AMONG US I

By exoleyxion

357 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD

31 13 0
By exoleyxion


NAGLALAKAD na kami ngayon pabalik sa mansyon ng Kapitan pagkatapos naming magkwentuhan sa falls. Nagtulukan pa sina Hazel, Shaun, Donna at Angelo kaya naligo nalang sila doon. Mga abno talaga.

“Kasalanan mo ‘to Shaun eh!” paninisi ni Hazel at binatukan si Shaun. “Papagalitan tayo ni Sir neto. Sinabi niya pa naman na huwag daw muna maliligo.”

“Sabi ni Sir, huwag maligo sa dagat. Hindi niya sinabing huwag maligo sa talon!” dahilan ni Angelo kaya binatukan rin siya ni Donna.

“Yawa ka Angelo! Kasalanan mo rin ‘to!” segunda niya. “Tamo, pag pinagalitan tayo mamaya, lalagutan kita ng hininga.”

“Napakatapang mo ah. Hindi mo naman abot leeg ko HAHAHA.”

Pagdating namin sa mansyon ay agad silang nagbihis para daw hindi mapansin ni Sir na basa sila pero HAHAHA saktong pagdaan namin sa gitnang kwarto ay siya ring paglabas ni Sir mula doon. Kaya ang ending, pinagalitan sila ni Sir Cavalor habang kami naman ni Wave ay nakatingin lang sa kanila. Kaming dalawa lang kasi ang hindi nabasa.

Pagsapit ng alas tres ng hapon ay sabay-sabay na kaming pumunta sa main entrance ng Barangay upang hakutin ang mga karton ng donations na iniwan doon ng bus.

“Ang bibigat naman ng mga kartong ‘to!” reklamo ni Hazel habang buhat-buhat ang isang malaking box. Kinuha naman ito ni Shaun mula sa kanya.

“Huwag ka nang magbuhat ng karton. Baka mapagod ka lang,” anito na ikinapula ng pisnge ni Hazel. Kinantyawan naman namin sila.

“Yieee, sinasabi ko na nga ba,” panunukso ko.

“Concerned lang ako sa kaibigan natin,” Shaun explained. “Alam niyo naman kung gaano katakaw ‘yan kapag pagod, hindi ba? Ayaw ko lang makita na nagiging dugyot siya.”

“Gag* ka talaga, Shaun!” Binatukan siya ni Hazel kaya napatawa nalang kami. Aso’t pusa talaga kahit kailan.

Kinuha ko ang pinakamaliit na box dahil ‘yon nalang ang natira. Ang gaan-gaan naman nito. Ano laman nito? Tatlong damit?

Lalakad na sana ako nang harangan ako ni Miguel.

“Bakit?” kunot-noo kong tanong.

“Ako na magdadala niyan.” Akmang kukunin niya ang box sa kamay ko nang ilayo ko ito.

“Ako na. Hindi naman mabigat eh,” I said and smiled. Nginitian niya rin ako at sasabayan na sana sa paglalakad ngunit tinawag siya ni Sir. Cavalor. Nagpaalam ito sa’kin at lumapit sa guro.

Hinanap ng mga mata ko sina Paris ngunit hindi ko na sila nakita. Nauna na siguro. Hindi man lang ako hinintay ng mga iyon! Parang hindi kaibigan ah.

“Give me your box.” Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Wave sa harap ko. Buhat-buhat niya ang isang medyo may kalakihang box.

“I’m sorry, come again?” I was spaced out kaya hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

“I said, give me your box,” he replied with coldness in his voice. Parang kanina lang napaka-soft niya pero ngayon cold na naman siya. Mood swing ba ‘to?

“No need. Magaan lang naman ‘to eh,” I said.

“Come on. Place it here,” pagpupumilit niya at nginuso ang ibabaw ng box na dinadala niya. Cute mwehehehe.

“Kaya ko na ‘to,” sagot ko. “Kung kukunin mo pa ‘to sakin ay wala na akong dadalhin.”

