ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

Galing kay iirxsh

113K 1.4K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... Higit pa

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 54

1.1K 16 0
Galing kay iirxsh

Kabanata 54

NAGISING si Kelly na parang may mabigat na kamay na naka-dantay sa kanya, nararamdaman pa niya ang paghinga banda sa kanyang dibdib. Kahit gusto pa niyang matulog, pinilit niya ang sarili na magising. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Adam na nakayakap sa kanya at nakasubsob ang mukha sa bandang dibdib niya.

Tinapik tapik niya iyon, pero narinig niyang umungol lang si Adam. Mas sumiksik pa sa kanya at humigpit pa ang yakap nito.

Gusto na lang mapakamot ni Kelly sa kanyang ulo, kaso pati iyon hindi niya magawa dahil sa pagkakayakap ni Adam sa kanya.

Natauhan si Kelly nang mapagtanto niyang wala na doon ang kanyang anak na si Riri. Noong natulog kasi sila, sa gitna nila ang bata. "A-Adam, si Riri..." Halata ang pagkataranta sa kanyang boses.

Mukha namang narinig iyon ni Adam at napadilat ang kanyang mata. Doon lang napagtanto ni Adam ang kanilang posisyon na dalawa.

"S-Sorry," Paghingi nito agad ng tawad.

Humiwalay si Adam at nagkatinginan silang dalawa. Mabilis na napaiwas ng tingin si Kelly dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang itsura lalo na't kakagising lang niya.

"Si Riri," Tanging sambit na lamang niya.

"Y-Yeah, I'll look for h--."

Hindi na natapos pa ni Adam ang kanyang sasabihin dahil narinig nila ang boses ng kanilang anak. Nang dumako ang tingin nila sa kung saan banda nila iyon narinig, gusto na lang nilang pagbaskan pareho ng balikat dahil iba ang ipinaparating na tingin ng kanilang anak.

"Good morning po, Nanay at Tatay ko..." Magiliw nitong bati, hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi na para bang pinaparating na tagumpay ang kanyang plano. "Kumusta po ang tulog niyo? M-Masarap po ba?" Dugtong pa niya, tsaka iyon humagikgik.

Nasapo na lang ni Kelly ang kanyang noo. "A-Anak?" Hindi makapaniwala na sambit ni Kelly. "Saan galing 'yan!"

"Jay!" Sigaw ni Adam, kulang na lang lumabas na ang kanyang ugat sa pagsigaw. Hindi pa man nasasagot ng kanyang anak, alam na agad niya kung kanino iyon galing.

Hindi nga niya mawari kung paanong si Jaylyn pa ang pinag-aapply niyang nanny para sa kanyang anak, kung sana may iba pa siyang pagpipilian. Ang kaso wala na.

"Jaylyn!" Pag uulit niya, tuluyan ng umalis si Adam sa kama at lumapit sa kanyang anak.

Nang saktong papalapit sa siya sa kanyang anak, tsaka naman lumabas si Jaylyn sa likod nito.

Masamang tingin ang binabato ni Adam sa kanyang pinsan. Hindi pa man siya nakakapagsalita, naka-peace sign na agad ito sa kanya. May naglalaro pa na ngiti sa kanyang labi.

"What the hell are you teaching my son?!"

"Bunganga mo, Adam!" Suway naman ni Kelly, na kakatayo lamang sa kama at lumapit na rin kanila Adam.

Mabilis naman na napalingon si Adam sa kanyang likod. "S-Sorry, baby."

Nakatanggap lang ng kurot sa tagiliran si Adam na siyang ikinadaing niya pero ikinahalakhak naman ng kanilang anak na tamang nakikinig lang sa kanilang harapan. Mukhang tuwang tuwa pa sa kanyang nakikita.

"B-Baby," Ungot ni Adam.

Tumaas naman ang kilay ni Kelly. "Ano?!"

"I'm sorry," Ulit niya, at yumakap pa iyon sa kanyang baywang.

Nakarinig naman sila ng tumikhim sa kanilang gilid. "Wow, akala mo pinatawad na, ah. Kung makayakap."

Nahihiya naman na tinatanggal ni Kelly ang kamay ni Adam. "Don't listen to her..." Bulong ni Adam, at hindi hinayaan si Kelly na makaalis mula sa kanyang pagkakayakap.

Hinarap muli ni Adam si Jaylyn. "Don't change the topic, Jay!" Asik ni Adam. "What are you trying to teach my son?" Pag ulit niya sa kanyang tinanong kanina.

