Splintered Heart (Eastwood Un...

By waurdltsj

1.4M 38K 9.1K

Eastwood University Series #1: Adira Fayre Tuazon Graduate and get a degree. That's what Adira plans... More

Splintered Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Author's Note
Special Chapter
Special Chapter - Aspen's

Chapter 25

26.2K 673 237
By waurdltsj

Kunot noo kong tiningnan si Aspen na ngayon ay malamig na nakatingin sa lalaking nagngangalang Chase. Nakangiti lang naman ang lalaki ngunit si Aspen ay mukhang bibigwasan na ang nasa harap, isang maling galaw lamang nito.

Pinisil ko ang kamay nito na hawak ko para kumalma ito. Nang maramdaman niya iyon ay napahinga siya ng malalim at bumaling na sa lalaki, hindi nawawala ang sama ng tingin nito.

"It's fascinating that you still know my name after all these years." Hindi ko malaman kung sarcastic ba ang pakakasabi niya noon o hindi. Nakangiti pa rin kasi ito ng misteryoso kaya hindi ko matukoy ang mga ginagawa nito. Patuloy ko lang siya tinitigan.

"Of course," walang emosyon na sambit nito at tumayo sa kinauupuan, "I will never forget you after doing those horrible things that you've done, Chase." Nagtitimpi na saad nito. Nabitawan nito ang aking kamay kaya nakita ko na nakakuyom ito ngayon at bahagyang nanginginig. Natawa ang kausap.

"Oh come on, Fabrizia..." sabi nito na mukhang natutuwa sa nangyayari. "It's already been, what? 10 years? Come on, it already happened. Besides, your father already forgive me so..." Dagdag nito at nagkibit balikat pa habang nakangisi. He is playing with fire.

Tumayo at naglakad papalapit dito si Aspen while giving him the look that will make people shiver in nervousness. Umatras naman si Chase at napalunok but still has his annoying smile attached on his face.

Nang makalapit si Aspen dito ay bahagya itong yumuko at bumulong sa tainga nito. Nakita ko na napalunok ito at tumango tango ng mabilis na akala mo'y maamong tuta. My forehead creased because of curiousness. What did she say?

Naglakad na papalayo ang lalaki, siguro ay doon sa kasamang lamesa ng tatay ni Aspen kaya nakahinga na ako ng maluwag. Mukha palang kasi nito ay kinakabahan na ako.

Bumalik na si Aspen sa kinauupuan niya at muling hinawakan ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Bahagya akong lumapit dito at bumulong.

"Are you alright?" Bulong ko. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti ng pilit. Pinisil nito ang aking kamay sa ilalim ng mesa at bumuntong hininga.

"I'll be fine."



Nagtagal kami dito ng hindi naf-feel na birthday ni Felicity. Paano naman kasi?

Puro business associates lang ang nakikita namin dito, ni hindi man lang ipinakilala si Felicity, na dahilan ng party na 'to. So, ito kami ngayon. Tahimik lang na nakaupo sa lamesa namin, not doing anything, hindi rin kami nag-uusap. It's so boring!

"Gosh, lagi na lang ba ganito birthday party ni Felicity?" Pagrereklamo ni Ate Sid while playing with her hands. Natawa naman ako sa sinabi nito. Katulad kasi ng ibang pinupuntahan namin na party ay ito na naman ang overdressed sa aming magpipinsan kaya ganito na lang pagrereklamo nito.

"It's so boring, goodness. When will it start?" Nababagot na saad ng katabi ko while playing my fingers sa ilalim ng lamesa. Napabuntong hininga ako bilang tugon dito. Bumaling naman ito sa akin, "When will it start? It's 5pm already." Dagdag nito napailing naman ako.

"It already started." I uttered that made her mouth agape and looked at me in disbelief. Magsasalita na sana ito ng may kumulbit sa aking likod. Lumingon naman ako at nakita si Ms. Costales doon na masama ang timpla ng mukha.

Right, katulad kasi ni Aspen, nandito rin si Ms. Costales, actually pati na rin si Ms. Gomez dahil ang mga magulang din ng mga ito ay in-invite din ng tatay ni Felicity.

Nagtataka akong tumingin dito. "Bakit po, Miss?"

"Can I talk to you for a bit?" Tanong nito, still emotionless. Tatango na sana ako ng magsalita ang aking katabi.

"Why?" Malamig din na saad nito habang hawak ng mahigpit ang aking kamay ngunit sa kaibigan niya ang tingin.

