Loving My Brother #2: Who's T...

By ziryanggg

58.6K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... More

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 125:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 135:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Chapter 148:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 140:

743 52 7
By ziryanggg

Thrale's POV

Nandirito ako ngayon sa bintana ng bahay nila Gio. Ilang araw na ang lumipas simula nang mag-usap kami ng aking kapatid. Hindi na nasundan iyon dahil parang iwas na iwas siya sa akin. Ngayon, ang mga mata ko ay nakatingin sa iisang direksyon. Nasa bintana pero ang tingin ay nasa ibaba. Nakatingin sa labas kung saan kakababa lang ni Thrizel sa kotse ni Blue. Oo, magkasama na naman sila ni Blue. Na naman dahil halos araw-araw.

Kakatapos lang ng aking duty, nakapolice uniform pa akong pumunta sa kaarawan ni Gia. Hindi naman ako pupunta kung hindi ako kinulit ng batang 'yon. Hindi raw ako makakapasok sa bahay nila kapag hindi niya ako nakita ngayon. She's 15 years old now pero tila mala-lumang Blue ito kung mag-isip. Masyadong bata. Siya yata ang nagmana ng ganoong ugali ng lalaking 'yon.

"You can't take your eyes off to your sister." Rinig kong sabi ni Gio. Kahit nasa laptop ang kaniyang paningin, alam niya pa rin kung kanina ako nagmamasid. "Are you jealous? Dapat masanay ka na. Kahit dati, laging magkasama ang dalawang 'yan. Ayaw na ayaw ni Blue na mahiwalay sa kapatid mo."

Napahinga nalang ako nang malalim doon. Wala akong balak magsalita. Pinapanood ko lang si Thrizel na kausap ang mga kaibigan ni Gia. Wagas ang ngiting nilalaan niya rito. Mukhang hindi niya nararamdaman ang mga titig ko. Mabuti kung ganoon.

"Mamayang tanghali, I have to go back to school, I still have class."

Tinanggal ko na ang paningin ko sa kapatid ko. Lumapit ako kay Gio na hanggang ngayon ay nakatutok sa laptop. "Panood ng second evidence. Pumuntang presinto ang witness kanina so kanina lang iyan binigay. I haven't watched it yet."

Pinindot niya ang isang video. Madilim agad ang bumungad dahil sa madilim na naman nangyari ang krimen. Pinatay ang isang lalaki. Tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag, sapat na para mapanood. Natapos ang video sa oras na isang minuto at dalawampung segundo. Ngayon, hindi putol ang pagkakakuha.

"Mukhang kailangan mo nang kumilos, Mr. Policeman." Pinatay ni Gio ang kaniyang laptop. "Tinanong mo ba ang witness kung kailan ito naganap? Kung hindi kikilos ang headquarters niyo, madadagdagan ang mga biktima."

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. "Pakiplay nga ulit ng video." Nagtaka siya sa aking utos pero ginawa rin naman. Pinakinggan ko muli hanggang matapos. Tumingin ako kay Gio. "May naririnig akong boses ng bata."

"Oh?" Nanahimik kaming dalawa dahil pinlay muli ni Gio para siyasatin kung tama ba ang aking narinig. "Mayroon nga, sino naman ang batang 'to? Umiiyak e."

"Pakiramdam ko, anak ng biktima. Hindi nakuhaan ng camera." Sumandal ako sa lamesa. Pinagpatong ko ang aking binti para mag-isip. "Kung susundan namin ang mayor, mahihirapan kami." Napapikit ako nang may maalala. "Matagal na yatang naganap ang video na 'yan. Half moon lang kagabi, full moon ang nasa video."

"Oh, anong gagawin mo?" Tumayo na siya sa kaniyang p'westo. Hinubad niya ang suot niyang salamin. "Kumikilos ka na dapat, baka mas lalong dumagdag ang mga pinata-"

"Nahinto ang case tungkol sa mga lalaking pinapatay."

"Kung ganoon, kausapin mo na si Dominic. Makakatulong ang lalaking 'yon sa problema mo."

