Ancient Romance (God's series...

By Sillent_eater

21K 1.3K 342

Arcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will... More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 13

446 36 26
By Sillent_eater

Arcadia's Point Of View

Chapter 13

" Arcadiaaa.!!! " Napatigil Ako sa pagdidilig nang halaman. dahil sa malakas na Sigaw ni lily, Sya lang naman ang may lakas nang loob na sumigaw nang ganitong kalakas kaya hindi na ako magtataka.

" Bakit Humahangos ka?. " Ibinaba ko ang pandilig nang halaman at pinagpagan ang aking damit na Bahagyang nalagyan nang Tubig.

" Alam mo kasi may ipag-dadaos na pagdiriwang bukas. Kaarawan bukas nang Kamahalang Zamir. " Masaya nitong balita.

" Eh, bakit naman sobrang saya mo? hindi naman tayo imbitado sa pagdiriwang na iyon. " Ani ko dito ngumuso naman ito at naupo sa hagdan gumaya nalang din ako sakanya dahil iyon ang madalas naming ginagawa.

" Bukas kasi ay libre ang araw natin, Hindi Tayo gagawa nang kahit na anong Gawain. Iyon kasi ang Kundisyon ng Kamahalang Zamir, " paliwanag naman nya kaya napatango tango nalang ako.

" Kung ganon sino ang mga sisilbi sakanila?,. " takang tanong ko.

" Ang mga Angkan nang Mandirigma pupunta sila dito dahil Pupunta rin ang Hari nang durram dito,. Pati narin ang prinsesa na iyon... " napa-irap ito sa huli nyang sinabi kaya Natawa nalang ako.

Bigla kong naa-lala yung nakita ko nung nakaraan, nais ko sanang bumalik sa gintong lawa upang makita ko ulit ang babaeng iyon, maraming katanungan parin ang maglaro sa isip ko, Una yung babaeng Nasa Loob nang Kristal pangalawa yung ibon na naging Isang magandang babae. Tunay ngang malaki ang sanlibutan.

" Pumunta tayo sa Lawa nang mga Diwata. " Suhestyon ni lily kaya naman ay Sumang ayon narin ako.

....

Ilang Buwan na Ang Lumipas at hindi ko parin nakikita si Yair, alam kong Wala akong karapatan na Malaman kung saan sya nag tutungo, Isa syang Dyos pero Hindi rin mawala sakin ang pag-aalala.

Habang nagmu-muni-muni ako Napatigil ang paningin ko sa porselas na nasa braso ko, Hanggang ngayon ay hinsi ko parin ito Tina-tanggal gaya nang utos nang punong dyos.

" Arcadia, ang ngalan mo Tama.? " wala sa sariling napatayo ako dahil Don, Bumungad sakin ang Mukha nang dyos na si yair kaya bahagya akong yumuko upang gumalang sakanya.

" Paumanhin ano pong ginagawa nyo dito.? " imposible namang naligaw sya dito? ilang Milyong taon na silang nakatira dito Kaya imposible iyon.

" Nagla-lakad-lakad lamang ako dito at hindi ko inaasahan na may isang diwata rin dito.. " Nasa harapan kasi ako nang kwarto ko Ngunit nasa labas ako.

" Naistorbo kopo ba ang pamamasyal nyo?. " Hindi ko alam na isa rin palang Magandang lalaki ang Dyos na si Zamir sa totoo lang napakahinhin nya kaya napag-kamalan ko syang babae,.

" May dumi ba sa mukha ko binibini?. " Agad akong binalot nang hiya dahil don.

" Magagalit nyan si Indra kapag nalaman nyang tinignan mo ako. " Bahagya itong natawa dahil don, habang ako Naman ay nagtaka. bakit naman magagalit Ang punong Dyos.?

" Gusto mo bang may malaman pa sa punond dyos.?" Nakangiti nitong Sabi, napakamot naman ako sa batok dahil don.

Umupo sya sa Isang Batong Upuan, Naglabas sya nang mahika at may isa nang maliit na lamesa at tsaa sa harapan nya, Sumimsim sya nito.

" Sya ang pinakabata sa aming Lahat. " panimula nya, Agad naman akong nagkaron ang interes dahil don. Dahil Wala akong alam masyado sa punong dyos dahil Ang tatlong dyos lamang Ang laging Pinag-kwe-kwentuhan sa lupain namin. hindi ko rin akalain na sya ang pinakabatang dyos, sa apat ngunit sya ang may pinakamataas na posisyon.

" Paanong sya ang naging pinakabata.? " Yan din ang naglaro sa isipan ko, Kung pwede namang ibigay Isa sakanila ang titulo Ang punong Dyos.

" Walang nakaka-alam tanging ang tadhana lamang. Ngunit sana ay hindi sya matulad sa dating Punong dyos, sa kauna-uhanang punong dyos. " Kauna-uhanang punong Dyos?. Isang beses kona atang narinig na may naging dati pang punong dyos.

