lang nagulat na sila? Paano pa kapag nalaman nila yung mga isa-suggest kong training this week?!




"Real-life mission? T-to a trainee?" Nawawala sa sariling tanong ni Jerry.





"Se-seriously?! Isn't that too dangerous?" Galit na tanong sa'kin ng bruhang si Abby at talagang tinuro pa ako ahh.





"Tsk! Ang lakas ng loob niyang painitin ang ulo ko. Patay talaga 'to sa'kin kapag nakapang-abot kami sa sparring! Dudurugin ko ang daliri niya para magtanda naman siya kahit papano."





"Isn't being a soldier a dangerous profession? If they come back alive after a mission, it means they qualify to be a real soldier." Seryoso kong sabi na kinalaki ng mata nila.





Aish! Konti na lang iisipin ko nang mga kwago 'tong mga 'to. Kanina pa kasi sila nagugulat sa mga sinasabi ko, ano mga feeling beginner lang ganon?





"And what if they won't be able to come back?" Tanong na ni Tom na mukhang naka-move on na sa gulat.





"Then it means they failed." Kibit-balikat kong sagot.





Iniisip na siguro nila na parang ang sama ko ngayon. Nyahahaha! Ewan ko na lang kung anong magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang mga nakalagay sa folder na dala ko ngayon. Hehe!





"Is-isn't that a suicide test? I didn't know that you were so heartless, Lady Caventry." Hindi makapaniwalang sabi pa nung bruha. Siya na talaga yung pinaka-beginner sa kanilang lahat ehh! Kanina pa 'to putak nang putak wala namang sense kausap.





"I'm just saying the truth here without being biased towards anyone. And me, heartless? You're being ignorant, sergeant. Do you believe the enemy would be kind to you if you were in a war? Compared to my suggestion, the enemy is way crueler than that." Seryoso kong sabi na kinatigil niya.





Napagtanto niya sigurong tama ako at bobo siya dahil parang hindi siya Sergeant kung umasta! Like duh? Kailan ba naawa ang mga kalaban na pumatay aber? Kung meron mang mabait sa kanila ay isang himala na 'yon!





"Y-you! But they are still trainees, and you want them to die like that?" Dagdag niya pa na halatang dinidibdib ang sinabi ko.





"Tsk! bakit ba ang dami nitong tanong? Bakit hindi niya gayahin sila Lieutenant na tahimik lang? Nakakahiya nga siya dahil siya lang ang nagsasalita sa kanila! But yeah, kailangan ko pa rin siyang sagutin dahil mabait nga ako sa mga may sira-este may kapansanan."





"Well, If they die, it means they are either not that good or the enemy is too strong for them. This is life. Life is unfair, isn't it?" Nabo-bored kong sabi.





Pinipigilan ko na nga lang na mapahikab at baka umusok na naman ang ilong niya sa galit. Hindi na siya nagsalita pero halata mo pa rin na gusto niya na akong sugurin sa inis. Nang hindi sila magsalita ay hindi ko na napigilan ang sarili na matawa nang mahina.





"But why are you getting serious, everyone? I just share my opinions and ideas. It doesn't mean that it's really going to happen, right? So, don't worry." Nakangiti ko nang sabi.





Aiya! Masiyado naman yata nilang sineryoso ang mga sinabi ko! Mukha ba akong kapani-paniwalang mag-explain para magkaganiyan sila?





Hindi rin nagtagal ay mukha namang na-realize ng ilan sa kanila na opinyon ko lang ang mga sinabi kanina kaya isa-isa silang tumango sa'kin.





"Your ideas about the military really amaze me, Lady Caventry. You're more suitable to be here than to be enrolled in the Research and Innovation Department." Nakangiti nang sabi ni Lieutenant Roosevelt na agad kong inilingan.





"Stop joking, Lieutenant. You know, I have so many things to do in my department." Palusot ko na lang.