Lumabas na siya ng kwarto kaya sumunod ako. Ingay agad ang bumungad sa amin dahil maraming bisita si Gia. Dumiretso si Gio sa kusina, ako naman ay umupo sa sofa kung saan puro batang lalaki ang nakaupo. Hinubad ko ang black shoes dahil pinatong ko ang mga paa ko sa lamesa.

"Mamang Pulis, p'wede po bang pakibaba ng paa niyo?" Pipikit na sana ako nang kumalabit ang lalaking payat. Para manahimik 'to, binaba ko nalang ang paa ko.

Hinanap ng aking mga mata si Thrizel. Hays, ano pa nga bang makikita ko? Magkasama na naman sila ni Blue. Pero sandali, nakatulala si Blue sa iisang direksyon kaya sinundan ko 'yon. Nagulat ako nang makita si Anissa. Pumunta rin siya rito? Sabagay, malapit din sa isa't isa sina Gia at Anissa kaya hindi na dapat ako magtaka. Ang pagtakahan ko dapat, itong si Blue. Nakakahinala kasi ang mga tinginan nito. Lumapit ako sa kanilang gawi dahil nakita ko si Gia'ng papalapit kay Blue habang may dalang aso.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa mga 'to. Umiling si Blue bilang tugon. Nakaupo si Thrizel, mula sa akin ay nakatalikod. Hindi niya man lang nakuhang humarap. "Gia, saan galing iyang aso mo?"

"Binili ko po!" Matinis niyang sigaw. Nilapit niya ito kay Blue. "Hey, Kuya Blue, may aso akooo! Makipaglaro tayo sa kaniyaaaaa!"

Naiirita namang nilalayo ni Blue ang aso ni Gia. "Ilayo mo sa akin 'yan! 'Yong balahibo, dumidikit sa damit ko!"

Tila walang narinig ang isa. Tuloy pa rin siya sa kagustuhan niyang isiksik ang aso sa katawan ni Blue. "Maglaro na kasi tayo! Look! Tuwang-tuwa nga siya sa 'yo! Mamaya kakagatin ka nito dahil tinataboy mo siyaaaaa!" Matangkad si Blue kaya nakatingkayad itong babae habang inaabot ang aso.

"I don't like dogs, okay? Ilayo mo na sa akin. Kung gusto mo ng kalaro, maghanap ka riyan sa mga kaibigan mo. O kaya iyang si Thrale, yayain mo." May napapansin ka ba? Ako, mayroon. Simula nang makasama niya si Thrizel, bihira nalang siya magsalita ng ingles at magsungit. Mukhang napapalambot ng aking kapatid.

"Stop that, Gia. Marami ka namang friends, you can ask them." Pangingialam na ni Thrizel. Nakaharap na ito sa amin ngayon habang kumakain ng lollipop.

"Wahhhhh! Ate Thrizel, that's my lollipopppp!" Binitawan ni Gia ang aso kay Blue kaya walang nagawa ang lalaking nakabusangot kun'di ang buhatin. Nilapitan niya ang isang balot na lollipop. "Huhu, this is my favorite candy. Lagi mo pong kinakain ang candy ko. Huhuhu."

"I only took one." Depensa niya sa sarili niya. "Saka ako naman ang nagregalo sa 'yo nitong candy so p'wede akong kumuha ng isa."

Ngumuso si Gia. "Fine. Bilihan mo pa ako ng maramiiiii, please!"

"Tomorrow."

"Yeheyyyy!" Mabilis na tinungo ni Gia si Blue. Inagaw niya ang aso rito at nagtatalon-talong umalis. Napailing-iling ako. Salungat sila ni Gio ng ugali.

"Hey, bro, I need to go. Kung may tanong ka, puntahan mo nalang ako sa klase ko." Paalam ni Gio na pababa ng hagdan. Naka-uniporme na siya ng pang-guro. Tumango nalang ako rito.

Wala naman kaming nagiging usapan nina Thrizel at Blue kaya pinuntahan ko nalang si Anissa na nag-aasikaso. Kahit kailan, alam niya talaga kung paano i-manage ang mga bata. Panay ngiti siya sa lahat.

