ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

159K 1.9K 29

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB BOOK AVAILABLE ON SHOPEE
AGTCB BOOK

KABANATA 56

1.5K 23 0
By iirxsh

Kabanata 56

"K-KELLY, anak," Tila hirap na sambit ni Mrs. Tolentino. "I-Ikaw na ba 'yan? Nakauwi ka na ba talaga?"

Napatingin si Kelly sa kanyang Ama, nagtatanong ang kanyang tingin na mukha namang nakuha agad ni Mr. Tolentino.

"A-Anak, kasi..." Halatang nahihirapan na sambitin iyon ni Mr. Tolentino.

"Papa, ano po?" Inip niyang sabi, hindi inalis ang kanyang tingin sa Ama.

Napabuntong hininga si Mr. Tolentino. "Kapag kasi hindi niya suot ang kanyang salamin, malabo ang kanyang mata kapag malayuan."

"Bakit, hindi po ba nagpapatingin si Mama?"

"Nagpatingin naman," Depensa ng Ama. "Hindi ko nga lang maintindihan at bakit hindi niya lagi suot."

Nang ibinalik ni Kelly ang tingin sa Ina, hindi man lang niya namalayan na malapit na pala iyon sa kanya. Sinapo ni Mrs. Tolentino ang mukha ng anak, tutok na tutok. Ilang minuto rin na parang sinasaulo nito ang mukha ng kanyang anak.

"A-Anak, ikaw nga. Nagbalik ka na." Maluha luha na sambit ni Mrs. Tolentino.

Mahigpit na niyakap ni Mrs. Tolentino ang anak, ramdam ni Kelly ang panginginig ng kanyang Ina dahil sa ito ay umiiyak. Nakita niya kung paano iyon nilapitan ng kanyang Ama at marahan na hinaplos ang likod nito.

Hinayaan lang ni Kelly na yakapin siya ng Ina, habang yakap yakap din niya iyon pabalik.

"K-Kelly anak, p-patawad ha..." Bulong ni Mrs. Tolentino. "N-Natakot ako, eh. Tulad naman ng sinabi ko sa iyo noon, iyon pa rin naman ang dahilan ko..."

Napatingin si Kelly sa kanyang Ama. Base sa kanyang nakikita alam niyang alam iyon ng kanyang Papa. Dumating sa buhay nilang napagusapan nila ang bagay na iyon.

"M-Mama," Tanging iyon pa lang ang kanyang nasasabi, pero tila hirap na niyang sabihin. "M-Matagal ko na po iyon na tanggap, nagtanim man po ako ng galit sa inyo..." Pag amin niya. "Pero ngayon po, pinapalaya ko na iyon." Inihiwalay niya ang Ina, at nakangiti niyang hinarap kahit pa man nanlalabo ang kanyang mata. "M-Mama, pinapatawad na po kita."

Sa ilang buwan na pamamalagi ni Kelly sa bahay ng Tita ni Adam, doon niya napagtanto ang tungkol sa bagay na iyon. Sa tatlong taon kasi na pagtatago niya, namuo ang galit sa kanyang puso. Tulad na lang kung paano siya nagtanim ng galit kay Adam, na hindi man lang nalaman na may malinaw pa lang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari. Pinairal niya ang kanyang galit, kaya iyon ang nabuo niya. Iyon ang paniniwala na kanyang pinanindigan.

Kaya habang nanatili siya sa bahay ni Tita ni Adam, naisip niyang parang may kulang sa kanyang buhay. Kahit kasi nandoon ang galit niya, hindi pa rin naman nawala ang pagmamahal para sa kanyang magulang. Ganoon naman siguro talaga para sa isang anak, dumating man sa puntong magalit ka man. Natakpan man iyon pandalian, pero may lugar pa rin para manumbalik iyon.

"S-Salamat, anak... malaking bagay iyon sa akin." Tila emosyonal pa rin si Mrs. Tolentino.

Nginitian lang niya ang Ina. Naramdaman na lang ni Kelly ang mahigpit na yakap ng kanyang Ama, at kanyang Ina. Iba pa rin talaga ang yakap ng isang magulang. Walang katulad, walang kupas.