Napalunok ako. Para akong isang hotdog na nasa loob ng freezer na napagigitnaan ng dalawang yelo. Jusko, tumayo ang mga balahibo ko.

"May sasabihin lang ako sa kanya, Ferrucci. Makatanong ka naman as if naman that you guys are in a relationship."

Boom, foul!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Miss Costales at tumingin din agad sa aking katabi. Nakita ko na napatiim bagang ito na medyo namumula ang mukha sa kahihiyan. Handa na sana nitong singhalan si Miss Costales nang nagsalita na ako. Mukha kasing bubuga na ito ng apoy kung hahayaan ko pa.

"Saglit lang kami." sabat ko at binigyan ito ng nangungumbinsing ngiti. Umirap naman na ito at pabalang na binagsak ang aking kamay na hawak niya at sumimangot. Natawa ako sa ginawa nito.

Inaya ko na si Miss Costales na umalis doon. Lumabas kami ng bahay at nakadating kami sa garden nito. Hindi na kami nag-abala na umupo dahil saglit lang daw talaga yung pag-uusapan namin.

"Can you get your cousin out of her Father's side? She looked really uncomfortable talking to those businessmen..." Nangungusap na saad nito at mukhang nag-aalala na kay Felicity.

Pero bakit naman siya mag-aalala, 'di ba? Nung huling kita ko sa kaniya ay mukhang sisilaban na nito si Felicity ng buhay. Dahil sa naisip ay kunot noo ko itong tiningnan.

"And, if you don't mind... pwede bang tulungan niyo akong magpipinsan na gawan ng sariling party ngayon si Felicity? Tayo-tayo lang? I'll book a whole restaurant for her." Dagdag nito at mukhang nahihiya pa dahil nagkakamot pa ito sa kilay niya. Napangiti ako.

Hindi naman kasi sa pag a-assume 'no? Pero kasi, gusto niya ba pinsan ko?

Dahil sa aking naisip ay ngumisi ako dito ng nang-aasar na dahilan ng pagkunot ng noo nito.

"What's with the face now, Tuazon?" Parang pagod na saad nito at tiningnan ako ng naaasar. Tumawa ako dito.

"Wala lang, Miss. Baka lang kasi crush niyo pinsan ko, pwede niyo naman aminin." Nangangahulugan kong saad at tumingin ng nang-aasar dito. Namula ito sa aking sinabi at yumuko. Narinig kong bumuntong hininga ito kaya tumingin ako ng nag-aalala dito.

"She is not talking to me..." saad nito at nakita ko pang ngumuso ito kahit nakayuko. Nagtataka ko itong tiningnan. Nagpatuloy lang ito sa kaniyang pagsasalita at umupo sa upuan na nasa aming tabi kaya ganon din ang aking ginawa.

"Bakit, Miss?" Sabi ko kaya tiningnan ako nito ng nakakunot pa rin ang noo. Magkakaugali talaga silang magkakaibigan.

"Chismosa, ampota." She uttered na nagpalaki na naman ng aking mata. Sinamaan ko ito ng tingin nung nag-sink in na yung tinawag nito sa akin.

"I'm not chismosa!" Sigaw ko dito kaya tiningnan ako nito na para bang napaka-walang kwenta kong tao. I scoffed.

"Conyo pa. Magpinsan nga kayo." Dagdag nito at umiwas ng tingin habang pinipigilan ngumiti. Nagngitngit naman ang aking kalooban sa sinabi nito. E kung 'wag ko kaya siyang tulungan?!

Napanguso ako sa sinabi nito. "Kwento lang e." Narinig ko na bumuntong hininga ito at tumingin sa taas.

"I don't know what to tell you because I don't even know why she is not talking to me." saad nito habang nakataas ang tingin. Nagtataka ko itong binalingan at napaisip.

"Baka may ginawa kang masama, Miss," biro kong saad at tumawa ngunit imbes na makita ko ang asar nitong mukha ay mukhang napapaisip pa ito.

"I don't remember doing anything bad or she doesn't like," she whined at nagpapadyak. Gulat ko itong tiningnan. Is she really like this?

"Tsk. Ayos naman kami bago ko siya ihatid sa bahay nung isang araw tapos biglang ganiyan. Nalilito na ako!" Mukhang iiyak na saad nito at hinawakan ako sa braso. Natatawa naman akong tumingin dito at umiling.

She has this inner child in her, just like my Aspen.