Umarko ang kilay ni Jaylyn. "Bakit hindi ba masarap?" Nanunubok ang kanyang tingin. "Hindi ba masarap ang tulog at gising niyo?" Dugtong pa niya.

Natigilan ang dalawa. "Huwag niyo ng sagutin, alam ko na ang sagot." Muling tugon ni Jaylyn, at may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

"Bilisan niyo na, kayo na lang ang hinihintay." Nakangising dagdag pa ni Jaylyn. "Totoo ngang masarap ang tulog, hindi agad nagising, eh."

*Flashback*

"WOULD you come with me?"

Natigilan si Kelly nang marinig iyon na sabihin si Adam. Saglit siyang napaisip, kung ano nga ba ang dapat niyang sabihin dito. Napatingin siya sa kanyang anak, na tingin niya mahimbing na natutulog.

Ang dahilan naman niya kung bakit siya lumayo ay ang kaharap na niya, kaya siguro wala ng dahilan para manatili pa siya rito. Panahon na rin siguro para bumalik siya, at harapin ang mga taong tinalikuran niya.

Tipid na tumango si Kelly. "O-Oo,"

"Thank you, baby."

Hindi maitatago ang ngiti ni Adam pero agad din iyon nawala sa sinabi ni Kelly. "Maka-baby ka naman, hindi pa nga kita pinapatawad."

Napanguso si Adam kaya hindi maiwasan na mapangiti ni Kelly. "I know," Sang ayon naman niya. "But I'll work on it."

Nagawa pa na magkibit balikat ni Kelly. "Tingnan natin kung hanggang saan mo kakayanin."

*End of Flashback*

PAGKARAAN ng ilang oras na pagbabyahe nila, narating din muli nila ang Lingayen. Sa naging byahe kasi nila tahimik lang iyong mga kasama nila sa likod, na sina Alex at Jaylyn. Pinagitnaan nila si Riri na natulog lang sa buong byahe, ginising lamang nila kapag titigil at kakain.

Huminto naman ang sasakyan ni Adam sa mismong harap ng bahay ni Alex. "Tuloy muna kayo," Alok ni Alex, bago niya buksan ang pinto at tuluyan na bumaba.

"No, thanks, but we're going home." Angal naman ni Jaylyn, na hindi man lang hinarap si Alex. Nanatili ang tingin sa bintana, animo'y tinitingnan ang paligid.

Nangunot naman ang noo ni Adam sa inasal ng kanyang pinsan. "Jay!" Suway niya. Bago binalingan si Alex. "Yes, we will come in."

"What? No way!" Tuluyan ng humarap si Jaylyn at busangot ang kanyang mukha.

"If you don't want to come in, then don't. Stay here! Whatever your problem with him, we're out of it."

Bumaba na si Adam, at pinag buksan ng pinto si Kelly. Tsaka sila lumipat sa kabila para magising ang kanilang anak.

"Anak, gising na..." Marahan na tinapik ni Kelly ang pisngi ni Riri. Hindi naman siya nahirapan dahil agad niyang nagising ang anak. Dahan-dahan iyon na nag dilat.

Bahagyang bumangon si Riri. "N-Nanay? Nandito na po tayo?" Inilibot pa noon ang kanyang tingin.

"Nasa bahay tayo ni Tito Alex mo, kakausapin namin ang magulang niya." Tugon ni Kelly. "Gusto mo bang sumama sa loob?"

Tumango naman si Riri tsaka inalok ang kamay sa Nanay. Bago pa man makuha ni Kelly ang bata nagsalita na si Adam. "Ako na bubuhat sa iyo, anak..."

Gumilid na lang si Kelly dahil pumayag si Riri. "Maiiwan ka talaga dito?" Baling ni Kelly kay Jaylyn. Tumango naman ito. "Sure ka na?" Muli iyong tumango. "Sige, saglit lang naman kami sa loob."

Sumunod lang sila kay Alex. "Nasabi mo bang uuwi ka na?" Tanong ni Kelly ng makalapit kay Alex, saglit siyang binalingan nito. "Nasabi ko na, tumawag ako sa kanila."

Nang makalapit sila sa pintuan, tatlong beses na kumatok si Alex. "Tay, Nay!" Pagtawag niya. "Nandito na po ako, kasama ko si Kelly at si Sir Adam."

"Ako po, Tito Alex?" Inosenteng sabat ni Riri, buhat buhat ng kanyang Tatay. "Anino na po ba ako sa iyo, Tito Alex?"

