Descendant of a Rose

By JhosaArion

15K 677 49

[COMPLETED] Isang mabait na ina sa kanyang tatlong anak. Masaya na sana ang buhay niya kung hindi lang siya n... More

Descendant of a Rose
Dedikasyon
Epigrap
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Tala ng may-akda
Update for the Season 2
S2: Kabanata 40
S2: Kabanata 41
S2: Kabanata 42
S2: Kabanata 43
S2: Kabanata 44
S2: Kabanata 45
S2: Kabanata 46
S2: Kabanata 47
S2: Kabanata 48
S2: Kabanata 49
S2: Kabanata 51
S2: Kabanata 52
S2: Kabanata 53
S2: Kabanata 54
S2: Kabanata 55
S2: Kabanata 56
S2: Kabanata 57
S2: Kabanata 58
S2: Kabanata 59
S2: Kabanata 60
S2: Kabanata 61
S2: Kabanata 62
S2: Kabanata 63
S2: Kabanata 64
S2: Kabanata 65
S2: Kabanata 66
S2: Kabanata 67
S2: Kabanata 68
S2: Kabanata 69
S2: Kabanata 70
Epilogue

S2: Kabanata 50

23 0 0
By JhosaArion

UNANG araw ni Esang sa kaniyang trabaho, hindi niya alam kung matatanggap o magiging maganda ba ang performance niya bilang isang sales lady sa cionvenience store. Mabuti nga at natanggap siya sa mga oras na iyon at hindi siya tinanggihan. Tinotoo nga ni Haven ang sinabi nito na pababantayan siya kay Esmael. Kasama na niya sa mga oras na iyon ang pinsan ni Haven. Bagger ang lalaki, samantalang siya ay isang sales lady. Tamang ayos lang ng mga items sa loob ng mall, sa grocery section siya nakalagay.

  

  Night shift ang duty nila ni Esmael, simula alas sinco ng hapon hanggang alas dyes ng gabi. Mabuti na lang talaga at may motor si Esmael kaya isasabay na lang daw siya nito mamaya sa pag-uwi. Hindi alam ni Esang kung ano ang sasabihin sa lalaki, nahihiya kasi siya na simulant ang usapan. Kaya naman mas nag-focus na lang siya sa pagtatrabaho. Marami na ring customer na bumibili at abala na silang lahat. Medyo naninibago na rin si Esang dahil wala pa siyang kilala na mga kasama.

  

  Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-aayos ng mga pancit canton sa shelves ay bigla na lamang may lumapit sa kaniyang dalawang babae na kasamahan niya rin. May hila-hila ang dalawa ng mga can goods, at mukhang ilalagay na rin ng mga ito sa section ng mga can goods.

  

  “Hello! Bago ka rito?” bati ng isang babae na may kulot na buhok, maputi ito saka medyo chnita ang dating. In short, cute.

  

  Ngumiti naman siya sa babae saka tumango. “Oo, kakapasok ko lang ditto kanina. Kayo ba?” sagot naman niya sa mga ito.

  

  “Mag-iisang buwan na. anong pangalan mo?” sagot naman nung kasama ng babaeng kulot ang buhok. “Ako nga pala si Eleanor. Ikaw?”

  

  “Esang. Elizabeth ang totoo kong pangalan. Pero mas sanay kasi akong tawaging Esang.”

  

  “Ang cute naman ng pangalan mo. Ako nga rin pala si Geneva. Gen na lang o kaya Eva,” pagpapakilala naman ng may kulot na buhok.

  

  “Oh, siya, sige. Maya na lang tayo magkwentuhan mag-break time. Bbaka mapagalitan tayo ni manager,” ani naman ni Eleanor na ikinatawa nilang tatlo.

  

  Hindi inaasahan ni Esang na may makikilala agad siya na mga kaibigan sa kaniyang bagong trabaho. Akala niya ay snob ang mga ito. akala niya lang pala, hindi naman dapat pala siya matakot na makipag-usap sa iba. Paminsan-minsan ay susubukan niyang makisalamuha at haharapin niya ang kaniyang kinatatakutan.

