ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 53

1.1K 16 0
By iirxsh

Kabanata 53

"MAGKAKILALA kayo?" Pag-uulit ni Kelly nang wala man lang narinig mula kay Adam o kay Lyn man lang.

"Adam," Baling ni Kelly rito, iyong tono niya isang babala.

Tumikhim muna si Adam bago alanganin na tumango kay Kelly. "N-Niloko ninyo ako!" Hirap na sambit ni Kelly, hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nalaman.

Sa dami ng pinag usapan nila na nalaman niya mula kay Adam, parang ito ang balita na talagang mas gumimbal sa kanyang pagkatao.

Hindi niya iyon inaasahan.

"No, we didn't." Kabado man si Adam, nagawa pa rin niyang i-depensa ang sarili.

Umiling iling si Kelly at umatras mula kay Adam. Nakita niya kung paano nasaktan si Adam sa kanyang ginawa, pero mas nangingibabaw iyong nararamdaman niya. Hinarap niya si Lyn na tahimik lang at masamang tingin ang binigay niya. "S-Sino ka? At paano kayo nagkakilala?!" Hindi napigilan ni Kelly ang sarili at napasigaw dala nang galit na nararamdaman.

Hindi magawang makasagot agad ni Lyn. Nang mag angat iyon ng tingin kay Adam siya tumingin. Halatang nanghihingi ng tulong.

Nanlisik naman ang mata ni Kelly, mabilis siyang lumapit kay Adam at humarang para hindi sila magkausap. Ngunit, hindi iyon naging sapat dahil matangkad si Adam.

"Huwag mo siyang tingnan!" Pagtataray ni Kelly. "Sagutin mo ako, dahil ikaw ang tinatanong ko. Hindi naman siya!"

Sa una pa lang naman na pagkikita nila ni Lyn, may mali na talaga siyang nararamdaman. Ngunit, hinayaan niya lang iyon dahil nangibabaw ang tiwala niya kay Alex.

"Sagot!" Muling sigaw ni Kelly, nang wala pa ring nakukuha na sagot mula kay Lyn. "Simple lang naman iyong tanong ko, hindi mo pa masagot!" Dugtong pa niya.

Hinahaplos naman ni Adam ang braso ni Kelly para kumalma pero iwinaksi lang niya iyon.

Hindi mo ako makakuha riyan!

"B-Baby," Tila naalarmang sabi ni Adam.

Hinarap ni Kelly si Adam at inirapan iyon. "Bahala kayo riyan! Magsama kayong dalawa!" Handa na sanang humakbang si Kelly pero pinigilan siya ni Adam, niyakap niya iyon sa baywang.

"Don't be jealous, my baby. She's not my girl, she's my cousin..." Saglit na huminto si Adam. "She's Jaylyn."

Hindi kaagad nagsink-in kay Kelly iyon, hanggang sa lumabas si Riri. Hindi agad siya nakita ng kanyang anak, pero binalingan noon ang kausap niyang si Lyn.

"U-Usap na po kayo ni Nanay, Tita Ja?"

Napaawang ang labi ni Kelly, tinuro niya ang anak na parang hindi makapaniwala.

"A-Alam mo, anak?" Pagkuha niya ng atensyon ni Riri.

Nakita niya kung paano dahan dahan na umikot iyon sa kanyang gawi at tumango sa kanya. "S-Sorry po Nanay ko... ayaw ko po sinungaling sa iyo, kasi ayaw ko po galit ka. P-Pero pangako po ako kay Tita Ja, eh." Nanginginig ang labi na paliwanag ni Riri.

Sinenyasan naman iyon ni Kelly na lumapit. Hindi naman nag atubili pa si Riri na lumapit sa kanyang Nanay. "H-Hindi galit si Nanay, anak..." Tila hirap na sambit ni Kelly. Binuhat niya iyon, at hinalikan sa labi.

Iyong pakiramdam na gusto niyang manumbat, pero ang kaharap niya ay ang kanyang anak. Kaya hangga't kaya niyang isantabi ang galit niya, iyon ang kanyang gagawin.

Yumakap naman sa leeg niya ang anak, kaya naman hinaplos haplos niya ang likod nito.

"Alam ba 'to ni Tata mo?" Tanong ni Kelly kay Riri. Naramdaman naman niyang umiling ang anak.

"H-Hindi po alam ni Tito Alex."

"Tito Alex?" Taka niyang tanong.

Humiwalay naman ang anak ni Riri sa kanya at hinawakan ang pisngi nito. Pinaharap sa kanyang Tatay na nasa likod niya lang.

"Tito Alex na po itatawag ko, kasi ayaw kong sama loob ni Tatay po... galit po siya, oh."

Nang dumako ang tingin niya kay Adam, hindi na nga maipinta ang mukha nito.

"S-Sorry," Hindi alam ni Kelly pero iyon agad ang unang lumabas sa kanyang bibig, kahit hindi niya mawari kung dapat ba.

"It's fine..."

Gustuhin man niya na kausapin pa si Adam, dahil ramdam niyang naapektuhan ito sa kanyang sinabi pero hinayaan na muna niya at hinarap na lang si Jaylyn.