Tumayo na ito sa pagkakaupo nya kaya umayos ako nang tindig,.

" Maiwan na kita. Kung may oras ka maaari kong ituloy ang Kwento ko saiyo. " Bigla na ito naglaho kaya napatingin nalang ako sa kawalan. Napakaraming bagay na may kakaibang kwento dito sa Heavenly palace.

" Arcadia,. " Malakas akong tinapik ni Lily kaya naagaw non Ang atensyon ko, napakunot ang noo nang may dala syang unan.

" Bakit meron kang ganyang bagay.? " Takang tanong ko dito, Ngumiti naman ito nang malaki.

" Dito ako matutulog nagpa-alam narin ako sa punong dyos,. " Muntik nakong matisod nang hatakin nya ako palihim nalang akong napa-iling. Napaka-kulit.

" Grabe arcadia napakaganda nang kwarto mo,. Hindi kopa ito nalilibot ngunit nahihilo nako,. " Manghang sabi ni lily. sa totoo Parehas lang kami nang Ekspresyon dahil Ganyan din ang pagkamangha ko.

" Teka arcadia, Ang gandang Espada naman nito. Mukhang napaka importante nito dito sa palasyo ngunit bakit sa ganitong Tagong Lugar lamang ito nakalagay.? " nakatingin ito sa espada, At sinisipat pa ang Kabuuan.

" May sariling buhay ang Espada nayan. Dati raw kasi yan pagmamay-ari nang punong dyos. " aniko Dali-dali naman itong pumunta sa pwesto ko.

" Punong dyos.? May dati nang naging punong dyos.? " Nanlalaki pang mata nitong tanong tumango nalang ako.

Bumalik ito sa espada at hinawakan Nagulat pako nang Hindi manlang ito Gumalaw o kung ano. Pero nung akma ko itong hahawakan dati ay bigla nalamang itong bumalik sa pwesto nya.

" Napakagaan nya arcadia, Ramdam ko ang lakas nang Espada na ito. paniguradong napakalakas dati nang punong dyos. " napakagat ako nang labi dahil sa bigla kong Naisip Hindi naman masama na hawakan ko ang Espada Hindi ba.?

Lumapit ako sa pwesto ni Lily at akmang hahawakan ang Espada Nang bigla nalamang itong lumutang kaya mahigpit na napahawak sa braso ko si Lily dahil sa gulat.

" Hala,. Nagimbala ko ata ang espiritu na nanunuluyan sa espada,. " kabadong anas ni lily Habang ako ay taimtim na tinitignan ang Espada pero ganun nalamang ang gulat ko nang Makita ang mukha nung babaeng ibon, nagkaron nang refleksion ang mukha nya sa espada.

" Nakita moba iyon Lily.?" tanong ko kay Lily nagtaka naman agad ito bigla.

" Oo nakalutang ang Espada ikaw.?hindi moba Nakikita.? " kung Ganoon ay Hindi nya Nakita ang Nakita ko. pero bakit nagagawa ni lily na hawakan ang Espada samantalang ako ay Hindi ko ito madampian. Biglang bumagsak ang Espada kaya agad itong Kinuha ni lily at iniligay sa dati nitong lalagyan.

" Hindi kaya gambalain ako nang espiritu nang Espada.?" muling sumabit Ang dalawang kamay ni Lily sa braso ko.

Hinarap ko naman sya at bahagyang pinitik ang noo nya.

" Hindi ko naman nararamdaman na masama ang espiritu nang nasa Loob ng Espada,. huwag kang Matakot... " Nakanguso naman itong tumango, iginaya ko nalang sya sa Higaan sandali kopang tinignan ang Espada bago humiga.

Kinaumagahan...

" Hays, etong araw na Matagal kong hinintay ang Araw na ito... napakasaya talaga Kapag Kaarawan na nang Kamahalang Zamir. " Masayang Ani nitong si Lily,

" Saan pala tayo pupunta.? " Tanong ko kay Lily ba ngayon ay kasalukuyang kumakain.

" Sa Lawa natin. Nais kong humiling.." Tumango nalang ako sa sinabi, Tumingin nalang ako kalangitan at Talagang napaka-asul nang kulay nito, Sa lupain namin ay Swerte ang ganitong pangitain.

" arcadia tignan mo.. " kinalabit ni lily kaya tinignan ko sya ngunit nakaturo ito sa kung saan kaya sinundan ko iyon at hindi ko inaasahang ang Punong Dyos pala ang tinuturo nya.

" Napakagwapo nya,. swerte ang magiging asawa nya sa hinaharap. ngunit kung Ang prinsesa iyon nang durram Syempre Hindi... " Bulong ni lily, bahagya naman akong napangiti nang Sumilay ang ngiti sa Labi bang punong dyos. Tama gwapo sya kapag Ngumingiti.