  

  Nang matapos siya sa kaniyang paglalagay ng pancit canton ay kumuha na rin siya ulit ng stock sa stock room ng mall. Naabutan niya si Esmael na naglalagay ng mga ilan pang groceries sa cart. Mukhang inutusan ito na maglagay roon para mapadali ang trabaho. May ilan na rin kasing nasa counter na nagba-bag ng mga pinamili ng mga mamimili. Nation na silang dalawa lang ni Esmael doon.

  

  “Ayos ka lang ba?” lakas-loob na tanong ni Esang sa lalaki nang mapansin niyang mukhang hindi ito sanay sa ganoong gawain. Lumapit siya para tulungan ito sa paglalagay ng mga can goods sa cart at ng ilan pang mga preserve foods na naroroon.

  

  Hindi kumibo si Esmael at hinayaan siya. Namumuo na rin ang butil ng pawis sa pisngi nito at noo. Kahit gusto man na magsalita ay pinipigilan niya ang sarili. baka mamaya ay makulitan si Esmael sa kaniya at magalit na lamang bigla. Mas mabuti na lamang na maging tahimik siya, mas mainam iyon at walang gulo na mangyari.

  

  Hanggang sa nagdatingan na ang mga kasam aniya na sina Eleanor at Geneva. May mga ilan ding mga kasama at mukhang kukuha na rin ng cart. Si Esmael lang kasi ang naglalagay sa cart at mukhang wala itong katulong. Kaya nagpa-iwan na lang siya at hindi na bumalik sa loob.

  

  “Baka mapagalitan ka. Bumalik ka na roon, kaya ko naman dito.” Napaangat ng tingin si Esang kay Esmael nang bigla na lamang itong magsalita.

  

  Pero kahit anong pilit nito sa kaniya ay hindi siya mapapaalis ng lalaki. Nakahanda na rin siya sa kung ano ang magiging resulta ng pangyayari na iyon.

  

  “Tutulungan na kita, wala naman halos ginagawa roon sa loob. Saka marami naman akong mga kasama. Ikaw mag-isa ka lang dito,” sagot niya, dahilan para mapatigil naman si Esmael sa kaniyang ginagawa.

  

  Napatingin siya kay Esang habang abala ito sa paglalagay ng mga can goods sa cart. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na mas mahulog pa sa babae. Ganito ba talaga ito? hindi niya alam kung paano pipigilan ang sarili na mas mahulog pa siya sa dalaga. Pilit na nga siya umiiwas kay Esang pero nilapitan naman siya ng kaniyang Kuya Haven saka pinilit na samahan ang nobya nito. Kung alam kaya ng kaniyang Kuya Haven na nahalikan na niya si Esang ng dalawang beses ay magagalit ito? pero hindi naman iyon mangyayari, takot lang niya na baka siya ang patayin ng kaniyang pinsan.

  

  Nakita na niya ito noon kung paano magalit, saka wala na siyang pamilya. Tanging ito na lang ang nagpapakita sa akniya ng importansya kaya hindi niya iyon sasayangin. Kakalimutan na lamang niya ang nararamdaman para kay Esang, pero hindi niya alam kung paano. Lalo na at kasama na niya simula sa araw na iyon palagi ang babae.

  

  Ipinaling na lamang niya ang kaniyang atensyon sa ginagawa at pilit na iniignora si Esang na malapit lang sa kaniya. Baka mamaya, kapag susundin niya lang ang puso niya ay baka ano pa ang magawa na naman niyang mali sa babae. Mabait pa rin ito sa kaniya sa kabila ng kaniyang mga nagawa, at hindi niya iyon pagsasamantalahan. Nagising na siya noong isang araw nang umiyak ito dahil sa kagaguhan niya. Labis nag pagsisisi niya noon at napatanong kung bakit niya iyon ginawa?