"Tulungan na kita." Bulong ko sa kaniya.

Nagulat pa siya sa akin. Nailayo ang mukha. "Thrale, wala ka bang duty? Kaya ko naman na 'to, dapat nagpapahinga k-"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Anissa nang may kumalabog sa p'westo ni Thrizel. Hindi ko alam kung saan nagmula 'yon, ang alam ko lang kapatid ko ang may kagagawan. Nababaliw na naman ba ito? O baka naman si Blue ang may pakana dahil maayos naman na ang ugali ng kapatid ko kumpara dati.

Nalipat ang atensyon ko sa pintuan nang pumasok si Dominic. Isa lang naman ang dahilan niya kung bakit siya nandirito kaya bago pa siya makalapit kay Thrizel, hinarang ko na 'to para makipag-usap.

"Can we talk? About case."

"Sure." Ngumiti siya sa akin ng pilit. "Puntahan ko lang ang kapatid ko." Nilagpasan niya na ako para puntahan si Thrizel. Kapatid ko? Naiilang ako sa binanggit niyang 'yon. Parang dati ako ang nagsasabi niyon. Ilang minuto lang ang lumipas, binalikan niya na ako. "Let's go, Thrale."

Naglakad kami palabas. Tinungo namin ang kotse niyang kulay itim. May dala akong kotse pero dahil nga makikipag-usap, kay Dominic ako nakasakay.

"Saan mo ba gustong pag-usapan? Resto? Or sa bahay?" Pagtatanong nito habang nakahawak sa manibela.

"Dito na lang, sandali lang," sagot ko. Magsasalita na sana nang may pumasok sa backseat. Nagulat ako nang sina Thrizel at Blue 'yon. Pansin ko ring natigilan ang kapati-taong mahal ko nang makita ako.

"Akala ko hindi pa kayo sasama e. Tsk." Tukoy ni Domonic sa dalawa. Pinaandar niya na ang kotse. "So what is it, Mr. Wrent?"

"May kaso akong tungkol sa mayor. Kung gusto mong mapanood ang video na ebidensya, maari tayong mag-usap kung hindi ka abala," sabi ko. "Sa kabilang barangay nangyayari 'to. Alam kong magtataka ka kung bakit sa amin dumiretso. Hawak ng mayor ang mga pulisya roon. Kung magsusumbong siya, malamang pinahamak niya lang ang kaniyang sarili." Pansin kong nangunot ang noo ni Dominic. Tila ba may napansin sa sinabi ko. "What's wrong?"

"May napansin lang ako. Tuloy."

"Dalawa ang ebidensya, dalawang lalaki na ang pinatay. Sa pangalawa, may naririnig akong boses ng batang babaeng umiiyak."

"Anong sabi ng witness? Paano niya nakukuha ang ebidensya?"

"Noong una, siya mismo ang nakasaksi sa krimen. Pangalawa, pakiramdam ko galing sa bahay ng mayor dahil matagal na ang ganap. Siya mismo yata ang kumuha roon."

Biglang natawa si Dominic. "Mukhang may alam siya sa mayor. Kunin mo lahat ng ebidensyang binibigay ng witness, ako mismo ang tutulong sa kaniya. Kapag may sapat ng ebidensya, tatawagan kita para arestuhin ang alkalde. Pakisend na rin sa akin lahat ng mga binibigay ng witness sa 'yo."

"Alam ko kung bakit ako nanghihigi ng tulong. Hindi ako p'wedeng kumilos ng mag-isa. Habang pinapanood ko ang dalawang video, may napuna ako." Sinabi ko ang napuna ko dahilan para matigilan siya sa pagmamaneho. Animong naintindihan agad ang sinabi ko.

"Mukhang kailangan mong maging aktibo kapag tungkol sa alklade." Napailing-iling pa siya.

Natigil ang aming pag-uusap hanggang magtanong si Blue sa aming likuran. Hindi seryoso ang kaniyang mukha. Kalmado lang 'to. "Naguguluhan lang ako, Dominic, huh? Paano ba kayo naging magkapatid ni Thrizel? Hindi naman kayo magkamukha."

