Fake Marriage, True Love (Lun...

By Jenlunalianiyah

18.3K 579 26

She was forced to accept Liam Andrei Buenaventura's mother's offer to be her wife because she needed money to... More

•••
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note!
Next Series

Chapter 16

425 12 0
By Jenlunalianiyah

"Say it again, baby."

"I love you..." Tugon ko sa pagitan ng pagyayakapan namin hanggang sa may tumikhim. Natawa siya ng mahina sa sinabi ko at ramdam kong hinalikan niya ang buhok ko.

"Ahem!"  Tikhim ng mga pamilyar na boses. Bigla naming nakalimutan na may kasama pala kami.

"Nandito pa pala kayo?" Baling sa kanila ni Liam habang inakbayan ako. At humarap kami sa mga kaibigan niya.

"Awts peyn."

"Ouch! Ako'y na hurt."

"Oh shit. You hurt me, Buenaventura."

Pag a-acting nina Shawn, Tyler, at Trix.

Natawa na lang ako sa ginagawa nila at sa mukhang inis ni Liam.

"Go home, fvckers." Pagtataboy ni Liam tsaka ako dinala sa mesa at pinaupo ako na parang di ako marunong umupo.

"Pagkatapos ng ginawa namin sayo, ito lang ang gagawin mo sa'min? Where's the justice, Buenaventura? Papalayasin mo kami? Walang utang na loob!" Pagmamaktol ni Trix at may papadyak padyak pa sa buhangin.

Natawa ako sa ginagawa niya ng biglang takpan ni Liam ang bibig ko na ipinagtaka ko.

"Don't laugh at him. He's annoying. You fucking Trix, Shawn and Tyler. Binayaran ko na kayo. Magsilayas na nga kayo." Baling niya sa tatlo na nasa harapan namin.

Kinuha ko ang kamay niya at kinunutan ng noo.

Napatingin ako sa tatlo na nakatingin sa mesa namin, habang binubuksan ni Liam ang ulam na nakahain.

Natakam ako ng makita ko ang paborito kong kare-kare.

"Mga patay gutom. Nandun yung pagkain niyo. Magsilayas kayo sa harap ko." Pagtataboy ni Liam ng makitang parang pulubi ang tatlo niyang kaibigan. Natawa ako ng mahina sa pagtatagalog niya kahit na nakaramdam ako ng pagkainis sa ginawa niyang oagtatrato sa mga kaibigan niya. Ganito ba talaga sila? Kahit na galit yung isa, tatawanan pa rin?

"Wag mo silang tratuhin ng ganyan, Liam." Napakunot naman siya ng noo ng sabihin ko yun.

"Shit. You fucking three idiots-"

"Ayun, kakasabi ko pa nga lang." Naiiling na sabi ko.

"Pupunta na kami dun, salamat." Sabay-sabay na sabi nila na tinanguan at nginitian ko.

"Fuck. Your mad?"

"Mad pa sa galit. Nag iinit ang ulo ko sayong hayop ka." Inirapan ko siya ng pabiro at binaling ang tingin sa ulam pero-

"Baby. I'm scared-" pag aarte nito na nginitian ko na lamang.

Natigil siya ng mapansin niya ang paglayo ko ng lalagyan ng kare-kare sa harap ko ng makaramdam ng kakaibang amoy dun. Gusto kong maduwal pero pinigilan ko kasi nandito ang kaibigan ni Liam at nasa harap kami ng pagkain. Nakakahiya naman kung gagawin ko yun.

"Fuck! Tyler Anderson! Ano bang niluto mo!" Tsaka niya tiningnan ang ulam. "Baby, what happened?" Baling niya sakin.

Nagsitakbuhan ang tatlo samin galing sa kabilang mesa na may nakahain ding pagkain.

"What?" Agad na tanong ni Tyler.

"Wala. Kumain na kayo dun. Iniistorbo lang kayo ni Liam." Sabat ko na siyang pagtalim ng kanilang mata kay Liam na nagtataka na din sa inaasta ko.

"Fuck you, Buenaventura." Mura nila kay Liam bago umalis at bumalik sa pinagkainan nila.

Binalingan ko si Liam at kita ko ang gulo sa mukha niya.