  

  Hindi niya kasi maiwasan ang magselos lalo na sa tuwing binibigkas na lang ni Esang ang pangalan ni Haven. Nandidilim talaga ang paningin niya at hindi na niya alam kung ano ang magagawa. Pero hindi niya pinagsesehan ang paghalik kay Esang, iyon na lang nag babaunin niyang magandang alaala.

  

  ***

  

  “Sama ka na sa amin, Esang!” anyaya ni Eleanor kay Esang nang mag-break time na silang lahat.

  Medyo alanganin pa ng mga oras na iyon si Esang, napatingin siya kay Esmael na papalabas na rin ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit nag-aalala siya para sa lalaki. “May isasama sana akong kaibigan, okay lang?” tanong niya kina Geneva at Eleanor.

  

  

  Ngumiti naman si Geneva at mukhang alam na nito kung sino ang tinutukoy ni Esang. ‘Naku, ayos lang, Esang. Dali yayain mo na ang bf mo at baka mapuno iyong resto na suki na naming.”

  

  Tumango-tango naman si Geneva bilang pagpayag nito. Kaya wala nang hinintay pang oras si Esang at agad na lumapit kay Esmael. Nagulat naman ang lalaki sa biglaan niyang pagsulpot sa harapan nito.

  

  “Esmael, kakain kami sa labas. May makasasama tayo, sina Eleanor at Geneva. Sumama ka na sa amin,” anyaya niya agad sa lalaki.

  

  Tatanggi a sana si Esmael nang bigla na lamang siyang hinila ni Esang habang hawak-hawak ng babae ang kaniyang kamay. Sa hindi malaman na dahilan, bigla na lamang bumilis nag tibok ng puso ni Esmael at pakiramdam niya ay nakalutang lang siya sa ulap habang nakatingin siya kay Esang, mahina lang ang kanilang pagtakbo na waring slow motion.

  

  Ano ba ang ginagawang ito ni Esang sa kaniya? Binabaliw na ba siya nito nang tuluyan? Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Mas lalo pa yatang lumalalim ang nararamdaman niya para sa babae.

  

  Nang makalapit na sila ni Esang sa dalawang babae na naghihintay sa kanila ay agad siyang pi nakilala nito. Nalaman ni Esmael na Eleanor at Geneva ang pangalan ng dalawa. Mabuti pa si Esang at mukhang nagkaroon na agad ng kaibigan, samantala siya mukhang hindi siya gusto ng mga kasamahan niyang bagger. Hindi alam ni Esmael kung ano ang dahilan ng mga ito. ipagsakawalang-kibo na lamang niya ang mga iyon. Wala naman siyang ginagawang masama, kaya hindi na lang niya ang mga iyon na papansinin. Pero kung mayroion man na masamang balak sa kaniya ang mga ito ay hindi niya iyon papalampasin. Magkamatayan man o magkabugbugan ay wala siyang paki-alam. Basta ipagtatanggol niya ang sarili kung may masama man na pangyayaring parating.

  

  Dinala sila ng dalawang babae sa isang resto. Magkatabi silang dalawa ni Esang at mukhang mabait naman ang Geneva saka ang Eleanor. Nalaman nila ni Esang na may mga pamilya na pala ang dalawang babae, at pinagsasabay ang pag-aaral saka ang pagtatrabaho para may pantustos sa pangangailangan ng mga ito araw-araw.

  

  Masasabi pa rin ni Esmael sa kaniyang sarili na ang swerte niya dahil hindi naman siya ganoon na nanghihirap. May iniwan naman kasi na trust funds ang kaniyang mga magulang saka pinapalago niya iyon sa pamamagitan ng investment. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Esmael ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-sa. Mas natuto siyang pangalagaan ang pera at palaguin ang mga iyon na iniwan ng kaniyang mga magulang. pinangako niya kasi sa sarili na hindi mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng mga ito.

  

  Nagkukwentuhan lang sa loob ng break time nila ang tatlpong babae, habang siya ay nakikinig lang at nakatitig kay Esnag. Wala na siyang pakialam kung napansin iyon ng mga kasama nila, hindi naman niya itatangi na mahal na mahal niya talaga si Esnag.