He sighed. “Okay fine,” pagsuko niya. “Let’s go.”

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa maliit na court ng Purok Malinlin. Nandoon na ang mga kasama namin at pati na ang mga taong nakatira sa Purok na ito.

“Pumila lang po tayo dito.”

Pinamigay na namin ang mga box sa mga tao. Kita ko naman kung gaano sila kasaya sa mga natanggap nila. Masaya rin ang mga kaklase ko dahil napupuno sila ng pasasalamat ng mga tao.

“Pres, I’ll take photos for your book of memories,” nakangiting saad ni Yuan habang hawak-hawak ang camera niya.

“Aba, memorize mo ah?” pagbibiro ko.

“Of course. Ako kaya ang photographer mo,” pabida nitong sagot. “Okay Pres, ikaw muna ang kukuhanan ko ha?”

Tumango ako at ngumiti sa camera. Kinuhanan niya ako ng isang shot at nag-signal ng okay.

“Pwede mo ba kaming kuhanan ni Zivienne?” Nabaling ang tingin namin sa nagsalita. Bakas ang pagka-inis sa mukha ni Yuan nang makita ito.

“Bakit? Si Wave ka ba para magpa-picture sa boss namin?” naiiritang tanong nito na tinawanan lang ng huli.

“Do I have to be Wave so you can take a photo of me with her?” tanong naman ni Miguel.

Yuan hates Miguel for a reason that I don’t know. No one knows. Nakalimutan kong sabihin na close kami ni Yuan dahil ninong nito si Dad kaya sinabi niya sakin na hate niya si Miguel. Pero hindi naman niya sinabi kung bakit. Magkukuwento na nga lang, hindi pa sabihin lahat. Boang.

“Yes, you have to be Wave,” sagot ni Yuan. “Nasaan na ba si Wave?”

“Here.”

Napalingon kami sa kaliwa ko nang may sumabat doon. Wave is standing there with his hands inside his pockets. He’s wearing his usual cold and serious face.

“It’s good that you’re already here,” ani Yuan. “Tumingin na kayo dito.” Tinaas niya ang kanyang camera at tinutok sa amin ngunit napahinto rin ito agad at tiningnan nang masama si Miguel na nakatayo pa rin sa kanan ko. “Hindi ka kasali.”

Pagak na tumawa si Miguel. “Why not?” he asked and faced me. “Zivienne, pwede ba akong magpapicture?”

Hindi na ako nakasagot dahil hinila na siya ni Yannah palayo. Napanatag naman ang kalooban ni Yuan dahil wala na si Miguel.

“Okay,” tawag atensyon niya at itinaas muli ang kanyang camera. “1… 2… 3…”

Kasabay ng pagngiti ko sa camera ay siya ring pag-akbay sa akin ni Wave at nilapit ako sa kanya. Pagkatapos kaming makuhanan ng litrato ay sandali akong natulala at pilit pinoproseso ang nangyari. Nabalik lang ako sa katinuan nang tumalon-talon si Yuan sa harapan namin.

What in the world was that?!

“Ang ganda ng kuha, Pres!” bulalas niya. “I will print this immediately!”

Nahihiya akong ngumiti sa kanya at tumango-tango. Nagpaalam naman siyang kukuha pa ng litrato sa paligid.

Nang matapos ang pagpapamigay ay bumalik na kami sa mansyon. Nagtipon kaming walo sa kwarto at nagkuwentuhan. Nakapili na rin kami ng mga pwesto namin sa kama. Doon ako pumwesto sa tinulugan ko kanina at ang mga abnormal kong kaibigan ay pinilit si Wave na doon pumwesto sa tabi ko. Bale si Wave yung nasa malapit sa balcony, tapos ako ang sunod. Then on my right is Shaun, Hazel, Donna, Paris, Yuan, and Angelo. Si Angelo yung malapit sa pinto.