"Please lang, Adira. Tulungan mo 'ko o ibabagsak kita sa subject ko." Nagbabantang saad nito na nagpagulantang sa akin. Bipolar ba siya?

"O-Oo, Miss. Hingian ko ng tulong sila Ate Sid." Tango-tango kong sabi at ngumiwi dahil niyugyog pa ako nito sa saya. Nahihilo ako, Ma'am!

Bumalik na kami sa kung nasaan sila Ate Sid at sinabi ang gagawin namin. Nakinig lang naman sila at na-excite ng malaman na aalis na sila dito. Kahit si Aspen ay nakiki-cooperate na rin, siguro ay bored na rin ito. Habang sinasabi ang plano kay Ate Sid ay may narinig akong bangayan sa aking tabi. Naningkit ang mata ko sa aking nakita.

"Libre mo na lang! Sa 'yo naman yung mall!" Pagpupumilit ni Ms. Costales kay Aspen na walang pakialam sa mundo habang nakakrus ang mga braso.

"No, Costales. I need to earn too." Malamig na saad nito at humalukipkip. Nagtataka akong tumingin sa mga ito. Ano bang pinag uusapan nila?

"Para namang hindi ka kaibigan!" Naghihimutok na saad ni Ms. Costales at bahagya pang sinabunutan ang buhok. Tumingin naman si Aspen ng bored dito, still crossing her arms.

"Ano ba 'yan, mga Miss! Ang ingay niyo! 'Di ko masabi kala Ate Sid yung plan!" Naiinis kong saad ng hindi ko na mapigilan ang sarili.

"Ito kasing professor mo ang damot!" Kamot ang ulo na saad ni Ms. Costales habang tinuturo si Aspen. Aspen just looked at her, boringly.

"It's for your girl, right?" Malamig na tanong nito habang nakahalukipkip. Tiningnan ko naman ito ng nagtataka. Alam niya?

Tumango si Ms. Costales at naghihintay ng sasabihin nito. Ngumisi lamang ito.

"Then, do it for her. Yaman yaman mo tapos papalibre ka." Pabalang na saad nito at umirap pa. Napatakip ako ng bibig sa sinabi nito. Sumimangot naman si Ms. Costales.

"Yaman yaman mo din tapos hindi mo man lang ako mailibre." Bulong nito kaya hindi ko mapigilan na humagalpak ng tawa.

Nang tumawa ako ay napatingin sa akin lahat ng nasa table namin at takang tumingin. Binatukan naman ako ni Ate Sid.

"Hey..." Saway ni Aspen ng makita na napadaing ako ngunit hindi ito pinansin ni Ate Sid.

"Hoy, Adira, yung plano! Kanina pa kami naghihintay." Asar na saad nito at sinamaan ako ng tingin. Sinamaan ko din naman ito ng tingin at sumimangot. Mukhang gusto niya na talaga umalis dito kaya gusto niya ng mapadali ang plano.

Pero, hindi kailangan mang batok! Masakit kaya.

"O e bakit namamatok?" Asar ko din na saad dito kaya napairap nalang ito. Tinuloy ko na ang pagsasabi ng plano dito.

Ilang minutong pagpapaliwanag sa gagawin na plano ay tumayo na kami ni Ate Sid at pumunta sa pwesto kung nasaan si Felicity.

Nang makita kami ni Felicity ay para itong nakahinga ng maluwag at tumingin sa amin na parang nahingi ng tulong upang makaalis doob kaya mabilis kaming pumunta dito.

Pagkarating namin sa pwesto ng mga ito ay agad namin ipinakita ni Ate Sid ang mga plastik naming ngiti. Duh. Plastik lang din naman ang mga 'to kaya ayos lang.

"Adi and Sidra..." Bati sa amin ng tatay ni Felicity. Ngumiti kami ng pilit dito. "What can I do for you, mga iha?" Tanong nito kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Can we invite Felicity to our table?" Mukhang magalang lang ang pagkakasabi ni Ate Sid pero sa loob loob nan ay nagngingitngit na.

Bumaling sa amin ito ng may pag-aalinlangan sa mukha.

"I'm sorry, ladies but—"

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay umismid na ako. "Come on, Tito. Let the birthday celebrant enjoy her day." Sarkastiko kong saad at ngumiti ng peke dito. Nagulat ako ng magsalita si Dad na nandito rin pala sa lamesa na ito.

"Adira." Nagbabantang saway nito ngunit hindi ko ito pinansin at bumaling lamang kay Tito ng walang emosyon sa mukha.

