Places & Souvenirs - BORACAY...

Von JasmineEsperanzaPHR

14.4K 844 62

"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? K... Mehr

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16 - Ending

Part 12

763 53 8
Von JasmineEsperanzaPHR

NAGISING si Rachel na dama ang pag-iinit ng katawan sa ibabaw ng kama. Alam niya, palatandaan lamang iyon ng pagtatagal niya sa higaan. Sa halip na bumangon ay isiniksik pa niya ang sarili sa kama. Inaasahan niyang may mga brasong yayakap sa kanya subalit bakante ang tabi niya nang kapain iyon.

Napadilat siya. Awtomatikong iginala niya sa buong paligid ang mga mata. Wala kahit anong bakas na naroroon pa si Andrew gayong nakatitiyak siyang hindi panaginip lamang ang lahat.

The unfamiliar tenderness of certain parts of her body was telling her that Andrew spent the night with her.

Bumangon siya na mabigat ang pakiramdam. Tila replay lamang iyon ng nangyari anim na taon na ang nakakaraan. Na matapos siya nitong maangkin ay iiwan na lamang at sukat.

May paghihimagsik na dumagan sa dibdib niya.

Mabilis niyang inayos ang sarili. Sa isip niya ay alam na niya ang gagawin niya.


PAGBABA ni Rachel kinabukasan para bisitahin ang iba pang restaurants sa isla ay dumaan muna siya sa front desk. Inaasahan niyang mayroong solidong dahilan kung bakit basta na lamang siyang iniwan ni Andrew.

"Hi! Is there any message for me?" kaswal na tanong niya sa receptionist. Iba na iyon kaysa sa naka-duty kagabing umuwi sila.

"For a while, Ma'am," anito.

Ipinaling niya sa labas ang tingin. Hindi niya gustong magmukhang expectant. Pero sa sarili niya ay wala naman siyang hinihintay na mensahe maliban na lamang ang manggagaling kay Andrew kung mayroon man. Ang iba na maaaring kumontak sa kanya ay malaya namang makakatawag sa cellphone niya.

The receptionist smiled at her apologetically. "Wala po, Ma'am."

Nakuha pa ni Rachel na ngumiti sa kabila ng disappointment. "Okay, thanks."

Sa halip na tunguhin ang restaurant na dapat niyang puntahan sa araw na iyon ay hinanap muna niya si Miss Bennet. Desidido talaga siya sa gagawin niya.

"May sarili bang bahay dito si Andrew?" tanong niya dito nang makausap.

"Yes. Doon sa main road. Iniimbitahan ka niya doon?" curious na tanong nito.

Pinili niyang tumango na lang. Kung magsasalita siya ay baka mahalata pa nito na nagsisinungaling lang siya. Ngunit hindi naman siya pinagdudahan ni Miss Bennet. Napangiti pa nga ito.

"I've been working in this hotel bago pa si Sir Andrew ang namahala dito. And no one was invited in his place maliban sa iyo. I guess it's an honor for you."

Naghagilap ito ng papel at sa mabilis na minuto ay nagawang i-sketch ang direksyon ng bahay ni Andrew pati ang kumpletong address. "Don't ignore his invitation," paalala pa nito.

"Thanks," wika na lamang niya. Sa sarili niya ay natutuwa rin siya sapagkat nagkusa na si Miss Bennet na sabihin sa kanya ang gusto niyang malaman. "Uunahin ko lang muna ang trabaho," noncommittal pa sabi niya kay Miss Bennet.

Hati ang atensyon niya habang mga European specialties naman ang nasa harapan niya ngayon. Mabuti na lamang at pamilyar siya sa mga pasta, wine at cheese kaya mabilis ang pick-up niya habang ipinapaliwanag sa kanya ang mga iyon.


LAGPAS na nang makapananghali nang matapos niya ang trabaho. Bumalik siya sa hotel. Nalaman niyang hindi pa rin nagtutungo roon si Andrew kaya lalong tumining ang hinala niyang umiiwas ito sa kanya. Nagpahinga siya sandali at inayos ang sarili. Gusto niyang paghandaan ang gagawing pakikipagkumpronta kay Andrew at sisimulan niya iyon sa pag-aayos ng sarili.

Pakiramdam niya ay nadagdagan ang tiwala niya sa sarili nang hagurin ang sariling repleksyon sa salamin. Ternong sleeveless at knee-length wrap-around skirt in summer print ang suot niya. Preskong-presko siyang tingnan sapagkat bagay sa kanya ang kulay dilaw at berde na kumbinasyon ng tela.