"Jaylyn," Tawag niya ng atensyon ni Lyn. Ramdam niya ang pag aalangan nito, pero nag angat pa rin naman ng tingin sa kanya. "Paano nga ba nangyari iyon?"

*Flashback*

KASALUKUYAN na kumakain si Jaylyn ng kanyang umagahan, dahil huli na naman iyon na nagising. Hindi naman na bago iyon, mas lumala pa nga.

"Jay!" Napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses ng kanyang pinsan na si Adam.

Hindi niya maintindihan kung bakit tila nagmamadali si Adam, animo'y may hinahabol.

Habang papalapit si Adam, kunot noo na agad ang isinalubong ni Jaylyn. "What?!"

"I need your help." Hindi nagdadalawang isip na sabi ni Adam.

"It depends." Saglit na nag angat ng tingin si Jaylyn bago muling tinuon ang sarili sa pagkain.

"It's about Kelly. I know where she is living,"

Natigilan sa pagsubo si Jaylyn at nakataas ang kilay na nag angat ng tingin sa kanyang pinsan. "So? I thought you don't want to look for her because you want her to realize that this is her real home."

Noong isang beses kasi silang nagkausap, kung saan pinipilit pa ni Jaylyn ang pinsan na gumawa ng hakbang pero ayaw nito, at iyong kanyang sinabi ang gusto niyang mangyari.

"Y-Yeah, pero hindi ito dapat pinapalagpas pa."

"Why?" Kyuryoso na tugon ni Jaylyn. Hindi pa rin talaga niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang isip ni Adam.

"I want you to apply as a nanny."

Muntik ng maibuga ni Jaylyn ang kanyang kinakain dahil sa narinig. Wala sa sarili siyang napatayo. "W-What?" Namaywang pa siya sa harap ng kanyang pinsan. "Are you freaking serious?"

Nanatiling seryoso ang mukha ni Adam, hindi talaga makikitaan ng pagbibiro. "Yes,"

"No!" Tutol ni Jaylyn. "Why me?"

"You're the only one capable of doing the job." Dahilan naman ni Adam.

Umarko ang kilay ni Jaylyn, hindi makapaniwala na itinuro niya ang sarili. "S-Seriously?" Sarkastiko niyang sabi. "Sa ganda kong 'to, bagay ko maging Yaya!"

Napahilot naman sa sentido si Adam. "That's not what I mean! What I mean is, you're good at acting, so, I need your acting skills!" Pagtama ni Adam sa gusto niyang mangyari.

"A nanny who has good acting skills?" Paglilinaw ni Jaylyn.

Tumango naman si Adam, tila nagliwanag ang kanyang mukha. "Finally, you got it!"

"I still don't get it!" Apila naman ni Jaylyn.

Marahas na napabuga sa kawalan si Adam. Akala pa naman niya nakuha na ni Jaylyn. "Do you know Alex? The guy who's always with Kelly,"

Natigilan naman si Jaylyn, tila iniisip kung may kilala ba siyang Alex. Nanlaki ang mata niya ng maalala ito. "Oh, I know him..." Tila tuwang tuwa sa sarili nang maalala niya iyon. Ngunit agad din naman siyang pinangunutan ng noo. "What's wrong with him? Paanong nasama siya sa usapan natin?"

"He's looking for a nanny,"

Nanlaki ang mata ni Jaylyn. "H-He has a kid already?" Sigaw niya, halatang gulat na gulat sa kanyang nalaman.

Napailing naman si Adam, kailan pa naging slow ang kanyang pinsan? Pinitik naman niya iyon sa noo.

"Shit! A-Ang sakit, ha!" Reklamo nito.

Huminga ng malalim si Adam, bago diretso na niyang sinabi sa kanyang pinsan. "I am asking you for a favor to be a nanny because Kelly and Alex are together and he's with my son."

Napaawang ang labi ni Jaylyn. "W-What?"

Noong sinabi kasi ni Miss Oliva ang mga impormasyon na kanyang nalalaman, inutusan agad ni Adam ang kanyang sekretarya na magmanman sa lugar na iyon.

Doon malinaw na nakita ng kanyang sekretarya na totoong may bata nga, at noong panahon na iyon naghahanap sila ng mag-aalaga ng bata.

"Y-You have a son?" Tila hindi makapaniwala na sambit ni Jaylyn, doon lamang niya nakuha ang gustong iparating sa kanya ni Adam.

"Yes, I have a son with Kelly."

Napatango tango naman si Jaylyn, kahit litaw pa rin sa kanyang mukha ang pagkabigla. "Oh, okay. Just tell me what to do. I am willing to help you."

Hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ni Adam. "Prepare yourself. We'll fix your face, so that they won't recognize you."

*End of Flashback*

Hindi agad nagawang magsalita ni Kelly. Sa nalaman niyang iyon, masasabi niyang nakahinga siya ng maluwag pero hindi niya lubos mawari na naisahan sila ni Adam at ni Jaylyn.