"Baby?" Tawag niya na di pa din makalimutan ang nangyari.

"Kain na tayo." Kinuha ko ang steak at naglagay sa plato  dahil yun lang ang hindi mabaho sakin. Pero kinuha ni Liam ang steak na siyang ikinakunot ng noo ko. Ngunit mabilis namang nawala yung at napalitan ng panlalabot ng puso sa ginawa niya.

"Ako na." Linagyan niya ng steak ang plato ko at kinuha niya ang tinidor at sinubuan ako.

Sa isang iglap nawala ang inis na naramdaman ko sakanya.

"Are you okay?" Tanong niya sakin at sumubo na ako.

"Hmm-mm." Sagot ko sa kanya ng hindi makatingin dahil sa sarap ng steak.

Nagsimula na din siyang kumain na walang imik.

Biglang bumalik sakin ang pangyayari kanina at di ko mapigilan ang mas lalong mahulog sa lalaking to. Sa bawat mga ginagawa niya ay mas lalo akong nahuhulog sakanya.

"Thank you... Pinaramdam mo sa'kin ang mga bagay na pakiramdam ko ay kulang. Liam, maraming salamat. Binigyan mo'kong muli ng pagkakataon na maramdaman kung paano magmahal at mahalin. Pinaramdam mo sa'kin ang matagal ko ng inaasam at matagal ng kulang sa'kin. Pinunan mo ang mga pagkukulang ko sa sarili ko. Mahal na mahal kita, Liam..." Matapos kong sabihin yun habang tinitingnan siya sa mata ay tumayo ako sa kinauupuan ko at yumuko ako para mahalikan siya bago umupong muli. Ramdam ko naman ang pagkatigil niya at pagkabalisa na siyang tinawanan ko lamang.

Katahimikan ang namayani habang nakangiti ako sa kanya ng buong puso ng maisipan niyang magsalita na galing sa pagkagulat. Minsan lang kaya akong maging malambing.

"B-baby." Tanging nasabi niya.

Tiningnan ko siya bago ngitian ng mahagip ng mata ko ang kamay kong may singsing.

Ang pinaka-magandang singsing sa buong buhay ko.

"Hmm?"

"I love-"

"I love you." Pagpuputol sa sasabihin niya at sa isang iglap siya naman ang tumayo at hinalikan ako bago bumalii sa pagkakaupo.

"Wohoo! Congrats buddy!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo at sabay din kaming napangiti ni Liam sa isa't-isa.

"Mauuna na kami! Salamat sa bayad mo!" Sigaw ni Trix bago may tumunog na isang chopper. Napatingin ako sakanila ng isa-isa silang pumasok sa chopper at kumaway samin.

"Thank you, fuckers." Sabay naming sabi maliban dun sa pagmura niya sa mga kaibigan niya. At Kinawayan din namin sila bago sila umalis.

"Are you done?" Tanong niya ng tingnan niya alo at magtama ang tingin namin.

"Oo."

"Let's go. I'll show you something." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayang tumayo, na parang hindi ako marunong tumayo.

Naglalakad kami sa dalampasigan na magkahawak ang kamay at ang buwan ang nagsisilbi naming ilaw. Hawak ko ang kamay niya at ako na ang naunang maglakad ng mapatanong ako.

"Saan tayo pupunta?" Tiningnan ko siya habang siya ay nanatili ang tingin sa dinadaanan namin. Dahilan para makita kung gaano ka gwapo ang lalaking 'to. Matataas na pilik mata, makakapal na kilay, malalalim na mga mata, matatangos na ilong at ang malalambot na mga labi.

"Surprise." Sagot niya sa tanong ko.

"Pa'no pa magiging surprise yan ngayon kung sinabi mo na."

"Oh. Sorry for that baby."

"Liam?"

"Yes baby?"

"Baby?" Tanong ko sakanya na gusto kong malaman kung mayron nga bang istorya sa likod nun o wala.

Taka akong tumingin sakanya ng mapahinto siya sa paglalakad na ikinahinto ko rin.

"Esther..."

"Bakit Liam?"

"We will talk about that later. But first, I want to show you my surprise." At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Namamalik-mata nga lang ba ako o totoo nga ba yung nakita kong lungkot sa mukha ni Liam?