  

  Nang makabalik na sila sa kani-kanillang trabaho. Inutusan siya agad ng kanilang manager na magkarga ng mga can goods saka iyon isalansan sa mga shelves. Kaya naman habang nag-aayos ay nakita niyta si Esang na panay nag tingin sa mga product. Napangiti siya dahil nacu-cutan siya sa ayos na iyon ng babae. Walang alinlangan niyang kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa saka ito kinuhanan ngf litrato. Mabuti na lang at wala iyong sound at hindi nakaagaw ng pansin sa mga kasama nilang lahat.

  

  Napatigil si Esang sa kaniyang pagtingin sa mga can goods nang bigla na lamang mag-vibrate ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon saka agad na tiningnan kung sino ang nag-text. Nakita niya sa screen ang pangalan ni Haven, napangiti siya at agad na ni-reply-an ang lalaki.

  

  Nasasabik na siyang makita ito. pero kailangan niyang tiisin para sa kaniyang tuition saka sa pagtulong sa kaniyang Lola Sarah.

  

  Mabilis na lumipas ang oras at sumapit na ang alas dyes ng oras ng gabi. Kasalukuyan na nag-aayos na ng mga gamit silang lahat. Lumapit sina Eleanor at Geneva kay Esang para yayain ang babae na sumabay na sa kanila pauwi.

  

  “Hindi ka sasabay sa amin?’ ulit na tanong ni Geneva kay Esang na ikinatango naman ng huli.

  

  ‘Hindi, e. pasensya na kayo. Sabay kasi kaming uuwi ni Esmael,” tanggi niya na ikinatango ng dalawa habang may mapaglarong ngiti sa mga labi.

  

  “Ikaw ha, wala kang sinasabi sa amin,” may halong panunukso sa tono ni Eleanor nang mga oras na iyon.

  

  Ang wala namang kaalam-alam na si Esang ay napailing na lamang. Magsasalita na sana siya nang tawagin na siya ni Esmael. “Sige na ha, mag-iingat kayo!” paalam na niya sa dalawa.

  

  Tanging kaway at ingat lang din ang natugon ng dalawa sa kaniya at saka na siya lumakad papalapit kay Esmael. Nakaayos na ang lalaki, naka tazlan short, sapatos na nike saka losse na white shirt. Biglang napatigil si Esang dahil hindi niya alam kung bakit bigla na lamang uminit ang kaniyang pisngi. Ang gwapo naman kasi ng mga oras na iyon si Esmael. Noon niya lang kasi ito nakitang nakabihis nang ganoon, kapag sa university naman kasi sila ay P.E sa uniform lang ang palagi nilang suot.

  

  Titig na titig naman sa kaniya si Esmael. Naka loose shirt din naman kasi siya saka loose pants at slide na sapatos. Dahang-dahan na lumapit sa kan’ya si Esmael saka kinuha nito ang kaniyang bag.

  

  “Ako na, Esmael.” Hindi naman kasi iyon kasama sa serbisyo nito. Pero nagpumilit pa rin nag lalaki kaya wala na siyang magawa kundi hayaan na lamang ito. ayaw na rin naman niyang makipagtalo pa rito. Baka mamaya ay bigla na lamang itong magalit at ewan na lamang siya roon sa convenience store.

  

Continue Reading

You'll Also Like

752K 17K 74
Annyeong! I'm Eunice Chae Yun (Half Filipino, Half Korean) Ako yung tipo na marunong makontento sa kung ano ang nangyayari sa present at kung ano ang...
82.1K 6.9K 85
"I know I promised not to leave you but can you please give me one more chance?"
874K 19K 60
Nagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo...
358K 4.4K 175
Complete songs ni Taylor Swift including other songs niya na di niyo pa alam. Andito rin po yung bago niyang album yung 1989. Swiftie forever!!! Enjo...