" Hoy, arcadia. natulala kanajan. " Halos mabingi ako dahil sa sigaw ni lily kaya halos mapangiwi ako dahil don, ang Bunganga talaga nang babae nato kakaiba.

Nakakamanghang tignan na Makita ang iba king kauri na Diwata dito sa palasyo bilang nalamang kasi ang mga katulad namin dito, ngunit ang mga diwata na galing sa continente nang durram ay pinayagan na pumunta dito.

" arcadia.? " nilingon ko ang isang babae na maiksi ang buhok kayumanggi ang kulay nang kanyang balat, At pamilyar sya sa akin

" Hindi monaba ako nakikilala.? isa ako sa mga Kamag-aral ni pinuno. ako si Heys. " napangiti naman ako dahil don.

" talaga.? Ngunit bakit nandito kana.? " biglang Lumungkot ang emosyon nito,

" Ang gusto nang Mga magulang ko ay makapangasawa ako nang mayaman kaya naman dinala nila ako dito upang makahanap,. " Napatahimik naman ako dahil don.

" Eh, ikaw? anong ginagawa mo dito.? " dugtong nya,.

" Ipinasok ako nang Kamahalang Yair . " ani ko naman

" Mabuti naman, nabalitaan kong mabait din ang Kamahalang yair, Ngunit kakaiba sa continente nang durram... "

" bakit.? Pinagbubuhatan ba nila kayo nang kamay.? " Umiling naman ito at pinunas ang Luhang tumulo mula sa kanyang pisngi.

" Hindi nila kami pinagbubuhatan nang kamay dahil nakasaad iyon sa kontrata, ngunit kapag may nagawa Kaming pagkakasala, ay Hindi kami pinapakain sa buong magdamag. lalo na Ang prinsesa... "

" Hay nako, Sumosobra na talaga ang prinsesa na iyon. " biglang singit ni lily.

" Lily.? Buti naman ay maayos ang lagay mo dito,. " Ngumiti lamang sila sa isat-isa.

" magsisimula na Ang pagdiriwang. "

" Makikita na nating muli ang mga dyos.

" Ang Punong Dyos ang Pinunta ko. "

" Basta ako ay Para lang sa dyos na si Damian. "

" Nakakabaliw ang ka-gwapuhan nang Kamahalang Zamir... "

Biglang Nilang pinatunog ang kampa na nang malakas, hudyat na magsisimula na Ang Pagdiriwang,. gagawin ang pagdiriwang sa palasyo ni Zamir, at hindi naman iyon kalayuan dito sa Lawa kaya tanaw namin iyon ngunit hindi namin nakikita kung ano ang nasa Loob. tanging mga Gwardya lamang ang nakikita natin.

" Tara na Arcadia, humiling na Tayo... " Agad na Kaming pumunta sa lawa at Talagang gumanda ang Lawa nagkaroon nang saya ang Lawa dahil siguro ay maraming na Ang bumisita dito, Ipinikit ko naman ang mga mata ko at humiling. Pagkadilat ko ay Isang Pulang paro-paro ang bumungad sakin. Wala sa sariling sinundan ko ito dahil sa ganda nang kulay nito, Tumigil ang paro-paro kaya Mas nakikita kona ang Kabuuan nito, May bigla Naman akong naa-lala na sinabi ni Lucian na tungkol sa Ibat-ibang paro-paro.

Flashback....

" ano ba ang ibig sabihin nang mga paro-paro nayan.? bakit kailangan pa nating pag-aralan.? " Napanguso nalang ako Bago muling ilipat ang pahina na nang Librong kasalukuyang pinag-aaralan namin ni Lucian,. Naagaw nang atensyon ko ang kakaibang Paro-paro sa libro kulay pula ito.

" Teka Lucian.? anong klaseng paro-paro Ang Isang ito.? " tanong ko sakanya,

" Hmm. Nakita kona! Ang tawag sa ganyang paro-paro ay Tadhana ang paro-paro na iyan ang maghahatid sa Nakatakda saiyo. " Paliwanag nito hindi ko naman inaalis ang tingin ko sa paro-paro. Ang ganda!

End.of Flashback....

Hinabol ko nang Bahagya ang paro-paro dahil bigla nalamang ito Lumipad palayo. Nakaramdam ako nang Presensya sa harapan ko kaya tinignan ko iyon, Ganon nalamang ang paglaki nang mata ko...

Imposible!.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 97K 38
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
39.9K 3K 43
In their previous life, taehyung had been overweight. His face was covered in acne. Yet jungkook still forcefully ate him up. Exactly how much did h...
33.4K 1K 57
"mom, dad, Im married!" lahat ng relatives namin ay nagulat sa announcment ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang unica ija ng pamilyang Letpr...
171K 4K 91
As the Maid of Evil, Y/n sacrifices her life for her twin brother. As the Mist Hashira, Y/n sacrifices her life for humanity. But not anymore will Y...