Hindi naman napigilan ni Alex na matawa. "Ay sorry, kala ko kasi sinamahan mo si Tita mo, eh."

"Hindi mo po ba ako nakikita sa harap mo ngayon, Tito Alex?" Kunot noo na sabi ni Riri. "Ulitin mo po Tito, sabihin mo po kasama mo rin ako."

Natatawa pa rin na tumango si Alex. "Nay, Tay," Tawag niyang muli. "Kasama ko rin po pala si Riri."

Binalingan naman ni Alex si Riri, na mukhang nasiyahan naman sa kanyang narinig.

"Okay na po?"

Nakangiting tumango si Riri. "Opo, Tito Alex. Salamat po."

Nang saktong humarap si Alex, bumukas naman ang pinto at bumungad ang Ginoo. "Nako! Nandito na pala kayo, kanina pa ba kayo? Medyo mahina na kasi pandinig ko, eh. Hindi ko agad narinig." Sunod-sunod na linyahan ni Mr. Galvez.

"Kararating lang po, Tay." Tugon ni Alex at nagmano sa kanyang Tatay. Lumapit na rin si Kelly at nagmano kay Mr. Galvez. Ganoon na rin ang ginawa ni Adam at bumalik sa kanyang pwesto.

Napanguso naman si Riri. "Ako po, mano rin..."

Nakuha ni Riri ang atensyon ni Mr. Galvez "Siya na ba iyon? Aba ka-gwapo naman palang bata, oh." Si Mr. Galvez na ang lumapit, at inalok ang kanyang kamay. Inabot naman iyon ni Riri at nagmano rito. "Kaawaan ka ng Diyos apo..."

"Salamat po, Lolo. Gwapo ka rin po," Komento pa ni Riri.

Napangiti naman si Mr. Galvez. "Magkakasundo tayong dalawa." Tumango tango si Riri na animo'y kaedad ang kausap. "Opo," Sang ayon pa niya.

"Tuloy kayo sa loob," Alok ni Mr. Galvez. "Naghanda ang Misis ko."

PAGKATAPOS nilang paunlakan ang imbitasyon na tanghalin ng magulang ni Alex, kinuha naman ni Adam at Kelly ang pagkakataon na iyon para makausap ang magulang nito kasama na si Alex.

Iniwan muna nila si Riri sa pinsan ni Adam na si Jaylyn, natawag din naman kasi nila kanina dahil wala daw siyang makausap. Hindi rin naman nakatiis.

"A-Auntie, Uncle..." Panimula ni Kelly, ramdam ang kaba nito. Sa tagal kasi nilang hindi nagkita o nagkausap man lang sa telepono dahil nga iniiwasan nila. Hindi niya maitago ang hiya na nararamdaman sa mag-asawa. "G-Gusto ko pong magpasalamat sa inyo. Alam ko po na ilang taon kong hiniram sa inyo si Alex, napakalaking tulong po iyon sa akin... sa amin ng anak ko, at iyong pananatili niyo pong tahimik sobra pong nakatulong din sa amin para hindi kami magulo doon... Iyong lugar na tinuluyan namin, lahat po ng ginawa niyo para sa akin. Lubos po akong nagpapasalamat."

Tipid na ngumiti si Mr. Galvez, tila pinaparating na normal iyon sa kanila. "Alam mo, anak... hindi ka na iba sa amin," Tugon pa nito. "Magulang din kami, kaya ka namin naiintindihan."

"Sana ngayon na nakabalik ka na, buksan mo ang iyong puso mo... para naman sa pagpapatawad." Saad naman ni Mrs. Galvez. "Nanggaling sila dito, at hinahanap ka. Pero tulad ng pangako namin sa iyo, nanatili kaming tahimik kaya hindi namin sinabi kahit ano pa ang kagustuhan namin dahil tulad namin, magulang din sila..." Inabot ni Mrs. Galvez ang kamay ni Kelly, at marahan na hinahaplos iyon. "Iyon nga lang, nasabi namin sa dati niyong Amo... kasi alam ko kailangan niyo ng trabaho, kaya nagawa naming sabihin sa kanya."

"Auntie, ayos lang po sa amin..." Nasabi naman ng Boss niya iyon dati noong panahon na pinuntahan sila sa bahay na tinutuluyan nila. "Sobrang laki naman po ng naitulong noon sa amin."