Naglakad siya patungong main road ngunit mula roon ay kailangan niyang mag-tricycle papuntang Barangay Manoc-manoc. Alam naman ng driver ang pupuntahan niya kaya inaliw na lamang niya ang sarili na masdan ang mga dinadaanan.

Kung wala ang dagat ay tipikal ang tanawin sa bahaging iyon ng isla. Elevated nga lamang ang kalsada sapagkat may bahagi rin ang isla na tila bulubundukin.

"Dito na po," wika ng driver nang huminto sila sa tapat ng isang bungalow-style na bahay at walang bakod.

Nagbayad siya. Ilang sandali na siyang nasa tapat niyon ay hindi pa rin siya tumatawag. Tila wala namang tao. Tahimik ang paligid.

Anyo na siyang tatawag nang buhat sa isang gilid ng bahay ay may lumitaw na babae. Balingkinitan ang katawan at halos ka-edad lamang din niya. At sopistikada ang ayos.

Sa tingin niya ay sumungit ang ekspresyon nito nang hagurin siya ng tingin.

"Sino ka?" pormal na tanong nito.

"I'm Rachel. Gusto ko sanang makausap si Andrew."

Umarko ang kilay nito. "Bakit? Wala siya. Magbilin ka na lang kung gusto mo."

Umiling siya. "Personal, eh. Okay lang na maghintay ako dito kung hindi naman siya matatagalan sa pinuntahan niya."

"Bahala ka," kibit nito ng balikat. "Doon ka na sa terrace maghintay. Hindi ko kasalanan kung maiinip ka. Hindi ko alam kung anong oras siya darating."

Nauna na itong tumalikod sa kanya. Dama niyang disgusto siya nito subalit mas nakatutok ang isip niya na makaharap si Andrew.

Hindi pa man siya natatagalang makaupo sa bench ay may huminto pang isang tricycle sa tapat niya. Doon nabaling ang pansin niya at kagyat na lumarawan sa mukha niya ang pagtataka nang makitang si Andrew ang bumababa roon at may kasamang bata. Kung hindi siya nagkakamali sa pagtantiya ay tatlo o apat na taon lamang ang bata.

"Hi!" bati sa kanya ni Andrew na maluwang ang ngiting nakasilay sa mga labi. Naghahanap sana siya ng guilt expression nito ngunit hindi niya iyon makita sa anyo nito.

"Hi," ganti na lamang niya at muli ay napabaling ang tingin sa bata.

"This is my son Julian," proud na pakilala nito sa bata. "Son, meet this beautiful lady. Rachel."

"How are you?" bibong sabi nito sa matatas na tinig then he smiled at her charmingly. At wala siyang nagawa kung hindi ang ngitian din ito.

"I'm fine," wika niya rito at nag-angat uli ng tingin kay Andrew. "May anak ka pala."

"Yes. Siya ang dahilan kaya nagkaroon ako ng bahay dito sa isla. I could settle at the hotel pero gusto kong maranasan ni Julian ang atmosphere ng isang tahanan. Kahit na nga ba wala na ang mommy niya. Tara. Let's go inside."

Maluwang at masinop ang buong sala. Kapos sa feminine touch ang mga dekorasyon kaagad niyang napansin. Tanaw ang komedor at kusina na nahahati lamang ng divider. Hanggang doon ay uambot ang paningin niya upang hanapin ang babaeng nauna na niyang nakausap kanina.

"Why are you doing here?" biglang tanong sa kanya ni Andrew nang mapagsolo sila roon. Si Julian ay nauna nang pumasok sa bahay at nagpaalam na magpapalit ng pambahay. Naka-uniporme ito kanina ng isang prep school.

Kahit naman alam na niya ang pakay niya sa pagpunta roon ay nagitla pa rin siya sa walang abog na tanong na iyon ni Andrew. Hindi niya kayang pagbasehan ang tono nito kung hindi man nito nagustuhan ang pangangahas niyang iyon sa pamamahay nito.

"Why didn't you tell me you had a child?"

"Huwag mong sagutin ang tanong ko ng tanong din," iritadong sabi nito.

"Hindi mo man lang binanggit sa aking mayroon ka palang anak," wika pa rin niya.

Umiling lang ito. "Hindi ko sinabi sa iyo dahil hindi ko naman nakikitang importante iyon sa pagitan nating dalawa," matalim na sagot nito.

"How can you say that?" masama ang loob na sabi niya. "A-after last night..."