Nahiwalay lamang sila nang makarinig sila ng boses, mabilis na hinanap ng kanilang mata iyon at natigil ang tingin nila sa balkonahe na tapat lang mismo ng kanilang bahay.

"Hello, Nanay ko!" Si Riri na buhat ng kanyang Tatay, habang kumakaway pa iyon. Napangiti na lang si Kelly, at kinawayan din pabalik ang kanyang anak.

"S-Siya na ba iyong apo namin?" Sambit ng kanyang Ina, sa gilid.

Saglit niyang binalingan ang Ina. "Opo, Mama."

"Tawagin mo sila, anak. Pagsaluhan natin iyong hinanda ng Mama mo."

Hindi naman na nagdalawang isip pa si Kelly at sinenyasan na si Adam na bumaba. Mukhang nakuha naman agad iyon ni Adam, na binulungan pa niya ang kanilang anak.

MAGKAHARAP na silang lima. Si Kelly na katabi si Adam, pinagitnaan nila ang anak. Sa harap naman nila ang magulang ni Kelly. Kanina pa man sila magkaharap pero tila wala pa ring nagsasalita sa kanila.

"Ano po mayroon, Nanay?" Pagbasag ni Riri ng katahimikan, puno ng kuryosidad ang kanyang mukha. "B-Bakit tayo rito, Tatay?" Baling naman niya kay Adam.

Nauna na kasing pumasok kanina ang magulang niya, dahil hinintay niya sa labas si Adam at si Riri. Hindi pa niya nagawa na ipakilala ang anak sa kanyang magulang.

Nanatiling walang ideya si Riri sa nangyayari. Palipat lipat ang kanyang tingin sa kanyang mga magulang.

"Hmm... anak," Natigil ang tingin ni Riri sa kanyang Nanay. "S-Sila ang mga magulang ko," Tila kabadong dugtong ni Kelly. Tinuro niya ang kanyang Ama. "Siya ang Papa Kennedy ko," Tsaka naman niya binalingan ang tingin ang Ina. "Siya naman ang Mama Karina ko."

Nagulat nang makita na nagpapababa si Riri. Pero nagawa pa rin niyang ibaba ang anak, kahit wala siyang kasiguraduhan sa gagawin nito. Hinayaan niya nang lumapit iyon sa harap ng kanyang magulang.

Una itong nagmano sa Ama ni Kelly. Tsaka siya lumapit sa kanyang Ina at nagmano rin. "A-Ako po si Aden Kyrin, pero po Riri po ang tawag nila sa akin. Iyon na lang po tawag niyo rin sa akin, kayo po ano ang itawag ko?"

Napaawang ang labi ng mag asawa, hindi dahil nagulat kung hindi dahil puno iyon ng paghanga.

"P-Papa Lolo, apo." Tugon ni Mr. Tolentino. Tumango naman si Riri na parang kuha niya agad, tsaka naman niya binalingan ang kanyang Lola. "Mama Lola, apo ko..."

"Y-Yakap, Papa Lolo... Mama Lola," Hindi pa man pumayag ang mag asawa, inilahad na agad ni Riri ang kanyang maliliit na braso. Hindi naman nagdalawang isip si Mr. Tolentino at binuhat niya ang apo.

"Nagmana ka sa akin, apo." Hindi maiwasan na komento ni Mr. Tolentino habang yakap pa rin ang apo.

"Papa, sa akin po nagmana. Isa po ako sa gumawa sa kanya." Sabat naman ni Adam.

Sumama naman ang timpla ni Mr. Tolentino. Umarko ang kanyang kilay. "Sa tingin mo ba kung pinayagan kita, mabubuo mo? Ha?" Sarkastikong tugon pa nito.

Napanguso naman na umiling si Adam. "Hindi pala, eh. Kaya sa akin siya nagmana." Pinal na sambit ni Mr. Tolentino.

Hindi na sumabat pa si Adam, at napasandal na lang. Napatingin naman siya kay Kelly na tahimik lang sa kanyang tabi habang nakakunot ang noo, animo'y malalim ang kanyang iniisip.

