Fake Marriage, True Love (Lun...

By Jenlunalianiyah

18.3K 579 26

She was forced to accept Liam Andrei Buenaventura's mother's offer to be her wife because she needed money to... More

•••
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note!
Next Series

Chapter 19

365 17 0
By Jenlunalianiyah

"L-liam..."

Sa isang iglap, parang pinagsisisihan ko na sinabi ko sakanya ang totoo... Na sana itinago ko na lang yun at umalis ng hindi niya nalalaman para hindi na humantong sa ganito.

Bakit parang ang sakit naman ata ng mga salitang yun? Basura nga ba talaga ako? Siguro nga ay tama siya.

"I waited you to tell me the truth. And whatever it is, I will accept you of who you are no matter what. But the fact that you use my happiness to broke me into pieces again? I can't and never fvcking accept you again..." Walang emosyon niyang sabi habang umiigting ang kanyang panga.

Pigil ang paghagulgol ko ng pinagtulungan pala nila akong ibulgar... Ang babaeng hindi ko inaasahang gagawa sakin ng ganito ay ang siyang mismo ang dahilan kung bakit nalaman ni Liam... Walang iba kundi si Ella.

"All this time. I was living with the most awarded liar." Sarkastiko siyang tumawa ng mahina ngunit mababahid dun ang galit.

"Liam, maniwala ka. Minahal kita!" Iyak kong sabi sakanya. Tanging yun na lang ang nasabi ko kasi sa isang iglap nawalan  ako ng mga salitang pwedeng ilabas sa bibig. Pero wala na e. Nasabi ko na lang kung ano yung nararamdaman ko. Hindi ko naman hihilingin na maniwala siya, ang akin lang ay masabi ko ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.

Ang bobo, gaga at tanga ko.

Inangat ko ang tingin ko art ang tanging nakikita ko lang ay ang galit na galit na Liam at wasak na wasak

"Do you expect me to believe you? Liar. Yung proposal ko. Planado yun..." Ilang minutong katahimikan ng panghihina namin ng magsalita siya ulit.  "Esther fvck... You came to break me again and you're expecting me that I would believe you? Ganyan ka na ba kakapal? You came in my life to made me whole and complete again!  I already felt those broken pieces inside of me was being whole again! But all you do was to fvcking made me believe in your words and actions, that full of lies! You know in the first place that completing me was having a child but you use it to broke me into pieces again!" Mahabang galit na sigaw niya bago siya lumabas at naiwan akong luhaang mag-isa.

Nanghina ang katawan ko dahilan para mapaupo ako at humagulgol dahil ito lang naman ang magagawa ko. Sa kabila ng sakit ng mga masasakit na salitang sinabi niya tinatanggap ko. Dapat lang sa'kin yun. Sinungaling, tanga, at boba ako. Dapat lang sa'kin yun...

Napatingin ako sa kumikinang na bagay na nasa daliri ko na bumabagay sakin na puno ng kasinungalingan...

Inaasahan ko na, na mangyayari ito. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang sakit na idudulot nun sakin.

Akala ko ako lang ang nagsisinungaling dito... Akala ko totoo ang nangyayari sa dalampasigan... Akala ko totoo ang pagmamahal niya sa'kin... Akala ko tama na ako na hindi lang kompanya niya ang kailangan niya, kundi ako... Akala ko hindi siya mang-iiwan...Akala ko totoo ang lahat ng yun... Dahil sa mga akala kong yun ay dun ako kumakapit sa pag-asang kahit na masaktan ako dahil sa sarili kong  pagsisinungaling, wag lang akong masaktan sa mga sasabihin sakin ng lalaking mahal ko...

Wala akong karapatang magalit sakanya... Dahil all this time, ako lang naman ang dapat na sisihin at ang may karapatang pagalitan... Dahil kung hindi sakin ay walang masasaktan at walang mangyayaring ganito na kung saan galit na galit sakin ang taong mahal ko...

At sa pangalawang pagkakataon... May isang tao na namang hindi nakinig sa sasabihin ko... Siya ang pangatlong taong hindi man lang ako binigyan ng kahit ilang minuto o segundo lang para ipaglaban ang dapat kong ilaban para sa sarili ko... Ngunit paano ko pa sasabihin sa kanya gayung mas ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya ngayon? Naubusan na ako ng loob dahil alam ko, sa huli ay sarili ko lang ang makikinig sa'kin at wala ng iba.