Nagtagisan kami, mata sa mata bago ito bumuntong hininga at pumayag. Nagdiwang naman ang aking kalooban sa sinabi nito.

Muli akong ngumiti ng peke dito. "Nice choice," sabi ko at hinila na ni Ate Sid si Felicity paalis sa lugar na 'yon. Nakita ko naman na nag thumbs up pa sila Ate Belle sa likod nila Mom kaya ngumiti ako sa mga ito.

Naglakad na ako pabalik sa aming lamesa ng nakangiti. Sinalubong naman si Felicity ng iba naming pinsan at binati. Finally, I can see the smile on Felicity's face.

Agad akong sinalubong ni Aspen na malaki ang ngisi na nakatingin sa akin ngayon. Ngumiti ako dito pabalik. Lumapit ito sa aking tainga at bumulong na naging dahilan ng pag-iinit ng pisngi sa aking mukha.

"You look hot earlier." Nanunukso na saad nito at kinindatan ako. Namula ako sa kaniyang ginawa at hinampas ito sa braso.

I playfully glared at her, "Stop it."

Nandito kami ngayon sa nirentahan ni Miss Costales na restaurant sa mall ni Aspen. Hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin ang mukha nito. Kanina kasi sa kotse habang papunta dito ay hindi pa rin siya pinapansin ni Felicity kaya kanina ko pa rin pinipigilan na tumawa dito. Hindi ko pa rin kasi nasasabi kay Felicity na ito ang nag-isip ng plano nito dahil napapalibutan pa siya ng iba kong pinsan, hindi ako makasingit.

Maya maya ay nakaramdam ako ng hampas sa balikat kaya sinamaan ko ng tingin ang gumawa non.

"Aray, Miss! Hindi kita inaano diyan ha?!" Inis kong singhal habang hinihimas ang braso na hinampas nito. Apaka brutal!

Lumapit ito sa akin para bumulong kaya lumapit din ako dito para marinig ang sasabihin nito.

"Bakit hindi niya pa ako kinakausap?!" Inis na saad nito at bahagya pang kinukurot ang aking tagiliran. Napapitlag ako sa ginawa nito at sinamaan ito ng tingin.

"Aba, malay ko! Gumalaw ka na kasi. Mamaya maagaw pa 'yan edi iiyak ka." Nang aasar na saad ko. Katulad ng kanina, ine-expect ko din na maiinis ito ngunit kabaligtaran ang naging reaksyon nito.

Kuyom ang mga palad, malamig ang mga tingin, at nagtatagis ang bagang habang ang tingin ay sa ibaba. Jusko naman! Joke lang eh!

"U-Uy, Miss, joke lang naman-- ay jusko!" Napatalon nalang ako sa aking katabi ng binaling ni Ms. Costales ang tingin sa akin. Tumayo ito at pumunta na sa direksyon ni Felicity.

Bumuntong hininga ako. I guess I hit a nerve?

"Hey, cuore mio, what do you want to eat?" Saad ng aking katabi na kanina pa ata naghahanap ng pagkain sa menu. Bumaling ito sa akin. "You're allergic to seafoods, right?" Dagdag nito at ibinalik na ulit ang tingin sa menu. Tumango nalang ako at tumingin na rin ng kakainin.

"I guess, you'll have steak?" Tanong nito, unsure kung gusto ko ba 'yon o hindi. Tumango ako dito bilang pagpayag sa sinabi nito. "And drinks?"

Sasabihin ko na sana ang wine ng inunahan na agad ako nito while looking sternly sa akin.

"No, you will not have wine." Madiin nitong saad at ibinalik na ang tingin sa menu. "You'll have a cucumber instead." She uttered kaya napairap ako sa kawalan. Siya din naman pala magd-decide, tinanong pa ako.

Habang naghihintay ng aming pagkain ay umupo lamang kami doon while listening to my cousins' story. Hindi na ito katulad kanina sa bahay nila Felicity na boring at walang buhay. Nagtatawanan na at maingay na kumpara sa kanina. Now, this is what we call celebration.

Natahimik ang lahat ng biglang may tinanong na pasigaw si Dione.

"Sino daw nag-rent nung place? Gustong mag thank you ni Felicity!"

Agad akong napatingin kay Miss Costales ng nang-aasar dahilan ng paglunok nito. Dahan dahan nitong itinaas ang kamay habang nakayuko. She cleared her throat.