Ang makita siyang malungkot ay hindi kaya ng sistema ko. Kailan ko pa ba aaminin na lahat ng sinasabi ko na ang mga sinasabi kong  namamalik-mata ay totoo? Ayaw kong sabihin na totoo ang mga nakikita ko sakanya dahil ayaw kong makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko gustong malaman ang totoo na nakikita ko dahil hindi kayang tanggapin ng sarili, utak at puso ko ang katotohanan.

Pero ang mismo sarili ko ay alam ko ang totoo... Na nagsisinungaling ako sa buhay kung saan ako ngayon... Hindi ko gustong sabihin ang totoo dahil alam kong may masasaktan at may mang-iiwan. Hindi ko gustong may masaktan...

Pero kahit saang anggulo ilagay, may masasaktan at masasaktan din...

May tamang oras para sabihin ang totoo at hindi ngayon ang tamang oras na yun.

Papalapit kami ng papalapit sa pinupuntahan ay palakas ng palakas na nadidinig namin na tunog ng chopper.

"Ano yun?"

Hindi niya ako  sinagot bagkus ay pumunta siya sa likod ko at tinakpan ang mga mata ko ng mga kamay niya.

"Liam..." Inilalayan niya ako maglakad hanggang sa huminto kami. At ramdam ko na malapit lang sa amin ang chopper.

"Go." Sabi niya bago ko nadinig ang pagpatay ng tawag sa cellphone niya.

Ng bitawan ng kamay niya ang pakatakip sa mata ko ay ang siyang pagtingala ko sa langit ng may sumabog na fireworks sa taas. Hindi tulad ng kanina dahil  di nagtagal ay napoporma ito ng isang letra ngunit nagsunod-sunod yun.

I. L. O. V. E. Y. O. U.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa nasaksihan ko. Ang mga letrang lumalabas ay kay gandang tingnan. Lalo na't nasa ilalim ng magandang buwan.

Isa lang ang alam ko... Dahil sa saya at lambot na nararamdaman ko sa puso ko ay di ko mapigilan ang maluha.

"Liam..." Tiningnan ko siya at siyang pagkulong ng mga palad niya sa mukha ko at hinalikan ako na may mga ngiti sa mga labi.

"I love you..." Pinatong niya ang noo niya sa noo ko habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisnge habang halos magkadikit na ang aming katawan at nakahawak ang dalawa kong kamay sa leeg niya tsaka ko siya nginitian.

"I love you too..." Tinugonan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Don't leave me baby... Just stay by my side and that's enough. Love me the way I loved you was enough. Esther, I love you so much." Pinikit niya ang mata niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata niya kasabay ng pagkirot ng kung ano sa dibdib ko. May hindi siya sinasabi sa'kin at sigurado akong nagkakaganito siya dahil sa mga nararamdamn niyang kung anuman. At handa akong pakinggan siya.

"Liam..."

"The blue room in my house was for my baby." Nakapikit at parang napipilitan siyang magsabi sakin.

At sa isang iglap, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa paninigas ko sa kinatatayuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabang hindi ko mapangalanan kung anong dahilan. Nabitawan ko ang paghawak sa kanya at pilit na wag prosesohin ang mga sinasabi niya ngunit tumatak sa'kin. Nakuha ko agad kung ano yun. Ba't parang ang sakit naman? Parang gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon din.

Ang kamay kong nasa leeg niya ay unti-unting nanlalambot... Ang mga tuhod ko na kahit bata pa  ay humihina... Ang puso kong galing sa mabilis na pagkabog ay humihina. Na parang biglang walang nangyari sakin. Na parang wala akong narinig mula sa kanya. Na sana nagbibiro lang siya o hindi kaya ay isa lang ang lahat ng 'to sa panaginip ko. Na sana walang katotohanan ang lahat... Dahil kung isa man itong panaginip, puwes gusto ko ng magising. Hindi kinakaya ng sistema at puso ko ang lahat...

Ngunit hindi... Kailangan kong harapin kung anong nakatakda... Hindi na pwedeng mabago ang katotohanan, maliban na lang kung magsisinungaling ka. Tulad ko, na nagsisinungaling...