Si Ella na sana kahit isang minuto na makapagsalita ako sa katotohanan ay hindi ako binigyan, bagkus ay may galit siyang umalis na hindi ko naipaglaban ang sarili kong karapatan. Umalis siya na may galit sa puso, sa kasinungaling kahit kailan ay hindi ko magagawa.

Si Kate na sana nanatili sa tabi ko ng oras na wala akong kadamay para sa bagay na hindi ko ginawa. Na sana kahit isang yakap lang ay ginawa niya para sakin, para naman kahit konti ay gumaan ang pakiramdam ko nun...

Ang huli... Ang lalaking lubos kong minahal... Ang lalaking pinagkatiwalaan nitong puso ko... Ang lalaking hinayaan na ibigay sakanya ang sarili at angkinin ako ng paulit-ulit. Ang lalaking inaasahan ko na pakikinggan at dadamayan ako sa oras na kailangan na kailangan ko... Hindi niya pinaniwalaan na mahal ko siya... Bagkus ay umalis siya at iniwan akong nag-iisa sa kwartong puno ng ala-ala naming dalawa. Kung paano kami gumawa ng pagmamahal sa kamang ito... Ang lalaking hiniling ko na sana manatili at mahalin ako...

Ang akala ko ay siya ang masasaktan dahil sa mga ginagawa kong pagsisinungaling... Pero bakit? Bakit ganito? Bakit ako ang nasasaktan? At para sakanya ay wala lang ang lahat ng ito? Hindi ba ako ganun ka importante para pabayaan at balewalain na sa sobrang pagbalewala ay hindi na nila hinahayaang pakinggan man lang ang sarili ko?

Napatingin ako sa baba ng may humintong kotseng kukay pula na nasundan ng pamilyar na kotse.

Sa pulang kotse ay may lumabas na babaeng sobrang puti at sexy na bumabagay sa katawan niya at sa kagandahan niya.

Sa itim na kotse ay lumabas siya... Na parang pinipigilan ang babaeng pumasok at may takot sa mukha na hindi ko inaasahang makikita ko sakanya.

Lumabas ako ng kwarto bago pahidan ang basang mukha at huminahon bago bumaba ng hagdan.

Pababa na ako ng makita ko ang babae ng malapitan na kaagad lumapit kay Liam at pinulupot ang dalawang kamay sa leeg ni Liam habang si Liam ay walang emosyong nakatingin sa babae.

"Love... I miss you... And I also miss our son..." Dumapo ang tingin sakin ni Liam tsaka niya hinapit ang bewang ng babae at hinalikan ito na ikinabagsak ng puso ko.

Lord... Please... Tama na... Pagod na pagod na ako... Hindi na po kaya ng puso ko. Yung mga masasakit na salitang sinabi niya ay sapat na sa'kin pero wag naman yung ganito. Lord, wag yung ganito. Matatanggap ko lahat ng nangyari kanina pero ito? Ang halikan niya ang ibang babae lalo pa at ito ang ina ng namatay niyang anak ay parang sobra na ata. Sobra na...

Nagsinungaling lang ako pero nabalik naman sa'kin yung mga masasakit na salita na kahit hindi ko kayang tanggapin ay tinanggap ko dahil kasalanan ko naman. Pero yung ganito... Ang bilis naman ata.

Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha sa mata ko dahil sa matinding sakit na parang kinukumot ang puso ko.

Gusto ko ng magpahinga... Ayaw ko na.

"Liam! Im sorry! Hindi ko siya napigilan-" napatigil ang hingal na hingal na babaeng bagong pasok at natigil ng makitang naghahalikan ang dalawa.

Dahan-dahan niyang inilipat sakin ang tingin niya tsaka ko siya nginitian... Gulat at takot ang una kong nakita sakanya at di ko mapigilan  ang mapatawa ng kaonti dahil sa parang konti na lang ay mawawala na ako sa sarili ko...