“Zivienne, may gwapo kanina doon sa court!” kinikilig na kwento ni Donna. “Pasulyap-sulyap sa’yo! Mukhang type ka yata!” Hinampas ako nito sa braso at kinurot sa tagiliran.

“Talaga ba, mamsh?” kunwaring interesado kong tanong. “What’s his name?”

Magsasalita pa sana si Donna ngunit naunahan siya ni Wave.

“Let’s eat,” anito at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Hinintay muna kami nitong makatayo bago naunang lumabas. Sumunod na lamang kami sa kanya pababa.

“Problema no’n?” Donna asked.

“Boys’ things, Donna,” sagot ni Paris na tinanguan naman ni Donna.

Nadatnan namin ang mga katulong ni Kapitan na naghahain sa mahabang lamesa kung kaya’t tinulungan namin ang mga ito. Ang dami nilang niluto. Kung sa bagay, marami rin naman kaming kakain.

“Nanay, ito po ba yung mga suplay galing sa school namin?” tanong ko sa medyo may katandaang babae.

“Ah, oo hija,” sagot niya at nginitian ako. “Pero hindi na dapat kayo nagdala ng suplay niyo dahil ang sabi ni Kapitan, siya na daw ang bahala sa mga kakainin niyo hangga’t nandito kayo. Kapalit daw iyon ng pagtulong niyo sa mga taga rito.”

Napatingin si Nanay sa likod ko at may tinawag doon. Nilingon ko naman ito at nakita ang walang emosyon pero napakagwapong diyos—este lalaki na nakatayo malapit sa malaking pinto. He’s handsome kaso kung pagtatabihin sila ni Wave ay mas gwapo pa rin ang aking honeybunch hehe.

“Zhaivo hijo, nandito ka na pala. Halika rito.”

Naglakad siya palapit sa amin at pinasadahan ng tingin ang mga kasama ko. Nang dumapo sa akin ang kanyang mga mata ay unti-unti siyang ngumiti. Omg! Makalag-lag panty, charot!

“Nanay Letty, who are they?” this Zhaivo asked while staring at me. Hala yawa, bakit sa'kin lang nakatingin ‘to? Mukha ba akong ‘they’?

“Sila ang mga estudyanteng ipinadala ng Maple High para tumulong sa mga gawain dito,” sagot ni Nanay Letty at bumaling sa amin. “Pwede ba kayong magpakilala isa-isa?”

Unang nagpakilala si Hazel kung kaya’t pumunta muna ako sa likod nila. “Hi! My name is Hazeline Dominguez, but you can just call me Hazel!” pakilala nito at naglahad ng palad na tinanggap naman ng huli. “By the way, single ka ba? Kasi ako, oo hehehe.”

“Hindi niya tinanong,” pambabara ni Shaun kaya hinarap siya ni Hazel at inirapan.

Sunod-sunod na silang nagpakilala hanggang sa kami nalang ni Wave ang hindi pa. Lumapit sa akin ang lalaki at inilahad ang kamay niya.

“My name is Zhaivo Shivore. I am the son of Zandro,” pagpapakilala nito at nginitian ako. Narinig ko naman ang mahinang kantyaw ng mga kaibigan ko na nasa gilid. Mga boang.

“Zivienne Deala,” I said and shooked hands with him. Ayaw pa sana niyang bitawan ang kamay ko ngunit si Wave na mismo ang bumawi no’n at nakipag-kamay kay Zhaivo.

“Wave Lee.”

“Nice to meet you, bro.”

“Same here.”

Duamating na si Tito Zandro at ipinatawag ang iba naming kasama. Nang makababa na sila ay nagsimula na kaming kumain. Pati si Zhaivo ay nakisabay na rin. Hindi natahimik ang hapag dahil nagkukuwentuhan at nagtatawanan sina Tito Zandro at ang mga kasama ko habang tahimik lamang kaming kumakain nina Wave at Paris. Paminsan-minsan ay may tinatanong rin si Kapitan at ang anak niya sa amin at sinasagot naman namin ito.