Kaya pala ganoon na lang ang kanyang nararamdaman kay Jaylyn. Iba iyong pakiramdam niya, pero iyon mukha nito nag-iba. Isa rin siguro sa dahilan kung paano na nalaman ng kanyang anak ang tungkol sa kanyang Tatay.

Itinago niya ang kanyang anak? Pero, ang Tatay din nito ang nagmulat sa kanyang anak ng katotohanan. Kaya pala hindi galit si Riri at iyon pa ang nagsabi na gustong makilala si Adam.

"K-Kelly," Tawag atensyon ni Jaylyn, ramdam sa boses nito na kabado siya. Nang mag angat siya ng tingin, ganoon na lang ang pagkabigla niya ng lumuhod sa harap niya si Jaylyn.

"B-Bakit? Anong ginagawa mo?" Aligaga nitong sabi, inabot niya muna si Riri sa kanyang Tatay na nanatili lamang sa kanyang likod.

Nilapit niya iyon at pilit na itinatayo. "I-I'm sorry," Tila hirap na sambit ni Jaylyn.

"Wala kang kasalanan." Putol naman ni Kelly at tuluyan ng hinila patayo si Jaylyn. "Hindi ako galit sa iyo, dahil pinangunahan niyo ako sa pagsabi ng katotohanan sa anak ko. Pero, tinake ko iyon na tulong sa akin... kasi ang totoo hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon na iyon."

Hinila ni Kelly si Jaylyn at niyakap. "Ako dapat ang humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa iyo, iba lang talaga ang takot ko noon... sana naiintindihan mo iyon." Bulong niya.

Naramdaman niyang tumango si Jaylyn. "I understand, Kelly..."

Humiwalay si Kelly sa yakap at ngumiti rito. "Salamat, Jaylyn. Malaking bagay iyon sa akin."

PAGPASOK nilang lahat sa loob ng bahay, nadatnan lang nila si Alex na prenteng nakaupo habang nanonood ng palabas sa telebisyon.

"Tapos na kayo mag usap?" Tanong ni Alex, mukha yatang naramdaman niya ang pagpasok nila kahit pa tutok siya sa kanyang pinapanood.

Tumango naman si Kelly. "Oo kahit si Jaylyn, nakausap ko na rin..."

Kumunot ang noo ni Alex. "Sinong Jaylyn?"

Itinuro naman ni Kelly si Jaylyn, na kapapasok lang. Hindi pala iyon sumunod agad sa kanila. Nagtataka pa ito hanggang sa dumako ang tingin ni Jaylyn kay Alex.

"I-Ibig mong sabihin, iyong nakatira sa harapan ninyo at siya ay iisa?" Tila naguguluhan na sabi ni Alex.

Nagkibit balikat naman si Kelly. "Kayo na lang mag usap, i-akyat lang namin si Riri."

Hindi na nila pinansin pa ang dalawa at tinungo na nila ang ikalawang palapag ng bahay. Nauna si Kelly habang sumunod naman si Adam na buhat buhat ang kanilang anak.

Niluwagan ni Kelly ang pintuan at gumilid para makapasok si Adam. "Diyan na lang sa kama," Hingi niya ng pabor kay Adam.

Maingat naman na ilipag ni Adam ang bata. Tinuro ni Adam ang pinto, tumango lang si Kelly.

Nakakaisa pa lang na hakbang si Adam, pero natigilan siya nang narinig nila si Riri na nagsalita. "T-Tatay,"

Mabilis na dumalo ang dalawa. Maharan na tinapik tapik iyon ni Adam. "Anak, wake up..."

"I-Ikaw po pala ang Tatay ko, masaya po akong nakilala na kita."

Nagkatingan silang dalawa, nagtataka. Pikit naman kasi ang mata ng kanilang anak, pero nagsasalita iyon. Mukhang nananaginip.

"D-Dito ka po tulog sa tabi ko, tabi tayo tatlo ni Nanay." Muli pang sabi ni Riri.

Napalunok naman si Kelly sa narinig. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pakinggan ang anak, dahil parang nananaginip naman iyon.

"Sa tabi mo ako, anak," Tugon naman ni Adam. "Tabi tayo nila Nanay."

Nang sabihin iyon ni Adam, malinaw sa mata ni Kelly na ngumiti ang kanyang anak at tumango pa, pinapakita na sang ayon siya sa nangyayari.

Kahit man hindi sigurado si Kelly kung tulog ba ang kanyang anak o hindi, pinili pa rin niyang sundin ang gusto ni Riri.

Nauna na siyang sumampa ng kama at sinenyasan na sumunod si Adam, kita kasi niyang nag-aalangan pa ito.

Yumakap si Kelly sa anak at ganoon din ang ginawa ni Adam. Nagkatinginan silang dalawa, hindi nila nagawang alisin ang tingin sa isa't isa na para bang kay tagal silang hindi nagkita.

"I'm going back tomorrow," Imporma ni Adam kay Kelly, nakikiusap ang kanyang tingin. "Would you come with me?"

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 201 33
I once had a happy family As time goes by my father pressure me My mother died I made a mistake My boyfriend left me I let someone i knew entered my...
394K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...