"Ano? M-masaya na kayo?... Ella masaya ka na? Liam masaya ka na? Masaya na ba kayo?!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw habang walang tigil sa pag agos ang mga luha ko. Dumapo ang tingin ko kay Liam na hindi nakatingin sakin at nanatili sa ibang direksyon ang tingin habang umiigting ang kanyang panga. Yung babae na gulat sa sinabi ko at si Ella na biglang pumutla. Napatingin ako sa kamay ni Liam na hanggang ngayon ay nasa bewang nung babae at mahigpit na nakayakap dito.  "Nagsinungaling ako! Oo! Gusto kong ipaglaban ang sarili ko! Pero kahit isang minuto man lang sana pinagsalita mo'ko, Ella! Umalis kayo na puno ng galit dahil sakin sa kasalanang hindi ko ginawa!" Napatigil ako ng magsimulang mapahagulgol ako ng iyak. Nanghihina na ang buo kong katawan pero pinigilan ko ang bumagsak. "Tinanggap ko ang pera ni Jason pero kailanman hindi ko ginawa ang nasa litratong yun! Mas pipiliin ko ang magpalaboy-laboy sa kalsada kaysa ang maging bayaran! S-sinauli ko ang pera niya Ella. Balak niyang sirain ang pagkakaibigan nating dalawa dahil sa galit niya sa pamilya mo... Nagawa niya... Nagawa niya dahil hindi mo'ko pinakinggan! Ngayon? M-masaya ka na? Masaya ka na dahil nakaganti ka?! Talaga?! Ella, bumalik ka para lang dun? Ang saktan ako? A-ang tagal na nun... Kulang pa ba? Ano?! Saktan mo pa ako! Quota na ako e! Sagarin niyo na ngayon! Ella, bakit kailangan kong ikulong lahat ng sakit na nararamdaman ko sa kasalanang hindi ko kailanman magagawa! Bakit?!" Pinunasan ko ang mukha ko na basang-basa na ng luha.

"E-esther..." Napatingin ako sakanya na nakaluhod na at umiiyak habang sinasambit ang pangalan ko.

Napatingin ako sa lalaking hindi man lang ako magawang tapunan ng tingin...

"Nagsinungaling ako... Oo... Pero sana naman, hindi ganito Liam... Hindi ganito... Tinanggap ko lahat ng mga masasakit mong salita. Liam, matatanggap ko pang iwan mo'ko at sirain ang buhay ko kaysa yung makahanap ka agad ng ipapalit sa'kin... Ang bilis mo naman ata." Nanghihinang sabi ko at ang huling sabi ko sakanya bago ako lumabas ng bahay niya na puno ng luha at may dalang mabigat na puso.

Ng makalabas ako ng bahay niya ay natagpuan ko ang sarili ko na nasa gilid ng kalsada malayo sa bahay niya habang hinanang-hina at lumuluha. Naghihintay na baka may humabol kahit isa sa kanila pero wala.

Nasa ganito akong posisyon ng may humintong sasakyan sa harapan ko.

Lumabas si Kate sa sasakyan niya at tinulungan akong tumayo ng di ako tuluyang makatayo dahil sa panghihina.

"Tumayo ka..." May basang tumulo sa kamay ko ng alalayan niya akong tumayo.

"Ba't ka umiiyak?" Mahinang tanong ko sakanya ng makapasok ako sa kotse niya at makapasok na din siya sa driver's seat.

"Wala lang 'to. Napuwing lang ako." Bago niya paandarin ang kotse ay tinapunan niya  ako ng tingin.

Wala sa sarili akong muling napaiyak.

Wala na bang katapusan ang luha kong 'to? Hindi ka ba napapagod sa pag-agos? Dahil ako? Pagod na pagod na. Nakikiusap na sana tumigil 'tong nararamdaman ko. Sinalo ko na lahat e.

Ayos na sana eh... Ayos na yung iniwan akong mag-isa ni Liam sa kwarto... Matatanggap pa ng puso ko yun at matatanggap din ng sarili ko yun, dahil may karapatan siyang magalit sakin... Pero yung mismong paghalik niya sa ina ng anak niya? Yun ang hinding-hindi matatanggap ng puso at damdamin ko... Kitang-kita mismo ng dalawa kong mata kung paano niya hapitin papalapit sakanya ang babae at halikan ito sa mga labi na dapat ako ang nandun ng hinapit niya. Yun ang paborito kong ginagawa niya sakin. Pero siya, mukhang hindi...

Ng dahil sa ginawa niya, ngayon ko lang napatunayan na hindi ko pala nagawang baguhin ang isang Liam Andrei Buenaventura.

Ngayon... Alam na ni Ella ang totoo... Kung tatanungin ako, kung mapapatawad ko siya? Oo. Lahat tayo ay karapat-dapat na bigyan ng pangalawang pagkakataon. Ngunit sa pangalawang pagkakataon na yun ay hindi na sigurado kung maibabalik ang dating pinagsamahan. At kung gaano ang pagtitiwala mo ay hindi na ganun ang buo mong pagtiwala sa pangalawang pagkakataon na ibinigay mo.

"Wag kang umiyak... Baka maiyak ako." Biglang sabi ni Kate nagmamaneho tungo sa kung saan.

"Pasensya ka na..."