"Oh, yeah. I almost forgot that you're one of the students who will represent your department in front of many business elites." Walang preno na namang sabi ni Lieutenant na kinasakit ng ulo ko.





"Ang daldal naman neto! Ngayon alam ko nang hindi si Vile ang kamag-anak niya, kung hindi sina Deyl at Clive! Geez!"






"Woah! You're so smart, Lady Heavenhell! I heard that your department has so many business geniuses in it." Namamangha na namang bati sa'kin ni Jerry. Tinanguan ko lang siya atsa nginitian.





"It's okay."





Nang walang magsalita ay makakahinga na sana ako nang maluwag. Kaso lang bigla namang nagsalita ulit ang bruhang Sergeant na kinakulo ng dugo ko. Hindi yata meeting ang napuntahan ko, kung hindi interview!





"Lady Caventry, since you are the one who thought of the torture training plan thingy, can you tell us what you call this training and what it is all about?" Tanong niya sa'kin na binalik na ulit sa torture ang topic.





Nang sasagot na ako ay tsaka naman nagsalita si Lieutenant na kinatigil ko.





"Wait, let's stop the meeting for a while. It's almost lunch time, so we should eat first." Sabi nito na agad naming sinunod.





Kaso sadyang may epal lang talaga sa mundo na pilit paiinitin ang ulo mo, dahil nagsalita na naman ang bruha at ayaw pa yata kaming pakainin!





"Yes, lieutenant. But before we go, let's hear Lady Heavenhell's answer first." Hindi papaawat na sabi niya na tinaasan ko lang ng kilay.





"How do you describe that training?" Dagdag pang tanong nito.





"Hmm... I'll describe it as hell and I'll call it "Hell Week Training." Nakangisi kong sabi na kinagulat nilang lahat. Hehe! It's hell, baby!





"He-hell, what?!" Gulat na gulat nitong tanong na nginitian ko na lang. Bahala siya diyan at nagugutom na ako!





"I will elaborate the details later. So is it okay to go now, Lieutenant?" Baling ko kay Lieutenant na nakangiti na ngayon.





"Yes, you may go."




"Thank you."




Mabilis akong lumabas at naglakad papunta sa elevator. Kaya lang napatigil ako sa paglalakad nang maramdamang may sumusunod sa likod ko.





"Why are you following me?" Nakataas-kilay kong tanong kay Javier na nakapamulsang naglalakad ngayon papalapit sa'kin.





"I'm not." Nakakunot noo niyang sabi.





"Then you walk first." Sabi ko pa pero ang kumag ay nginisihan lang ako at hindi gumalaw sa kinatatayuan niya.





"Aish!" Inis kong sabi at nauna nang maglakad. Pagpasok namin sa elevator ay hindi ko na siya pinansin at lumayo sa pwesto niya. Aba'y mabuti na ang makasiguro dahil baka kung ano na naman ang maisipan niyang gawin ehh!





Ngayon marahil ay nakakapagtaka kung bakit hindi ako masiyadong nag-iingat sa mga sinasabi ko sa kumag na 'to. Well, yun ay dahil sa desisyon ko kanina na kahit thirty percent lang na Carnelia ay okay na sa'kin!





Atsaka parating na rin si Lilian kaya para saan pa't lagi akong mabait no! Hindi na kaya ng sungay kong magtago habang napapaligiran ng mga nakakainis na tao!





Pagkabukas ng elevator ay agad akong naglakad palabas ng building. Nang makita sa hindi kalayuan ang pigura ni Janice ay mabilis akong naglakad papalapit sa kaniya.





"Jani-What?!" Napatigil ako sa pagtawag kay Janice nang bigla akong hilain ni Javier at hinarangan ang dadaanan ko.





"O-okay? Anong trip ang naisipan niya at mukhang balak makipaglaro sa'kin ng patintero?!"