“Zhaivo, single ka pa ba?” Sofia asked.

Si Tito Zandro na ang sumagot. “Yes, my son is single, hija.” Bumaling ito sa anak. “Zhai, wala ka pa bang nagugustuhan?” he asked.

“I like someone, Dad.”

“May we know who?” Pearl asked.

“No,” sagot ni Zhaivo na ikinatawa ng Dad niya.

“I think that girl is here with us.”

“We just met earlier, but don’t worry, Dad.” Tumigil muna siya sandali. “You will know who she is when she’s already my girl.”

Napa-wow sila sa sinabi ni Zhaivo at patuloy na nagkuwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain. Tumulong kami sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin at nagpresentang kami na ang maghuhugas pero hindi kami pinayagan ni Tito Zandro.

Habang kumakain kami kanina ay sinabihan kami ni Sir na dapat ay maaga kaming gumising bukas dahil magsisimula na kami sa mga gawain namin.

Pagkatapos kong mag-half bath ay napadungaw ako sa balcony. Alas sais y media pa lang kaya napagdesyunan kong pumunta sa dalampasigan. Medyo madilim na rin pero hindi naman ako takot.

I took my phone and went to the shore alone. Hindi ko na niyaya ang apat HAHAHA. Sina Paris kasi at Shaun ay tulog na samantalang sina Hazel naman at Donna ay nakikipag-chikahan kuno kay Zhaivo doon sa likod ng bahay.

Umupo ako sa buhanginan at pinagmasdan ang dagat. Maliliit lamang ang mga alon kung kaya’t mahina lang ang tunog nito kapag umaabot sa dalampasigan.

Nagmumuni-muni ako nang biglang may umupo sa kanan ko. Muntik pa akong mapatalon sa gulat. Akala ko kasi kung sino na. Si Wave lang pala.

“Nagulat ba kita?” he asked softly. Gulat akong napatingin sa kanya at parang hindi makapaniwala sa narinig. Did he just asked me in Tagalog? OMG! OMG!

“Hey,” he gently called when he noticed that I’m just staring at him. Nakakapanibago kasi siya. Naninibago ako sa mga kinikilos niya nitong mga nakaraan. Gosh parang na human shock yata ako.

“Ah, h-hindi,” utal kong sagot at binalik ang tingin sa dagat. Binalot kami ng katahimikan bago niya ‘yon basagin.

“Sir. Cavalor said that it’s fine to swim.” Naging cold na naman ang tono ng pananalita nito. Tumango-tango naman ako kahit alam kong hindi niya nakita dahil nakatingin din siya sa dagat. Maya-maya pa ay inilipat nito ang paningin sa akin. “That Zavo guy has a crush on you.”

Muntik ko na siyang mabatukan dahil sa sinabi niya kaya lang naalala kong hindi pala kami close HAHAHA. Pero bakit niya naman sinasabi sakin ‘to? Talking about crush huh? He doesn’t sound like Wave.

“It’s Zhaivo not Zavo,” I corrected. “At bakit mo naman nasabing crush niya ako?”

“It’s obvious,” sagot nito. Nagkibit-balikat na lamang ako at wala nang nagsalita pa sa amin.

Nang makaramdam ng antok ay inaya ko na siyang bumalik sa mansyon. Hindi naman na siya umangal at tahimik lang na sumunod sa akin.

Bago kami matulog ay chineck muna namin ang bawat rooms kung nasa loob na ba ang lahat. Sina Angela at Enara ay wala pa. Baka kinakausap pa sila ni Sir tungkol doon sa gulong ginawa nila kanina.

Papasok na sana kami ni Wave sa room namin nang may tumawag sa amin. Nilingon naman namin ito at nakita si Enara na namumutla at parang takot na takot. She walked towards us and was about to say something but Sir Cavalor called us.

“Zivienne, Wave, Enara, bakit gising pa kayo?” he asked. “Magsitulog na kayo dahil maaga pa tayong magsisimula bukas.”