"Oh ayan. Tissue." At inilapit niya sakin ang tissue na nanggaling sa bag niya.

"Salamat." Tinanggap ko ang tissue-ng binigay niya at pinunasan ang mukhang basang-basa na ng luha ko.

"Esther..." Pagtatawag niya sakin.

"Ano?"

Hindi niya muna sinagot ang sinabi ko at hininto niya ang sasakyan sa isang madilim na lugar na kaharap ang makikita mong mga ilaw kung saan kami nanggaling na kaygandang tingnan na mga nagkikislapn na mga ilaw. Dagdagan pa ng mga bituwin na lumiliwanag sa taas.

"I'm sorry..." Bigla niyang sabi na ikinalingon ko sa banda niya.

"K-kate..."

"Este I'm sorry." Bigla siyang humagulgol habang tinatakpan ang mukha.

Sa di malamang dahilan ay napaiyak na din ako sa inaasta niya. Kasabay ng bigla kong pagkatakam ng mangga sa kalagitnaan ng pag e-emote namin.

"Alam kong nasaktan kita ng iniwan kitang mag isa dun. Este, maniwala ka, pinagsisihan kong iniwan kitang mag isa dun. Mas pinili ko ang nasa isip ko nun na akala ko totoo ang nasa mga litrato dun." Huminto siya sa pagsasalita ng mapahikbi siya bigla. "Narinig ko ang lahat ng usapan niyo kanina. Hindi ko pinili ang manatili sa tabi mo para pakalmahin ka at sabihing hindi ikaw yun. Este maniwala ka pinagsisihan ko ang ginawa ko non. Si Ella? Hindi niya kinaya ang mga pangyayaring yun, hindi kay Jason. Kundi sa pagkakaibigan niyo, natin... Umalis siya ng Pilipinas dahil hindi siya naging maayos dito. Nagkaroon siya ng anxiety disorder... Sa America siya nagpagaling..."

"B-bakit kahit na ang tagal na nun, hindi niya pa din makalimutan?" 

"Dahil akala niya trinaydor mo siya sa mga litratong yun. Hindi namin alam. Pinapapatay ng pamilya ni Ella si Jason, pero hindi nila nagawa dahil nagtago daw ito. Hindi ko alam ang malalim na rason kung bakit... Este... Please... Patawarin mo ako." Umiiyak siya sa harap ko habang hawak niya ang kamay ko na puno ng pagsisisi sa mukha.

Ang mahinang Kate na pinsan sa ina nina Ella at Liam ay nakita ko. Kahit kailan hindi ko siya nakitang nagkakaganito. Lahat tayo ay karapat-dapat na mabigyan ng pangalawang pagkakataon.

"Matagal ko na kayong pinapatawad, Kate... Matagal na matagal na. Hindi ko kayang magtanim ng galit sa dibdib sa mga taong tumulong ng mawala si tatay... Ang pamilya niyo ang dahilan na nailibing ng maayos si Tatay. Kaya salamat lalo na at nandito ka ngayon-" natigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong yakapin ng isang mahigpit na yakap na kahit konti ay nakapagpakalma sakin at sa sakit na nasa gitna ng dibdib ko.

"Ang bait mo talaga..."

"Tumigil ka sa pag-iyak. Ayan tissue... Naiirita ako sayo bigla sa pag iyak mo."

Napatitig siya sakin ng madinig ang mga sinabi ko at sa mukha kung nakakunot ang noo sakanya...

"Este?" Tawag niya sakin.

"Ano?"

"Wala." at iniwas niya sakin ang tingin bago siya may kinuha sa bag na pabango at inispray yun sa damit. Naka-isang spray siya ng mapatakip ako sa ilong ko dahil sa baho nito na nagpapasama ng pakiramdam ko.

"Ano bang pabango yan? Baho naman." Tanong ko sa kanya ng muntik ng magpaduwal sa'kin, mabuti na lang at nagawa kong pigilan.

"Este, victoria's secret 'to..." Mahina niyang sabi at parang nagulat sa sinabi ko.

"Baka expired na yan?" Tanong ko habang nakatakip pa rin sa ilong. Inamoy niya ang damit niyang linagyan niya tapos dahan-dahang tumingin sakin at mabilis na umiling.

"Hindi naman ah?" Taka niyang sabi bago naman tawagin ako. "Este?"

"Ano?"

"Wala..." Iniwas niya ang tingin niya sa akin tsaka siya humarap sa magandang tanawin ngayong gabi sa harapan namin. Tumingin din ako sa harapan habang pilit na wag alalahanin ang nangyari kanina...