Ng susuko na sana ang buo kong katawan ay hinapit niya ako. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa bewang ko at ang isa niyang kamay ay nasa kamay kong nasa leeg niya para di ito tuloyang matanggal.

Pasuko na ang katawan ko, ngunit nandiyan siya para palakasin ako.

"Baby, please... Don't leave... Listen to me, please..." Nakapikit niyang sabi habang may luhang tumutulo sa mga mata niya at nanatiling nakasandal ang noo namin sa isa't isa.

"Liam..." Di ko na din mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa dibdib ko. Lalongl-lalo na ng maramdaman ko ang sakit niya.

"Do you know I painted it with color blue? B-because my baby that supposed to be alive was a boy." Mahina at halos pabulong na sabi niya habang patuloy  pa din sa pagbuhos ang mga luha niya...

Ngayong gabing ito...  Sa ilalim ng maliwanag na buwan ay nakita ko ang lalakeng mahal ko na umiiyak. Umiiyak dahil sa anak niya... Sa anak niya sa iba.

Bago ako dumating... Madami nang nauna... Parang ako yung babaeng nang agaw... Babaeng nagpapagamit na lang basta-basta sakanya. Sakanya na di ko alam na may nagmamay-ari na pala...

Pinikit ko ang mata ko ng maramdamang parang umiikot ang paningin ko at parang matutumba na ako. Pero dahil sa posisyon at hawak sakin ni Liam ay napigilan kong matumba. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang iminulat ang mata at tumambad kay Liam na walang kaalam-alam kung ano ang nararamdaman ko.

"Liam..."

"Baby..." Sumakit lalo ang dibdib ko ng hindi malaman kung sino ang tinatawag niya.  Ako o ang anak niya?

"He's dead, baby... He's dead..."

Kung kanina ay ako ang nanghina. Ngayon naman ay ramdam na ramdam ko kung paano biglaang humina si Liam...

Ang kamay kong nasa leeg niya ay inilipat ko sa bewang niya para yakapin...

Nawalan siya ng anak...

Ang kwartong matagal kong pinagtakahan kung ano ang nasa loob ay ang kwarto ng anak niyang namatay.

Yumakap siya pabalik sa'kin bago bumitaw at iginiya sakin ang umupo sa buhangin na tsenelas  lang ang uupoan.

Inakbayan niya ako bago ko inangat ang tingin sa kanya na nakatingin lang sa karagatan at ang maliwanag na buwan.

"I have a son but he's already dead when he was born."  Sabi niya bago ako balingan at halikan ang noo bago ibalik ang tingin sa karagatan at ipinagpatuloy ang kwento na wala ng luhang pumapatak. "I never loved his mom. We made a mistake but having a child will never be a mistake. Being a father, I want him to feel how to be loved and cared that I never experienced before. But guess what? He take my son away from me, he was born with no pulse already."

"Dad died in a car accident when I was young. Dad put to his last will that he'll just give me his company, If I'll get married. For now, mom was handling it for me. I'm just waiting for us, Esther and now is the right time, baby..." Hindi ko napigilan ang sarili ko at yinakap ko siya ng mahigpit.

Napasaya na niya ako ng sobra, binigay na niya sa'kin ang lahat. Pinunan niya ang lahat ng kulang sa sarili ko. Minahal niya ako na hindi ko inaasahan. Naramdaman ko kung paano maging isang importante at mahalin dahil sakanya. Napasaya na niya ako ng sobra, ngayon naman ay siya ang papasayahin ko.

"Liam..."

Kung ganun, gusto kong maranasan niya kung paano magkaroon ng anak...

"Yes baby?" Bumitaw ako sa yakapan namin at tiningnan ko siya sa mata.

"Buntis ako..."

At dahil sa kagustohan kong mapasaya siya ay nagawa ko ang huling pagsisinungaling ko sakanya...














End of chapter sixteen...

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 55 100
Let this book take you to a dimension inside my mind where you will see how I fell and got hurt by the universe and you creating my very own younive...
9.5K 528 17
"He basically coaxed her out of her skin. She was determined to reinvent herself. To finally accept what life has to offer. She wanted to grow, heal...
3M 248K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
50.3K 1.4K 48
Isn't it weird that just on one night stand all things changed i get married because of one mistake. Mistake that turned into 5 stages of griefs. Ins...