Nakita ko naman ang nanlalaking mata ni Felicity, na katapat lang pala si Miss bago magpasalamat dito. "Thank you, Miss." Lumambot naman ang itsura ng mukha ni Ma'am, tila hindi inaasahan na kakausapin siya nito.

"Anything." Mahina lamang ang pagkakasabi noon pero narinig ko hanggang dito. Napakagat ako ng labi sa kilig.

Wala sa oras ko tuloy nahampas si Aspen, na naguguluhan na tumingin sa akin. Narinig ko na in-excuse ni Felicity ang sarili kaya naman sinundan ito ni Ms. Costales.

Baka magbabati na sila, kekekekeke.

"Stop pinching my arms, baby." She whispered right in my ear kaya napatigil ako sa pagpisil ng braso nito. Hindi ko namalayan na pinipisil ko na pala ang braso nito. Ngumiti lang ako dito at nagsimula ng kumain. Maya maya ay napatigil ako sa pagkain ng may napagtanto ako.

Baby? Sino 'yon?

Sa aking naisip, tumingin ako dito ng nanlalaki ang mata habang nakanganga. Tumingin naman ito sa akin ng nagtataka.

"What? Eat now, Adira. Kanina pa natunog tiyan mo." Utos nito kaya kahit na wala sa wisyo ay nagpatuloy ako sa pagkain. Habang kumakain ay patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis ang aking puso kaya huminga ako ng malalim para kumalma.

It's just one word, okay. One word.

"Anong nangyari sa 'yo, Adira at mukhang natatae ka diyan?" Sabi ni Ate Sid na nasa tapat ko. Napatigil ang lahat sa pagkain at sinamaan ito ng tingin. Si Dione naman ay binatukan ito at sinimangutan. Napanganga ako sa ginawa nito. Akala ko nga ay magagalit si Ate Sid pero sumimangot lamang ito at yumuko. Ni-hindi ko nga mabatukan 'yan.

"Napaka-bastos! Kitang may nakain eh!" Inis na saad nito at sinamaan ng tingin si Ate Sid. Kamot ulo naman itong nagpaumanhin kaya bumalik na kami sa pagkain.

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na kami para kantahan si Felicity na ngayon ay maaliwalas na ang mukha, 'di na katulad kanina nung nasa bahay nila kami. Si Ms. Costales ang may hawak ng cake habang kaming magpipinsan ay nakanta kasama si Aspen.

Maraming oras pa kaming nag-stay sa loob ng restaurant na napagpasyahan na namin umuwi. 9:30 na kasi at may pasok at shift pa yung iba sa amin bukas. Medyo mga pagod na rin kasi kami sa ginawa naming pagsasaya sa restaurant. Nauna na kami lumabas ni Aspen at nagpaalam na sa kanila. Kanina pa kasi nito gustong umuwi dahil she has paperwork to do pa daw. Since pagod na rin naman ako sa araw na 'to, napagpasyahan na naming umuwi.

Habang papauwi ay tahimik lang kami with comfortable silence surrounding us. Hawak nito ang aking kamay na sa hita kaya isang kamay lamang nito ang nasa manibela. I would be lying if I say that wasn't hot.

"You know, I would be melting right now if you keep staring at me like that." Saad nito na may ngiti sa kaniyang labi, still looking in front. Napakagat labi ako para pigilan ang paglawak ng ngiti sa aking labi.

"You just look really gorgeous right now." Nakangiti kong saad. Matapos kong sabihin 'yon ay umiwas na ako ng tingin at tumingin sa labas. Nakatingin kasi ito sa akin ng matiim kaya hindi ko na naman kinakaya ang mga tingin nito. I heard her chuckles.

"The most unapproachable person that I know, Adira Fayre is complimenting me. How fascinating is that?!" Natutuwa na saad nito ngunit hindi nawawala ang pamumula ng mukha. Natawa lang ako sa sinabi nito at napailing.

Ilang minutong kulitan ay nakarating na kami sa bahay namin. The lights are on and few cars outside our house, indicating that some of my uncles and aunties are here. Ate Belle's car is also here. Why are they here?

"Seems like your whole family is here right now." Saad nito habang nakatingin sa labas, pinagmamasdan ang mga kotse. Napatango ako. Tumingin na ito sa akin at ngumiti. Lumapit ito at dinampian ng halik ang aking noo.