Tila yelo ang mga matang itinitig nito sa kanya. "Last night, we slept together. That's true pero hindi nangangahulugang magpapalitan na tayo ng mga personal na detalye sa isa't isa."

Mariin niyang nakagat ang ibabang labi. Hindi niya inaasahang ipamumukha nito sa kanya ang kahulugan ng mga nangyari. A one-night stand! Oh, my god!

Isang paglunok ang ginawa niya at nakataas ang noong tiningnan ito. "Malinaw na sa akin ang lahat. I'm going." Mayroon nang garalgal ang tinig niya kaya mabilis na rin siyang tumalikod.

Pigil na pigil niya ang pagbagsak ng mga luha. Bakit sa ikalawang pagkakataon ay siya pa rin ang nasasaktan? Hindi niya gustong umasa ng higit pa sa atensyong ipinagkakaloob sa kanya ni Andrew ngunit hindi rin niya inaasahan ang magaspang na trato nito sa kanya ngayon? Talaga bang ganito na lang kababa ang pagtingin nito sa kanya?

Ngunit bahagya pa lamang niyang nagagawang makalagpas sa pintuan ay nahabol na siya ni Andrew.

"Wait." At natigilan ito nang makitang basa ang pisngi niya sa mga luhang hindi na niya napigilan sa pag-alpas. "You're crying," wika nito.

"N-no," mabuway niyang tanggi at mabilis na pinahid ng likod ng palad ang likido.

"Bakit ka nagpunta dito?" Lumambot nang bahagya ang tono nito.

She cleared her throat bago nagsalita. "Gusto sana kitang makausap pero natanto kong isa pala iyong pagkakamali. P-pasensya ka na kung nakaabala ako. Aalis na ako."

At ang minsan pa niyang pagtangkang tumalikod ay maagap nitong napigil. "Hindi mo pa sinasabi sa akin ang totoong dahilan kung bakit ka naparito."

"Hindi mo ba talaga alam?" desperadong wika niya. "Gusto kitang makausap. Gusto kong maintindihan kung bakit naulit muli sa atin ang... ang..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin. "Pero nakita ko naman ngayon na bale-wala iyon sa iyo."Pero nakita ko naman ngayon na bale-wala iyon sa iyo. At kagaya noon, iniwan mo lang ako basta." Hindi niya napigil ang sarili at napahikbi na.

"Rachel," wika nito sa tonong inaalo siya. Inalalayan siya nito at iniupo sa upuang inokupa niya kanina. "Don't cry. Any moment ay pupuntahan tayo rito ni Julian. At mahirap magpaliwanag sa bata kung makikita kang ganyan."

Ang huling tinuran nito ang nakapag-ampat sa mga luha niya. Hindi nga niya gustong magtanong pa ang bata.

"Listen," sabi nito na tila inuutusan siyang makinig na mabuti dito. "You probably misnterpret those things. Hindi ko gustong iwanan ka but you see, naroroon tayo sa hotel. Ikaw rin ang inaalala ko kaya nagpasya akong umalis na."

Nakatingin lang siya dito. Binabasa niya ang ekspresyon nito at sa ganang kanya ay sinseridad naman ang nakikita niya doon. Ngunit hindi pa rin niya nakakalimutan kung paanong kulang na lang ay ipamukha nito sa kanya na wala nang lalalim pang dahilan sa pinagsaluhan nila ng nagdaang gabi.

"Hindi ako tatanungin ng mga empleyado sa hotel bakit ako nagpalipas ng gabi sa kuwarto mo pero ako na rin ang umiwas sa anumang pag-uusapan nila tungkol sa akin at sa iyo. I intend to wake you up para magpaalam pero himbing na himbing ka. I see that you need rest kaya tahimik na lamang akong umalis."

"Hindi ka pa pumupunta sa hotel ngayong maghapon," mahinang sabi niya.

"Yeah. Kaninang umaga ay ipinaalala sa akin ni Julian na last day na nila sa school. He asked me to go with him para ako ang mismong kumuha ng report card niya. I simply can't say no."

Wala na siyang mga luha subalit tinuyo pa rin niya ang sulok ng mga mata. "Sorry if I overreacted." Tumayo na siya. "Aalis na ako. And this time, huwag mo na sana akong pigilan." Matabang siyang tumawa.

"Ihahatid na kita." Tumindig na rin si Andrew at base sa tono nito ay alam niyang hindi na siya dapat na tumanggi pa.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

38.9K 1.4K 19
"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I wa...
33.9K 1K 17
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang...
127K 3K 23
"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this t...