"Pa," Muling tawag ni Adam sa atensyon ni Mr. Tolentino. Nag angat naman ng tingin ito, kaya nginuso ni Adam si Kelly. Mabuti at nakuha naman agad ni Mr. Tolentino.

Ibinigay muna ni Mr. Tolentino si Riri sa kanyang Asawa, at kinuha ang kamay ng anak. "A-Anak, nagtataka ka ba kung paano kami nagkaayos ni Adam?"

Hindi naman nagdalawang isip si Kelly na tumango. "Opo, Papa."

*Flashback*

"ANO na naman ang ginagawa mo rito?"

Nasa may pintuan pa lang si Mr. Tolentino pero iyon na agad ang kanyang bungad kay Adam. Kita pa rin ang galit sa kanyang mata, wala pa ring pinagbago iyon simula noong nagpunta si Adam sa kanya. Iyon iyong panahon na kakaalis pa lang ni Kelly sa kanilang bahay.

"I want to talk to you and your wife, sir." Tugon naman ni Adam, pilit na nilalabanan ang tingin ni Mr. Tolentino.

"Para saan pa?" Sigaw ni Mr. Tolentino. "Hindi pa ba malinaw sa iyo iyon mga sinabi ko noong huling beses na nagpunta ka rito?!"

Napabuntong hininga si Adam. "Sir, please. Kahit huli na ito." Pakiusap niya.

Nakahinga ng maluwag si Adam nang makita na naglakad na si Mr. Tolentino patungo sa kanya. Pinagbuksan siya ng gate, kaya naman bago pa magbago ang isip nito. Pumasok na agad siya.

Nadatnan nila si Mrs. Tolentino sa loob, habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Hindi pa sila agad nakita dahil tutok iyon sa kanyang pinapanood.

"M-Ma'am," Tawag ni Adam sa atensyon ni Mrs. Tolentino. Hindi naman siya nabigo dahil nakuha niya agad ang atensyon nito.

Nagtataka pa si Mrs. Tolentino noong una, hanggang sa nabaling ang tingin niya sa Asawa. "Gusto niya raw tayong makausap." Sambit naman ni Mr. Tolentino.

Iminuwestra ni Mrs. Tolentino ang sofa sa kanyang harapan, at tsaka pinatay muna ang telebisyon.

Tumikhim si Adam. "Nandito po ako para humingi ng tawad sa inyo, sa nangyari sa amin ni Kelly. Wala po akong pinagsisihan, dahil nalaman ko po na buntis siya... at may anak kaming dalawa."

Nagdilim ang paningin ni Mr. Tolentino. "Wala kang pinagsisisihan? Pero bakit nasa harapan kita ngayon? Kasi kung wala kang pinagsisishan, dapat naka suporta ka sa kanya at wala ka dito ngayon!"

"Nahanap ko na sila, sir," Pag amin ni Adam. "Pero bago ako pumunta roon, dumaan muna ako sa inyo para hingin ang kapatawaran niyo. Para na rin sabihin kung ano nga ba ang totoong nangyari."

Nagkasalubong ang dalawang kilay ng mag asawa. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka na sambit ni Mrs. Tolentino.

Huminga ng malalim si Adam, bago inayos ang kanyang pagkakaupo. "Noong gabi po ng announcement na ako ang papalit na CEO, ang totoo pong nangyari noon ay naabutan ko si Kelly sa banyo na hawak hawak ng isang lalaki... balak na niyang gahasain, pero nakarating ako agad. Iyon nainom niya ng gabi na iyon, may hinalo po... kaya po hindi ko agad siya nagawang ma-iuwi, dahil malala po ang naging epekto noon sa kanyang katawan. Isa rin sa dahilan kung bakit iyon nangyari."

Parehong napasinghap ang mag asawa, hindi sila makapanila sa narinig. "N-Nasaan na iyong lalaki? Dapat siyang managot!" Nanginginig na sigaw ni Mrs. Tolentino.

"Ako na po ang bahala, ma'am."