"I'll see you tomorrow?" Tanong nito habang nakangiti. Tumango ako at lumapit din dito para dampian ng halik ang pisngi nito. Lalo naman lumawak ang ngiti nito. She caressed my cheeks and said the words I can't comprehend.

"Significhi molto per me." She whispered, looking at me with adoration in her eyes. I smiled at her.

"Should I start learning your language?" Natatawa kong tanong kaya natawa din ito ng napapailing. She continued to caress my cheeks.

"I'll be your tutor, then." Saad nito kaya tumawa na ako ng malakas. Lumayo na ako dito at tinanggal na ang seatbelt. Bago pa ako makalabas ay may sinabi pa ito.

"Keep those smiles often on your face, baby."

I showed her my biggest smile while looking at her. "I will." Just stay with me. You're one of the reasons why I got this smiley.

Lumabas na ako ng kotse habang nakangiti at hinintay ito na mawala sa aking paningin. Bumuntong hininga ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Dinig ko sa labas ang malakas nilang boses na parang nagtatalo kaya mabilis akong nagpunta sa pinto para buksan iyon. Naudlot lamang ito ng may narinig ako nagpaguho sa aking mundo.

"Tell Adira already, or I will!" Boses iyon ng tatay ni Ate Sid na galit na galit. Nagpatuloy ako sa pakikinig.

"I don't wanna hurt my daughter, Homer!" Sigaw ni Dad ngunit sumigaw din si Tito.

"She is not your daughter from the very start!" Matigas na saad nito na nagpagulo sa aking isipan. What do they mean?

"I swear to God, Howard, if someone finds out that Adira is adopted, our ancestors hardships will be gone. So, make your decisions now." Dagdag nito kaya para akong binagsakan ng malamig na tubig sa narinig. Hindi ako makagalaw, nakatingin lamang ako sa sahig, processing their words. My tears dropped. I'm adopted.

Hindi ko namalayan na bukas na pala ang pinto ng bahay. Nakita ko sila na nakatingin sa akin ng may awa sa mga mata. I saw Ate Belle, Kuya Caleb and even Ate Sid is here. They're crying.

I looked at them, jaw clenched and my hands starting to form into fist.

"Adira..." Si Dad. I just looked at him, no emotion.

"How long are you going to keep this from me?" Mahina kong saad at yumuko. I can't look at them in the eyes. Nakita ko na yumuko ang tatlong tao na pinagkakatiwalaan ko from the very start. So they knew.

Dahil sa aking naisip ay natawa ako ng pagak, my tears are falling. Pinunasan ko ito at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Do you even have a plan to tell this to me?" Dagdag ko ngunit walang sumagot sa kanila kaya natawa na naman ako ng sarcastic. Tumingin ako kay Ate Belle.

"Ate Belle, you knew? Kuya? Ate Sid?" Parang nagmamakaawa kong tanong sa mga ito ngunit nanatili itong mga nakayuko. Nainis naman ako sa inasal ng mga ito.

"I want answers, goddammit!" Sigaw ko sa frustration at lungkot. I just want answers from them. Enough lying.

"They knew from the very start. We just don't want to hurt you—"

"It will still hurt me either way! Ang haba haba ng panahon para sabihin 'yon sa akin, pinatagal niyo pa!" Sigaw kong sabi sa mga ito ng dahil sa labis na galit at lungkot. Damn it!

"You guys have 20 years to tell me the truth pero pinilit niyo na wag sabihin sa akin. Kung hindi pa dahil sa reputation na sinasabi nito ay hindi ko pa malalaman!" Sabi ko at tinuro ang tatay ni Ate Sid.

I knew it. May tinatago rin naman pala 'tong lalaki na 'to. They're just after the reputation that they don't even care if other people will be hurt. How pathetic.

"We are still your cousin, Adi—"

"Enough, Ate Sid. I'm tired." Saad ko at lumabas na sa bahay na 'yon, kung matatawag pa nga bang bahay 'yon. It doesn't feel like home anymore.

Nag grab ako ng taxi at agad na pinapunta 'yon ng aking condo. Tulala lang akong nakamasid sa labas habang natulo pa rin ang mga luha. I didn't even bother to wipe it.

It's scary to be happy for a while because I know, we know, that there are storms coming and we don't know when it will come.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 46.1K 91
Yvette Gwen Martinez, An Archery scholar in Cromwell Univeristy, and the sole reason why the next reigning Queen extended her stay in the Philippines...
883K 34.2K 30
~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
368K 11K 45
Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical student and the eldest Tuazon suddenly...