“What is it again, Enara?” tanong ko nang makaalis na si Sir.

“A-ah, wala. Sige babalik na ako sa room namin,” paalam nito at dali-daling umalis. Napa-iling nalang ako at pumasok na sa kwarto namin. Ni-lock ko muna ang pinto bago mahiga sa gitna nina Wave at Shaun. Gosh first time kong makatabi si Wave sa pagtulog!

Hindi ako sanay matulog nang nakatagilid paharap sa kaliwa kaya sa kanan ako humarap kung saan nakahiga si Shaun. Nakatalikod ito sa akin at mahimbing na ang tulog nito. Niyakap ko ang likod niya at itinanday ang isa kong paa sa kanya hanggang sa nakatulog ako sa gano’ng posisyon. Palagi ko naman ‘tong ginagawa kapag nag-s-sleep over kaming lima sa bahay kaya okay lang ‘to sa kanya MWEHEHEHE.

***

Nagising ako dahil naramdaman kong may gumalaw sa harap ko. I opened my eyes only to see Wave’s God-tier visual. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa at nakayakap pa ito sa akin. Kaunti nalang ay maghahalikan na kami kaya sa sobrang gulat ko ay naitulak ko ito.

“Aww… aish!” daing nito na ikinataranta ko. Dali-dali akong bumaba sa kama at tinulungan siyang tumayo.

“O-okay ka lang ba, Wave? Saan banda ang masakit? S-sorry, nagulat lang ako.”

Nakahawak ito sa likod niya kaya hinawakan ko rin iyon. Napadaing ito pagkatapos kong hilutin ang parteng iyon.

“S-sorry talaga, Wave.”

Nilingon ako nito sandali at agad na umiwas. “It’s fine,” sagot nito.

“No, it’s not,” pagkontra ko naman at umiling-iling. “B-baka—“

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang kumalabog ang pinto ng kwarto namin at humahangos na pumasok si Angelo sa loob.

“Pres! N-natagpuan si A-Angeline sa m-may talon.” Tumigil muna siya sandali at hinabol ang hininga niya. “S-sa may talon, Pres!”

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Anong nangyari kay Angeline?” I asked. Masama ang kutob ko sa maaari niyang sagot.

“S-si A-Angeline…”

“P-patay na!”

Nagkatinginan kami ni Wave at nagmadaling pumunta sa talon kasama si Angelo. Maraming tao ang nagkukumpulan doon kaya kailangan pa naming makiraan sa kanila.

Nanindig ang balahibo ko nang makita ang wala nang buhay na katawan ni Angeline na nakahilata sa malaking bato sa gilid ng taon. Basag na basag ang mukha nito at bali pa ang isa nitong kamay. Ang tubig na malapit sa bato na kinaroroonan niya ay namantsahan na ng kanyang dugo. Tuyo na rin ang ilang dugo na nasa bato kaya malamang ay kagabi pa ito nangyari.

Lumapit kami kina Sir na sinusuri ang katawan ni Angeline. Hindi ko kayang tingnan ng matagal ang bangkay niya dahil naduduwal ako. She was brutally killed. Ni hindi na namin siya makilala kung hindi lang dahil sa hugis ng katawan niya.

The ambulance arrived together with two police officers. They took Angeline’s corpse and the two officers stayed for questioning. Isa-isa namang nagbigay ng pahayag ang mga taga rito.

“Ako ang unang nakakita sa dalaga,” sabi ng isang medyo may katandaang lalaki. “Maaga akong gumising kaninang umaga para sana maligo dito sa talon pero nakita ko ang babaeng iyon na nakahilata dito sa malaking bato.”

“Maraming dugo ang umaagos mula sa katawan niya kaya natakot ako at hindi nalang naligo. Nilapitan ko ang babae at muntik na akong atakihin sa puso nang makita ang kalunos-lunos na nangyari sa kanya,” dagdag nito. “Dali-dali akong pumunta sa Barangay Hall at sinabi kay Kapitan ang nakita ko.”