Tinignan ko na lang siya at nakita ang mata niyang masama na ang tingin sa'kin. Nasiraan na siguro siya ng ulo kaya nagkakaganito ang animal! Hindi ko na siya pinansin at akmang sa kabilang side dadaan, pero ang baliw mabilis akong nahawakan. S-shems!





"Stay away from my sister." Malamig nitong sabi na halata sa tono niya ang pagbabanta.





"At bakit naman?" Seryoso ko na ring tanong. Pero ang seryoso kong mukha ay napalitan ng pagkagulat nang marinig ang susunod nitong sinabi.





"Because your sexuality is unknown."





"Sexuali-wait, what?!" Gulat na gulat kong tanong habang pinipigilan ang sariling batukan siya. Hindi niya ako sinagot at nanatiling masama pa rin ang tingin sa'kin.





"Are you serious, Mr. Gideon? How can you say that my sexuality is unknown?" Kunwaring seryoso kong tanong habang pinipigilan ang sarili na huwag matawa.





Napakaseryoso niya kasi kaya baka biglang bumunot ng baril kapag tinawanan ko bigla. P-pfft! Ehem! Be serious, Carnelia!





"You sang a song for girls and acted as if you were a boy. Do you think I'm easily fooled?" Tanong nito na nakakunot pa rin ang noo. Talaga ngang hinaharangan niya ako dahil hawak-hawak niya ako sa balikat ngayon.





"Wa-wait! You really think I'm like that?" Tanong ko nalang ulit. Nang makita ang pagtango niya ay hindi ko na napigilan ang sarili na matawa.





"Da-damn! This is so funny!"





"Hahahaha! This is the biggest joke I've heard so far! I didn't know that you were a comedian, young master." Natatawa kong sabi. Kaya lang hindi ko na natuloy ang pagtawa dahil bigla niyang tinakpan ang bibig ko.





Inalis ko na lang ang kamay niya at sumeryoso na. Nang maramdaman na hindi niya na ako hawak ay mabilis ko siyang tinulak at tumakbo.





"I'm going to eat with her-Aray!" Agad kong sigaw nang maramdamang hawak-hawak niya na ang buhok ko.





"Bitaw na, young master! Hindi na nga ako sasabay sa kaniya!!!" Sabi ko na lang habang inaalis ang kamay niya sa buhok ko.





"No way. You'll seduce my sister, and I won't let you." Seryoso niyang sabi habang hawak-hawak pa rin ang buhok ko.






"Hindi nga kasi ako tomboy, lesbian, baliko o kung ano man! Kaya bitaw na, young master! Kapag talaga ako nakalbo ahh..." Reklamo ko sa kaniya na kinangisi niya lang. Bwiset talaga 'to! Walang galang sa mga kababaihan!





"Promise na nga, sa'yo lang ako sasabay kaya bitaw na!" Nagmamakaawa kong sabi na kinailing niya lang. Maya-maya rin naman ay binitawan niya na ang buhok ko na mukhang hinangin dahil sa gulo.





Nakita kong lumingon siya sa likod niya at tinignan kung nandoon pa si Janice. Nang makita niyang wala na ang kapatid ay tsaka ulit siya tumingin sa'kin. Aiya. Nakakatawa talaga 'tong animal na 'to parang ewan lang ehh!





"Are you really serious, Mr. Gideon? Do you want me to kiss you to believe that I'm straight and I like boys?" Pang-aasar ko sa kaniya na kinakunot lang ng noo niya.





"Yeah, go ahead." Bored nitong sabi na kinalaki ng mata ko. A-ano raw? Baka nabingi lang ako at naalog ang utak ko dahil sa pahila niya sa buhok ko!





"What did you say?" Tanong ko nalang ulit habang sinusuklay ang buhok ko.





Kaso nang marinig ang susunod niyang sinabi ay agad akong napalingon sa kaniya dahil sa gulat.





"Kiss me."





________________________________________

Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...