Napabuntong-hininga ako at nakaramdam ng kahit kauntinv kaginhawaan pero yung sakit, wala atang balak mawala kahit saglit lang.

"This is the worst night. Ever." Bulong ko kasabay ng pagpatak na naman ng mga luha ko.

Alam kong narinig din yun ni Kate pero hindi na lang niya pinansin at hinayaan ako.

"Doon ka muna sa condo ko ngayon bago kita ihatid sa bahay niyo bukas." Biglang sabi ni Kate matapos ang halos isang oras kong pag-iyak sa gilid niya at tinatahan lang ako pero walang nagawa ang pagtahan niya.

Wala sa sarili akong tumango sakanya habang nasa harap pa rin ang tingin.

Ilang minuto pa kaming nanatili hanggang sa nagpasiyahan namin ni Kate na umuwi sa condo kuno niya ng makitang humihikab na ako.

Napapadalas na ata ang pagkatulog ko nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ako antukin. Soguro dulot ng matinding pagod lalo na ngayong araw na ito. Ang daming ganap, nakakapagod.

"Este?"

"Ano?"

"Wala." Umiwas ulit siya ng tingin. At  sa iba ibinaling ang tingin

Naiinis na ako sa pagtatawag niya sakin tapos pag sasagutin wala ang isasagot.

Ba't parang naiinis ako sa kanya? E wala namang rason at kung mayron man, ang babaw naman ata ng puwede kong maging rason.

Ng bumukas ang elevator ay naunang lumabas si Kate na siyang sinundan ko agad.

"Pumasok ka." Iminuwestra niya sakin ang pagpasok sa condo niya ng matapos niyang mapailaw ang loob ng condo niya.

"Ang ganda ahh." Pagkamangha ko sa  loob ng condo niya sa mga desenyo at linis nito.

"Kumain ka na ba-"

"Tapos na ako..." Sagot ko sa tanong niya at umupo ako sa pang-isahang sofa at siya naman ay pumasok sa isang kwarto at lumabas na nakapag-pajama na at oversize na damit.

"Baka ginugutom ka. Ipagluluto kita."

"Wag na..." Tumayo ako at sumunod sakanya na pumasok sa kusina ng may maalalang itanong. "Kate?" Tawag ko sa atensyon niya?

Kanina pa nasa isip ko ang bagay na 'to. Simula ng banggitin niya ang condi niya ay pumasok kaagad sa isip ko 'to. Mukhang hindi ata ako makakatulog kung hindi ko nakukuha yun e.

"Ano yun?" Binuksan niya ang ref para kumuha ng tubig na siyang paglaway ng bagang ko ng may mahagip ako sa loob ng ref niya. Lumunok muna ako bago nagsalita. Yung iniisip at hinahanap ko kanina ay nadoon sa loob at nagpapalamig.

"May mangga ba diyan?" At sumilip ako sa ref na nakaawang konti. Napanguso naman ako ng makompirmang yun nga.

Nabaling ang tingin ko kay Kate na umiinom ng tubig na biglang nasinok.

"H-hoy! Ayos ka lang ba?" Taranta akong lumapit sakanya at hinagod ang likod pero dahil sa nakaawang na ref ay dun nabaling ang atensyon ko at walang pag-alinlangang kinuha ang manggang hilaw na nasa isang bowl at dati ng nahihiwa. Kumuha ako ng konting asin at inilagay sa platito tsaka suka para ipangsawsawan at labuyo.

"E-este?" Napatingin ako kay Kate na huminahon na at malalaki ang matang tumingin sakin.

"Ano?" Sagot ko habang kumakain ng mangga.

"W-wala..."

Pinagpatuloy ko lang ang pagkai  na parang isang taong hibang sa mangga.

Alam kong may gusto pa sana siyang itanong pero mas pinili niya ang manahimik na lang. Mukhang ayoko rin kasing madinig e.














End of chapter  nineteen...

Continue Reading

You'll Also Like

50.4K 1.4K 48
Isn't it weird that just on one night stand all things changed i get married because of one mistake. Mistake that turned into 5 stages of griefs. Ins...
9.5K 528 17
"He basically coaxed her out of her skin. She was determined to reinvent herself. To finally accept what life has to offer. She wanted to grow, heal...
386 104 9
letters to james from regulus. tragic love, some words and confession. [ july 2022 ] - @-STARDUSTINYOUREYES LETTERS TO JUPITER FROM MERCURY
2.2K 55 100
Let this book take you to a dimension inside my mind where you will see how I fell and got hurt by the universe and you creating my very own younive...