Napatingin pa si Dominic sa tanong ni Blue. Natawa pa ito nang mahina. "Hindi mo alam? Hindi ba nakwento ni Thrizel sa 'yo? Halos araw-araw nga kayong magkausap ni Thrizel nang umalis siya." Napatingin ako kay Blue dahil sa sinabi ng katabi ko. Si Blue sana ang makikita ko pero hindi, si Thrizel na nakatingin sa akin. Binalik ko nalang ang tingin ko sa harapan.

"Si Thrizel ang unang inampon sa amin kaya nang may kumupkop sa akin. Kahit bata at pinagbabawalan ako ng aking mga magulang, pinupuntahan ko siya. Lahat ay alam ko tungkol sa kaniya. Nanghingi ako ng tulong sa aking mga magulang pero sinabihan nina Tita Threa at Tita Line na huwag mangialam. Kinakausap din ako ni Tita Threa na tigilan ko na ang aking kapatid. Simula niyon, hindi ko na nakita si Thrizel. Pagkakataon nalang iyong parehas kaming pinasukang paaralan, panay ako manman." Napangiti siya sa naisip. "Sinabihan ko pa si Thrizel na stay away from your brother dahil alam kong mahuhulog siya. See? Ano itong ngayon?" Sumabay si Blue sa tawa ni Dominic dahilan para mapasimangot ako. Mula sa front mirror, parehas kami ng reaksyon ni Thrizel. "Sandali nga, bakit parang hindi ko nakikita sina Kein at Callum? Doon sa welcome party, hindi ko rin sila nakita. Nagpa-occupational theraphy treatment na iyan si Thrizel sa America. Naalala niya ng kaibigan niya si Callum. Hays, natatawa na nga lang iyan na siya ang may gawa ng peklat ni Callum."

"Kuya, shut up nga!" Suyaw ng nasa likuran ko. Kuya ang tawag niya kay Dominic.

"Si Kein?" Bago ako sumagot. Tiningnan ko muna si Thrizel kung maaapektuhan ba. Hinihintay niya lang ang susunod kong sasabihin. "He's with Isla, nasa probinsya."

"Ah, kaya pala."

Hininto na ni Dominic ang kotse. Tumingin ako sa labas kung saan kami nakarating. Sa tingin ko, nasa ibang subdivision kami. Anong ginagawa namin dito? Tiningnan ko ang bahay, nasa dalawang palapag. Baka naman bahay nila Dominic ito.

"Tara, Blue, samahan mo ako sa loob." Lingon ni Dominic sa likuran.

"Bakit ako?" Tila nag-aalinlangan pa ang isa.

"Ikaw ang kasya sa bintana, hindi ako kasya roon kaya kailangan kita. Kaya nga kita pinasama, 'di ba?" Bahagya niya pa itong tinaasan ng kilay.

"Fine."

Lumabas na silang dalawa kaya kaming dalawa nalang ang naiwan dito. Nakakaramdam ako ng ilang. Nag-iisip ako ng p'wedeng usapan para kahit papaano mawala iyon pero magsasalita palang ako. Para na akong walang dila para hindi makapagsalita. Paano ba 'to?

Pinili kong lumabas nalang. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso parehas naming ginawa 'yon kaya muli akong bumalik sa pagkakaupo na ginawa niya rin. Tangina, napaghahalataan kami sa aming nagiging kilos. Paano ba aalisin ang ilang na namumuo sa amin?

"We have two option, ang lumabas ang isa sa atin o magsalita ang isa." Biglang sabi nito. Hindi makatingin sa akin.

Mabilis akong sumagot. "Namili ka na ng option, nagsalita ka na." Pabalang kong sagot.

Kalmado siyang nagsalita. "Ikaw? Anong pipiliin mo?"

Hindi ako nakasagot sa kaniyang tanong nang biglang tumunog ang aking selpon. Nakita ko ang pangalan ni Anissa kaya sinagot ko ang tawag.

"Anissa?"