Bumaling naman si Kelly kay Adam, nagtatanong ang kanyang tingin kung may gusto nga bang sabihin ito. Tumango lang si Adam sa kanya.

"Alex," Pagtawag ni Adam sa atensyon nito, na kanina pa tahimik mula ng kumain sila.

Nag-angat naman iyon ng tingin. "I know we didn't start in a good way, and I want to apologize for that. Also, take this chance to personally thank you for everything that you've done for Kelly and my son Riri."

Iwinaksi naman ni Alex ang kanyang kamay, at umiling iling pa. "Alam mo, sir... Wala na sa akin iyon... hindi na nga rin ako umangal pa dahil ramdam kong kay Kelly ayos na, kaya alam kong wala kang ginawang masama. Iyong mga ginawa ko naman kay Kelly, siguro para sa isang kaibigan normal iyon. Kaya ayon."

"Ang plastic mo," Natatawa na sabi ni Kelly, umiling iling pa. Kung titingnan kasi napakalayo ni Alex sa kung paano niya kausapin si Kelly.

"Girl, baka tanggalin ako niyan." Halakhak naman ni Alex.

Natigil naman silang dalawa nang magsalita si Mrs. Galvez. "Siya ang bago niyong Boss?" Puno iyon ng pagtataka. Wala sa sariling napatango naman sila pareho.

"S-Sir, nako... pasensya na sa bahay namin ha, iyong mga niluto ko ba kanina. Masarap? Nakakahiya." Napatakip pa sa mukha si Mrs. Galvez. "Kung alam ko lang sana, nag order na lang ako." Dugtong pa nito, na tila aligaga pa rin.

Mabilis naman na inawat iyon ni Alex. "Nay, ayos lang 'yan kay sir. Hindi naman maarte 'yan."

"Talaga ba, sir?" Tila hindi sang ayon na komento pa ni Mrs. Galvez.

Tipid naman na ngumiti si Adam. "Yes, ma'am."

Pabirong napapalo si Mrs. Galvez kay Adam na ikinagulat naman nito. "Nako, huwag na ma'am. Auntie na lang, hehe."

"Nay, ano po ba 'yan!" Pigil ni Alex kay Mrs. Galvez, kahit siya ay nagulat sa inaakto ng kanyang Ina.

"It's fine, Alex," Putol naman ni Adam. Tumikhim muli si Adam bago binalingan ng tingin ang mag asawa. "Sir, ma'am... gusto ko rin po sanang kunin ang pagkakataon na ito, para pasalamatan kayo sa ginawa niyong tulong kay Kelly." Pormal niyang sabi. "At sana rin po matanggap niyo ang regalo ko pamilya niyo."

"Sir, hindi naman kailangan." Angal ni Alex, ngunit hindi iyon pinansin ni Adam. Nanatili ang kanyang tingin sa magulang ni Alex, naghihintay ng kanilang sasabihin.

"Depende 'yan sa regalo na tinutukoy mo, dahil kung pera... hindi namin matatanggap 'yan." Seryosong tugon ni Mr. Galvez.

Umiling naman si Adam. "Gusto ko po sanang bigyan ng scholarship iyong mga kapatid pa ni Alex, at kung nangangailangan po kayo ng trabaho... sabihin niyo lamang sa akin, handa po akong tumulong."

Nagliwanag ang mukha ng mag asawa. "T-Talaga ba? Nako, maraming salamat. Tatanggapin talaga namin 'yan, malaking tulong para sa mga anak namin." Tugon ni Mr. Galvez. Hindi maipaliwanag ang kanilang kasiyahan.

Hindi rin maitago ang ngiti sa labi ni Alex. "Salamat, sir..."

Bumaling naman si Adam kay Alex. "Thank you, Alex. I also want to give you a gift. I know how much you are dedicated to your job. I've witnessed that. So, now I own the Lingayen branch..." Saglit na huminto si Adam. "I want you to be the manager."

Namilog ang mata ni Alex na para bang hindi makapaniwala, nakaawang pa ang kanyang labi. "T-Talaga, sir? Walang halong biro? Sure talaga 'yan?" Sunod-sunod pa niyang tanong.

Nakangiting tumango si Adam. "Yes, you are promoted." Pag kompirma ni Adam. "Congratulations, Mr. Manager."

Itutuloy...

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

360K 19K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.3K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3.1K 201 33
I once had a happy family As time goes by my father pressure me My mother died I made a mistake My boyfriend left me I let someone i knew entered my...
4.6K 163 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...