"Bukod pa roon, ano pa ang dapat naming malaman?" Seryosong sambit ni Mr. Tolentino.

"Iyong babae po na nagpunta rito sa inyo, siya ay may kagagawan noon." Kita niya kung paano natigilan ang mag asawa, animo'y may inaalala. Nanlaki ang mata ng mag asawa, at nagdilim ang kanilang paningin. "Sinasabi ko na nga ba, duda pa rin ako. Kahit pa ganoon ang kanyang pinakita sa amin!" Hindi maitatago ang galit sa boses ni Mrs. Tolentino.

"Naiintindihan ko po kayo..." Sang ayon naman ni Adam. "Isa po sa dahilan kung bakit kinailangan pa ni Kelly na dumayo ng Manila para lang mapuntahan ako, ay dahil monthsary po namin ng araw na iyon. Ang kaso po, hindi ako nakapunta dahil may inaayos ako sa kumpanya namin dahil sa kagagawan na naman po ni Noreen na hindi ko man lang namalayan." Paliwanag pa ni Adam.

"Kung ganoon, bakit napaaga ang uwi ni Kelly dito?" Nagtataka na sambit ni Mr. Tolentino.

"Naabutan niya kami ni Noreen, pero isa iyong maling akala... dahil wala pong nangyari, sadyang pinaniniwalaan niya po ang kanyang nakita." Depensa ni Adam sa kanyang sarili.

Napatango naman si Mr. Tolentino. Lumamlam ang kanyang ekspresyon. "S-Sana sa mga sinabi ko, kahit paano nakuha mo ang punto ko... pero ngayon na napakinggan ko ang paliwanag at mga totoong nangyari. Hihingin ko rin ang kapatawaran mo."

"S-Sir," Tila gulat na sambit ni Adam, hindi niya inaasahan.

"Papa na," Pagtama ni Mr. Tolentino. "Ganoon na rin sa akin," Dagdag pa ni Mrs. Tolentino. "Kaya hinihiling kong madala mo rito ang anak ko, ang pamilya mo. Maghihintay kami." Dugtong pa ni Mr. Tolentino.

Nakangiting tumango si Adam. "Makakaasa po kayo, Papa, Mama."

*End of Flashback*

"S-Salamat," Baling ni Kelly sa kanyang katabi. "Kaya pala hindi na ako nahirapan kanina..."

Ngumiti naman si Adam. "Anything for my baby."

"Tatay, halika na po. Gutom na po ako!" Nakagusong sambit ni Riri, habang nakatingala iyon sa kanyang Ama. Hawak hawak pa nito ang dulo ng kanyang short. Hindi rin nakaiwas ang halakhakan sa loob ng bahay.

Binuhat naman na agad ni Adam si Riri at dinala sa kusina, kasabay ng pagdating ni Tita ni Adam at kanyang pinsan na si Jaylyn. Bumati lang sila tsaka na nila tinungo ang kusina, kung saan naroon na si Adam at ang kanyang anak.

"Anak," Napatingin si Kelly sa kanyang Ama.

"Alam kong nagtanim ka ng galit sa amin ng Mama mo, pero salamat kasi binigyan mo pa rin kami ng pagkakataon." Sinseridad na dugtong ni Mr. Tolentino.

"Ma, Pa... kung walang magulang na kayang tiisin ang kanilang anak, ganoon din po ang paniniwala ko bilang anak... hindi kailanman kayang tiisin ng isang anak ang kanyang mga magulang."

Napangiti ang mag asawa. Halos sabay nilang hinagkan sa noo ang anak at niyakap. Malugod naman na tinugunan iyon ni Kelly, at hindi rin niya napigilan na mapangiti sa sumunod na sinabi ng Ama.

"Ipinagkait man namin ito sa iyo noon, pero napatunayan mo naman sa amin na kaya mo. Hanga kami sa iyo anak, deserve mo ito. Deserve mo ang sumaya, kasama ang iyong sariling pamilya."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 82 17
She will always be the calm splatters of the rain, the lullaby of a starry night, the whisper of the mellow breeze, the soothing symphony of the ocea...
130K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...