“Medyo nasanay na ako sa pangyayaring ‘to dahil ilang beses na ring may nangyaring ganitong krimen dito sa Purok namin,” saad naman ng isang ginang kaya napatingin kami sa kanya. “Ganyan na ganyan rin ang nangyari sa dalagang anak ni Pareng Roberto noong nakaraang buwan.”

Matapos makapagbigay ng pahayag ay bumalik na kami sa mansyon. Nakarating kay Ms. Pilgrim ang nangyari dito kaya inutusan niya si Sir. Cavalor na ibalik na kami sa school ngayong araw. Sinabihan rin kami ni Tito Zandro na sila nalang ang bahala sa mga gawain nila dito. Mas mabuti raw na umuwi nalang kami para wala nang iba pang madamay sa amin. Humingi rin ito ng patawad dahil sa sinapit ng kasama namin sa lugar nila at hindi daw siya titigil hangga’t hindi nakukulong ang may sala.

Pagsapit ng alas kwatro y media ay umalis na kami sa Barangay Pilapil. Nagulat pa si Sir Santos sa nangyari. Iyak naman nang iyak ang mga kaibigan at kaklase ni Angeline habang kami ay tahimik lang na nakaupo sa bus.

“Grabe naman ang nangyari kay Angeline,” komento ni Hazel habang kumakain ng Piattos. “Bakit naman kaya ginawa sa kanya ‘yon?”

“Baka natipuhan siya ng taga-roon,” huna ni Donna. “Mabuti nga’t pinabalik tayo agad.”

“Pero grabe namang pagtitipo ‘yan, nauwi sa patayan, hay naku!” ani Hazel. “Kawawa naman si Angeline.”

“Sayang at hindi pa tayo nakakatulong sa kanila,” Paris said.

“Oo nga e.”

Puro iyak lang ang narinig namin pagpasok namin sa loob ng classroom. Siguro ay sinabi na rin sa kanila ang nangyari kay Angeline. Marami rin siyang friends dito sa section namin pero ang pinagtataka ko ay bakit pati sina Camille ay umiiyak eh sa pagkakaalam ko ay hindi naman sila friends ni Angeline.

What is happening?

“Pres!” Tumakbo si Ysabelle papunta sa amin habang umiiyak. “S-si A-alyana…”

Nakaramdam ako ng kaba kaya agad hinanap ng mata ko si Alyana ngunit hindi ko ito makita. Huwag nilang sabihing—

“Wala na si Alyana! Patay na siya!” sigaw ni Bridgette at humagulgol. Napasapo ako sa noo ko at pinipigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata ko.

“B-bakit n-namatay si A-Alyana?” tanong ko at hinarap sila.

“Nakita siya n-namin kaninang u-umaga sa CR…” naluluhang sagot ni Neon. “N-nakatali ang mga kamay niya at p-paa sa kanyang likod. Tinahi ang b-bibig at talukap ng mga mata niya. nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili niyang d-dugo!”

“N-nakita namin ‘to sa kamay niya.” Inabot sa akin ni Winona ang isang yukot na papel. Dali-dali ko namang kinuha iyon mula sa kanya at binuksan. Muntik na akong matumba nang makita ko ang nakasulat sa papel. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Wave sa braso.

“This is just the beginning…” basa ni Hazel sa nakasulat sa papel. “Beginning?”

Ibig sabihin, may susunod pa… susunod pang biktima.

“I know I shouldn’t ask this question but...” Napatingin kaming lahat kay Ian nang magsalita ito.

“Who’s next?”


|•|end of chapter 3|•|
◍exoleyxion◍

Suho is in Dubaiiii!

Anyway, how's this chapter? Hehehehe...

<3

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 28.3K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
83.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book ļ¼ƒ1 || Not your ordinary detective story.
854K 41.3K 57
[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's own version of hell. Can you stay alive...
30.1M 996K 68
Erityian Tribes Series, Book ļ¼ƒ2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.