"Umalis ka pala, kanina pa kasi ako hanap nang hanap sa 'yo. Akala ko nandito ka pa. Wala naman, Thrale. Mukhang abala ka."

"Sigurado ka ba? Kaya ko namang puntahan ka riyan."

"Hindi na, Thrale. Ingat ka na lang. Babye." Magtatanong pa sana ako nang patayin niya na ang tawag. Nilagay ko na ang selpon sa bulsa saka inalala ang tanong ni Thrizel.

"Ang lumabas." Sinilip ko siya sa front mirror. Mukhang nalaman niya naman na iyon ang sagot ko. Bumaba ako ng kotse at muling nagsalita. "Alam mo ba na kahit pulis, p'wedeng kasuhan ng sexual harrassment?" Kita kong nangunot ang kaniyang noo.

Binuksan ko ang pintuan sa back seat. Napaurong siya ng upuan kung saan ang upuan ni Blue. Pinatong ko pang isa kong paa sa kotse at yumukod palapit sa kaniya. Nakasandal nalang ito sa bintana habang ang mga tingin ay nagmamasid sa susunod na galaw ko.

"K-Kahit hawak lang, huwag mong gagawin." Sobrang hina ng kaniyang boses. Nanunuyot din ang kaniyang lalamunan na walang dudang kinakabahan.

Napatawa ako nang mahina. Napatingin ako sa kaniyang labing kulay rosas. Wala siyang gamit na lipstick. "Alam mo naman ang ginawa ko sa 'yo sa guest room nila Gio. Gusto mo rin ba sa kotse ni Dominic?"

Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kita ko na ang pawis sa kaniyang noo. "Lumayo ka, Thrale. Hindi ko gusto ang nais mo." Huminga ako nang malalim. Hahawakan ko sana ang kaniyang pisngi nang bigla niya itong tapalin para hindi matuloy ang aking gagawin. "Pulis ka, hindi ba? Dapat alam mong mali ang ginagawa mo."

"Kapag hahalikan kita, walang mali."

Hinigit ko ang kaniyang batok para halikan ito. Sumakto naman ang labi niya sa labi ko kaya sakop ko ng buong-buo 'yon. Pilit niyang tinatabingi ang kaniyang mukha kaya hinawakan ko ang dalawang pisngi niya. Pinanggigilan ko ang kaniyang labi dahilan para malasan naming dalawa ang dugo.

Natigil lang ako nang kagatin niya ang aking labi, napadaing ako. Lumayo ako sa kaniya habang sinusuri ang labi kung nagkasugat ba. Siya naman ay habol-hininga. Pinupunasan ang labi na may dugo. Napangisi ako roon. Gusto ko ring tumawa kaso mukhang mapipikon ito kaya ngumiti nalang.

"Sampahan mo na ako ng kas-What the!" Mabilis siyang nakababa ng kotse. Sasapakin sana ako nito nang hawakan ko ang kaniyang mga braso.

"Sasapakin na lang kita!" Inis niyang sigaw sa akin. Nasa ganoon pa rin kaming p'westo kaya binaba ko ang hawak ko sa baywang niya. Yayakapin ko sana siya kaso alam niya ang aking magiging galaw kaya bago ko 'yon magawa, nakawala na ito. Doon na ako natawa.

"Grabe ka naman, mahal." Inaasar ko ito gamit ang aking pagtawa. Epektibo naman dahil wala na ito sa magandang kalagayan.

Natigil lang ako nang dumating na sina Dominic at Blue. May dala ng files si Dominic. Sumakay na kami ng kotse. Umakto kaming dalawa na parang walang nangyari.

"Bakit parang may sugat ang labi mo, Thrizel? Kanina wala iyan, ah." Matalas ba ang mga mata ni Blue?

"Nabalatan." Masama ang loob niyang sumagot kaya pasimple akong ngumiti.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

273K 3.7K 41
If my love for you will fade that means only one thing i will never be yours again. -Claire Santillian •Unwanted Series #...
12.9K 181 27
book two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND
5.5K 206 51
Athanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted...
2.1M 123K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...